ANG BIYAYA AT ANG TAGUMPAY Napakalamig ng hangin. Nanginginig ako. Napakasakit ng aking mga kamay na naninigas na ang ugat sa tindi ng ginaw. Hindi ako mapakali sa gitna ng kadiliman ng gabi ng bagyo pagkat wala akong magawa. Sa tindi ng kabagutan ay nasulyapan ko ang bintana ng kwarto ko at napatingin sa buong kabahayan. Hanep. Wala pa lang kuryente. Naisip kong pumunta sa sala para paglaruan na lang ang mga tulo ng kandila. Pero nadapa ako, ang dilim-dilim kasi. Para akong palakang nakasubasob sa karimlan; Walang makita, bulag, nadapa at walang saksi. Iyan ang mga tipong damdaming nararamdaman ko sa tuwing walang makakapansin sa pinaghirapan ko. Wala naman akong hangad kundi maglibang pero masakit pa rin sa kalooban ko ang makitang hindi ko pa rin mahabul-habol ang tagumpay. Pagkabangon ko, ay nangapa-ngapa ako sa mga lamesa at upuan sa kwarto ko. Maigi na lang ay pamilyar ako sa pwesto ng aking kagamitan kundi, tiyak magsusunganba na naman ako. Ito ang tipong damdaming sumisigaw sa akin sa tuwing natutumba ako at nangangapang muling makabangon sa bawat paghihirap ng pagkabigo sa tagumpay ko. TAGUMPAY! TAGUMPAY! TAGUMPAY! Ano ba naming naidudulot nito sa akin? Anong magiging silbi ko sa mundo kung saka-sakaling magtagumpay ako? Ano ang tunay na tagumpay? Nasan ang tunay na tagumpay? Wooh… Ang daming tanong! Oo nga’t nakakasubok ka, pero ang hirap maging kontento sa buhay na sinasabing hindi patas. Kahit alam mong hindi pwedeng mangyari ay gagawin at gagawin mo ang lahat ng parran, magtagumpay ka lang sa buhay. Nanatili ang ginaw sa aking katawan, habang dahan-dahn akong bumababa sa hagdan naming para pumunta sa sala. Binibilang ko pa ang yabag ng aking mga paa sa hagdan ng sa ganon ay hindi na ako magdagasa. na naman. Tama na ang mga unang hinakbang ko pero… BOOG! ARAAAaaAAY! KULANG ANG BILANG KO! Nakinig ni Mama ang aking hiyaw sabay dala sa kandilang kukuhanin ko pa sana para paglaruan. Napilayan ako. Siguro, mga dalawang araw na rin akong nakahiga lang palagi dito sa kama ko. Nagmumuni-muni, nanghihinayan at naghihinakit. Hindi ako makapagsalita. Laging bumabalik-balik sa isip ko ang mga tinanto ko sa gabing walang kuryente, sa gabing ako’y nabulag. Ang manhid-manhid ko naman! Bakit hindi ko naisip na hintayin na lang magkakuryente? Bakit hindi ko na lang muna ipinagpaliban ang ilaw at magmukmok muna sa dilim?! Umaga na. May Kuryente na rin. At medyo nakakabwelo na ako sa paglalakad. Nakita ko rin ang kislap ng damuhan dahil sa mga naiwang hamog ng nagdaang bagyo. Nakita ko rin ang ang mga dahong nagsitumpukan sa ilalim ng mga puno habang
itinutulak ito ng hangin habang umiingay ang kalutungan nito. Parang ang saya-saya ng paligid, Ang ganda-ganda ng araw. Ang presko! Walang mali! Haay! Parang tagumpay na rin! Tagumpay na ni minsan hindi ko natangkang napansin. Mabiyaya ang mundo. Nakakalundkot dahil hindi ko ito nagawang ipasalamat. Lagi na lang akong humihindi, di naman nagbibigay. Mabibiya ang mundo. Pero di tulad ng Tagumpay. HINDI. Ano ba ang biyaya? Ito ay ang mga bagay na nariyan lang pala para pasayahin ka pero wala kang hingad kundi ang tagumpay, na hinagangad ang kasukdulan ng kawalan. Ito ay ang likas na ibinigay sa atin ng Diyos na nililinang at hindi dapat inaabuso. Ito ay ang tangi kong hinahangad na ikala kong tagumpay. Nagkamali ako, Nadapa, Nagsungaba, Nagdagasa, Gininaw, Nilamig, Nalumpo at Napilayan. Kung alam ko lang kung gaano kasimple ang hinahanap ko, e di hindi na ako sana bumaba sa hagdan para paglaruan ang tulo ng kandila. BAD DEBT