PPI Community Press Awards •Best Edited
Weekly 2003 and 2007
•Best in Photojournalism
1998 and 2005
Mabuhay LINGGUHANG PILIPINO MULA PA NOONG 1980
ISSN–1655-3853 • ABRIL 17 - 23, 2009 • VOL. 30, NO. 16 • 8 PAHINA • P10.00
a rt angel
printshop
Printing is our profession Service is our passion 67 P. Burgos St., Proj. 4, QC 1109, Philippines (0632) 912-4852 (0632) 912-5706
Australyanong nagpapako sa krus komedyante pala Bulakenyo dismayado sa pagbabalatkayo ni John Safran NI DINO BALABO
PAOMBONG, Bulacan — Isang komedyanteng Australyano kasama ang tatlong lalaki at isang babaeng deboto ang ipinako sa krus sa Barangay Kapitangan ng bayang ito noong Biyernes Santo, Abril 10. Ikinadismaya naman ng mga Bulakenyo ang pagbabalatkayo ng Australyano kaya’t ilan ang nagsabing dapat siyang ideklarang “persona non-grata” o taong hindi katanggaptanggap sa lalawigan.
(Basahin ang kaugnay na balita sa pahina 8.)
Samantala, sinabi ng isang opisyal na nagpaumanhin ang isang kasama ng nasabing dayuhan at nangakong hindi gagawing katatawanan ang mga video footage na kanilang nakuha sa pagpapapako sa krus sa Kapitangan. Ang Australyano ay nagpakilala bilang si John Michael, 36, isang estudyanteng nagtatrabaho bilang isang accountant sa Melbourne, Australia na
ang ina, 59, ay may sakit na liver cancer kaya’t namanata sa Kapitangan sa pamamagitan ng pagpapapako sa krus. Ngunit, batay sa ulat na inilabas ng The Sydney Morning Herald sa kanilang website noong Sabado, Abril 11, ang Australyano ay si John Safran, 33, isang komedyante na ang pinupuntusan sa pagpapatawa ay ang iba’t ibang kaugalian hinggil sa relihiyon. (Basahin ang kaugnay na balita sa pahina 8.)
ARAYKUPU! — Napangiwi sa sakit (itaas) ang Australyanong komedyante na si John Safran matapos bumaon at maglagos sa kanyang mga kamay at paa ang mga pakong ginamit sa pagpako sa kanya sa krus sa Barangay Kapitangan, Paombong, Bulacan noong Biyernes
Santo. Bilang unang banyagang nagpapako sa krus sa Kapitangan sa nagdaang 40 taon, si Safran ay naging atraksyon kaya naman ang mga sumaksi (ibaba) sa kanyang pagpapapako ay nakipagsabayan ng pagkuha ng kanyang larawan sa mga naroong mamamahayag. — DINO BALABO
Si Safran ang kaunaunahang banyagang ipinako sa krus sa Paombong sa nagdaang 40 taon. Ayon kay Jose Clemente, isa pang banyaga ang ipinako sundan sa pahina 6
Mabuhay, Punto finalist sa Press Awards ng PPI LUNGSOD NG MALOLOS — Napabilang ang Mabuhay at Punto Central Luzon sa 13 pahayagang finalist sa ika-13 Community Press Awards ng Philippine Press Institute (PPI) kung saan ang pamamaraang civic journalism ang magiging batayan ng pagpili sa magwawagi sa kauna-unahang pagkakataon. Ang pagpaparangal sa mga community newspaper o mga pahayagang pampamayanan ay isa sa mga
tampok na gawain sa ika-13 pangkalahatang pagtitipon ng mga kasaping pahayagan ng PPI bukod sa katuwang na National Press Forum na may paksang “Reporting the 2010 Elections Now”. Ang nasabing General Assembly at talakayan ay isasagawa sa Abril 27 hanggang 29 sa Diamond Hotel sa Maynila. Isasagawa rin sa nasabing pagkakataon ang isang press conference sundan sa pahina 6
Libong miron sa pagpapapako nagsiksikan PAOMBONG, Bulacan — Nagsiksikan sila sa ilalim ng init ng araw sa gitna ng basketball court, ang iba ay umakyat sa pader, sa mga punong kahoy at ang ilan ay siksikan ding nagsidungaw sa bintana ng kapilya. Iisa ang kanilang layunin — ang masaksihan ang taunang pagpapapako sa krus sa Barangay Kapitangan ng bayang ito noong Biyernes Santo, Abril 10, kung kailan isa sa limang ipi-
nako ay ang 33-taong gulang na komedyanteng Australyano na nagmula sa isang pamilyang Hudyo. Ang tanawing ito ay hindi na bago dahil taun-taon ay dinarayo ang kapilya sa Barangay Kapitangan kung saan isinasagawa ang taunang pagpapapako sa krus ng mga deboto na nagsimula mahigit 50 taon na ang nakaraan. Ang tradisyong ito ay isang
panata para sa mga deboto, ngunit para sa mga opisyal ng turismo sa Bulacan ito ay isang taunang atraksyon na nakakaakit sa mga turista. Ayon kay Jose Clemente, isa sa mga opisyal ng Bulacan Tourism Council (BTC), higit na mapauunlad ang turismo sa Kapitangan kung ang taunang pagpapapako sa krus ay isasagawa sa gitna ng bukid sa likod ng kapilya.
Ang nasabing bukirin ay tuyo at matigas ang lupa kung tagaraw, kaya’t doon itinatayo ang perya taun-taon kung saan maging mga bata ay tumataya sa mga larong sugal. “Masikip ang basketball court sa gilid ng kapilya kaya nahihirapan ang mga taong dumadayo,” ani Clemente. Ang payo ni Clemente ay inayunan ni Dinia Quetua, hepe ng Provicial Tourism Office
(PTO), na nagsasagawa ng mga pag-aaral sa mga lugar sa Bulacan na maaaring dayuhin ng mga turista. Sinabi ni Quetua sa Mabuhay na tama ang obserbasyon ni Clemente, ngunit mas nais ng mga nagpapapako sa krus na sa entablado sa may basketball court sa gilid ng kapilya isagawa ang taunang tradisyon. “Ipinayo na namin iyan sa sundan sa pahina 6
Mabuhay
2
ABRIL 17 - 23, 2009
LINGGUHANG PILIPINO MULA PA NOONG 1980
EDITORYAL
Karangalan ng lipi IKINADISMAYA ng ilang Bulakenyo ang pagbabalatkayo ng komedyanteng Australyanong sumali sa taunang pagpapako sa krus sa Barangay Kapitangan, Paombong, Bulacan noong nakaraang Biyernes Santo. Ito ay dahil sa pangambang lapastanganin ng komedyante ang kalinangan at kaugalian ng mga Bulakenyo na itinuturing nilang sagrado. Ngunit ayon sa Provincial Tourism Office (PTO) nagpahatid na sa kanila ng paunang paumanhin ang mga Australyanong kanilang inasistihan upang makasali sa taunang pagpapako sa krus kung Biyernes Santo sa Kapitangan na sinasabing nagsimula mahigit 50 taon na ang nakakaraan. Bukod dito, nangako rin daw ang mga Australyano na magpapahatid ng opisyal na paumanhin kina Gob. Joselito Mendoza at Mayor Donato Marcos na bukas-loob na tumanggap sa kanila sa pagbisita sa Paombong. Isa pang ipinangako ng mga Australyano ay hindi nila gagawing katatawanan ang kaugalian ng mga Bulakenyo sa programa ng komedyanteng si John Safran na isinasahimpapawid sa Australian Broadcasting Corporation (ABC). Si Safran ay kilala sa Australya bilang isang komedyante na ang puntirya ng satirikong komentaryo ay ang mga kakaibang kaugaliang may kinalamang sa relihiyon, katulad ng mga seryeng may pamagat na “Jonh Safran vs. God,” “John Safran and the Mormons,” at “John Safran and Speaking in Tongues” na lahat ay isinahimpapawid ng ABC television. Masasabing dagdag na hapdi sa sugat sa imahe ng mga Pilipino sa ibayong dagat ang anumang pakantiyaw na komentaryo o pag-alimura sa ating kaugalian bilang bansa, lalo pa’t halos hindi makabangon ang imahe natin bilang isang bansa sa mga mata ng ibang lahi dahil sa mga balita patungkol sa patuloy na corruption sa ating gobyerno. Ayon sa ilang balikbayang Bulakenyo, kahit matagal na silang hindi nauuwi sa bansa ay ipinagtatanggol pa rin nila ang Pilipino sa masasakit na komentaryo na kanilang naririnig mula sa ibang lahi patungkol sa ating gobyerno; at sa pagkakataong ito, ang pinakahuling nais nilang marinig hinggil sa ating bansa ay mga balitang lalo pang magpapababa ng kanilang morale. Totoo. Masakit makarinig ng hindi magandang komentaryo kung ikaw ay lugmok at hindi makaahon sa iyong kinalalagyan. Gayunpaman, naniniwala ang pahayagang Mabuhay na anuman ang sabihin ng ibang lahi patungkol sa kaugalian ng marangal na liping Bulakenyo, hindi pa rin mababawasan ang ating pagiging Bulakenyo, sapagkat ang pagiging isang tunay na Bulakenyo ay nasa isip, puso, at katauhan — marangal, maginoo, may sariling paninindigan. Ito ang mga katangiang nagbandila sa Bulacan sa loob ng maraming salinlahi na siyang magpapatuloy na sandigan ng bawat Bulakenyo kaya’t lalong dapat pagyamanin habang ating itinatakwil ang masasamang katangiang maaaring magbaon sa hukay ng ating marangal na lipi, tulad ng pagiging gahaman, walang disiplina, mandaraya, sinungaling, walang pagmamahal sa Diyos,
