PPI Community Press Awards
•Best Edited Weekly 2003 & 2007 •Best in Photojournalism 1998, 2005 & 2008
Mabuhay LINGGUHANG PILIPINO MULA PA NOONG 1980
ISSN–1655-3853 • MAY 22 - 28, 2009 • VOL. 30, NO. 21 • 8 PAHINA • P10.00
a rt angel
printshop
Printing is our profession Service is our passion 67 P. Burgos St., Proj. 4, QC 1109, Philippines (0632) 912-4852 (0632) 912-5706
Bundok ng Biak-na-Bato nauubos na sa pagmimina
NI DINO BALABO
LUNGSOD NG MALOLOS — Patuloy na nauubos ang bundok sa mineral reservation area ng Biak-na-Bato dahil sa pagmimina ng mamahaling tea rose marble doon gamit ang mga pampasabog, ayon kay Gob. Joselito “Jon-jon” Mendoza. Pinasinungalingan naman ng Rosemoor Mining and Development Corporation (Rosemoor) ang alegasyon ni Gobernador Mendoza na gumagamit sila ng pampasabog at iginiit na gumagamit na sila ngayon ng wire saw sa pagmimina. “Nakakabahala at nakakatakot na po ang nangyayari sa patuloy na iligal na pagmimina sa makasaysayang Biak-na-Bato sa mga bayan ng San Miguel at Donya Remedios Trinidad (DRT) sa silangang bahagi ng Bulacan. “Patuloy na pinasasabog at winawasak ang bundok na saksi sa kasaysayan hindi lamang ng mga Bula-
kenyo, kundi ng buong sambayanang Pilipino,” ani Mendoza sa isang bukas na liham. Ayon sa mga Bulakenyong nakabasa ng liham na ipinalabas nitong Abril, naglalayon itong maiparating sa mga Bulakenyo ang kalagayan sa Biak-na-Bato, bukod sa makaipon ng suporta mula sa taumbayan dahil hindi pinakinggan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang kahilingan ng gobernador na ipatigil ang pagmimina. Batay sa liham ni Mendoza, hindi siya tumitigil sa pagtutol laban sa pagwasak sundan sa pahina 6
NAUUBOS NA BUNDOK—Unti-unti nang nauubos ang bundok sa loob ng mineral reservation area ng Biak-naBato na matatagpuan sa Barangay Kalawakan, Doña Remedios Trinidad dahil sa patuloy na pagmimina ng mamahaling tea rose marble doon, na ayon kay Gob. Joselito “Jon-jon” Mendoza ay ginagamitan ng pampasabog. Itinanggi naman ang paratang ito ng Rosemoor
Mining and Development Corporation (Rosemoor) na nagsabing gumagamit sila ng wire saw sa pagtabas ng mga bloke ng marmol. Makikita sa itaas na larawan ang mga bloke ng marmol na animo’y mga nitso at sa ibabang larawan ang wiresaw habang pinaaandar ng mga manggagawa sa minahan. Kuha ng Mabuhay ang mga larawang ito noong Marso 30. — DINO BALABO
Mabuhay
2
MAY 22 - 28, 2009
LINGGUHANG PILIPINO MULA PA NOONG 1980
EDITORYAL
Talaga bang kailangan ng nuclear power plant? BALIKTANAW: Naiulat kamakailan ang panukala ni Kint. Mark Cojuangco ng Pangasinan na buhayin muli ang Bataan Nuclear Power Plant (BNPP). Narito ang editoryal tungkol dito sa sipi ng Mabuhay noong Marso 18-24, 1992. — Patnugot MAY garantiya ba na walang panganib na maidudulot ng kontrobersyal na Bataan Nuclear Power Plant (BNPP) kapag sinimulan ang pagpapatakbo nito? Sumulpot ang katanungan ito matapos magkaroon ng kasunduan sa labas ng korte ang pamahalaang Aquino at ang Westinghouse na nagbigay daan upang ipagpatuloy ang paggawa ng planta at paandarin ito. Batid natin ang mga pangyayari noong dekada ‘80 kung kailan ang mga nuclear reactor sa ilang panig ng mundo ay nagkaroon ng sira at nauwi sa malagim na sakunang nukleyar. Kabilang dito ang sakuna sa Three Mile Island sa Estados Unidos at sa Chernobyl sa dating Sobyet Unyon na naglantad sa mga masasamang epekto ng nuclear radiation sa mga naninirahan sa paligid ng planta. Bunga nito ay naglunsad ang kongreso ng Amerika ng isang masusing pagsisiyasat para malaman ang pinagmulan at epekto ng radiation leak. Kaugnay nito, hindi maiiwasang tanungin kung ang gobyerno ng Pilipinas na bago pa lamang pumapalaot sa larangan ng nuclear engineering ay may kakayahang harapin ang ganitong uri ng sakuna? Doon naman sa sakuna sa Chernobyl Power Plant kung saan natunaw ang nuclear reactor ay muli nating maitatanong: Kung sakaling magkaroon ng kaparis na sakuna ang BNPP, may kakayahan ba ang ating mga nuclear engineer na harapin ito? May sapat ba tayong kahandaan at pasilidad upang tugunan ang ganitong uri ng sakuna? Bukod pa rito ang problema sa pagliligpit ng basurang nukleyar. Hanggang ngayon ay problema pa rin ito ang nuclear engineering sa Estados Unidos at sa dating Unyon Sobyet bagaman matagal na silang nagpapatakbo ng mga plantang nukleyar. Kung talagang kailangang patakbuhin ng pamahalaan ang BNPP dahil sa walang ibang mapagkukunan ng enerhiya ay marapat tiyaking ligtas ang operasyon nito upang maiwasan ang anumang kapahamakan. Kabilang na dito ang masinsing pag-aayos ng napaulat na maraming biyak na tinamo ng planta sanhi ng malakas na lindol noong 1980. Sa puntong ito ay dapat magkaroon ng kampanya sa kabatiran at edukasyon sa paggamit ng plantang nukleyar tungo sa ikamumulat ng mamamayan. Kailangang makumbinsi tayo ng pamahalaan at ng Westinghouse na ang lahat ng safeguard laban sa sakunang nukleyar ay nasa maayos at tamang lugar bago pahintulutang magsimula ang pagpapatakbo nito.
Mabuhay LINGGUHANG PILIPINO MULA PA NOONG 1980
Jose L. Pavia Publisher/Editor Perfecto V. Raymundo Associate Editor Anthony L. Pavia Managing Editor e-mail
[email protected] PPI-KAF Community Press Awards
Best Edited Weekly 2003 + 2008 Best in Photojournalism 1998 + 2005 A proud member of PHILIPPINE PRESS INSTITUTE
WEBSITE
http://mabuhaynews.com
EDITORIAL Alfredo M. Roxas, Jose Romulo Q. Pavia, Jose Gerardo Q. Pavia, Joey N. Pavia , Jose Visitacion Q. Pavia, Carminia L. Pavia, Perfecto Raymundo Jr., Dino Balabo
ADVERTISING Jennifer T. Raymundo
PRODUCTION Jose Antonio Q. Pavia, Jose Ricardo Q. Pavia, Mark F. Mata, Maricel P. Dayag, Charlett C. Añasco
PHOTOGRAPHY / ART Eden Uy, Allan Peñaredondo, Joseph Ryan S. Pavia
BUSINESS / ADMINISTRATION Loreto Q. Pavia, Marilyn L. Ramirez, Peñaflor Crystal, J. Victorina P. Vergara, Cecile S. Pavia, Luis Francisco, Domingo Ungria, Harold T. Raymundo,
CIRCULATION Robert T. Raymundo, Armando M. Arellano, Rhoderick T. Raymundo The Mabuhay is published weekly by the MABUHAY COMMUNICATIONS SERVICES — DTI Permit No. 00075266, March 6, 2006 to March 6, 2011, Malolos, Bulacan. The Mabuhay is entered as Second Class Mail Matter at the San Fernando, Pampanga Post Office on April 30, 1987 under Permit No. 490; and as Third Class Mail Matter at the Manila Central Post Office under permit No. 1281-99NCR dated Nov. 15, 1999. ISSN 1655-3853 Principal Office: 626 San Pascual, Obando, Bulacan 294-8122
Subscription Rates (postage included): P520 for one year or 52 issues in Metro Manila; P750 outside Metro Manila. Advertising base rate is P100 per column centimeter for legal notices.
Promdi
DINO BALABO
Anak ba ng Pampanga ang Bulacan? ISANG katanungan ang lumutang sa katatapos na unang pambansang kumperensiya hinggil sa kasaysayan, kalinangan at sining ng Bulacan at Pampanga na isinagawa sa Holy Angel University noong Mayo 12 hanggang 14. Anak nga ba lalawigan ng Pampanga ang Bulacan na itinuturing na dakilang lalawigan na nagluwal sa tatlong republika, tahanan ng mga bayani, mga alagad ng sining, mauunlad na kooperatiba, magagandang dilag, (at makikisig at maginoong mga anak ni Adan). *** Ang katanungang ito ay lumutang matapos basahin ni Pearly Mendoza, provincial administrator ng Bulacan, ang isang inihandang talumpati sa pagbubukas ng nasabing kumperensiya, na dapat sana ay si Gob. Joselito Mendoza ang bumasa. Ayon sa kopya ng talumpating binasa ng provincial administrator ng Bulacan, “Hindi na nakapagtataka na maging lalawigang Kapampangan ang Bulacan. Noong dumating ang
mga Kastila, mas dominante pa ang Kapampangan sa buong Bulacan hanggang doon sa Tondo. Nang maisilang ang lalawigan ng Pampanga noong Disyembre 11, 1571, naging isang teritoryo nito ang Bulacan. At doon sa aming matandang kabisera sa bayan ng Bulakan, natuklasan rin na minsan na rin itong naging kabiswera ng matandang Pampanga. Di nagtagal, nahiwalay ang Bulacan sa piling ng kanyang inang Pampanga noong 1755 at gumuhit ito ng sariling kasaysayan na hiwalay sa kanyang ina. Tila isang anak na nasa hustong gulang na at naisipang bumukod sa kanyang mahala na ina.” *** Natawag ang pansin ng Promdi at ni Tonette Orejas ng Philippine Daily Inquirer sa katagang “ina”, kaya’t nang magkaroon kami ng pagkakataon ay tinanong ang pangunahing historyador ng Bulacan na si Dr. Jaime Veneracion hinggil sa pananaw na “anak ng Pampanga ang Bulacan.” Hindi matanggap ni Dr. Ve-
Kastigo
neracion ang nasabing pananaw at sinabing dapat pa itong sumailalim sa masusuring pagaaral at pagsasaliksik. Ngunit ang problema ay parang isinuko na ng Bulacan ang sarili sa pananaw na anak ito ng Pampanga, batay sa talumpati ni Provincial Administrator Mendoza. *** Ang tanong, saan ibinatay ng provincial administrator ng Bulacan ang kanyang binasang talumpati? Ito ba ay ibinatay niya sa press release na sinulat ni Ian Christopher Alfonso na isang mananaliksik ng Center for Bulacan Studies at mag-aaral ng Bulacan State University? *** Narito ang bahagi ng press release na sinulat ni Alfonso ilang araw bago magsimula ang tatlong araw na kumperensiya. “Hindi rin maikakaila na sa panahong ang Provincia de Pampanga ay itinatag noong Disyembre 11, 1571, naging isa sa mga orihinal na teritoryo nito sundan sa pahina 4
