PPI Community Press Awards •Best Edited Weekly 2003 and 2007 •Best in Photojournalism 1998 and 2005
Mabuhay LINGGUHANG PILIPINO MULA PA NOONG 1980
ISSN–1655-3853 • OKTUBRE 17 – 23, 2008 • VOL. 29, NO. 42 • 8 PAHINA • P10.00
a rt angel
printshop
Printing is our profession Service is our passion 67 P. Burgos St., Proj. 4, QC 1109, Philippines (0632) 912-4852 (0632) 912-5706
Abono’t enerhiya bunga ng pagsisinop ng basura Aktibo ang proyektong zero waste ng Malolos NI DINO BALABO
LUNGSOD NG M ALOLOS — Hindi nangangamba ang mga opisyal ng lungsod sa kasong isinampa laban sa kanila sa Ombudsman hinggil sa diumano’y patuloy na operasyon ng kanilang open dumpsite dahil aktibo ang kanilang programa para sa “zero waste management”. “Ibabasura din iyan ng Ombudsman,” ani Mayor Danilo Domingo patungkol sa kasong isinampa laban sa kanila ng Bangon Kalikasan Movement noong Setyembre 26. Nang makapanayam ng Mabuhay si Mayor Domingo noong Oktubre 16, sinabi niya na hindi pa nila natatanggap ang kopya ng kaso. Ayon kay Domingo, magugulat ang Bangon Kalikasan maging ang Ombudsman sa programa ng Malolos sa pagsisinop sa basura at binigyang diin na wala silang open dumpsite
operation. Ipinaliwanag ng Alkalde na ang pagsasagawa ng programa sa pagsisinop ng basura ay hindi magagawa sa loob ng maikling taon. Ayon kay Domingo, sinimulan nila ang kanilang programa sa basura may anim na taon na ang nakaraan at itinayo nila ang material recovery facility (MRF) noong 2005 sa Barangay Mambog. Ngunit hindi ito nangangahulugan, aniya, na tapos na ang kanilang problema sa pagsisinop ng basura. sundan sa pahina 5
Open dumpsite: 6 na mayor hinabla L UNGSOD NG M ALOLOS — Anim na alkalde sa Bulacan at maging ang gobernador ng lalawigan ng Rizal ang sinampahan ng kaso sa Ombudsman noong Setyembre 26 ng isang bukluran ng mga environmentalist dahil sa patuloy na operasyon ng open dumpsite sa kanilang nasasakupan. Ang mga kinasuhan ay ang mga alkaldeng sina Danilo Domingo ng Lung-
sod ng Malolos, Eduardo Roquero ng Lungsod ng San Jose Del Monte, Anastacia Vistan ng Plaridel, Edgardo Galvez ng San Ildefonso, Ricardo Silverio ng San Rafael, at Roderick Tiongson ng San Miguel. Maging ang gobernador ng lalawigan ng Rizal na si Casimiro Ynares III ay kinasuhan din. Tinangka namang ku-
TAGAPAGHIWALAY — Mabilisan ang pagkilos ng mga sorter o tagapili ng basurang dumadaan sa conveyor ng Material Recovery Facility (MRF) ng Lungsod ng Malolos kung saan ay pinaghihiwalay nila ang mga nabubulok at hindi nabubulok na basura. Ang mga
basurang nabubulok ay kanilang ginigiling at ginagawang abono at ibinibigay sa mga magsasaka, samantalang ang mga di nabubulok ay kinukuha ng Holcim Cement Corporation at ginagawang alternatibong panggatong sa paggawa ng semento. — DINO BALABO
TOTOHANAN na ang pagapapatupad ng zero waste management ng Malolos, ayon kay Marilyn Depositar, ang solid waste consultant at administrador ng Mate-
rial Recovery Facility (MRF) ng Lungsod ng Malolos. Ipinakikita ni Depositar ang ilang produktong mula sa mga papael na kanilang niresiklo ng MRF. — DB
sundan sa pahina 4
HINDI magagawa ang programa sa basura sa loob ng maikling panahon, ayon kay Malolos Mayor Danilo Domingo, ngunit iginiit niya na kung ang programa ay tututukan iyon ay maisasagawa at maipatutupad. — DB
Mabuhay
2
OKTUBRE 17 – 23, 2008
LINGGUHANG PILIPINO MULA PA NOONG 1980
EDITORYAL
