a rt angel
PPI Community Press Awards •Best Edited
printshop
Weekly 2003 and 2007
Printing is our profession Service is our passion
•Best in Photojournalism
67 P. Burgos St., Proj. 4, QC 1109, Philippines (0632) 912-4852 (0632) 912-5706
1998 and 2005
32 sa Bulacan ang hagip sa RAT Plan ng gobyerno
Efren Reyes ng DOLE
LUNGSOD NG MALOLOS — Hindi lamang ang mga empleyado ng mga pribadong kumpanya ang apektado ng malawakang tanggalan sa trabaho, kundi maging ang 800 kawani ng National Food Authority (NFA).
Ed Camua ng NFA
Sa kabila ng krisis, may pag-asa – Mayor P Pascual ascual GUIGUINTO, Bulacan — Malinaw ang pag-asang nakikita ng mga opisyal ng Bulacan sa nararamdamang krisis pangekonomiya sa bansa bunsod ng pagbagsak ng ekonomiya ng Amerika.
Kaugnay nito, halos 400 manggagawa na mula sa iba’t ibang pabrika sa Bulacan ang nawalan ng trabaho mula noong Disyembre, samantalang ilang pabrika ang nagpa sundan sa pahina 5
Ayon kay Eduardo Camua, direktor ng NFA Employees Association, maging mga empleyado ng ahensiya ng bigas ay hindi ligtas sa malawakang tanggalan sa trabaho. “Nakatutuwang isipin na nagsusumikap ang gobyerno upang makalikha ng mga hanap-buhay, samantalang marami ang natatanggal sa trabaho maging ang mga empleyado ng NFA,” ani Camua, at ito, iginiit niya, ang ahensyang pang-seguridad ng pagkain. Batay sa mga dokumentong
NI DINO BALABO naipon ng Mabuhay, aabot sa 800 empleyado ng NFA ang nakatanggap ng “notice of redundant/abolished position” na nakasaad sa Executive Order 366 o ang tinaguriang Government Rationalization (RAT) Plan na naglalayong mapababa ang gastusin sa operasyon ng gobyerno sa pamamagitan ng maagang pagreretiro ng mga manggagawa. Sinabi ni Camua na 78 empleyado mula sa Gitnang Luzon at 32 mula sa Bulacan ang mapapatalsik sa NFA sa mga susunod na buwan. Ayon kay Camua, may mga empleyadong apektado na malapit na sa kanilang retirement age, ngunit ang iba ay wala pa sa takdang edad upang magretiro. Binigyang diin niya na hindi maganda ang alok na retirement package at posibleng hindi makabuhay ng pamilya lalo na sa
mga empleyadong mababa ang posisyon. Nakasaad din sa dokumento na ang mga insentibong matatanggap ng mga mapapatalsik na empleyado na nasa ilalim ng early retirement ay ibabatay sa kanilang basic pay noong June 30, 2007. Ayon pa kay Camua, masyadong mababa ang naturang incentive computation, at hindi pa iyon ibinase sa increase na kanilang tinanggap noong nakaraang taon. Ipinaliwanag niya na ang inflation rate noong 2007 ay di hamak na mas mababa sa kasalukuyang inflation rate. Ang ibig sabihin, aniya, ay ang mabibili ng halagang P100 noong taong 2007 ay hindi na mabibili nito sa kasalukuyan. Ayon sa pahayag na inilabas ng NFA Employees Association, kinakailangang bisitahin muli ng sundan sa pahina 3
Romnick Munar nag-bitiw nang nabawasan ang oras MARILAO, Bulacan — May isang anak si Romnick Munar, 29, na halos 10 taon nang nagtratrabaho sa Indo-Phil Textile Mills sa Barangay Lambakin ng bayang ito bilang air-condition technician. Noong nakaraang Disyembre siya ay nagbitiw sa tungkulin matapos ipatupad ng Indo-Phil ang job rotation o pagbabawas ng oras sa trabaho ng mahigit 1,000 mangagagawa nito sanhi ng pandaigdigang krisis sa ekonomiya na nagsimula sa pagbagsak ng
financial market ng Amerika noong Oktubre. “Hindi na kasi kayang makabuhay ng pamilya ’yung suweldo ko,” ani Munar patungkol sa mahigit P3,000 sahod na kanyang tinanggap mula nang ipatupad ang job rotation. Iyon ay dahil sa loob ng isang buwan ay halos 12 araw lamang siya nagtatrabaho, at iyon ay nangangahulugan ng mas mababang suweldo kumpara sa dati niyang tinatanggap bawat buwan noong pumapasok siya sa trabaho ng
halos araw-araw. Ayon kay Munar, hindi naman niya masisisi ang dating kumpanyang pinapasukan sa pagbabawas ng oras ng kanilang trabaho dahil ang produksyon nito ay ayon sa laki ng order na produkto ng mga merkado sa bansa at ibayong dagat, na pinagmumulan naman ng kinikita ng kumpanya na ipasusuweldo sa kanila. “Bago pa dumating ang October naramdaman na namin, dahil nabawasan ang production ng kum sundan sa pahina 5
Romnick Munar ... nagbitiw dahil di sapat ang kinikita para sa pamilya. — DB
Mabuhay
2
PEBRERO 6 - 12, 2009
LINGGUHANG PILIPINO MULA PA NOONG 1980
EDITORYAL
Susi sa krisis MAY kasabihan sa wikang Ingles: “The best of us, comes out in the worst of times.” Para sa mga Bulakenyo, walang pasubaling totoo ang kasabihang iyan. Iyan ay napatunayan sa iba’t ibang panahon ng kagipitang pinagdaanan ng sambayanan mula sa panahon ng Kastila kung kailan ang mahihirap at mayayaman ay nagkaisang labanan ang mapanupil na pamahalaan at sistema noon. Muli at muli nating nasaksihan ang paglabas ng natural na kabutihan ng mga taong nagnanais na makahulagpos sa kagipitan. Sa ating mga pamayananang palaging binibisita ng kalamidad tulad ng pagbaha, ang mga magkakapitbahay na dati’y hindi magkasundo ay nagtutulungan, hindi lamang sa pagbibigay ng bubong na masisilungan sa dating kaaway, kundi maging makakain. Ito ay ang pagmamalasakit at pagkalinga sa kapwa — mga katangiang Kristiyano at Bulakenyo. Ito rin ang mga katangiang nagsisilbing kadluan ng lakas ng mga Bulakenyo sa nararamdamang krisis pang-ekomomiya sa kasalukuyan. Batay sa pahayag ng mga Bulakenyong tumugon sa katanungan ng Mabuhay kung ano ang kanilang gagawin sa pagharap sa kasalukuyang krisis, nanguna ang sagot na pagtutulungan o pagkalinga’t malasakit sa kapwa. Ngunit hindi lamang iyan ang kanilang gagawin upang malampasan ang pagsubok na hatid ng krisis. Binigyan diin din nila ang pagtitipid, pagiging malikhain at pagiging produktibo. Totoo. Hindi tayo maaaring maging gastador sa panahong ito kung nais nating magpatuloy na mamuhay ng may dignidad. Kailangan din ng bawat isa sa atin na umisip ng mga panibagong pagkakakitaan, at makagawa ng pamamaraan upang makatipid sa lahat ng bagay upang maitawid ang pamilya. Ang pagtitipid at pagiging malikhain ay may kaugnayan din sa pagiging produktibo. Para sa isang magsasaka, ang pagtatanim ng mga halaman at gulay sa bakuran ay isang hakbang upang matugunan ang pangangailangan sa pagkain ng pamilya. Para naman sa isang negosyante, ang pagiging produktibo ay pagbibigay ng panahon sa mga gawaing kapaki-pakinabang. Sa halip na umistambay,magkumpuni sa bahay o mag-aral ng panibagong kasanayan. Malinaw na ang mga pamamaraang ito ang susi laban sa krisis. Nakaatang sa ating mga balikat ngayon kung paano natin ito isasakatuparan. Tandaan, nasa ating mga kamay ang ating tagumpay at kabiguan. Di tayo dapat mag-atubili at umasa sa hakbang na gagawin ng gobyerno. May panahon pa. Kumilos tayo ngayon.
Mabuhay LINGGUHANG PILIPINO MULA PA NOONG 1980
Jose L. Pavia Publisher/Editor Perfecto V. Raymundo Associate Editor
EDITORIAL Alfredo M. Roxas, Jose Romulo Q. Pavia, Jose Gerardo Q. Pavia, Joey N. Pavia , Jose Visitacion Q. Pavia, Carminia L. Pavia, Perfecto Raymundo Jr., Dino Balabo
ADVERTISING
Anthony L. Pavia Managing Editor
Jennifer T. Raymundo, Carie Santiago, Sol S. Labitoria
e-mail
[email protected]
Jose Antonio Q. Pavia, Jose Ricardo Q. Pavia, Mark F. Mata, Maricel P. Dayag, Charlett C. Añasco
PPI-KAF Community Press Awards
PHOTOGRAPHY / ART
Best Edited Weekly 2003 + 2008 Best in Photojournalism 1998 + 2005
PRODUCTION
Eden Uy, Allan Peñaredondo, Joseph Ryan S. Pavia
BUSINESS / ADMINISTRATION Loreto Q. Pavia, Marilyn L. Ramirez, Peñaflor Crystal, J. Victorina P. Vergara, Cecile S. Pavia, Luis Francisco, Domingo Ungria, Harold T. Raymundo,
CIRCULATION Robert T. Raymundo, Armando M. Arellano, Rhoderick T. Raymundo The Mabuhay is published weekly by the MABUHAY COMMUNICATIONS SERVICES — DTI Permit No. 00075266, March 6, 2006 to March 6, 2011, Malolos, Bulacan.