BIENVENIDO A. RAMOS
Suhol hanggang huli BAGAMA’T naguguluhan ang sambayanang Pilipino sa madalas na pagbabagong-isip, pagbabago ng mga desisyon ng Pangulong Macapagal-Arroyo (na isa raw tatak ng isang babae), sa iisang ‘paraan’ siya consistent o hindi lumilihis sa kanyang may 9 na taon nang pamamahala: sa panunuhol at pamumudmod ng pabor—upang makaakit ng mga kakampi, at mamantini ang ‘karapatan’ ng nagsikampi na sa kanya. Ang ganitong paggamit ng suhol at pamamahagi ng mga pabor—salapi, promosyon, matatabang puwesto o proteksiyon sa pag-uusig ng hukuman—ay nagsimulang gawing patakaran ni Gng. Arroyo mula nang mabunyag ang malawakang dayaan sa halalan ng 2004—sa pamamagitan ng “Hello, Garci” tape (na ang Malakanyang din ang unang nagbunyag). Dahil sa paglaganap ng mga protesta na humihinging bumaba si GMA sa Malakanyang—dahil mga sa nabulgar na dayaan sa halalan ng 2004, sa takot ni Aling Gloria, na patalsikin siya tulad ng
nangyari kay Erap, ng isang people power revolt, na may suporta ng military, sinuyo niya ang matataas na pamunuan ng AFP at PNP—itinaas ng ranggo ang mga nasa aktibong serbisyo, at ang mga nagreretiro ay inilagay sa matatabang puwesto sa gobyernong sibil. Ang sumunod na sinuyo, sinuhulan, binusog sa pork barrel, mapipintog na brown envelope na puno ng milyon ay ang nakararaming mersenaryo-matatakaw-sa-suhol na umano’y kagalang-galang na ‘kinatawan ng bayan’ sa Kongreso. Ang camara de representantes kasi ang tatanggap ng impeachments laban kay GMA, at kung mapagtitibay ng camara ang mga sumbong kay GMA, isasampa ito sa Senado, at ang Senado ang hahatol kung dapat patalsikin si Aling Gloria. Pagkaraan ng eleksyon NITO na lamang huling mga taon nabunyag kung bakit nagpasa ng mga batas sa buwis, partikular ang EVAT—para umano suhayan ang nakahapay na ekonomya. Nagkataong nag-
Napapanahon
karoon ng krisis sa pananalapi sa Asia noon, at nilunok ng sambayanan na tulad ng isang mapait na pilduras ang EVAT. Pero ngayong mabunyag ang malalaking anomalya sa Diosdado Macapagal Highway, P728milyon Fertilizer Fund Scam, at iba pang maanomalyang kontratong isinara ng Administrasyong Arroyo mula puhunan o pondong dayuhan, saka lamang naging maliwanag na ang pagkabangkarote ng gobyerno noon, at pagtagilid ng ekonomya ay hindi dahil sa krisis sa pananalapi—kung di sa laki ng ginastos, ipinanauhol ng kampo ni Aling Gloria—bahagi ng malawakang dayaan sa eleksiyon noong 2004, at naulit sa halalan noong 2007. Sa ibang salita, dumami ang mga Pilipinong walang trabaho, naging milyon-milyon ang pamilyang nagugutom—sa kabila ng malaking isinampa ng EVAT, malaking remittances ng OFWs—sapagkat ginagamit ng Administrasyong Arroyo—sa patuloy na panunuhol sa pag sundan sa pahina 4
LINDA R. PACIS
Si Apo Kristo at si Engr. Filo BATA pa si Engr. Filo ay pamilyar na siya sa mga himala ni Apo Kristo, patron ng kanilang barangay Sto. Kristo, Baliwag, Bualcan. Maraming kwento siyang naririnig, pagpapatotoo di lamang ng mga taga barangay kundi na ang mga taong galing sa malalayong lugar. Isa na rito ang kwento ng isang matandang pulubi na sinabi sa isang tao na ipagawa ang kanyang bahay. Ang bisita noon ay may bubong lang na pawid. Nang makita ng tao ang istatwa ng patron ay kamukhang-kamukha ng matandang pulubing nakausap niya. Meron pa siyang pinapunta roon upang manggamot. Natatandaan ni Filo na noong bata siya ay madalas silang maglaro sa bakuran katabi ng bisita. Nakikita niya roon ang mga deboto galing sa iba’t ibang lugar.
Buong buhay niya ay kaagapay na niya si Apo Kristo na nagbigay sa kanya ng biyaya sa iba’t ibang aspeto ng kanyang buhay. Matatandaan na si Filo (Engr. Panfilo E. Rivera) ang nagdonasyon sa bisita ng Sto. Kristo ng $10,000 noong isang taon at nagpadala uli ng $5,000 ngayong Pebrero. “Kulang pa ang ibinibigay ko dahil sa dami ng blessing na ipinapadala sa akin ng Panginoon,” ani Engr. Filo. Hindi naman siya masyadong relihiyoso ngunit deboto siya ni Apo Kristo. Nag-aral siya ng grades 1 & 2 sa Holy Family School (ngayon ay Saint Mary’s College) at binusog siya sa pangaral ng kanyang lolo, si Benedicto Evangelista ng Sto. Kristo. Palagi nitong sinasabi sa kanya ang mga sumusunod: “Huwag kang gagawa ng masama sa kapwa mo. Tumulong ka
sa mga tao at maging marespeto sa magulang. Maging mapagpasensya. Kaya’t naging pasensyoso siya at pinalalagpas kung binibirahan siya ng mga kalaro. “Noong bata ako ay nagsasakristan ako kay Pare Pentong (Msgr. Ruperto del Rosario),” bida ni Filo. Si Pare Pentong ay dating kura paroko ng St. Augustine Parish, Baliwag, Bulacan. Ayon kay Amu Santos, matanda sa iglesia ng bisita, ang donasyon ni Engr. Filo ay naipagpagawa ng bagong “rooms of saints” at “burulan” sa bisita ganoon din sa ibang proyekto kagaya ng “operasyong tule” kung saan naserbisyuhan ang 170 kabataan at nagtulongtulong ang 15 doktor ng Fatima Hospital sa pangunguna ni Dr. Jose Arnel Manalili. Sa kabataan pa lamang niya sundan sa pahina 4
Mabuhay
MAY 22 - 28, 2009
3
LINGGUHANG PILIPINO MULA PA NOONG 1980
Depthnews
JUAN L. MERCADO
Regarding Henry
Respite from jerks (“Sick. Sick. Sick”, was how this reader felt. “Erap is a convicted plunderer. He will run for the presidency”, she e-mailed. “Hounded by Kuratong-Baleleng murders and the Dacer rub-out, Panfilo Lacson deals himself into the 2010 race. Give us something light in your column this Sunday. Please.” (O.K. Here’s Matthew Sutherland’s feature on Pinoy names: “A Rhose, by Any Other Name”. It first appeared, if I recall right, in the Guardian some years back. Enjoy a respite from the likes of Erap, Ping et al. – JLM ) A good name is rather to be chosen than great riches. – PROVERBS 22:1
WHEN I arrived in the Philippines from the UK six years ago, one of the first cultural differences to strike me was names. The subject provided a continuing source of amazement ever since. The first unusual thing, from an English perspective, is that everyone here has a nickname. In the staid and boring UK, we have nicknames in kindergarten. But
when we move into adulthood we tend, I’m glad to say, to lose them. The second thing is Philippine names, for both girls and boys, tend to be what we in the UK would regard as ‘cutesy’ for anyone over about five. “Fifty-fiveyear-olds with names that sound like five-year-olds”, as a colleague put it. Where I come from, a boy with a nickname like Honey Boy would be beaten to death at school by pre-adolescent bullies. So, probably, would girls with names like Babes, Lovely, Precious, Peachy or Apples. Yuk. Here, however, no one bats an eyelid. Then I noticed many people have what I have come to call ”door-bell names”. These are nicknames that sound like - well, doorbells. There are millions of them. Bing, Bong, Ding, and Dong are some of the more common. They can be, and frequently are, used in even more door-belllike combinations such as BingBong, Ding-Dong, Ting-Ting, and so on. Even our newly-appointed chief of police has a doorbell name — Ping.
Cebu Calling
None of these door-bell names exist where I come from, and hence sound unusually amusing to my untutored foreign ear. Someone once told me that one of the Bings, when asked why he was called Bing, replied “because my brother is called Bong”. Faultless logic. Dong, of course, is a particularly funny one for me, as where I come from “dong” is a slang word for… well, perhaps “talong” (eggplant) is the best Tagalog equivalent. Repeating names was another novelty. I’ve never before encountered people with names like LenLen, Let-Let, Mai-Mai, or NingNing.The secretary I inherited on my arrival had an unusual one: Leck-Leck. Such names are then frequently further refined by using the “squared” symbol, as in Len2 or Mai2. This confused me for a while. There’s a trend for parents to stick to a theme when naming their children. This can be as simple as making them all begin with the same letter, as in Jun, continued on page 7
FR. ROY CIMAGALA
Need for recollection WE need to work this out. As persons, whether individually or collectively considered, we need to enhance our subjective selves and see to it that we truly correspond to the objective reality around us and the reality meant for us. Since we think and reflect, we choose and love, we automatically, unavoidably create a world within us that needs to be founded and rooted on an objective truth. Otherwise we would end up living in fantasy land. What we will have in our mind would have no “fundamento in re,” no foundation in reality. The other day, I saw some youngsters belting and crooning like famous singers. With all this frenzy surrounding Susan Boyle, Charice, American Idol, etc., there’s a kind of epidemic in singing. It’s actually a good development. I just pray that things are put under control. I already got glimpses of singer-wannabees whose talent remained more in their mind and their intentions, but not in their voice and other natural endowments.