Tinimbang ngunit kulang SALAT sa kahulugan ang ipinalabas na opisyal na pahayag ni Gob. Joselito “Jon-jon” Mendoza noong Martes, Oktubre 14 hinggil sa napabalitang fish kill sa Kabayunan River sa hilagang bahagi ng Angat Dam watershed sa bulubunduking bayan ng Donya Remedios Trinidad. Ang unang dalawang taludtod ng pahayag ay patungkol sa aksyong ginawa ng tanggapan ng gobernador matapos matanggap ang balita hinggil sa fish kill noong Setyembre 27, na ayon sa kanya ay agad niyang inatasan ang Panglalawigang Tangggapan ng Pagsasaka upang makipag-ugnayan sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa rehiyon, na umaksyon naman at nagsagawa ng imbestigasyon noong Setyembre 29. Ang dalawang kasunod na taludtod ng pahayag ay tumutukoy naman sa resulta ng pagsusuri ng BFAR hinggil sa posibleng sanhi ng fish kill, samantalang ang ikalimang taludtod ay patungkol sa isinasagawa pang pagsusuri kung may heavy metal content ang mga tissue sample ng mga isdang namatay. Ang huling bahagi ng opisyal na pahayag ay patungkol sa pag-apela ni Mendoza sa bawat isa hinggil sa maingat na pag-iipon ng impormasyon at pagbibigay ng konklusyon na posibleng maka-alarma sa mga taong bayan at makaapekto sa hanapbuhay ng mga mangigisda sa lalawigan. Sa unang tingin ay sapat na ang pahayag upang kumalma ang mga tao hinggil sa napabalitang fish kill, ngunit hindi lamang ang pagpapakalma sa mga tao ang dapat sana ay tinutukan ng pamahalaang panglalawigan upang ang hanap buhay ng mga mangingisda ay di maapektuhan ng posibleng “fish scare.” Sa halip ay dapat binigyang pansin ang kalagayan ng mga katutubong Dumagat na mga nakatira sa iba’t ibang maliliit na pamayanan sa loob ng 63,000-ektaryang Angat Dam watershed dahil sila ang unang apektado, at ayon sa unang lumabas na balita ay nagugutom na, sapagkat ang fish kill ay noon pang Setyembre 27 nagsimula. Ang mga Dumagat ang mga sinaunang residente ng kabundukan sa loob ng Angat watershed, bago pa man itayo ang higanteng Angat Dam na nagpalubog sa kanilang mga pamayanan sa loob ng kabundukan kaya’t sila ang pangunahing binibigyan ng karapatan ng National Power Corporation na mangisda sa kailugan sa loob ng watershed sa pamamagitan ng paninisid ng malalapad na tilapia, karpa at iba pang isdang nabubuhay doon. Ang mga isdang kanilang nahuhuli ay halos napupunta lamang sa kanilang hapag, at madalang ang ibinebenta sa labas ng Napocor compound sa Hilltop, Norzagaray. Ngunit sa opisyal na pahayag ni Mendoza, lumalabas na ang kanyang binigyang proteksyon ay mga mangingisda sa ibang bahagi ng Bulacan. Isa pang nakapagtataka ay kung bakit si Mendoza ang nagpalabas ng pahayag, samantalang ang ulat ng BFAR ay tuwirang ipinadala sa Napocor na siyang namamahala sa Angat Watershed. Bukod dito, ang dapat din sanang nagpalabas ng pahayag ay ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na siyang patuloy na gumagamit at nagpapadaloy ng tubig sa Kalakhang Maynila mula sa Angat Dam. Sa panig ng pahayagang Mabuhay, nais naming linawin na ang hangarin namin ay hindi pagbatikos, sa halip ay tawagin ang pansin ng pamahalaang panglalawigan sa kakulangan ng kanilang aksyon. Totoo na ang pahayagan at pamahalaan ay “natural adversaries”. Ngunit dapat ding malinawan na katulad ng pamahalaan na naglilikod sa pamamagitan ng paghubog at pagpapatupad ng mga polisya, ang hangarin ng pahayagan ay paglilingkod bayan, sa pamamagitan ng pagpapaliwanag at paghahatid ng impormasyon na maaaring humubog sa pananaw ng tao. Kami ay nagmamasid lamang. Pumupuri sa makatuwirang simulain, polisiya at pagkilos ng pamahalaan, at pumupuna sa mali upang matawag ang pansin ng kinauukulan upang sa susunod na pagkakataon ay maging matuwid ang mga desisyon., Sa madaling salita, ang aming pagpapahayag ay aming inakong tungkulin lamang, walang personalan at di namumulitika.
