Mabuhay Issue No. 908

  • Uploaded by: Armando L. Malapit
  • 0
  • 0
  • December 2019
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Mabuhay Issue No. 908 as PDF for free.

More details

  • Words: 13,668
  • Pages: 8
PPI Community Press Awards •Best Edited

Weekly 2003 and 2007

•Best in Photojournalism

1998 and 2005

Mabuhay LINGGUHANG PILIPINO MULA PA NOONG 1980

ISSN–1655-3853 • PEBRERO 20 - 26, 2009 • VOL. 30, NO. 08 • 8 PAHINA • P10.00

a rt angel

printshop

Printing is our profession Service is our passion 67 P. Burgos St., Proj. 4, QC 1109, Philippines (0632) 912-4852 (0632) 912-5706

’Alang negosyong nagsara pero benta bagsak – BCCI Payo sa mga Bulakenyo: Huwag patalo, sa halip dapat maging malikhain NI DINO BALABO LUNGSOD NG MALOLOS — Wala pang kumpanyang kasapi ng Bulacan Chamber of Commerce and Industry (BCCI) na nagsara dahil sa krisis pang-ekonomiya. Ngunit, ipinayo na ng BCCI na samantalahin ang oportunidad na hatid ng krisis upang makalikha ng panibagong negosyo. Sinabi rin ng samahan na isasagawa nito sa huling bahagi ng Marso ang 2nd Bulacan Business Conference (BBC-2) upang arukin ang epekto ng krisis at makabuo ng mga plano kung paano ito haharapin. Una rito, sinabi ng mga opisyal ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Trade and Industry (DTI) sa Bulacan na hindi masyadong maapektuhan ng krisis pang ekonomiya ang lalawigan sa kabila ng sunod-sunod na pagtatanggal sa trabaho ng mga mangagawa sa mga pribadong kumpanya at maging mga kawani ng National Food Authority (NFA). Ayon kay Mara Bautista, executive director ng BCCI, patuloy ang pagnenegosyo ng may 200

kumpanyang kasapi nila sa lalawigan. Ngunit ilan sa mga ito ay nararamdaman na ang epekto ng krisis, ani Bautista, dahil sa pagbaba ng halaga ng benta ng kanilang mga produkto na naging dahilan din ng pagbabawas ng bilang ng empleyado. “Wala pang nagsasara sa mga miyembro ng BCCI, pero may nagbawas na ng workers lalo na ’yung involved sa handicrafts production,” ani ng opisyal ng samahan. Ipinaliwanag niya na isa sa dahilan ng nasabing pagbabawas ng manggagawa ay sapagkat ang mga produktong handicraft ay sa ibayong dagat ibinebenta. Ayon kay Bautista, karaniwan sa mga kasapi ng BCCI ay nabibilang sa hanay ng mga gumagawa ng consumer products at ang iba naman ay para sa retail market.  sundan sa pahina 6

CALL FOR JUSTICE

THE killing of 77 Filipino journalists is an assault on press freedom. Their killers must be brought to justice and the murders stopped. The list of the journalists killed in the line of duty is on the backpage.

MATUMAL — Mababakas sa mukha ng babaeng ito ang pagkainip habang naghihintay ng mamimili ng kanyang tindang pamaypay, isang produktong karaniwang mabenta sa panahon ng tag-araw. Ayon sa mga opisyal,

hindi masyadong maapektuhan ng pandaigdigang krisis pang-ekonomiya ang bansa maging ang Bulacan, ngunit ayon sa mga lokal na mangangalakal nararamdaman na nila ang epekto ng krisis. — DINO BALABO

Epekto ng krisis mararamdaman sa halalan HAGONOY, Bulacan — Hindi pa tiyak kung hanggang kailan tatagal ang pandaidigang krisis pang-ekonomiya, ngunit tiyak na malaki ang epekto nito sa halalan sa 2010 kung mali ang magiging pagtugon ng gobyerno. Ayon kay Susan Ople, ang pangulo ng Blas Ople Policy Center at dating undersecretary ng Department of Labor and Employment (DOLE), magkakahiwalay pa ang pananaw ng mga

ekonomista dahil may mga nagsasabing makakabangon ang bansa sa 2010 at may nagsasabing matatagalan pa iyon. “Our economy is dependent from the United States,” aniya, at sinabi nila na sasama pa ang sitwasyon sa U.S. Matatagalan pa ang recovery,” ani Susan, ang bunsong anak ng yumaong Sen. Blas F. Ople na taga-Hagonoy. Ang senador ang umakda sa Labor

Code ng bansa na nagbukas ng pinto ng oportunidad upang makapagtrabaho ang milyong Pilipino sa ibayong dagat. Sinabi ni Susan Ople na dapat kumilos agad ang gobyerno upang mapigilan ang tanggalan sa trabaho ng mga manggagawa sa iba’t ibang kumpanya at linawin ang mga programa sa panukalang “stimulus package” o ang paglalaan at pagpapadaloy ng malaking pondo upang bu-

hayin ang ekonomiya ng bansa. “Kung ’yung tanggalan sa trabaho ang pagbabatayan, maaaring hindi pa magkagulo, pero tiyak ang ‘backlash’ niyan ay sa 2010 elections,” ani ng batang Ople na nagbitiw bilang Labor undersecretary noong 2005. Sinabi ni Susan na malaki ang posibilidad na matulad sa administrasyon ni U.S. President George W. Bush ang administrasyong Arroyo kung hindi

ito kikilos agad upang tugunan ang epekto sa Pilipinas ng global economic crisis. Sa halalan sa U.S. noong nakaraang Nobyembre, mas tinangkilik ng mga botanteng Amerikano ang mga kandidato ng Democratic Party sa pangunguna ni Barack Obama na nahalal bilang kauna-unahang Black American Democratic president.  sundan sa pahina 6

Mabuhay

2

PEBRERO 20 - 26, 2009

LINGGUHANG PILIPINO MULA PA NOONG 1980

EDITORYAL

Ilibing si Asyong Aksaya ANG krisis pang-ekonomiyang nararamdaman ng marami ngayon ay dapat kumumbinsi sa bawat isa na tuluyan nang ilibing si Asyong Aksaya at buhayin si Pete Matipid. Maaaring iniisip ninyo ngayon na isa lamang kathang isip sa komiks at pelikula si Asyong Aksaya, ngunit siya ang kumakatawan sa ating ugali na walang habas na paggasta at pagsasayang ng ating maliliit na yaman. Sa madaling salita, si Asyong Aksaya ay ako, ikaw, sila, tayong lahat. Dahil dito, ang aming mga kasagutang ilalahad ay hindi na tutukoy sa katanungang “Bakit?” sapagkat tayo ay nahaharap sa kagipitan. Sa halip, ang aming tutukuyin ay ang katanungang “Paano?” dahil ang yaman ng bawat isa sa atin ay may hangganan. Umpisahan natin sa tubig na kailangang-kailangan natin, na kung wala ay hindi tayo mabubuhay. Ilan ba sa atin ngayon ang nagtitipid sa paggamit ng tubig? Nauunawaan ba natin na anumang oras ay maaaring maubos ang dumadaloy na tubig sa ating mga gripo? Nagbabala na ang Kapitolyo hinggil dito. Natutuyo na ang balong ng tubig sa ilalim ng lupa ng Bulacan. Ang natitira ay hindi na sasapat sa pangangailangan ng mga susunod na henerasyon, samantalang unti-unting nalalason ng basurang ating itinatapon ang mga kailugan at mga sapa na dati ay pinagkukunan ng kabuhayan ng ating mga ninuno at naging susi ng pag-unlad ng mga pamayanan sa lalawigan. Lubhang mahalaga ang tubig hindi lamang bilang inumin. Gamit din ito sa pagluto, paghugas at pagligo. Higit sa lahat, ang tubig ay kailangan ng mga magsasaka para sa produksyon ng pagkain nating inihahain sa mesa. Naisip mo na bang tipirin ang paggamit sa tubig? Ang pagsasara sa inyong gripo upang hindi iyon tumapon? O baka namamayani pa rin sa iyong sarili ang katangian ni Asyong Aksaya at minsan ay iyong nasasambit, “Ako naman ang magbabayad ng ginamit naming tubig.” Si Asyong Aksaya rin ba ang naghahari sa inyong tahanan sa paggamit ng kuryente? Na kahit walang nanunood ng telebisyon ay nananatili iyong bukas, kasabay ang bentilador, air-conditioner at iba pang mga appliance? Ayon sa Greenpeace, kahit hindi bukas ang mga appliance sa bahay kumukonsumo pa rin iyon ng kuryente kapag nakasaksak ang plug sa kuryente, kaya’t ipinapayo nila na bunutin sa saksakan ang mga appliance kung hindi ginagamit. Ilan sa bunga ng praktikal na pagtitipid na ito sa kuryente ay liliit ang iyong buwanang bayarin, at makakatulong ka pa sa kampanya laban sa global warming dahil, kapag humina ang konsumo sa kuryente, hihina rin ang operasyon ng mga power plant na nagbubuga ng usok sa himpapawid. Ito ay ilan lamang sa mga sitwasyon kung saan ay hindi natin napapansin na namamayani ang katangian ni Asyong Aksaya sa ating mga sarili. Sa panahong ito ng kagipitan, ilibing natin ang mga katangian ni Asyong Aksaya at buhayin ang katangian ni Pete Matipid. Walang mawawala sa atin kung tayo ay magtitipid, sa halip tayo ay makikinabang. Simulan natin sa ating sarili ngayon ang disiplina ng pagtitipid upang ang ating maliliit na yaman ay pakinabangan ng ating mga anak.