Mabuhay LINGGUHANG PILIPINO MULA PA NOONG 1980
Jose L. Pavia Publisher/Editor Perfecto V. Raymundo Associate Editor Anthony L. Pavia Managing Editor e-mail
[email protected] PPI-KAF Community Press Awards
Best Edited Weekly 2003 + 2008 Best in Photojournalism 1998 + 2005 A proud member of PHILIPPINE PRESS INSTITUTE
WEBSITE
http://mabuhaynews.com
EDITORIAL Alfredo M. Roxas, Jose Romulo Q. Pavia, Jose Gerardo Q. Pavia, Joey N. Pavia , Jose Visitacion Q. Pavia, Carminia L. Pavia, Perfecto Raymundo Jr., Dino Balabo
ADVERTISING Jennifer T. Raymundo
Buntot Pagé
PERFECTO V. RAYMUNDO
Banta sa buhay ni Gob Jon-jon ISANG text message ang tinanggap daw ni Gob. Jon-jon Mendoza na ipinarating sa kanya noong nakaraang huling linggo ng Marso na nagbabanta sa kanyang buhay. May hinala ang gobernador na ang nagbabanta sa kanya ay mga galamay ng mga ilegal na nagtitibag ng marmol sa Biak-na-Bato sa San Miguel. Matatandaan na nagdeklara ang gobernador na gagawin niya ang kanyang makakaya upang hadlangan ang pagmimina sa nasabing lugar na deklaradong reservation area. May kapahintulutan diumano ang Departmant of Environment and Natural Resources (DENR) sa pagmimina ng marmol sa nasabing lugar kahit na ito ay sakop ng reservation area. Dahil sa pangyayari, hiningi ng gobernador ang tulong ng pulisya at inatasan ang panlalawigang tanggapan ng DENR na lagyan ng checkpoint ang mga exit point sa Sibul at harangin ang mga trak na naghahakot ng marmol. Iniutos din ng gobernador na ibagsak ang mga tipak ng marmol sa gilid ng kalsada at huwag pahintulutang maibiyahe ang mga ito. Ang utos ng gobernador ay
mahigpit na ipinatutupad hanggang sa kasalukuyan. Walang nakalulusot sa mga naghahakot ng marmol magmula nang siya ay tumanggap ng pagbabanta. Ayon pa kay Mendoza hindi siya natatakot sa pagbabanta at ipagpapatuloy niya ang kanyang kampanya laban sa ilegal na pagmimina ng marmol sa nasabing lugar hanggang matigil ang pagwasak sa kabundukan ng Biak-na-Bato. Nagmimina ng marmol sa nasabing lugar ang Rosemoor Mining and Development Corp. Ayon sa pangulo nito, may lisensiya raw sila mula sa DENR. Kung legal ang pagmimina ng Rosemoor, sino ang nagbigay ng pahintulot sa kanila? Nagtatanong lang po lamang kami. Inggit ANG pag-iinggit ay pinagmumulan ng mga magkakapitbahay o maging mga magkakaibigan ng hindi magandang samahan. Ang isang inggitero ay may paniwala sa kanyang sarili na siya ang magaling sa lipunang kanyang ginagalawan. Hindi siya kuntento kapag hindi siya ang nangunguna sa pinag-uusapan. Isang halimbawa ang isa sa mga dati kong kasama sa hanap-
Kastigo
buhay. Isa umanong sikat na kuwentista. Iba ang mamamahayag sa kuwentista. Ang kuwentista ay puro kathang isip lamang at salat sa katotohanan, samantalang ang mamamahayag ay kailangang factual ika nga ang iyong gagawing pagbabalita. Iyan ang pagkakaiba ng kuwentista at mamamahayag. Ang isinusulat ng kuwentista ay haka-haka o bunga lamang ng kathang-isip samantalang ang mamamahayag ay batay sa tunay na pangyayaring naganap. Pulitika sa Bulacan NAGSIMULA na ang mga nagnanais na kumandidato sa nalalapit na halalan sa Mayo sa susunod na taon. Katunayan ay mapapansin na marami sa mga nais na kumandidato ang nagsisipag-lamay at umaabuloy sa mga namatayan. Hindi ko na babanggitin ang mga pangalan ng mga nagnanais na magsikandidato. Ito ay mapapansin mo sa buong lalawigan ng Bulacan. Sa bayan ng Obando ay tiyak na tatlo ang maglalaban sa pagka-alkalde. Sila ay sina kasalukuyang Alkalde Orencio E. Gabriel o OEG, Bise Alkalde Ding Pantanilla at isang negosyanteng may apelyidong Santos.
BIENVENIDO A. RAMOS
‘Right of Reply’ hindi kailangan KUNG hindi ka matawa ay malamang na masuya ka sa mga pulitiko, umano’y mga lider, na balat-sibuyas sa pamumuna sa kanilang maling gawa pero balatkalabaw naman sa garapal na pagnanakaw ng salaping-bayan, at pakikipagkutsaba sa pamamahalang itinuturing na pinaka-corrupt sa Asia kung di man sa buong mundo. Ang nakatatawa, kung kailan magkasabuwat na naghain ng panukalang Right of Reply sina Senador Aquilino Pimentel at Kint. Monico Puentebella ay saka naman inilabas ng Committee to Protect Journalists (CPJ), ang media watchdog na nakabase sa New York, ang ulat na sa 14 na bansang pinakamapanganib na galawan ng mga media practitioner ay pang-anim ang Pilipinas. Batay na rin sa ulat ng Malakanyang, may 31 peryodista na ang napapatay mula nang pumalit si Gng. Macapagal-Arroyo
sa pinatalsik na si Pres. Erap Estrada. Ayon naman sa grupo ng mamamahayag, humigit-kumulang sa 100 nang journalist ang napapatay — sa pagtupad ng kanilang tungkulin — mula noong 1986, pagkaraang sumiklab ang Edsa People Power Revolt. Iba’t ibang paraan ng pagsagot Kung tutuusin, hindi na kailangang isabatas pa ang “right of reply” ng mga pulitiko, maging ang mga public official, lalo na ang mga mambabatas tulad nina Pimentel at Puentebella laban sa pamumuna at pagtuligsa sa mga lisya at tiwaling gawa sa kanilang panunungkulan sa pamahalaan. Bukod sa batas sa libelo, malawak at maraming paraan na magagamit at ginagamit na ng mga public official o pribadong tao upang maipagsanggalang ang kanilang sarili, o mapabulaanan ang paratang o bintang sa kanila na karaniwang nanggagaling sa
mga mamamahayag. Narito ang ilan: • May bayaran o swelduhang press relations officer ang mga public official, o maraming reporter (hao-siao ang iba) na handang kumapanayam sa kanya at ilathala ang panig niya, pagpapabulaan o pagtanggi sa paratang. • Nitong mga huling taon, marami nang public official ang bumibili ng air time, naglalagay ng sariling programa sa radiotelebisyon-internet, o nagsusulat ng kolum sa mga diyario. Sa programa nila at sa kolum sa diyario ay labis-labis nilang masagot ang paratang sa kanila. Hindi man napapatunayan pa sa hukuman, ang public official, lalo na ang nasasangkot sa malalaking anomalya, ang sinisigurong bumabayad ng mga hired killer upang ipapatay ang matatapang na mamamahayag, tulad ni Marylin Esperat na nagbunyag sundan sa pahina 7
Promdi
DINO BALABO
PRODUCTION Jose Antonio Q. Pavia, Jose Ricardo Q. Pavia, Mark F. Mata, Maricel P. Dayag, Charlett C. Añasco
Balatkayo
PHOTOGRAPHY / ART Eden Uy, Allan Peñaredondo, Joseph Ryan S. Pavia
BUSINESS / ADMINISTRATION Loreto Q. Pavia, Marilyn L. Ramirez, Peñaflor Crystal, J. Victorina P. Vergara, Cecile S. Pavia, Luis Francisco, Domingo Ungria, Harold T. Raymundo,
CIRCULATION Robert T. Raymundo, Armando M. Arellano, Rhoderick T. Raymundo The Mabuhay is published weekly by the MABUHAY COMMUNICATIONS SERVICES — DTI Permit No. 00075266, March 6, 2006 to March 6, 2011, Malolos, Bulacan. The Mabuhay is entered as Second Class Mail Matter at the San Fernando, Pampanga Post Office on April 30, 1987 under Permit No. 490; and as Third Class Mail Matter at the Manila Central Post Office under permit No. 1281-99NCR dated Nov. 15, 1999. ISSN 1655-3853 Principal Office: 626 San Pascual, Obando, Bulacan 294-8122
Subscription Rates (postage included): P520 for one year or 52 issues in Metro Manila; P750 outside Metro Manila. Advertising base rate is P100 per column centimeter for legal notices.