A proud member of PHILIPPINE PRESS INSTITUTE The Mabuhay is entered as Second Class Mail Matter at the San Fernando, Pampanga Post Office on April 30, 1987 under Permit No. 490; and as Third Class Mail Matter at the Manila Central Post Office under permit No. 1281-99-NCR dated Nov. 15, 1999. ISSN 1655-3853
WEBSITE
http://mabuhaynews.com
Principal Office: 626 San Pascual, Obando, Bulacan 294-8122
Subscription Rates (postage included): P520 for one year or 52 issues in Metro Manila; P750 outside Metro Manila. Advertising base rate is P100 per column centimeter for legal notices.
Buntot Pagé
PERFECTO V. RAYMUNDO
Nagdeklara na ng pagkandidato BAGAMA’T halos isang taon at apat na buwan pa bago sumapit ang halalan sa taong 2010, may ilan nang nais na kumandidato ang nagpahayag ng kanilang hangarin na lumahok sa halalan kung ito ay matutuloy. Isa na rito si dating Senate President Manny Villar na sa palagay ng marami ay tiyak na kakandidato sa pagka-pangulo ng ating bansa. Siya ang pambato ng Nacionalista Party. Maliban kay Villar ay may ilan pang nagnanais na tumakbo sa pagka-pangulo. Nariyan si Sen. Mar Roxas ng Liberal Party. Maging sina Senadora Loren Legarda at Senador Panfilo Lacson ay may hangarin din na maging pangulo ng ating bansa. Sa panig naman ng administrasyon ay nariyan sina Bise Presidente Noli “Kabayan” de Castro na sa kasalukuyan ay siyang nangunguna sa survey. Nariyan din si MMDA chairman Bayani Fernando na may hangarin din na maging pangulo. May balita pa na maging si Makati City Mayor Jejomar Binay ay nais din ng kanyang mga kapartido sa United Opposition na lumahok sa halalan sa 2010.
Sina Villar at Roxas ay sigurado na may partido. Si Villar ay Nationalista, samantalang si Roxas ay Liberal. Saan kayang partido tatakbo sina Legarda at Lacson? Nagtatanong po lamang kami. Pulitika sa Bulacan MARAMING Bulakenyo ang nagtatanong. Sino raw kaya kina Gob. Jon-jon Mendoza at dating Gob. Josie M. Dela Cruz ang makakasagupa ni Bise Gob. Willie Sy-Alvarado sa darating na halalan sa taong 2010. Sa pagiging abala ni Gob. Josie sa North Food Exchange, marami ang nagpapalagay na ipapaubaya na niya kay Gob. Jon-jon ang Kapitolyo ng Malolos. Samakatuwid ay Gob. Jon-jon Mendoza vs. Bise Gob. Willie Alvarado sa pagka-governor sa taong 2010. Magandang labanan ito kung one-on-one ang labanan. Papaano kung may kumandidatong iba pa. May balita kami na maging si dating Gob. Obet Pagdanganan ay nais magbalik-kapitolyo. Sina Mendoza, Alvarado at Pagdanganan ay pare-parehong nasa administrasyon.
Kastigo
Sino naman kaya ang ipangsasagupa ng oposisyon. Pulitika sa Baliwag KALAT na kalat ang balita na umiinit na ang pulitika sa Baliwag. Tiyak na tiyak na raw na tatakbo sa pagka-mayor ang anak ng yumaong Kint. Ben Cruz ng BUTIL na si kasalukuyang Bise Alkalde Ferdie Cruz. Si Ferdie Cruz ay nakausap namin sa Paradise Resort sa Malolos may ilang buwan na ang nakararaan at sa aming paguusap, kasama ang mga kasapi ng Bulacan Press Club, ay nabasa ko sa kanyang mukha ang pagkauhaw sa paglilingkod tulad ng kanyang ama sa kanilang mga kababayan. Si Vice Mayor Ferdie ay naging kagawad sa Barangay Concepcion noong 1994 at nang sumunod na taon ay nanalong konsehal ng bayan. Mula sa pagiging konsehal ay nanalong bise alkalde sa sumunod na halalan. Hindi kataka-taka kung siya ang ihalal na alkalde sa bayan ng Baliwag sa darating na halalan sa susunod na taon. Kayo, ano sa palagay ninyo?
BIENVENIDO A. RAMOS
‘Mob rule’ sa camara KAHIT ngayong nasa sistemang presidensiyal pa at may dalawang kapulungan ang Kongreso ng Pilipinas, kung kumilos ang nakararaming mersenaryong kagawad ng camara de representantes ay tila mga karaniwang gangster, langkay ng mga siga’t kriminal na tinatakot hindi lang ang mga senador, kundi ang buong sambayanan. Ang ipinapangahas nila at ipinagyayabang ay sila ang mayoria, ang nakararami, bukod sa hawak nila pati si GMA. Mistulang mga asong gutom na naghahalungkat ng makakain sa mga basurahan, nagsisikmatan at nag-aagawan sa mga butong inihahagis ng Malakanyang, ang tinaguriang “kagalang-galang na mga kinatawan ng bayan”, sa palagay ng marami, ay higit na mapanganib kaysa mga teroristang kasapi sa Abu Sayyaf Group o sa Al-Qaida. Ang Abu Sayyaf Group at ang Al-qaida o Jemaya Islamiyah ay
may ipinaglalaban pang paniniwala—pampulitika man o panrelihiyon. Ang nakararaming mersenaryong kagawad ng House of Representa-THIEVES ay pansariling interes lamang nila at interes ng Unang Pamilya ang binabraso gayong inihalal sila upang kumatawan sa kapakanan at ikabubuti ng mga mamamayan ng kanilang distrito. ‘Rule of the majority?’ SA ilalim ng demokrasya, maluwag na tinatanggap, lalo na sa isang kapulungan, ang tinatawag na “rule of the majority”. Pero sa kung anong sumpa ni Judas, ang rule of the majority sa House of Representa-THIEVES ay naging mob rule o pamamayani ng mga taong tila wala na sa katinuan, sobrang masasakim, walang kinikilalang batas, at igigiit ang kanilang gusto — dahil nakakarami sila. Ang patuloy na pagsusulong
Promdi
ng “charter change” (Cha-cha) ng koalisyon o sindikato ng mersenaryong “mga kinatawan ng bayan” (kahit lantarang ibinasura na ito ng Korte Suprema, lantarang tinututulan ng taumbayan), ang patotoo ng kababaang-moral, kawalan ng delicadesa ng nakakaraming kasuklam-suklam nang miyembro ng camara de representantes. Ang malungkot, sa halip na ang pagmalasakitan ay ang paparaming walang trabaho at laganap na kahirapan at pagkagutom ng masa ng mamamayan, ang inaatupag ng mga buwayang ito ay kung paano mararagdagan ang kanilang pork barrel, kung paano mapalalawig pa ang kanilang panunungkulan at pati ni GMA, kung anu-anong proyekto ang makukunan nila ng komisyon, tongpats, at iba pang mapagkakuwaltahan! Sa aminin at hindi, ayaw ng mga mersenaryong tonggresmen, sundan sa pahina 7
DINO BALABO
Paumanhin sa kababaihan ng Hagonoy USAP-USAPAN ang ginawang walk-out ng mga kasapi ng Sangguniang Bayan ng Hagonoy sa Gawad Galing Sanggunian na isinagawa sa Diamond Hotel sa Maynila noong Martes, Enero 27 ng gabi. Baka hindi nila nagustuhan ang pagkain? *** Ayon sa mga kasapi ng Sangguniang Bayan tulad nina Vice Mayor Elmer Santos at Konsehal Pedro Santos, hindi nila nagustuhan ang mensahe ni dating Gob. Josie Dela Cruz na siyang panauhing pandangal sa gabi ng parangal sa mga natatanging Sanggunian sa lalawigan. Para daw silang nawalan ng dangal. *** Ayon sa mga dumalo na nakapanayam ng Promdi, pinahagingan ng dating gobernadora ang Sangguniang Bayan ng Hagonoy dahil naparalisa ito sa panahon ng panunungkulan nina dating Mayor Felix Ople at da-
ting Vice Mayor Marivic Alvarado na ngayon ay kinatawan ng Ika-1 Distrito. Dahil daw sa di pagkakasundo ng dalawa, hindi tuloy nagamit ang P1 milyon pondo na ipinagkaloob ni Dela Cruz sa Hagonoy noon. Pero sabi ng mga kasapi ng Sangggunian, ini-realign na nila ang nasabing pondo. *** Mas higit daw ininda ng mga kasapi ng Sanggunian ang pahayag ni Dela Cruz sa diumano’y kahirapan ng nasabing bayan, kaya’t may mga magulang na nagbebenta ng kanilang anak na babae sa mga lokal na mangangalakal. Bukod dito, sinabi rin daw ng dating gobernadora na lingid sa kaalaman ng marami na ang mga guest relations officer (GRO) sa mga night club sa Bocaue ay galing sa Hagonoy, samantalang dati ay galing ang mga iyon sa Bicol at Visayas. ***
Ayon sa mga dumalo, tama lamang ang ginawa ng mga tagaHagonoy na walk-out upang iparamdam na hindi nila nagustuhan ang mensahe ng dating gobernadora. Sabi pa ng ilan, wrong place, wrong time ang mensahe. *** Pero batay naman sa naunang lumabas na artikulo sa isang pahayag, sinabi daw ni Dela Cruz na hindi raw naintindihan ng mga taga-Hagonoy ang kanyang mensahe. Kung sabagay, mukhang si Vice Gov. Willy Alvarado ang kanyang pinatatamaan ng gabing iyon, dahil si Alvarado naman ang nagsisilbing tinik sa administrasyon ng kanyang kapatid na si Gob. Joselito “Jon-jon” Mendoza. *** Sa pananaw ng marami, kung si Alvarado ang pinasasaringan ni Dela Cruz sa kanyang mensahe ng gabing iyon, mukhang nag sundan sa pahina 7
Mabuhay
PEBRERO 6 - 12, 2009
3
LINGGUHANG PILIPINO MULA PA NOONG 1980
Depthnews
JUAN L. MERCADO
Regarding Henry
Fanning a firestorm WOULD you name a forger as Central Bank governor?” The President did just that, Senator Aquilino Pimentel claims, when Ms. Arroyo chose Vice Admiral Tirso Danga to head the National Printing Office. Among other things, NPO prints ballots for all elections. The ex-intelligence service chief’s nomination has triggered a firestorm. The National Movement for Free Elections and Parish Pastoral Council for Responsible Voting flayed Danga’s selection, saying: his fingerprints were on the “Hello, Garci” scandal. The new NPO chief “was involved in questionable issues in the 2004 elections,” noted Ambassador Henrietta De Villa. She chairs Namfrel and PPCRV. “This appointment does not augur well for transparency in the 2010 elections.” The last thing this country needs is another brawl. The administration is already up to its neck in muck: from the ZTE broadband scam, Joc-Joc’s fertilizer racket to road construction fleecing.