Mabuhay LINGGUHANG PILIPINO MULA PA NOONG 1980

Jose L. Pavia Publisher/Editor Perfecto V. Raymundo Associate Editor Anthony L. Pavia Managing Editor e-mail [email protected] PPI-KAF Community Press Awards

Best Edited Weekly 2003 + 2008 Best in Photojournalism 1998 + 2005 A proud member of PHILIPPINE PRESS INSTITUTE

WEBSITE

http://mabuhaynews.com

EDITORIAL Alfredo M. Roxas, Jose Romulo Q. Pavia, Jose Gerardo Q. Pavia, Joey N. Pavia , Jose Visitacion Q. Pavia, Carminia L. Pavia, Perfecto Raymundo Jr., Dino Balabo

Buntot Pagé

PERFECTO V. RAYMUNDO

Nagbabaka-sakali sa pagtaya sa lotto MARAMING mamamayan ang nagbabaka-sakali sa pagtaya sa Lotto ng Philippine Charity Sweepstakes Office. Ito na lamang ang kanilang pag-asang magbago ang takbo ng kanilang pamumuhay. Sa bayan ng Obando dalawa na ang tumama sa pagtaya sa Lotto outlet sa Barangay Paliwas. Maging sa ibang Lotto outlet sa ibang bayan ay pila-pila pa rin ang nagsisitaya dahil sa laki ng nakaanunsyong premyo na tinatayang higit pa sa P200 milyon. Nadaanan ko ang Lotto outlet sa may paanan ng tulay ng Polo sa Valenzuela, gayundin sa may rotonda ng Meycauayan, at pila-pila ang nagsisitaya gayong P20 ang tayaan dahil 6/49. Hindi sagabal ang kahirapan sa marami nating kababayan na baka sila ay manalo. Umaasa sila at nanalangin na sila ay tatama rin at makaaahon sa kahirapan balang araw. Siyanga pala, ako man ay isa

sa mga tumataya sa Lotto sa pagasang darating din ang araw na ako’y tatama rin. O, bakit kayo napangiti? Bro. Eddie Villanueva for president NAPASYAL ako sa bayan ng Bokawe noong isang araw at may nakapagbulong sa akin na tiyak daw na tatakbo sa pagka-pangulo si Bro. Eddie Villanueva ng Jesus is Lord Movement sa nalalapit na halalan sa taong 2010. Isa pa sa deklarado nang kakandidato sa pagka-pangulo ay si Senador Mar Roxas ng Liberal Party. Sa panig naman ng administrasyon ay balita na si kasalukuyang Bise Presidente Noli De Castro ay may hangarin sa panguluhan tulad ni MMDA Chairman Bayani Fernando. Naririyan din ang mga senador na sina Loren Legarda, Sen. Panfilo Lacson at Chiz Escudero na balitang nagnanais din na kumandidato sa pagka-pangulo.

Kastigo

Kung ako ang pipili kina Villanueva, Roxas, De Castro, Legarda, Fernando, Lacson at Escudero, kay Villanueva na ako dahil tiyak na maka-diyos siya at Bulakenyo tulad ko. Isa pa kayo, ano sa palagay ninyo? Maraming nawalan ng trabaho DAHIL sa economic recession sa America at iba pang mga bansa, maraming negosyo ang bumagsak. Ang iba ay nagbabawas ng empleyado at ang iba ay nagsasara. Dito lamang sa ating bansa ay may ilan ding pagawaan ang nagbawas ng mga kawani at ang iba ay nagbabawas ng oras ng trabaho. Marahil ay dapat na pagtuunan ng pansin ng ating pamahalaan ang mga nakatiwangwang nating mga lupain na hindi pinakikinabangan. Panahon na para gamitin ang mga ito. Kayo, ano sa palagay ninyo?

BIENVENIDO A. RAMOS

Apokalipsis KUNG suyang-suya man o sukdulan na ang pagkagalit ng nakakaraming mamamayang Pilipino kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, pagkaawa ang nararamdaman ko. Narito ang isang babaeng sa labis na ambisyon at takaw sa kapangyarihan na dinala hindi lamang ang kanyang sarili at ang kanyang pamilya kundi ang buong sambayanang Pilipino sa kalagayang nakakahiya sa mata ng daigdig. Madasalin at mandi’y may takot sa Diyos, nagsimula ang kawing ng mga maling desisyon ni GMA nang sirain niya ang dangal ng kanyang salita, sa mismong araw ng paggunita sa Araw ni Rizal sa Luneta — nang sa harap ng libong tao ay ipahayag niyang, “Hindi na ako kakandidatong Presidente yamang alam kong ako ang magiging dahilan ng pagkakawatak-watak ng mga Pilipino.” Okey na sana ang ginawang manipulasyon at maneobra nina Rep. Raul Gonzales, Joe De Venecia, at iba pang gumawa ng tusong paraan upang ipahayag na si GMA ang nanalo sa eleksiyon noong 2004. Pero ang masamang gawa ay mahirap itago. Ibinunyag ng “Hello, Garci” tape ang malawak na dayaang

nagbunyag din ng pagkakasangkot ng ilang matataas na opisyal ng Comelec, AFP at PNP sa malawakang pandaraya. Pinatibayan pa ito ng pagkakabunyag ng tinaguriang P728milyon Fertilizer Fund Scam. Ang pag-asenso ng matataas na pamunuan ng AFP at PNP at ang pag-aahente ni Chairman Abalos sa ZTE- NBN Deal ay iniugnay rin sa “pabuya” na inumpisahang ipamudmod ni GMA sa mga nakatulong sa pagdaraya niya sa eleksiyon ng 2004. Sa halip na pakinggan ni GMA ang malawakang protesta ng iba’t ibang sector ng mamamayan na bumaba na siya sa Malakanyang (at hangaan ng kanyang mga kababayan, tulad ni Nixon na nagbitiw kaugnay ng kaso ng Watergate), sa sulsol nina JDV at mga tusong pulitika, ipinagwalambahala ni Aling Gloria ang nirerespetong dogma, “Vox populi, vox Dei” (Ang tinig ng bayan ay tinig ng Diyos). Unang sinuyo ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas (laban sa coup d’etat at people power revolt), at sa tulong nina Speaker De Venecia, Luis Villafurte, Edcel Lagman, at iba pang bumuo ng mersernaryong mayoria sa camara de representantes, ang anumang pagtatangka ng mamama-

yan at iba’t ibang sektor na patalsikin si GMA sa pamamagitan ng demokratikong proseso (impeachment) ay nawalan ng kabuluhan. Pero iyon talaga ang kalakaran ng buhay: kapag nagsinungaling ka sa bayan wala kang gagawin kundi magdepensa, magkaila, magtatwa, na siya naman aagnas sa kredibilidad ng pamamahala mo. At lahat ng gawin mo ay may kakabit na hinala ng taumbayan, at malamang na ikaw ay lalong magkamali. At dahil kailangan ni GMA ang mga kakampi, hindi lamang sa AFP, PNP, Tonggreso, kundi maging sa dayuhang bansa, nang ilunsad ni George W. Bush ang walang-batayang pagsalakay sa Iraq, nagmagaling si GMA at nauna pang magpadala ng munting pangkat ng AFP sa Iraq. Ang pagdigma sa Iraq ang naging waterloo ni dating Presidente Bush, at siya ring ikinatalo ng manok niya sa pagkaPresidente, si John Mc Cain. Ngayon, tila basang-sisiw si Aling Gloria na hahabul-habol kay Pangulong Barack Obama, na halatang umiiwas kay GMA (maging noong kandidato pa lamang si Obama). Alam marahil  sundan sa pahina 5

ADVERTISING Jennifer T. Raymundo

PRODUCTION Jose Antonio Q. Pavia, Jose Ricardo Q. Pavia, Mark F. Mata, Maricel P. Dayag, Charlett C. Añasco

Promdi

PHOTOGRAPHY / ART

Mga babala

Eden Uy, Allan Peñaredondo, Joseph Ryan S. Pavia

BUSINESS / ADMINISTRATION Loreto Q. Pavia, Marilyn L. Ramirez, Peñaflor Crystal, J. Victorina P. Vergara, Cecile S. Pavia, Luis Francisco, Domingo Ungria, Harold T. Raymundo,

CIRCULATION Robert T. Raymundo, Armando M. Arellano, Rhoderick T. Raymundo The Mabuhay is published weekly by the MABUHAY COMMUNICATIONS SERVICES — DTI Permit No. 00075266, March 6, 2006 to March 6, 2011, Malolos, Bulacan. The Mabuhay is entered as Second Class Mail Matter at the San Fernando, Pampanga Post Office on April 30, 1987 under Permit No. 490; and as Third Class Mail Matter at the Manila Central Post Office under permit No. 1281-99NCR dated Nov. 15, 1999. ISSN 1655-3853 Principal Office: 626 San Pascual, Obando, Bulacan  294-8122

Subscription Rates (postage included): P520 for one year or 52 issues in Metro Manila; P750 outside Metro Manila. Advertising base rate is P100 per column centimeter for legal notices.

DINO BALABO

BABALA. Warning. Mag-ingat. Bawal. Iisa lamang halos ang ibig sabihin ng mga katagang iyan na karaniwang nababasa natin sa mga di pangkaraniwang lugar. Layunin ng bawat katagang iyan ang mapangalagaan ang buhay o kalusugan at maging kredibilidad ng isang tao. *** Kung naninigarilyo ka, tiyak na pamilyar ka sa mga katagang nakasulat sa kaha ng sigarilyo na nagbababalang, “Government Warning: Smoking Kills.” Sa Bulacan, hindi lang “smoking kills”. Magastos pa lalo na kapag nahuli kang naninigarilyo sa loob ng bakuran ng kapitolyo. Ayos, P1,000 yan! *** Sabi naman sa mga huling bahagi ng advertisement ng mga alak sa telebisyon, “Drink moderately.”

Unti-unti lang daw, baka sa halip na sa bahay ka makarating ay sa ospital ka sunduin ni misis. *** “Babala: Huwag hahawak. May kuryente ang bakod.” Ito naman ang nakapaskil sa isang malaking bakuran sa bayan ng Sta. Maria na ang pangunahing layunin ay takutin ang mga nagnanais umakyat sa bakod at magnakaw sa loob ng bakuran.” Dapat ding ipabatid ang babalang “may kuryente” sa mga senador at kongresistang nagpatawag sa mga mamamahayag upang tanunging sa kanilang isinasagawang imbestigasyon. *** Hindi naman sa walang tiwala ang Promdi sa mga mamamahayag na ipinatawag ng Kongreso at Senado. Hindi lang pabor ang Promdi sa pagpapatawag na iyon dahil sa malalagay sa kom-

promiso ang mamamahayag kung pipiliting ibulgar kung sino ang “source” ng kanilang balita. Malas lang ng mga senador at kongresista kapag ang natiyempuhan nila ay ang mga itinuturing na “hao-shiao” o hindi lehitimong mamamahayag. Tiyak na kuryente ang aabutin nila. Ang lalakas pa man din ng boltahe ng mga iyan. *** “Bawal pumarada.” Ito’y karaniwang nakasulat sa mga karatula sa mga gate o daraanan ng mga sasakyan. Pero sa mga abusadong opisyal at mamamayan ay balewala ang mensaheng iyan. *** “Bawal magsakay / magbaba.” Ito naman ang mensahe ng karatula sa mga lansangan, pero binabalewala ng maraming motorista.  sundan sa pahina 7

Mabuhay

PEBRERO 20 - 26, 2009

3

LINGGUHANG PILIPINO MULA PA NOONG 1980

Depthnews

JUAN L. MERCADO

Regarding Henry

The ambiguity of philosophy (Two items follow: Questions under the teasing title of “Ambiguities of Philosophy” and discoveries on browsing cemetery headstones. Enjoy! — JLM )

