Republika ng Pilipinas Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon V-Bicol Division ng Camarines Norte Malamasusing Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Ika-24 Oktubre, 2015 I.
Mga Layunin: Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang: 1. Natutukoy ang magiging bunga ng wastong pamamahala at hindi wastong pamamahala ng mga pangunahing emosyon. EsP8P-IIe-7.1 2. Nabibigyang halaga kung paano nakaiimpluwensya ang isang emosyon sa pagpapasya sa isang sitwasyon na may krisis, suliranin o pagkalito EsP8P-IIe-7.2 3. Napangangatwiranan na ang pamamahala nang emosyon sa pamamagitan ng pagtataglay ng mga birtud ay nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili at pakikipagkapwa.tulad ng katatagan (fortitude) at kahinahunan/pagtitimpi (prudence). EsP8P-IIf-7.3 4. Naisasagawa ang mga angkop na kilos upang mapamahalaan nang wasto ang emosyon EsP8P-IIf-7.4
II.
Nilalaman: Paksang Aralin: Modyul 7: Emosyon Sanggunian: Modyul sa ESP 8 p. 166-226; google.com Kagamitan: Mga mukha ng emosyon, visual aid, wheel of emotion, kopya ng bukas na liham, kopya ng teksto,video
III.
Pamamaraan: A. Panimulang Gawain 1. Paghahanda Pambungad na Panalangin Pagbati Pagpuna sa kalinisan ng lugar Pag-uulat/Pagtala ng liban sa klase Pagbabalik-aral Pagpapakilala ng layunin ng aralin B. Paglinang na Gawain Pagganyak na Gawain Pagtuklas. Itatanong sa mag-aaral kung ano ang kanilang nararamdaman sa kasalukuyan. Papipiliin sila ng mukha ng emosyon na maaring magrepresenta ng kanilang nararamdaman sa oras na iyon at ipapaliwanag nila ito. Paunlarin.. Sasabihin sa klase na dapat silang mag-saya sapagkat may isang bukas na sulat ang naiparating sa kanilang klase. Magtatanong kung sino sa mga mag-aaral ang pwedeng magbasa ng sulat para sa buong klase. Ipoproseso sa kanila ang binasang sulat. C. Paglalahad. Pagbasa ng Teksto. Papangkatin ang mga mag-aaral at babasahin at susuriin nila ang ibinigay na teksto na may kinalaman sa aralin. D. Pagtalakay (Talakayan gamit ang Gradual Psychological Unfolding) Ano para saiyo ang emosyon?
Anu-ano ang mga uri ng damdamin ayon sa isang sikolohista na si Scheler? Anu-ano naman ang mga pangunahing emosyon ayon kay Ester Esban?Ano ang napansin mo sa unang hanay? (kailangan ng pagtitimpi) Ano naman ang masasabi mo sa ikalawang hanay ng mga emosyon? (kailangan ng katatagan)Ano ang tawag kapag may wastong pamamahala ang tao sa kanyang emosyon? Magbigay ng mga maaring mangyari kapag hindi napamahaalaan ng wasto ang emosyon? Sa paanong paraan natin nagagamit ang ating mga emosyon? Bakit nakatutulong ang emosyon sa ating pakikipag-ugnayan sa kapwa? Paano mo mapamamahlaan ng wasto ang iyong emosyon. Magbigay ng mga hakbang. E. Paglalahat Paano nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili at pakikipagkapwa ang wastong pamamahala ng mga pangunahing emosyon? Ano ang kahalagahan ng pagtataglay ng mga birtud sa wastong pamamahala ng emosyon? F. Paglalapat/Pagpapahalaga Ang bawat lider ng grupo ay iikot ng wheel of emotions. Bawat emosyon ay may kalakip na sitwasyon. Gagawan nila ito ng mungkahi o paraan upang magkaroon sila ng wastong pamamahala sa sitwasyon o emosyong natapatan ng roleta. IV.
Pagtataya
sa tapat ng kaisipan na palagay mo ay sinasang-ayunan mo at malungkot na mukha sa hindi.
I .Iguhit ang larawan ng masayang mukha
_____ 1. Nagdudulot ng magandang pakikipag-ugnayan sa kapwa ang wastong pamamahala ng emosyon. _____ 2. Ang pagtitimpi ay mahalaga upang makaiwas sa gulo. _____ 3. Nag-away-away ang mga taong hindi marunong magkontrol ng emosyon. _____ 4. Ang emosyon ay pagiging manhid sa nangyayari sa paligid.
II. Isulat ang Tama kung wasto ang pangangasiwa ng emosyon at Mali kung hindi ito wasto. 5. Kinausap ni Aida ng pribado si Fe ng malaman nya na may sinasabi ito tungkol sa kanya. 6. Sinagot-sagot ni Arnold nang pabalang-balang ang ama nang malamang may balak pala itong iwan sila upang magtrabaho sa ibang bansa. 7. Hindi sinisi ni Mark ang ama sa pagkamatay ng kanyang ina mula noong sila’y iwan nito III. Ipaliwanag { 3 puntos} Paano nakatutulong ang birtud ng pagtitimpi at katatagan sa pamamahala ngiyong emosyon? V.
Kasunduan/Takdang Gawain 1. Sa inyong journal isulat ang inyong repleksyon sa araling ating tinalakay Modyul 7
-Emosyon Rubric sa Pagmamarka ng Journal Kraytirya Presentasyon
Organisasyon
Plano ng pagsasagawa
Napakahusay 4 Malikhaing nailahad ang nilalaman ng repleksyon. May maayos na daloy at nauunawaan ang sanaysay Organisado, simple at may tamang pagkakasunodsunod ng ideya. Malinaw ang daloy at organisado ang paglalahad ng kaisipan Nagbigay ng mga paraan kung paano nya binabalak maggamit ng natutunan sa sariling buhay
Mahusay 3 Nalilinang 2 Maayos na Hindi gaanong nailahad ang nailahad ang repleksyon replesyon
Nagsisimula 1 Hindi maayos na nailahad ang repleksyon
Malinaw at maayos ang presentasyon ng ideya. Malinaw ang daloy sa paglalahad ng kaisipan.
May mga bahagi na Hindi maayos ang hindi gaanong presentasyon ng malinawang pagsasagawa. paglalahad ng kaisipan.
Nagbigay ng isang paraan kung paano nya binabalak maggamit ng natutunan sa sariling buhay
Hindi gaanong malinaw kung paano nya magagamit ang leksyon sa sariling buhay.
Hindi naisalaysay kung paano nya magagamit ang leksyon sa sariling buhay.
Inihanda ni: NORALYN V. TOLEDO Demo Teacher
Noted: ARISTOTLE S. DECENA Principal ANHS
SUSANA SALCEDO Principal II –MIS
RONNIE AGUILAR School Head PPHS
MAGDALENA VILLARIN OIC VLBMHS
MILAGROS TINDOY Principal II - CNNHS