Yet, Ms Arroyo’s appointees stoke fury. She’d shove into the Dangerous Drugs Board ex-general Jovito Palaparan. Religious leaders have documented Palparan’s massive infractions of human rights. The Melo Commission urged charges be filed against Palparan. Now, comes Danga. If Pimentel is right, his tracks go back to the unsolved murder of Ensign Philip Pestaño in 1995 abroad the RPS Bacolod. The 24-year old cargomaster refused to allow shipments of 14,000 board feet of illegal logs, weapons, and drugs. “Kawawa ang bayan,” he told his parents after phone threats. Pestaño committed suicide, the Navy said without investigation. The naval intelligence commander then was a captain known as Tirso Danga. He defended the suicide claim, at the joint probe by the Senate Committees on Human Rights and National Defense (May 5 to Sept. 3, 1997). That inquiry found that Pestaño had been murdered, Senate President and former Supreme Court Chief Justice Marcelo Fer-
Cebu Calling
nan reported. Systematic tampering of evidence and evasions were pinpointed by a veteran investigator: then senator, now Manila mayor, Alfredo Lim. Pestaño’s alleged suicide note was shown to be a forgery. Lim flayed Lt. (jg) Joselito Calico for wiping the murder weapon. Calico promptly disappeared. “Identify the persons who participated in the deliberate attempt to make it appear that Pestaño killed himself inside his stateroom,” the senate directed the Military Ombudsman in January 1998. Eleven years later, the Ombudsman hasn’t budged beyond “preliminary investigation”. Four of seven charged, by Pestaño’s parents have vanished. The case festers. GMA News & Public Affairs launched, last week, a new program titled: “Case Unclosed”. Hosted by Kara David, it zeroes on crimes left unresolved by cupidity and short memories The first program featured the Pestaño case. The GMA program went on air as Pimentel asserted: “Danga was continued on page 7
FR. ROY CIMAGALA
The spiral of egoism I GOT into singing very early in life. As kids, my brothers and I would just pick up any song we would hear over the radio, and start singing it, often with fractured lyrics. My father would be most amused. I remember a younger brother singing his version of Matt Monro’s Born Free. Completely without shame, he would sing, “Born tree, as tree as the window,” instead of “Born free, as free as the wind blows.” I, of course, had my own blunders, but I’m not in the mood now to talk about them. But there was one song that I immediately fell in love with. I think it was sung by Sammy Davis — those in their 50s may still remember him — and its title was, What Kind Of Fool Am I. It had a very soft, soothing melody, just right for my taste at that time, just enough for me to fly to the moon, and I must have sung it a million times. But there was a line there that always struck me — I remember relishing those words in my lips so much I’d go OA singing it — for it gave me an idea of what a fool is. The line was: “It seems that
I’m the only one that I’ve been thinking of.” I found the words very relevant, since I could relate them to my problem then. If I thought always of myself, I would end up quarreling always with the brothers, that’s seven of them. If I thought less of myself, the quarrels also lessened. Our clashes often erupted on the heels of the usual forms of egoistic foolishness — laziness, greed, envy, etc. Reflecting on those years, I find it amazing that these culprits didn’t come to us. They just seemed to have sprung from us — really, an intriguing aspect of our human condition. So, eureka! I saw some connection, before I learned its original and distilled form from the Gospel or from any priest or nun in school. The secret to a more peaceful life for me, I sort of concluded, was to think less of myself! Years passed quickly, and that seed of an insight also grew and developed. Of course, now it’s like an old acacia tree that looks like it will last till time’s end itself. Now as priest, this is the advice I often give to many people who come to me telling me of their conflicts. Forget yourself, I
Forward to Basics
would say. No matter how right you think you are and no matter how wrong you think the other party is, you have to think more of him or her, and love them, the way Our Lord loves all of us! Of course, this is easier said than done. So I have to give some concrete indications with more immediate and direct effects. My favorite is to hold one’s horses, to control one’s emotions, to restrain one’s provoked feelings, to delay reacting to a problem until one is in better control of his senses. And then to pray hard, think, study and try to discover those points in the conflict that can help in bridging the gap. There must be those points. Not everything can be bad and negative. Then offer sacrifices. Ask the intercession of saints, etc. In short, go to our Lord. I think that idea is born directly from our Lord’s words: “Come to me, all you that labor and are burdened, and I will refresh you. Take my yoke upon you, and learn of me, because I am meek and humble of heart …” (Mt 11,28-29) continued on page 7
FR. FRANCIS B. ONGKINGCO
The canvas of our souls THERE is a touching story – whose precise details I unfortunately no longer recall — about John Paul the Great and how a brief encounter with an unsuspecting architect student eventually led to a vocation to the priesthood. The American student travelled to Rome to broaden his exposure to classical architecture. One day, some of his American classmates who had spent more time in the Eternal City, invited him to an audience with John Paul II. His reaction was, “I didn’t come here to see the Pope.” And he refused their cordial invitation. His friends, however, continued to insist. They shared their wonderful experience of being close to the Holy Father. They even said they could get him a special invite to get really close to the
Pope. The architect finally gave in to their insistence and accepted their offer. In his first audience he observed how attentively the people listened to the Pope. Later on, some pilgrims sang songs and cheered the Holy Father. Others were simply immersed in prayer. He was seated in the first row reserved for special guests and for the sick and disabled. After the Pope finished his address, he stood up and went down to greet the crowd. The people began to chanting and cheering, “Viva il Papa!” Others raised banners and flags to greet the Vicar of Christ. The architect suddenly felt himself being swept by that euphoric atmosphere. He started cheering and became very excited as he saw the Pope approaching. When the Pope came to where
he stood, the student excitedly introduced himself, “Holy Father, I’m so-and-so, an architect spending some months here in Rome. I love to paint and I’m very happy to meet you.” John Paul II briefly acknowledged his greeting, smiled, blessed him and went on greeting the other pilgrims. He was totally overwhelmed with joy and gratefully recounted this unforgettable experience to his friends. He even recalled having shared with the Holy Father that he played tennis. But after a few days he became skeptical about his reaction. He thought he was only influenced by the crowd. To clear this doubt, he asked his friends for another special ticket. This time he decided, “I won’t go with the crowd, I won’t even budge from my place to greet the continued on page 7
HENRYLITO D. TACIO