DISMAYADO ang ilang Bulakenyo sa pagbabalatkayo ng isang komedyanteng Jewish-Australian na si John Safran na sumali sa taunang pagpapako sa krus sa Barangay Kapitangan, Paombong noong Biyernes Santo. May halo daw panloloko ang ginawa ni Safran dahil hindi ipinagtapat ang tunay na pagkakakilanlan. Parang hindi na tayo nasanay sa mga lumoloko sa atin kapag halalan. *** Batay sa impormasyong naipon ng Promdi sa pagsasaliksik sa internet, si Safran, 33, ay nagmula sa isang middle class Jewish family na nakatira sa Melbourne, Australia. Kalahi pa siya ng Panginoong Hesu-Kristo, may lahing Hudyo. Kung gayon, siya ang kaunaunahang tao na may lahing Hudyo na ipinako sa Kapitangan. *** Pero sabi ni Father Pedring ng
Leighbytes Computer Center sa Malolos, marami ring “hudyo” sa Bulacan. Makikilala raw ang mga “hudyo” na iyan kapag halalan. *** Ayon kay Dinia Quetua, hepe ng provincial tourism office na isa sa umasiste kay Safran at mga kasama nito na nagdokumentaryo sa pagpapako sa krus, humingi na ng paumanhin sa kanya ang mga ito at magpapahatid ng pormal na paumanhin hinggil sa ginawa nilang balatkayo. Buti pa sila nagpapaumanhin, pero yung mga nagbabalatkayo kapag halalan sige pa rin. Sabi nga ni Ate Glue noong 2005, “I am sorry.” *** Ayon kay Quetua, inamin ng grupo ni Safran na kaya sila nagbalatkayo ay dahil sa pangambang hindi payagan si Safran na makasali sa mga ipinako sa krus. Totoo ’yan. Sabi nga ng mga
Bulakenyo, kung nalaman daw nila na balatkayo lang ang ginawa ni Safran, baka hanggang ngayon ay nakapako sa siya doon sa krus. Aruy! Bakit yung mga nagbabalatkayo kapag halalan hindi maipako sa krus? *** Ayon kay Safran, hindi niya masyadong alam ang tradisyon ng mga Pilipino hinggil sa pagpapapako sa krus. Akala raw niya ay papasanin lang niya ang krus, pagkatapos ay ipapako na siya sa krus. Hindi niya alam na habang nagpapasan ng krus ay hinahagupit ang ipapako sa krus tulad ng ginawa ng mga sundalong Romano sa Panginoong HesuKristo mahigit 2,000 taon na ang nakakaraan. *** Kaya naman nang dumapo sa likod ni Safran ang hagupit habang pasan ang krus ay nagu sundan sa pahina 7
Mabuhay
ABRIL 17 - 23, 2009
3
LINGGUHANG PILIPINO MULA PA NOONG 1980
Depthnews
JUAN L. MERCADO
Regarding Henry
Who cloned who? DID Kuala Lumpur clone Manila, Davao or Cebu? Or was it the other way around? They field policemen who moonlight as executioners. Malaysia’s High Court sentenced Thursday Inspector Aziah Hadri and Corporal Sirul Umar Azhar to hang. They were from an elite unit guarding the Prime Minister. They shot Mongolian model Altantuya Shaariibuu, then blew up the 28-year-old’s corpse with C-4 military explosives. Their “no-body-no-case” defense flopped. Prime Minister Najib Razak denies links with this interpreter and mother of two. Altantuya spoke Russian, English, Mandarin and Japanese. She also had an affair with one of Najib’s closest aides: Abdul Razak Baginda. The court cleared Baginda. But suspicions, from graft to blackmail, persist. Would two cops act, as a death squad, on their own? “Where are the bodies of Salvador “Bubby” Dacer and Em-
manuel Corbito?” lawyers for Senator Panfilo Lacson ask: “No body, no case.” PR man Dacer and driver were also kidnapped by the “elite” Presidential Anti-Organized Crime Task Force team. Both were interrogated, strangled and, like Altantuya, their bodies were burned. U.P. forensic pathologists identified remains from dental plates, rings, etc. Not me, insists Lacson who led PAOCTF then. Don’t look at me, says Lacson’s chief, the mustachioed President Joseph Estrada. Erap denies he is Bigote — alleged mastermind. Did PAOCTF’s Michael Ray Aquino and Cezar Mancao track down Dacer on their own? Just like Insp. Hadri and Cpl. Azhar? Both are in a U.S. federal prison and await extradition. On return, will they sing — or retract? PAOCTF agents seized, then destroyed, documents with Dacer. Were they about the multi-million BW stock scandal? Probers
Cebu Calling
HENRYLITO D. TACIO
itch to know. That scam rocked Estrada’s regime. Licensing laws gag the Malaysian press. Economic pressures are more insidious. “The Malaysian government is the indirect or direct owner of almost all local media,” International Press Institute notes. Thus, Kuala Lumpur mainstream media insists the gallows sentence puts an “end to conspiracy theories” It won’t. Across Johore causeway, Singapore newspapers covered the 159-day trial.They’ve reported what Kuala Lumpur censors haven’t firewalled completely: internet and blogs. The most outspoken is 59-year old Columnist Raja Petra Kamaruddin. On his website “Malaysia Today”, “RPK claims the prime minister and wife, Datin Seri Rosmah Mansor, are involved in the Mongolian slay. Najib admits contacting the lawyer defending his aide. That’s not interference.” continued on page 7
FR. ROY CIMAGALA
Love and marriage IT might do us real good to remember an old Frank Sinatra song that says love and marriage should go together like the horse and carriage. The lyrics hit bull’s eye how things ought to be with respect to these basic human affairs. I think we now urgently need some advocacy work with regard to them. There seems to be a horrible sea change in this area, where many people, for one reason or another, are separating love from marriage, and viceversa. To me, the crisis is mainly because people are losing the real essence of love, and thus are distorting and corrupting also the nature of marriage, and the other related things, like family, education, etc. At least for many Christians, love is now largely understood without any reference to the Cross of Christ. This is a real anomaly that we all know is reinforced by some ideological
groups and by the media that, being a perennial fence-sitter in moral matters, appear now to be dominated by ideologues. Without the Cross of Christ, forget it, love in any form, whether personal, family, social, patriotic, etc. can never prosper. That love will just be a façade without the substance, a rich foliage without the roots. It’s going to be a quixotic kind of love, devoid of realism. It will not have the power to grow, let alone, last. It will end up completely helpless in the face of life’s many challenges. It will be prone to go into self-justifying positions. And for married couples, they will be very vulnerable to fall into a contraceptive mentality that seems to prevail in many places these days. Love has to be genuine, it has to find its real foundations, for it to sustain and strengthen marriages and families. If we now see many failed marriages and broken families,
it’s actually not hard to ferret out the culprit. It’s the disappearance of the spiritual and moral outlook of life, and the madness just to look for shallow human solutions to our problems, that’s responsible for all this mess. It does not mean that these human solutions are of no use. They do have tremendous importance, and we need them. But when not rooted in faith and religion, and for Christians, on Christ’s cross, no amount of brilliant human solutions would do. They will fail to touch the very core of the problems. The advocacy work that we can suggest here is to clarify, widely and massively, the true meaning of love and marriage, and the many practical implications and consequences such clarification involves — chastity, openness to life, etc. This will require a lot of manpower and other resources. But if the will is there, strong and vi continued on page 7
Bitak-bitak ang lupa sa tabi ng BNPP MORONG, Bataan, Abril 12 — Kasinungalingan ang pinalalabas ni Kint. Mark Cojuangco na ligtas umano sa lindol ang Bataan Nuclear Power Plant (BNPP) na nasa bayang ito. Ayon sa isang kawani ng pamahalaang lalawigan na dito sa Morong lumaki at nagka-edad, maraming malalalim na bitak ang lupa sa tabi mismo ng kinalalagyan ng BNPP, partikular sa kalsadang bumabaybay dito. Sinabi sa SanibLakas InfoShare ni Julito Velasco, na isa ring pinuno ng samahang laygo sa lokal na simbahang Katoliko, bilang bisepresidente pa ng Parish Council, matagal nang natuklasan ang mga bitak. “Tinatakpan nila, tinatambakan, pinapastahan, pero lumalabas muli ang mahahabang bitak sa mismong tabi ng BNPP dahil malalim ang mga ito,” ani Velasco. Kamakailan ay naiulat si Kint. Cojuangco na nagsasabing ligtas umano ang nuclear plant sa lindol o anupamang paggalaw ng lupa o pagiging aktibo ng Mt. Natib sa tabi nito, dahil wala raw anumang fault lines o bitak na nasa mapa ng mga ahensiya ng gobyerno sa buong pook na malapit sa planta. Sinabi pa ni Velasco na wala pa sa kakayahan ng tao ang maging napakatiyak na walang magiging mga paglindol sa Morong, dahil di pa pulido ang siyensya ng tao sa prediksyon ng mga lindol. Samantala, sinabi naman ni Prof. Ed Aurelio Reyes ng kalapit na bayan ng Subic sa Zambales na ang dapat gawin ni Kint. Cojuangco ay pumayag nang pag-aralan muna ng bawat kongresista ang siyentipikong dokumentasyon kung saan nasulat na di bababa sa 40,000 ang mga depekto sa nakatayo nang planta.
“Di man mapatunayang tumanggap ng salapi ang halos 200 miyembro ng House of Representatives na nakipirma na kay Cojuangco sa pagtutulak sa pagpapaandar na ng BNPP, mapapatunayan naman nating pumirma sila nang di pa nababasa ang mga dokumentasyong galing sa study commissions nina Puno, Pollard at Saguisag at findings ng mga nuclear experts ng U.S. at Europa. Nagsusugal sila sa ating buhay, kalusugan, kapaligiran at kapanatagan, na batay sa purong hula ni Cojuangco na ligtas daw ang planta.” Si Reyes, propesor sa kasaysayan sa isang paaralan sa Lungsod ng Makati at tagapagsalita ng pinasimunuan niyang Kaisahan sa Kamalayan sa Kasaysayan (Kamalaysayan), ay nauna nang sumulat kay Kint. Mitos Magsaysay ng Zambales, at sinita siya sa tinatawag niyang “iresponsableng pagsang-ayon sa panukala ni Cojuangco.” Sa kanyang liham na inilathala rin ng Philippine Daily Inquirer, hinamon ni Reyes si Kint. Magsaysay na tugunan ang kanyang katanungan ukol sa batayan ng posisyon ng mambabatas sa isyu ng BNPP. Nagsagawa sa Morong si Reyes ng pitong-araw na pag-aayuno upang idalangin na “bigyan ng dagdag na liwanag ng katinuan” ang mga kongresistang nakipirma na para sa pagpapaandar ng BNPP. Sa isang nakasulat na panalangin kaugnay ng kanyang pag-aayuno, ipinaalala ni Reyes sa lahat, “Nagtata-gumpay ang kasamaan kapag ito ay kinukunsinti o basta sinusukuan na lamang.” Nangalahati na siya sa kanyang pag-aayuno. — SanibLakas Info-Share
Funny thing called marriage MARRIAGE, someone once said, is a three ring circus: engagement ring, wedding ring, and suffering. A Polish proverb states: The woman cries before the wedding and the man after. This story proves the foregoing: A man placed some flowers on the grave of his dearly parted mother and started back toward his car when his attention was diverted to another man kneeling at a grave. The man seemed to be praying with profound intensity and kept repeating, “Why did you have to die? Why did you have to die?” The first man approached him and said, “Sir, I don’t wish to interfere with your private grief, but this demonstration of pain in is more than I’ve ever seen before. For whom do you mourn so deeply? A child? A parent?” The mourner took a closer look at the person asking and then said, “My wife’s first husband.” Well, marriage is a sacred thing. It is one of the first institutions that God created between man and woman. But some people — particularly the male species — can’t help making fun of it. It has been a decade since the two friends met. So, they went to a bar and tried to share what had happened after they parted ways. They found out that both of them are now married. The first one said, “My wife’s an angel!” The second guy, feeling sad, commented, “You’re lucky, mine’s still alive.” This brings us to another anecdote. A couple came upon a wishing well. The husband leaned over, made a wish and threw in a coin. The wife decided to make a wish, too. But she leaned over too much, fell into the well, and drowned. The husband was stunned for a while but then