This email is only for those who love the “ambiguity of philosophy”. If you’re one of those rare creatures, read on: 1) Don’t sweat the petty things. And don’t pet the sweaty things. 2) One scotch. Two scotch. Three scotch. Floor. 3) Atheism is a non-prophet organization. 4) Can an atheist get insurance against what lawyers call Acts of God? 5) If man evolved from monkeys and apes, why do we still have monkeys and apes? 6) The main reason Santa is so jolly is because he knows where all the bad girls live. 7) I went to a bookstore and asked the saleslady: ‘Where’s the self-help section?” She replied: “If I told you, it would defeat the purpose.” 8) What if there were no hypothetical questions? 9) If someone ill with “multiple personalities disorder” threatens to kill himself, would that be considered a hostage situ-

ation? 10) Is there another word for synonym? 11) What do you do if you see an endangered animal eating an endangered plant? 12) Would a fly without wings be called a walk? 13) If a turtle doesn’t have a shell, is it homeless? Or naked? 14) If you try to fail, and succeed, which have you done? 15) How is it possible to have a civil war? 16) If one synchronized swimmer drowns, do the rest drown too? 17) If you ate both pasta and antipasto, would you still be hungry? 18) One of the nicest things about an egoist is he never talks about other people. 19) Do they lock gasoline station bathrooms because they’re afraid someone will clean them? 20) Why do they call them ‘hemorrhoids” instead of “asteroids”? 21) If you spin an Oriental man three times in a tight circle, does he become “disoriented”? 22) If the cops arrest a mute, do they still tell him he has the right to remain silent? 23) Whose cruel idea was it to write the letter “S” into the word “lisp”? 24) Why is it called “tourist season”

Cebu Calling

if you can’t shoot them? *** THIS fellow’s hobby consisted of browsing through gravestones in old cemeteries. Here are some interesting texts that he turned up: 1) “Harry Smith of New York; Born 1903 – Died 1942; Looked up the elevator shaft to see if the car was on the way down. It was.” 2) In a Maryland, cemetery: “Here lies an Atheist, all dressed up and no place to go.” 3) On a Nova Scotia gravestone: “Here lies Ezekial Aikle, Age 102. Only The Good Die Young.” 4) In a Pennsylvania cemetery: “Here lies the body of Jonathan Blake. Stepped on the gas instead of the brake.” 5) A lawyer’s epitaph in England: “Sir John Strange. Here lies an honest lawyer. And that is strange.” 6) In a cemetery in England: “Remember man, as you walk by, As you are now, so once was I, As I am now, so shall you be. Remember this and follow me.” Scribbled below was this comment: “To follow you I’ll not consent ... Until I know which way you went.” — [email protected]

FR. ROY CIMAGALA

Good and bad seed A FRIEND of mine recently told me his daughter just got hired as a stewardess in an international airline. She finished nursing, but at this time it seems one has to pay to get hired as a nurse in hospitals. Yes, it’s that bad! To be a stewardess was an alternative, a kind of forced one. The family needs the money, and the starting rate told to her daughter was 70K. Who would not be happy with that kind of salary? But it comes with a stiff price too. The father, who’s very protective of the apple of his eyes, has sharply conflicting feelings. He’s caught in the horns of a dilemma. He has heard many not so good items about girls in that kind of work. I understand him perfectly. The girl is an eye candy, and she will surely attract attention. She has been bagging beauty titles since she was in grade school. But for all that, she remains levelheaded, her feet firmly rooted on the ground and very responsible. She has been helpful to her siblings.

After so much painful deliberation, the father allowed her to accept the job, with a list of conditions. The girl, who has become like a niece to me, dutifully thanked her father, and promised to comply with them and to deliver. My hunch is that she could hack it, not only professionally but also morally. I have observed her from a distance, and she seems to be a sensible girl, who knows what she has got and the accompanying advantages and dangers of her effortless charms. But I join her family in deep prayers for her. The world is littered with tricks and traps. One has to be truly clever, with the cleverness of the serpent as the Gospel tells us, to survive, especially in that area that is most important — the spiritual and moral. This is the challenge we have these days. There are good and bad elements around always, and one has to learn how to sail his boat safely. For this purpose, the need for continuing formation cannot be overemphasized.

Forward to Basics

Precisely at these times, when we are all exposed to more and subtler temptations, we need to be properly formed and ably supported by a strong and stable network of good family-Church-society environment Another friend who manages a call center also told me about some not-so-good observations he has of the people in that kind of work. These are usually young people who get good pay but who really have to work hard. It’s a combination that can be highly combustible in the spiritual and moral sense. These young ones tend to overspend, abuse their new status, seek compensation in some dangerous pursuits, and sooner or later get into trouble. This friend of mine, who has to handle many of the problematic cases, strongly feels that these young people should be given continuing formation. They need to be truly grounded and properly oriented. As chaplain of a technical school whose graduates often  continued on page 7

FR. FRANCIS B. ONGKINGCO

No gout, no glory THE 80-year-old lady saw me limping towards the sacristy. She raised a concerned eye-brow and asked, “Father, what happened?” “Oh, nothing, really …,” I tried to walk a little more normal. “It’s just gout … .” “Gout?” she exclaimed. “At your age, and you already have gout?” [She wasn’t the first one to make this observation.] “Well, at 40 don’t you think I’m entitled to some illness already?” I said jokingly. “But gout’s quite a different thing. It’s soooo debilitating!” she frowned as she continued following my uneven gait. “Excruciating,” I said to myself, “would be a more precise term.” I still vividly recall my first attack. It started as a gradual throbbing pain in my left big toe. The painful tenderness increased

and roused me from sleep. “I must have kicked the wall in my sleep,” I groaned. But by midnight, I realized it was something else. It seemed like the wall was now the one continuously hitting my foot. The mere gentle air blown by the fan over the swollen part was enough to hammer a torturing sensation. The soft bed covers accidentally rubbing on the swollen skin felt like sandpaper on an open wound. That was my first bout with gout. Adjusting to gout has not been something I’ve gotten used to. A strict diet and painkillers — which are, according to Fulton Sheen, are probably the greatest invention that man has ever stumbled upon! — are no match to unexpected gout attack. All I can do is to patiently wait until the symptoms subside.

Undoubtedly, gout is infinitesimally nothing compared to cancer or other more serious illnesses. Still all sickness causes us pain and suffering. And sometimes we’re tempted to ask why God allows pain — both physical and moral — to be our constant travelling companions in life. One can easily but indirectly answer that there must be something valuable in suffering since Jesus chose His Passion and death on the Cross as the very path to save us. Our Lord’s Cross is a perpetual lesson that simultaneously paints the contrast between the portraits of God’s love for us against our sinful ingratitude towards Him. Thus, the mystery of suffering has been a constant consideration for Christians of all times. St. Paul already saw suf continued on page 7

HENRYLITO D. TACIO

This thing called love LOVE is timeless. It is impenetrable, elusive, and defies definition. A lot of people — famous and notorious — tried to elucidate on the subject but it still baffles human beings until now. Love is easy to define but very hard to comprehend. It was because of love that Helen left her kingdom to join her beloved in Troy. Love (or was it lust?) was the reason why David sent the husband of “the woman who caught his eye” to war. For God loved so much human beings that He sent His Only Son to die in their behalf so that they will join Him in heaven forever (read John 3:16 for that). “Where do I begin to tell the story of how great a love can be?” asked a line of the theme song of Erich Segal’s Love Story. Well, a lot of songs have been written on love. Composers never run out of ideas. Diana Ross and Lionel Richie sang together: “My love, there’s only you in my life. The only thing that’s right. My first love, you’re every breath that I take, you’re every step I make.” George Benson crooned, “If I had to live my life without you near me. The days would all be empty the nights would seem so long. With you I see forever oh so clearly. I might have been in love before but I never felt this strong.” “Have you even been in love?” asked Rose Walker. “Horrible, isn’t it? It makes you so vulnerable. It opens your chest and it opens your heart and it means someone can get inside you and mess you up. You build up all these defenses. You build up this whole armor, for years, so nothing can hurt you, then one stupid person, no different from any other stupid person, wanders into your stupid life.” Yes, love cannot be fathomed

or explained fully. Marcel Proust tries to give this idea: “In reality, in love there is a permanent suffering which joy neutralizes, renders virtual, delays, but which can at any moment become what it would have become long earlier if one had not obtained what one wanted, atrocious.” Do you believe that? What about this one from Molly Haskell: “But one of the attributes of love, like art, is to bring harmony and order out of chaos, to introduce meaning and affect where before there was none, to give rhythmic variations, highs and lows to a landscape that was previously flat.” Robert G. Ingersoll gives us a concrete yet contrasting views about love. He wrote: “Love is the only bow on life’s dark cloud. It is the morning and the evening Star. It shines upon the cradle of the babe, and sheds its radiance upon the quiet tomb. It is the mother of Art, inspirer of poet, patriot, and philosopher. It is the air and light of every heart, builder of every home, kindler of every fire on every hearth. He further stated: “It was the first to dream of immortality. It fills the world with melody, for music is the voice of love. Love is the magician, the enchanter that changes worthless things to joy, and makes right royal kings and queens of common clay. It is the perfume of the wondrous flower — the heart and without that sacred passion, that divine swoon, we are less than beasts; but with it, earth is heaven and we are gods.” Everybody loves a fairy tale. This happened to American actress Grace Kelly, who retired from acting when she married Prince Rainier II of Monaco in 1956. Diana Spencer became the  continued on page 7

Ka Iking Reports IKE SEÑERES

Green thrust ATTENTION PEA Tollway Corporation President Carlos P. Doble: There is a thief among you who is masquerading as a teller. Last Tuesday, I was in a taxi on the way to Las Piñas and I passed through the R-1 toll plaza. I gave 1, 002 pesos to the driver to give to the teller. The teller gave us change of 480 pesos, lacking 500 pesos (the toll was 22 pesos). We had to back up to claim the 500 pesos and the teller even questioned the taxi driver whether he was really sure that my money was 1, 002 pesos. I doubt very much whether it was an honest mistake. I think that teller gets away with this racket every now and then, taking advantage of customers who are too much in a hurry to go. Mr. Doble, you can trace this teller through OR S048-169986. It happened at 10:29 PM. I am keeping the ticket in case you will need it to investigate. *** Perhaps it is only here in the Philippines that toll rates appreciate, instead of depreciate. That dishonest teller might have her own little act of robbery, but this continuing appreciation of PEA toll rates looks like a form of long term and big time robbery, and a highway robbery at that! I understand that the toll way BuildOperate-Transfer (BOT) contract has an escalation clause, but how

did the contractor ever get away with that? And did the Public Estates Authority (PEA) change its name to Public Reclamation Authority (PRA)? When did that happen? Was this announced to the public? If so, shouldn’t the name of the toll way be changed now to PRA Tollway Authority? Doesn’t the PRA acronym now make it confusing with the Philippine Retirement Authority? Can we hear from PEA or PRA Chairman Ramon Revilla Sr? *** Do local sanitation officials inspect only restaurants and not rooms for rent? I had the chance to visit a cell phone store in Zapote, Las Piñas and went up to the second floor where the store tenants are renting rooms also. The place looks very unfit for human occupancy. The running water is weak, the toilet is filthy, and the whole place simply stinks. And to think that Las Piñas prides itself to be a clean city! Can Mayor Nene Aguilar do something about this? Who is supposed to be the oversight of local sanitation officials? Is it the Department of Health or the Department of Interior & Local Government? I hope they are not just pointing blame at each other! *** What is the difference between providing charity and pro continued on page 7

