ANG UNGGOY AT ANG KAMELYO Isang araw nang lahat ng hayop ay nasa kagubatan, ang unggoy ay pumasok sa loob ng bilog na guhit at nagsimulang magsayaw upang ipakita ang pagiintindi sa mga kaibigang hayop.Ang Unggoy ay mayroong nakakatuwang mga paa na kanyang ipinaglulundagan at mga kamay na ipinagkakawayan. Ang lahat ng hayop ay nagtawanan sa ginagawa ni Unggoy, pati ang Leon na kanilang pinkahari at napatawa rin ni Unggoy at nakalimutan na rin ni Leon na siya ay hari, dahil sa kasiyahan. Ngunit ang Kamelyo lamang ang hindi nasisiyahan sa ginagawa ni Unggoy. “Nagtataka ako kung bakit kayo’y tuwang-tuwa sa ginagawa ni Unggoy, samantalang wala namang nakakatawa” ang pahayag ni Kamelyo.” “Bakit hindi mo ipakita sa amin ang iyong magagawa katulad ng ginagawa ni Unggoy,” ang sabi ng lahat ng mga hayop. “Sige umpisahan mo ang magsayaw.” Ang Kamelyo ay napilitang magsayaw dahil sa kanyang mga sinabi mag hayop. At siya naman ang pumasok sa bilog na guhit at nagsimulang magsayaw “atras,abante ang kanyang ginawang pagsayaw, ang mga hayop ay nagsigawan ng boo! At pinagtulungan siya ng mga hayop, pinagkakalmot siya at wala siyang nagawa kundi tumakbo papunta sa disyerto. GINTONG ARAL
Huwag maging mayabang, upang mapansin ka ng iba.Lalo na kapag ikaw ay wala sa iyong teritoryo, sapagkat ikaw ay maaaring mapahamak o masaktan.