smiled, “It really works!” Even famous men have something to say about the subject. “I was married by a judge,” said Hollywood comedian George Burns. “I should have asked for a jury.” Socrates advised, “By all means marry. If you get a good wife, you’ll be happy. If you get a bad one, you’ll become a philosopher.” Women know what they want when it comes to marriage. Zsa Zsa Gabor, who married several times, said, “A man in love is incomplete until he is married. Then he is finished.” Beverley Nichols seemed to agree: “Marriage is a book of which the first chapter is written in poetry and the remaining chapters are written in prose.” “Many a man owes his success to his first wife and his second wife to his success,” said Jim Backus. This statement comes to mind after reading this story. Don was a single guy living at home with his father and working in the family business. When he found out he was going to inherit a fortune when his sickly father died, he decided he needed a wife with which to share his fortune. One evening, at an investment meeting, he spotted the most beautiful woman he had ever seen. Her natural beauty took his breath away. “I may look like just an ordinary man,” he said to her, “but, in just a few years, my father will die, and I’ll inherit $20 million.” Impressed, the woman obtained his business card and, three days later, she became his stepmother. Ever wonder why married men gain weight while bachelors don’t? Well, single men go to the refrigerator, see nothing they want, then go to bed. Married guys go to the bed, see nothing continued on page 7
Fair & Square IKE SEÑERES
A troika for development THE news about a student from the Mindanao State University (MSU) should serve as a reminder to us that there is a deep pool of talent in our state universities and colleges (SUC) that are just waiting to be tapped. Indeed, our Ivy League schools do not have a monopoly of intelligence, and it is about time that we harness this resource for national development. In a brief meeting that I had with some barangay captains from Agusan Del Sur, I felt their need for more sources of livelihood, as well as their concerns for the preservation of their natural environment, including some species of plants and marine life that are indigenous to their area. They mentioned to me the case of “balono” or “bawno”, a fruit from a tree that is somehow associated with durian and “marang”. They also mentioned the case of “lambuo”, a fresh water lobster and “kambuay”, specie of giant “kuhol”, all three of which are fast disappearing and are probably in danger of becoming extinct. Long before the coming of the present global financial crisis, our SUCs have been told by our Congress to initiate their own income generating projects (IGP), practically telling them to sink or swim, because public funding is already hard to come by. As it is
now, most of these schools have barely enough to spend for their maintenance and operating expenses, on top of their payrolls. Long before the SUCs were mandated to have their own IGPs, they were also mandated to conduct their own research and development (R&D) projects, also as a way to raise funds, but more so to contribute to national development in general and to science and technology in particular. Unfortunate as it is, our SUCs appear to be in a chicken and the egg situation, as they find it difficult to jump start their IGP and R&D initiatives largely due to the lack of funds. Fortunately as it seems, the investment requirements of our SUCs to get their projects going are not much to begin with, meaning to say that they could probably be funded by local sources such as corporate social responsibility (CSR) programs. What is good for the environment is good for business, and vice-versa. As local companies move to plan and execute their CSR programs, it would be good for them to harness the resources of local SUCs, in the process helping them as they also move to help the local people in their host communities. continued on page 7
Mabuhay
4
ABRIL 17 - 23, 2009
LINGGUHANG PILIPINO MULA PA NOONG 1980
Buhay Pinoy MANDY CENTENO
Sino ba talaga ang Hudas? Naging kontra bida sa Semana Santa Ang papel ni Hudas, doon umiksena Naging tampok dito ay ang halik niya Hudyat ng pagdakip patungong Golgota. Si Hudas ay isa sa mga Apostol Pinagtiwalaan nitong Panginoon Sa mga kasama isa sa marunong Subalit nasilaw sa salaping suhol. Tatlumpong pirasong pilak sumakamay Sa halik ni Hudas ito’y kabayaran Agad na dinakip ng mga kaaway At ang Panginoon ay pinahirapan. Ang sermon ng pare sa panahong ngayon Ang pagiging taksil maka-Hudas iyon Pagsisinungaling, pagtanggap ng suhol Daig pa si Hudas ng opisyal ngayon. Ang nanunungkulan sa pamahalaan Maging sa pribadong pinaglilingkuran Papel panginoon na ginagampanan Ay pansamantala hindi habang buhay. Sa mga proyektong pagawain nila Tiyak mayro’ng “tongpat” ukol sa kanila Malaking pangalan ibinabandera Sa buwis ng bayan ito’y kinukuha. Isa pang pusakal, grabe, magnanakaw At itong si Dimas, Hestas kasamahan Itong Panginoon nang nakabayubay Sa krus ng kalbaryo siya’y gawing kanan. Si Dimas nagsisi sa nagawang sala Sa Mahal na Kristo nakiusap siya Sa Kanyang pagbalik sa Mahal na Ama Huwag kalimutan siya ay isama. Nakamit ni Dimas ang kapatawaran Sa bahay ni Ama naisamang tunay Subalit si Hestas “di nagbagong buhay Init sa impiyerno, naging kabayaran. Sang-ayon sa tala ng ating Bibliya Ang sariling buhay ay kinitil niya Si Hudas nagbigti, ang nagawang sala Di pinagsisihan, masama talaga. Sa taong “twenty ten” halalan na naman Sangkaterbang Hudas haharap sa bayan Sino ba talaga mapagtiwalaan? Ang makakaangat sa buhay ni Juan Sa kapangyarihan, mga taong sakim Batid na ng lahat kanilang layunin Doon sa kangkungan ay ating ilibing Ibaon sa burak, God knows HUDAS not pay.
Kid’s Corner MARVIC KAIZZ SOBREVIÑAS
Let’s be responsible for our environment WHEN God created man, He gave us the responsibility to take care of Creation. We are supposed to be responsible for our planet. That responsibility is the greatest one that the Lord has given to us, but have we been responsible? As we see now, our environment is slowly dying, like a person just lying down on his deathbed and waiting for Death to take him. To make it short, we broke our responsibility. We have nearly destroyed our environment. One cause of this is the throwing of trash around us. With our own eyes we can see that throwing just a piece of candy wrapper can produce deadly effects. It can clog the canal, leading to a major flash flood. But what makes me sad is that adults, who must be the ones to show a good example, are the primary culprits in this pesky garbage mess. The result: children imitate them. Another problem is the continuing waste of natural resources. For example: if you write something on a piece of paper and make the slightest mistake, chances are you will crumple it up (even if the space in the front is rather large and the back is still not used) and the paper will find itself in the trash can. If you have a habit like this, you should realize that you are wasting trees that take at least five to 10 years to grow up. Wasting electricity is another problem. Turn off the appliances that you are not using. Realize that engineers disrupt ecosystems to send electricity to your sweet homes. We should all become responsible for our environment again. We should stop throwing trash indiscriminately and wasting resources. It’s up to you what will be your action. I suggest that you help in being responsible and spread the word about this. Be an environmentalist and maybe someday our Mother Earth will be a happy planet again.
Napapanahon
LINDA PACIS
Pinakamalaking barangay sa Guiguinto BAKIT pinakamalaki ang barangay Malis sa 14 barangay ng Guiginto? Ayon kay Barangay Captain Bernabe Cailipan, nadagdag sa barangay ang komunidad ng Northville 7 (mga settler na galing sa riles) na may 1,698 kabahayan at 13,600 tao. Si Kapitan Bernabe ang pinakabatang barangay captain sa Guiguinto sa edad na 33 taon. Pinakatampok sa imprastraktura sa barangay ang Multi-Purpose Barangay Hall na nasa loob ng Northville. Ito ay nagkakahalaga ng P1.5 milyon. “Ang P500,000 ay galing kay Congressman Pedro Pancho, Kinatawan ng Ika-2 Disrito, at ang natitira ay galing sa pondo ng barangay,” paliwanag ni Kapitan. Nilagyan niya ng 25 deep well ang Northville na ikinalat sa iba’t ibang lugar; saka 200 sunglasses at mga gamot ang mga senior citizen. Mula 300, bumaba sa 50 ang malnourished na mga bata dahil sa community feeding program na itinataguyod sa pakikipagtulungan ng kanyang mga kagawad. Ngunit pinaka-priority daw ni Kapitan Bernabe ang paglalagay ng
ilaw sa mga kalye ng mga sitio ng Barangay Malis: 25 street light sa main road ng barangay, gaya ng Tabon at iba pang sitio; dalawa sa tapat ng bihunan paglagpas ng Remarville Homes 2; isa sa sitio sa barangay Hulo (Purok 4); anim sa Sitio San Jose (Purok 2); tatlo sa barangay Tublas (Purok 5). Bale 25 street lights ang nailagay niya nitong taong 2008. “Dahil maliwanag, di na natatakot ang mga tao, gaya noong dati,” sabi ni Kapitan. “Bukod dito, nakakalat ang mga tanod na nakikipag-usap sa mga tao sa kumunidad at may curfew din sa mga bata. Marami nang pagawaing-bayan ang nagawa ni Kapitan buhat nang siya ay maupo. Sa Sitio Tabon, naglagay siya ng 150 meter drainage canal; isang pathway malapit sa Teofilo Santos street; pinalagyan ng semento at pinaayos ang gabay sa tulay ng San Jose (Purok 2); pag-aaspalto ng 200 metro kalsada at pinasemento ang waiting shed sa paradahan ng tricycle sa gilid ng outpost sa Purok 3; pag-aaspalto ng 300 metro ng kanal sa Hulo
Kakampi mo ang Batas
(Purok 4); pagsesemento ng 20 metro ng kalsada pagbaba ng tulay papuntang Rosary Ville, Tublas (Purok 5); at pag-aaspalto ng 150 metro ng dalawang iskenita. Si mayor ang nagpagawa ngunit sinuportahan din ng barangay: ang pagsemento ng NIA sa halagang P1 milyon at pinagawa din ang gabay ng tulay at inayos ang kanal; pagsemento ng 320 metro ng daan mula Malis papuntang Daungan. May iba’t iba ring isinasagawang medical mission sa Northville, kasama ang 36 bahay ng Gawad Kalinga (mula sa pondo ni Senator Francisco Pangilinan). Ayon kay Kapitan Bernabe, bumili sila ng Tamaraw FX upang gamitin na barangay patrol at isang ambulansiya upang maghatid ng mga maysakit sa ospital. Bumili din siya ng apat na bagong computer para gamitin sa opisina ng barangay. Sabi daw ng kanyang mga kritiko ay wala siyang kakayahan na maglingkod dahil bata pa. Ang sagot niya: “Naipakita at naipakilala na ang aming kakayahan at di hadlang ang edad sa pagtulong sa kapwa.”