In short, they looked more up in the clouds, with ambitions that are unhinged, unmatched and unsupported by the relevant capability and power. It’s actually a funny situation, deserving a Simon Cowell scorn, though I would not go that far. We have to be careful about this point. We need to be more aware of both the subjective and objective realities that govern us. And with such awareness, of course, let’s see to it that their correspondence would be as perfect as possible. Only we as persons can and should do this. The animals don’t give a hoot. Of course, we have to understand that such correspondence is never a rigid and fixed affair. It’s something dynamic and alive, though it has its stable element. We have to know the intimate dynamic of this relationship between the objective and subjective realities, and help one another to achieve this end. But for now, what is essential is to realize that to work on this correspondence, we need to learn the art of recollection. That is to
Forward to Basics
say, we have to learn to gather all our powers and faculties together so they can be engaged with their proper and ultimate objects. What we have to avoid is to have them scattered and often in conflict with one another, entangled with objects that, though having some validity, are not the proper and ultimate objects we should try to pursue. This need for recollection simply indicates that our life consists of different aspects and levels that we have to orchestrate to be able to reach our final end. We just cannot go about reacting spontaneously to things, depending solely on instincts and feelings. We are meant for something much, much more than these. Our tendency, given our fallen nature and the effects of our personal sins, is to get dispersed in our attention and to plunge into activism. In the process, we lose our interior serenity. This loss of serenity can lead us to to bad consequences—loss of self-control and dominion over things, proneness to temptations, continued on page 7
FR. FRANCIS B. ONGKINGCO
‘Jesus’ defects’ NOTHING is more beautiful, consoling and uplifting than our Christian faith and life. This is not because it contains a body of humanly reasonable and dynamic ideals, but because it is continuously vivified by the living person of our Lord Jesus Christ in the Holy Spirit. Christianity’s hidden attraction is the authentic invitation to an encounter of love and communion with Someone divine who can be embraced in and through His humanity. This closeness of God is made possible when Jesus took upon our nature. This doesn’t only establish some sort of emotional bridge, but a true and firm way to understand the richness of our human condition that God has chosen to truly ‘live’ in order to reveal how we ought to live our lives as men. St. Augustine wonderfully summarizes this when
he said, “The Son of God became man, so that man may be a son of God.” Our Lord became man not to only redeem us from sin. Jesus, for some mysterious reason, loved our human nature. He took the risk of love by assuming our humanity in order to reveal our dignity of being God’s image and likeness. Our Lord’s humanity thus becomes a vital template of the truth about every man and woman. It is a clear way that leads to eternal life. When one sincerely opens his life to our Lord’s humanity which vibrantly portrayed in the Gospels, he cannot help but be filled with faith and love for Jesus’ teachings and examples. In the Gospels we relive His birth, the hidden and intense years of common life, we walk with Him through the hills and plains of Palestine, wiping the
sweat from our brows and washing the dust and dirt from our faces and feet. Through this, we share His thirst, hunger, tears and sorrow. There is nothing, with the exception of sin, that our Lord has not experienced about our nature. Despite this proximity of Jesus to every person’s life, there are still some who feel that God is still a distant figure. Our Lord’s life, they say, is too difficult to imitate and the experience of their personal defects prevent them from relating with our Lord’s “perfect life.” Valid as their arguments are, the person of our Lord cannot allow the slightest stain of defect because He is both Perfect God and Perfect Man. Moreover, our ability to relate with someone based on his defects or limitations may not be the best of pos continued on page 7
HENRYLITO D. TACIO
Love your enemies BACK in the days of the American Revolution, General George Washington had a good friend who was a minister. Now, this minister had an enemy in town who did everything he could to abuse and oppose him. After some years, this man was arrested for treason and sentenced to death. When the minister heard of this, he walked 100 kilometers to the capital to plead for the man’s life. But Washington said, “No, I cannot grant you the life of your friend.” “My friend?” the minister exclaimed. “He is the bitterest enemy I have.” Then, he told him of what the man had done to him. Washington was surprised. “You mean that you have walked 100 kilometers to save the life of your enemy? That puts the matter in a different perspective. I hereby grant his pardon.” It was American president John F. Kennedy who was quoted as saying, “Forgive your enemies, but never forget their names.” If you have some enemies, you are to be congratulated, for no man ever amounted to much without arousing jealousies and creating enemies. Winston Churchill himself said, “You have enemies? Good. That means you’ve stood up for something, sometime in your life.” Hollywood actress Bette Davis was true to herself when she said, “I do not regret one professional enemy I have made. Any actor who doesn’t dare to make an enemy should get out of the business.” Unknowingly, your enemies are a very valuable asset as long as you refrain from striking back at them, because they keep you on the alert when you might become lazy. As one Jewish proverb puts it: “Listen to your enemy, for God is talking.” “An eye for an eye, a tooth for a tooth” – that was what the Old
Testament said (Exodus 21:24). Jesus Christ, when He came to this world, suggested otherwise. “Do not resist an evil person,” He was quoted as saying by Matthew. “If someone strikes you on the right cheek, turn to him the other also. And if someone wants to sue you and take your tunic, let him have your cloak as well” (Matthew 5:39-40). The Old Testament also said: “Hate your enemy.” Jesus contradicted this: “But I tell you: Love your enemy and pray for those who persecute you.” (Matthew 5:44). Friends may come and go, but enemies accumulate,” Thomas Jones once said. In other words, enemies are made, not born, they say. And that was what business mogul Harvey Mackay believed, too. Fortune magazine once called him “Mr. Make-ThingsHappen.” In his book, Swim with the Sharks (Without Being Eaten Alive), he wrote: “Like everyone else, I have accumulated my share of enemies in the course of a lifetime. It’s nothing to be ashamed of. Forgive thy enemies is very difficult advice for many of us to follow. After all, if someone has harmed us, we tend to want to get back at them. We can carry our grudges for many, many years.” When it comes to business, such idea is “totally counterproductive.” He shares this incident: “I once fired an employee who then went into competition with me and began using what I felt were unfair business tactics. The psychic energy and accumulated bitterness that went into my thoughts of revenge consumed me for the better part of five years. “It was more than a waste of time, because whenever I thought about it, I grew vindictive and sour, and those attitudes spilled over into everything I continued on page 7
Fair & Square IKE SEÑERES
The politics of water BELIEVE it or not, we as an entire country might end up importing our water supplies not unless we will put our act together in conserving and protecting our overall environment as a whole. More often than not, we often talk about water conservation as if that is the only way to ensure our water supplies. The fact is, it is the entire environment as a whole that functions as a complete ecosystem, a system that includes not just the visually seen water sources, but also the land and the air around us. Simply put, we need to integrate not just our water policies and practices, but also our policies that affect our land and our atmosphere. As if that is not difficult enough, we also have to integrate and coordinate our collective water, land and air policies as a whole, and to state the obvious, we must also integrate and coordinate the functions and services of all agencies and companies that are involved one way or the other in this triumvirate of natural resources. During my visit to Israel many years ago, I found out that they only have ONE water agency that is responsible for
anything and everything that has to do with WATER. That is in complete contrast to our present system of governance here where we have several, if not too many agencies that are responsible for managing our water needs for many purposes. To cite just a few examples, we have the National Irrigation Authority (NIA) for farm water, and the Local Water Utilities Authority (LWUA) for household water. I also found out that in Israel , they are able to collect, recycle and distribute water for use in farms and households. Not only that, they are able to classify water for use in farms in a programmable and addressable way, meaning that they could distribute water as needed by ground crops and surface crops, complete with “pre-designed” fertilizers and insecticides. When I interviewed many visiting scientists many years ago when I was still the head of science and technology at the Department of Foreign Affairs (DFA), they all told me the same thing: that we could not clean our bays not unless we clean our rivers, we could not clean our riv continued on page 7
Mabuhay
4 ○
○
MAY 22 - 28, 2009
LINGGUHANG PILIPINO MULA PA NOONG 1980
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
Napapanahon
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
ay naramdaman na ni Engr. Filo ang pagkilos sa kanyang buhay ni Apo Kristo. “Maliit pa ako ay nakita ko na sa panaginip si Kristo,” patuloy na kwento niya, “di ako masyadong madasalin pero bukas ang loob ko sa pagtulong sa mga tao.” Nagtapos siya ng engineering sa Mapua Institute of Technology at nakapasa sa board examination. Ito ang hiniling niya kay Apo Kristo. Dalawang libo ang nageksamen ngunit 500 lang ang nakapasa at nakasama siya sa mga ito. “Alam kong kailangan ng bisita ang pinansyal na tulong dahil naririnig ko noong araw ang kwento ng matadang pulubing gumagala at humihingi ng abuloy upang ipagawa ang kanyang bahay, sabi ni Filo. “Nagdasal ako upang makapunta sa abroad. Ibinigay niya ang tagumpay sa buhay ng nanananalig at nagtitiwala sa kanya.” Naging immigrant siya sa Amerika noong 1968 at nagtrabaho sa Mexico, Amsterdam, Germany, Monrobia at Africa na konektado sa kanyang engineering job. Sa kasalukuyan ay 72 taong gulang na siya, may asawa (si Ellen Teng na isang Chinese), may tatlong anak na sina: 1) Philip Rivera (35) criminal justice investigator o State Police ng Louisiana, USA; 2) Albert Rivera (32) master in economics, International Marketing Business, Louisianna State University; at 3) Carolyn Rivera (30) BS in Speech Therapy, University of Georgia. Noong 2002 ay na-heart attack siya, “no pulse, no heartbeat,” aniya. Puwedeng makuha sa operation pero hindi sigurado ang chance of recovery or survival,” kuwento niya. “Out of 100%, 2% lang ang chance at ito ay 3 bypass operation on 3 arteries, that in itself is a miracle.” Habang siya ay nakaratay sa banig ng karamdaman, nagkaroon siya ng vision. Ito ay noong ika-6 na araw ng kanyang confinement. Sa loob ng 16 na araw ay comatose siya. Nakita niya ang sarili sa isang gate, maraming tao sa likod niya na nag-iiyakan, nagsasalitaan ng isang lenggwaheng hindi niya maintindihan, sa gawi pa roon ay maliwanag at may nagkakantahan. Sa itaas ay may nagsasalitaan sa loud speaker, parang nagdarasal. Nakita niya ang kanyang nanay, si Carmelita Evangelista, 65 taong gulang, na nakasuot ng sayang puti. Natuwa ito nang makita siya at sinabihan na “ipagdarasal ka namin.” Si Kristo ang nagsasalita sa mic, humarap sa kanya na nakakasilaw ang mukha at sinabi: “You are not welcome, you’re rejected.” Sabi ng nanay niya, “Sige, alis na, balik na, balik na.” Itinulak siya nito palabas. May ulirat siya pero hindi niya maibukas ang kanyang mata. Ang katawan niya ay parang lumilipad. Naririnig niyang may nagro-rosaryo at may paring nagdarasal ng Latin. Noong nagising siya, nakita niya ang paring nakasuot ng puti at luntian, palabas na at nawala. Nakita niya ang anak niyang lalaki sa loob ng kuwarto. Kinabukasan, gumaling na siya at naka-recover sa loob ng 12 araw. Noong 2004 ay nagkaroon ng digmaan sa Iraq. Nakaretire na siya noon at may tinatanggap mula sa social security na $1,800. Nagpapadala siya sa bisita ng $100 hanggang $200 paminsan-minsan. Noong 2005, nag-apply siya ng trabaho sa Middle East at nag-sumite ng aplikasyon sa Houston, Texas. Rigid ang physical exam at kailangan ay 7.0 ang glucose o blood sugar ngunit 7.5 ang sa kanya kaya nadis-qualify siya. “Dad I’m glad you were not hired, sabi ng anak niya. “You want to donate? I will give you money,” sinagot niya ng “No, I want to earn my own.” Pagkatapos ng 2 taon, tinawagan siya ng kumpanyang nagpapadala sa trabaho para surveyor/engineer for construction sa Middle East. Nagbalik siya sa Houston para sa physical exam, 6.7 na lang ang glucose niya at pumasa na siya sa ibig pang physical exams (ECG, eye and hearing exams atbp.) Nagdasal kasi siya na ibig niyang tumulong sa bisita ni Apo Kristo kaya tulungan sana siyang matanggap. Sa 500 nakapasa, 100 ang disqualified. Ang sahod ay $12,000 kada buwan. Pagkatapos ng ilang araw ay pinaghahanda na sila upang tumungo sa Iraq. Nagsinungaling siya sa kanyang pamilya: Sabi niya magbabakasyon lang siya sa Los Angeles, sa mga kamaganak nila doon. Pagkatapos ng 21 araw sa Houston, dinala na sila sa London, sa Iraq, Dubai at Bhagdad. Pagkatapos ng 4 na buwan, may libreng pamasaheng ibinigay at 15 araw na bakasyon. Umuwi siya sa Pilipinas, pinasunod ang asawa niya at dito sila nagtagpo. Dumalaw sila kay Apo Kristo at sa mga kamag-anak at kababayan. Pagbalik niya sa Dubai, nagpapadala na siya ng pera sa pamilya niya. Madali ang trabaho, masarap ang pagkain, may lobster pa ang $40 meal. May iba pa siyang kwentong-himala ni Apo Kristo gaya ng sa bagahe at sa booby trap sa Vietnam kung saan siya nakaligtas. Minsan, mabigat ang dala niyang bagahe nang bumaba siya sa Bhagdad Airport, mga 57 lbs. na dapat ay bubuhatin niya habang lumalakad sa isang kilometro. Nagdasal siya at nang kunin niya ang bagahe, binigyan siya ng pushcart na dati ay bawal kaya’t di na siya nahirapan. Tungkol sa kanyang donasyon sa simbahan ni Apo Kristo: Ito ang kanyang sinabi “Kulang pa ang ibinibigay ko, mas malaki ang natitira na biyaya ng Panginoon. Hangga’t kumikita ako ay nakahanda akong tumulong.”
