Mabuhay Issue No. 43

  • Uploaded by: Armando L. Malapit
  • 0
  • 0
  • November 2019
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Mabuhay Issue No. 43 as PDF for free.

More details

  • Words: 13,436
  • Pages: 8
PPI Community Press Awards •Best Edited Weekly 2003 and 2007 •Best in Photojournalism 1998 and 2005

Mabuhay LINGGUHANG PILIPINO MULA PA NOONG 1980

ISSN–1655-3853 • OKTUBRE 24 – 30, 2008 • VOL. 29, NO. 43 • 8 PAHINA • P10.00

a rt angel

printshop

Printing is our profession Service is our passion 67 P. Burgos St., Proj. 4, QC 1109, Philippines (0632) 912-4852 (0632) 912-5706

Tuloy ang pagkalbo sa Angat dam at Ipo dam watershed

Napangiwi si GMA sa nakitang larawan ng kalbong kabundukan  Basahin ang ulat ni Dino Balabo sa Pahina 6

NAKAKALBONG WATERSHED — Malinaw na makikita sa larawang ito na kuha mula sa himpapawid ang bahagi ng Ipo Dam sa Norzagaray, Bulacan na patuloy na nakakalbo. Ang larawang ito ay hinango ng Sagip Sierra Madre

Multi-sectoral Council (SSMMSC) sa internet kung saan ito ay pansamantalang inilagay ng mga kagawad ng Department of Evironment and Natural Resources (DENR). — PHOTO COURTESY OF SSMMSC

ITINUTURO ng isang sundalo (kaliwa) ang dambuhalang trosong inabutan nilang nakabuwal sa kabundukan ng Ipo Watershed noong Agosto. Ang lawarang ito ay kuha ng mga kasapi ng SSMMSC na nagsagawa ng dokumentasyon sa pagkasira ng kabundukan sa pamamagitan ng pag-akyat sa bundok. — Kuha ng SSMMSC

MAKIKITA sa larawan si Bro. Martin Francisco (kanan) at mga kasapi ng SSMMSC habang ini-inspeksyon ang inabutan nilang pinagputulan ng mga troso at ang mga tablang tinistis mula sa trosong pinutol sa loob ng kabundukan ng Ipo watershed sa Norzagaraya, Bulacan. — Kuha ng SSMMSC

2

OKTUBRE 24 – 30, 2008

EDITORYAL

Lahok ng mamamayan NAMUMUKOD tangi ang pagsisikap ng pamahalaang lungsod ng Malolos sa pagsisinop ng basura bilang isang hakbang sa pangangalaga ng kalikasan at paghahanda para sa isang malinis na pamayanan ng malulusog at produktibong mamamayan. Ang pagsisikap ng Malolos ay nagbunga ng pagtatayo sa Barangay Mambog ng isang Material Recovery Facility (MRF) kung saan ang halos 100 metrong tonelada ng basurang nakukulekta bawat araw ay pinaghihiwalay. Ang nabubulok ay ginigiling at ipinamamahagi sa mga magsasaka na siyang nagpapahinog nito upang maging abono sa mga halaman; at ang di-nabubulok tulad ng mga plastic ay hinuhugasan, pinatutuyo, kinukulekta at ginagamit na alternatibong panggatong ng Holcim Cement Corporation sa produksyon ng semento. Tunay na malayo na ang narating ng Malolos sa anim na taong programa sa pagsisinop ng basura at mapanatiling malinis ang kapaligiran na isang mabisang hakbang sa pangangalaga sa kalikasan at natural na yaman tulad ng katubigan na bahagi ng patuloy na kaunlaran ng lungsod. Ngunit ang patuloy na tagumpay sa pagsisikap na ito ay nakasalalay sa pakikiisa ng bawat mamamayan ng makasaysayang lungsod na magagawa sa pamamagitan ng personal na paglilinis ng kanilang mga bakuran at pagsisinop ng sariling basura. Ito ay isang natural na bunga ng bawat polisiyang ipinatutupad ng bawat pamahalaan, pangnasyunal man o lokal — ang makumbinsi at mahubog ang bawat mamamayan na makiisa dahil ang layunin nito ay ang kabutihan at kaunlaran di lamang ng mamamayan sa kasalukuyang panahon kungdi pati ng susunod na henerasyon. Totoo ang aral na ulit-ulit na ipinaaalala ng matatanda: ang kalikasang ating pinagkukunan ng yaman ngayon ay hiram natin sa susunod na henerasyon, at kailangang pangalagaan upang iyon ay kanilang mapakinabangan at masustinihan ang kanilang pangangailangan bilang isang lahi. Walang dapat pagtalunan sa pangaral na ito ng matatanda dahil malinaw na ang kinabukasan ng bawat pamayanan ay nakasalalay sa pagiging responsable ng bawat isa sa kasalukuyan. Kaibigan, pagsisinop ng basura’y ating tungkulin. Huwag natin itong ipagpabukas dahil ang kinabukasan ay hindi atin, sa halip ay hiram lamang natin sa ating mga anak.

Jose L. Pavia Publisher/Editor Perfecto V. Raymundo Associate Editor

EDITORIAL Alfredo M. Roxas, Jose Romulo Q. Pavia, Jose Gerardo Q. Pavia, Joey N. Pavia , Jose Visitacion Q. Pavia, Carminia L. Pavia, Perfecto Raymundo Jr., Dino Balabo

PRODUCTION

Anthony L. Pavia Managing Editor

Jose Antonio Q. Pavia, Jose Ricardo Q. Pavia, Mark F. Mata, Maricel P. Dayag

e-mail [email protected]

Eden Uy, Allan Peñaredondo, Joseph Ryan S. Pavia

PPI-KAF Community Press Awards

BUSINESS / ADMINISTRATION

Best Edited Weekly 2003 + 2008 Best in Photojournalism 1998 + 2005

Buntot Pagé

PERFECTO V. RAYMUNDO

Ilegal na pagawaan ng paputok BAGAMAT may kalayuan pa ang Pasko at Bagong Taon, marami nang pagawaan ng paputok sa lalawigan ng Bulacan, lalong-lalo na sa bayan ng Bocaue, ang kasalukuyang gumagawa ng paputok. Halos kalahati ng mga pagawaan ng paputok sa nasabing bayan ay ilegal. Sa madaling salita, hindi rehistrado o hindi lisensyadong gumawa ng paputok. Kalimitan sa mga ilegal na ito nagmumula ang aksidente na nagiging sanhi ng pagsabog ng pagawaan, na kadalasan ay pinagbubuwisan ng buhay. Nito lamang nakaraang araw ay naaresto ng pulisya ang isang negosyante at dalawang tauhan nito sa isang ilegal na pagawaan ng paputok sa Barangay Batya, Bocaue. Dahil sa pagkakahuli sa negosyante at mga tauhan nito, sasampahan ng kasong paglabag sa R.A. 7183 o ang Illegal Manufacturing of Pyrotechnic Products ang mga ito. Marami namang pagkakaki-

taan ng legal, bakit kaya sa ilegal pa nais na pumasok ang iba nating mga kababayan? Nagtatanong po lamang kami! Kolorum na ipinamamasada SA kasalukuyan ay may ilang kolorum na sasakyan ang pumapasada mula sa Meycauayan hanggang sa Malolos. Ang tanong ay bakit kaya hindi nila gawing legal ang mga sasakyang kanilang ipinanghahanap-buhay? Karamihan sa namamasada ng kolorum ay mga FX na walang prangkisa mula sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB. Multang P6,000 ang ipapataw sa mahuhuling kolorum na sasakyang ipinamamasada. May karagdagang P1,000 kada araw sa unang paglabag hanggang sa hindi natutubos ang lisensya. Sa ikalawang paglabag, P1,500 bawat araw at sa ikatlong paglabag ay P2,000 bawat araw. Sa mga driver na nakikiboundary lamang ng kanilang

Kastigo

ipinamamasadang kolorum, marahil ay tumigil na lamang kayo sa pamamasada at humanap ng ibang mapagkakakitaan. Mahirap mamasada na kolorum ang iyong dinadalang sasakyan. Lagi ka na lamang nagaagam-agam. Todos Los Santos SA DARATING na Sabado, unang araw ng Nobyembre ang Todos Los Santos o Araw ng mga Patay. Bawat isa sa atin ay magsisitungo sa puntod ng ating mga yumaong mahal sa buhay. Tutulusan ng kandila at pag-uukulan ng mga piping dalangin para sa kanilang kaluluwa. Huwag sanang samantalahin ng mga masasamang loob ang pagsisiksikan sa mga sementeryo. Sana sa araw na ito ay mapagukulan natin ng pag-aalaala ang ating mga yumaong mahal sa buhay. Sa aking mga magulang na nagsiyao na, sana’y nasa kalinga kayo ng ating Panginoon.

BIENVENIDO A. RAMOS

Kung kailan bumabagyo na ANGKOP na angkop sa nagsisipormang umano’y mga lider, lalo na sa mga kagawad ng camara de representantes, ang palasak na kasabihang, “Kung kailan bumabagyo na ay saka lamang magsusuhay.” Taun-taon ay palaki nang palaki ang pinagtitibay na pambansang budget at kung saan-saan lang ito napapaukol. Alam ng lahat na ang Pilipinas (na ipinagmamalaki nating Perlas ng Silangan) ay niloob ng tadhana na mapalagay sa landas ng lindol, at maging pugad na namimisa ng mga bagyo na kadalasan ay lumilikha ng malalaking pagbaha, pagguho ng lupa at iba pang kaakibat na sakuna. Totoo, hindi natin mapipigil ang paghampas ng ano mang likas na kalamidad, pero maiiwasan natin o mapaghahandaan natin ang pagdating, mapaliliit ang lilikhaing pinsala at mapakokonti ang mabubuwis na buhay. Ilang pangyayari lamang ang babanggitin ko na nagpapatotoo sa kasabihang, “Kung kailan bumabagyo na ay saka nagkukumahog na magsuhay tayo.” Sa nakaraang paghampas ng bagyong Frank na ikinalubog ng MV Princess of the Stars, sinisisi

ng Sulpicio Lines ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAG-ASA). Atrasado na raw ang senyal ng bagyo na ipinalabas nito. Atrasado man o hindi ang ipinalabas na senyal ng PAG-ASA, ang nalantad dito ay ang kakulangan ng makabagong gamit sa pagtunton sa namumuong sama ng panahon. Maging ang PHILVOCS ay luma na ang mga gamit sa pagmomonitor sa mga nagaalborotong bulkan. Sa maraming malalayong lalawigan o tiwalag na mga bayan, ni walang trak ng bumbero. Maraming tulay at lansangang naubos ang pondo ay naiwang nakatiwangwang. Mula’t sapul, ang ekonomya ng Pilipinas ay nakabatay na sa pagsasaka. May isang panahong na sa halip na umaangkat ay nagluluwas tayo ng bigas sa ibang bansa. Ngayong nakangisi ang taggutom sa daigdig, saka lamang naalaala ng magagaling na lider natin na bigyan ng pansin ang napabayaang industriya ng pagsasaka. Ang mga nababawing mga nakaw na yaman ng mga Marcos