ATTY. BATAS MAURICIO
Pagsang-ayon ng magulang sa kasal TANONG: Magandang araw po at mabuhay ang inyong programa sa radyo. Yun po kasing bayaw ko ay gusto na magpakasal. 23 ang bayaw ko at 22 ang babae. Gusto ng pamilya ng babae sa simbahan po ang kasal at marami po ang kumbidado. Pero ang gusto po mismo nung mapapangasawa ng bayaw ko ay sa huwes na lang at simpleng kasalan lang. Gusto na nila magpakasal ng di alam ng magulang ng babae at wala pong witness sa partido ng babae. Pwede na po ba sila ikasal sa huwes kahit walang paalam sa magulang at saka na lang po ipapaalam pag kasal na po sila. Sana po ay masagot po agad ninyo itong katanungan ko. Salamat po at more power. —
[email protected]
Sagot: Maraming salamat po sa e-mail na ito. Sa ilalim ng Family Code of the Philippines, ang pinakamababang edad ng pagpapakasal ng lalaki at babaeng nais nang magasawa ay 18 taong gulang. Kung may 18 anyos na po ang babae at lalaki, pupuwede na silang magpakasal. Kaya lamang, kakailanganin ang pagsang-ayon ng mga magulang ng mga magpapakasal na 18 taong gulang lamang. Ang pagsang-ayon ng mga magulang, na kailangan ay nakasulat at notaryado, ay kailangan upang magkaroon ng bisa ang kasal. Kung wala ang pagsang-ayon ng mga magulang, walang bisa ang kasal. Sinasabi ng Family Code na ang pagsang-ayon ng mga magulang sa isang kasalan ay kailangang ibigay kung ang mga magpapakasal ay nasa pagitan ng 18 taon at 20 taon. Kung lagpas na sa 20 taon ang mga magpapakasal pero sila ay nasa ilalim pa ng 22 anyos, ang kailangan na lamang nila ay parental advice o payo ng magulang, pero kahit na wala ang parental advice na ito, maaaring ituloy ang kasalan at magkakabisa pa din ito. Kung lagpas na ng 22 anyos ang mga magpapakasal, kahit wala nang advice o anupamang pagsang-ayon ang mga magulang ng mga ikakasal ay maaari ng ituloy ang kasalan, at magkakabisa pa din ito. Tungkulin ng mag-asawa nasa Family Code of the Philippines TANONG: Magandang umaga po sa inyo. Nalaman ko po yung site ninyo from my mom kasi nakuwento ko po sa kanya kung gaano ka-iresponsable ang mapapangasawa ko. Gusto ko lang po malaman sana yung responsibilidad ng mag-asawa. Bago ikasal meron marriage counsellor na tinatawag pero gusto ko pong maunang malaman ang detalye kung maaari po. Salamat po ng marami. —
[email protected]
Sagot: Maraming salamat po sa inyong e-mail na ito. Ang mga responsibilidad ng mga mag-asawa ay nakatakda po sa Family Code na nagkabisa noon pang 1988. Ayon sa batas na ito, ang mga mag-asawa ay may tungkuling magpakita at magbigay ng pagmamahal, paggalang at suporta para sa ikabubuhay ng isa’t isa. May tungkulin din silang magsama sa ilalim ng iisang bubong. Ganundin, may tungkulin ang magasawa na makipagtalik sa isa’t isa kung gusto ng asawang gawin ito. Kung hindi magagampanan ng sinuman sa mag-asawa ang mga tungkuling ito, maaari silang masampahan ng kaso ng kanilang asawa upang mabalewala ang kanilang kasal. Ituturing kasi, sa ilalim ng Artikulo 36 ng Family Code, na psychological incapacity ang hindi pagganap sa mga tungkuling ito. Maaaring pagbayarin di lamang ng utang kundi pati ng danyos TANONG: Magandang gabi, Atty. Batas. Ako po ay magtatanong tungkol sa pera. Nagdeposit ako ng halagang P400,000 sa Metrobank account ni Mrs. Asuncion Napala noong April 1, 2004. Ang pera ay dineposit ko sa kanya sa usapan namin na berbal lamang na magbi-business kami ng lending. Si Mrs. Napala po ay pinaikot sa lending ang aking pera, subalit dumating po sa punto na nangailangan ako ng pera at binabawi ko na kay Mrs. Napala ang naibigay kong pera. Noong una ay nangako siya na isasauli niya ang pera pero unti-unti lamang. Nakabayad po siya sa akin ng unti-unti pero ang kulang pa po niya ay P240,000 pa. Ngayon po ay nag-away na kami dahil matagal nang di na siya nagbibigay ng pera o bayad sa akin. Nagpadala po siya ng sulat sa akin na tinatakot niya ako at sabi na di na niya ako babayaran at kung idedemanda ko siya ay sa halip na bayaran niya ako ay uubusin na lang daw niya pera ko sa abogado para matalo lang ako. Ano po ba ang habol ko? Mahahabol ko pa po ba ang natirang pera ko? Papaano po ang gagawin ko? Ano po bang kaso ang dapat na isampa ko dito kay Mrs. Napala. Witness po ang kapatid niya na boyfriend ko naman nang dineposit ko ang pera sa account ni Mrs. Napala. Kung sakali po na puwede ako magkaso kay Mrs. Napala handa naman pong mag-witness sa akin ang boyfriend ko. Salamat po at more power sa programa niyo . —
[email protected]
Sagot: Maraming salamat din po sa e-mail na ito. Sa ilalim po ng Civil Code of the Philippines, ang isang taong hindi nagbabayad ng utang ay
maaaring demandahin upang siya ay pagbayarin ng pagkakautang. Kasama sa mga maaaring ipabayad sa hindi nakakabayad ng utang sa pamamagitan ng kaso sa husgado ang danyos perhuwisiyos dahil sa pinsalang natamo ng hindi nababayarang tao, at maaari ding isama dito ang mga bayad sa abogado na gagastusin ng nagpautang sa paghahabol sa kaso. Kaya lamang, kailangan pong magpadala muna kayo ng sulat sa nakautang, para hilingin ang kanyang pagbabayad ng utang. Ang pagpapadala ng sulat ay isang kondisyong dapat tuparin, batay sa ipinag-uutos ng Civil Code. Kung walang sulat na ipadadala sa nakautang bago siya masampahan ng kaso, hindi itutuloy ng hukuman ang demanda. Pagmana ng mga anak sa labas TANONG: Nais ko lang itanong kung paano ang hatian ng mana between two illegitimate children? ‘Yung tatay ko kasi may dalawang kinakasama, as in live in, yung nanay ko at nanay ng kuya ko. Hindi kasal sa parehong babae ang tatay ko at wala na siyang ibang anak at pamilya kung hindi kami lang. Paano ba hahatiin ang mana between me and my brother? Puwede ko bang kontrahin ang last will and testament ng tatay ko kung sakaling maagrabyado ako sa hatian. Nagtatanong lang. God bless. More power to you and your program. Adarmaund Alda Bolton —
[email protected]
Sagot: Maraming salamat po sa e-mail na ito. Sa ilalim ng Civil Code of the Philippines, kung ang isang tao ay walang maiiwanang mga kamaganak maliban ang kanyang mga anak sa labas, ang mga anak na ito ang siyang maghahati, in equal sharing, sa lahat ng ari-ariang kanyang maiiwanan. Kung magkakaroon ng last will and testament ang taong namayapa na at agrabiyado sa hatian ang isa sa kanyang mga anak, maaaring magsampa ng kaso ang naagrabiyado at habulin ang nararapat para sa kanya. *** BATAS NG DIYOS: “… Ako at ang Ama ay iisa …” (Juan 10:30) ***
PAALALA: Panoorin si Atty. Batas Mauricio sa worldwide TV sa Internet, sa YouTube, metacafe at iGoogle, at pakinggan siya sa radyo: DZRB Radyo ng Bayan 738 khz. Sa Luzon, Lunes – Biyernes, ika5:30 ng umaga; DZRM Radyo Magasin, 1278 khz sa Luzon, Lunes – Biyernes, ika6:45 ng umaga; DYKA 801 khz sa San Jose, Antique, Lunes – Biyernes, ika-10:00 ng umaga; at DYMS Aksiyon Radyo sa Catbalogan City, Samar, Lunes – Biyernes, ika-11:00 ng umaga.
ABRIL 17 - 23, 2009
Mabuhay LINGGUHANG PILIPINO MULA PA NOONG 1980
5
Mabuhay
6
ABRIL 17 - 23, 2009
LINGGUHANG PILIPINO MULA PA NOONG 1980
Australyanong nagpapako sa krus komedyante pala mula sa pahina 1
sa Kapitangan noong 1959, ngunit wala pang matibay na katibayang nakuha ang Mabuhay hinggil dito. Sa pakikipanayam ng Mabuhay kay Safran matapos siyang ipako sa krus, sinabi niyang magbabalik siya sa susunod na taon upang ulitin ang kanyang panata. Sinabi rin niya na ang pangunahing layunin niya sa pagpapapako sa krus ay para maranasan ang pagbabago ng espiritu at para gumaling ang kanyang ina na may sakit na liver cancer. “I want to be reborn and pray that my mother be healed,” ani Safran. Ang mga kasama niyang ipinako sa krus ay sina Alexis “Buboy” Dionisio, Joey Sacdalan, at dalawa pa na nakilala lamang sa pangalang Michael at Len-len. Bago ipako si Safran, nagpasan siya ng krus papasok sa basketball court na tigib ng tao sa gilid ng kapilya. Pagdating sa entablado, hinubad niya ang bihis niyang damit na kulay Nazareno. Sinabihan pa siya ng isang lalaking nakabihis bilang sundalong Romano bago tuluyang ipako sa krus. “John, whatever happens, stay calm. Don’t panic.” Nang bumaon ang mga pakong may apat na pulgada ang haba sa kanyang mga paa’t kamay, napapikit ng mariin, napangiwi at napanganga si Safran na parang humihiyaw sa sakit, ngunit walang tinig na lumabas sa kanyang bibig. Inabot lamang ng halos 30 segundo sa pagkakapako sa krus ang Australyano at ibinaba na at ipinasok sa loob ng kapilya kung saan ay sinabi niya na babalik siya sa susunod na taon upang ulitin ang pagpapapako sa krus. Ilang sandali pa ay lumabas na ng kapilya si Safran at naglakad patungo sa kanyang sasakyang arkilado na nakaparada na ang layo sa kapilya’y may 400 metro. Habang paika-ikang naglalakad si Safran, siya ay inaalalayan ng dalawang kasama. Ito ay dahil sa sugat sa kanyang paa kung saan naglagos ang pakong ginamit sa pagpapapako niya sa krus.