Mabuhay LINGGUHANG PILIPINO MULA PA NOONG 1980
Jose L. Pavia Publisher/Editor Perfecto V. Raymundo Associate Editor
EDITORIAL Alfredo M. Roxas, Jose Romulo Q. Pavia, Jose Gerardo Q. Pavia, Joey N. Pavia , Jose Visitacion Q. Pavia, Carminia L. Pavia, Perfecto Raymundo Jr., Dino Balabo
PRODUCTION
Anthony L. Pavia Managing Editor
Jose Antonio Q. Pavia, Jose Ricardo Q. Pavia, Mark F. Mata, Maricel P. Dayag
e-mail
[email protected]
Eden Uy, Allan Peñaredondo, Joseph Ryan S. Pavia
PPI-KAF Community Press Awards
BUSINESS / ADMINISTRATION
Best Edited Weekly 2003 + 2008 Best in Photojournalism 1998 + 2005
Buntot Pagé
PERFECTO V. RAYMUNDO
Mga tatakbong gobernador KALAT na kalat ang balita na muling palalaot sa pagka-gobernador sina dating Gob. Obet Pagdanganan, dating Gob. Josie M. Dela Cruz, at dating Bise Gob. Rely Plamenco at kasalukuyang Bise Gob. Willie Sy-Alvarado. Dati silang magkakasama sa iisang partido. Si Josie ay naging Bise Gob. ni Obet, si Plamenco ay naging Bise Gob. ni Josie, samantalang si Alvarado ay kasalukuyang Bise Gob. ni Joselito “Jonjon” Mendoza. Tama ang kasabihan sa pulitika na walang pirmihang kakampi, puro pansamantala lamang. Si Pagdanganan ay nanungkulang punong lalawigan ng 1986-1998, samantalang si Dela Cruz ay naging gobernador ng 1998 hanggang 2007. Si dating Bise Gob. Plamenco ay tumakbong gobernador noong nakaraang halalan, ngunit hindi pinalad na magwagi. Kung sakaling matutuloy ang halalan sa 2010, ngayon lamang tatakbo para gobernador si Sy-Alvardo. Maglaban-laban kaya sina Pagdanganan, Dela Cruz, at Alvarado na iisang partido ang kinaaaniban? Si Plamenco ay nasa oposisyon na noon pang nagdaang
halalan at malamang kaysa hindi na siya ang ipangsasagupa ng oposisyon. Sa palagay ko, hindi papayag si Gob. Jon-jon Mendoza na hindi siya ang ikakandidato ng kanilang partido sapagkat siya ang nakaupong gobernador ng lalawigan ni Gat. Marcelo H. Del Pilar. Kayo, ano sa palagay niyo? P/Insp. Epafrodito Aliling BINABATI ko si P/Insp. Epafrodito Aliling sa pagkakatalaga sa kanya bilang pansamantalang hepe ng Malolos PNP. Pinalitan niya si P/Supt. Arthur Felix Asis na inilipat sa Bataan Provincial Police Office. Masuwerte ang Malolos sa pagkakatalaga kay Aliling. Sarhento pa lamang ay kilala ko na siya. Sobra ang sipag ng taong ito, kaya tiyak na magkakaroon ng malaking pagbabago sa pulisya ng Malolos. Abangan na lamang po natin. Meralco magtataas ng singil NAKATAKDANG magtaas ng singil sa kuryente ang Manila Electric Company (MERALCO) sa susunod na buwan ng Nobyembre, dahil sa pag-apruba ng
Kastigo
Energy Regulatory Commission (ERC) sa petisyon ng Meralco na magdagdag ng 20 sentimos sa singil kada kilowatt hour. Bukod dito, inatasan din ng ERC ang Meralco na ibalik sa mga consumer ang sobrang nasingil nito mula sa Currency Exchange Rate Adjustment (CERA). Lumitaw na sobra ng P3 bilyon ang nasingil ng Meralco para sa CERA at idadagdag pa ang P900 milyon na multa. Maibalik naman kaya kaagad ang sobrang nasingil ng Meralco sa mga consumer? Nagtatanong po lamang kami. Kahirapan ng Buhay KAPANSIN-PANSIN na maraming namamalimos sa kasalukuyan at dala-dala pa ang kanilang maliliit na anak. Sa bayan lamang ng Malolos, partikular na sa Capitol Compound, ay maraming mga ina na kilik-kilik pa ang kanilang mga maliliit na anak ang makikita mong nanghihingi ng limos sa kanilang mga makakasalubong. Maging sa mga opisina ay pumapasok sa panghihingi ng limos. Marahil ay dala ito ng kahirapan ng buhay.
BIENVENIDO A. RAMOS
