Philippine Normal University National Center for Teaching Education College for Teacher Development FACULTY OF EDUCATION SCIENCES Asignatura: Araling Panlipunan Baitang / Antas: Grade 8 Unang Markahan I. Layunin 1. Natutukoy ang limang tema ng heograpiya. II. Nilalaman 1. Paksa: Limang Tema ng Heograpiya 2. Sangguninan: Modyul ng Mag-aaral - Araling Panlipunan: Kasaysayan ng Daigdig, Rosemarie C. Blando, et. al., Vibal Group Inc., p. 10 – 14 3. Kagamitan: Laptop, Projector, Flashcards III. Pamamaraan Gawain ng Guro A. Panimulang Gawain - Klas, maaaring paki-ayos muna ang inyong mga upuan at pulutin ang mga kalat. - Nais ko munang magsipagtayo ang lahat, okay Aldrin mangyaring pamunuan mo ang ating panalangin. - Maraming salamat! Maaari ng maupo ang lahat. - Magandang araw mga bata! - Bago natin simulan ang ating panibagong aralin, ating balikan ang mga natutunan ninyo sa mga nakaraang leksyon. - Alam nyo ba ang larong 4pics, 1 word? - Okay, magpapakita ako ng apat na larawan at huhulaan ninyo kung ano ang isang salita na akma para rito. Mangyaring itaas lamang ang kanang kamay ng kung sino ang nakakaalam ng sagot. - Maliwanag? 1. Balik-Aral (4 gifs, 1 word)
Gawain ng Mag-aaral
- Amen. - Magandang umaga din po titser.
- Opo.
- Opo.
-
Japan!
Page 1 of 8
-
-
Singapore!
-
India!
-
South Korea!
-
Philippines!
Magaling mga bata!
2. Pagganyak (KantaHula) -
-
-
-
-
Ngayon klas, maaari bang magbilang kayo mula isa hanggang apat, simulan mo Henry. Lahat ng unang bilang magsama-sama, ganoon din ang ikalawa hangggang ika-apat. Mapapansin ninyo na hinati ko kayo sa apat na pangkat. Upang magising ang lahat, nais nyo ba ng isang laro? Sige, ang bawat pangkat ay may mga flashcards na may pamagat ng kanta. Magpapakita ako ng mga simbolo o clues at kailangang buuin nyo bilang titulo ng isang awit. Gaya nito... (magpapakita ng halimbawa) Ang unang pangkat na makakakuha ng hand clapper ang siyang may pagkakataong sumagot.. Ang mga hindi naman ay aawit or isasayaw ang mga kasagutan. Ang unang pangkat na maka-tatlong puntos ang siyang panalo. Maliwanag po ba ng direksyon? Kung gayon, handa na ba ng lahat? Mahuhusay! Magaling pangkat ____. Bigyan sila ng Magaling Clap. Okay, mukhang gising at masigla na ang lahat. Handa na kayo para sa ating panibagong paksa?
- Opo!
- Opo, titser! - Opo! (limang palakpak para nanalong palakpak, “Magaling!”) - Opo.
Page 2 of 8
B. Paglinang ng Aralin 1. Paghahabi sa layunin ng aralin (Geopardy Board) - Ngayon klas, tumingin tayong lahat sa pisara. - Makikita natin ang geopardy board na naglalaman ng iba’t-bang salita. Nais kong gumawa kayo ng mga pahayag gamit ang mga salitang makikita ninyo rito. - Umpisahan natin kay… (tatawagin ang estudyanteng unang nag-taas ng kamay)
-
2. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin - Ngayon, klas, kaugnay ng ating ginawang aktibidad, ang ating tatalakayin ngayon ay patungkol sa “Limang Tema ng Heograpiya”. - Mayroon ba sa inyo ang makapagbibigay-kahulugan sa salitang HEOGRAPIYA? - Salamat sa inyong mga kasagutan. Ang Heograpiya ay tumutukoy sa pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigidig. Para mas maunawaan natin kung ano ba talaga ito, ating tutukuyin kung anu-ano ang limang tema ng Heograpiya.