SIKSIKAN — Halos hindi mahulugang karayom ang mga taong nagsiksikan sa basketball court ng Barangay Kapitangan, Paombong, Bulacan noong Biyernes Santo masaksihan lamang ang tau-
nang pagpapapako sa krus doon. Ayon sa mga opisyal ng turismo, mas makabubuting ilipat sa mas malawak na lugar ang taunang panata upang masaksihan ng higit na maraming tao. — DINO BALABO
Kasama si Dionisio at mga kababayang Australyano, si Safran ay nagtungo sa kapilya sa Barangay San Roque at Barangay Sto. Rosario upang panandaliang manalangin bago tuluyang tumigil sa bahay ni Dionisio para mananghali. Matapos ang pananghalian, humarap si Safran sa Mabuhay at ilang lokal na mamamahayag at sinabi niya ang mensahe ng kanyang karanasan. “He suffered a hundredfold more than me,” aniya. Sabi niya, nagpapako siya sa krus dahil nakatanggap siya ng mensahe mula sa Diyos sa pamamagitan ng panaginip.
katanggap-tanggap sa lalawigan. Sinabi naman ni Dinia Quetua, hepe ng provincial tourism office, na tumawag sa kanya noong Sabado ng umaga si Roland Capferer, associate producer ng Razor Films na kasama ni Safran. Sinabi ni Quetua sa Mabuhay na humingi ng paumanhin sa kanya si Capferer sa hindi nila ganap na pagpapakilala at nangako na pagbalik nila sa Australia ay magpapahatid sila ng opisyal na paumanhin para kina Gob. Joselito Mendoza at Mayor Donato Marcos ng Paombong. Ayon kay Quetua, nangako rin si Capferer na hindi gaga-
Gayunpaman, inamin din ni Safran na hindi niya alam ang kultura ng mga Pilipino hinggil sa pagpapapako sa krus. “I was repeatedly told to stay calm and control myself. I didn’t realize what that really meant until they whipped me on the back while carrying the cross for the crucifixion rites,” aniya, at nakangiti habang ipinakikita sa mga mamamahayag kung paano niya tinanggap ang mga hagupit. Ikinadismaya ng mga Bulakenyo ang hindi pagtatapat ni Safran ng kanyang tunay na pagkakakilalan, kaya’t sinabi ng ilan na dapat siyang ideklarang “persona non-grata” o taong di-
mitin bilang katatawanan ang mga video footage na kuha sa pagpapapako sa krus sa Kapitangan. Sinabi ni Dionisio, 30, ang pinakabatang debotong ipinako sa krus sa Kapitangan sa edad na 15, na ang karaniwang ipinapako sa Paombong ay nakatanggap ng mensahe mula sa Diyos. Ayon kay Dionisio, noong 1994 ay nakatanggap siya ng mensahe mula sa Diyos na isang banyagang ang buhok ay kulay ng mais ang ipapako rin sa krus sa Kapitangan. Ito ay nagkaroon ng kaganapan noong Biyernes Santo, nang ipako sa krus si Safran.
Mabuhay, Punto Central Luzon finalist sa Community Press Awards ng PPI mula sa pahina 1
hinggil sa isyu ng “Impunity at Extra-Judicial Killings”. Pangungunahan ng Freedom Fund for Filipino Journalists (FFFJJ) ang press conference. Nakatakda rin isagawa ang forum hinggil sa pagbubuo ng Scholastic Press Association ng PPI para sa mga pampamantasang pahayagan. Ayon kay Ariel Sebellino ng PPI, katulad ng dati ang mga finalist sa taunang parangal sa mga pahayagang pampamayanan ay nahahati sa kategoryang daily o mga pahayagang inilalathala araw-araw at weekly o iyong mga lingguhan kung ilathala. Ang mga finalist sa daily category ay ang Sun•Star Cebu, The Freeman at Cebu Daily News na pawang inilalathala sa Lungsod ng Cebu; Sun•Star Davao ng Lungsod ng Davao; Punto Cental Luzon ng Lungsod ng San Fernando sa Pampanga; at Sun•Star Baguio ng Lungsod ng Baguio. Sa weekly category, ang mga finalist ay ang Sunday Punch ng Lunsod ng Dagupan, Baguio Midland Courier ng Baguio, Mabuhay ng Bulacan, Balikas ng Batangas, The Sunday Negros Chronicle ng Lungsod ng Dumaguete, West Leyte Weekly Express ng Lungsod ng Ormoc, at Sun•Star Soccsksargen Business Weekly ng Lungsod ng General Santos City. Ayon kay Joey Aguilar, punong patnugot ng Punto Central Luzon, “Isang malaking karangalan ang mapabilang sa mga finalist.”
Iginiit pa niya na hindi nila inaasahan na mapapabilang ang Punto sa hanay ng mga mahuhusay na pampamayanang pahayagan sa bansa. “Last year lang kami sumali sa PPI kaya nagulat kami nang matanggap ang announcement ng PPI na kasali kami sa finalists,” ani Aguilar na isa sa mga batang mamamahayag sa Pampanga na nagsimulang dumalo sa mga pagsasanay sa Civic Journalism ng PPI noong 2004 bilang isang mamamahayag ng The Voice, isa ring premyadong pahayagan sa Pampanga na kasapi ng PPI. Ang pahayagang Punto Central Luzon na inilalathala mula Lunes hanggang Biyernes sa Pampanga at may sirkulasyon sa iba’t ibang lalawigan ng Gitnang Luzon. Ang Punto ay sumali bilang miyembro ng PPI, ang pambansang samahan ng mga pambansa at pampamayanang pahayagan, noong nakaraang taon, matapos ang isang taong walang patid na paglalathala. Para naman sa Mabuhay, ang muling pagkakabilang sa mga finalist sa taunang parangal ay isang “bonus”. Una rito, sinabi ni Jose L. Pavia, publisher at editor ng Mabuhay, “We don’t write to win awards, but strive to write with excellence because our readers deserve it.” Sa mga nagdaang parangal ng PPI, nakamit ng Mabuhay ang pagkilala bilang “Best in Photo Journalism” noong 1996 at 2005, at “Best Edited” para sa taong
2003 at 2007; bukod pa sa special award sa mahusay at patuloy na pagtataguyod ng pamamaraang civic journalism na ipinagkaloob sa Mabuhay noong naakaraang taon. Bilang isang taunang pagkilala sa pampamayanang pamamahayag, ang Community Press Awards ng PPI ay sinuportahan ng Konrad Adenauer Foundation (KAF) mula 1997 hanggang noong 2005. Mula naman noong nakaraang taon hanggang 2012, ang parangal ay ipinapatuloy ng PPI sa tulong ng The Coca-Cola Export Corporation (TCEC) na siya ring nagpopondo sa civic journalism training program ng PPI. Ang nasabing suporta sa mga seminar at workshop ng PPI ay nagsimula noong 2003 at magpapatuloy hanggang 2012. Ang mga pagsasanay na isinasagawa sa buong kapuluan ng PPI at The Coca-Cola Export Corporation ay may temang: “Building Better Communinities through Civic Journalism.” Kabalikat din ng PPI sa pagbibigay ng taunang parangal ang Philippine Association of Communication Educators (PACE) at ang Asian Institute of Journalism and Communication (AIJC) na namamahala sa parangal. Ang perang premyo sa mga nagwagi ay ipagkakaloob ng mga pangunahing pahayagan na kasapi ng PPI katulad ng Malaya, Philippine Daily Inquirer, The Philippine Star, BusinessWorld, Journal Group of Publications, at Manila Standard Today. Ang parangal ay inilunsad
noong 1996, subalit ang pagkilala sa mga natatanging pampamayanang pahayagan ay unang ipinagkaloob noong 1997. Layunin ng PPI Press Community Awards na mapataas ang antas ng pamamahayag sa mga lalawigan partikular sa larangan ng editing, science and environmental reporting, business and economic reporting, photojournalism and editorial and opinion page journalism; bukod pa sa maipakita na ang pampamayanang pamamahayag ay isa ring sandigan ng kaunlaran sa kanayunan. Matapos ang parangal noong nakaraang taon ay ipinahayag ng PPI ang pagbabago sa batayan ng pagpili sa mga mananalo sa taong ito. Ayon kay Ramon Tuazon ng AIJC na siyang nanguna sa pagbuo ang bagong batayan, simula sa taong 2008 ay civic journalism ang magiging batayan ng pagpili sa mga magwawagi. Ang pagbabago ay itinuturing na bagong yugto ng taunang parangal na bukod tanging kumi-
kilala sa galing at husay ng mga pampamayanang pahayagan. Ito ay kaugnay ng programa sa corporate social responsibility (CSR) ng The Coca-Cola Export Corporation na naglalayong isulong ang pamamahayag bilang daluyan ng aktibong partisipasyon ng mga bumubuo sa bawat pamayanan. Dahil dito, ang mga premyadong pahayagang napabilang na sa “Hall of Fame” ng PPI Community Press Awards ay muling makakasali sa taunang parangal. Ang mga hurado naman sa parangal sa taong ito ay sina Red Batario ng Center for Community Journalism and Development (CCJD), Yvonne Chua ng Department of Journalism of the University of the PhilippinesDiliman, dating Environment Secretary Fulgencio Factoran, Jr. ng Factoran and Associates Law Office, Pacita Juan ng Philippine Coffee Board Inc. at Vergel Santos ng BusinessWorld na siyang tagapangulo ng mga hurado bilang trustee ng PPI. — DB
There is but one road which reaches God and that is Prayer. If anyone shows you another, you are being deceived. — St. Theresa
Mabuhay
ABRIL 17 - 23, 2009 ○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
Depthnews
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
Kastig0
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
Promdi
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
while Azilah attached explosives on the victim’s legs up to the abdomen … After detonation, I pulled the excess wire into the jeep, left the scene and headed towards the (Special Operations Office) in Bukit Aman where I received 430 ringgits.” Such impunity can stand only with official tolerance. It’s cloned here. “After our ‘work’, we’d meet at Mits KTV bar, on Bacalso highway, near St. Francis Funeral Home,” a Cebu vigilante explained. “That’s where we got paid for our work.” In Davao, “the men who gun down or, and this is becoming more common, knife children in the streets, almost never cover their faces,” writes U.N. Special Rapporteur Philip Alston. RPK rejected a name-yourprice offer to stop writing about Najib and the Mongolian. All Malays, Chinese and Indians who support party in power for gain ... are “scum of the earth,” he wrote. “Nothing can justify prostituting yourself.” —
[email protected]
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
mula sa pahina 2
○
○
○
○
○
○
○
○
mga mambabatas na walang habas kung tumuligsa o magmura sa sino mang makursunadahan nila sa loob ng banal na bulwagan ng Kongreso. Ang nakasusuya, panay panukalang-batas na PABOR at kapakipakinabang lamang sa kanila ang naiisip ng mga mambabatas natin — tulad ng right of reply, cha-cha, dagdag na pork barrel at iba pa. Bakit hindi nila patayin ang Oil Deragulation Law, buhayin ang parusang bitay, pawalangkabuluhan ang Visiting Forces Agreement, at takdaan ang pagaabuso ng Pangulo sa “preroga○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
tive” na magpatawad sa mayayaman at maimpluwensiyang kriminal tulad ni Jalosjos, Manero, Estrada, atbp.? Ang media ang pusang nagbabantay laban sa mga daga; ang media ang bantay aso na kumakahol kung may mga magnanakaw na pumapasok sa bahay ng gobyerno. Patayin mo ang pusa at darami ang mga dagang mapaminsala; patayin mo o busalan ang aso at wala nang kakahol — na siyang unang kinatatakutan ng masasamang-loob na naglipana sa loob at labas ng gobyernong bulok. ○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
mula sa pahina 2