Promdi

at kanilang mga crony na dapat sanang mapunta sa Comprehensive Land Reform Program ay naukol sa “farm to pocket road”. Ang mga lupang sakahan na dating malalakas pag-anihan ng palay at iba pang pananim ay biglang naging malalaking subdibisyon o golf course. At ang P728 milyon para sa abono ay ipinamudmod pero hindi sa mga magsasaka! Hindi baleng kapusin tayo sa bigas, umangkat tayo ng sibuyas at bawang — maganyak lamang natin ang mga dayuhang kapitalista at turista upang sila ang magpasasa sa mga likas na yaman ng Pilipinas, at wasakin nila ang kalikasan at kapaligiran, gawing tambakan tayo ng mga pagkaing may Melamine at iba pang lason. Kulang sa mga tauhan at eksperto ang Bureau of Food and Drugs (BFAD) dahil kapiranggot ang pondo, habang nagpapasasa ang mga taga-Customs at Bureau of Immigration sa mga produktong may lason at mga taong ipinupuslit papasok o papalabas sa bansa sa pamamagitan ng milyong suhol. Ang nakakatawa, panahon pa ni Presidente Fidel Ramos ay  sundan sa pahina 4

DINO BALABO

PHOTOGRAPHY / ART

Loreto Q. Pavia, Marilyn L. Ramirez, Peñaflor Crystal, J. Victorina P. Vergara, Cecile S. Pavia, Luis Francisco, Domingo Ungria, Harold T. Raymundo, Jennifer T. Raymundo, Rhoderick T. Raymundo

CIRCULATION Robert T. Raymundo, Armando M. Arellano, Jess Camaro, Fred Lopez The Mabuhay is published weekly by the MABUHAY COMMUNICATIONS SERVICES — DTI Permit No. 00075266, March 6, 2006 to March 6, 2011, Malolos, Bulacan.

The Mabuhay is entered as Second Class Mail Matter at the San Fernando, Pampanga Post Office A proud member of PHILIPPINE PRESS INSTITUTE on April 30, 1987 under Permit No. 490; and as Third Class Mail Matter at the Manila Central Post Office under permit No. 1281-99-NCR dated Nov. 15, 1999. ISSN 1655-3853 Principal Office: 626 San Pascual, Obando, Bulacan  294-8122

WEBSITE

http://mabuhaynews.com Subscription Rates (postage included): P520 for one year or 52 issues in Metro Manila; P750 outside Metro Manila. Advertising base rate is P100 per column centimeter for legal notices.

Citizens’ Press Council PATULOY ang pagsusulong ng Center for Media Freedom and Responsibility (CMFR) sa pagtatayo ng mga Citizen’s Press Council (CPC) sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Pangunahing layunin ng pagtatayo ng mga CPC katulad sa Cebu, Palawan, Baguio at Gitnang Luzon ang ipagtanggol ang malayang pamamahayag sa pamamagitan ng responsableng pamamahayag. *** Sa simpleng pananalita, ang mga CPC ay magsisilbi ring sumbungan ng mamamayan sa pagabuso ng ilang mamamahayag. Sabi naman ng ilang mamamahayag sa Gitnang Luzon,” Para pala itong batong ipupukpok natin sa ating mga ulo.” Tanong ng Promdi sa mga nasabing mamamahayag,” Bakit, umaabuso ba kayo?” ***

Ayon kay Professor Luis Teodoro, ang deputy director ng CMFR, ang mga CPC ay magsisilbi ring “self-regulatory body” ng mga mamamahayag o ang pagkakaroon ng pagtutuwid sa mga pagkakamali, pagkukulang at maging pag-abuso. Ito ay nangangahulugan ng pagdisiplina sa sarili sa pamamagitan ng responsable o mataas na antas ng pamamahayag. *** Ayon pa kay Teodoro, kung hindi didisiplinahin ng mga mamamahayag ang sarili, ang gobyerno ang didisiplina sa mga mamamahayag sa pamamagitan ng batas na Right of Reply na isinusulong sa Kongreso ni Kint. Monico Puentevella ng Bacolod, na ang katapat na batas ay isinulong sa Senado nina Senador Nene Pimentel, Ramon Revilla Jr., at Chiz Escudero. “Stupid and wrong” ang na-

sabing batas, ani Vergel Santos, ang chairman ng CMFR dahil labag ito sa isinasaad ng Konstitusyon na nagsasabing “No law shall be passed abridging the freedom of speech, of expression, or of the press ...” (Article III, Section 4) *** Batay sa paglalarawan ng mga beteranong mamamahayag tulad ni Juan Mercado, isa sa mga kolumnista ng Mabuhay, kapag natuloy ang isinusulong na batas na Right of Reply ni Puentevella, lalabas na ang gobyerno na ang magdidikta kung ano ang puwede at hindi puwedeng ilathala. Ito ay nangangahulugan na ang gobyerno na ang magsisilbing editor ng mga pahayagan dahil ang responsibilidad ng pagdedesisyon kung aling artikulo ang maaari at di maaaring ilathala ay nakaatang sa balikat ng mga editor. ***  sundan sa pahina 7

3

OKTUBRE 24 – 30, 2008

Depthnews

JUAN L. MERCADO

Regarding Henry

‘A love story-kuno’ (A UN economist-friend forwarded the feature below. Tongue-in cheek, he explained: “This simple love story is told in Taglish.” He did not, however, send the author’s name. A pity. How do you thank someone for laughter? Read this howler and enjoy— JLM ) ‘

IT was jazz an ordinary day. The skies were clear and birds were chirping ... Nasa SM ako noon at katatapos ko lang mamili ng groceries sa food core. Si Angel Locsin, nagpro-provoke ng movie niya. Pull-packed talaga! Nakipila na rin ako. Then suddenly, out of the loo, may bumulong sa akin ng: “Indaaayyyyy ...” Huh? It sounded like a familiar sound. Who can it be now? “Dodong!” sigaw ko. Napalakas yata ang voice ko. Kasi, the other fans turned their backs to their behind. At napatingin sa amin. Sabi ko: “Sorry: I didn’t mean to be loud and proud.” Hinawakan na lang ni Dodong ang kamay ko. At lumayo kami from the crowd. “Kamusta na In-

day? Do you come here open?” tanong nya. “Bihira lang, Dodong. I’m just droppings by. Ethnic ang schedule ko eh,” sabi ko. “How can I forget to remember Dodong? Siya na may mata ni Piolo, dimple ni Aga, at bigote ni Rex Cortez. He’s every woman’s dreamboat. I was just starting my tour of duty kay ate noon nang unang makilala ko si Dodong. Contraction worker siya sa ginagawang bahay sa tapat namin. Naging kami for a while. Then after that we were not an item anymore. “Tanghali na, Inday. What did you say we have lunch together?” tanong ni Dodong. “I don’t mine,” sagot ko. Sa restaurant, sabi ng waiter: “What’s your odor sir?” “Do you have porkshop?” tanong ni Dodong. “Yes, sir” sabi nito. “Our porkshop with a resistance to the teeth of boast of our chef. Domestic careful selection of pork with little fat of female liking is used. The exquisite cooking, which repeated

Cebu Calling

HENRYLITO D. TACIO

trial and error and was completed,” dagdag pa niya. “It also has healthy vegetables with salad feeling fully” “And you, maam?” sabi niya at tingin naman sa akin. Hmmm… mukhang masarap yung porkshop. Pero I’m cutting down on my carbon. Kaya pinigilan ko. “I’ll just have water. Thanks. Liquidate diet ako ngayon eh,” sagot ko. Pagkatapos kumain, nagyaya si Dodong manood ng sine. “Teka, teka, this is going too far. Besides, it’s a long, long, way to run.” “Reality chess, Dodong. May asawa na ako. Si Jay. As a mother of fact, I’m happily married,” pagmamalaki ko. “Di na pwede yung tulad ng dati. Sorry. Pero I didn’t expect you still have more feelings than I expected. I don’t want you getting the way. Past is fast. Therefore, cause and defect,” dagdag ko pa. Tumahimik sya. Parang may language barrel na namagitan sa amin. The seconds that passed  continued on page 7

FR. ROY CIMAGALA

Why don’t they get it? IT’S a question whose answer I really do not know. I guess one has to plumb deep into the hearts of the people concerned to get a glimpse of the reason. I’m referring to why, in spite of all the explanations on the subject given by the Church magisterium, even highly placed priestprofessors in seminaries and other ecclesiastical centers of learning do not understand the true nature and role of conscience in our life. It would be very easy to brand them as incorrigible modernists and relativists whose congenital defect is their overpowering selfconfidence that they hold the ultimate key to the answers of our faith’s mysteries and moral questions. But that, I’m afraid, would still be off the mark. By the way, wonder of wonders, there are quite a number of them dangerously lodged in these formation centers, giving rise to fears that the training of our future priests and other religious men

and women could be seriously compromised. In many published papers and commentaries, posted even in the Internet, they affirm that conscience is our ultimate arbiter to know what is right and wrong in our actions. They can go so far as to admit that we can consider and make inputs from other sources, even from the Church teaching, but in the end, it’s our conscience that makes our actions moral or immoral. They understand conscience not only as the ultimate judge of the moral quality of our actions. It is also an independent and supreme judge who makes its judgments alone and no authority can question it. That’s how they understand the freedom of conscience. In this setup, it would seem that even God has to defer to the judgment of one’s conscience. As to the Church authority over it, one better has to forget it. In their

Forward to Basics

mind, our conscience is supreme and infallible. Thus, they tend to flaunt the reasoning that in spite of how wrong their action is if judged according to Church-taught moral principles, they still would feel it was right, since it’s their conscience that said so. No question can be asked, period. You have reached the end of the line! This is really strange, because ever since I became aware of the existence of conscience, I always understood it as a judgment I make about the morality of my actions according to a law that is not mine. It’s a law written in my heart, definitely not by me, but by someone else. Later, I was convinced that this law must have come from my creator, God. I understood conscience as a judgment I make always with God, no matter how poorly I perceive him. Even if I read him wrongly, it can never be a judgment arrived

