Ang Ingklitik.docx

  • Uploaded by: Novelita Figura
  • 0
  • 0
  • May 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Ang Ingklitik.docx as PDF for free.

More details

  • Words: 1,422
  • Pages: 9
Ang INGKLITIK ay mga kataga o salitang ginagamit sa pagdaragdag ng kahulugan sa mensahe ngunit ang mga salita ay maaring kaltasin sa pangungusap nang hindi masisira ang kahulugan nito.

Maari ding gamitin ang ingklitik sa pagbibigay ng iba't ibang kahulugan sa paraan ng pangungusap o palagay.

(Halimbawa ng mga Inklitik: na,pala,nga, sana, daw,raw,pa, muna, ba,yata,lamang etc..)

Halimbawa: Aalis ka na? Naghihintay ba siya ngayon? Dumating nga pala ang tita kanina. May pupuntahan ka pala? Hinihintay mo pala siya? Panuto: Punan ang patlang ng angkop na ingklitik. Piliin ang titik lamang.

Gamit ng ingklitik sa pangungusap Multiple-choice exercise

1 Sana nagkita _____ lamang tayo bago ka umalis papunta diyan sa probinsiya. yata na man

2 Ang dyamanteng alahas ay minana _____ niya sa kanyang mga magulang. pa muna tila

3 Gising na _____ ang alaga kong pusa. muna tila yata

4 Nagmadali _____ umalis ang aking bisita dahil sa mababangis mong aso. tuloy

naman sana

5 Hilaw pa _____ ang sinaing ko. yata sana lang

6 _____ magkaroon na ng katahimikan, kapayapaan at pagkakaisa sa buong mundo. Muna Lamang Sana

7 Makabuluhan din _____ ang sinabi ng ating pangulo tungkol sa ating ekonomiya. naman tila lamang

8 Sa kanila na _____ tayo maghapunan pagkagaling sa paaralan. yata raw tila

9 Mula pagkabata, hindi na siya mahilig kumain ng gulay _____ naman lumaki siyang sakitin. tila kaya sana

10. Dapat _____ nating bayaran ang mga gamit na iyan bago tayo kumuha ulit ng bago. muna tila sana

Panuto: Punan ang patlang ng P kung ang pangungusap ay payak at T kung ang pangungusap ay tambalan.

Pagkilala sa payak at tambalang pangungusap Gap-fill exercise

P Narinig ko ang mga sigawan at palakpakan ng mga nanalong manlalaro. P Mas mahusay siyang tumugtog ng gitara kaysa sa piyano. P

Maiiwan ka ba dito sa bahay o sasama ka sa palengke?

T Mataba man ang batang iyon, mabilis pa rin siyang tumakbo. T

Naging matampuhin at iyakin ang anak nina Teddy at Rose nang manirahan sila sa Pransya. T

Ayon sa aking matalik na kaibigan, hindi raw mahirap pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho. T Handa na siyang bumigkas ng tula at handa na rin siya sa paligsahan. P

Nagsisimula nang magsalita ang guro ngunit patuloy pa rin sa pag-iingay ang mga maliliit na bata. T

Ang sinumang unang makatapos ng poster at makapagkabit nito sa pasilyo ay bibigyan ng gantimpala.

T

Katulong ni Mang Cosme ang kanyang kalabaw sa pag-aararo ng lupa at pagdadala ng mabibigat na bagay.

Panuto: Kilalanin ang mga nasa loob ng panaklong. Isulat sa patlang ang M kung ito ay malayang sugnay at P kung ito ay pantulong na sugnay.

Sugnay na bumubuo sa tambalan at hugnayang pangungusap Gap-fill exercise

M (Malinis ang pook-pasyalan sa aming barangay) kaya maraming pamilya ang namamasyal tuwing Linggo. P Hindi siya nakapasok sa paaralan (dahil sa malubhang karamdaman). M

(Habang nanonood ng telebisyon ang buong mag-anak), kumaripas ng takbo ang nakaalpas na aso. P (Dahil kay Lino), umalis ng bahay ang matalik niyang kaibigan. M Kung mapapatunayan ang nasabing bintang, (siya mismo ang magdidisiplina sa kanyang anak). M (Ang aso ay isang matapat na kaibigan) at mapagkakatiwalaang bantay sa bahay. P (Nang magawi siya sa dating lugar), napansin niya kaagad ang mabilis na pag-unlad ng bayan. P (Sapagkat likas sa kanya ang pagiging Pilipino), hindi naging mahirap ang pagtulong niya sa mga kapos-palad na kababayan. M (Lubhang mapanganib ang may alagang ahas sa bahay) baka bigla itong manuklaw. P Isara mo ang radyo (kapag dumating ang bisita).

Panuto: Piliin ang titik ng wastong pangatnig na bubuo sa bawat hugnayang pangungusap.

Hugnayang pangungusap Multiple-choice exercise

1 Tawagan mo lamang ako _____ nakapagdesisyon ka na hinggil sa bagay na iyan.

sakaling upang dahil sa

2 Ang pag-aaral sa silid-aklatan ay dapat gawin nang tahimik _____ hindi maabala ang iba. upang sapagkat dahil sa

3 Totoong pinahanga niya ang lahat _____ pinatunayan niyang hindi imposible ang tagumpay sa isang masikap at matiyagang indibidwal. sakaling sapagkat upang

4 Lagi na lamang umaatake ang kanyang sakit _____ mainit ang panahon. nang tuwing upang

5 Si Abraham ay namumuhay nang may pagmamahal sa kapwa ____ naman pinagpapala siya ng Diyos.

sakali datapwat kaya

6 Makakabawi pa rin ang ating ekonomiya mula sa pagkabagsak ____ magtutulong-tulong ang bawat isa.

upang kung sapagkat

7 _____ sobrang pagkaawa, ibinigay niya ang kinakain niyang tinapay sa batang pulubi. Dahil sa Sapagkat sa Bukod sa

8 Maaayos ang gulong ito _____ hahayaan nilang makapagsalita ang bawat panig. nang

upang kung

9 Inaasahan kong iiral pa rin ang batas _____ makalabas man siya ng bansa. pagka dahil sa sakaling

10 Kailangan mong ideposito sa bangko ang perang iyan _____ sa ganun ay magkaroon pa ito ng interes.

nang sapagkat

anuto: Pagtapatin ang gamit/kahulugan sa hanay A sa angkop na inklitik sa hanay B.

