Pagpapalawak Ng Pangungusap.docx

  • Uploaded by: Novelita Figura
  • 0
  • 0
  • May 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Pagpapalawak Ng Pangungusap.docx as PDF for free.

More details

  • Words: 642
  • Pages: 4
Pagpapalawak ng Pangungusap ►Ang panaguri at paksa ay panlahat na bahagi ng pangungusap. Ang bawat isa sa dalawang panlahat na mga bahaging ito ay maaaring buuin ng mga maliit na bahagi. Mga Nagpapalawak ng PANGUNGUSAP:

1. Mga Paningit Bilang Pampalawak - Mga paningit o ingklitik ang tawag natin sa mga katagang isinama sa pangungusap upang higit na maging malinaw ang kahulugan nito.

- Mga talaan ng ating mga paningit: ba din/rin pa kasi ho nga na lamang/ lang pala naman man po kaya muna tuloy daw/raw sana yata Ang mga katagang ka/ ko/ at mo/ ay maaring manguna sa mga paningit. Mga tuntunin sa wastong gamit ng mga paningit: 1.) Unang salitang may diin+ paningit 2.) Unang salitang may diin+ ka/ko/mo + paningit hal. 1.) Ang bata na ang tawagin mo. 2.) Kahit hindi man kayo matuloy ay dapat kang maghanda. 3.) Bakit ka nga ba hindi dumating? Mga paningit na malayang magpapalitan: daw at raw – ito’y ginagamit kapag ang sinusundang salita ay nagtatapos sa katinig, maliban sa mga malapatinig na /w/ at /y/. din at rin- ginagamit naman kapag ang sinusundang salita ay nagtatapos sa patinig o malapatinig. hal. 1.) Malaki raw ang hinihingi mo kaya hindi ka napagbigyan. 3.) Suwelduhan din daw ang ama niya. Ang lamang ay pormal nba anyo ng kolokyal na anyong lang. hal. 1.) Iabot mo lang sa akin ang peryodiko bago ka umalis.

2.) Isasangguni po lamang naming sa tagapangulo njg komite ang hinggil sa suliranin ng mga kasapi. 2. Mga Panuring Bilang Pampalawak 2 kategoriya ng mga salita ang magagamit na panuring: Pang-uri na panuring sa pangalan o panghalip. hal. Ang matalinong mag-aaral sa klase ko ay iskolar. Pang-abay na panuring sa pandiwa, pang-uri o kapwa pang-abay. Hal. Umalis agad ang mag-anak.

3. Mga kaganapan ng Pandiwa Bilang Pampalawak 1.) Kaganapang ganapan ng kilos ng pandiwa hal. Nagpiknik ang mag-anak sa tabing-dagat.

2.) Kaganapang kagamitan sa kilos ng pandiwa Hal. Sinugpo niya ang mga kulisap sa kanyang mga pananim sa pamamagitan ng bagong gamut na ito.

3.) Kaganapang direksyunal hal. Nagtanong si baby Linda kay Ben. 4.) Kaganapang sanhi hal. Yumaman siya dahil sa sipag at tiyaga. 5.) Kaganapang tagaganap hal. Pinagalitan ni Aling Maria ang kanyang anak. 6.) Kaganapang layon hal. Namili ng mga alahas si Josefina. 7.) Kaganapang tagatanggap hal. Nagluto si Pining para sa mga bata

1.) Atribusyon o Modipikasyon- May paglalarawan sa paksa ng pangungusap 2.) Pariralang Lokatibo/Panlunan- ang paksa ng pangungusap ay nagpapahayag ng lugar. 3.) Pariralang Nagpapahayag ngPagmamay - ari- gamit ng panghalip na nagpapahayag ng pagmamay-ari Dagli- sa Ingles sketches, nagmula ang maikling kwento- Arrogante (2007) - sitwasyong may mga nasasangkot na tauhan ngunit walang aksiyong umuunlad, gahol sa banghay, mga paglalarawan lamang. - isang salaysay na lantaran at walang timping nangangaral, namumuna, naunudyo, o kaya’y nagpapasaring.- napagkakamalang flash fiction o sudden fiction sa Ingles.- Dr. Reuel Molina Aguila - naunang nagkaroon ng dagli sa Pilipinas (1900s) bago pa man magkaroon ng katawagang flash fiction na umusbong noong 1990.- ngayon ay dagli ang nauusong estilo sa maikling kwento.- sitwasyon lamang- plotless- kwentong paspasan (Vicente Garcia Grayon,2007)- Wag Lang Di makaraos (Eros Atalia, 2011)- Bienvenido Lumbera - pambansang alagad ng sining, Angdagli sa panulat ni Eros Atalia ay may iba-ibang anyo at pakay. Nagpapatawa, nanggugulat, nakasusugat. - Atalia - walang isang pamantayan kung gaano kahaba ang isang dagli. Paraan ng pagsulat ng dagli1.) Magbigay tuon lamang sa isa: tauhan, banghay, tunggalian, diyalogo, paglalarawan ng matinding damdamin o tagpo.2.) Magsimula lagi sa aksyon3.) Sikaping magkaroon ng twist o punchline sa dulo4.) Magpakita ng kuwento, huwag ikuwento ang kuwento5.) gawing double blade ang pamagat.Pagsasaling Wika- paglilipat sa pinagsasaling wika na pinakamalapit na katumbas na diwa at estilong nasa wikang isasalin. Ang isinalin ay angdiwa ng talata at hindi ang bawat salita na bumubuo rito (Santiago, 2003).Mga Katangiang Dapat Taglayinng Isang Tagapagsalin1.) Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot.

Thi

Related Documents

Ng
May 2020 47
Ng Tw23
December 2019 32
Ng Sdh
July 2020 23
Ng Dr1
October 2019 44

More Documents from ""