Krisis: Dalawang maling desisyon KUNG mapagsuri lamang tayo, ang krisis pang-ekonomya at pampulitika na may isang dekada nang hindi malutas-lutas at nagpapahirap sa bansa ay likha ng dalawang maling desisyon ng Administrasyong Ramos at ng Administrasyong Arroyo. Ang dalawang mahalaga pero minadaling desisyon ay 1) ang pagpapatibay at maagang pagpapatupad ng Oil Deregulation Law (sa panahong Ramos), at 2) ang pagkakaloob ng lubos na pagpapatawad ni PGMA kay dating Pangulong Estrada. Kapwa ibinase sa ispekulasyon Ang Oil Deregulation Law ay ibinase sa gasgas nang teoriya ng laizzes faire o malayang kalakalan na upang masira ang monopolyo at maging mura ang isang produkto o serbisyo ay kailangang alisin ang kontrol ng gobyerno sa industriya ng langis upang maging malaya ang kumpetisyon. Ang malungkot, inalis na ng gobyerno ang kontrol sa industriya ng langis, ibinenta pa ang
60% ng sapi sa Petron (at balak pa yatang ibenta ang natitirang 40% sapi ng gobyerno.) Isang simpleng analohiya lamang ang ilalahad ko: ang tatlong dambuhalang kompanya ng langis — Shell, Caltex at Petron na ari ng mga dayuhan — ay naging tatlong halimaw na dating natatanikalaan, kaya nang pawalan (deregulation) ay tila mga gutom na mga buwayang sagpang dito, sagpang doon ang ginawa. Kahit ngayong mabilis ang pagbulusok ng presyo ng langis sa pamilihang pandaigdig, at kahit makiusap na si GMA (na isa sa umano’y makapangyarihang babae sa daigdig), ang tatlong masisibang buwaya ng ekonomya ay hindi maawat sa kanilang kasibaan! Base rin sa espekulasyon ang lubos na pagpapatawad kay Erap, kahit kahahatol lamang dito ng Sandiganbayan sa salang pandarambong. Akala kasi ni GMA at ng mga Goebbels at Rasputin ng Mala-
Promdi
kanyang, kung karakang lubos na patatawarin si Erap tatahimik na ang marami ring panatikong tagahanga ng dating aktor. Kung pinagdusa pa sa Muntinlupa si G. Estrada hanggang 2011 man lamang, wala sanang Erap na magyayabang, umaastang lider ng watak-watak na oposisyong pampulitika at nagbabanta pang kakandidato sa pagka-Pangulo sa 2010 elections! Bunga ng maling desisyon Sa pagpapatibay ng Oil Deregulation Law, maliwanag na itinapon o isinuko ng pamahalaan ang kapangyarihan nitong maprotektahan ang mamamayan sa panahon ng krisis laban sa garapal na pagsasamantala ng nagsasabwatang tatlong halimaw (kartel) na kompanya ng langis sa bansa. Kung bakit ayaw iparebuka ng Administrasyong Arroyo ang pesteng batas na ito ay hindi na isang palaisipan. Bilyong lobby money ang siguradong ipapamahagi ng mga hali sundan sa pahina 7
DINO BALABO
PHOTOGRAPHY / ART
Loreto Q. Pavia, Marilyn L. Ramirez, Peñaflor Crystal, J. Victorina P. Vergara, Cecile S. Pavia, Luis Francisco, Domingo Ungria, Harold T. Raymundo, Jennifer T. Raymundo, Rhoderick T. Raymundo
CIRCULATION Robert T. Raymundo, Armando M. Arellano, Jess Camaro, Fred Lopez The Mabuhay is published weekly by the MABUHAY COMMUNICATIONS SERVICES — DTI Permit No. 00075266, March 6, 2006 to March 6, 2011, Malolos, Bulacan.
The Mabuhay is entered as Second Class Mail Matter at the San Fernando, Pampanga Post Office A proud member of PHILIPPINE PRESS INSTITUTE on April 30, 1987 under Permit No. 490; and as Third Class Mail Matter at the Manila Central Post Office under permit No. 1281-99-NCR dated Nov. 15, 1999. ISSN 1655-3853 Principal Office: 626 San Pascual, Obando, Bulacan 294-8122
WEBSITE
http://mabuhaynews.com Subscription Rates (postage included): P520 for one year or 52 issues in Metro Manila; P750 outside Metro Manila. Advertising base rate is P100 per column centimeter for legal notices.
Ang taga-ilog at ang taga-pampang PANAHON pa ng Martial Law nang mabanggit ng noo’y Labor Minister na si Blas F. Ople ang mga katagang “dapat magkaisa ang mga taga-ilog at mga tagapampang” kung saan ang kanyang tinutukoy ay ang mga dakilang liping Tagalog ng Bulacan at Capampangan ng Pampanga. Ang pahayag na ito ay naitala ng beteranong mamamahayag na si Bong Zapata Lacson ng Pampanga sa ika-145 pahina ng kanyang librong “Off the Press” na ang isang sipi ay ipinagkaloob sa Promdi ng Bulakenyong mamamahayag na si Emil Gamos, ang anak ni Benjamin “Tatang Ben” Gamos, ang isa sa itinuturing na alamat na pamamahayag sa Gitnang Luzon. *** Para kay Ka Blas, ang rebolusyon sa panglalawigang pamamahayag ay makakamit sa pagkakaisa ng mga “taga-ilog at taga-