Ito ay dahil na rin sa payo ng grupo ni Dionisio sa kanya na maging kalmado mula sa pagpapasan hanggang sa ipako sa krus. Narinig pa ng Promdi ang payo ng nagpako kay Safran sa krus, “John, whatever happens, stay calm, don’t panic.” *** Sunod-sunod naman ang lagitik ng mga kamera ng mga photojournalists at ibang sumaksi habang si Safran ay nasa krus. Ito ang kulang sa PTO. Dapat ay nagsagawa sila ng photo-contest para sa paggunita ng Semana Santa sa Bulacan nang sa gayon ay makaipon sila ng mga larawan na magagamit sa isang eksibisyon at dokumentasyon ng paggunita. Magagamit din ang mga larawang iyon sa mga turista na bibisita sa Bulacan o sa kanilang tanggapan. *** Sayang, pero magagawa pa naman sa susunod. Dapat lang pag-isipang mabuti ng PTO. Just imagine, kung saan magagamit ang mga larawang maiipon. Maaaring gamitin iyon sa mga photo exhibit hinggil sa turismo ng Bulacan ilang linggo
lat daw siya at umaringking sa sakit. Naku, kung alam ng mga Bulakenyo na siya ay komedyante at nagbalatkayo, hindi lang malamyang hagupit ang inabot niya. Baka, tuluyan niyang iniwan ang krus at nagtatakbo sa dami ng hahagupit sa kanya. *** Sa panayam ng mga mamamahayag kay Safran, sinabi niya na ang dahilan kaya siya nagpapako sa krus ay, “I want to be reborn.” Naisip ng Promdi, dapat pala ay kay Bro. Eddie Villanueva ng Jesus is Lord Fellowship (JIL) nagpunta si Safran. Mga bornagain ang kasapi ng JIL. *** Kumpara kay Alexis Dionisio ng Paombong na kalmante ang mukha habang ipinapako sa krus, si Safran ay halos mapilas ang mukha habang bumabaon ang mga pako sa kanyang mga kamay at mga paa. Napapikit ng mariin si Safran, napangiwi at napanganga ng malaki dahil sa sakit, ngunit walang lumabas na tinig sa kanyang bibig. *** ○
○
over a decade. Not a case has been solved. That’s the same message for Mayor Tomas Osmeña, now in Texas for bladder cancer operation. There’ve been 184 killings in Cebu since Osmeña and police chief Pablo Labra unleashed vigilantes. Not a case has been solved either. Whether in Kuala Lumpur, Davao, Cebu or Lima, there’s a human being behind each killing statistic. Read the record. “Azilah (gave) me an M5 weapon and silencer ordering “shoot to kill” the Chinese woman,” testified Cpl. Azhar. He didn’t know who she was. She surrendered her jewellery and pleaded not to kill her. She was expecting, she said. “Azilah wrestled the woman to the ground and I fired towards the left side of her head … Azilah noticed movements in the arm. He ordered me to fire. I then emptied the weapon. With Azilah’s help I put the bag over the head to prevent blood from spilling. In the woods … I attached the explosives to the victim’s head
ng kabulukan sa Department of Agriculture. Sa ibang salita, nasa mga public official na, lalo na sa mga senador at umano’y kinatawan ng bayan sa Kongreso ang kagalang-galang (kuno) na mga kongresista ang lahat ng karapatan at kapangyarihan upang ipagtanggol ang kanilang “karangalan” na nadungisan sa ginagawang pagbubunyag ng mga mamamahayag, lalo na ang mga hindi nababayaran at wala sa plantilla ng kongreso o ahensiya ng gobyerno. Iyan ay bukod sa immunity na ipinagkaloob ng Konstitusyon sa ○
○
○
○
○
○
Libong miron sa pagpapapako
from page 3
“RPK’s website has been defaced and hacked. Arrested, fined, and pressed to reveal sources of information, Raja has also been jailed for libel, sedition, even “insulting Islam”. This parrots the March 26 resolution sponsored by Pakistan, Belarus, Venezuela, Egypt and Saudi Arabia at the U.N. On surface, it bans “defamation of religion”. In effect, it means blasphemy, notes the Economist. “This is defined as voicing dissent from the official reading of Islam.” That’s bigotry. And it’d suppress liberty of expression. But that shouldn’t distract from crimes like death squads. A special tribunal found former Peruvian president Alberto Fujimori unleashed esquadrones de la muerte. His “Colina Unit” committed at least 50 murders, when the state crushed the fanatical “Shining Path” rebels. It sentenced Fujimori to 25 years in prison. Shouldn’t that jolt mayor Rodrigo Duterte? In Davao, death squads racked up 814 murders in ○
7
LINGGUHANG PILIPINO MULA PA NOONG 1980
○
○
Cebu Calling
○
○
brant, ready to do any battle if needed, then no amount of difficulties can stop this now deeplyfelt crucial task. We can already make use of the many structure in the different levels of the Church and society to pursue this advocacy work. Parochial groups, schools, some clubs can be made use of. Volunteers willing to make sacrifices are most welcome, and are encouraged to recruit more minds and hands for this cause. They have to see to it that their very own life and example can be shown as a living witness to the truth and beauty of Christian
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
o buwan bago dumating ang muling paggunita sa Semana Santa. *** Belated Happy Birthday nga pala kay Perfecto “Ka Peping” Raymundo, ang associate editor ng Mabuhay na nagdiwang ng kanyang ika-75 kaarawan noong Biyernes, Abril 10. Ka Peping, hindi man ako nakarating sa masagang salo-salo na iyong inihanda noong Sabado de Gloria, dalangin ko at ng aking pamilya ang mas mahaba at makahulugang buhay para sa iyo. Again, belated happy birthday! *** Belated happy birthday din kay Pareng Enteng Montehermoso ng Water Perfect refilling station na nagdiwang ng kanyang kaarawan noong Abril 5; at sa kanyang bunsong anak na si Janice na nagdiwang ng kaarawan noong Abril 11. Belated happy birthday din kina April Jane Armada na nagdiwang ng kanyang ika-18 kaarawan noong Abril 13, at advanced happy birthday kay Ebong Dela Rosa na magdiriwang ng kanyang kaarawan sa Abril 28. ○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
ilang araw bago dumating ang Biyernes Santo dahil sa mga nagsisipagtinda sa gilid ng kalsada. Ayon kay Quetua, ang mga nagsisipagtinda ay nagsisipagbayad sa mga may-ari ng bakuran at bahay na katapat ng pansamantalang tindahang kanilang itinayo. — Dino Balabo
mula sa pahina 1
mga debotong nagpapapako sa krus, pero mas gusto nila doon sa stage ng basketball court,” ani Quetua. Binanggit din niya ang obserbasyon na masikip ang kalsada patungo sa kapilya. Ito ay lalo pang sumisikip ○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
Regarding Henry they want, then go to the refrigerator. That’s the difference. It was their silver anniversary. The husband asked his wife, “Where do you want to go for our anniversary?” She said, “Somewhere I have never been!” The husband thought twice and said, “How about the kitchen?” Now, let’s hear some conversations between a father and his son. The little boy asked, “Daddy, how much does it cost to get married ?” The father replied, “I don’t know son, I’m still paying.” On another occasion, the son inquired, “Is this true what I heard that in some parts of Africa a man doesn’t know his wife until he marries her ?” The father answered even without putting the newspaper he was reading, “That happens in every country, son.” Married for more a decade, a man disclosed to a friend, “I ○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
Fair & Square
○
Saving and preserving endangered flora and fauna in local communities is good for business, as the fruits and harvests from these natural creations could eventually become raw materials for the production of high value processed foods or goods. As I see it, a powerful “troika” could be formed in local communities where the SUCs would provide the technologies, the CSR programs would provide the monies, and the small and medium enterprises (SMEs) would provide the energies to make it all happen. To support the “troika”, the local government units (LGU) should provide the authority. Many LGUs also suffer from the lack of funds, but they definitely hold the authority needed to provide the legal frameworks for local development actions. In the “Silicon Valley” model of business development, it was Stanford University that encouraged the technologies. The driving forces were the technology startups which were actually
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
from page 3
never knew what real happiness was until I got married; and then it was too late.” No wonder, Oscar Wilde said these words: “Bachelors should be heavily taxed. It is not fair that some men should be happier than others.” Is there such a thing as a marriage made in heaven? Well, there was one: When Adam and Eve were married by God. Theirs was an ideal marriage. Adam didn’t have to hear about all the men she could have married. And Eve didn’t have to hear about how well his mother cooked. To end, allow me to quote the words of Irish playwright Brendan Behan, “I think weddings are sadder than funerals, because they remind you of your own wedding. You can’t be reminded of your own funeral because it hasn’t happened. But weddings always make me cry.” —
[email protected]
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
from page 3
SMEs when they started, but were eventually empowered by the venture capital companies. Somewhere down the line, local venture capital companies could eventually bring in the monies. Hopefully, however, the CSR programs could pitch in the monies just to get the projects started. Ideally, there should be business incubators for SMEs inside the SUCs, funded by CSR programs. As much as I could, I am going to promote the emergence of these “troikas” in my TV program. This is really just an exercise in matching, putting together the three components of the “troikas” so that they could work together. If you know of any CSR program that would be interested to pilot this approach, please let me know. How I wish that we could start with the vanishing species of Agusan Del Sur. Email
[email protected] to join the United National Integrated Development Alliance (UNIDA). Text +639293605140
○
from page 3
love in marriage and family life. A very tricky area is how to handle those who with good intentions are quite wrong in their teachings, as can be gleaned by their opposition to the official teaching of the Church. We can refer to groups within the Church, already quite established and with a large network of schools and other centers of influence, who not only not follow Church teachings, but also openly defy these doctrines. This sad phenomenon is not anymore classified. It’s now quite public and undisguised. Again, in this advocacy work,
○
it’s very important to be reminded about the requirement of truth and charity. Its good and ardent intentions should not be allowed to deteriorate into bitter zeal and self-righteousness. A lot of patience and understanding will be needed. The capacity to drown evil and error with an abundance of good and truth should always be cultivated. The ability to enter into meaningful and sustained dialogue, with tact and prudence, has to be developed. Try to see if you can be part of this advocacy work! —
[email protected]
Alagaan ang kapaligiran. Huwag magkalat sa lansangan. Bayan mo’y hindi basurahan!