Caring for others THEY may be wealthy and famous but it doesn’t mean they don’t care about other people. In fact, they lend their names and even share their time and talent to help the needy and those who need compassion. That is what martial arts actor Jet Li has been doing since his near-death experience during the devastating 2004 tsunami. “Up to then, I had spent the first 41 years of my life thinking of Jet Li: Jet Li number one. But now I thought, ‘However powerful, however famous, in that moment it cannot help you,” he told Reader’s Digest, which has chosen him as its Asian of the Year 2009. Three years after the harrowing event, he launched the Red Cross Jet Li One Foundation. And it is for this reason why the prestigious magazine has handpicked him over several other contenders. “We have always strived to put out ordinary people on a pedestal and pull celebrities back down to earth,” wrote Editor in chief Jim Plouffe. “Recognizing Li as our Asian of the Year lets us do both.” Think big thinking small — that’s the idea behind One Foundation. The magazine informs, “Starting in China, Li has set out to raise one yuan (about seven pesos) from every person each month. He likens it to one big family helping each other out.” “I believe helping each other starts with the individuals,” Li explains. “It is everybody’s responsibility to give. If everyone gives one yuan every month, it will add up to billions of dollars.” The 45-year-old actor himself revealed, “The Jet Li One Foundation is my life and movies just one of my hobbies.” In a news dispatch, he also bared this information: “(The foundation) is not just about raising money but also about changing people’s beliefs and spreading a culture of love.” Another Chinese actor who is doing the same thing is Jackie Chan. When he was born in Hong Kong, his parents couldn’t afford the hospital bill or food for him. In fact, he was almost sold to a British doctor for US$200. “I was born into a poor family, and I stayed at an opera martial arts school for ten years,” he recalls. “Every month, the Red Cross would come, and we would wait in line for clothes, shoes or milk powder.” One day, a priest gave him some milk. He thanked the priest, who replied with these words: “Don’t thank me. When you’re grown up, you will help other people.” But it was after an incident where he almost died (when he fell from a tree while filming Armour of God in Yugoslavia) that he launched the Jackie Chan Foundation. In an interview with Reader’s Digest in 2004, the Chinese superstar revealed this thought: “I have a project in mind. I cannot say it will succeed, but I will give it a go. I have already about 50 hectares of land in China, and I will establish a school and recruit students from all over the world. We will start with this prototype of less than 100 people, living together, learning the cultures of others, making movies. If there are then million more Jackie
Chans, then this (idea) will flourish and bear fruit. We will know others better.” Last December 4, 38-year-old Somaly Mam was given the Human Dignity Award by the German-based Roland Berger Foundation. She was cited “for her relentless fight to create a world without slavery.” She was 10 when she was sold to a traveling trader, whom she called “grandfather.” At 14, she was forced to marry a soldier, who beat and raped her. When her husband did not return from a war, she was again sold to a brothel in Phnom Penh, at age 16. In the next six tormenting years, she spent her life in different brothels with other girls who were physically and mentally abused. Her experience did not stop her to help other sex victims. In 1996, she established the Acting for Women in Distressing Situations, whose primary objective is to rescue women languishing in brothels and offering them refuge. Although her 14-year-old daughter was kidnapped, raped and sold to a brothel by people who were infuriated by her work, it didn’t stop her from pursuing her goal. To date, more than 3,000 sex workers have been given new life. The non-government organization also offered them psychological and medical treatment and vocational training. Although the name Dr. Teofredo T. Esguerra may not ring a bell, he is the only high altitude physician in Southeast Asia. He was also the only doctor who joined the First Philippine Mount Everest Expedition Team in 2006. During that famous mountain climbing, Doc Ted (as he is popularly known) became the most popular figure in the mountain when he rendered medical treatment for free (where charges were as much as $75 for checkups and treatments). One memorable case was saving the life of Indonesian trekker Amalia Yunita. She was suffering from cerebral edema, meaning her brains were filled with water. “This was an ICU (intensive care unit) case,” recalls Doc Ted, “but she could not be brought down because she would die of the extreme cold.” Incidentally, the Italian team had a laboratory at Lobuche known as the Pyramid. Despite the fact that Doc Ted was from another country, they allowed him to use their equipment. The next day, Yunita recovered fully from her ailment. “This is my profession and a service I want to do as a Filipino doctor,” he says. “What was important is that they remember that a Filipino doctor treated them, and treated them well. So, next time a Filipino passes through this area, I hope the locals will remember me and treat those Filipinos well too.” Nathan C. Schaefer said it well: “At the close of life, the question will be: not how much have you got but how much have you given? Not how much you have won but how much have you done? Not how much have you saved but how much have you sacrificed? It will be how much have you loved and served, not how much were you honored?” —
[email protected]
32 sa Bulacan ang hagip ... mula sa pahina 1
gobyerno ang implementasyon ng EO 366. Binigyang diin ng asosasyon na ang mandato ng NFA ay magbigay ng seguridad sa pagkain ngunit ang pagkawala ng hanap-buhay ng 800 empleyado nito ay nangangahulugan ng pagkagutom ng mga pamilyang apektado. Idinagdag pa ni Camua na kung sakaling muling tamaan ng krisis sa bigas ang bansa mahihirapan ang NFA sa aspeto ng manpower na siyang nagsagawa ng price monitoring nitong nakaraang taon.
Mabuhay
4
PEBRERO 6 - 12, 2009
LINGGUHANG PILIPINO MULA PA NOONG 1980
Buhay Pinoy MANDY CENTENO
Trabaho para sa Bulakenyo Natatanging itong DOLE Kagawaran Hndog ay trabaho, mahalagang tunay At mayro’n pang tulong na pangkabuhayan Nauukol ito sa taga-Bulacan. Tinawag na TUPAD, nasabing proyekto Tulong Pangkabuhayan, disadvantaged na tao Mga “out-of-school”, at walang trabaho “Community Project,” nauukol ito. Itong tatanggapin, mga trabahador Mula San Rafael, Marilao, Hagonoy Sa San Ildefonso, kukuha din doon Suweldong ibibigay, mahalaga iyon. Ang taga-Balagtas, dito’y tumanggap na Kulang isang milyon, ang naging halaga Ukol sa nakuhang manggagawa nila Sa proyektong TUPAD, DOLE ang pag-asa. Ang nagsitanggap din, tulong na pinansyal Tatlo ang NGO, walong bayang lokal Ang “informal sector” hangad matulungan Ito’y karagdagang mapagkakitaan. Tatlong natulungan na mga NGO Commission on Service, Caritas Malolos Pagtatangkilikan, multi-purpose coop Sa Barangay Ligas, at Catmon multi-purpose Ang anim na bayan, dito’y natulungan Paombong, San Rafael, Guiginto, Bocaue man Baliuag, Balagtas, pamahalaang lokal San Jose Del Monte, Malolos, mga lungsod naman. Ang “Greater Modular Access” o G.M.A. Kiosks na tanggapan, ito’y karagdagan Sa Paombong at Angat, Sta. Maria’ng bayan Calumpit, Baliuag, ang matutulungan. Mga residente, limang bayang ito Puwedeng makakuha dito ng trabaho Sa labas o loob, ating bansa dito Ngayo’y mag-aplay na sa trabahong gusto. Kiosks sa Bulacan ay pinasimulan Taong 2008, ngayo’y naragdagan Labing-isa lahat, itong kabuuan P1.5 milyon na ang halagang tunay. Mga kapus-palad na walang tabaho Sa G.M.A. Kiosks mag-aplay na kayo Sa bayang nabanggit, ito’y sigurado Ang handog ng DOLE, TUPAD para sa n’yo.
Kid’s Corner MARVIC KAIZZ SOBREVIÑAS 1
2
3
Napapanahon
LINDA PACIS