(Magbibigay ng iba’t-ibang pahayag ang mga mag-aaral)
(Magbibigay ng iba’t ibang kahulugan ang mga mag-aaral.)
3. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1 - Ngayon, may makikita tayong krosita sa harap. - Sa loob nito ay ang mga tema ng heograpiya, ating alamin kung anu-ano ang mga ito. Simulan mo nga… (Ipapakita ng guro ang mga flashcard na naglalaman ng mga Tema)
-
Ga mi t
-
Lokasyon Lugar Rehiyon Interaksyon Paggalaw
ang mga salitang nakita sa krosita, ating suriin kung anong tema ng heograpiya ang makikita sa bawat larawan o sitwasyong aking ipapakita. (Magpapakita ng iba’t-ibang larawan / sitwasyon, tutukuyin ng mga magaaral kung anong tema ito)
Page 3 of 8
-
Unang Larawan – Tema: Lokasyon
-
Lokasyon!
-
Lugar
-
Rehiyon
-
Tama! Ang Lokasyon ang tumutukoy sa kinaroroonan ng mga lugar sa daigdig. Ito ay may dalawang pamamaraan sa pagtukoy, absolute na lokasyon ito ay yung may mga digri at relatibong lokasyon., ito ay yung mga karagatan at lupain na nakapaligid sa lugar.
-
Pangalawang Larawan – Tema: Lugar
-
-
-
-
Tama! Ito ay lugar. Ang lugar ay tumutukoy sa katangiang natatangi sa isang pook. Maaring matukoy ang lugar sa pamamagitan ng klima, mga anyong lupa at anyong tubig. Ito ay tinatawag na Katangian ng kinaroroonan. Maaari rin naman itong matukoy sa pamamagitan ng wika o relihiyon ng mga tao. Ito ay tinatawag na katangian ng mga taong naninirahan. Pangatlong Larawan – Tema: Rehiyon
Ito naman ang temang rehiyon. Ito ay tumutukoy sa bahagi ng daigdig na pinagbubuklod ng magkakatulad na katangiang pisikal o kultural.
Page 4 of 8
-
Pang-apat na Larawan – Tema: Interaskyon ng Tao sa Kapaligiran
-
Ang interaksyon ng tao at kapaligiran naman ang tumutukoy sa kaugnayan ng tao sa katangiang pisikal ng lugar na kaniyang kinaroroonan
-
Pang-limang Larawan – Tema: Paggalaw
-
-
-
Interaksyon ng Tao sa Kapaligiran
-
Paggalaw
Tama! Ang paggalaw naman ay tumutukoy sa paglipat ng tao mula sa kinagisnang lugar patungo sa bagong lugar. Halimbawa nito ay ang ating mga magigiting na OFW
4. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2 - Ngayon naman, bibilang tayo ng 1-5 - Ibibigay ko sa inyo ang mga flash card na ito at sa likod ay merong mga activity na gagawin upang maipakita ang tema na na-assign sa inyong grupo. - Ibibigay sa unang pangkat ang temang lokasyon. Activity: Drawing - Ibibigay sa pangalawang pangkat ang temang lugar. Activity: Pagbuo ng tula - Ibibigay sa pangatlong grupo ang temang rehiyon. Activity: Acronym ng Rehiyon - Ibibigay sa pang-apat na grupo ang temang interaksyon sa kapaligiran. Activity: Tableau - Ibibigay sa pang-limang grupo ang temang paggalaw. Activity: Dula-dulaan 5. Paglinang ng kabihasnan (Presentasyon ng grupo)
Page 5 of 8
Gawain ng Guro C. Pangwakas na Gawain a. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay - Bilang isang mamamayan, ano ang kahalagahan ng pagtukoy ng limang tema ng heograpiya ng kinabibilangang bansa? Gamitin ang salitang TEMA sa pagsagot. - HALIMBAWA: T – tumutulong sa pagtuklas ng mga katangiang natatangi sa lugar na kinabbilangan. E – eksaktong lokasyon ng kinabibilangang lugar ay maibibigay M – magkakaroon ng kamalayan sa relihiyon ng kapwa. A – aktibong interaksyon ng tao sa kapaligiran ay maipapalaganap.