EXTRA-JUDICIAL SETTLEMENT OF ESTATE WITH ABSOLUTE SALE NOTICE is hereby given that the estate of the deceased Spouses PEDRO NINO who died intestate in Sasmuan, Pampanga on February 13, 1948 and CAMILA REGALA, who died intestate in Sasmuan, Pampanga on January 11, 1974 - left a parcel land situated at San Nicolas, Sexmoan Pampanga containing an area of 990 square meters covered by TCT No. 491055-R executed by their heirs before Notary Public CRESENCIO M. CALADIAO; Doc. No. 497; Page No. 100; Book No. V; Series of 2006. Mabuhay: May 8, 15 & 22, 2009
Kakampi mo ang Batas
mula sa pahina 2
ATTY. BATAS MAURICIO
Interes na ipinapataw sa isang loan TANONG: Dear Atty. Batas: Good day po sa inyo, ang ihihingi ko po ng payo sa inyo ay ang pagkakautang ko na 30,000 sa isang tao, nag issue po ako ng cheke pero hindi ko na po pinadeposit, umabot po ng 200,000 ngayon dahil lang po sa interest. Matagal tagal rin po kasi akong hindi nakabayad sa pinagkakautangan ko kaya umabot na po ng ganoon kalaki, 2 taon po bago po ako nakapag simulang makapaghulog dahil na rin po sa nalugi ang negosyo ko, nakakapag hulog na po ako ng 30,000 na hinulugan ko buwan-buwan. Ayaw po kasi nila pumayag na bawasan pa yung interest dahil sa tagal daw po ng pagkakautang, ano po kaya ang magandang gawin para matapos na po ang kalbaryo kong ito, dito lang po kasi napupunta yung sweldo ko sa pagtatrabaho. Inaasahan ko po na mabasa n’yo po itong sulat ko, at mabigyan ako ng magandang payo. Maraming salamat po.
pati na ang paraan ng pagbabayad.
Sagot: Marami pong salamat sa e-mail na ito. Sa ilalim ng mga umiiral na batas kagaya ng Civil Code of the Philippines, ang anumang kasunduang pinasok ng magkabilang panig ay dapat nilang tuparin. Ang mga kasunduang ito kasi ay itinuturing na batas sa pagitan ng mga nagkasundo. Kung hindi tutupad ang sinuman sa mga napagkasunduan, maaaring magsampa ng kaso ang isa sa kanila, upang pilitin ang pagsunod ng hindi sumusunod. Sa kabilang dako, bagamat sinasabing hindi na umiiral ang mga batas na nagbabawal ng matataas na interest sa mga utang kagaya ng Usury Law, patuloy naman ang Korte Suprema sa pagbabantay sa mga sobra sa langit na mga singilin sa interest. May mga desisyon ang Korte Suprema na nagsasabing ang interest na katumbas ng 5 porsiyento buwan-buwan ay sobra at hindi pahihintulutan. Dahil diyan, kung interesado ang isang may utang na kuwestiyunin ang interest na pinababayaran sa kanya, maaari siyang magsampa ng kaso sa hukuman laban sa naniningil ng sobrang interest. At ito ang aking ipapayo— para sa nakautang na magsampa na kaagad ng kaso sa husgado. Sa kasong ito, maaaring kuwestiyunin hindi na lamang ang interest kundi
Sagot: Maraming salamat din po sa e-mail na ito. Sa ilalim ng forum shopping rule, hindi pinapayagan ang sinuman na nakapagsampa na ng kaso sa hukuman o sa iba pang ahensiya ng pamahalaan, o ang sinuman na nasampahan na ng kaso, na magsampa ng panibagong usapin pero batay sa mga pangyayaring nililitis na sa unang kaso. Bawal ang ganitong istilo ng pagsasampa ng kaso sapagkat nagdudulot lamang ito ng kaguluhan dala ng paglalabanlaban ng mga hukuman o ahensiya ng pamahalaan, dahil sa posibilidad na maglalabas sila ng magkakaibang mga desisyon batay sa iisang pangyayari. Ganundin, ang ganitong istilo ay itinuturing na napakagastos sapagkat kailangan ang maraming pera para sa pagsasampa ng iba’t ibang kaso. Ang pinaka-grabe, ituturing na ang ganitong paraan ay gagamitin lamang ng mga taong natalo na sa mga unang kaso at maghahanap lamang sila ng mga kakamping hukom sa mga bagong usaping isasampa nila. Magkaganunman, ang ipinagbabawal dito ay ang aktuwal na kaso. Hindi sakop dito ang pagpapadala lamang ng mga kopya ng demandang naisampa na sa unang mga hukuman. Sa kaso ng Child Abuse, ang mga taong may edad na disisiyete (17) lamang ang
–
[email protected]
○
○
○
○
○
○
○
○
○
Promdi
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
Kastigo
—romelyn_stewart10@ yahoo.com
Sagot: Maraming salamat din po sa inyo. Sa ilalim ng Family Code of the Philippines at ng Civil Code of the Philippines na siyang batas na may bisa noong 1968, ang mga magasawa ay nabibigyan ng karapatan sa lahat ng ari-ariang naipundar nilang dalawa mula noong sila ay ikinasal at sa lahat ng ari-arian nila na naipundar hanggang sa sila ay magkahiwalay, o napawalang-bisa ang kanilang kasal o ang isa sa kanila ay namayapa na. Dahil diyan, ipapayo ko na habulin ng sinuman sa mag-asawa ang lahat ng mga ariariang ito na kanilang naipundar. Sa kabilang dako, may tungkulin at obligasyon din ang sinuman sa magasawa na patuloy na magbigay ng suporta sa isa’t isa at kung hindi nila gagampanan ang tungkuling ito, maaaring magsampa ng kaso ang agrabiyadong asawa at hilingin ang pagbibigay ng suporta kahit na silang dalawa ay hiwalay na. Samantala, para sa karagdagang paglilinaw, o para sa sinumang nagnanais na humingi ng tulong sa amin, maaari po kayong tumawag sa amin sa aming mga landlines, (02) 994-6805, 02-433-75-49 at 02-433-75-53, o di kaya ay sa aming mga cellphones, 0917-984-24-68 at 0919-609-64-89.
–costafc_510@ yahoo.com
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
Upang makausap po ninyo kami kahit nasaan man kayo, maaari po kayong gumamit ng Yahoo Messenger at Skype sa inyong mga computers, na kung saan ang aking Yahoo ID at Skype name ay “batasmauricio”. Maaari din po kayong sumulat sa amin sa aming address: 18 D Mahiyain corner Mapagkawanggawa, Teachers Village, Diliman, Quezon City. O di kaya ay maaari kayong mag-email sa amin sa website na ito. — www.batasnews.com, o
[email protected].
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
mula sa pahina 2
ang ngayo’y lalawigan ng Bulacan. Kaya’t hindi na nakagugulat kung ang mga ulat ng mga encomiendas nina Don Miguel de Loarca noong 1582 at ni Gov. Hen. Gomes Perez Dasmariñas noong 1591 ay banggitin na ang unang kabisera ng Pampanga ay ang bayan ng Bulakan bago ang Bacolor at San Fernando. Hanggang sa noong 1755, naihiwalay ang Bulacan sa Pampanga bilang malayang lalawigan, sang-ayon sa Expediente ng Pampanga.” *** Kung ang press release ni Alfonso ang pinagbatayan ng provincial administrator ng Bulacan sa kanyang talumpati, hindi ba ikinunsulta ito ng Kapitolyo sa mga otoridad sa kasaysayan sa Bulacan partikular na sa mga historyador? Kung hindi kumunsulta ang Kapitolyo sa mga pangunahing historyador ng Bulacan hinggil sa nasabing pananaw, hindi ba ito’y lumalabas na ito ay isang kapabayaan? ○
ituturing na kabataang sakop ng Anti-Child Abuse law. Mag-asawa obligado pa ring suportahan ang bawat isa, kahit sila’y hiwalay na TANONG: Magandang hapon po sa inyo, ang lola ko po ay ikinasal sa isang american citizen dito po sa Pilipinas noong 1968, ano po ba ang mga karapatan ng aking lola sa aking lolo? Buhay pa po ang aking lolo hanggang ngayon na nasa America. More power po at maraming salamat!
Forum shopping rule ipinaliwanag TANONG: Magandang Araw po Atty! Nais ko po lamang malaman ang kasagutan sa aking mga sumusunod na katanungan: 1. Ano po ba ang ibig sabihin ng “forum shopping”? Ipinagbabawal po ba ito ng ating batas? Pinahihintulutan po ba ng batas na ang isang nagrereklamo laban sa mga empleyado ng isang institution ay magsampa ng kaso o reklamo o kahit i-copy furnished ito sa napakaraming investigating body o government offices like Ombudsman, DSWD, Sangguniang Bayan, DepED, Division, PAO, Regional Office, Central Office, etc. Hindi po ba ito ay isang kaso ng harassment o pananakot lalo na kung guro ang nirereklamo? 2. Hanggang anong edad po ba ng bata ang sakop ng Anti-Child Abuse Law?Marami pong salamat!
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
paparami ng mga kakampi at kasabwat sa kanyang bulok na pamamahala. At hangga ngayon, kahit abotlangit ang pagtanggi at pagkakaila ng mga Goebbels at Rasputin, na may kinalaman ang Malakanyang, patuloy ang mga masisibang buwaya sa camara sa pagsusulong ng Cha-cha— upang mapalawig pa ang panununungkulan ni Gng. Arroyo—at makaiwas na matambakan ng kaso— kung si Gng. Macapagal—Arroyo ay hindi na Pangulo o Unang Ministro (balak na gawing parliamentaryo ang
ging mapagsuri ang mga mananaliksik ngayon, dahil malaki ang posibilidad na ang kanilang makopya ay ang mga pananaw ng mga dayuhan. *** Lumalabas na ang pananaw na “anak ng Pampanga ang Bulacan” ay pananaw mula sa mga dayuhan. Ito ay dahil sa malinaw na hindi kinunsidera ang mga resulta ng pananaliksik na nagsasabing may mauunlad na pamayanan sa Bulacan bago pa dumating ang Kastila. *** Batay sa Laguna Copperplate Inscription na natagpuan noong dekada 80, mula pa noong ika-900 taon ay may mga pamayanan na sa mga lugar na nasasakupan ng lalawigan ng Bulacan ngayon. Ilan sa mga lugar na matatagpuan sa Bulacan na binanggit sa Laguna Copperplate Inscription ay ang Binwangan (o Binuangan sa Obando), Bukah (o Gatbuca sa Calumpit), Puliran (o Pulilan), at Paila (na isang sitio sa Norzagaray).
*** Maging sa panig ng Center for Bulacan Studies at Bulacan State University ay may lumalabas ding kapabayaan. Bakit hinayaang lumabas ang nasabing impormasyon ng hindi naberipika o kaya ay naikonsulta sa mga otoridad sa kasaysayan? *** Ayon sa mga historyador na sina Dr. Luis Camara Dery at Dr. Veneracion, mahirap ituwid ang kasaysayan lalo pa’t nahihirapan silang makakuha ng mga dokumento sa mga bahay aklatan ngayon. Lumalabas din na kailangan din nilang ituwid ang pananaw na “anak ng Pampanga ang Bulacan.” *** Payo ng mga historyador, kailangang magsipag-aral ng wikang Kastila. Iyo ay upang mas maunawaan ang mga dokumentong nakatago na nasusulat sa wikang Kastila. Ayon kay Dery, kailangang ma○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
mula sa pahina 2
sistema). Alam kasi ng mga kongresista, senador, miyembro ng gabinete, at maging ng ilang masisibang local executives—na kapag nawala na si Aling Gloria sa poder, mawawala na rin ang kanilang inang kunsintadora, laging bukas ang kabang-bansa sa pamumudmod ng suhol, pabor, at iba pang biyaya. Samantala may 4 na milyong pamilyang Pilipino ang literal na nagkakagutom, may 14 na milyon ang walang trabaho, at ang nagtatrabaho naman sa ibang bansa ay
tinatratong busabos; ang mga Pinay ay ginagawang drug pusher o courier ng bawal na droga, prostitute, na ang marami ay nakabilanggo, binitay na o nakatakdang bitayin. O bihag ng mga pirata o ng mga rebelde sa mga bansang kinatagpuan nila ng mapagkakakitaan. Ipinagmamalaki ni Aling Gloria na matatag, ang ekonomya ng Pilipinas, at kung may naniniwala sa kanya iyon ay ang iilang negosyantepulitiko-militar, na sumusuporta at nabubundat sa kanyang pamamahala sa pamamagitan ng panunuhol.
