ANG ASO AT ANG UWAK Ang ibong si Uwak ay lipad ng lipad Nang biglang makita tapang nakabilad Agad na tinangay at mulling lumipad Sa dulo ng sanga ng malagong duhat. Habang kumakain si Uwak na masaya Nagpakubli-kubli nang huwag makita Nang iba pang hayop na kasama niya At nang masarili kinakaing tapa. Walang anu-ano narinig ng Uwak Malakas na boses nitong Asong Gubat “Sa lahat nang ibon ika’y naiiba Ang kulay mong itim ay walang kapara”. Sa mga papuri nabigla ang Uwak At sa pagkatuwa siya’y humalakhak; At ang kagat na karne sa lupa’y nalaglag Kaagad nilundag nitong Aso Gubat At ang tusong aso’y tumakbong matulin Naiwan si Uwak na nagsisi man din “Isang aral ito na dapat isipin Ang labis na papuri’y panloloko na rin”.
ANG MADALDAL NA PAGONG Isang umagang maganda ang panahon na nagkita-kita sa tabing-sapa ang magkakaibigang si Pagong Daldal,, si Abuhing Gansa at si Puting Gansa. Nagkuwentuhan sila,di nagtagal nagpaalam ang magkapatid na gansa. “Isama niyo naman ako sa inyong tirahan sa kabilang ilog” pakiusap ni Pagong Daldal. “E, paano ka naming maisasama ay wala ka namang pakpak at hindi ka makakalipad?” wika ni Abuhing Gansa. “Oo nga,”wika ni Pagong Daldal na halatang lungkot na lungkot.
“Sandali may naisip ako,” wika Puting Gansa. Maiisama ka naming kung susunod ka sa aking sasabihin.” “Salamat. Ipapangako kong susunod ako sa ipag-uutos ninyo,” wika ni Pagong Daldal. Kumuha ng patpat si Puting Gansa at saka ipinaliwanag ang dapat gawin ni Pagong Daldal. Kakagatin mo itong patpat sa gitna. Kakagatin naman naming ni Abuhing Gansa ang magkabilang dulo at saka tayo lilipad. Kaya lamang, ito ang tatandaan mo. Huwag na huwag ka magsasalita kung hindi ay mahuhulog ka at lalapak sa lupa. “O, hala. Tayo na, kagatin mo na ang patpat, kaibigang Pagong,”wika ni Puting Gansa.” Tandaan mo,huwag kang magsasalita. Wala kang pakpak at kapag nakabitiw ka, tiyak na lalagpak ka sa lupa.” “Hindi ako magsasalita,”pangakong muli ng Pagong Daldal. Kinagat ni Abuhing Gansa ang isang dulo ng patpat at ang kabilang dulo ay kinagat ni Puting Gansa. At sila ay lumipad na. Tuwang-tuwa si Pagong Daldal nang nasa ibabaw na sila ng mga punong kahoy! Waring naakyat sa langit ang pakiramdam ni Pagong Daldal. Nakita ng mga batang nagsisipaglaro sa parang ang lumilipad na pagong. Naghiyawan sila sa tuwa at itinuro nila ang pagong na kagat-kagat ang patpat! “Tignan ninyo ang Pagong Daldal! Lumilipad!” “Ha!Ha!Ha!Ha!Ha!Ha!” Nagalit si Pagong Daldal. Hindi natapos ang iba pang sasabihin ng Pagong Daldal. Tuloy-tuloy siyang bumagsak sa lupa. “Kaawa-awang Pagong!” nawika na lamang ni Puting Gansa at ni Abuhing Gansa.
ANG MATAKAW NA ASO May isang asong salbahe at napakatakaw, wala na itong ginawa kung hindi ang mang-umit at mang-agaw ng pagkain sa maliliit na tuta. Isang araw habang siya ay naglalakad, ay umabot sa kanyang ilong ang masarap na amoy. At dahil siya ay nakaramdam na ng gutom, sinundan niya ang pinakamasarap na amoy. Patuloy siya sa paglalakad hanggang makasalubong niya ang isang maliit na aso. May kaat-kagat na buto ang tuta. Bigla niyang inangilan ang aso. Sinadya niyang umangil ng ubod ng lakas para lumabas ang kanyang matutulis na ngipin. Nagulat ang maliit na aso, sa labis na takot ay napanganga at nabitawan ang kagat-kagat na buto,saka kumaripas ng takbo papalayo. Natuwa ang matakaw na aso. Nagpalinga-linga siya sa pag-aalalang baka may malaking aso na makaamoy sa masarap na buto at maagawan siya at ipinasya niyang huwag muna itong kainin.bigla niyang kinagat ang buto at tumakbo papalayo sa lugar na iyon, hanggang sa makarating siya sa isang ilog. Habang naglalakad siya sa pampang ng ilog ay may nakita siyang isa pang aso, tingin niya ay mas maliit ito kaysa sa sakanya. Tulad niya ay may kagat-kagat din itong buto. Dahil alam niya na mas malaki siya at nakakalamang