pampang.” Ito ay may kaugnayan din sa kaunlaran ng Gitnang Luzon na dapat pangunahan ng pagkakaisa ng dalawang liping sumibol sa mga pampangin ng mga ilog ng Angat at Pampanga. Ngunit matapos ang halos tatlong dekada, ngayon lamang nagkakaroon ng hubog ang payo ni Ka Blas. Ito ay dahil sa planong pambansang kumperensya na gaganapin sa Pebrero ng susunod na taon ng Center for Capampangan Studies na nakabase sa Holy Angels University (HAU) sa Angeles City, Bahay Saliksikan ng Bulacan na nakabase sa Bulacan State University (BulSU) sa Malolos, at Arte Bulakenya Foundation Inc., (ABFI) na nakabase sa Paombong, Bulacan. *** Sa unang pulong ng tatlong grupo na isinagawa kamakailan sa Center for Capampangan Studies na dinaluhan ng mga opisyal
ng nasabing grupo at ng Promdi ay tinalakay ang maraming kaugnayan ng mga dakilang lalawigan ng Pampanga at Bulacan, na magiging paksa sa pinaplanong kumperensya. Ilan sa mga paksa ay ang mga impluwensya ng kapwa lalawigan sa isa’t isa sa kanilang kalinangan at sining sa nagdaang panahon. Bukod dito, papaksain din ang magkaugnay na kasaysayan ng dalawang lalawigan dahil sa may bahagi pala ng Bulacan na dating bahagi ng Pampanga. *** Inaasahang magiging makahulugan hindi lamang sa mga magaaral ng kasaysayan ang planong kumperensya kungdi maging sa bawat residente ng dalawang lalawigan, partikular na sa mga naninirahan sa mga barangay at bayang matatagpuan sa pagitan ng dalawang lalawigan. sundan sa pahina 7
Mabuhay
OKTUBRE 17 – 23, 2008
3
LINGGUHANG PILIPINO MULA PA NOONG 1980
Depthnews
JUAN L. MERCADO
Regarding Henry
Just in case team “THE angel of death has many eyes.” This Hebrew proverb came to mind on reading the news report: Cebu City mayor Tomas Osmeña flew abruptly to New York Wednesday. He’ll seek a second medical opinion on an “eggsize” growth in his bladder. He ignored speculation of prostate cancer. With admirable candor, he told a pre-departure press conference. “Yeah, it’s serious … It’s like a grenade in me.” He threatened his foes against derailing a possible first sale in the 296hectare South Properties that’d ease the crippling debt burden on his city. “They won’t miss me,” Osmeña said of his political foes. They multiplied under his no-dissent governance. “I’ve no plans of dying … But , the final decision is up to Santo Niño”— Cebu ’s ancient patron. In March 2002, Osmeña first stared into the Angel of Death’s “many eyes”. He collapsed from a hypertensivc bout. As he was trundled into the emergency room, a team of doctors stood by
— for another patient. “Happenstance,” said some. “Providence,” others insisted. Whatever, he survived that episode. “The mayor looked into those eyes, as we all must one day, and walked away,” we wrote on his return to City Hall. “We welcome his renewed lease on life ... Has the long look into those eyes … endowed the mayor with a new sense of reality? Albert Camus after all stressed: “The threat of mortality, which hangs over all of us, sterilizes everything.” It should. Street cleaner, mayor or President return to dust: “A man is here today. And tomorrow, he is gone,” Thomas a’ Kempis wrote. “And when he is taken out of sight, he is also quickly out of mind.” Governance, however, is a 7/24 job. It’s demands don’t halt when illness strikes. Mortality and responsibility clamp a special burden, specially on officials: to “think the unthinkable”. They must prepare the just-in-case team. Historical Footnotes: In March
HENRYLITO D. TACIO