Mabuhay
MAY 22 - 28, 2009
LINGGUHANG PILIPINO MULA PA NOONG 1980
5
Targeting Journalists AFP denies inclusion of Carlos Conde of NY Times and IHT in order of battle EDITOR’S NOTE: Following is the statement of the Center for Media Freedom and Responsibility (CMFR) on the inclusion of journalist Carlos Conde, former secretary-general of the National Union of Journalists of the Philippines (NUJP), in the Order of Battle of the Armed Forces of the Philippines. Conde is the Manila correspondent of the New York Times and the International Herald Tribune. The CMFR issued the statement on May 21, 2009.
THE inclusion of anyone in the so-called “Order of Battle” of the Armed Forces of the Philippines has not only been threatening. It has also time and again proven fatal for many political activists. The abolition of “OBs” which include the names of legal and unarmed political activists is among the recommendations of UN Special Rapporteur Philip Alston, precisely because inclusion in them has too often led to the assassination of the person listed. The inclusion of the name of journalist Carlos Conde — a 15-year practitioner who currently writes for the New York Times and the International
Herald Tribune and who was formerly secretary general of the National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) — in the “Order of Battle” of a 2007 Armed Forces document must thus be regarded as threatening. Given its traditions of secrecy, the Armed Forces of the Philippines has denied authorship of the document, and would naturally refuse to answer questions on whether a 2009 version of it exists. But such denials, as the escalation of extra judicial killings (EJKs) in the last four years has shown, are as sinister as they’re meaningless, since, in a number of cases, the denials have not prevented EJKs. Under these circumstances journalists’ and media groups have no other recourse but to assume the worst — i.e., that Mr. Conde’s life is in danger. The AFP document accurately lists Mr. Conde as a former officer of the National Union of Journalists of the Philippines, but claims that he is being “targeted” for influence or organizing by the Communist Party of the Philip-
pines, which by itself justifies neither his inclusion in the list nor the threat implied in it. In addition, however, the inclusion of Mr. Conde in that “OB” is troubling in the context of the continuing killing of journalists. The harassments, threats and other assaults on critical and independent journalists and media organizations already constitute a pattern of government intimidation that has eroded free expression and press freedom in the Philippines. While the consensus is that the killing of journalists cannot be blamed on government except as a result of its inefficiency and indifference, the case of Mr. Conde suggests that journalists and media groups may have to rethink that assessment. Are journalists being included in so-called “OBs” to justify attacks on their persons as well as on the freedom the Constitution guarantees their profession? For additional information, please contact CMFR at (+632) 894-1314 / (+632) 840-0903 / (+632) 840-0889 (telefax).
PARA KAY PAPA — Sama-samang nag-alay ng bulaklak para sa kanilang mga magulang ang mga kabataang ito na anak ng ilan sa 100 pinaslang na mamamahayag sa bansa mula noong 1986. Ginanap ito sa paggunita ng World Press Freedom Day sa Pambansang Dambana ni Gat. Marcelo H. Del Pilar sa bayan ng Bulakan noong Mayo 3. Karaniwan sa mga pinaslang na mamamahayag ay lalaki at sa taga-lalawigan. — DINO BALABO
Stupid intelligence endangers lives, says National Union of Journalists/Philippines EDITOR’S NOTE: Following is
the statement issued by the National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) on the inclusion of its former Secretary-General Carlos Conde in the AFP Order of Battle. AGAIN, the Armed Forces of the Philippines has proven that military intelligence is an oxymoron. The sad thing is it is no laughing matter because the irresponsibility and stupidity of military intelligence, specifically of the Army’s 10th Infantry Division, places lives in danger, if it has not already cost some people their lives. The National Union of Journalists of the Philippines has come into possession of a PowerPoint presentation entitled “JCICC Agila, 3rd Qtr 2007 OB Validation Report,” which is marked “Secret” and was apparently prepared by the 10th ID based in Southern Mindanao. An “OB” is an “order of battle, a list of what the military considers to be enemy targets, often members of the communist rebel movement. It is no secret that, very often, landing in the OB is a veritable death sentence, as shown by the close to a thousand extrajudicial killings that have raked the ranks of progressive legal organizations that the government and military openly label “legal fronts” of the communist rebel movement. The 10th ID OB lists down more than a hundred
individuals, mostly leaders and members of progressive and leftist organizations — Bagong Alyansang Makabayan, Bayan Muna, Gabriela — church organizations, based in Davao City, all of whom are classified as “organized,” “dominated” and “targeted.” It also includes one media organization, the National Union of Journalists of the Philippines, under which is listed Carlos Conde. He is among those categorized as “targeted.” Mr. Conde is the Philippine correspondent for the New York Times, the International Herald Tribune and GlobalPost.com, a contributor to other foreign and Philippine publications, and is a member and former secretary general of the NUJP. Mr. Conde, who lived in Davao for 10 years, also used to be NUJP’s coordinator for Davao and Southern Mindanao. To our knowledge, at least one person in the 10th ID OB has been murdered — Davao peasant leader Celso Pojas. Others have been threatened and harassed. Thus, aside from our concern over the continued extrajudicial killings of persons the state and its security forces choose to consider enemies, we are particularly worried over the inclusion of Mr. Conde and the NUJP in the 10th ID OB, which contains, in this case, not only dated and erroneous information, but is also based on a false
premise. The NUJP was once included in an earlier PowerPoint presentation produced by the Intelligence Services of the Armed Forces of the Philippines, which was being shown in schools, called “Know Thy Enemy,” that listed down so-called communist legal fronts tagged “enemies of the state.” The clamor over that fiasco led a red-faced military to admit its mistake and promise to pull out the presentation. Apparently, at least one unit of the AFP — the 10th ID — does not think the NUJP’s inclusion among the state’s considered enemies was a mistake and, has in fact, even singled out one of our more senior and more respected members for “targeting.” The existence of such an abomination as this OB only bolsters the thesis of United Nations special rapporteur Philip Alston that the plague of extrajudicial killings that has cost the lives of close to a thousand activists and dissenters since 2001, when President Gloria Macapagal-Arroyo came to power, can be blamed on a government counterinsurgency strategy that targets personalities from legal leftist organizations openly tagged rebel legal fronts. While the NUJP reiterates that we have, so far, seen no indication that the murder of journalists in this country is part of official policy, the discovery that our organization and
a former officer are considered “enemies of the state,” has made us think that we may have to reconsider our position. Especially since, not only have the most number of journalists — 64 of the 100 slain since 1986 — lost their lives under this administration, it is also this administration alone, after the 14-year Marcos dictatorship, that has attempted a wholesale muzzling of the Philippine media. The 10th ID OB also belies all claims by defense officials and the military top brass about reforms within the AFP and how state security forces have been reoriented to respect human rights. The only way the AFP and the Department of Defense, specifically Secretary Gilberto Teodoro Jr., can rectify this mistake is to sack everyone involved in producing this abominable and stupid PowerPoint presentation, including the commander of the 10th ID, who cannot evade liability under the principle of command responsibility, and to issue a public apology to Mr. Conde, the NUJP and to all the other individuals it may have wronged and placed in danger because of their inclusion in the OB. Not to do so can only lead us to conclude that the OB has the blessings of the defense and military leadership, and, as a consequence, the government itself. Reference: Nonoy Espina NUJP Vice Chairman CP No. 0912-7166633
Withdraw wiretapping case against Cheche Lazaro, PPI urges GSIS EDITOR’S NOTE: Following is the statement of the Philippine Press Institute (PPI) urging the Government Service Insurance System to withdraw the wiretapping case it has filed against broadcast journalist Cheche Lazaro.
WE urge Ella E. Valencerina, vice president for public relations of the Government Service Insurance System, to withdraw the wiretapping case she filed against Cecilia “Cheche” Lazaro of Probe Productions. The charge is absurd, ridiculous and whimsical and violates press freedom and the right to information. Government organizations like the GSIS that are custodians of billions of pesos in public funds should practice complete transparency and accountability on such issues as the GSIS premium-based policy, the subject of the Probe program. Instead, they seek to prevent media people like Cheche Lazaro from having access to information about these funds by filing harassment suits against them. The Anti-Wiretapping Law punishes the recording of conversations only when the parties have not consented to it. Valencerina said that Lazaro recorded their conversation and broadcast it “without my knowledge and much less, my permission.” But the transcript shows that Lazaro told her, “I’m telling you that we are recording this”—and Valencerina continued to talk after that notice, which is a tacit permission to record the conversation. The Anti-Wire Tapping Law was intended to protect the people’s right to privacy. In the Lazaro case there are no private thoughts, statements or records to protect. The matter about which Lazaro asked Valencerina is a public issue about which citizens, including journalists, are entitled to ask probing questions, and to demand truthful answers. Valencerina clearly knew and consented to the taping of the conversation over the phone. Thus, it could not have been “an unauthorized, unlawful and secret recording.” Her charge, to repeat, is absurd, ridiculous and whimsical. It should be immediately dropped to avoid wasting the time of the court as well as that of the litigants. Reference: Isagani Yambot, PPI, Chairman-President, CP No. 0917-533-1925
Alagaan ang kapaligiran. Huwag magkalat sa lansangan. Bayan mo’y hindi basurahan!
Mabuhay
6
MAY 22 - 28, 2009
LINGGUHANG PILIPINO MULA PA NOONG 1980
Bundok ng Biak-na-Bato nauubos na sa pagmimina mula sa pahina 1
sa kabundukan, at hindinghindi raw siya uurong sa paninindigan na maproteksyunan ang kasaysayan, kapaligiran at likas na yaman ng lalawigan. Sinisi niya ang DENR sa pagbibigay nito ng permit sa Rosemoor na naging daan upang muling makapagmina ang kumpanya ng tea rose marble, ang tinatayang pinakamahal na uri ng marmol sa buong mundo. “Muling umigting ang hamon pagkatapos ng mahigit dalawang taon ay binawi ni Kalihim Lito Atienza ang suspension order sa kabila ng nakabinbing apila ng Pamahalaang Panglalawigan sa Malakanyang,” ani Mendoza. Iginiit niya na ang patuloy na pagmimina sa Biak-na-Bato ay magpapadapa o uubos sa bundok na nagsisilbing pananggalang ng bayan ng San Miguel sa mga mapanirang bagyo na nagmumula sa Pacific Ocean. Bukod dito, sinabi ng punong lalawigan na ang pagmimina ay naging sanhi ng mga landslide o pagguho ng lupa at pagdumi ng mga kailugan sa paligid ng Biakna-Bato. Pinasinungalingan naman ni Zenaida Pascual, ang biyuda ni Constantino Pascual na dating pangulo ng Rosemoor, ang alegasyon ni Mendoza na gumagamit sila ng pampasabog sa pagmimina. Pinaslang si Constantino noong Hunyo 8, 2008 habang lulan ng kanyang sasakyan. Naganap ito matapos pagbabarilin ang kanyang sasakyan noong Abril 2008. Ayon kay Zenaida, sa halip ng pampasabog ay
TABAS NA BUNDOK — Isang backhoe ang makikitang nakaparada sa minahan ng Rosemoor Mining and Development Corporation sa mineral reservation wiresaw ang kanilang ginagamit sa pagmimina ng tea rose marble sa 10 ektaryang minahan sa Bundok ng Nabio sa loob ng mineral reservation area ng Biak-na-Bato na matatagpuan sa Barangay Kalawakan, DRT. Batay sa pagkukuwenta ng Mabuhay, aabot sa P121 bilyon ang halaga ng marmol na mamimina sa nasabing 10 ektaryang minahan. Sa kasalukuyan, sinabi ni Zenaida Pascual na lima hanggang 10 wire saw ang gamit sa operasyon ng Rosemoor, ngunit tatlo la-
mang ang nakita ng Mabuhay sa pag-akyat sa minahan noong Marso 30. Pinabulaanan din ni Zenaida ang akusasyon ni Gob. Mendoza na iligal ang operasyon ng Rosemoor, dahil pinagkalooban ito ng DENR ng Mineral Production Sharing Agreement (MPSA) nooong Disyembre 2002. Batay naman sa mga dokumentong inilabas ng Kapitolyo noong 2006, pinagkalooban ng Small Scale Mining Permit (SSMP) ng Provincial Mining Regulatory Board ang Rosemoor noong 2003.