YOU never know what happen when you attend a workshop. I was attending a workshop for agricultural reporting in Los Baños, Laguna when I met veteran Juan Mercado (who would later on become one of my mentors as a journalist). But the most surprising event (at least to me) was when organizer Vicente Tirol of Press Foundation of Asia asked me if I had already a passport. I answered him affirmatively (although I had not traveled outside of the country yet, I thought of getting a passport because I was hoping that one day someone would invite me). I asked him why. “Would you like to attend another workshop for Asian journalists in Bangkok?” It was my first travel abroad. I was excited not knowing what to do when I get there. How different is another country? What kind of people are Thais and what kind of food do they eat? How will I communicate with them? I did learn so many things from that trip. My idea of what the world is broadens. My perspective about Asia and its culture was widened. I was able to understand why people do and what make them do those weird things to us but normal to them. I also had the pleasure of meeting Patrick Durst, a forestry officer who used to work in Bohol as Peace Corps volunteer, for the first time. Years later, we would work together as editors of one of most successful books to come out from the regional office of UN Food and Agriculture Organization entitled In Search of Excellence: Exemplary Forest Management in Asia and the Pacific Region. “I travel not to go anywhere, but to go,” Robert Louis Stevenson once said. “I travel for travel’s sake. The great affair is to move.” Saint Augustine compared the world to a book. “And those who do not travel read only a page,” he said. Travel lengthens the conversation. “Don’t tell me how educated you are, tell me how much

you have traveled,” Mohammed urged. “I should like to spend the whole of my in life traveling abroad, if I could anywhere borrow another life to spend afterwards at home,” William Hazlitt pointed out. Anything happens when you travel abroad. You may lose your luggage or lost your way. You have a hard time having a conversation with the locals (especially if they don’t know how to speak English). You may be rip-offed or get mugged. There are moments of excitements and thrills. If you planning to go to China for a vacation, be sure to read the signs posted in hotels or malls. For instance, don’t laugh if you read in an elevator with this information: “Press up to go up and press down to go down.” In some malls, you may read this sign: “Having fun prohibited.” When riding an escalator, you may come across this warning: “Bump the head carefully.” Or when you get to a restaurant, don’t mess the table and chairs. One sign urges: “Keep chair on position and keep table cleaned after dying. Thanks for your corporation.” No, I am not making this up. Traveling is also boring – especially when you are confined in an airplane for more than 12 hours (like when you are flying from Tokyo, Japan to Detroit, United States). “There are only two emotions in a plane: boredom and terror,” Orson Welles said. But air travel can be exciting – especially if you hear those cabin announcements. All too rarely, airline attendants make an effort to make the in flight “safety lecture” and announcements a bit more entertaining. Here are some real examples that have been heard or reported: On a Continental Flight with a very “senior” flight attendant crew, the pilot said, “Ladies and gentlemen, we’ve reached cruis  continued on page 7

ing altitude and will be turning

Ka Iking Reports

 continued on page 7

IKE SEÑERES FR. FRANCIS B. ONGKINGCO

The dash of life EVERY time November comes around, I would recall the story about two intelligent adorable and outgoing little boys who would visit the cemetery with their parents. After praying over the graves of their grandparents, they both spend the rest of the day exploring the park. The older boy challenged his younger brother, “Let’s see who can find the people who lived the shortest!” The other boy eagerly took the challenge and dashed off to the nearest tombstone. “I’ll comb this half of the park and you comb the other,” he tells his older brother. After an hour or so they both returned to the same spot they started and excitedly began boasting about what they found. “I bet you’re not going to beat my find.” “Oh, yeah?” the older younger one said confidently. “You’re not going to win over the figures I’ve seen!” “Okay, then. What are your

So you enjoy traveling?

best bets.” “There’s one who lived only for a year, another for one month and here’s my winner: one who lived only for a day! Now beat that!” “That’s nothing,” the other replied to his older brother’s surprise. “I also found one who lived for a year, another a little longer than a month ’coz one lived for three, but here’s my winner: one whose tombstone has no dates!” “Hey, that’s not fair. I don’t believe you unless you show it to me!” The younger one ran off to the spot where the unique grave was. They arrived and saw a gardener cleaning off the weeds from the edges of the marble slab. “Why doesn’t this one have a date?” the older boy asked. “Oh, I think from what I heard,” wiping the sweat from his forehead, the gardener said, “the owner believed that dates aren’t as important as the dash of life that one has lived.”

*** Indeed, what matters after we die isn’t so much how long we have lived, but how well we have lived out of love for God and our neighbor. A long life is certainly always a blessing because it implies that one had the chance to invest a lot of time to do a lot of good loving God and serving one’s neighbor, but it can also mean having spent it sadly for oneself. Thus, we know that living long lives isn’t enough to gain the Life promised us by God. But whether one has lived long or not, isn’t my main concern for now. Rather, it is the lesson that the dash between our birth and the day we are called before God’s presence has for us. First, it illustrates the brevity of life — tempus breve est, as St. Paul would put it — and that we can never naively think that we have all the time in the world to live. Second, all men will be “holding” the same dash before God. This means there will be no  continued on page 4

A war on four fronts IT does not make us happy to live in an underdeveloped country, but if we try to look at the good side of our predicament, we could be happy with the thought that in a country with many needs and problems, there are many opportunities for the “not so needy” people like us to help and serve the many people around us who are more needy than we are. How would you like to take a journey with me, on board a SHIP that will take us to a better country? No, we are not going to leave the Philippines, we are just going to set sail on this SHIP, so that our country will become a better place to live in, where the needy will have more access to the basic services that could improve the quality of their life. Sickness, Hunger, Illiteracy and Poverty (or SHIP for short) have always been with mankind since the beginning of civilization. As a matter of fact, even the developed countries still suffer from the collective effects of SHIP, except that they are probably doing a better job in keeping it at bay. I understand that in the Philippines there are many other

problems that are confronting us, but going down to the bottom line the four problems of this SHIP are perhaps the most pervasive, and are the most pressing, to say the least. Not that the other problems can wait, it is just a matter of relative importance. I do not propose anything new, except for the idea of convergence and concentration, meaning to say that we should converge and concentrate our resources and energies on these four problems, so that we get these out of the way, in such a way that we could begin to face our other problems. As a matter of policy and strategy, the Inter-Charity Network (ICN) will now focus on addressing these four problems head on. With new possibilities of receiving donations for charitable purposes, ICN will now invest in social enterprises that would hopefully help us win the war against these four social enemies. As I have written in my previous articles, we need to build specific infrastructure to address our social needs, within a framework of development that is both doable and sustainable. Without  continued on page 7

4

OKTUBRE 24 – 30, 2008

Kakampi mo ang Batas

Buhay Pinoy MANDY CENTENO

Na-upset si Red sa pasiyang reset Kabataang si Red ay mayroong bista Regional Trial Court itinakda nila October seventeen alas nueve medya Alas nueve dose ako’y nandoon na. Sa courtroom si Red ay aking dinatnan Nakaposas siya sa ’sang kasamahan Ibang detinido tagal naghihintay Ako ay nainip nagsulat na lamang. Sa seal ng Supreme Court nakalagay dito Batas at ang Bayan RTC-Branch 16 ito Kalapating puti sa ibabaw nito Ang kapayapaan ay sinisimbulo. Itaas ng pinto doo’y nakalagay Tanging Krusipiho Kristo ating mahal Ibabaw ng mesa may munting timbangan Simbulo ng batas alang kinikilingan. Ang kapansin-pansin at kita ng tao Tabi ng bandila court calendar ito Na lubhang malaki Setyembre pa dito Pagtingin sa petsa ay adilintado. Yaong wall clock naman wari’y mabantot na Dahil mukhang bangkay at patay na pala ’Sang baterya lamang kailangan nila Walang bumibili baka walang pera. Ang clerk of court dito kanyang tinawagan Mga detinado isa-isa lamang Pinapasok niya sa kwarto may bantay Kung anong ginawa, hindi namin alam. Ang mga bilanggo nang nagsilabas na Nabakas sa mukha ang lungkot talaga Itong kaso niya ay 2005 pa Walang nag-akusa reset ang resulta. Si Red nang pumasok ay sandali lamang Wala daw ang saksi sa krimeng binintang Kaya itong bista ay reset na naman Ang Tanglaw Pag-asa kanyang binalikan. Muling matitikman ang pagkain doon Trenta’y singko pesos sa buong maghapon Ang isang pagkain dose pesos iyon Tunay kakarampot magmula pa noon. Ngayo’y itinakda itong bista niya Disyembre kwatro daw ang sabi sa kanya Apatnapu’t walong araw hintay nila Si Red ay na-upset sa reset talaga. ○

















Kastigo









































 mula sa pahina 2

ipinrograma na ang modernisasyon ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas (AFP) at ibinenta ang Fort Bonifacio at Camp John Hay para umano sa layuning ito. Pagkaraan ng halos 15 taon, ang AFP ay kailangan pang ayudahan ng mga sundalong Kano sa pamamagitan ng Visiting Forces Agreement (VFA) para raw sa modernong armas, helikopter at taktika sa pakikipaglaban. Kaya ang Abu Sayyaf Group, na pupulbusin daw ni Aling Gloria hanggang ngayon ay patuloy sa paghahasik ng lagim, hindi lamang sa Mindanao kundi sa buong bansa! Maraming pulis ang walang baril kahit paltik, heto ngayon ang mga “Euro generals” na naglamyerda lang sa Russia ay P6.9 milyon ang baong salapi. Pangako ni Aling Gloria, bago siya bumaba sa 2010 (kung bababa nga siya?), na iiwan niya ang isang Malakas na Republika. Mukhang ang iiwan niya ay isang lahing watak-watak, na may mga likas na yamang ginagahasa ng mga dayuhan, baon sa utang na panlabas at ang inuutong mga “bagong bayani” umano ay nakatakdang bitayin ang marami, marami ang nangakabilanggo sa iba’t ibang bansa at ang mga kabataang babae ay nasa lubluban ng dangal sa Brunei, Japan, Malaysia, atbp. Kaya tuloy tinudyo ng British Broadcasting Corporation (BBC) ang mga Pinay sa isang kakatawang palabas. Sa pagtutuos, huli na ang lahat bago kumilos ang gobyerno: bumabagyo na o nakaraan na ang bagyo at giba na ang bahay bago magsuhay. ○











































Forward to Basics  from page 3















distinction based on their previous earthly status; everyone will stand equally judged by God. The third implies a sense of urgency when living our life. We have to make a dash for Heaven, putting all the possible means to use in order to claim this promised reward by our Lord. But there still remains, and this is the fourth lesson, a rather hidden but important distinction. Although each person may carry the same “dash of life” when he or she is judged by God, that dash can be written, engraved, or carved in varying intensities. Those who have sincerely chosen to live their lives out of love for God and fellowmen have a deep dash. Those who have indulged in self and been enslaved by worldly things only manage to leave a shallow dash. Moreover, those who have lived holy lives, have not only engraved or sculptured a dash for themselves, but they have in turn guided and inspired many other souls to rectify and carve out their own deep dash of love for God and others. These engravers of the deeper dash are called saints.