1957, acting foreign secretary Raul Manglapus cabled VicePresident Carlos P. Garcia, then in Canberra. President Ramon Magsaysay’s plane had smashed into Mount Mannungal in Cebu, He should return to Manila immediately. “The vice-presidency is as useful as the fifth teat in a cow,” Harry Truman once said. And Lyndon Johnson concurred that the vice presidency was just a “pitcher of warm spit.” Both Truman and Johnson became presidents. Historical Lesson: In life, Numero Dos can suddenly be thrust in the number one job So, they must be selected with equal care. In “thinking the unthinkable” chief executives, whether national or local, must train those who could come after them, not just brush them off. Is Vice-President Noli De Castro’s main job limited to just asking after morning coffee: “How is the President’s health today?” continued on page 7
Cebu Calling
FR. ROY CIMAGALA
Battle for normality THIS is an unavoidable aspect or front in the fast-spreading culture war taking place in many countries today, including ours. The clash of values, beliefs and lifestyles has led to conflicting ideas about what is normal and natural in us. Just recently, for example, someone asked me what exactly is being obscene, since there’s apparently a bill in the Senate on anti-obscenity, and he thought he did not quite agree with the definition placed in the bill. Of course, right now we are familiar with questions like whether homosexuality is normal or nor, whether one has the right to contraception and abortion or not, whether masturbation is natural or not, etc. All these are expressions of what’s known now as the battle for normality. This is our world today! If you are not aware of it yet, then welcome to it, and be prepared, equipped and armed to take part in it, since you can’t avoid it any-
more. This battle for normality is, of course, a distinctively human phenomenon. The plants and the animals do not have to worry about this problem, because they don’t think and shape their own lives. Theirs are already pretty much defined. Other than what the slow process of natural evolution can alter, the plants and animals are pretty much the same from the beginning of time till the end. They don’t have to worry about lifestyle and fashion. Culture is unknown to them, simply because they’re incapable of developing it. It’s just not for them. Not so with man. To define what’s normal and natural for us is a very dynamic affair. It does not come to us in an automatic and static way. It has to be studied and learned, lived and developed, promoted and defended by us. It’s true that there’s some immutable law governing our na-
Forward to Basics
ture. But it’s a law that not only allows but also requires our consciously and freely living it. What is normal and natural in us is also a matter of what we make out of it. Besides, this effort is not simply a personal and individual one. It necessarily involves a social and cultural exertion, a kind of communal and even global task. More importantly, it involves not just earthly elements and values. It entails things spiritual and even supernatural, since we, if we go by an objective assessment of our nature validated by Christian faith, are not merely material. We are also spiritual with a supernatural destination. Of course, before and even up to now, this battle for normality has not bothered us. We are not even quite aware of it, and much less, of our responsibility towards it. It largely has been taken for granted. That’s because our culture then has been for the most