Saksi ang Mabuhay sa mga kaganapan SA nakaraang 29 taon ng Mabuhay, hindi na mabibilang ang mga pagbabago kung saan naging instrumento ang pahayagang ito sa lalawigan ng Bulakan. Isang halimbawa ay sa bayan ng Baliwag nang simulan ng Mayor’s Squad ng noo’y Mayor Rolando Salvador ang pambubugbog sa mga nahuhuling magnanakaw sa Glorietta sa harap ng maraming tao. Ipinakikita sa publiko ang sipa, suntok, dagok sa mga kriminal na naturingan kahit hindi pa nasisintensyahan ng hukuman. Violation of human rights ba ang tawag dito? Police brutality kung nakatago sa headquarters ngunit ang sa Mayor’s Squad ay pampubliko. Nalathala noon sa Mabuhay ang isang artikulo tungkol sa pambubugbog matapos makahuli ang Mayor’s Squad ng isang lalaking nanghablot ng kuwintas ng isang estudyanteng babae na nakaupo sa Glorietta kasama ang isang kamag-aral. Nahuli ang snatcher ng squad at ipinarada sa plaza at sa Glorietta habang binubugbog. Malas nila dahil nadaan ako noon sa lugar na iyon at nasaksihan ang mga pangyayari kaya’t nalathala ang kaganapan na iyon. Mula nang ilathala ng Mabuhay ang pangyayari, tumigil na rin ang Mayor’s Squad sa kanilang ginagawang pambubugbog. Minsan pa, may pulubing babae na nakaharang sa pintuan ng kumbento ng simbahan ang pilit pinapaalis ng Mayor’s Squad pati na ng mga pulis ngunit ayaw tumayo sa kanyang pagkakahiga ang pulubi. Akmang pupuwersahin na sana ng grupo ang pagpapaalis sa pulubi nang matanaw nila ang inyong lingkod sa may pintuan ng opisina ng simbahan kaya’t iniwanan na lamang ang pulubi. Sa Glorietta din nangyari noong panahon ni Ex-Mayor Florentino Vergel ang kaso ng Palamigan sa Parke. Hindi ako ang nagsulat nito para sa Mabuhay kundi ang kasama namin sa pahayagan na si Teddy Cecilio. Siya din ang nagsulat ng artikulo nang balak ibenta ang lumang munisipyo na tinutulan ng Baliwag Historical Society. Dahil sa pagtalakay ng Mabuhay sa dalawang kontrobersyal na isyu, nasara ang Palamigan sa Parke at hindi na natuloy ang pagbenta sa lumang munisipyo. Kasalukuyang ito ay ginawang classroom ng PUP Baliwag ni Mayor Romy Estrella. Kami pa rin ang nagsulat tungkol sa mga babaeng mabababa ang lipad o mga tinaguriang pokpok sa Glorietta
at nag-interbyu sa isang mamasan o bugaw. Dinadayo ito ng mga taga ibang bayan kaya’t napakasama ang imahe ng bayan ng Baliwag. Isang nakausap kong pokpok ang nagbida na mayroon siyang dalawang anak at doon sila nakatira sa sementeryo at natutulog sa ibabaw ng nitso. Sinamahan namin siya sa Bethlehem House of Bread upang ipaampon ang mga bata ngunit walang nangyari dahil sa mga rekotitos na mga papeles ng naroong tauhan ng DSWD. Wala kasi noon si Fr. Boyet Concepcion. Matagal din na panahon na sa mga nakaupong opisyal ng bayan ay walang pumansin sa mga hanapbuhay ng mga pokpok sa Glorietta. Noong maupo si Bokal Ferdie Estrella, nilinis niya ang Glorietta sa mga pokpok at ang Barangay Poblacion sa mga video karera bilang barangay capatain ng Poblacion, Baliwag. Hindi lang sa Baliwag naging catalyst for change ang Mabuhay. Isinulat din namin noon ang maruming toilet ng Barasoain Church na isang tourist destination, dinadayo ng mga turista mula sa iba’t ibang bansa at maging ng mga lokal na turista. Nang ilathala ng Mabuhay ang karumihan nito, nagalit sa amin ang pari, si Fr. Jay Lina, curator noon ng Barasaoin museum. Sabi pa niya, bakit hindi ako magsulat ng magaganda at mga pangit pa ang nakikita ko. Noong nakausap namin ang noo’y Gob. Josie Dela Cruz, sinabi niya na “totoo naman na marumi ang toilet nila kaya’t binigyan ko ng pondo upang makapagawa ng bago.” Nang mabago na ang palikuran ay para na itong comfort room ng mga mamahaling hotel — malinis, mabango, at may bantay kaya’t hindi puwedeng salaulain ng mga gagamit nito. Sa mga nagdaang panahon, marami pa kaming pinakialaman gaya ng tambak-tambak na basura sa patubig ng Barangay Sabang, Baliwag. Kaya pala ay ang mga bahay sa kurba papuntang San Rafael ay doon lahat nagtatapon dahil di nakakarating ang trak ng basura. Nang malaman ito ni Sabang Barangay Captain Mario Katipunan, inayos niya upang makadaan sa naturang kalye ang trak ng basura. Ngayon, wala nang dahilan upang ang mga residente ay sa patubig pa magtapon ng kanilang basura. Isa pang pangyayari sa Barangay Sabang ay nang isulat namin ang tungkol sa malakas na sound system
Kakampi mo ang Batas
ng Mt. Carmel Church kung saan ang seremonya ng simbahan ay dinig na dinig ng mga nakapaligid na kabahayan. Hindi naman lahat doon ay Katoliko. Nagalit ang parish priest na si Fr. Barry Mercado sa amin. Bakit daw hindi mga positibo ang isulat ko at hindi ’yong mga pangit. Pero ayon sa mga taga-roon, hininaan ng konti ang volume ng sound system. Sa Barangay Tiaong, konting ulan lang ay binabaha na ang panulukan ng Abraham at Rizal na pasukan ng barangay. Unang-una, ang mga residente ay itinatapon sa kalye ang kanilang pinagwalisan, pinaglabahan, at mga basura. Pangalawa, walang naglilinis. Sabi ng dating kapitan: Gagawin ba kaming janitor ng barangay? Pero ang bagong halal na Kapitan, ang namatay na si Barangay Capt. Jose Rivera Ignacio, ang naglilinis ng kanal at ang paglilinis ay regular na itinataguyod ni kasalukuyang Barangay Captain Ricky Romulo. Sa Barangay Tiaong din nangyari ang death threat sa amin dahil sa isyu ng videoke. Ang ilang residente doon ay sugapa sa videoke lalo na ang mga asawa ng OFW. Kung magpatugtog at kumanta ay inuumpisahan sa umaga tuloy-tuloy hanggang sa hating gabi. Kung magsitigil ay ika-3 na ng madaling-araw. Kung kailan dis-oras na ng gabi ay saka nilalakasan ang tunog at pasigaw na ang pagkanta. Dahil sa pagsisikap ng Mabuhay na maituwid ang mga maling gawi sa komunidadd, nagalit ang ibang residente at naghamon na ng ganito: “Magpatayan na lang tayo,” sabi ng isang asawa ng OFW. Ipina-barangay ko tuloy siya. Dahil sa pangyayari, naglabas ang barangay council ng kautusan na ang paggamit ng videoke ay hanggang ika12 ng hating gabi. Hindi lamang pagpuna ang ginagawa ng Mabuhay. Pinupuri din ang mabubuting gawa, kinikilala at ipinagbubunyi ang mga achiever, negosyante, matanda man o kabataan. Nagbibigay paghanga sa kasipagan, kabutihan at katapatan ng mga opisyal na namumuno, at ipinagbubunyi ang pagsisikap ng mga ito na mapaunlad ang kabuhayan ng mga taong kanilang pinaglilingkuran. Sa nakaraang 29 taon ng Napapanahon sa Mabuhay, masasabing makasaysayan at hitik sa mayamang bunga ang ani ng mga ipinunlang pagsisikap, pagod, pawis at pakikialam sa komunidad ng bayang Baliwag.
ATTY. BATAS MAURICIO
4
5 6 7
Mga titulo ng lupa
8
9
11 12
13
14 17
15
16
18 19
20
21
22
23
24 25
26 27
ACROSS 1. friend 3. great reputation 6. no value 7. plant pests 9. past tense of glide 11. rest in peace 12. low male voice 15. outlet 17. share stories 19. musical syllable 20. one (Scots.) 21. “Tag!You’re __.” 22. negative answer 24. exhaust 25. said when surprised 27. scream DOWN 2. sluggish 4. heavy drinking cups 5. metal disk
7. what we do to clothes 8. way to entrance 10. mark of stain 13. wheel and _ _ _ _ 14. container 16. _ _ _ _ lights 17. to slash 18. camping shelter 21. object 23. where we bake 26. the life force T A R S P I R E S
E
J
I
O
Y
B
Z W B A N G F I R E A O G R E T A I L A I R N I G K O U V I N A T E N L N D I M S U N E E T X L U P A S O O T E
E A M O H E D E
E U R O O
Solution to last week’s crossword
TANONG: Dear sir, nais ko po na malaman kung anu-ano ang dapat kong alamin o gawin para makatiyak ako na ’yung sinangla sa akin na lupa at bahay ay walang ibang problema. Salamat po. Hariss. –
[email protected] SAGOT: Hariss, maraming salamat po sa e-mail na ito. Sa ilalim ng Civil Code of the Philippines, Presidential Decree 1529 (o ang Property Registration Decree) at ng Act 3135, ang isang ari-ariang isinasangla ay ituturing na walang problema kung walang nakatatak na anumang paghahabol sa titulo o tax declaration na nakakasakop dito. Itinuturing kasi ng nasabing mga batas na malinis ang isang titulo at walang problemang nakakabit dito kung sa kanyang titulo at sa kanyang tax declaration ay walang nakalagay na naghahabol, sa anupamang kadahilanan. Dahil diyan, ipapayo ko sa sinumang nagnanais bumili o magsangla ng isang lupa o iba pang ari-ariang di natitinag na magtungo muna sa Registry of Deeds at sa Office of the Assessor at kumuha ng certified true copy ng titulo at ng tax declaration nito, at inspeksiyunin kung wala ngang nakatatak doon. Kung wala, maaaring ituloy na ang sanglaan o bilihan, pero kung mayroong nakatatak, ipapayo kong dapat ay liwanagin muna kung ano ang nakatatak na ito.