ATTY. BATAS MAURICIO

Anim na buwang pagtira para makaboto TANONG: Atty. Batas, good morning. Pakibasa po ito sa inyong programa sa tanghali (sa DYMS Catbalogan City). Isa ako sa nagparehistro sa Municipality ng Daram sa Samar pero dalawang eleksiyon na akong hindi nakakaboto. Ngayon, sa Daram ako nagparehistro dahil ang asawa ko ay doon pinanganak sa isang barangay sa Daram. Tapos isa ako sa isinali sa exclusion ng kapitan ng barangay dahil ako daw ay non-resident. Dapat ba niya ako isali sa exclusion? Hindi ba ako puwede magparehistro doon kasi lugar naman ’yon ng asawa ko? (09069206357) SAGOT: Maraming salamat po sa text message na ito. Sa ilalim ng Omnibus Election Code at ng iba pang mga batas may kinalaman sa eleksiyon, ang isang taong nakatira sa isang lugar sa loob ng anim na buwan ay maaari nang magparehistro sa lugar na ’yon upang makaboto. Kung maipapakita ng nais magparehistro na talagang nakatira na siya sa isang lugar sa loob ng anim na buwan, ke lugar ng asawa niya ito o hindi, hindi na siya maaaring pigilan sa pagpaparehistro doon, at sa pagboto pagdating ng halalan. Dahil diyan, kahit isinama ng isang kapitan sa petition for exclusion (o kaso upang maalis sa listahan ng mga botante ang isang tao) ang pangalan ng botante, maaari namang lumaban ang botanteng ito sa pamamagitan nga ng katibayang doon siya sa lugar na yun nakatira for the last six months. ‘People power provisions’ sa Saligang Batas, dapat linawin ng SC TANONG: Batas, good afternoon. Kayo bilang abogado, nasa konstitusyon ba na basta na lang papalitaan ang sinuman maliban sa bise presidente? (639156063467) SAGOT: Salamat po. Sa ilalim ng Saligang Batas ng 1987, may tinatawag tayong “people power provisions” na nagtatakda ng kapangyarihan ng mga mamamayan na makiaalam sa lahat ng antas ng lipunan at pamahalaan sa Pilipinas. Ayon sa mga probisyong ito, “sovereignty resides in the people, and

all government authority emanates from them.” Batay dito, binibigyang kapangyarihan ang mga mamamayan na magpatalsik ng mga opisyales ng pamahalaan, mula sa presidente hanggang sa isang hamak na janitor, sa pamamagitan ng kanilang sama-samang pagkilos, kasama na ng kanilang mga people’s organizations. Kaya lamang, kailangang maging matagumpay ang pagkilos na ito. Ang problema ay kung hindi magiging matagumpay ang nasabing pagkilos — maaari kasing mademanda ng rebelyon, insureksiyon o kudeta ang sinumang magtatangka at hindi magtatagumpay na kumilos laban sa mga autoridad. Sa kasalukuyan, wala pang paglilinaw ang Korte Suprema ukol dito, bagamat kailangan ng paglilinaw. Mahalaga ang paglilinaw dahil kailangang sabihin ng Kataas-taasang Hukuman kung alin ang dapat masunod — ang Saligang Batas ba (na nagsasabing maaaring kumilos ang tao upang palitan ang kanilang mga opisyales pati na ang kanilang pangulo), o ang mga batas sa rebelyon na nakapaloob sa Revised Penal Code? Sa isang abogado at nag-aaaral ng batas, maliwanag na ang Saligang Batas ang dapat sundin, sapagkat ito ang pinakamataas na batas sa bansa, pero, hindi ganito ang nangyayari sa kasalukuyan. Pagnonotaryo, dapat abogado lamang ang pumipirma TANONG: Atty. Batas, mayroon dito sa Catbalogan na pinahihintulutan naman ng mga concerned lawyers ang kanyang clerk o asawa na pumirma para sa kanyang pagno-notaryo. Valid o legal ba ito? Parehas na parehas kasi ang signature ng clerk o asawa sa pirma ng lawyer o notary public. (09198283425) SAGOT: Maraming salamat po sa text question na ito. Salamat din sa inyong pakikinig o pagsubaybay sa aming daily broadcast diyan sa Catbalogan City, sa pamamagitan ng palatuntunang Kakampi Mo Ang Batas sa DYMS, Manila Broadcasting Company, sa ganap na alas 11 ng

Murmurings

umaga. Sa ilalim ng batas, hindi po valid at hindi legal ang dokumentong pinirmahan ng clerk o asawa ng isang notaryo publiko o abogado. Kung magkakaroon ng katibayan na hindi ang notaryo o abogado ang pumirma sa dokumento, maaaring matanggal ang lisensiya ng abogado, hindi lamang bilang notaryo, kundi pati na bilang abogado mismo. Isang uri kasi ng krimen o ilegal na gawain ang pagpirma sa isang dokumento gayong hindi naman yung nakapangalan mismo doon ang pumirma. Ito ay paglabag sa Art. 171 at Art. 172 ng Revised Penal Code of the Philippines, na maaari pang maging batayan upang makulong ang clerk, asawa at maging ang abogado mismo. Dapat malaman ng lahat na hinihigpitan na ngayon ng Korte Suprema ang pagnonotaryo ng mga dokumento, sapagkat sa ilalim ng bagong alituntunin ng pagnonotaryo na nailabas noong 2004, binibigyan na ng malaking pagpapahalaga ang mga dokumentong notaryado at maaari nang tanggapin ang katotohanan ng mga ito basta’t may notaryo ito. Dahil diyan, masusing binabantayan ngayon ng Korte Suprema ang sistema ng pagnonotaryo, at kung may makikitang pagkakamali dito, maaaring maparusahan ang lahat ng sangkot doon. *** PAALALA: Maaari po kayong tumawag sa aming mga landline, (02) 99468-05, (02) 433-75-49 at (02) 43375-53, o di kaya ay sa aming mga cellphone, 0917-984-24-68 at 0919-60964-89. O sumulat sa aming address: 18 D Mahiyain cor Mapagkawanggawa, Teachers Village, Diliman, Quezon City. O mag-email sa website na ito: www.batasnews.com, o sa [email protected]. *** PARTY LIST: Maaari na po kayong maging kasapi ng BATAS Party List, o ang Bagong Alyansang Tagapagtaguyod ng Adhikaing Sambayanan. Ipadala po ang inyong mga pangalan at kumpletong address sa parehong mga address at telepono sa itaas.

ARIEL HANS C. SEVELLINO

No kidding! KIDS are a sight to behold. What more a throng of them in a heat-soaked covered court — listening fixedly, eyes of wonderment while flashing smiles of blissful receptiveness. Last Monday and Tuesday, primary and secondary schools, both public and private from various towns and municipalities of the Province of Batangas, attended the two-day meet of campus writers to hone their journalistic skills, widen their knowledge on issues related to child-participation, and prepare themselves for the bigger challenge as agents of change in their respective communities. When I was invited by Daisy Atienza of the National Council for Children’s Television (NCCTV) to be on board her team, I didn’t think twice about reaching out to the students for two reasons. First, I must give my support to NCCTV, being a UNICEF partner like PPI which shares the same advocacy of “bringing children to the fore”. Second, I want to see kids empower themselves in many more ways than one. (Both Daisy and I attend UNICEF partner’s meeting every end of the year.) I have to admit, a town like Calaca is unfamiliar to me; reclusive as the name sounded to me. The trip was longer than I expected. A bus from Buendia took me more than three hours to Lemery where I got my 30minute tricycle ride to the Dacanlao G. Agoncillo Elementary and High School, the venue of the event. On the organizers’ warning, I had to leave Manila early afternoon of Sunday for me to catch my ride. If it

was past seven, I would not be able to snag either a jeepney or a tricycle to get there the same evening. It was humid; the heat was unbearable during the day. The drizzle in the evening would lend coolness to a small, muddled but decent office that served as my sleeping quarters that was apparently tidied up a day before for a guest like me from Manila. As in any public school in any province in the country, the Dacanlao (Dacan-la-o) does not have the desired “physical splendor” compared to their counterparts in the city. But what is amiss is overcome by a homey warmth and rustic appeal of a countryside dwelling. The school boasts of highly-competitive students who win in co-curricular and extra-curricular contests. The teachers as well, as I talked to them, took it upon themselves to device means and develop strategies for better academic pursuits. As far as Lobo and Mataas na kahoy in Matabungkay, the student-participants and their advisers crossed the sea in a bangka, and hurdled the otherwise exhausting trip to reach the municipality of Calaca. I was told that Calaca is home of the Calacachara Festival that celebrates the goodness of its atchara on the last week of this month. Balayan, for its part, boasts of its bagoong. Bulalo is also renowned as a specialty in some areas in Batangas. One adviser told me that it was her first time to attend a seminar and that it took much prodding for her superiors to allow her and her students to attend this kind of academic

activity. I could sense, without asking her, that it must be way expensive, at least for the fares of the delegation — and probably, if I may speculate, the school did not find any significance to it at all. Or if there was a school budget, it probably did not include such an item. I suppose the effort of persuading the school authorities to finally permit them was more daunting than the travel itself. My heart goes to the countless teachers and students who find themselves less fortunate to get access to training and other opportunities that can broaden their horizon. There are many gifted children who have been constantly praying and waiting for their chances. And I find it strange that to this day that Philippine education is still unable to respond to the overly-tired problems of insufficient books (or none at all) and shortage of classrooms. Empowerment cannot be taught. Kids simply take their cue from adults who are expected to look into their welfare and best interests. During the open forum, I mentioned the importance of reading books and the sad state of declining newspaper readership in the country. When it was over and the kids had gone to bed, their delicate physique on the mattresses packed in the classroom, I could almost hear some happy tune to the effect: “Wow, I got this far!” On my way back to Manila, halfway through my bus trip at past eight in the evening of Tuesday, it hit me: “Are there books to read in the first place?”