area ng Biak-na-Bato sa Barangay Kalawakan, DRT. Mapapansin ang mga bloke ng marmol sa kanan na tinabas sa pamamagitan ng wiresaw. — DINO BALABO Kaakibat ng SSMP ang pagkakaloob ng delivery receipt sa Rosemoor na naging dahilan upang makapaglabas ng mga bloke ng marmol ang kumpanya sa minahan at maibiyahe. Ang delivery receipt ay halos nakakatumbas ng Ore Transport Permit (OTP) na ipinagkakaloob ng DENR sa mga binigyan nito ng MPSA. Dahil sa may MPSA ang Rosemoor, ang kompanya ay binibigyan din ng OTP ng DENR, na kinukuwestiyon naman ng Kapitolyo. Ang permit na ipinagkaloob ng Kapitolyo sa
Rosemoor noong 2003 ay may bisa sa loob ng isang taon, ngunit bago iyon mawalan ng bisa ay walong katao ang namatay sa biglang pagbaha sa Biak-naBato River na noong una’y isinisi sa pagmimina, ngunit, ayon sa ulat ng DENR, walang kinalaman ang pagmimina sa nasabing biglang pagbaha noong Setyembre 2004. Pansamantalang natigil ang operasyon ng Rosemoor, ngunit muli itong nagpatuloy noong Nobyembre 2005 nang pagkalooban ito ng Mines and Geosciences Bureau (MGB)
ng DENR sa Gitnang Luzon ng OTP. Sa muling pagsisimula ng pagmimina ng Rosemoor, nilabanan ito ng Kapitolyo noong unang bahagi ng 2006 na naging sanhi ng kanselasyon ng permit ng Rosemoor noong Hulyo 2006. Muling natigil ang operasyon ng Rosemoor nang mahigit dalawang taon, ngunit nitong nakaraang taon ay pinawalang bisa ni Environment Secretary Lito Atienza ang kanselasyon sa permit ng Rosemoor kaya’t muli itong nagsagawa ng operasyon. Noong Setyembre 2008, hinarang ng mga residente ng Barangay Sibul ang mga trak na naghahakot ng bloke ng marmol ng Rosemoor, na naging sanhi ng pansamantalang pagkatigil ng operasyon. Subalit, hindi nagtagal at muling nagpatuloy ang Rosemoor sa pagmimina ngunit sa unang bahagi ng taong ito ay muli na namang natigil ang operasyon dahil sa hinarang muli ang mga trak sa utos ni Gob Mendoza at inihulog mula sa mga ito ang mga bloke ng marmol. Inamin ng gobernador na siya ang nag-utos na ihulog ang mga bloke ng marmol mula sa mga trak sa paniniwalang iyon na lamang ang paraan para mapigil ang Rosemoor dahil, ani Mendoza, ayaw pansinin ni Kalihim Atienza ang reklamo ng pamahalaang panlalawigan. Para naman sa Rosemoor, “harassment” ang ginawa ni Mendoza at nagbanta itong magsasampa ng kaso, ngunit hanggang ngayon ay wala pang linaw kung may naisampa na o wala.
Ulan sa tag-araw: Magsasaka Handa ang Bulacan sa Bulacan 2 taon ang itinanda sa Influenza A H1N1 NI DINO BALABO LUNGSOD NG MALOLOS — Tumanda ng dalawang taon ang mga magsasaka sa lungsod na ito dahil sa pag-ulan sa tag-araw na naging sanhi naman ng pagtaas ng water elevation ng Angat Dam. Iginiit ng mga magsasaka na kailangan ang flat bed dryers sa bawat bayan sa lalawigan upang hindi masira ang kanilang aning palay sa panahon ng tag-ulan. Nakansela ang iba’t ibang gawain sa lalawigan sanhi ng bagyong Emong noong unang linggo ng Mayo, ngunit wala namang iniulat na inilikas sanhi ng pagbaha. Apat na bahay ang natupok sa Lungsod ng Meycauayan sa kalakasan ng bagyo noong Mayo 7. “Tumanda ng dalawang taon ang mga magsasaka dahil hindi maisip kung paano isasalba ’yung ginapas nilang palay na naulanan,” ani Melencio Domingo, ang tagapangulo ng City Agriculture and Fisheries Council (CAFC) sa Malolos. Sa pakikipanayam ng Mabuhay kay Domingo noong Mayo 8, sinabi niya na mahigit sa 50 ektaryang bukiring nagapas ang inabutan ng ulan sa tag-araw na nagsimula noong Abril 22. “Inabutang nakabeleta ang mga palay kaya marami ang nasira,” ani Domingo patungkol sa mga uhay ng palay na ginapas na naghihintay na lamang na giikin o paraanin sa mga threshing machine. Dahil sa pagkabasa ng mga ginapas na palay, sinabi niya na ang epekto nito ay sa presyo. Sa kasalukuyan, ang bawat
kilo ng tuyong palay ay naibebenta ng P17, ngunit kung nabasa maibebenta lamang iyon ng P14 bawat kilo o sa mas mababa pang presyo. “Iyan ang dahilan kaya nagrequest kami sa Department of Agriculture ng flatbed dryer,” ani Domingo at sinabing nagpadala na ng isang resolusyon ang Provincial Agriculture and Fisheries Council (PAFC) kay Agriculture Secretary Arthur Yap noong Abril 28. Ayon kay Narding Clemente, isang magsasaka sa bayan ng Balagtas, malaking pakinabang sa mga magsasaka ang flatbed dryer o ang makinang ginagamit sa pagpapatuyo ng inaning palay. Sinabi ni Clemente sa Mabuhay na sa nagdaang dalawang linggo ng pag-ulan, umabot sa 2,000 kaban ng palay ang kanilang napatuyo sa nasabing dryer. “Pag natuyo kasi yung palay mas maibebenta namin sa mataas na presyo,” aniya. Tubig sa dam tumaas Umangat naman ng halos limang metro ang water elevation sa Angat Dam mula Abril 22 kung kailan naitala sa taas na 190.25 metro ang tubig kumpara sa 195.80 metro na naitala noong Mayo 21. Sanhi ito ng ulan sa tag-araw. Dahil naman sa ulan na hatid ng bagyong Emong, umangat ang water elevation sa dam mula sa 193.49 metro na naitala noong Huwebes, Mayo 7 sa 194.60 metro kinabukasan, o mahigit na isang metro ang itinaas sa loob lamang ng 24 na oras. Kaugnay ng malakas na buhos ng ulan hatid ni Emong,
sinabi ni Felicisima Mungcal, hepe ng Provincial Disaster Management Office (PDMO), na walang naitalang inilikas na tao sa lalawigan sanhi ng pagbaha. Ayon kay Raul Agustin, special operations officer ng PDMO, mababaw ang tubig sa mga kailugan sa Bulacan kaya’t hindi nagawang paapawin ng tubig ulan. Gayunpaman, sa kabila na walang inilikas ay ilang gawain naman ang nakansela sa lalawigan sanhi ng ulan na hatid ng bagyo. Ayon kay Sheryl Dela-Rama Baltazar, public relations officer ng SM City Marilao, pansamantala nilang ipinapagliban ang inihandang pagdiriwang para sa Luyang Dilaw fiesta sa Marilao. Sinabi naman ni Beverly Cruz, public relations officer ng SM City Baliwag, na kinansela nila ang nakatakdang tactical drill ng mga guwardiya. Samantala, apat na bahay ang natupok sa Barangay Tugatog sa Meycauayan noong kalakasan ng buhos ng ulan. Ayon kay Col. Absalom Zipagan, provincial fire marshall ng Bulacan, umabot sa P1 milyon ang halaga ng natupok na ariarian sa sunog, ngunit walang iniulat na nasaktan. Nagsimula ang sunog bandang ika-4:00 ng hapon sa bahay ni Mila Carluen, 70, na matatagpuan sa Barangay Tugatog ani Koronel Zipagan. Mabilis ang pagkalat ng apoy at nadamay ang mga bahay ng tatlo pang kaanak ni Carluen, aniya. Agad namang nagdatingan ang mga bumbero at tuluyang naapula ang apoy sa loob ng isang oras.
LUNGSOD NG MALOLOS — Patuloy ang malawakang kampanya sa kabatiran sa Bulacan bilang paghahanda sa paglaganap ng “swine flu” o Influenza A H1N1 virus sa mundo na umabot na sa bansa . Ang pagkakaroon ng unang kaso ng kinatatakutang sakit ay kinumpirma ng Department of Health noong Mayo 21. Ayon kay Dr. Joycelyn Gomez, provincial health officer ng Bulacan, magsasagawa sa Mayo 25 ng isang panglalawigang kumperensiya para sa kahandaan ng Bulacan laban sa swine flu. Sinabi ni Dr. Gomez na nauna nang ipinayo ng kanyang opisina sa mga pambayang mangagagamot at mga kapitan ng barangay ang pagpapatupad ng “seven lines of defense” laban sa kinatatakutang sakit. “Kabilang dito,” aniya, ang maagap na pagkilos ng Barangay Health Emergency Response Team (BHERT) sa kanilang nasasakupang barangay.” Kailangan din ang pagpapaigting ng pagmamanman ukol sa mga di-pangkaraniwang kaso ng influenza at severe pneumonia. Narito ang dagdag na payo ni Dr. Gomez: – Paglilinis sa kapaligiran, personal hygiene, proper cough manner at tamang paghuhugas ng kamay.” – Patuloy na pagsubaybay ng kalinisan sa mga poultry at piggery at gayundin sa mga backyard hog raisers at pamilihang bayan o talipapa. – Pag-iwas sa pakikisalamuha sa mga taong posibleng may sintomas ng paglalagnat at influenza. – Pagsasagawa ng self-monitoring at self-quarantine lalo na sa mga nanggaling sa mga apektadong bansa sa loob ng 10 araw.