Locus standi – katayuan ng isang tao na magsampa ng kaso sa hukuman TANONG: Magandang umaga po. Tanong ko lang po kung ano ang Locus Standi at applicable po ba ito sa Barangay Chairman na dinemanda sa Ombudsman ng taong hindi direktang naapektuhan ng administrative at criminal violation na ginawa niya? Maraming salamat po! –
[email protected] SAGOT: Maraming salamat po sa e-mail na ito. Sa ilalim ng mga umiiral na batas, kagaya ng 1997 Rules of Civil Procedure, kailangang may interest ang isang taong nagnanais magsampa ng kaso sa kanyang kapwa, o di kaya ay apektado ang kanyang mga karapatan sa mga pangyayaring siyang batayan ng kaso. Ito ang tinatawag na locus standi — o ang katayuang legal ng isang nagnanais maghabla. Kung wala siyang maipapakitang interest sa kaso, o kung wala siyang karapatang apektado ng mga pangyayari, ituturing na wala siyang locus standi, o wala siyang karapatang magsampa ng kaso laban kaninuman. Sa isyu kung ang isang naghabla sa isang barangay chairman ay may locus standi kung hindi direktang naapektuhan ang kanyang mga karapatan sa mga ginawa ng nasabing chairman, maliwanag ang magiging kasagutan dito. Walang karapatan ang isang tao na magsampa ng kaso laban sa baran-
gay captain kung hindi apektado ang karapatan ng taong ito. Pero, magkaganunman, maliwanag na kung ang isang barangay captain ay gumawa ng isang bagay na nangangailangan ng paggastos ng pondo ng barangay, at ang pagkilos na ito ng chairman at ang paggasta ng pera ng barangay ay lumabag o lalabag sa batas, maaaring magsampa ng kaso ang kahit na sinong residente ng barangay, upang papanagutin ang opisyal, o di kaya ay upang pigilin ang paglabag na ito. Business permit at lisensiya, kailangan pa din para sa mga maliliit na negosyo TANONG: Magandang araw po! Ako po ulit si Josef Bryan Plaza. Kailangan ko pa rin bang humingi ng business permit at iba pang mga kinakailangang requirements? Kahit na maliit na halaga lamang na nag ra-range sa P1,000-P5,000 lang ang kaya kong ipautang sa mga client ko? Pwede rin po bang malaman kung ano ang tamang interest na ipapatong ko sa halagang hinihiram nila? Maraming salamat po. –
[email protected] SAGOT: Maraming salamat po sa e-mail na ito. Sa ilalim ng mga umiiral na batas sa pagkakaroon ng negosyo sa isang bayan, kailangan pa din po ng business permit at iba pang mga lisensiya upang makapagnegosyo ng legal ang isang negosyante, kahit na sundan sa pahina 6
Mabuhay
PEBRERO 6 - 12, 2009
5
LINGGUHANG PILIPINO MULA PA NOONG 1980
Romnick Munar nag-bitiw Sa kabila ng krisis, may nang nabawasan ang oras pag-asa – Mayor Pascual mula sa pahina 1
panya,”ani Munar. Naghintay pa siya hanggang bago dumating ang Disyembre, ani ng aircon technician, ngunit hindi na maibalik sa dati ang trabaho nila. “Nag-resign na lang ako kasi hindi na kakasya sa pamilya ko ’yung kita ko, eh may isa akong anak,” aniya at idinagdag na nagsapalaran siya na mag-sideline at humanap ng trabaho sa ibang kumpanya. Ngunit hanggang sa makapanayam si Munar ng Mabuhay noong Enero 28 ay wala pa siyang napapasukang ibang kumpanya. Siya ay kabilang sa 219 na manggagawa ng IndoPhil Textile Mills na nawalan ng trabaho, at sila naman ay kabilang sa may 400 mangagawang Bulakenyong nawalan ng hanapbuhay mula noong Disyembre. Ayon kay Efren Reyes, panglalawigang direktor ng Department of Labor and Employment (DOLE), ang iba pang kumpanyang nagbawas ng trabahador sa Bulacan ay ang Republic Cement sa bayan ng Norzagaray at ang Four Seasons Apparel sa bayan ng Guiguinto. Ang dalawa ay kapwa nagtanggal ng 68 empleyado mula noong Disyembre. Sinabi ni Reyes na ang
pagtatanggal sa mga trabahador ay bahagi ng cost cutting o pagtitipid ng mga kumpanya bunsod na rin ng inilarawan niyang “slight effect” ng global financial crisis sa Bulacan. Ayon sa opisyal ng DOLE, kung may mga kumpanyang nagbawas ng bilang ng mga manggagawa sa Bulacan, mayroon ding nagsasagawa na lamang ng job rotation. Kabilang sa mga nagbabawas ng working hours ang Huey Commercial Inc. sa bayan ng Calumpit, SunKing Electronics sa Lungsod ng Malolos at Manila Luggage dito sa Marilao. May kabuoang 209 na manggagawa ang isinailalim sa job rotation. Ipinaliwanag ni Reyes na mas mabuti ang job rotation kaysa mawawalan ng hanapbuhay sapagkat sa pagbabawas ng oras ay may maiuuwi pa rin pera ang manggagawa para sa pamilya. Sinabi rin ni Reyes na marami na ring kumpanya ang nagbawas ng araw ng trabaho. Ang ilan ay pinapapasok na lamang ang mga empleyado ng tatlo hanggang apat na araw sa loob ng isang linggo. “Mabuti na rin ’yung job rotations at reduced working days kaysa lay off,” ani Reyes, “dahil sa job rotation at reduced working
days nariyan pa rin ang kanilang mga manggagawa kung sakaling kailanganin nila ang mga ito kapag nanumbalik na ang mga bulto ng trabaho sa kanikanilang kumpanya.” Ayon kay Leonard Caluag, isang empleyado ng sa SunKing Electronics sa Lungsod ng Malolos, Agosto pa noong nakaraang taon nang simulan ang pagbabawas ng araw ng trabaho sa kanilang kumpanya. Noong una ay naging apat na araw, ngunit ngayon ay tatlong araw na lamang, ani Caluag. “Mababa ang production output dahil halos walang order sa abroad,” aniya. Sa kabila ng kabawasan sa araw ng pagtatrabaho at kabawasan sa suweldo ay masasabing masuwerte pa rin sila, aniya, dahil ang produkto ng Sun King ay sa Japan ibinebenta at hindi sa Amerika. “Kung sa U.S. dinadala ang products namin, malamang matagal na kaming walang trabaho,” ani Caluag, dahil na rin sa ang mga pabrika ng electronics sa Amerika ay nagsipagsara na. Ang Sun King Electronics ay gumagawa ng electrical transmittal coil sa radyo at ibang electronics equipment, na ibinebenta sa Japan. — Dino Balabo
PAGBATI Taos pusong pagbati sa ika-29 na kaarawan ng Mabuhay na isinilang sa makasaysayang lalawigan ng Bulacan. Nagpapahatid din ako ng matapat at taimtim na pagbati sa pamunuan ng Mabuhay, lakip ng dalanging nawa’y kasiyahan kayo ng Poong Lumikha.
Emelita L. Villanueva City Librarian
Quezon City Public Library
mula sa pahina 1
tupad ng pagbabawas sa oras ng trabaho at araw ng trabaho (basahin ang kaugnay na balita sa pahinang ito). Ayon kay Mayor Isagani Pascual ng bayang ito, ang mga pagtatanggal ng mga trabahador at pagsasara ng mga kumpanya ay normal na bahagi ng pagnenegosyo lalo na kung may krisis. “Normal lang iyan. May nagsasara, pero marami din namang nagbubukas,” ani Mayor Pascual nang makapanayam ng Mabuhay noong Enero 28. Bilang isang dating negosyante na nagtayo at namahala sa RIS Industrial Complex dito sa Guiguinto na itinuturing na isa sa pinakamatagumpay sa Bulacan, sinabi ng alkalde na hindi dapat mabahala ang mga tao sa mga balitang pagsasara ng ilang pabrika katulad ng Four Seasons Apparel sa RIS. Nagsara ang Four Season at 68 manggagawa ang nawalan ng trabaho. Masuwerte ang Pilipinas, aniya, dahil hindi masyadong maapektuhan ang bansa ng krisis pang-ekonomiya. “Mapalad tayo,” aniya. “Hindi tayo masyadong aabutan ng krisis kasi nailatag ni President Gloria (Arroyo) ang ground work.” Pinayuhan din ni Pascual ang mga negosyante at mangangalakal na maging konserbatibo sa kanilang mga desisyon. “Let’s do everything in moderation. Maging maingat tayo sa paggastos,” aniya. “Lets cut costs of doing business.” Sinabi naman ni Jeremias Caguingin ng Bulacan Investment Promotion Division (BIPD) ng pamahalaang panglalawigan na mas apektado ng pandaigdigang krisis pang-ekonomiya ang mga kumpanyang kabilang sa manufactur-
ing sector, kumpara sa mga kumpanyang kasama sa hanay ng Business Process Outsourcing (BPO). Sinabi rin ni Caguingin na patuloy ang pag-unlad ng BPO companies sa lalawigan at maging ang Commission on Information Communication Technology (CICT) ay nakapansin nito. Dahil dito, aniya, limang bayan at lungsod sa Bulacan ang napabilang sa “Top Ten Next Wave Cities for outsourcing” sa bansa. Ang mga top 10 next wave cities ay ang mga sumusunod: 1. Metro Laguna 2. Metro Cavite 3. Iloilo 4. Davao 5. Bacolod 6. Pampanga: Angeles at Mabalacat 7. Bulacan: Meycauyan, Marilao at Baliuag 8. Cagayan de Oro 9. Bulacan: Malolos at Calumpit 10. Lipa, Batangas Kaugnay nito, umabot na sa mahigit 400 manggagawa sa iba’t ibang pabrika sa Bulacan ang nawalan ng trabaho dahil sa krisis. Ayon sa mga namamahala sa mga pabrika, mababa ang production output nila dahil sa mababa ang demand sa ibayong dagat, kaya’t napilitan silang magbawas ng manggagawa. Mayroon namang mga pabrika na nagbawas ng oras ng trabaho at mayroon ding nagsagawa ng pagbabawas ng araw ng trabaho. Ayon naman sa ilang manggagawa, napilitan na rin silang magbitiw sa trabaho dahil halos wala silang kinikita. — Dino Balabo
PAGBATI Maligayang bati sa Mabuhay sa inyong ika-29 na Anibersaryo! Mabuhay tayong lahat! Mayor Donato Marcos Paombong, Bulacan
6
Mabuhay
PEBRERO 6 - 12, 2009
LINGGUHANG PILIPINO MULA PA NOONG 1980
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
Kakampi mo ... mula sa pahina 4