5

OKTUBRE 24 – 30, 2008

Greater Project 4 Public Library 2 taon na NI MARK F. MATA LUNGSOD NG QUEZON — Pagbasa ng libro, pagparada sa kalye at pagpapalaro sa mga kabataan sa barangay ang naging pamamaraan ng pagdaraos ng ika-2 anibersaryo ng Greater Project 4 Public Library (GP4PL) noong Agosto 16. Matatandaan na ang GP4PL, na ngayo’y isang sangay na ng aklatang panglungsod, ay nagsimula noong tagaraw ng taong 2006 nang tinipon ni Plock-lick Pavia ang mga kabataan sa ilalim ng puno sa panulukan ng mga kalsada ng Aguinaldo, Cabezas at Unrubia sa Project 4 dito sa Quezon City at isinagawa ang Summer Enrichment Program na tinaguriang “Street Library”. ANG GP4PL ay ang dating Barangay Marilag Reading Center na itinatag ni Plock-lick Pavia at ganap na nabuo at nabuksan sa tulong at suporta ni Andy Abundo, ang dating punong barangay, noong Agosto 16, 2006 sa Barangay Marilag ng Project 4. Ganap na sumailalim ang GP4PL sa pamahalaang lokal ng Lungsod Quezon matapos lagdaan ni Mayor Feliciano “Sonny” Belmonte Jr. ang isang kasunduang nagpatibay sa proyektong humihikayat sa mga mamamayan, lalo na sa mga mag-

aaral, na ugaliing magbasa. Bukod kay Mayor Belmonte, ang mga lumagda sa Memorandum of Agreement (MOA) noong Peb. 4 ng taong kasalukuyan ay sina Emelita L. Villanueva, puno ng aklatang panglunsod; at Jose Visitacion “Plock-lick” Q. Pavia, pangulo ng Progresibong Edukasyon tungo sa Kapayapaan at Kaunlaran (PEKK). Sumaksi sa MOA na naglalayong matamo ang makabuluhang serbisyong bayan sa pagsulong ng pagbabasa sa mga pamayanan sina Cynthia DJ Tolado, pangalawang puno ng Quezon City Public Library (QCPL); Janet B. Alday, assistant city librarian at coordinator ng QCPL sa District III at IV; at si Konsehal Jorge “Bolet” Banal Jr., ng Ika-3 Distrito, Lungsod ng Quezon. Ang GP4PL na matatagpuan sa Multi-Purpose Hall ng SB Building, Plaza Magat Salamat, P. Tuazon Blvd., Barangay Marilag, Project 4, ay itinataguyod nina Arturo A. Lagrimas, librarian-in-charge at Carla Mendoza, assistant librarian. Sa paggunita ng ika-2 anibersaryo, ang GP4PL kasama ang mga estudyante ng National Service Training Program (NSTP) mula sa Ateneo de Manila University ay nagdaos ng parada, palaro at pagbabasa ng libro sa Barangay Escopa IV ng Project 4.

PARADA — Hawak ng mga mag-aaral ng Ateneo De Manila University ang karatula ng “ILove2Read’ habang nagpaparada sa Barangay Escopa, Q.C.

Narito ang ilang pagbati mula sa mga mag-aaral sa elementarya ng nasabing barangay.  Maraming salamat po sa mga namamahala ng Greater Project 4 Public Library. Marami po akong natutunan. Happy Anniversary! — Chino C. Marjolino, Grade V, Escopa IV;

 Happy Anniversary! Thank you very much for the tutorials. — Davelyn J. Corañes, Grade VI;  Happy 2nd Anniversary! Thank you very much for inviting me to attend tutorials. — Ma. Remy Ann H. Bondoc, Grade V;  Happy 2nd Anniversary! Thank you very much. — Jessa M. Saycon, Grade IV;  Salamat sa pagkuwento sa amin. — Mark Andre B. Lopez, Grade I;  Dear Library, Gusto ko pong matutong magbasa. Gusto ko rin pong makita ang mga kuya ko na nasa library po sila. — Mary Rose L. Rocio, Grade IV;  Dear Library, Sana lagi naman ganito kasi ang ganda nito at sana pupunta ako diyan. — Miles Bengnguyo, Grade III;

 Sana may isang party pang ibibigay mo sa amin. Thank you po!

— Sidney Miguel C. Alfonso, Grade III.

PALARO — Buong gilas na nagpakita ng kakisigan ang mga kabataang ito na pumoporma upang sumali sa dance contest.

Messages Greetings! Congratulations to the staff and the people behind the success of Greater Project 4 Reading Center on its 2nd Year Anniversary on August 16, 2008. Another year of Project, for promoting the importance of books and reading habits to our students and younger ones. For we all know books are tools in education. We draw information from them which we need in order to enrich our knowledge. Through this initiative, the Greater Project 4 Reading Center as an instrument, we can secure a better opportunity for our students to excel and to be globally competitive. May the celebration of your 2nd anniversary serve as a venue to better promote reading through widening the access of our students have to books and information in general. Again, Congratulations. — Emelita L. Villanueva Quezon City Librarian We celebrate once again our 2nd anniversary of Greater Project 4 Public Library. We have moved on so fast. We accomplished many programs and projects in different barangays and public schools in Greater Project 4. Our newest program is “I Love 2 Read” coordinated with Councilor Jorge “Bolet” Banal Jr., Quezon City Public Library, Progresibong Edukasyon tungo sa Kapayapaan at Kaunlaran, Taumbahay Foundation and Rose Ann Belmonte. All these we owe to our donors, supporters, student volunteers, readers and the constituents of Greater Project 4. As we go on this journey, we hope to reach our point of destination with once again, your all-out support. All the success we had for the past two years is being shared with you all. My special thanks to Mabuhay Newsweekly and MICA Security Agency: Ric Alcantara, Aldie Tabios, and Oscar Andrade for all the support you extended. — Arturo A. Lagrimas Librarian-in-charge, GP4PL

Happy anniversary and thanks for continuing to extend support the needs of our pupils and students, specially in my barangay. Thanks and Good Luck! aguba — Capt. Ronald T Taguba Barangay Escopa IV

Ang Barangay Council ng Barangay Escopa IV ay lubos na nagpapasalamat una sa ating Panginoon, pangalawa sa mga taong nagtatag ng ganitong proyekto. Nawa’y lumawak pa ito ng sa gayon ay marami pa kayong matutulungan na mga batang nagsisipag-aral. F.. Gonzales — Kgd. Erlinda F Barangay Escopa IV

Binabati ko ang samahan ng Ateneo at Greater Project 4 Public Library sa kanilang masigasig na paghubog ng magandang kaugalian sa kabataan. — Ex-O Mario Atienza Barangay Escopa IV

KWENTO SA LIBRO — Nagkukuwento si Arturo A. Lagrimas, librarian-in-charge ng GP4PL, sa mga bata mula sa hawak niyang libro.

IBA’T IBANG NGITI — Buong kagalakang nagpakuha ng larawan ang mga kabataan sa Barangay Escopa IV kasama ang mga estudyante ng Ateneo de Manila.

I salute the people behind the Greater Project 4 Public Library project and the I love2read Program. May you continue your loving and dedicated efforts to provide access to knowledge and promote love for learning. Happy 2nd year Anniversary! — Anni Vi BOOTS Tinol NSTP Formator, Ateneo de Manila University Happy Anniversary to all the staff of Greater Project 4 Public Library. As a parent, thank you very much for extending your support to our children, giving books and helping their minds explore many things. More blessing and good luck! — Ofelia C. Marjalino Parent

NGITI NG PASASALAMAT — Matapos ang pagdiriwang ng ika-2 anibersaryo ng GP4PL na ginanap sa Barangay Escopa IV, Lungsod ng Quezon, masayang nagpakuha ng larawan sina (mula kaliwa) Kagawad Erlinda Gonzales;

Konsehal Jimmy Borres, 3rd Dist. Q.C., kasama ang kanyang staff na si Janet; Punong Barangay Ronald Taguba, Escopa IV, Q.C.; Arturo A. Lagrimas, GP4PL librarian-in-charge, at Carla Mendoza, assistant librarian.

At first, we were overwhelmed with the number of children who were waiting for us. We did not really anticipate that we were to entertain a great number of children. However, we did not let this fact intimidate us, and so, we just had fun and wanted to share this joy with them. We are really happy that we were able to successfully pull off the “Action Song”, the games, and basically your “mini-program”. We lectured the kids that violence is not the key to solving their problems.We are thankful to have experienced such a wonderful day with the kids. We already feel that we belong, At least, we made the kids laugh and cheerful. — NSTP Students Ateneo de Manila University

6

OKTUBRE 24 – 30, 2008

Tulong sa kabuhayan ang pagsisinop ng basura L UNGSOD NG M ALOLOS — Ang pagsisinop ng basura ay di lamang upang mapanatiling malinis ang kapaligiran, sa halip ay isang pagpapaunlad sa pagsasaka at pangisdaan. Ito ang buod ng magkahiwalay na pahayag ng mga magsasaka at mangingisda sa lungsod na ito nang sila ay makapanayam ng Mabuhay noong nakaraang lingo. Ayon kay Melencio Domingo, pangulo ng City Agriculture and Fisheries Council (CAFC) ng Malolos, mula nang maitayo ang material recovery facility (MRF) ng lungsod ay ipinamimigay ng libre ng pamahalaang lungsod ang compost fertilizer o binulok na basurang ginawang abono sa mga magsasaka. “Malaking tulong iyan sa mga magsasaka dahil napakataas ng presyo ng abono ngayon,” ani Domingo patungkol sa nabibiling komersyal na abono na umaabot sa P2,000 ang halaga ng bawat sako. Nakapanayam ng Mabuhay si Domingo noong Oktubre 24. Ang pamamahagi ng compost fertilizer sa mga magsasaka ay pinalawak nitong Mayo kung kailan ay agad ipinagkakaloob iyon sa mga magsasaka matapos gilingin sa MRF ang basurang nabubulok. Ayon kay Mayor Danilo Domingo, minabuti ng pamahalaang panglungsod na ibigay agad sa mga magsasaka ang nagiling na basura upang mas lumawak ang partisipasyon ng mga mamamayan ng Malolos sa pagsisinop ng basura. Sa mga nagdaang taon, ang compost fertilizer ay ipinamamahagi lamang sa mga magsasaka kapag iyon ay “luto” na o kumpleto na sa panahon ng pagbubulok. Ngunit mula noong Mayo, pagkagiling pa lamang sa basura sa MRF ay ipinamamahagi na iyon sa mga magsasaka at sila naman ang “nagluluto” o kumukumpleto sa panahon ng pagbubulok sa giniling na basura upang maging abono. Ayon sa magsasakang sina Melencio Domingo, Reynaldo Pagtalunan at Antonio Cruz, bukod sa giniling na basura na ginagawa nilang abono, bini-

bigyan pa sila ni Mayor Domingo ng P1,000 na pambili ng ipot ng manok na inihahalo sa giniling na basura. Tulad ng ipa at kusot o pinaglagarian ng kahoy, ang ipot ng manok ay organikong sangkap na ipinanghahalo sa nabubulok na basura upang iyon ay dumami at higit na maging epektibo bilang abono. “Bawat isang minidumptruck ng compost fertilizer ay may kasunod na P1,000 na panghalo upang maging epektibo yung abono,”ani Melencio Domingo. Iginiit nina Pagtalunan at Cruz na malaking kabawasan sa kanilang gastos sa pagsasaka ang paggawa ng compost fertilizer, bukod pa sa mas namumulat ang kanilang pamilya at mga kapitbahay sa pasisinop ng basura. Una rito, nagkaisa naman ang mga mangingisda sa baybaying bahagi ng Malolos at maging sa mga bayan ng Bulakan, Paombong at Hagonoy sa pagsasagawa ng malawakang paglilinis ng basura sa kailugan noong Oktubre 21. Ayon kina Jaime Magpayo, kasalukuyang tagapangulo ng Fisheries and Aquatic Resources Management Council (FARMC) ng lungsod at Godofredo Clavio, dating pangulo ng nasabing samahan, ang isang hamon sa bawat mamamayan ngayon ay kung “paano huhubugin at imumulat ang kamalayan na sinupin ang kani-kanilang basura.” Sinabi ni Magpayo sa Mabuhay na dahil sa polusyon sa katubigan ng lalawigan ay lumiit ang kinikita ng mga mangingisda. “Dati kumikita kami ng P500 hanggang P1,000 bawat araw, pero ngayon masuwerte na ’yung P250 hanggang P300 bawat araw dahil walang mahuling isda,” ani Magpayo. Pinuntusan naman ni Clavio ang sobrang paggamit ng aqua feeds sa mga palaisdaan sa mga nagdaang taon. “Malaki ang naging pinsala ng aqua feeds sa mga isda natin dahil mula sa similya hanggang sa mala-