Mabuhay

4

LINGGUHANG PILIPINO MULA PA NOONG 1980

BALIKTANAW

Kakampi mo ang Batas

Pagtitipid Ang artikulong ito ay unang inilimbag ng Mabuhay sa sipi nito noong Enero 11, 1981. Damang-dama noon ang krisis pang-ekonomiya katulad ng nangyayari ngayon. — Patnugot

MAGSASAGAWA ng malawakang pagtitipid ang pamahalaang panlalawigan sa taong ito upang makatawid sa krisis na dulot ng di mapigil na pagtaas ng halaga ng langis. Ito ang ipinahayag ni Gob. Ignacio Santiago sa isang pulong na dinaluhan ng lahat ng opisyal ng lalawigan at ng 24 na bayan sa Bulakan kasama ang lahat ng mga puno ng iba’t ibang tanggapang panlalawigan at pambansa. Kabilang sa mga dumalo sa pulong, ang kauna-unahan sa 1981, na ginanap sa Hiyas Cafetorium noong Miyerkules, Enero 7, ang mga kagawad ng Sangguniang Panlalawigan at mga alkalde. Ayon sa gobernador, kabilang sa mga hakbang na isasagawa ng kanyang administrasyon para makatipid ay ang sumusunod: • Pag-aalis sa mga hindi pinakikinabangang kawani sa pamahalaan, kabilang na ang mga casual at emergency laborer. • Pagpapahinto sa mga cash advance para sa madaliang pagbili ng anumang kailangan ng iba’t ibang sangay ng pamahalaang panlalawigan. • Pagtiyak na hindi lalagpas sa itinatadhana sa badyet, maging sa lalawigan o sa bayan, ang gastos sa pasahod sa mga kawani. • Pagbabawal sa mga walang kabuluhang biyahe ng mga opisyal at empleyado ng pamahalaan. • Pagbabawal sa paggamit ng mga kasangkapang malakas kumain ng koryente o gasolina, kabilang ang pagbili ng maluluhong sasakyan tulad ng kotse at ng mga air-conditioner. • Pagsasama-sama ng mga paglilingkod ng iba’t ibang ahensiya upang hindi magkaroon ng duplikasyon. Ayon sa gobernador, ang lahat ng mga hakbanging ito ay ilalahad sa isang memorandum na ipalalabas ng kanyang tanggapan para sa mga lokal na opisyal at mga pinuno ng lahat ng tanggapang panlalawigan. Kasabay nito, nanawagan din ang gobernador sa mga pinuno ng ahensiya ng pamahalaang pambansa na makiisa sa programang ito ng lalawigan. Bilang unang hakbang tungo sa pagtitipid na isasagawa ng lalawigan, sinabi ni Santiago na malaki ang kanilang binawas sa badyet ng probinsya sa 1981. Ayon sa kanya, kasalukuyan pang tinatapos ang badyet nguni’t maliwanag na ang kanyang mga instruksiyon ukol sa pagtitipid. Bukod sa pagtitipid, ipinaaalam din ng gobernador na bibigyang-diin sa mga programa at proyektong pang-kaunlaran sa lalawigan ang pagpapalakas ng produksiyon ng pagkain. “Dito lamang nakasalalay ang kaligtasan ng ating bayan dahil kung hindi mapipigil ang pagtaas ng halaga ng lahat ng mga bilihin, darating ang oras na hindi na tayo makabibili ng pagkain,” ang sabi ni Santiago. Ukol sa pag-aalis ng mga empleyado at laborer, lalo na ang mga casual, sinabi ng gobernador na ito ay case-to-case basis at hindi naman lahat ng casual ay aalisin. Sinabi niyang lumalabas sa isang pag-aaral na isinasagawa ng kanyang tanggapan na may mga opisina na maraming tauhang wala namang ginagawa. “Ito lamang ang aming target at hindi iyong mga casual na kailangan sa operasyon, lalo na sa mga paglilingkod-bayan,” ang kanyang dagdag. Ukol sa pagbabawal ng cash advance, sinabi ni Santiago na ang karapatang ito ay madalas na inaabuso ng ilang opisyal at dahil mayroon silang hawak nang pera, kahit hindi kailangan ang isang bagay ay kanila pa rin itong binibili. “Ito rin ang nagbubuyo sa ilang pinuno at empleyado upang lokohin ang pamahalaan,” ayon sa kanya. Simula sa taong ito, ang lahat ng mga pagbili ay daraan sa masusing pag-aaral ng mga awditor at ito ay papayagan lamang kung talagang kailangan ng isang tanggapan, ayon sa pahayag ng gobernador. Ang pagbibiyahe ng mga opisyal, lalo na sa labas ng bansa, ay matagal nang ipinagbabawal ng gobernador kung hindi rin lamang talagang para sa kapakinabangan ng bayan. Una niya itong iniutos matapos na manawagan ang Pangulong Marcos noong isang taon sa lahat ng mamamayan na magtipid. Bukod sa pagbibiyahe, ibinawal din ng gobernador ang pagbili ng mga bagong sasakyan, lalo na ang kotse, dahil ito ay lubhang magastos sa gasolina. Batay sa kanyang programa para makatipid sa koryente, sinabi ng gobernador na nagpalabas na siya ng mga guideline na susundin ng lahat ng tanggapan.

Kid’s Corner MARVIC KAIZZ SOBREVIÑAS T

A

B

Which orange is bigger, A or B? Answer: B is bigger, because it occupies all the plate’s space.

O O N N O O B O R A Z Q U E E R J O T U A U P L I R E A L M B T A A C H E S R T E L Y N H E X I T E E N S I M A K V O T E G F E A N O R E W I N D R L

D A G U Y O D I G S O

W I A R S E

Solution to last week’s crossword

PEBRERO 20 - 26, 2009

ATTY. BATAS MAURICIO

Tamang impormasyon sa birth certificate TANONG: Dear Atty. Batas, magandang umaga po. May katanungan lang po ako regarding sa birth certificate ng bata. Halimbawa po ay di kasal ang magulang ng bata pero naideclare sa birth certificate na kasal ang magulang kahit di yun totoo, malaki ba ang magiging problema sa papeles ng bata? Lalo na po kung mag-aaplay sila ng pamilya niya kasama ang tatay at nanay niya na di kasal papuntang Canada? Maraming salamat po sa napakagandang programa niyo po. More power to your show. God bless you. – [email protected] SAGOT: Maraming salamat sa email na ito. Sa ilalim ng Civil Registry Law of the Philippines at ng Family Code of the Philippines, ang isang batang isinilang mula sa mga magulang na hindi kasal sa isa’t isa ay kailangang isunod ang apelyido sa apelyido ng ina. Hindi pupuwedeng isunod ang apelyido ng bata sa apelyido ng kanyang ama, puwera na lamang kung ang ama ay pumirma sa birth certificate ng bata, o pumirma ito sa isang sinumpaang salaysay o kahit ordinaryong sulat, na inaamin niya ang pagiging ama ng bata. Sa ganitong mga sitwasyon, maaaring gamitin ng bata ang apelyido ng kanyang ama. Samantala, hindi pupuwedeng ilagay sa birth certificate ng bata na kasal ang kanyang mga magulang kung hindi naman talaga sila kasal sa isa’t isa. Ito ay isang uri ng falsification sa ilalim ng Revised Penal Code na may parusang pagkakabilanggo. Ang dapat ginagawa dito ay ang pagsasampa ng kaso upang maiwasto ang birth certificate ng bata, at matanggal ang entry doon na nagsasabing kasal ang mga magulang kahit na hindi ito totoo. Ito ang pinakamabuting dapat gawin upang hindi na magkaproblema ang bata kung nais niya at ng pamilya niya na magpunta sa ibang bansa kagaya ng Canada. Alituntunin kasi sa ating bansa na ang mga birth certificate ay naglalaman ng mga makatotohanan at totoong impormasyon lamang. Mga lupang awarded ng gobyerno di puwedeng ipagbili sa loob ng 10 taon TANONG: Atty. Batas, bumili po kami ng lote sa isang awardee ng NHA taong 1991. Sa dahilang may restriction na five years, nag-accom-

plish lang po kami ng waiver of rights at SPA. Turned over na po lahat ng documents sa amin at kami na ang nagbayad ng mga taxes mula noon, at unfortunately di nakapagpagawa ng Deed of Sale. Balak po kasi na kapag natapos na ang restriction na five years saka gawin ang Deed of Sale. Nguni’t di na po namin nalaman kung nasaan ang awardee dahil nagasawa na siya at lumipat ng address. Nagkaroon po kami ng family problem at di naasikaso ang lupa. Kami pong mag-asawa ay nagpa-annul ng kasal ngunit sa prayer ng court di napasama ang separation ng properties. Although verbally sinabi ng mister ko noon year 2000 na di na niya pakikialaman ang lupa at ibibigay na niya ito sa akin kasi ako na rin ang gumastos dito, nagbago na po isip niya lately at ibigay na raw sa mga bata. Atty., gusto ko pong ayusin na ito at ilipat na sa amin dahil baka lalo pang magkaproblema later. Sa waiver po at sa SPA ang nakasulat lang ay “siya at married to __” lang ang indicated. Eto po ang mga tanong ko, sana po matulungan nyo ako. 1) Pwede po siya na lang ang pumirma sa Deed of Sale dated ngayon dahil sa SPA naman ay nakasaad na may power siyang “to sell, mortgage, receive payment” etc.? 2) Ok lang po sa akin ang mapunta sa mga anak namin ang title pero yon po ba ang tama, o 50% sa akin at 50% sa aming mga anak, o ano po ba dapat? 3) May expiration po ba ang SPA or waiver kasi 1991 pa po ito na execute? Kailangan po ba ito surrender sa BIR and Register of Deeds kapag nagbayad ng CGT and other taxes? 4) ’Yon po bang Deed of Sale ay pwedeng unilateral na siya lang ang pipirma as vendor at hindi na kami ng mga anak as vendee. Nasa abroad kasi po ang isa naming anak at hindi siya makakapirma. 5) Paano po sa waiver na gagawin niya (if necessary), ano po ang mga importanteng points na dapat indicated. At sa Deed of Sale po ba ay dapat maiden name ko na ang isulat? Maraming salamat po sa tulong n’yo at aantabayanan ko po ito sa email. Paki withhold po ang pangalan ko. — [email protected] SAGOT: Maraming salamat po sa e-mail na ito. May malaking problema po sa bilihang ito. Ayon sa Public