Ayon sa provincial health officer, ang kumperensiya para sa kahandaan ng Bulacan laban sa swine flu ay naglalayon na higit na maipaliwanag ang nasabing sakit sa mga opisyal at mga manggagawa sa mga barangay. Inatasan ni Gob. Joselito “Jonjon” Mendoza ang lahat ng punong bayan at punong barangay na makiisa sa paghahatid ng kaalaman tungkol sa mga epektibong depensa para maiwasan ang swine flu. Ang malawakang kampanya sa lalawigan laban sa sakit na ito, aniya, ay suporta sa layon ng pamahalaang nasyonal na mapanatiling ligtas ang bansa sa swine flu. Hindi rin dapat kalimutan ng publiko, aniya, ang paalala na palakasin ang resistensya ng katawan laban sa mga sakit, samahan din ng pagdarasal at mabilisang aksyon dahil ang mga ito ang sandatang ginamit upang malampasan ng Bulacan ang iba’t ibang banta sa kalusugan ng mamamayan. Matatandaan na matagumpay ang mga isinagawang “lines of defense” sa lalawigan kaugnay ng bird flu noong 2005. Ayon sa DOH, nakaligtas na ang nagkaroon ng unang kaso ng Influenza A H1N1 sa bansa. Ang 10-taong biktima ay umuwi sa bansa noong Mayo 18 matapos ang paglalakbay sa Amerika at Canada, kung saan kapwa may mataas na bilang ng mga nahawa ng kinatatakutang sakit. Batay naman sa tala sa website ng World Health Organization (WHO) noong Mayo 21, umabot na sa 41 bansa ang may kumpirmadong kaso ng swine flu, ngunit hindi pa kasama sa listahang iyon ang Pilipinas. — DB
Mabuhay
MAY 22 - 28, 2009 ○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
Depthnews
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
from page 3
Jimmy, Janice, and Joy. More imaginative parents shoot for more sophisticated forms of assonance or rhyme, as in Biboy,Boboy, Buboy, Baboy ( Notice the names get worse the more kids there are — best to be born early or you could end up being a Baboy). Even better, parents can create whole families of, say, desserts (Apple Pie, Cherry Pie,Honey Pie) or flowers (Rose, Daffodil, Tulip). The main advantage of such combinations is that they look great painted across your trunk if you’re a cab driver.That’s another thing I’d never seen before coming to Manila — taxis with the driver’s kids’ names on the trunk. Another whole eye-opening field for the foreign visitor is the phenomenon of the “composite” name. This includes names like Jejomar (for Jesus, Joseph and Mary), and the remarkable Luzviminda (for Luzon, Visayas and Mindanao, believe it or not). That’s a bit like me being called something like “Engscowani” (for England, Scotland, Wales and Northern Ireland). Between you and me, I’m glad I’m not. And how could I forget to mention the fabulous concept of the randomly-inserted letter ‘h’. Quite what this device is supposed to achieve, I have not yet figured out, but I think it is designed to give a touch of class to an otherwise only averagely weird name. It results in creations like Jhun, Lhenn, Ghemma, and Jhimmy. Or how about JhunJhun(Jhun2)? Here in the Philippines, wonderful imagination and humor is applied to the naming process, specially in the Chinese community. My favourites include: Bach Johann Sebastian, Edgar Allan Pe, Jonathan Livingston Sy, and my girlfriend’s very own sister, Van Go. I am assured these are real people, although I’ve only met two of them. I hope they don’t mind being mentioned here. How boring to come from a country like the UK full of people with names like John Smith. How wonderful to come from a country where exoticism rule the world of names. My favorite is the unbelieveably-named town of Sexmoan (ironically close to Olongapo and Angeles). Could that really be true? Where else in the world could the head of the Church really be called Cardinal Sin? Where else in the world could Angel, Gigi and Mandy be grown-up men? Where else could you go through adult life unembarrassed and unassailed with a name like Mosquito, or Pepper, or Honey Boy? Where else but the Philippines!” ○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
7
LINGGUHANG PILIPINO MULA PA NOONG 1980
○
○
○
○
○
Cebu Calling
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
from page 3
vices and sins, disorder in our sense of priority, etc. For Christian believers, the source and end of their consciousness should be God. This is simply because the Christian faith teaches that God is the creator of the whole universe, including us, and continues to govern us intimately in our hearts, thus, a living relationship between God and the believer. We need to be focused always on him. Straying from him would be to stray from reality. It would lead us to make our own reality and our own world, with consequences that sooner or later will always be bad for us. For Christian believers, reality is not simply the items that we see or hear or even feel. Reality is a given, not made by us. It has to be discovered, not invented by us. But it has to enter deep into our being, since we have a subjective mode of existence. And ultimately the one who gives the reality to us is God, since things just don’t break into existence on their own. There is an ultimate cause—God. This human need for recollection will always bring us to the realization of the existence of God, with the corresponding rights and duties towards him. We have to work this skill out, helping one another, being patient and understanding with one another, since the road to it, aside from being narrow, is strewn with difficulties, traps and snares.
MANAHAN SA LABAS NG HUKUMAN NA MAY BILIHAN Dapat malaman ng lahat na ang ari-arian ng namayapang si Rodolfo Gregorio na namatay noong October 19, 2008 sa Pulong Buhangin, Sta. Maria, Bulacan na walang naiwang huling habilin ay nakaiwan ng isang (1) Lagay ng lupang na matatagpuan sa Pulong Buhangin, Sta. Maria, Bulacan na makikilala sa palatandaan na Transfer Certificate of Title No. T-34151(M) ay napagkasunduan na manahin sa labas ng hukuman na may bilihan ay mas makilala sa Doc. No. 62 ; Page No. 14; Book No.96; Series of 2009 Notaryo Publiko ni Atty. Federico T. Venzon. Mabuhay: May 8, 15, & 22, 2009
EXTRA-JUDICIAL SETTLEMENT OF ESTATE OF THE LATE EUFROCINA C. GUILLERMO NOTICE is hereby given that the estate of the deceased EUFROCINA C. GUILLERMO ied intestate on July 4, 2008 at 68 Sampaguita St., Valle Verde 2, Pasig City who left behind a Certificate of Time Deposit No. 919273 in Metrobank 304 Anonas Aurora Blvd. Branch in the amount of ONE THOUSAND EIGHTEEN and 21/100 (1,018.21) US Dollar executed by he heirs before Notary Public Erlinda B. Espejo’ Doc. No. 337; Page No. 69 Book No. CCCCLXXXVII; Series of 2009. Mabuhay: May 15, 22 and 29, 2009
EXTRA-JUDICIAL SETTLEMENT OF ESTATE NOTICE is hereby given that the estate of the deceased VIRGINIA C. BAUTISTA died intestate on September 4, 2008 and she is the registered owner of a parcel of land covered by TCT No. 20935 with Emancipation Patent No. 681028 of the Register of Deeds of San Fernando, Pampanga, more particularly described as follows: Original/Transfer of Title No. 124479-R Josefa R. Rustia — executed by her heirs before Notary Public Alfredo G. Sunga; Doc. No. 70; Page No. 15; Book No. 08; Series of 2009. Mabuhay: May 8, 15 & 22, 2009
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
Forward to Basics ways to solve our problems. Such an attitude may also be a form of seeking ourselves and thus prevent us from acquiring an authentic conversion. We could, however, point out some of our Lord’s “defects” as the late Bishop Francis Xavier Nguyên Van Thuân referred to in a retreat he once preached to the Great John Paul II and the Roman Curia. He used this as a catechetical tool to explain to his communist captors “why he left everything to follow Jesus because of His defects.”[1] a) Jesus has a terrible memory: On the cross, during his agony, Jesus heard the voice of the thief crucified on his right, “Jesus, remember me when you come into your kingdom”. If I had been Jesus, I would have told him, “I certainly will not forget you, but your crimes have to be expiated with at least twenty years of purgatory.” Instead, Jesus tells him, “Today you will be with me in paradise”. He forgets all the man’s sins. (…) Jesus does not have a memory like mine. He not only pardons, and pardons every person, he even forgets that he has pardoned. b) Jesus doesn’t know math: If Jesus would have had to take a mathematics exam, he might have failed. He indicates this in the parable of the lost sheep. A shepherd has one hundred sheep. (…) For Jesus, one ○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
Fair & Square
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
from page 3
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
parable of the workers in the vineyard. (…) How can anyone pay someone who began work-ing at 5:00pm the very same wage paid to the person who has been working since early morning? Is this merely an oversight? Is Jesus’ accounting wrong? No! He does it on purpose, as he explains, “Can I not do what I want with what is mine? Or are you jealous because I am generous?” f) Jesus is a bad teacher: As a teacher, Jesus would certainly be dismissed by the Department of Education for already revealing the content of the final exam that should be kept secret. More than that, he describes the unfolding of the exam. “But when the Son of man comes in His glory…all the nations will be gathered before Him, and He will separate them from each other, the way a shepherd separates the sheep from the goats.” These six “defects” of Jesus, more than highlighting what God lacks in fact show what man is incapable of giving and sacrificing because of his selfishness and calculating attitude towards God and neighbor. Our Lord is only more than willing to carrying with on these “defects” so that we may be humbled and converted as we return to His unfailing mercy and love. [1] Taken from “Testimony of Hope”, Bishop Francis Xavier Nguyên Van Thuân, pp. 14-18. ○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
from page 3
○
○
ated with a good purpose in mind. But whatever good purpose there was in the beginning was apparently lost when it was placed under the supervision of the MMDA. By design, the Commission was supposed to be an operating agency as I understand it, but why was it placed under an agency that was supposed to be nonoperating? It also appears that the Laguna Lake Development Authority (LLDA) was created with a good purpose in mind. As it was created however, did it occur to the planners at that time that the lake could not be cleaned without cleaning the rivers? That the rivers could not be cleaned without cleaning the lands around it, and the mountains above it too? Did it occur to them that the Pasig River is connected to Laguna Bay and the Pasig River eventually leads to Manila Bay? ○
○
Regarding Henry touched. As a result, I lost more than did the object of my revenge.” He summed up through these words what he learned from that past event: “If you can’t take the best advice and forgive your enemies, then take the second best and forget them. The only way you can achieve true revenge is not to let your enemies cause you to self-destruct.” Sound advice, indeed. Even in politics, there are no actual friends and no actual enemies. Listen to the words of Ann Richards: “I’ve always said that in politics, your enemies can’t hurt you, but your friends will kill you.” There are different types of enemies. But there are people who become our enemies because of our different beliefs or religions. In the middle of the fighting in Lebanon, a Christian seminarian was captured by a Druze Muslim. He ordered the captive down a mountain path, where he was to be shot. This particular seminarian had had military training, and was able to surprise his captor and disarm him. Now the table was turned: it was the Druze who was ordered down the path. As they walked along, however, the seminarian recalled the words of Jesus, “Love your enemy. Do good to those that hate you.” He could go no farther. He threw the rifle into the bushes, told the Druze he could go – and started
Pangalagaan ang kalikasan!
○
is equal to ninety-nine—and perhaps more! Who could ever accept this? But his mercy reaches from generation to generation.... c) Jesus isn’t logical: A woman who has ten silver pieces loses one of them and she lights a lamp to search for it. This is truly illogical— to disturb your friends over one silver piece and then to plan a feast to celebrate the find! Even more, by inviting her friends, she is bound to spend more than the one silver piece. Not even ten silver pieces would be enough to cover all the expenses. d) Jesus takes unreasonable risks: Jesus promises trials and persecutions for those who fol-low him. To his disciples who have left everything for him, he does not guarantee food or lodging, but only a share in his own way of life. (…) The Gospel passage of the Beatitudes, the true “self-por-trait” of Jesus the risktaker for the love of the Father and of humanity, is a paradox from beginning to end, even for us who have become used to hearing it: Blessed are the poor in spirit.... Blessed are the afflicted.... Blessed those who are persecuted for righteousness’ sake.... Blessed are you when people revile you and persecute you and utter all kinds of evil against you on my account. Rejoice and be glad, for your reward is great in heaven. e) Jesus doesn’t understand finances or economics: Recall the
ers not unless we clean our lands, and we could not clean our lands not unless we clean our mountains. Who is in charge of seeing to it that this integration and coordination is done properly? As I understand it, the Metro Manila Development Authority (MMDA) is supposed to be a planning and coordinating agency. It is their function to integrate the planning for the entire metropolitan area, and to coordinate the implementation and execution of these plans by the member cities and municipalities. What these means is that the MMDA is not supposed to be an operating agency, ergo it should not compete with and duplicate the functions of the other agencies that are supposed to do the actual operations. It appears that the Pasig River Rehabilitation Commission was cre○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
walking back up the hill. Minutes later, he heard the Druze coming up behind him. “Is this the end, after all?” he thought. Perhaps the Druze was going to shoot him in the back. But he never turned around; he kept walking straight ahead, until the enemy reached him. Right there and then, the Druze grabbed him, hugged him, and thanked him for sparing his life.
Several environmentalist groups are now fighting a plan to dredge the Pasig River with the intention of dumping the sludge into the Manila Bay . Is this not a way of getting rid of garbage from one end of the ecosystem only to dump it into another end of the system? And why are we talking only about cleaning the Pasig River with apparently no plan to synchronize its clean up with the clean up of Laguna Bay and Manila Bay ? And why is so much attention given only to the clean up of the Pasig River ? Have we forgotten that there are so many other rivers in our country that are either dead or dying? Is it because the Pasig River is more popular? — Email
[email protected] to join the United National Integrated Development Alliance (UNIDA). Text +639293605140
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
from page 3
“We must develop and maintain the capacity to forgive,” Martin Luther King, Jr. pointed out. “He who is devoid of the power to forgive is devoid of the power to love. There is some good in the worst of us and some evil in the best of us. When we discover this, we are less prone to hate our enemies.” For comments, write me at
[email protected].