LINIS KAILUGAN — Maingat na hinahango mula sa tubig ng Ilog ng Atlag sa Malolos ng isang lumahok sa malawakang paglilinis ng kailugan noong Martes, Oktu-

bre 21 ang basurang doon ay naaanod. Ang pagsasagawa ng paglilinis ay isang bahagi ng programa ng lungsod para sa proteksyon ng kalikasan. — DINO BALABO

GLORIA CARILLO

GODOFREDO CLAVIO

MELENCIO DOMINGO

laking isda ay napapatay ng kemikal na dala ng aqua feeds,” ani ng dating pangulo ng FARMC. “Dati kahit sandali lamang kaming mamalakaya ay puno agad ang bangka namin ng isda, ngayon halos wala na kaming mahuli,” ani Clavio. Gayunpaman, sinabi ni Clavio na matapos ang mahabang panahong kampanya nila laban sa aqua feeds, unti-unti na ring nagbago ang mga namama-

laisdaan. Ang aqua feeds ay ang pinrosesong pagkain ng isda na may halong kemikal, at ang sobrang paggamit nito ay nakamamatay ng maliliit na isda sapagkat ang kemikal na halo nito ay hindi organiko kaya’t nahihirapang huminga ang isda sa ilalim ng tubig. “Namulat na rin ang mga namamalaisdaan ngayon dahil nakita na nila ang pinsala ng aqua feeds sa kailugan at mga isda,” sabi

pa ni Clavio. Para naman kay Gloria Carillo, hepe ng Provincial Agriculture Office (PAO), ang malawakang paglilinis sa mga kailugan ng Malolos, Hagonoy, Paombong at bayan ng Bulakan ay bahagi ng programa sa pagpapaunlad ng pangisdaan sa lalawigan. “Hindi ito isang cleanup drive lamang,” ani Carillo at iginiit na bahagi rin iyon ng kanilang adbokasiya upang pukawin ang pansin

JAIME MAGPAYO ng bawat mamamayan na ang pagsisinop ng basura ay nangangahulugan ng pangangalaga sa katubigan at mga isdang nabubuhay doon. Inamin ni Carillo na sa nagdaang mga taon ay sunod-sunod ang naging reklamo ng mga mangingisda sa mga bayan ng Bulakan, Paombong at Hagonoy at maging sa Lungsod ng Malolos dahil sa patuloy na polusyon sa tubig sanhi ng basura. — Dino Balabo

Patuloy ang pagkalbo sa watershed ng Angat at Ipo Dam NI DINO BALABO NORZAGARAY, Bulacan — Patuloy ang pagkasira ng Sierra Madre sa bahagi ng Bulacan partikular na sa watershed ng Angat Dam at Ipo Dam sa bayang ito, kaya’t nang makita noong Oktubre 9 ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang mga larawan ng kalbong kabundukan ay napangiwi siya. Ngunit sinabi ni Gob. Joselito “Jon-jon” Mendoza sa Mabuhay noong Oktubre 16 na hindi bahagi ng Bulacan ang nasisirang kabundukan, sa halip ay bahagi ng Nueva Ecija at mga Novo Ecijano ang nagsasagawa ng pagputol ng kahoy sa kabundukan. Kinumpirma naman ito ng nakausap ng Mabuhay sa Nueva Ecija na nagsabing ang nagpuputol ng punong kahoy sa Sierra Madre ay mga kababayan nila, ngunit “ang financier ay taga-Bulacan.” Ayon kay Bro. Martin Francisco ng Sagip Sierra Madre Multi-Sectoral Council (SSMMSC), hindi pa rin napipigil ang patuloy na pagkasira ng Sierra Madre partikular na ang kabundukang nasasakop ng dalawang tinggalan ng tubig na pinagkukunan ng inumin ng Kalakhang Maynila. Ayon kay Brother Martin, kasama niya ang mag-asawang Kint. Marivic at Bise Gob. Wilhelmino “Willy” Sy-Alvarado sa Malakanyang noong Oktubre 9 at ipinakita kay Pangulong Arroyo ang resulta ng kanilang walong buwang pagsasadokumento at

paglalarawan sa pagkasira ng Sierra Madre sa bahagi ng Bulacan. Si Martin ay isang misyonero ng Pilgrims of Jesus na isa sa mga tumutulong sa mga katutubo sa kabundukan mula pa noong 1997. “Tatlong litrato pa lamang ang nakita ni GMA ay napangiwi na siya at sinabing, ‘Ngiii, watershed ba iyan?’” ang kuwento ni Brother Martin sa Mabuhay nang siya ay makapanayam noong Oktubre 11. Dahil dito, aniya, inatasan noon din ng Pangulo si Environment Secretary Lito Atienza na tutukan ang pangangalaga sa watershed ng Angat Dam at Ipo Dam. Bilang tugon, nangako si Kalihim Atienza na babalasahin ang mga opisyal ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Bulacan dahil sa pagbibigay sa kanya ng di tamang impormasyon. Ipinangako rin ni Atienza, sabi pa ni Martin, na gagawin niyang kabalikat ang mga kasapi ng SSMMSC sa pangangalaga sa kabundukan sa pamamagitan ng paggawa sa kanilang diputado ng DENR. Ayon sa lider ng SSMMSC, napabayaan ng mga opisyal ng DENR ang pangangalaga sa kabundukan dahil noon pang 2004 ay nagpalabas na ng joint audit report sa kalagayan ng kalikasan ng bansa ang pinagsamang grupo ng DENR at United Nations Education, Scientific Culture Organization (UNESCO). Tinukoy sa nasabing report na ang mga

watershed ng Angat at Ipo ay nangunguna sa 17 “highly critical priority conservation areas” sa bansa. Sinabi ni Bro. Martin sa Mabuhay na ang sanhi ng pagkasira ng kabundukan sa Bulacan ay ang paggawa ng uling, ang ilegal ng pagpuputol ng mga punong kahoy, pagkakaingin at pagmimina. Ito, ay bunsod na rin, aniya, ng patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo at kawalan ng pagkakakitaan ng mga tao. Sinabi rin niya na batay sa mga ulat na kanilang naipon, umabot sa 70 porsiyento ng 6,600-ektrayang Ipo Watershed ang kalbo, at 20 porsiyento ng 63,000-ektaryang Angat Watershed ang nasira. “Hindi ganyan kalaki ang sira ng kabundukan noong 1997 nang una kaming umakyat doon,” ani Martin. Idinagdag niya na isa sa pangunahing sanhi ng problema sa pagkasira ng kabundukan ay ang pagkakaroon ng mga taong nakatira sa loob ng watershed na ipinagbabawal sa batas. “Maraming illegal occupants sa Angat at Ipo watershed at hanggang ngayon ay patuloy ang pagdami nila,” aniya at sinabing nagsisilbing banta sa kabundukan ang pagdami ng tao doon dahil sa kawalan ng hanapbuhay doon maliban sa paguuling, pagkakaingin at pagpuputol ng punong kahoy. Samantala, iginiit naman ni Gob. Mendoza sa Mabuhay na mga Novo Ecijano

ang nagsasagawa ng pamumutol ng kahoy sa Sierra Madre. “Paninindigan ko iyan, hindi sakop ng Bulacan ang nakakalbo dahil maging sa Regional Peace and Order Council (RPOC) ay tinukoy na ang nakakalbong bahagi ng Sierra Madre ay sakop ng Nueva Ecija,” ani Mendoza. Iginiit din ng gobernador na sa Bulacan lamang ibinababa at idinadaan ang mga pinutol na punong kahoy sa kabundukan. Gayunpaman, sinabi ni Mendoza na bubuo siya ng isang grupo upang magsagawa ng imbestigasyon upang matukoy ang ilan pang bahagi ng kabundukan na nakakalbo. Kinumpirma ng isang napagtanungan ng Mabuhay sa Nueva Ecija na mga kababayan nga nila ang nagpuputol ng punong kahoy sa Sierra Madre, ngunit binigyang diin na mga Bulakenyo ang nagpopondo. Para naman kay Bise Gob. Sy-Alvardo nakalulunos ang kalagayan ng Sierra Madre sa Bulacan. Binigyang diin niya na ang patuloy na pagkakalbo ng kabundukan ay nagiging sanhi ng pagbaha at pagkasira ng mga pananim, ari-arian at pangunahing imprastraktura. Inihalimbawa niya ang bayan ng Hagonoy na palaging lumulubog kahit bahagyang pag-ulan lamang ang dumaan sa Bulacan dahil na rin sa kalbo ang kabundukan at madalang ang punong kahoy na sumisipsip sa tubig ulan.