Napapanahon

Land Law, o Commonwealth Act 141, hindi nga pupuwedeng ipagbili ng awardee ang lupang naibigay sa kanya ng gobyerno sa ibang tao, sa loob ng mula lima hanggang 10 taon matapos na mailabas ang titulo ng nasabing awarded lot. Kung magkakaroon ng bilihan sa loob ng mga panahong ito, balewala ang bilihan, walang karapatang mahahabol ang bumili, at, ang masakit, ang lupang ipinagbili ay makukuhang muli ng gobyerno. Dahil diyan, kailangang pagbutihan ninyo ang paghahanap ng kalutasan sa suliraning ito, baka lalong mawala pa ang lupang ito sa inyo o sa inyong mga anak. Anyway, sa inyong unang tanong, kung sino po ang registered awardee ay yun ang dapat gumawa ng anumang dokumento ng bilihan ng awarded property. Sa pangalawang tanong, talaga pong ang mga ari-ariang naipundar ng mag-asawa noong nagsasama pa sila ay hahatiin sa pagitan ng asawang naghabla ng pagbabalewala ng kasal o ng legal separation at ng kanilang mga anak, fifty-fifty. Sa pangatlong tanong, ang anumang dokumento sa Pilipinas na legal na ginawa ay hindi nagpapaso kailanman. Sa pang-apat na tanong, ang mga dokumento ng bilihan ay maaaring pirmahan ng vendor lamang, hindi na talaga kailangan ang pirma ng mga nakabili. At panghuli, ipapayo kong ilagay na ninyo ang lahat ng gusto ninyong ilagay sa isang dokumento, wala naman pong pagbabawal sa ganun. Sakop ng articles of incorporation TANONG: Dear Atty. Batas Mauricio, sana ay kalingain kayo ng Maykapal para humaba ang buhay upang maipagpatuloy ninyo ang paglilinaw tungkol sa batas ng ating mga kababayan. Sumulat po ako sa inyo dahil sa isang tao na nagsasabing ako raw po ay hindi na maaaring maging kasapi ng Partidong Pandaigdigang Pilipino sa walang kadahilanan at hindi na raw po ako maaaring magsalita “on behalf of PPP.” Wala naman siyang binigay na dahilan. Siya po ay naging kasapi ng PPP nitong Mayo at naging coordinator ng PPP-NCR. Ako po ay kasapi mula pa nang Hunyo 2007, isang registered  sundan sa pahina 6

LINDA PACIS

Ulat sa bayan ni Mayor Gani Pascual KAMAKAILAN ay nagdaos sa bayan ng Guiginto ng ulat ng bayan ni Mayor Isagani Pascual sa covered court ng munisipyo. Sa ibaba ay naglagay ng mga upuan para sa mga bisita — municipal officials, school heads, barangay captains, barangay councils — ngunit walang upuang nakalaan para sa media. Di ba sila itinuturing na bisita? Bakit kaya inaapi palagi ng mga pulitiko ang taga-media? Talaga bang basura at walang kuwenta ang tingin nila sa mga ito? Dahil ba sa kahit na tapos na ang Pasko ay namamasko pa sila o nag-o-orbit? Ika-5:00 ng hapon ang nakalagay sa programa pero ika-8:00 na ng gabi nang mag-umpisa ito. Sa pag-upo ko sa upuang nakatalaga sa mga barangay kagawad, may nakasama akong kapwa media na taga Punla (Shane, Jeeno at Joseph) sa upuang nakatalaga sa barangay council. Paaalisin kaya kami pagkadumating sila? Punong-puno na ang bleachers: matanda, bata, di pa masyadong matanda, atbp. Sa palagay ninyo nagsisiksikan ba sila dahil sa ulat ni Mayor o hinihintay si Dennis Trillo at Nadine Samonte? O dahil sa raffle? Nang dumating si Senator Kiko Pangilinan, nagsigawan ang mga tao. Akala siguro nila kasama si Sharon. Ang iba pang panauhing pandangal na dumalo ay sina Gob. Jon-jon Mendoza, Congressman Pedro Pan-

cho, Bokal Ariel Arceo, atbp. At dumating ang pinakahihintay na sandali ng pag-uulat ng Punong Bayan. Pagkatapos ng kanyang mensahe ay ipinakita sa malaking screen ang kanyang mga proyekto sa larangan ng kalusugan, kabuhayan, kalinisan at edukasyon. Ang ulat ng Punong Bayan ay isa lamang bahagi ng isang linggong selebrasyon ng ika-10 Halaman Festival, na binubuo ng trade fair, job fair, poster-making contest, Indakan sa Kalye, mass wedding, Lakan at Lakambini ng Guiginto, marathon, landscaping, topiary at figured plantmaking contest, pati na Gawad at Natatanging Pagkilala. Kabilang sa mga proyekto ni Mayor Gani ang Ospital ng Guiginto na pinasinayaan ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, noong Disyembre 8, 2008 at nagsimula ng operasyon noong Enero 9, 2009. Iba’t ibang skills training seminar ang tuloytuloy na isinasakatuparan ng Personnel Employment Services Office sa munisipyo at 1,803 katao na ang nabigyan ng trabaho noong 2008. Mahigit sa 100 estudyante ang tumanggap ng P1,000 buwan-buwan mula sa scholarship foundation ng munisipyo. Tinututukan din ni Mayor Gani ang basura sa bayan upang mapanatili ang kalinisan sa paligid sa pamamagitan ng tamang pagtatapon ng mga tao ng kanilang basura.

Bukod sa anim na Material Recovery Facilities (MRF) na matatagpuan sa mga barangay ng Tuktukan, Tabe, Tiaong, Malis, Sta. Rita at Ilang-ilang, bumili rin si Mayor ng limang compactor truck at isang backhoe na gagamitin sa paghahakot ng basura sa 14 barangay ng Guiginto para mapanatili ang kalinisan sa bayan. *** BARANGAY Sto. Cristo, Baliwag — Sa idinaos na Bingo Bonanza dito kamakailan, nakinabang ang mga barangay volunteer, mother leader, barangay pulis at out-of-school youth. Ayon kay Barangay Captain Felix Calanoc, Jr., ang proyekto ay fundraising para sa mga nabanggit na barangay worker upang maging masaya ang kanilang Pasko. *** BARANGAY San Jose, Baliwag — Binabati namin ang pagkapanalo ni Maria Teresa Angeles Cruz bilang 2008 Mutya ng DepEd noong nakaraang Singkaban Festival. Si Teresa ay guro ng Sta. Barbara Elementary School, 21 taong gulang at anak nina Mr. Gil Geranio Cruz at Generosa Cruz, principal ng Makinabang Elementary School. Nakatira sila sa Tumana, San Jose, Baliwag. Nagtapos si Teresa ng BEED at BSI HE sa Bulacan State University sa Malolos.

Mabuhay

PEBRERO 20 - 26, 2009

5

LINGGUHANG PILIPINO MULA PA NOONG 1980

EBOLA RESTON VIRUS

Quarantine sa babuyan sa Pandi tatanggalin na

WALA PA RING LINAW — Mahigit nang isang taon mula ng pagbabarilin ang bahay ng dating alkalde ng San Miguiel na si Edmundo Jose Buencamino (kaliwa) ngunit ayon sa kanya ay wala pa ring linaw ang imbestigasyon ng pulisya. Sinabi pa niya na malaki ang posibilidad na pulitika ang nasa likod ng mga insidente ng pamamaril sa kanilang bayan. Kasama niya sa larawan ang kanyang maybahay na si Claire, na isang halal na kagawad ng Barangay San Vicente, San Miguel at si dating Gob. Roberto Pagdanganan. — DINO BALABO

BASYO NG BALA — Itinuturo ni Kapitan Melvin Santos ng Barangay Camias, San Miguel, Bulacan ang apat na basyo ng bala na nakuha sa labas ng kanyang bahay matapos iyon pagbabarilin. Ang pamamaril sa tahanan ni Santos ay naganap matapos pagbabarilin din ang bahay ng dating alkalde ng San Miguel at mapatay ang pangulo ng Rosemoor Mining and Development Corporation. — DINO BALABO

Dating alkalde, kapitan ng San Miguel nangangamba dahil sa patuloy na pagbabanta sa kanilang buhay SAN MIGUEL, Bulacan — Sa kabila ng pangakong proteksyon ng pulisya, nangangamba ang mga opisyal sa bayang ito dahil sa pagtaas ng mga insidente ng karahasan na ayon sa kanila ay may kaugnayan sa pulitika. Iginiit naman ni dating Gob. Roberto “Obet” Pagdanganan ang panawagan na dapat higit na paigtingin ng pulisya ang pagtugis sa mga kriminal sa lalawigan bilang pagbibigay proteksyon sa mga mamamayan. Ang pangamba ng mga opisyal ng San Miguel ay bunsod ng magkakasunod na insidente ng pamamaril sa tahanan nina dating Mayor Edmundo Jose Buencamino at Kapitan Melvin Santos ng Barangay Camias at sa pagpaslang kay Inhinyero Constantino Pascual. Si Pascual ay pinagbabaril noong Abril 2007 at tuluyang napatay noong Hunyo 8 sa ikalawang pagtatangka sa kanyang buhay. Ayon kay Sr./Supt. Allen Bantolo, OIC provincial director ng Philippine National Police (PNP), hindi nagpapabaya ang pulisya sa pagpapanatili ng katahimikan at kaayusan dito sa San Miguel. Sinabi ni Sr./Supt. Bantolo na patuloy ang kanilang imbestigasyon hinggil sa naturang mga insidente at nagbibigay din sila ng proteksyon para kina Mayor Buencamino at Kapitan Santos ngunit, para sa dalawa, hindi sapat ang proteksyong binanggit ni Bantolo dahil patuloy ang pagbabanta sa kanilang buhay. Ayon kay Santos, dalawang ulit nang pinagtangkaan ang kanyang buhay matapos siyang magsampa ng demanda sa Ombudsman laban sa mga kasapi ng Sangguniang Bayan ng San Miguel. “Maging ang mga kabaranggay ko’y umiiwas na sa akin dahil sa takot na madamay kung ako ay ba○

















Kastigo





















ni Obama ang masamang record ng Administrasyong Arroyo sa paglabag sa mga karapatang pantao at sa grabeng katiwalian. Sa pagtutuos, halatang napagod na rin si Gng. Macapagal-Arroyo sa pag-aahente sa mga foreign investor,