maliit lamang ang puhunan, at maliit na halaga lamang ang pinauutang. Kung magnenegosyo po ang isang tao, lalo na ng pagpapautang, ng walang paunang business permits at licenses, maaari pong maipasara ang kanyang negosyo. Sa kabilang dako, ang tamang interest sa pautang ay yung legal na interest lamang, na ayon sa Kodigo Sibil ng Pilipinas at sa mga desisyon ng Korte Suprema ay dapat isang porsiyento lamang bawat buwan, o labindalawang porsiyento sa isang taon. Lalaking di nagbibigay ng suporta makukulong ng 20 taon TANONG: Good Morning, Atty. Nais ko po sanang malaman kung anong legal action ang pwede kong gawin sa aking asawa na hindi nakakapagbigay ng sustento sa amin mag-ina. Nine years na po kaming hiwalay dahil nambabae po siya at nagawa rin niya po akong saktan. Simula po na naghiwalay kami taong 2000 hindi na po siya ni minsan nakapagbigay sa aming mag-ina kaya po tinaguyod ko magisa ang dalawa kong anak sa tulong ng aking mga magulang. Itong nagdaang taon 2008 nagkita po kami at nakapag-usap tungkol sa aming mga anak. Nangako po siya na magbibigay ng sustento sa amin, ngunit hindi na naman niya ginawa. Nalaman ko rin po sa kanya na meron na siyang kinakasamang iba at meron po silang tatlong anak. Tulungan po sana ninyo ako na makakuha ng sustento sa kanya. Hindi ko na po kasi kayang matugunan lahat ng gastusin ko sa dalawa kong anak lalo na at may sakit na Hemophilia ang bunso kong anak. Umaasa po ako na matugunan ninyo ang aking suliranin. Salamat po. Myra Acosta Las Pinas City –
[email protected] SAGOT: Myra Acosta, maraming salamat po sa e-mail na ito. Sa ngayon, hindi na po dapat problema ang paghingi ng suporta para sa asawang babae at sa mga menor de edad na anak. Ang dahilan, masyado na pong maraming mga batas ngayon na nagpapataw ng mabigat na parusa para sa mga lalaking hindi nagbibigay ng tamang suporta sa mga asawang babae at sa mga anak na wala pa sa wastong edad. Ang dalawang pangunahing batas ukol dito ay Republic Act 9262 (AntiViolence Against Women and their Children Act of 2004) at Republic Act 7610 (Anti Child Abuse Law). Batay sa dalawang batas na ito, kung hindi magbibigay ng suporta ang asawang lalaki sa kanyang asawa (ke hiwalay na sila o nagsasama pa), maaari itong makulong ng halos 20 taon, samantalang kung hindi naman ito magbibigay ng suporta sa mga bata (ke nasa pangangalaga niya o hindi), maaari naman itong makulong ng hanggang 18 taon. Dahil diyan, kailangang padalhan ng asawang babae o ng kanyang mga menor de edad na anak ng sulat ang lalaki, at hingin ang pagbibigay ng suporta sa kanila. Kung hindi pa din ito magbibigay ng suporta matapos matanggap ang sulat, at matapos makalipas ang araw na ibinigay sa kanya upang magbigay ng suporta, maaari na siyang mademanda ng dalawang kasong ito. *** BATAS NG DIYOS: “… Mayroon bang hindi kayang gawin ang Diyos? …” (Genesis 18:14) PAALALA: Maaari po kayong tumawag sa aming mga landline, (02) 99468-05, (02) 433-75-49 at (02) 433-7553, o di kaya ay sa aming mga cellphone, 0917-984-24-68 at 0919-60964-89. O sumulat sa aming address: 18 D Mahiyain cor Mapagkawanggawa, Teachers Village, Diliman, Quezon City. O mag-email sa website na ito: www.batasnews.com, o sa
[email protected].
Pangalagaan ang kalikasan!
Mabuhay
PEBRERO 6 - 12, 2009 ○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
Cebu Calling
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
from page 3
I think these words are not meant to apply only on some occasions. They are meant for all spells of difficulty we may find ourselves in. In the first place, our nature and constitution, what with our spiritual aspect, requires us to set our sights and thoughts outside of ourselves. The moment we look too much into ourselves, we spin a spiral of egoism that can be very dangerous, even fatal, to us. And then our Lord himself commanded us to love God with all our might and others as ourselves. We cannot remain simply loving our own selves. The home where we truly can lay our hat, feel secure and most happy, is not in ourselves. It’s in our communion with God and with others. We need to get out of that spiral that plunges us deeper into ourselves, poisons our thoughts, and detaches us from others, and especially from God, the ultimate Other. ○
○
○
○
○
○
○
○
○
Kastigo
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
mula sa pahina 2
lalo na ang mga nasa huling yugto ng panunungkulan, na matuloy ang halalan sa 2010. Dahil alam nilang gising at suya na ang mamamayan sa kanila, naaalarma na ang simbahan, at maging ang mamumuhunang dayuhan na nagsisilayas na sa atin. Alam ng mundo na ang grabeng katiwalian na nagpasikat sa Pilipinas bilang may pinaka-corrupt na gobyerno at pinakamapanganib na panirahan ng mga peryodista at aktibista ay bunga ng pakikipagsabwatan ng nakararaming mersenaryong miyembro ng camara de representantes kay Aling Gloria, ang Pangulong pinakaunpopular sa kanyang bansa at dapat sana’y matagal nang napatalsik sa Malakanyang — kung hindi sa umiral na MOB RULE sa Kongreso.
EXTRA-JUDICIAL SETTLEMENT OF ESTATE WITH SPECIAL POWER OF ATTORNEY NOTICE is hereby given that the estate of the deceased ERLINDA Y. SANTOS who died intestate in St. Luke’s Medical Center on June 9, 2008 left a parcel of land situated at City of Angeles, Province of Pampanga covered by TCT No. 128457 containing an area of SIX HUNDRED SEVENTY FIVE (675) square meters, executed by her heirs before Notary Public ROSELLER T. LOGRONIO; Doc. No. 167; Page No. 35; Book No. XLI; Series of 2008. Mabuhay: February 6, 13 & 20, 2009
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES LOCAL CIVIL REGISTRY OFFICE PROVINCE: BULACAN CITY/MUNICIPALITY: OBANDO
NOTICE FOR PUBLICATION In compliance with Section 5 of R.A. Act No. 9048, a notice is hereby served to the public that MA. CLARISSA SALVADOR TAN has filed with this Office a petition for change of first name MARIA CLARISSA to MA. CLARISSA in the birth certificate of MA. CLARISSA S. SALVADOR who was born on 14 June 1961 at Obando, Bulacan, Philippines and whose parents are JOSE C. SALVADOR and DAFROSA G. SANTIAGO. Any person adversely affected by said petition may file this written opposition with this Office not later than _____.
Mabuhay: February 6 & 13, 2009
7
LINGGUHANG PILIPINO MULA PA NOONG 1980
SGD. PEDRO SEVILLA Municipal Civil Registry
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES LOCAL CIVIL REGISTRY OFFICE PROVINCE: BULACAN CITY/MUNICIPALITY: OBANDO
NOTICE FOR PUBLICATION In compliance with Section 5 of R.A. Act No. 9048, a notice is hereby served to the public that DANILO SEVILLA MARCELINO has filed with this Office a petition for change of first name NILO to DANILO in the birth certificate of DANILO SEVILLA MARCELINO who was born on 14 October 1955 at Obando, Bulacan, Philippines and whose parents are IRENEO MARCELINO and ELISA SEVILLA. Any person adversely affected by said petition may file this written opposition with this Office not later than _____. SGD. PEDRO SEVILLA Municipal Civil Registry Mabuhay: Jan. 30 & Feb. 6, 2009
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
Depthnews
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
Pope. Let’s see how things turn out this time.” In the next audience the Holy Father started greeting the faithful after his address. As the Pope got closer and closer, the architect remained aloof to all the excitement. When the Pope reached his spot, he surprised the architect when he suddenly asked, “Aren’t you the American architect who paints?” The man didn’t know how to respond. How did the Holy Father manage to remember him after some weeks since the last audience and from among the hundreds of pilgrims? He was even more flabbergasted when the Pope asked, “Would you like to play tennis with the Pope?” He couldn’t recall how he even managed to say “yes”, but John Paul II said, “My secretary can set an appointment ○
○
○
○
○
○
○
○
Promdi
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
RPA Bacolod on the day Pestaño was killed. Was Danga there too?. If so, what for? And how did leave the ship? — Pestano was an honor student, both at the Ateneo and the Philippine Military Academy. He was no candidate for suicide. In fact, he was engaged to marry in four months. Yet, an affidavit surfaced that he was a drug user. Lke the bogus suicide note, who was behind this farce? — Seven of Pestaño’s Philippine Military Academy classmates meticulously examined the cabin after his death. They were jolted when the video, taken by the navy public information office and cameraman PO1 Baroy, showed empty slugs and a bullet hole in the wall that were not there before. Who ordered that splicing. And why? — RPS Bacolod left Sangley for Manila at 7:18 AM. That trip normally takes 45 minutes. Instead it took all of one hour and a half as the ship me○
○
Forward to Basics
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
Dapat malaman ng lahat na ang ari-arian ng namayapang si Marcelo C. Termulo na namatay noong ika-23 ng Marso, 1999 sa Nagbalon, Marilao, Bulacan ay nakaiwan ng bahagi ng isang (1) parselo ng lupa kasama na ang kagalingang natatayo doon na matatagpuan sa Calvario, Meycauyan, Bulacan na sasakop ng Tax Decleration No. 00764 na lalong makikilala sa Lot 1, PSU – 177905 ay pinamamana sa labas ng hukuman na may abuyan sa mga lehitimong tagapagmana na mas makikilala sa kasulatan Blg. 38; Pahina Blg. 9; Aklat Blg. 52; Serye ng 2008 sa Notaryo Publiko ni Atty. Sinfronio A. Barranco Mabuhay: January 23, 30 & February 6, 2009.
Extrajudicial Settlement of Estate with Waiver of Share Notice is hereby given that the estate of the deceased Cefirino Salvador who died intestate on January 5, 2007 at Talipayong, Baliuag and covered by Transfer certificate of Title No. T-302908 was extrajudicially settled with waiver of share among legitimate heirs as per Doc. No. 340; Page No. 69; Book No. 50; Series of 2008 in Notary Public of Atty. Sinfronio A. Barranco. Mabuhay: January 23, 30 & February 6, 2009.