7

OKTUBRE 24 – 30, 2008 ○









































Regarding Henry

















 from page 3

down the cabin lights. This is for your comfort and to enhance the appearance of your flight attendants.” After a particularly rough landing during thunderstorms in Memphis, a flight attendant on a Northwest flight announced, “Please take care when opening the overhead compartments because, after a landing like that, sure as hell everything has shifted.” Japan Air Lines: “In the event of a sudden loss of cabin pressure, masks will descend from the ceiling. Stop screaming, grab the mask, and pull it over your face. If you have a small child traveling with you, secure your mask before assisting with theirs. If you are traveling with more than one small child, pick your favorite.” British Airways: “As you exit the plane, make sure to gather all of your belongings. Anything left behind will be distributed evenly among the flight attendants. Please do not leave children or spouses.” Finally, here’s one from the Philippine Air Lines: “We’re now preparing to land at San Francisco International Airport. Kindly straighten up your seats, turn off all electronic gadgets, pull up your window shades and buckle up for safety. We hope you enjoyed flying with us as much as we did.” When it should be translated to Philippine language, the flight attendant must have said these words: “Tayo po ay papalapag na sa paliparang pangkalawakang internasyonal ng San Francisco. Paalala po lamang sa ating mga kababayan - ang mga unan, kumot, headset at iba pang kagamitan sa eroplano ay di po kasama sa pasalubong. Huwag po lamang baklasin ang LCD-TV na nakadikit sa silya. Maraming salamat po.” To end this piece, allow me to quote the words of Benjamin Disraeli: “Like all great travellers, I have seen more than I remember, and remember more than I have seen.” — For comments, write me at [email protected]











































Ka Iking Reports

















 from page 3

this, we would still be running around in circles with no direction in sight. To be able to address the problem of sickness, we need to build or rebuild our health infra at the community level. To be able to address the problem of hunger, we need to build or rebuild our distribution infra, also at the community level. All the infra we need to build or rebuild has to be at the community level, and the same goes for the schools infra that we need to build or rebuild to address the problem of illiteracy, and the farms infra that we need to build or rebuild to address the problem of poverty. I say that we need to build or rebuild, because there is really no need to build a completely new infra if there is already an existing infra to start with, no matter what condition it is in. Putting up food stores or grocery stores is the most logical step in building our distribution infra to address the problem of hunger. Rather than give away food, we are going to experiment with the social enterprise of selling food at the lowest possible prices, backed up by our own production. Of course, we shall always be ready to give away food to the extremely needy who could not afford to buy food. Creation of livelihood is the most practical solution to the problem of poverty, and there is no question that going into agriculture or food production is the easiest and the quickest way to create livelihood. Besides, food production gives us the extra bonus of being able to address the problem of hunger as well. The high price of medicines is actually one of the biggest problems in the delivery of health services. As a way to address this problem, we are going to include high quality generic medicines in the offerings of our groceries. Again, I am issuing my call to well meaning people out there to form their own Inter-Charity Circles. As soon as two Circles are formed in a locality, they could already organize their own local Inter-Charity Club. *** Email [email protected] or text me at +639293605140. Watch my TV show Ka Iking Live every Friday from 9:30 to 10:30 PM on Destiny Cable Channel 3. Form your own Inter Charity Circle and build our nation. Tune in to Kapit-Bahayan on DWIZ 882 KHZ 5:00 to 6:00 PM Mondays through Fridays.

Alvarado: MOA ng Bulacan Bulk ‘null and void’ Bulacan Bulk. Para kay Bise Gob. Sy-Alvarado, anumang panukalang iskema sa nasabing proyekto ay dapat isulat at isumite sa pamahalaang panglalawigan upang masuri at mapag-aralan. “They have to do it in black and white, pati yung sinasabi nilang murang tubig,” ani Alvarado. Iginiit niya na dapat lamang maging mura ang tubig sa Bulacan dahil sa may water rights at constitutional right sa tubig ng Angat ang lalawigan. Ito ay batay na rin, aniya, sa water

 mula sa pahina 8

ang nasabing proyekto, ayon kay Bokal Vicente Cruz. Ilang napagtanungan ng Mabuhay ang nagsabi na pinag-aaralan ngayon ang iskemang joint venture agreement (JVA) para sa water supply project, ngunit wala silang sinabi kung may interesadong mamuhunan sa nasabing proyekto, maliban sa Manila Water Corporation Inc., (Manila Water). Ang Manila Water ang dapat sanang mamumuhuhan sa P11-bilyon ○

















Promdi











































































— Dino Balabo ○







































 mula sa pahina 2

Kung ang gobyerno ang magsisilbing editor ng mga pahayagan, mawawalan ng transparency sa pamamahala, at ang mga tao ay parang pinagkaitan ng pagkakataon na makita ang liwanag, katototohan o tunay na mga kaganapan. Ito ay nangangahulugan din na ang magiging editor-in-chief ng mga pahayagan ay walang iba kungdi ang namumuno sa bansa. Gusto mo bang si Ate Glue ang maging editor in chief ng paborito mong pahayagan? *** Dahil dito, minabuti ng CMFR na magtayo ng mga CPC sa iba’t ibang lugar kabilang na sa Bulacan upang ang mga ito ay magsilbing self-regulatory body. Ito ay dahil na rin sa paniniwalang ang pakikialam ng gobyerno sa larangan ng pamamahayag ay isang banta sa malayang pamamahayag na ginagarantiyahan ng Konstitusyon. *** Sa Bulacan, nasimulan na ang pagtatayo ng CPC na binubuo ng mga mamamahayag at mga kinatawan mula sa pribadong sektor, akademya, simbahan at mga non-governmental ○



rights na katumbas ng 230 milyon litro bawat araw na ipinagkaloob ng MWSS sa Bulacan dahil ang Angat Dam na sakop ng lalawigan ang nagiiwi sa tubig na pinadadaloy sa Kalakhang Maynila. Ang constitutional right naman ng mga Bulakenyo ay nakasaad sa 1987 Constitution na dapat magkaroon ng kabahagi ng isang porsiyento sa kinita ng MWSS ang mga Bulakenyo sa paggamit nito sa tubig ng Angat Dam na matatagpuan sa Norzagaray at DRT.











Depthnews











organization. Gayundin ang mga CPC sa mga lalawigan ng Tarlac, Zambales at Pampanga, dahil ang mga mamamahayag sa mga nasabing lalawigan ay hindi rin pabor sa pakikialam ng gobyerno sa karapatang magpahayag ng malaya. *** Bukod sa panukalang batas na right of reply, isa ring banta sa larangan ng pamamahayag ang patuloy na kaunlaran sa Gitnang Luzon, at ito ay nararamdaman na sa Pampanga kung saan ay sinasabing may “media boom” o ang pagsulpot ng iba’t ibang pahayagang pang-arawaraw bukod pa sa mga istasyon ng telebisyon. Ang epekto ng “media boom” na ito ay ang kakulangan sa mga mamamahayag na may sapat na kakayahan, responsable at disiplinado. *** Ayon kay Professor Teodoro, kaalinsabay ng kaunlaran ay ang pagdami ng mga pahayagan at mamamahayag. Habang dumadami ang mamamahayag, dumadami rin ang problema lalo na’t natatangay sila ng tukso ng di ○







































responsableng pamamahayag. Dahil dito, nilinaw ni Teodoro na isa sa mga layunin ng mga CPC katulad ng itinatayo sa Bulacan ay ang mapataas ang antas ng pamamahayag sa pamamagitan ng responsableng pamamahayag. *** Bukod dito, binigyan din niya ng diin ang pagbabalik ng mga mamamahayag ng kanilang hiram na kapangyarihan sa mamamayan. Payo ni Teodoro, “Kailangang ang taong bayan ay maging bahagi sa paghubog sa mga mamamahayag sa pamamagitan ng pagbibigay pansin sa mga pagkakamali, pagkukulang at mga pag-abuso.” *** Ito ay dahil na rin sa anumang kapangyarihang nasa kamay ng mga mamamahayag ngayon, iyon ay hiram lamang sa mga mamamayan na kanilang pinagkukunan ng balita at pinaglilingkuran sa pamamagitan ng paghahatid ng makatotohanang balita. Simulan natin ngayon ang paghubog sa ating mga lokal na mamamahayag. ○







































 from page 3

seemed like fraternity. Di naglaon, nagsalita na rin sya. “I don’t care less!” sigaw ni Dodong. Shocks, give me a brake! The nerd ng taong ito para sigawan ako! To think it’s his other woman that caused our separation to part. Kinabahan na ako. I felt speed bumps all over my body and was having panic. Tinalikuran ko siya at nagmadali akong lumakad palayo. Pero sumunod pa rin siya like a it’s all over. He’s like a monkey on my butt. Hanggang sa makakita ako ng security guard. Biglang nawala si Dodong. “Excuse me kuya, pwedeng magtanong?” sabi ko sa mamang guard. “Of course, miss, I can help you with my pleasure,” sagot niya.

“Saan po ba ang exit?” tanong ko. “I got lost in my eyes.” “Diretso lang,”sabi niya. “Then turn right anytime with care.” “Thanks for your corporation,” sabi ko. Buti na lang nandun si kuya. Pero saglit lang, I smell something peachy. As I turned, nakita ko na namang nakasunod si Dodong! Delaying static lang pala kanina ang pag-disappear niya. “Nyahahaha! You can run but you can hide, Inday. No matter where you go, there you are!” pananakot nya. Oh no, is this the end? This is too much, I feel degradable. My world started falling afar. Then suddenly, Jay come from behind! Dodong was caught to the act! In the matter of ○

There is but one road which reaches God and that is Prayer. If anyone shows you another, you are being deceived. – ST. THERESA OF AVILA SHOWING ON OCTOBER 22, 2008 ONWARDS

subject to change without prior notice

MIRRORS

KULAM

BODY OF LIES

MAX PAYNE

















minute, I am out of arms way. “Thanks, Jay, my love. But how did you … ?” Bago pa man ako matapos, sabi niya: “I was in the neighborhood. Fans din ako ni Angel Locsin, eh. I heard you shout. But at first I didn’t give it a thought. Pero nang makita ko kayong magkahawak ng holding hands, then I give it a thought. I know something is a missed.” From then on, Dodong did not brother me again. In fact, he didn’t even sister me. As in platonic at wala na talaga. Pero kami ni Jay, heto, shoot sailing pa rin ang relationship. Lalo pa ngayon, open na kami sa isa’t-isa at walang exhibitions. I feel I’m on cloud line. —[email protected]













Cebu Calling at by my lonesome self. Everything tells me I do not and cannot live alone, by myself, though I can foolishly think that I am alone, which sadly happens from time to time. I’m always into some relationship. That’s how I understand my life or anybody’s life to be. Thus, I was happy to learn years later on that the Catechism, for example, upholds this childhood insight of mine just as it does the insight of many others. Some relevant points could be the following: *1776 – “Deep within his conscience man discovers a law which he has not laid upon himself but which he must obey. Its voice … sounds in his heart at the right moment … For man has in his heart a law inscribed by God.” *1779 – “Return to your conscience, question it … Turn inward, brethren, and in everything you do, see God as your witness.” (St.

Augustine)





























 from page 3

*1795 – “Conscience is man’s most secret core, and his sanctuary. There he is alone with God whose voice echoes in his depths.”