Sinabi niya sa Mabuhay, “Dati kinikilala ang Bulacan sa dami ng negosyante at mga entreprenyor, pero ngayon sa karahasan nakikilala ang Bulacan.” Ayon sa dating gobernador, ayaw na daw sana niyang magsalita dahil sa iisipin ng kanyang mga katunggali sa pulitika na namumulitika lamang siya. “Pero walang nagsasalita. Natatakot ang mga tao na magsalita,” aniya. Idinagdag pa niya, “Hindi magandang sitwasyon iyan dahil it only shows that people are afraid.” Ito rin ang dahilan, ayon kay Pagdanganan, kung bakit niya inialok sa mga kapwa Bulakenyo na ipabatid sa kanya ang mga insidente ng kriminalidad sa Bulacan sa pamagitan ng pagte-text sa kanyang cellphone sa numerong 0927-224-8271. Ayon sa dating gobernador, nakatanggap na siya ng ilang impormasyon sa iba’t ibang insidente ng karahasan at kriminalidad sa Bulacan at ang mga maiipong impormasyon ay isusumite sa pulisya, National Bureau of Investigation, Department of Justice at maging sa Commission on Human Rights para sa tamang imbestigasyon. Nangako rin si Pagdanganan na magbibigay ng kopya sa Mabuhay. Matatandaan na noong Nobyembre ay sinabi ng dating punong lalawigan na ang bayarang pamamaslang ay isa nang “cottage industry” sa Bulacan at ang ilegal na sugal ay inilarawan niya bilang “fastest growing industry.” Pinasinungalingan naman ito ni Gob. Joselito “Jon-jon” Mendoza na nagsabing ang Bulacan ay isa sa pinakatahimik na lalawigan sa Gitnang Luzon. Ngunit, ayon sa ulat ng panrehiyong pulisya noong Disyembre, ang Bulacan ay may naitalang pinakatamataas na bilang ng insidente ng mga krimen sa rehiyon sa taong 2008.

rilin,” ani Santos. Sinabi naman ni Buencamino na mahigit isang taon na ang nakararaan nang pagbabarilin ang kanyang bahay sa Barangay San Vicente, ngunit hanggang sa kasalukuyan ay wala pa ring resulta ang imbestigasyon ng kapulisan hinggil sa naturang pamamaril. “Wala pa ring resulta ang imbestigasyon at may kumalat pang balita na pinagbabaril ko lamang ang aking sarili,” ani Buencamino. Ayon sa dating alkalde at kapitan ng barangay, nangangamba sila na matulad kay Pascual, ang pangulo ng Rosemoor Mining and Development Corporation (Rosemoor). Ang inhinyero ay nakaligtas nang unang binaril sa harapan ng kanyang bahay sa Barangay Salangan noong 2007, ngunit napatay nga si Pascual sa ikalawang pagtatangka sa kanyang buhay noong 2008 . Ang pamamaslang kay Pascual na dating kumandidato bilang alkalde ng bayang ito ay hindi pa nareresolba ng pulisya. Ayon pa kay Mayor Buencamino, nagkukulang ang kapulisan sa pangangalaga ng katahimikan sa kanilang lugar at binanggit ang isang karanasan niya ilang buwan ang nakaraan. “Kinapkapan nila ang aking driver kamakailan. Kung hindi political harassment ito, anong klaseng PNP meron kami sa aming bayan?” ani Buencamino. Iginiit naman ni Pagdanganan ang panawagan sa pagpapaigting ng paglaban ng pulisya sa kriminalidad sa Bulacan. Sinabi niya sa Mabuhay na noong panahon na siya ang nanunungkulan bilang gobernador ay “tinutugis namin ang mga criminal pati na ’yung mga involved sa droga.” Nagpahayag din ng kalungkutan si Pagdanganan hinggil sa pagtaas ng insidente ng kriminalidad sa Bulacan.

NI DINO BALABO

















































































 mula sa pahina 2

sa paghabol kay Obama, sa pagsusulong ng Cha-cha, sa pagyayabang na malusog ang ekonomya ng Pilipinas — na nakasandal sa EVAT at bilyong remittance ng kawawang mga OFW. Ang tiktak ng orasan para kay

Aling Gloria ay naghuhudyat na ng alas dose — oras na para siya mamahinga at tanggapin ang katotohanan na bigo ang kanyang may 10 taong pamamahala—pamamahalang ang pagiging lehitimo ay patuloy na pinagdududahan ng sambayanang Pilipino.

LUNGSOD NG MALOLOS — Maaari nang magbenta ng baboy sa mga susunod na araw ang mga babuyan sa bayan ng Pandi, Bulacan na isinailalim sa quarantine matapos madiskubre doon ang “ebola reston virus” noong nakaraang taon. Ito ay dahil sa magandang resulta ng mga isinagawang pagsusuri sa tissue sample at dugo ng baboy na kinuha noong Enero sa nasabing babuyan ng mga dalubhasa mula sa World Health Organization (WHO), World Animal Health Organization (OIE), United Nations Food and Agriculture Organization (UN-FAO) at Department of Agriculture (D.A.). Gayunpaman, wala pang aktuwal na utos na ipinalalabas ang Bureau of Animal Industry (BAI) upang alisin ang quarantine o ang pagbabawal sa paglalabas at pagpapapasok ng mga baboy sa nasabing babuyan. Ayon kay Gob. Joselito “Jon-jon” Mendoza, ipinabatid sa kanya ng mga opisyal ng BAI na anumang araw ay maaari nang alisin ang quarantine sa babuyan sa Pandi. Ito, aniya, ay nangangahulugan na maaari nang muling magbenta ng baboy ang nasabing babuyan. Ngunit para kay Dr. Samuel Animas, isang beterinaryo ng BAI, wala pang tiyak na panahon o araw kung kailan aalisin ang quarantine sa babuyan sa Pandi. Sinabi ni Dr. Animas sa Mabuhay na kinukumpleto pa nila ang pagsusuri sa mga kinuhang tissue sample sa 70 baboy at dugo sa mahigit 600 pang baboy sa Pandi noong Enero. Ang tissue sample ay kinuha mula sa atay at lalamunan ng baboy upang suriin. Ang 70 baboy na kinunan ng tissue sample ay tuluyang kinatay at inilibing ngunit binayaran ng D.A. sa may-ari ng babuyan. Sinabi ni Animas, “We’re still completing the tests, but so far the results are favorable.” Kinumpirma ito nina Dr. Joy Gomez, ang provincial health officer, at ni Dr. Felipe Bartolome, ang panglalawigang beterinaryo. Ayon kay Dr. Gomez na siya ring tumatayong tagapagsalita sa Bulacan hinggil sa ebola reston virus, naghihintay pa sila ng utos mula sa BAI hinggil sa pagtatanggal ng quarantine. Nilinaw naman ni Dr. Bartolome na hinihintay pa nila ang pinal na resulta ng “polymerase chain reaction (PCR) test” na isinagawa sa mga tissue sample at dugo ng baboy. “That’s the confirmatory test and it will be released anytime,” ani Bartolome. Matatandaan na noong Disyembre ay inihayag ng D.A. at ng Deparment of health (DOH) ang pagkakadiskubre sa ebola reston virus sa isang babuyan sa bayan ng Pandi at sa bayan ng Manaoag sa Pangasinan. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na ang ebola reston virus ay nakita sa mga tissue sample at dugo ng baboy, dahil ang nasabing virus ay karaniwang nakikita lamang sa mga unggoy. Ang ebola reston virus ay nadiskubre sa mga baboy matapos magsumite ng tissue sample at dugo ng baboy ang mga magbababoy sa Bulacan upang ipasuri sa Center for Disease Control (CDC) sa Amerika sa layuning matukoy kung anong strain o uri ng virus ang naging sanhi ng pagkamatay ng mga baboy sa lalawigan noong 2007 at 2008. Noong una ay hininala ng mga magbababoy sa lalawigan na porcine reproductive and respiratory syndrome virus (PRRSV) ang sanhi ng pagkamatay ng baboy sa Bulacan kaya nagsumite sila ng mga tissue sample upang higit na masuri. Ikinagulat ng mga dalubhasa ang pagkakadiskubre ng ebola reston virus sa mga baboy kaya’t nagpadala ng mga dalubhasa ang WHO, OIE, at UN-FAO sa Bulacan noong Enero upang tumulong sa pagsusuri na isinagawa sa Regional Institute for Tropical Medicine (RITM) sa Maynila. Bilang isang uri ng “filo virus” na animo’y sinulid, ang ebola reston virus ay unang nadiksubre ng isang laboratoryo sa Reston, Virginia na umangkat at nagsuri ng mga unggoy mula sa Ferlite Farm sa Laguna noong 1989. Kumpara sa kinatatakutang ebola strain na natagpuan sa mga unggoy sa Sudan at Congo sa Africa, ang ebola reston virus na nadiskubre sa Reston ay low pathogenic o hindi masyadong nakakahawa at walang masyadong panganib sa kalusugan ng tao, ngunit pinag-iingat pa rin ang mga tao. Iniulat din ng D.A. at DOH na apat na manggagawa sa mga babuyan sa Bulacan at Pangasinan ang nadiskubreng positibo sa “anti-bodies” o panlaban sa ebola reston virus. Ito ay nangangahulugan na ang ang mga nasabing manggagawa ay nahawa sa ebola reston virus, ayon sa sumulat, ngunit agad na naka-develop o nakabuo ang kanilang katawan ng anti-bodies o panlaban sa nasabing virus kaya’t hindi nagkasakit ang apat na manggagawa. Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang pagsusuri ng mga dalubhasa upang matukoy kung paano nalipat sa mga baboy ang ebola reston virus at kung paano at saan nahawa ang apat. — Dino Balabo

Treated unfairly by newspapers that refuse to publish your response?

Write us. Philippine Press Council c/o PHILIPPINE PRESS INSTITUTE Rm. 312 B.F. Condominium Bldg. A. Soriano Ave., Intramuros, Manila

Mabuhay

6

PEBRERO 20 - 26, 2009

LINGGUHANG PILIPINO MULA PA NOONG 1980

Payo sa Bulakenyo: Huwag patalo, sa halip dapat maging malikhain  mula sa pahina 1

“Tuloy pa rin sila, pero nararamdaman na ang epekto dahil sa bumababa na ang kanilang benta,” aniya. Sa kabila naman ng nararamdamang epekto ng krisis, hinikayat ni Bautista ang mga negosyanteng Bulakenyo na huwag sumuko, sa halip ay patuloy na tumuklas ng panibagong negosyo na hatid ng oportunidad kapag mayroong krisis. “Napapanahon ang paglikha ng panibagong negosyo dahil alam natin na there are opportunities in a crisis,” ani Bautista at idinagdag na “kailangan lang na maging creative tayo.” Binigyang diin pa niya na kailangan ngayon ang pagpapataas ng produksyon sa agrikultura at ito ay dapat tutukan ng mga pamahalaang lokal. Ayon kay Bautista, ang BBC-2 ay isasagawa ng BCCI sa Marso 25-26, at sa unang araw nito ay rerebisahin ang mga inihaing resolusyon noong nakaraang taon upang malaman kung ano ang natupad sa mga iyon. Tampok din sa BBC-2 ang mga presentasyon hinggil sa kasalukuyang kalagayan sa ekonomiya ng Bulacan at pagpaplano kung anong mga negosyo ang dapat bigyang ayuda ng gobyerno. Noong huling bahagi ng Enero ipinahayag ni Efren Reyes, provincial director ng DOLE sa Bulacan, na umabot sa halos 400 manggagawa ang nawalan ng trabaho sa iba’t ibang pabrika sa lalawigan. Ngunit noong unang bahagi ng Pebrero, sinabi ni Director Reyes na umabot sa 331 manggagawang Bulakenyo ang nakabalik sa trabaho at iginiit niya na “slight lamang ang epekto ng economic crisis sa Bulacan.” Inayunan ito ni Rhine Aldana, provincial director ng DTI sa Bulacan, na nagsabing hindi masyadong maapektuhan ng pangdaigdigang krisis pang-ekonomiya ang mga negosyo sa Bulacan. Ito ay dahil na rin sa karaniwan sa mga negosyo sa lalawigan ay nabibilang sa mga micro, small and medium enterprises (MSMEs) o maliliit na negosyo, at madalang ang mga negosyong nagbebenta ng kanilang produkto sa ibayong dagat. Batay naman sa pahayag ni Susan Ople, ang bunsong anak ng yumaong Sen. Blas F. Ople na siyang umakda sa Labor Code ng bansa na nagbukas ng trabaho para sa mga Pilipino sa ibayong dagat, ang karaniwang apektadong pabrikang ay ang mga gumagawa ng electronics, semi-conductors, at mga kotse. Ito, aniya, ay dahil na rin sa ang mga nasabing produkto ay karaniwang ibinebenta sa merkado ng Amerika kung saan nagsimula ang pandaigdigang krisis. — Dino Balabo

