RAYNE ALLEN A. VALERA VII-Romans
SJNHS FILIPINO VII
ANG KABAYO AT ANG MANGANGALAKAL
Naghahatid ng dalawang sakong asin ang mangangalakal sa palengke at pinasan niya ito sa kanyang kabayo. Nadulas ang kabayo sa ilog ng sila’y naglalakad, tumapon ang asin, “Aba, gumaan ang aking pasan”, bulong ng kabayo sa sarili. Kinabukasan ay maghahatid silang muli sa palengke ng asin at ipinasan ng mangangalakal ang dalawang sako ng asin sa kabayo.
“Magpapadulas ako upang gumaan ang aking dala”, sabi ng kabayo sa sarili. Nagpadulas nga ang kabayo sa ilog upang tumapon ang ibang asin. At napansin ng mangangalakal and sadya niyang pagdulas. Kinabukasan ay nagpasan ang mangangalakal ng apat na balde ng alpombra sa kabayo. “Aba, mas mgaan ito kaysa sa dalawang sako ng asin, ngunit magpapadulas pa rin ako”, bulong ng kabayo. Nagpadulas ang kabayo subalit imbis na gumaan ay lalo pang bumigat ang pasan niya.
MENSAHE O GINTONG ARAL: Ang pagiging tuso ay may kapalit na panangga. Ang masamang balakin ay may katapat na kaparusahan.
Ang Cagayan de Oro ay binubuo ng mga katoliko at ito ang capital ng Misamis oriental na nasa Hilagang Mindanao.