(Gaudium et spes 16)

I suppose with this understanding of conscience, what we have to do is to improve our sensitivity to discern God’s presence, praying, developing the virtues, mastering Christian doctrine taught by the Church, etc. These will improve our most important, basic and pattern-forming relationship with God and our skill to apply his law to our actions. We have to do everything to insure that we always pursue this ideal. We have to be wary with our tendency to just intellectualize our understanding of conscience, which can give us impressive but not life-transforming lights, since it is detached from the true and ultimate Light. This is the usual Achilles’ heel of our bright boys.

[email protected]

Ang tubig ay buhay. Pag-ingatan natin ito.

8

OKTUBRE 24 – 30, 2008

Isda sa Angat Dam ligtas kainin Fish kill tuloy pa rin, ayon sa mga katutubo NI DINO BALABO LUNGSOD NG MALOLOS — Ligtas kainin ang mga huling isda sa watershed o kagubatan ng Angat Dam, ayon sa ulat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), ngunit tuloy pa rin ang “fish kill” o pagkamatay ng mga isda doon, ayon sa mga katutubong Dumagat.

MABAHONG ISDA — Ito ay

ilan lamang sa mga isdang namatay sa fish kill sa Angat Dam na nakunan ng larawan ng Sagip Sierra Madre Multisectoral Council (SSMMSC) noong Miyerkoles, Oktubre 22. Mapapansing lumilinab ang tubig o parang may langis ang ibabaw ng tubig sa tabi ng isdang may ilang araw nang patay (itaas), samantalang ipinagtaka ng mga katutubong Dumagat kung bakit malalaking isda lamang ang namatay (kaliwa, ihambing ang sukat ng isda sa kamay ng tao). Ayon pa sa mga katutubo, matapos magsimula ang fish kill noong Setyembre 27, ay patuloy pa rin ito (pansinin ang mga isang kamamatay lamang kasama ang dati nang patay sa larawan sa ibaba). Ang mga larawang ito ay mula SSMMSC.

Pinabulaanan ni Mendel Garcia ng Angat Watershed Area Team (AWAT) ang pahayag ng mga katutubo nang sabihin niya noong Oktubre 24 sa Mabuhay na humupa na ang fish kill . Ngunit noong araw ding iyon ay ipinakita sa Mabuhay ni Bro. Martin Francisco ng Sagip Sierra Madre Multisectoral Council (SSMMSC) ang mga nabubulok at kamamatay lamang na mga isda na nakunan ng mga larawan at video footage noong Oktubre 22. Batay sa dalawang pahinang ulat na ipinalabas ng BFAR noong Oktubre 20, sinabi ni Dr. Remedios Ongtangco, direktor ng BFAR sa Gitnang Luzon, na walang bahid ng mga heavy metal o nakakalasong kemikal tulad ng mercury, lead, cadmium at arsenic ang “fish tissue samples” o laman ng isdang sinuri ng CRL Environmental Corporation Laboratory na nakabase sa Clark Freeport sa Pampanga. Gayunpaman, sinabi ni Dr. Ongtangco na ang laman ng isda na sinuri ay natuklasang may bahid ng chromium. Batay sa ulat ng BFAR, walang dapat ipangamba sa pagkakatuklas ng bahid ng chromium sa laman ng isda dahil umabot lamang iyon ng 0.79 part per million (ppm) samantalang ang allowable limit nito ay 2.0 ppm. “We therefore conclude that based on results of the analysis, the fish in the Angat watershed reservoir is safe for human consumption,” ani Ongtangco sa dalawang pahinang ulat. Humupa na ang fish kill, sabi naman ni Garcia, ang hepe ng AWAT o ng mga tauhan ng National Power Corporation (Napocor) na siyang namamahala sa Angat Dam at 63,000 ektaryang Angat watershed. Sinabi niya sa mga dumalo sa pulong na ipinatawag ng Lupon ng Kalikasan sa Sangguniang Panglalawigan noong Oktubre 24 na halos taon-taon ay nagkakaroon ng fish kill sa kailugan ng Angat Dam kaya’t iyon ay masasabing isang “natural phenomenon.” Ayon sa hepe ng AWAT, matapos nilang matanggap mula sa mga mangingisda sa Angat Dam ang ulat hinggil sa fish kill ay agad silang nakipag-ugnayan sa BFAR at sa Metrotpolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS). Ang MWSS ang nagpapadaloy ng tubig mula sa Angat Dam patungo sa Kalakhang Maynila sa pamama-

gitan ng Manila Water Corporation Inc., (Manila Water) at Maynilad Water Services Inc., (Maynilad). Binanggit din ni Garcia na batay sa naunang ulat ng BFAR, ang sanhi ng fish kill sa Angat Dam ay low dissolved oxygen na maaaring bunsod ng nabubulok na punong kahoy sa tubig. Ngunit sa kabila ng pahayag ni Garcia na tigil na ang fish kill sa dam, inulat naman ng mga katutubo kay Brother Martin na marami pa ring isda sa dam ang namamatay. Si Martin ay isang misyonero ng Pilgrims of Jesus na isa sa mga tumutulong sa mga katutubo sa kabundukan mula pa noong 1997. Sinabi niya sa Mabuhay na maging ang mga katutubo ay nahihiwagaan sa fish kill dahil lumalawak ang apektadong lugar niyon. “Noong una sa Sitio Matulid lang hanggang sa Sitio Makina, pero ngayon mayroon din pala sa Sitio Maputi at hanggang ngayon ay may namamatay pang isda,” ani ng misyonero. Ipinakita rin niya sa Mabuhay ang mga larawan at video footage ng mga isdang nabubulok at kamamatay lamang na nakunan noong Oktubre 22 sa Sitio Pinag-anakan na di kalayuan sa Sitio Matulid , Barangay Kabayunan sa bayan ng Donya Remedios Trinidad. Ang nasabing lugar ay nasa loob ng 63,000 ektaryang Angat watershed. Ayon kay Brother Martin, ikinagalak pa ng mga katutubo ang fish kill sa mga unang araw ng insidente. “Natuwa pa sila nang magsilutang ang mga tilapia dahil hindi na raw sila maninisid, pero nung kinain nila ay sumakit ang kanilang tiyan,” aniya. Hindi nagtagal, aniya, umalingasaw ang kahabaan ng Kabayunan River mula sa Sitio Matulid hanggang sa Sitio Makina dahil nabubulok na ang namatay na naglalakihang isda. Ayon kay Brother Martin, kumilos ang Napocor at inupahan ang may 70 katutubo upang ipunin at ibaon ang mga namatay na isda sa 10 hukay sa gilid ng Kabayunan River. “Palaisipan pa rin sa mga katutubo ngayon at maging sa mga opisyal kung bakit ang namamatay lamang na isda ay ’yung malalaki pero ’yung maliliit ay hindi,” ani Bro. Martin at ipinayo niya ang pagsasagawa ng isa pang masusing pagsusuri.

Alvarado: MOA ng Bulacan Bulk ‘null and void’ L UNGSOD NG M ALOLOS — “Null and void”, patay na at walang bisa. Ito ang buod ng pahayag ni Bise Gob. Wilhelmino “Willy” Sy-Alvarado hinggil sa Memorandum of Agreement (MOA) na nilagdaan noong nakaraang Disyembre nina Gob. Joselito “Jon-jon” Mendoza at Lorenzo Jamora, dating administrador ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), para sa P11-bilyong Bulacan Bulk Water Supply Project (Bulacan Bulk). Ngunit para naman kina Gob. Mendoza at Provincial Administrator Pearly Mendoza, tuloy pa rin ang proyekto.

Ayon kay Bise Gob. Sy-Alvarado, dalawang pangunahing probisyon sa nasabing MOA ang hindi natupad. Ito ay ang probisyon na iuurong ang kaso ng Bulacan laban sa MWSS, na noo’y nakabinbin sa Court of Appeals (C.A.) at ang pagbibigay ng waiver o pagsusuko ng karapatan ng mga pamahalaang bayan ng Norzagaray at Donya Remedios Trinidad (DRT) na kapwa nakakasakop sa 63,000 Angat Dam Watershed. Ang Angat Dam ang pinagkukunan ng tubig ng MWSS na pinadadaloy sa Kalakhang Maynila. Bilang mga “host municipal-

ity” sinasabi ng batas na katulad ng lalawigan, ang dalawang nabanggit na bayan o local government units ay may karapatang makatanggap ng isang porsiyentong kabahagi sa kinita ng MWSS sa pagpapadaloy ng tubig sa Kalakhang Maynila. “Sila ang nagpilit na ilagay ang mga probisyong iyan,” ani Sy-Alvarado patungkol sa mga kaalyado ni Gob. Mendoza sa Sangguniang Panglalawigan (S.P.) na nagpilit noong nakaraang taon na iuurong ang kaso laban sa MWSS. Ang nasabing kaso ay dinesisyunan ng C.A. noong Mayo 30 kung kailan kinatigan nito ang

desisyon ng Regional Trial Court (RTC) Malolos na nagsasabi na dapat magbayad ang MWSS sa Bulacan sa paggamit ng tubig mula sa Angat Dam. Ang desisyon ng C.A. ay nangangahulugan na hindi natupad ang probisyon sa MOA ng Bulacan Bulk na nilagdaan nina Mendoza at Jamora. Hinggil naman sa waiver o pagsusuko ng karapatan ng Norzagaray at DRT, sinabi ni Mayor Feliciano Legazpi ng Norzagaray na hindi nila naibigay iyon dahil sa kuwestiyong legal. “Baka mademanda kami,” aniya sa Mabuhay. Kaugnay nito, sinabi ni Gob.

Mendoza na tuloy pa rin ang proyekto sa kabila ng naunang pahayag ng mga kaalyado niya sa S.P. na ang nasabing MOA ay “technically dead” o patay na. Kinatigan naman ni Provincial Administrator Pearly Mendoza ang pahayag ng gobernador at iginiit na kailangan ng lalawigan ang Bulacan Bulk dahil sa natutuyo na ang ground water o mga balon ng tubig na pinagkukunan ng pinadadaloy na tubig ng mga water district sa may isang milyong tahanan ng mga Bulakenyo. Kailangan na ang bagong kasunduan o MOA para matuloy  sundan sa pahina 7

Related Documents

Mabuhay Issue No. 43
November 2019 16
Mabuhay Issue No. 912
April 2020 10
Mabuhay Issue No. 913
April 2020 9
Mabuhay Issue No. 909
December 2019 16
Mabuhay Issue No. 945
June 2020 10
Mabuhay Issue No. 925
May 2020 12

More Documents from "Armando L. Malapit"

Mabuhay Issue No. 920
May 2020 11
Mabuhay Issue No 30
October 2019 24
Mabuhay Issue No. 931
May 2020 14
Mabuhay Issue No. 35
November 2019 25
Mabuhay Issue No. 36
November 2019 16
Mabuhay Issue No. 41
November 2019 35