○
○
○
○
○
○
○
○
kamali siya. Sa halip daw na mabawasan ay nadagdagan pa ang simpatiya ng ilang opisyal kay Alvarado matapos ang nasabing gabi. *** Sa hanay naman ng mga kasapi ng Sangguniang Bayan ng Hagonoy, tama lang ang kanilang desisyon. Una, dahil hanggang sa labas lang sila ng Diamond Hotel naglakad, dahil sumakay na sila sa kanilang sasakyan. Mabuti na lang daw, may baon silang panggasolina. *** Tumangggi naman si Punong Bayan Angel “Boy” Cruz na pagusapan pa ang nasabing insidente nang siya ay makaharap ng Promdi noong Enero 30. Ayon sa Punong Bayan, dalawang beses humingi ng paumanhin sa kanya si Dela Cruz ng gabing iyon. *** Naobserbahan naman ng ilang dumalo na lumipat sa mesa ni Cruz si Gob. Jon-jon ng gabing iyon at matagal silang nag-usap. Hmmmn, mukhang hinilot ang punong bayan ng Hagonoy. ***
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
andered all over the place before docking at Roxas Boulevard. By then, Pestaño was dead. Pestano’s parents gave up on knocking at Ombudsman Merceditas Gutierrez’s door. “She has not agreed to see us.” The venerable Jesuit, Fr James Reuter, meanwhile, started an e-mail campaign to get people to “knock on God’s door” in prayer to secure justice for Pestaño. “Corruption is the curse of this nation,” Fr Reuter writes. “When it takes root in the heart of our Armed Forces, they threaten our existence as an independent democratic country.” Admiral (or is it now National Printing Office head) Tirso Dunga will, I am sure, agree. So, will his Palace benefactress. Why, they may even say a prayer too. —
[email protected]
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
from page 3
for you.” And that was it! After their tennis match the student thought he was just recovering from a dream when the Pope launched another bombastic question, “Have you ever thought of becoming a priest?” This was just too much for the architect. He took a long and deep breath and calmly said, “But your Holiness, I’m an architect.” The Pope wasn’t deterred and said, “Yes, I know. But didn’t you say you paint?” “Yes, but how is that related to becoming a priest?” he asked. “Well, a man paints on a canvas for men to see. A priest, on the other hand, paints on the canvas of souls for God to see.” With these words, the man entered the seminary and is now a priest. ○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
*** This is not something meant to only describe how God calls us mysteriously to His love. It is also a beautiful example of how we ought to see the value of receiving constant spiritual guidance from some pious and knowledgeable priest. We go with the canvas of our souls to these instruments of God. From them we learn the basic strokes of the spiritual and ascetical life. We slowly acquire the skills (i.e., growing in the human and supernatural virtues) combined with the colors of prayers, sacrifice, and the sacraments. Then we gradually develop our spiritual style to constantly paint — with the aid of the light of grace — the portrait of Christ in our souls, which one day we will surrender to our Father in Heaven. ○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
mula sa pahina 2
Ang tanong, paano naman ang dangal ng kababaihan ng Hagonoy na medyo nasalampak kung di man ay nalugmok sa gabing iyon? Paano kaya ipaliliwanag ang nasabing insidente sa mga kababaihan ng Hagonoy na patuloy na nagsisikap upang itaguyod ang kanilang pamilya, katulad ng mga biyahera ng isda na madaling araw pa lamang ay tumutugpa na sa palengke upang mamili ng kanilang kalakal na ibebenta sa Maynila, at gabi na kung magsiuwi. *** Bilang isang anak ng taga-Hagonoy at may kapatid, pamangkin at anak na babae hindi rin pabor ang Promdi sa naging pahayag ni Dela Cruz sa gabi ng Gawad Galing Sanggunian.
Mula sa pagkabata ng Promdi ay nakita ang maraming kababaihan ng Hagonoy na ang pagkaing isusubo na lamang ay itinatabi para sa kanilang mga anak. Ito ay isa lamang sa maraming larawan ng pagkalinga at pagmamahal ng mga kababaihan ng Hagonoy sa kanilang mga supling. Para sa mga taga-Hagonoy, ang larawan ng isang ina ay sagrado at hindi papayag na madungisan sa pamamagitan ng iresponsableng komento at pahayag. Maaaring totoo ang sinabi ni Mayor Angel Cruz na humingi sa kanya ng paumanhin si Dela Cruz, ngunit hindi iyon sapat. Maunawain ang kababaihan ng Hagonoy, kaya’t nararapat lamang na ang paumanhin ay sa kanila ihain.
Your symbol of quality and service. For orders call: (02) 477-0238 (02) 438-6201 SHOWING ON FEBRUARY 2, 2009 ONWARDS
subject to change without prior notice
Pagmamana sa Labas ng Hukuman na may Abuyan
○
from page 3
implicated in the cover-up of ensign Philip Pestano’s murder.” These and Danga’s appointment uncorked a slew of questions. These include: — Whatever happened to the RPS Bacolod’s radio operator? PO2 Fidel Tagaytay agreed to brief the Provost Marshall about two gunmen, one who was sneaked aboard RPS Bacolod He never showed up. The Navy declared Tagaytay “missing”. Who had the motive — and capacity — to tap his calls to the Provost Marshall?. Is he still alive? Or was he rubbed out? — PO2 Zosimo Villanueva tipped off Pestaño on the drugs and arms being loaded. As a result, Pestaño refused to sign clearances for the illicit cargo. Now, Villanueva is dead too. How did that happen? Dead men tell no tales? — Danga’s trusted aide PO2 Carlito Amoroso “retired”. He never answered what he was doing aboard ○
○
UDERWORLD: RISE OF THE LYCANS
STATUS: SINGLE
BEVERLY HILLS: CHIHUAHUA TRANPORTER 3
Mabuhay
8
LINGGUHANG PILIPINO MULA PA NOONG 1980
PEBRERO 6 - 12, 2009
E-trike pasado na sa pagsusuri ng LTO NI DINO BALABO MARILAO, Bulacan — Pumasa sa inspeksyong isinagawa ng Land Transportation Office (LTO) ang electric tricycle (E-trike) na inimbento ng isang Bulakenyo. Gayunpaman, hindi pa ibinigay ang plakang kulay orange nito dahil magsasagawa ng isa pang inspection ang LTO sa pagawaan ng Etrike sa bayang ito. Ang nasabing plaka ang magpapatunay na isa nang ganap na sasakyang pampubliko ang E-trike. Ayon kay Konsehal Allan Aguilar ng bayang ito, na umimbento sa E-trike, umaasa siyang ipagkakaloob sa kanila ang plakang kulay orange sa lalong madaling panahon. “Pasado na kami sa speed and carrying capacity test,” aniya matapos
ang isinagawang inspeksyon ng LTO sa central office nito sa Lungsod ng Quezon noong Pebrero 5 na sinaksihan nina Joel Donata, hepe ng motor vehicle inspection section, at Flor Creus, hepe ng motor vehicle accreditation section. Ayon kay Aguilar, sinabi ng mga nabanggit na opisyal ng LTO na ang gawang Bulakenyong E-trike ang kauna-unahang electric tricycle na nakapasa sa inspeksyon ng nasabing tanggapan. Iyon ay nakapasa sa 40 kilometer per hour maximum speed test, at sa 250 kilogram carrying capacity test na isinagawa sa kalsadang paakyat. Natawa si Konsehal Aguilar habang ikinukuwento sa Mabuhay ang mga pagsusuri na pinagdaanan ng kanyang E-trike, dahil dumaan din ito sa
emission testing kahit walang tambutso at usok dahil iyon daw, ayon sa LTO, ang mga regular na proseso ng mga sasakyang ipinasusuri. Sinabi ni Aguilar na tanging ang inspeksyon sa pagawaan ng e-trike ang isasagawa ng LTO upang sila ay pagkalooban ng manufacturers’ accreditation at plakang kulay orange. “Ipinakita na sa amin ’yung plaka na may numerong 1111,”aniya. Patungkol sa produksyon ng electric tricycle, sinabi ng imbertor na kaya nilang gumagawa ng dalawang e-trike bawat linggo at magiging apurahan ang kanilang paggawa oras na makapasa sila sa manufacturers’ accreditation dahil marami nang order sa kanila. Ang E-trike ay walang ingay, usok at matipid
dahil ang isang araw na operasyon nito ay gagastusan lamang ng halagang P20 kuryente kumpara sa de-gasolinang tricycle na umuubos ng P250 sa gasolina bawat araw. Ang E-trike ay inilunsad dito sa Marilao noong Nobyembre 10, o halos isang taon matapos hamunin ni Mayor Epifanio Guillermo ang kanyang mga kababayan na gumawa ng mga hakbang upang mapangalagaan ang kapaligiran at kalikasan. Matatandaan na noong 2007, ang kailugan ng Marilao ay napabilang sa 30 pinamakaruming lugar sa buong mundo. Noo namang unang bahagi ng 2008 ay umapaw naman ang basurang itinapon sa ilog nito sa Prenza Dam sa pagitan ng Marilao at Lungsod ng Caloocan sa Metro Manila.
WALANG usok, walang ingay ang naimbentong E-trike ni Konsehal Allan Aguilar ng Marilao, Bulacan. — DB