Pagtukoy/paggamit ng ingklitik Matching exercise

pag-uulit ng nalalaman o narinig

daw

:-)

paglalahad ng pagsasama sa pangkat

rin

:-)

pananda sa pagtatanong

ba

:-)

ginagamit kung hindi pa natatapos ang pasya, kilos o gawain pa

:-)

ginagamit sa paglilimita sa sinabi

lamang

:-)

naglalahad ng pagnanais o ng panghihinayang

sana

:-)

ginagamit kung natapos na ang pasya, kilos o gawain

na

:-)

pagsasaad ng hindi sukat akalain

pala

:-)

pagbibigay-diin sa nais ipahayag

nga

:-)

Panuto: Suriin ang mga pangungusap. Isulat sa patlang ang P kung ang pangungusap ay payak, T kung ang pangungusap ay tambalan, at H kung ang pangungusap ay hugnayan.

Pangungusap ayon sa kayarian Gap-fill exercise

T Isang malakas na lindol ang naganap ngunit naging mahinahon pa rin ang mga tao. P Itinuturing ang Nueva Ecija na isang kamalig ng palay sa Gitnang Luzon. H Napilitan siyang magsinungaling dahil sa kahirapan. H Kung patuloy na magtataas ang halaga ng dolyar laban sa piso, tuluyan nang maghihirap ang Pilipinas. T

Pagkatapos ng malaking dagok sa kanilang pamilya, buong tapang nilang hinarap ang buhay ng sama-sama. P Sa Vigan matatagpuan ang ilan sa mga matatandang simbahan sa Pilipinas. T Isang kasiyahan ang mamasyal sa probinsiya at bisitahin ang malalapit na kamag-anak. T Si Laura ay tahimik ngunit siya ay isang mabuting kaibigan. H Ang sapatos niya ay bagong bili kaya ingat na ingat siya na huwag itong maputikan. P Ang kababaang loob ay likas sa kanilang pamilya.

Panuto:

Suriin ang mga pangungusap. Isulat sa patlang ang mga sumusunod: P kung ang pangungusap ay payak T kung ang pangungusap ay tambalan H kung ang pangungusap ay hugnayan

Pangungusap ayon sa kayarian Gap-fill exercise

H

Isang malakas na lindol ang naganap ngunit naging mahinahon pa rin ang mga tao. P Itinuturing ang Nueva Ecija na isang kamalig ng palay sa Gitnang Luzon. H Napilitan siyang magsinungaling dahil sa kahirapan. H Kung patuloy na magtataas ang halaga ng dolyar laban sa piso, tuluyan nang maghihirap ang Pilipinas. P

Pagkatapos ng aksidente, buong tapang niyang hinarap ang mga salarin. P Sa Vigan matatagpuan ang ilan sa mga matatandang simbahan sa Pilipinas. T Isang kasiyahan ang mamasyal sa probinsiya at bisitahin ang malalapit na kamag-anak. T Si Laura ay tahimik ngunit siya ay isang mabuting kaibigan. H Ang sapatos niya ay bagong bili kaya ingat na ingat siya na huwag itong maputikan. P Ang kababaang loob ay likas sa kanilang pamilya.

Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon V Division of Camarines Sur MALAWAG NATIONAL HIGH SCHOOL Malawag, Nabua, Camarines Sur

IKALAWANG BUWANANG PAGSUSULIT Filipino 10 Set - A

PANGKALAHATANG PANUTO: Basahin at unawain ng mabuti ang tanong.

KAHIT ANUMANG URI NG PAGBUBURA ay MALI. Panuto: Punan ang patlang ng angkop na ingklitik. Piliin ang titik lamang 1 2. 3 4 5 6 7 8 9 10.

Sana nagkita _____ lamang tayo bago ka umalis papunta diyan sa probinsiya. a. yata b. na c. man Ang dyamanteng alahas ay minana _____ niya sa kanyang mga magulang. a. pa b.muna c. tila Gising na _____ ang alaga kong pusa. a. muna b. tila c. yata Nagmadali _____ umalis ang aking bisita dahil sa mababangis mong aso. a. tuloy b. naman c. sana Hilaw pa _____ ang sinaing ko. a. yata b. sana c. lang _____ magkaroon na ng katahimikan, kapayapaan at pagkakaisa sa buong mundo. a. Muna b. Lamang c. Sana Makabuluhan din _____ ang sinabi ng ating pangulo tungkol sa ating ekonomiya. a. naman b. tila c. lamang Sa kanila na _____ tayo maghapunan pagkagaling sa paaralan. a. yata b. raw c. tila Mula pagkabata, hindi na siya mahilig kumain ng gulay _____ naman lumaki siyang sakitin. a. tila b. kaya c. sana Dapat _____ nating bayaran ang mga gamit na iyan bago tayo kumuha ulit ng bago. a. muna b. tila c. sana

Related Documents


More Documents from "Princess Bernadette Anillo"