MATAMIS PA RIN ANG NGITI — Sa kabila ng pandaigdigang krisis pang-ekonomiya na nagdulot ng mabagal na benta ng iba’t ibang pro○

Epekto ng krisis sa bansa mararamdaman sa halalan  mula sa pahina 1

Ayon kay Susan, kung hindi maitatama ng administrasyong Arroyo ang pagtugon nito sa krisis, partikular na ang stimulus package, at malamang matalo ang mga kandidato nito sa pangnasyunal na posisyon sa halalan sa 2010. Binatikos din ni Susan ang mga tagapayo ni Pangulong Arroyo hinggil sa ekonomiya. “Parang nasa alapaap ang mga ito. Dapat nilang ipaliwanag sa tao ’yung stimulus package. Hanggang ngayon walang nakakaalam ng detalye noon,” sabi ng batang Ople at iginiit na, “Hindi pa rin malinaw kung mayroon na silang manpower pool na gagawa noong mga sinasabi nilang infrastructure project.” Hinggil naman sa kaguluhan na maaaring magresulta sa isang “social upheaval,” sinabi niya, “Magkakaroon lang ng social upheaval kapag nakialam ang military dahil sa hindi pagkilos ng gobyerno.” Pinayuhan niya ang mga Pilipino na maging kalmado, magtulungan at huwag masyadong umasa sa mga interbensyon ng gobyerno. Pinaalalahahan din niya ang mga manggagawa na mamuhunan sa mga bagong kakayahan sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga kursong tulad ng plumbing, electronics, electrical repair, website development at iba pa. Para naman sa mga nagnanais magtrabaho sa Iraq, sinabi niya, “Hindi pa natin alam kung ano ang epekto ng U.S. sa Iraq at sa magiging sitwasyon sa security ng workers doon. Huwag muna tayong mag-apply sa Iraq.” Matatandaan na noong Disyembre ay nagbabala ang dating Labor undersecretary sa hinaharap na “economic tsunami” ng bansa dahil sa pag-uwi ng overseas Filipino workers (OFW) na nawalan ng trabaho sa ibayong dagat. Bilang pangulo ng Blas Ople Policy Center ipinayo ni Susan na dapat magtayo ng mga action center ang mga pamahalaang lokal para sa mga uuwing OFW upang matugunan ang pangangailangan ng mga ito, pati na ang mga Pilipinong nasa bansa na walang trabaho. Batay naman sa ulat ng DOLE at National Statistics Office (NSO), ang Gitang Luzon na kinabibilangan ng Bulacan ay itinuturing na pinagmulan ng pinakamaraming OFW at sila ngayon ay may posibilidad na mapauwi sanhi ng pandaigdigang krisis pang-ekonomiya. — Dino Balabo























































Kakampi mo ang Batas member, at pumirma pa sa Constitution and By-Laws. Ano po bang kaso ito? Abusive arrogation of powers? May karapatan po ba siyang gawin ito sa akin? Tahimik ho ang ibang mga kasapi dito sa PPP-NCR, liban sa isang kasama ko. Pero mananaliksik pa muna siya bago siya umentra sa gulong ito. Ang sarap pong gamitan ng masasamang salita ang taong ito, pero hindi po yata magiging maganda bilang isang kasapi ng PPP. Mataas pa po ang pagtingin ko sa PPP dahil marami akong kakilala na mararangal na nagtatrabaho sa ibang bansa at hindi gumagamit ng “manipulative politics against critical members.” Salamat po sa inyong tulong. Wilhelmina S. Orozco. – [email protected] SAGOT: Wilhelmina S. Orozco, maraming salamat po sa e-mail na ito. Sa ilalim ng Corporation Code of the Philippines at ng iba pang mga batas na nakakasakop sa mga pribadong samahan at organisasyon, maliwanag na ang pagiging miyembro o pagiging opisyal ng isang kasapi ay nasasakupan ng mga articles of incorporation at by-laws o iba pang mga charter documents ng nasabing samahan at organisasyon. Dahil diyan, ipapayo ko po ang pagsasaliksik ng nasabing mga dokumento ng Partidong Pandaigdigang Pilipino, upang malaman ninyo kung ano ang inyong mga karapatan at obligasyon, bilang kasapi, at bilang opisyal. Kung ano ang nakasaad sa mga dokumentong ito, yun ang dapat masunod. Kung inyo din pong mamarapatin, nais ko pong makita ang mga articles at by-laws na ito, upang mas maging maganda ang opinyong ibibigay ko sa inyo. Basically, ang mga dokumentong ito ay kontrata o kasunduan sa pagitan ng mga kasapi na siyang batas na dapat nilang sinusunod. Pagrehistro ng bata bilang anak ng di tunay na magulang, isang krimen TANONG: Dear Atty. Batas, I am one of the grateful readers to your continued free legal service. Ask ko lang



dukto, nagawa pa ring ngumiti ng tinderang ito ng makukulay na pamaypay sa Pulilan, Bulacan nang makunanan ng larawan. — DINO BALABO ○



















po, Atty. Batas, kung law violation po ang mag-produce ng birth certificate na hindi naman siya ang tunay na ina ng bata? Actually, anak po siya ng younger sister namin but was put under our parents’ name kasi nga po minor yung younger sister ko nang ipanganak ang bata. Then my sister who is now a British citizen just ignored me and went ahead and asked my mother to put my niece into her name and do “late registration” birth certificate. Since they were able to get a passport for the said birth certificate I thought what they did was legal, i.e., I thought they were able to legally file a late registration so my niece could be put in her name? Is this legal, Atty.? I mean what kind of punishment is put on this kind violation? Thank you for your time and attention to my question. Sincerely, Concerned Citizen. – [email protected] SAGOT: Concerned Citizen, thank you for this e-mail. First, let us discuss this problem outside of the legal framework. The one thing you cannot deny is that the child is the child of your younger sister. So, for all intents and purposes, the only one who has real rights over the child is your younger sister. Assuming that the child was registered in the name of your parents, that does not vest anything in favor of your parents. They are still mere grandparents, and the younger sister will still be the parent. So, she could do anything to assert her right as the parent of that child. Now, with respect to legalities. First, the mere registration of the child under the names of your parents already constituted a big violation of the law on children’s rights— Republic Act 7610, or the Anti Child Abuse Law. Under this law, the registration of a child as the child of someone other than its parents can be punishable with imprisonment up to 20 years. Correspondingly, the parents who listed their grandchild as their own can be prosecuted and ultimately penalized with imprisonment. Second, the filing of a late registration birth certificate for a child









































 mula sa pahina 4

who was already registered, even erroneously, or even using false information, constitutes falsification which can also cause the imprisonment of the perpetrators. *** BATAS NG DIYOS: “… Kung ang aking sambayanan, na tinatawag sa aking pangalan, ay matututong magpakumbaba at manalangin, hanapin ako at talikdan ang kanilang mga kasalanan, pakikinggan ko sila mula sa langit, patatawarin ko ang kanilang mga kasalanan at aaalisin ko ang mga sumpa sa kanilang lupain …” (2 Chronicles 7:14) *** PAALALA: Maaari po kayong tumawag sa aming mga landline, (02) 99468-05, (02) 433-75-49 at (02) 433-7553, o di kaya ay sa aming mga cellphone, 0917-984-24-68 at 0919-60964-89. O sumulat sa aming address: 18 D Mahiyain cor Mapagkawanggawa, Teachers Village, Diliman, Quezon City. O mag-email sa website na ito: www.batasnews.com, o sa [email protected]. *** PARTY LIST: Maaari na po kayong maging kasapi ng BATAS Party List, o ang Bagong Alyansang Tagapagtaguyod ng Adhikaing Sambayanan. Ipadala po ang inyong mga pangalan at kumpletong address sa parehong mga address at telepono sa itaas.

Pangalagaan ang kalikasan!

Mabuhay

PEBRERO 20 - 26, 2009 ○

















Promdi









































 mula sa pahina 2

Dahil sa tapat ng karatulang iyon matatagpuan ang maraming pasahero. *** “Bawal magtapon ng basura dito.” Karaniwang nakasulat ito sa mga karatula sa kanto o bakanteng lote. Pero parang magnet ang karatulang iyon. Doon pa rin ang bagsak ng mga plastic bag ng basura. Hindi yata marunong ng tagalog ang mga nagtatapon doon. *** “Bawal magkalat.” Karaniwang nakapaskil ito sa mga pampublikong lugar. Pero, balewala rin. Dahil wala namang nakalagay na basurahan o trash can. Ayaw naman ng karamihan na ilagay ang basura sa kanilang bulsa. *** “Bawal mamaril/mamingwit.” Ito naman ang karaniwang mensahe sa mga karatula sa mga palaisdaan sa Hagonoy. Hindi rin nasusunod, dahil hindi naman daw sila nakikita ng bantay ng palaisdaan o engkargado. *** “Mag-ingat sa aso / Beware of dogs.” Babala iyan sa mga karatula sa gate upang makaiwas sa kagat ng aso. Pero sabi ni Bong Lacson, ang mamamahayag na nakabase sa Pampanga, mas dapat pag-ingatan ang mga “mamamahayag na alaga ng mga pulitiko”. Matalim at makamandag daw ang kagat ng mga iyon. *** Pagdating ng halalan, maraming pulitiko ang nagsasabing, “Bawal ang bobong kandidato.” Pero ang “bobong kandidato” na tinutukoy nila ay mas tuso sa kanila. Kahit bumili ng boto ginagawa, manalo lang. Bukod pa riyan, popularity contest at paramihan ng kamag-anak ang sistema ng pulitika natin. *** Sabi ng ilang kandidato kapag halalan, “Huwag iboto ang mga corrupt.” Sagot naman ng mga kandidatong nagbabayad para iboto sila, “Tumutulong lang kami sa mahihirap.” *** Sabi ni Gob. Jon-jon Mendoza noong maupo siya bilang gobernador, “Bawal ang nakasimangot sa kapitolyo.” Pero hindi niya sinabi sa mga empleyado na magbasa linggo-linggo ng pitak ng Promdi. At kung may nagbabasa man, tiyak na napapangiwi kung minsan. *** Ayon naman sa isang malapit kay Gob. Jon-jon, nagbabala daw noong Disyembre ang gobernador sa mga hepe ng pulisya na tatanggalin sa puwesto kapag hindi nakiisa sa kanyang kampanya laban sa ilegal na sugal. Hanggang ngayon, babala pa rin iyan. ○