RECENTLY, Chief Justice Reynato S. Puno went to Palawan for a private visit. According to a news account, he was asked if he would consider himself to become the next president of the Philippines. Puno, with a smile, responded meaningfully: “That’s destiny. To be president is destiny.” The words of William Jennings Bryan came to mind: “Destiny is not a matter of chance, it is a matter of choice; it is not a thing to be waited for, it is a thing to be achieved.” Leo F. Buscaglia notes, “I believe that you control your destiny, that you can be what you want to be. You can also stop and say, No, I won’t do it, I won’t behave this way anymore. I’m lonely and I need people around me, maybe I have to change my methods of behaving and then you do it.” To become a president, if we have to believe the thought of Puno, is destined. And if you are the president, everything you do and say is bound to be news. Damned if you do and damned if you don’t. You have people to rally for you because of what is at stake for them (like businesses, fame, and power). There are also those who are against you and they are called critics. Of course, a president is not only honored but he or she is also ridiculed. Funny caricatures of President George W. Bush are widespread. Who hasn’t heard of former president Bill Clinton and the oral office? Ex-president Joseph Estrada is often the butt in Erap jokes. Even the current resident of Malacañang is not spared from mockery. One of the most forwarded text messages was this: A Filipino died and on his way to heaven Saint Peter asked him: “Where are you from?” When the man answered that he was from the Philippines, Peter replied, “Welcome to heaven. You have suffered much from your president.” If that is what the presidency
is all about, better opt to become famous and successful in your own way. But the road to success is not offered on a silver platter. You have to do something to achieve it. There are people who become a star overnight. But not everyone can have that kind of luck. More often than not, fame is swift and fleeting. The following day another star may come into the picture. But success that is based on hard work is not too easy to take away from you. Thomas Alva Edison knew this fact. “Genius is 1 percent inspiration and 99 percent perspiration,” he said. “Accordingly a genius is often merely a talented person who has done all of his or her homework.” Do your own homework. Don’t rest on your laurels. Never settle for anything less. But whatever you do, do your very best. Martin Luther King, Jr. reminds: “All labor that uplifts humanity has dignity and importance and should be undertaken with painstaking excellence. If a man is called to be a street sweeper, he should sweep even as Michelangelo painted, or Beethoven composed music, or Shakespeare wrote poetry. He should sweep streets so well that all the host of heavens and earth will pause to say, ‘Here lived a great street sweeper who did his job well.’” Successful people are people who learned what failure is all about. Don’t give up and don’t give in. Failures or rejections ran into the hundreds before a person achieve success. Conrad Hilton once said, “Success seems to be connected with action. Successful people keep moving. They make mistakes, but they don’t quit.” Ever heard of one of America’s most outstanding failures? In 18931, he failed in business. In 1832, he was defeated for legislature. In 1833, he again failed in business. In 1834, he was elected to the Legislature but was de continued on page 7
Ka Iking Reports
continued on page 4
IKE SEÑERES FR. FRANCIS B. ONGKINGCO
‘Memorare’ MAN is a being of remembrances. One look in our homes will immediately recall to our minds many things of the past that are close to our hearts. The walls are decorated with wedding photographs, trophies and framed laminated graduation diplomas of our children, souvenirs we have kept of our travels or those given us by friends from abroad. From home we can also enter into our digital worlds of cell phones, PDAs, laptops and personal web sites. There we surf through waves of “remembrances” of digital photos, emails, music and videos. This constant habit of man of “keeping notes and pieces of the past” reveals his spiritual nature and heritage that is gradually unfolding towards the future. These are part and parcel of his “personal history”, without which he cannot step into a meaningful and fruitful tomorrow. Our memories of the past help us to live the present according to the truth we have learned about