Gawain ng Mag-aaral
b. Paglalahat ng Aralin - Okay klas, manatili kayong lahat sa inyong upuan kasama ang inyong mga kagrupo. - Bilang paglalahat, ating suriin kung anong tema ng heograpiya ang tinutukoy ng bawat depinisyon. - Itaas lamang ang flash card ng sa tingin niyo ay tamang sagot. - (Magbibigay ng flash card na may nakasulat na tema) - (Magpapakita ng iba’t-ibang depinisyon, tutukuyin ng mga mag-aaral kung anong tema ito) 1. Ito ay tumutukoy sa kinaroroonan ng mga lugar sa daigdig at ang dalawang pamamaraan sa pagtukoy nito ay ang absolute na lokasyon at relatibong lokasyon. 2. Ito ang tumutukoy sa kaugnayan ng tao sa katangiang pisikal ng lugar na kaniyang kinaroroonan 3. Ito tumutukoy sa paglipat ng tao mula sa kinagisnang lugar patungo sa bagong lugar. 4. Ito ay tumutukoy sa bahagi ng daigdig na pinagbubuklod ng magkakatulad na katangiang pisikal o kultural. 5. Ito ay tumutukoy sa katangiang natatangi sa isang pook at may dalawang pamamaraan ng pagtukoy, ito ay ang katangian ng kinaroroonan at katangian ng mga taong naninirahan.
-
Lokasyon
-
Interaksyon ng tao at kapaligiran Paggalaw
-
Rehiyon
-
Lugar
IV. Pagtataya (Two Truths and a Lie) Tukuyin sa mga sumusunod na pahayag ang nagsasabi ng mali patungkol sa binigay na tema ng heograpiya. 1. Lokasyon: a. Isang halimbawa nito ay ang mga dagat na nakapaligid sa Pilipinas, ang West Philippine sea o South China Sea, Celebes Sea, at Sulu Sea b. Ito ay may tatlong pamamaraan sa pagtukoy; absolute, relative, at obsolete. c. Maaari ring matukoy ito sa pamamagitan ng mga islang nakapaligid sa isang bansa. 2. Lugar: a. Ito ay matutukoy sa pamamagitan ng klima, anyong lupa at anyong tubig na natatangi sa isang lugar. b. Halimbawa ng pamamaraan sa pagtukoy nito ay ang katangian ng kinaroroonan. c. Isang batayan ng katangian ng kinaroroonan ay ang wika at relihiyon ng mga taong naninirahan dito. Page 6 of 8
3. Rehiyon: a. Ito ay bahagi ng daigdig na pinagbubuklod ng magkakatulad ng katangiang pisikal o kultural. b. Isang halmbawa nito ay ang mga bansa sa Timog-Silangang Asya. c. Kabilang sa iisang rehiyon ang bansang Turkey at Thailand. 4. Interaksyon ng Tao sa Kapaligiran: a. Ito ay tumutukoy sa kaugnayan ng tao sa katangiang pisikal ng lugar na kaniyang kinaroroonan b. Hindi naman kailangan na palaging makiayon ang mga tao sa pagbabago sa kanyang kapaligiran. c. Kapaligiran ang pangunahing pinagkukunan ng mga pangangailangan ng tao. 5. Paggalaw: a. Halimbawa nito ang mga magigiting na OFW. b. Ito tumutukoy sa paglipat ng tao mula sa kinagisnang lugar patungo sa bagong lugar. c. May dalawang uri ng distansya ang lufgar ito ay ang linear o gaano kalayo ang isang lugar at time o gaano katagal ang paglalakbay. V. Takdang Aralin 1. Pumili ng isang bansa na bibigyang-pansin at suriin ang kalagayang heograpikal na napiling bansa ayon sa limang tema ng heograpiya. Gamitin ang flower chart sa pagsagot sa Gawain.
Lokasyon
Lugar
Rehiyon
(BANSANG NAPILI)
Interaksyon Ng tao at kapaligiran
Paggalaw
2. Paano nakatulong ang limang tema na ito sa pag-aaral ng Heograpiya ng isang bansa?
Page 7 of 8