Cebu Calling































































Ka Iking Reports

Bayan muna, bago sarili! ○

7

LINGGUHANG PILIPINO MULA PA NOONG 1980





 from page 3

work in these call centers and other similar outfits, I always feel the need to continually invite the alumni for some means of formation — retreats, recollections, doctrine classes, and personal spiritual direction and confession. Like a father to them, I get to tell them things straight to their faces — even telling them to take their haircut, change their clothes, observe physical, mental and spiritual hygiene, live order and poverty, modesty and purity, and pray, etc. These details should be attended to assiduously, since they have the tendency to be set aside, ignored and forgotten. And these reminders should be done as well by the companies, families and society in general. They should not be the exclusive tasks of priests. Everyone can and should help. We are facing a new world speeding in developments, such that we can hardly cope with them. Sometimes I get the feeling we don’t know anymore what’s hitting us. We, of course, should be open to the world, but should be quick also to discern and identify good and bad seeds, and flexible enough to flow with the times. We have to have a kind of black box that records developments in a certain period, and examine it from time to time to study what went right, what went wrong, and how we could avoid dangers. — [email protected]

DEED OF EXTRA-JUDICIAL SETTLEMENT OF THE ESTATE AMONG HEIRS WITH WAIVER NOTICE is hereby given that the estate of the deceased Mateo Mallari who died intestate on December 18, 1990 at Aguso, San Francisco, Mabalacat, Pampanga and Virginia Magtoto Mallari who died intestate on May 16, 2004 at Mabalacat, Pampanga left one (1) parcel of registered land covered and embraced by Transfer Certificate of Title No. 442851-R, Registry of Deeds of Mabalacat, Pampanga was extrajudicially settled among their legitimate heirs with waiver entered as per Doc. No. 1468; Page No. 28; Book No. 32; Series of 2006 of the Notary Public of Atty. Jackson Visda Yabut. Mabuhay: February 13, 20 & 27, 2009

viding livelihood? Providing charity means giving away dole outs to people who are incapable of earning enough even if they are working, or to people who are not inclined to work for a living. Providing livelihood means giving people the capability to earn a living either by working in a job, or by owning a small business. The line of differentiation between these two appears to be controversial, because many people are against the practice of giving away dole outs, especially to those who would rather not work. As a way to reconcile the difference between these two, I think that we should look at providing charity as a first aid measure only, meaning that we should aim to provide livelihood as a long term measure. In a manner of speaking, providing charity is a form of poverty alleviation, meaning that acts of charity would help the poor people in bearing with the sufferings of charity, but it would not elevate them above the poverty threshold. In other words, they will still remain poor after we ○























































































































































































farmers who are growing and producing this kind of food. In support of this lifestyle, I am now helping the farmers in our project sites to adopt the organic and natural methods of agriculture. Have you heard of urban farming? Yes it is possible to do that now, and that is yet another bit of good news for the urban poor who are looking for new ways of making a living. *** No Holds Barred is the title of a TV show produced for the late Art Borjal by my friend Lito Anzures (the PR guy, not the actor). Recently, Lito gave me the rights to use the name, and I will now use it as the name of my column. Email [email protected] or text me at +639293605140. Watch my TV show Ka Iking Live every Friday from 9:30 to 10:30 PM in Destiny Cable Channel 3. Tune in to Kapit-Bayan on DWIZ 882 KHZ 5:00 to 6:00 PM Monday to Friday. Embrace the Green Thrust lifestyle. Eat Right, Do Right. ○







































 from page 3





































[GROAN!] that this doesn’t reduce in any way the pain I’m undergoing. Okay, so that’s what painkillers are for! But offering our pains is only half of the answer to why God allows us to experience it. Perhaps, the other half is found in the words of the Apostle St. Paul to the Colossians: “Now I rejoice in my sufferings for your sake, and in my flesh I complete what is lacking in Christ’s afflictions for the sake of his body, that is, the Church.” But what else could be “lacking” in our Lord’s infinite sacrifice upon the Cross? The answer, I realized, was staring at me straight in the face: “My gout!” I realized that Jesus, in His brief earthly existence — at least from what we read in the Gospels — had never experienced gout attacks. Yes, He was tired, thirsty, hungry, and felt agony

the principle: ‘I love because I am loved.’ Mature love follows the principle: ‘I am loved because I love.’ Immature love says: ‘I love you because I need you.’ Mature love says: ‘I need you because I love you.’” Through the years, I have collected love quotations. One of those I really like best was the one written by Roy Croft: “I love you not only for what you are but for what I am when I am with you.” William Arthur Ward penned: “Flatter me, and I may not believe you. Criticize me, and I may not like you. Ignore me, and I may not forgive you. Encourage me, and I will not forget you. Love me and I may be forced to love you.” Finally, here’s what I like from William Shakespeare: “My bounty is as boundless as the sea, my love as deep; the more I give to thee, the more I have, for both are infinite.” ○







































 from page 3

later on the Cross. But I imagined that our Lord didn’t personally suffer cancer or diabetes, neither did He undergo bad traffic jams, the hardship of falling in line to pay our bills, that of being nervous before a board exam, or perhaps even a simple sprain. Through each of us, however, Christ longs to lovingly continue suffering by incorporating our unique earthly pains to His infinite Passion. He doesn’t only make it His own but through our condition becomes present in the midst of men. Thus, the very experience of pain is no longer borne alone by the Christian since he now embraces it together with the transforming love of Christ. And one discovers in the lingering pain of gout, that there is hidden God’s glory! SHOWING ON FEBRUARY 18, 2009 ONWARDS

subject to change without prior notice

WHEN I MET YOU

MARLEN & ME

THE HAUNTING OF MOLLY HARTLEY CONFESSIONS OF A SHOPAHOLIC

EXTRA-JUDICIAL SETTLEMENT OF ESTATE WITH SPECIAL POWER OF ATTORNEY NOTICE is hereby given that the estate of the deceased ERLINDA Y. SANTOS who died intestate in St. Luke’s Medical Center on June 9, 2008 left a parcel of land situated at City of Angeles, Province of Pampanga covered by TCT No. 128457 containing an area of SIX HUNDRED SEVENTY FIVE (675) square meters, executed by her heirs before Notary Public ROSELLER T. LOGRONIO; Doc. No. 167; Page No. 35; Book No. XLI; Series of 2008. Mabuhay: February 6, 13 & 20, 2009



 from page 3

Forward to Basics fering as a crucible to transform the Christian into Christ. His reflections become the point of departure for many others like St. John of the Cross and St. Edith Stein, our own John Paul II and even a non-Catholic like C.S. Lewis. It is not my intention to delve into their more profound considerations. I would simply like to focus — I may sound selfish — on my gout. What I intend to say is that every person’s suffering is uniquely his and his alone. For example, when I’m suffering from a headache, I could console myself thinking that this ailment can be something offered to God. I cannot forget my childhood days when mom would often remind us to “offer up our difficulties and illnesses” for God and also the poor souls in Purgatory. This is ascetically true. I, however, have to admit



Romeo and Juliet, both lovers were teenagers. But it didn’t stop them to love each other — even ending their lives in tragic manner: Romeo drinks poisons while Juliet stabs herself. Why do people kill themselves for the sake of their beloved? George Sand has this answer: “There is only one happiness in life, to love and be loved.” His Highness the Dalai Lama echoes the same sentiment: “When we feel love and kindness toward others, it not only makes others feel loved and cared for, but it helps us also to develop inner happiness and peace.” Bayard Taylor wrote: “I love thee, I love but thee, with a love that shall not die — till the sun grows cold and the stars grow old.” If you love someone, what kind of principle do you follow? American psychologist Erich Fromm shares this information: “Infantile love follows

toast of the world when she married Charles Philip Arthur George, heir to the British throne. But these fairy tales ended in tragedy; both princesses died in vehicular accidents. Love can also be tragic. A lot of famous authors wrote novels on such theme. One of the most popular was Leo Tolstoy’s Anna Karenina. The leading character left her husband and child for the handsome Alexander Vronsky, who rejected her later on. With no future or past to turn to, she committed suicide by throwing herself under a train. Emily Bronte’s Wuthering Heights chronicled the tragic love story of Cathy and Heathciff. War separated the lovers Evangeline Bellefontaine and Gabriel Lajeunesse in Henry Wadsworth Longfellow’s Evangeline, A Tale of Acadie. Age doesn’t matter when it comes to love. In William Shakespeare’s ○



give them first aid. Conversely, providing livelihood is a form of poverty reduction, meaning that livelihood assistance could eventually enable them to earn enough to go above the poverty threshold so that they will no longer be poor thereafter. *** If you are looking for good news, I have some good news for you. By natural consequence, the thrust towards living the “green life” is now creating livelihood opportunities for the people who are growing healthier, safer food to eat. The good news is that more and more of my friends and corporate contacts have expressed an interest to buy natural and organic foods primarily for the purpose of their own consumption, but secondarily for the purpose of helping the people I am helping. Inspired by this development, I am now encouraging my friends and readers to embrace the “Green Thrust” lifestyle. All it takes to adopt this lifestyle is to eat healthier and safer food, buying these from the

Regarding Henry





Huwag magkalat sa lansangan, bayan mo’y hindi basurahan!

8

Mabuhay LINGGUHANG PILIPINO MULA PA NOONG 1980

PEBRERO 20 - 26, 2009

For more information, visit www.stopjournalistkillings.ph. This message was brought to you by the Freedom Fund for Filipino Journalists (FFFJ) and Mabuhay Lingguhang Pilipino.

Related Documents

Mabuhay Issue No. 908
December 2019 18
Mabuhay Issue No. 912
April 2020 10
Mabuhay Issue No. 913
April 2020 9
Mabuhay Issue No. 43
November 2019 16
Mabuhay Issue No. 909
December 2019 16
Mabuhay Issue No. 945
June 2020 10

More Documents from "Armando L. Malapit"

Mabuhay Issue No. 920
May 2020 11
Mabuhay Issue No 30
October 2019 24
Mabuhay Issue No. 931
May 2020 14
Mabuhay Issue No. 35
November 2019 25
Mabuhay Issue No. 36
November 2019 16
Mabuhay Issue No. 41
November 2019 35