Mabuhay
8
MAY 22 - 28, 2009
LINGGUHANG NOONG1980 1980 LINGGUHANGPILIPINO PILIPINO MULA PA NOONG
Bulakenyong gumagawa ng bag tumutulay sa lubid NI DINO BALABO LUNGSOD NG MALOLOS — Parang tumutulay sa lubid at laging naninimbang ang kalagayan ng mga maliliit na negosyanteng Bulakenyo sanhi ng krisis at pagpasok ng mga produktong iligal na inangkat. Ipinapayo ng Department of Trade and Industry (DTI) sa mga maliit na negosyante sa lalawigan partikular na sa mga gumagawa ng bag na maging malikhain lalo na sa disenyo upang makasabay sa tinaguriang “smuggled products”. Matatandaan na ilang Bulakenyong entreprenyor, katulad ng gumagawa ng mga abito ng pari at sombrerong buntal na kapwa matatagpuan sa Baliuag, ang nagpakita na ng kanilang pagiging malikhain upang makatugon sa hamong hatid ng krisis Ngunit hindi madali ito sa mga gumagawa ng bag, partikular na sa bayan ng Bustos at dito sa Malolos, dahil sa maliit lamang ang kanilang puhunan, bukod pa sa halos hindi sila makaahon sa mga problemang humahamon sa kanilang pagnenegosyo. Kabilang sa mga problema ang patuloy na pagtaas ng presyo ng materyales na gamit sa paggawa ng kanilang produkto, at ang mababang presyo nito dahil sa kumpetisyong hatid ng mga produktong galing sa Tsina. Problema rin ang pangangalaga sa kanilang mga trabahador upang hindi magsialis ang mga ito. Ayon kay Chona Ramos ng Jhorey Enterprises sa bayan ng Bustos, mula pa noong 2003 ay humina na ang benta ng ginagawa nilang bag dahil sa pagpasok ng mga katulad na produktong gawa sa Tsina. “Nasira ang price namin,” aniya, “Hindi kami makapagtaas ng presyo. ’Yung presyo namin ngayon ay katulad pa rin noong 2003.” Nakapanayam ng Mabuhay si Ramos noong Mayo 19 sa pagbubukas ng “back-
to-school trade fair” sa harap ng Kapitolyo na nilahukan ng Jhorey Enterprises. Ayon kay Ramos, ang mga bag na ibinebenta nila ng P150 bawat isa noong 2003 ay nananatili hanggang ngayon sa nasabing presyo. Bukod sa mga nabanggit na problema, sinabi rin ni Ramos sa Mabuhay na dati ay nakakautang sila ng materyales sa mga supplier ngunit ngayon ay hindi na. “Dati kahit three months kaming di magbayad umuubra, pero ngayon dapat bayaran agad ang mga materyales dahil kung magtatagal ang utang namin baka bumagsak din ’yung kinukunan namin,” aniya. Sa kasalukuyan ay 15 taon na sa paggawa ng bag si Ramos at nakapagpundar na rin ng 17 makina gamit sa paggawa nito. Ngunit, dahil sa nagkakaroon ng patlang sa paggawa, apektado naman ang kanyang mga mananahi o manggagawa. “Kung minsan hinahayaan ko na silang kumuha ng trabaho sa iba, huwag lang magsialis,” ani Ramos. Ang pagkakaroon ng patuloy na trabaho ng kanyang mga mananahi ay nangangahulugan na hindi ito magsisialis dahil patuloy ang kita nila. Ayon kay Ramos, hindi niya puwedeng pabayaan ang kanyang mga mananahi dahil mahirap kumuha ng mananahi na may kasanayan na at may karanasan. “Marami rin kasi ang nagpapatahi ng bag sa Bustos, kaya any time puwede silang lumipat,” aniya. Iginiit pa ni Ramos na isa ito sa dahilan kung bakit lagi siyang parang tumutulay sa lubid. “Pag kailangan nila ng pambayad sa kuryente o pambayad sa school ng anak nila, kailangang tustusan ko agad kaya parang biglang lumaki ang aking pamilya,” ani Ramos na may limang anak.
MURANG BAG — Pabor sa maraming mamimili ang mababang presyo ng mga bag na gawa sa Bulacan dahil sa nalalapit na pagbabalik ng mga mag-aaral sa eskwela, ngunit para sa mga entreprenyor na gumagawa at nagtitinda nito isang malaking problema nila ang pananatiling mababa ng presyo ng kanilang produkto dahil sa patuloy naman na pagtaas ng presyo ng mga raw material at pasuweldo nila sa kanilang mga manggagawa. — DINO BALABO Kaugnay nito, sinabi naman ni Rhine Aldana, provincial director ng DTI sa Bulacan na hinihikayat ng kagawaran ang mga gumagawa ng bag sa lalawigan na maging malikhain. “Kailangan nila ng product development at mga bagong disenyo ng produkto para makasabay sa mga imported product,” ani Aldana. Ngunit, sinabi niya na hindi lahat ay bukas ang isipan sa mga payo ng DTI sa kabila na nakahandang gumastos ang kagawaran sa pagsasanay ng mga ito. Sa kasalukuyan, ayon sa DTI, pito na mula sa Bulacan ang naipasok sa mga pagsasanay sa product development partikular na sa pagdidisenyo ng mga produkto. Una rito, sinabi ng tagapamahala ng Chez Les Saints, ang kumpanyang guma-
gawa ng mga abito at iba pang damit ng pari sa Baliuag, na mas pinili nila na huwag munang bumili ng mga makinang pamburda upang mapanatili ang trabaho ng kanilang mga manggagawa. Para naman kay Rosie Decasa ng Baliuag Buntal Entreprises, nakahanda siyang magbigay ng mga pagsasanay maging sa mga bilanggo upang magpatuloy ang paglala ng sombrerong buntal. Sinabi pa niya na kahit tumataas ang presyo ng mga raw material at pasuweldo sa mga manggagawa hindi naman tumataas ang presyo ng kanilang sombrerong ibinebenta sa ibayong dagat. Ngunit sa kabila nito, sinabi niya na nananatiling matatag ang kanyang negosyo dahil sa pananatiling mataas ang kalidad ng kanilang produkto.
Mga anak ng pinaslang na mamamahayag nakakabangon na sa pagdadalamhati LUNGSOD NG MALOLOS — Unti-unti nang nakakabangon sa pagdadalamhati ang mga anak ng mga mamamahayag na pinaslang, ngunit, ayon sa National Union of Journalists of the Philippines (NUJP), hindi pa sapat iyon. Ayon kay Rowena Paraan, training director ng NUJP, apat na taon na nilang tinitipon tuwing bakasyon o tag-araw ang mga anak ng pinaslang na mamamahayag. Sa apat na sunod na taon, ani Paraan pinagawa nila ang mga into ng mga saranggola bilang bahagi ng “pyschosocial treatment” na nakadisenyo upang sila ay madaling makabangon sa dalamhati. Ngayong 2009, ang mga nasabing kabataan ay muling tinipon ng NUJP at bukod sa paggawa ng saranggola ay gumawa din sila ng ibong origami na inialay sa bantayog ni Gat Marcelo H. Del Pilar sa Bulakan, Bulacan noong Mayo 3 kaugnay ng paggunita sa World Press Freedom Day. Ang pag-aalay ng mga ibong origami o mga ibong yari sa papel ay nagsilbing tahimik na protesta at panawagan ng mga kabataan para sa katarungan sa pagpaslang sa mga ama nilang mamamahayag. Ang paggawa ng mga papel na tiniklop sa korteng ibon ay nagmula sa kaugalian ng mga Hapon na nagsasabing kapag gumawa ng 1,000 ibong origami at may kalakip na paghiling, nagkakatutoo ang kahilingan. Ayon kay Paraan, pandaigdigang kapayapaan ang pangunahing layunin ng paggawa ng mga Hapon ng ibong origami. Sa pakikipanayam ng Mabuhay kay Paraan sa telepono, si-
IBONG PAPEL — Sa kaugalian ng mga Hapon, ang mga ibong origami o mga ibong yari sa tiniklop na papel ay simbulo ng kapayapaan, ngunit para sa mga anak ng mamamahayag na
pinaslang sa Pilipinas ito ay naging sagisag ng tahimik nilang protesta at kahilingan ng katarungan para sa kanilang mga magulang. — KUHA NI MELANIE PINLAC NG CMFR
nabi niya na isang makabuluhang gawain para sa mga naulila ng pamamaslang ang paggawa ng saranggola at ibong origami dahil nakakatulong iyon na makabawas sa pagdadalamhati. “Noong una, mayroon na mga in-denial na patay ang kanilang ama, pero di nagtagal ay natanggap na rin nila at untiunti na muling umusad ang kanilang buhay,” ani Paraan. Sinabi pa niya na nakakatulong din sa mga naulila ang makilala ang mga kapwa naulila nila dahil ang mga ito ay nagpapalitan ng payo na nagbibigay ng lakas ng loob sa isa’t isa sa pamamagitan ng telepono. “Regular silang nagte-text sa isa’t isa kaya parang support group na sila,” ani Paraan. Sa kasalukuyan, sinabi ni Paraan na umaabot sa 42 anak ng pinaslang na mamamahayag
tieres (RSF), ang Pilipinas ay isa sa pinakadelikadong lugar sa mundo para sa mga mamamahayag. Sinabi naman ng Committee to Protect Journalists nitong nakaraang Marso na ang Pilipinas ay pang-anim sa 14 na bansa sa mundo na may pinakamataas na impunity index o halos walang napaparusahan sa mga kaso ng pamamaslang sa mga mamamahayag. Bukod naman sa NUJP, nakikiisa rin ang Freedom Fund for Filipino Journalist (FFFJ), Center for Media Freedom and Responsibility (CMFR), at Philippine Press Institute (PPI) sa pagtulong sa mga mamamahayag at mga pamilya ng mamamahayag na pinaslang. Ang FFFJ ang pangunahing grupo na nagbibigay ng pinansiyal na tulong sa pamilya ng pinaslang na mamamahayag
ang nasa ilalim ng scholarship na ipinagkakaloob ng NUJP, bukod pa sa pagbibigay nila ng serbisyo ng mga psychologist sa mga ito. Sinabi pa niya na sa kabila ng tulong ng NUJP at iba pang grupo ng mamamahayag sa mga naulila ng pinaslang na mamamahayag ay kulang pa rin iyon. “We want to give them better service lalo na yung treatment sa psychologist, kaya lang maliit lang ang pondo ng NUJP,” ani Paraan. Batay sa tala ng NUJP, umabot na sa 100 mamamahayag sa bansa ang pinaslang mula noong 1986 kung kailan nagbalik ang demokrasya sa bansa, at mahigit 60 naman mula noong 2001 kung kailan nagsimula sa panunungkulan si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo. Batay sa mga naunang pahayag ng Reporters San Fron-
bukod sa kanilang paggugol sa mga abogadong nagsusulong ng kaso laban sa mga pumaslang sa mga mamamahayag. Ang CMFR at PPI naman ay patuloy sa pagbibigay ng mga pagsasanay sa paniniwalang ang responsable at matinong pamamahayag ang pangunahing sandata laban sa pamamaslang ng mga mamamahayag. Kaugnay nito, umabot naman sa mahigit 50 kabataan ang dumalo sa dalawang araw na pagsasanay sa pamamahayag na tinaguriang “Punlaan sa Tagaraw” sa pangunguna ng pahayagang Punla na isinagawa noong Mayo 7 hanggang 8 sa Club Royale Resort sa lungsod na ito. Naging bahagi rin ng dalawang araw na pagsasanay ang “extrajudicial killings reporting” na pinangunahan ng NUJP. — Dino Balabo