Mabuhay
8
ABRIL 17 - 23, 2009
LINGGUHANG PILIPINO MULA PA NOONG 1980
PANATANG PENITENSYA — Bilang pagtupad sa kanilang mga panata tuwing Semana Santa, muling pinarusahan ng mga kalalakihang ito ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng paghahampas-dugo noong nagdaang Biyernes Santo sa bayan ng Hagonoy, Bulacan bilang pagpapakita ng kanilang pagsisisi sa kanilang mga kasalanan. — DINO BALABO
MAG-INGAT — Sa kabila ng paalala ng mga doktor, nagsipaligo pa rin sa ilog ang mga kalalakihang ito matapos magpenitensya sa Hagonoy noong Biyernes Santo. Ayon sa kanila hindi sila nababahala na maimpeksyon ang sugat nila sa likod dahil sa kanilang pananampalataya, ngunit ayon sa mga doktor kailangan ang pag-iingat dahil hindi na kasing linis ng dati ang mga ilog sa Bulacan ngayon. — DINO BALABO
Penitenteng nagsipaghampas-dugo sa ilog pa rin nagsipaligo HAGONOY, Bulacan — Katulad ng kanilang nakaugalian, sa ilog muling nagsipaligo ang mga penitenteng nagsipaghampas-dugo noong Biyernes Santo sa kabila ng babala ng mga doktor na posibleng maimpeksyon ang kanilang mga sugat. “Taun-taon sa ilog kami naliligo pagkatapos magpenitensya pero hindi naman kami nagkakasakit,” ani Andy Calderon, 32, residente ng Barangay San Agustin ng bayang ito na mula pa noong 2000 ay nagpepenitensya na. Si Calderon ay isa lamang sa libo-libong penitenteng naghampas-dugo noong Biyernes Santo na lumusong sa ilog upang hugasan ang kanilang mga sugat at duguang likod. Sinabi niya sa Mabuhay na mabilis magpagaling ng kanilang sugat sa likod ang tubig sa ilog dahil maalat iyon.
Bilang isang namamanata sa loob ng nagdaang siyam na taon, sinabi niya na ang kanyang dalangin ay para sa kalusugan at mas mahabang buhay ng kanyang ina at mga kapatid. “Kanya-kanyang pananampalataya iyan, at saka iyan din ang sabi sa amin ng mga matatanda,” ani Calderon. Una rito, nagbabala si Dr. Joy Gomez, provincial health officer ng Bulacan, na dapat umiwas sa pagligo sa ilog ang mga penitente lalo na iyong may mga sugat sa likod. “Iginagalang namin ang kanilang pananampalataya, pero mabuti na ’yung nagiingat tayo,” ani Dr. Gomez. Sinabi rin niya hindi maiiwasan ang posibilidad ng impeksyon sa mga sugat kung sa ilog magsisipaligo ang mga penitente dahil “hindi na kasing linis ng
dati ang tubig sa mga ilog natin ngayon.” Gayundin ang naging pahayag nina Dr. Rodante Parulan, municipal health officer ng Pandi, at Dr. Earvin Paz Bacon-Dela Rosa ng Manila City Health Office na dumalaw sa Hagonoy. Ayon kay Dr. Parulan, “Delikado. Baka maimpeksyon sila dahil hindi natin alam ang quality ng tubig sa ilog.” Ipinaliwanag naman ni Dr. Bacon-Dela Rosa na mas ligtas ang sinuman kung ang sugat ay lilinisin gamit ang tubig sa gripo o poso kaysa sa ilog. Batay naman sa tala ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang mga ilog sa Bulacan ay “biologically dead” na mula pa noong 1995. Ang mga ilog sa lalawigan na itinuturing na biologically dead ay matatagpuan sa Lungsod ng Meycauayan, at mga
bayan ng Marilao, Bocaue, Balagtas, at Guiguinto. Ang kailugan ng Marilao-MeycauayanObando ay itinuturing na pinakamaruming ilog sa Timog Silangang Asya matapos mapabilang sa 30 pinakamaruruming lugar sa mundo batay sa listahan na ipinalabas noong 2007 ng Blacksmith Institute na nakabase sa New York. Noong Marso 29, sinabi ni Environment Secretary Lito Atienza na ang Ilog ng Marilao sa bahagi ng Prenza Dam ay hindi na ilog, sa halip ay isa nang basurahan dahil sa tone-toneladang basurang naipon doon. Tanging ang Ilog Angat ang natitirang “buhay na ilog” sa lalawigan, ngunit kapansin-pansin na rin ang karumihan ng ilang bahagi nito sanhi ng mga basurang itinapon doon. — Dino Balabo
Nangakong di gagawing kakatawanan ang pagpapapako sa Kapitangan NI DINO BALABO LUNGSOD NG MALOLOS —Nagpahayag na ng paunang paumanhin sa pamunuan ng Provincial Tourism Office (PTO) ang mga kasama ng Australyanong komedyante na nagpapako sa krus sa Barangay Kapitangan, Paombong, Bulacan noong Biyernes Santo. Bukod dito, nangako din ang mga Australyano na magpapahatid ng opisyal na paumanhin kina Gob. Joselito Mendoza at Mayor Donato Marcos ng Paombong hingil sa kanilang pagbabalatkayo na ikinadismaya ng ilang Bulakenyo sa pangambang gawing katatawan ang taunang pagpapako sa krus sa lalawigan.
Ayon kay Dinia Quetua, hepe ng PTO, inendorso sa Department of Tourism (DOT) ng tourism attache sa Embahada ng Pilipinas sa Sydney si John Safran. Inendorso naman ni Director Ronnie Tiutico ng DOT kay Quetua si Safran at ang grupo nito. “Nadismaya ako at nagulat nang malaman ko na isa palang komedyante si John,” ani Quetua sa Mabuhay. Sinabi din niya na tumawag sa kanya noong Sabado si Roland Capferer, ang assistant producer ng Razor Films na kasama ni Safran sa Paombong. Noon lamang daw nito inamin ang tunay na pagkatao ni Safran, dahil baka hindi paya-
gan si Safran na maipako sa krus kung sinabi ang tunay nitong pagkatao. Ayon kay Quetua, bago tuluyang umalis ang mga Australyano noong Sabado ay lumagda ang mga ito sa isang kasunduan na hindi gagamitin bilang katatawan ang mga video footage na kanilang nakuha sa Paombong. Nangako din umano ang mga Australyano na pormal silang magpapahatid ng liham paumanhin kina Gob. Mendoza at Mayor Marcos sa hindi nila pagtatapat sa tunay na pagkatao ni Safran. Sina Mendoza at Marcos ay sumuporta sa grupo sa pamamagitan ng pagbibigay ng akomodasyon at pagpapakain sa
mga ito sa panahon ng pagtigil sa Bulacan, bukod sa ibinigay na pag-asiste ng PTO. Ang Australayanong ipinako sa krus sa Kapitangan kasama ang apat na Bulakenyo ay nagpakilala bilang si John Michael, 36, isang mag-aaral sa Lungsod ng Melbourne, at nagtatrabaho bilang isang accountant, na ang ina ay may liver cancer. Ngunit batay sa ulat ng The Sydney Morning Herald sa kanilang website noong Sabado, Abril 11, ang Australyano ay si John Safran, 36, isang komedyante na ang karaniwang tinutukoy sa pagpapatawa ay iba’t ibang kaugaliang may kinalaman sa relihiyon. Ayon kay Jaime Corpuz, ma-
nunulat at dating direktor ng Bahay Saliksikan ng Bulacan, ang pagbabalatkayo ni Safran ay isang tahasang paglapastangan sa kalinangan at kaugalian ng mga Bulakenyo. “Dapat siyang ideklara bilang persona non-grata sa Bulacan,” ani Corpuz. Inayunan ito nina Eric Robles ng Hagonoy at Gilbert Angeles ng Plaridel. Ayon kay Angeles, “He should be banned for making a mockery of our faith.” Sinabi naman ni dating Alkalde Edmundo Jose Buencamino ng bayan ng San Miguel na lumalabas na nagkaroon ng pagkukulang ang PTO na umasiste kay Safran sa pagdating nito sa Bulacan.
Sino si John Safran? PAOMBONG, Bulacan — Daandaang katao ang sumaksi sa pagsali ng isang Australyano sa taunang pagpapapako sa krus sa Barangay Kapitangan ng bayang ito noong nakaraang Biyernes Santo. Ngunit sino nga ba ang Australyanong ipinako sa krus? Sa pakikipanayam ng Mabuhay, nagpakilala siya bilang si John Michael, 36, na mag-aaral sa isang pamantasan sa Melbourne at nagtatrabaho sa isang accounting firm doon. Sinabi niya na ang kanyang ina, 59, ay may sakit na liver cancer. Subalit sa ulat ng inilabas ng The Sydney Morning Herald (TSMH) sa website nito noong Sabado, ang Australyano ay kinilala bilang si John Safran, 33, isang komedyante na ang karaniwang puntirya ng pagpapatawa ay mga pangrelihiyong kaugalian. Ayon pa sa ulat, si Safran ay ang katuwang ni Fr. Bob Maguire sa
kanilang lingguhang Triple J Radio show na isinasahimpapawid sa Australia. Ayon sa TSMH, “Photographs posted on news websites clearly identify a crucified man as John Safran.” Hindi naman agad nagsalita si Father Maguire nang malaman ang karanasan ni Safran sa Bulacan. Ngunit, batay pa rin sa ulat ng TSMH, sinabi ng pari na “Safran would have volunteered to be nailed to the cross in an effort to get a ‘forensic’ insight into religious practices ... he would not have done it contemptuously. For him, religion is the heart of the cosmos.” Sa huling bahagi ng ulat, sinabi ng TSMH na noong 2004 “Safran undertook an eight-part series on the SBS called John Safran vs God which set out to expose bigotry and hypocrisy in religion.” Nalaman naman ng Mabuhay sa internet na si Safran ay mula sa
isang pamilyang Hudyo na nakatira sa Melbourne. Sa kanyang pag-aaral, si Safran ay hinangaan sa husay sa sining at pakikipagdebate. Sa gulang na 12 taon, siya ay personal na tinukoy sa isang talumpati ng Dalai Lama, na bumisita sa Australia noong 1985. Pinag-aralan ni Safran ang paggawa ng pelikula sa LaTrobe University sa Melbourne kung saan ay naging aktibo siya sa pulitika at itinayo ang partidong LaTrobe Young Liberals. Matapos ang pag-aaral, si Safran ay nagtrabaho sa Clemenger Harvey advertising company sa Melbourne, kung saan siya ay nagwagi ng tatlong silver sa Golden Stylus Awards. Siya ay nakasali sa “Race Around the World”, isang palabas sa telebisyon ng Australian Broadcasting Corporation (ABC) kung saan siya ay nakilala sa paglikha ng mga natatanging film documentary. — Dino Balabo
John Safran ... Nagmula sa isang pamilyang hudyo. – DB