Destined to become successful
ourselves in the things and people that have come to pass. Likewise, the remembrances of the past serve to strengthen us with the hope of storing for the future of those we love and live for: our children and families. In some way we all live with the intention of leaving behind some sort of remembrance of ourselves. It is something borne out of our sincere desire that others benefit from the good that we leave behind through some work, idea or spirit. And this is true of the men who have left an unforgettable mark in history: philosophers, doctors, architects, engineers, lawyers, businessmen, and many more. In the spiritual life, however, the truth that stands before us and God is bluntly simple: that we are sinners. And it is difficult to imagine what our Lord can even consider worth remembering in us. Everything we have done and can do originates only from God’s goodness and mercy. There is nothing in our transitory existence
that can last against God’s Eternity. And yet, He remembers. “Lord, remember me when you enter into your kingdom!” These were the words of the good thief in Calvary. Despite the abysmal difference between our Lord’s innocence and the thief’s sins, God chooses to remember: “This day, you shall be with me in Paradise.” What is it that God values in our nothingness to remember? Materially there is nothing in our finite condition that could ever fill in what is infinitely due to God’s nature. But spiritually, God looks forward to our disposition to empty ourselves of our pride and sin so that in our nothingness — our humble conversion — He can now fill us with Himself. This is what we witness in the lives of many holy men and women: the saints. They were not persons who lived in order to leave us behind some material remembrances from them. It is true that we natu continued on page 7
The APEC Cooperation model in a local setting WHILE it is a logical presumption that municipal engineers and environmental officers from the local jurisdictions around a watershed should really be meeting and coordinating with each other, this is not happening now for all intents and purposes. Sadly, there seems to be no appreciation of the fact that all of them are responsible for one and the same watershed, assuming that they have a clear understanding of what a watershed is, in the first place. For all intents and purposes, the bodies of water composed of the Pagsanjan Falls, the Pagsanjan River , the Cavinti River and its tributaries form one watershed, based on the technical definition that all the water that falls in the general area is collected into the same ground, further seeping down into the same aquifers under these grounds. As we see it now, the surface waters in these areas are already visually polluted, but that is just one side of the story, because the waters that we do not visually see under these grounds, down below in the aquifers are also presumably polluted. As proof of that, the waters around the Pagsanjan
Falls are already known to stink, even if it still attracts the tourists who go there to shoot the rapids. Without an active forum that would serve as a venue for the local communities to reach agreements as to how to clean up this watershed, we could not expect these waters to become clean in our lifetime. Thanks to the forthcoming economic cooperation forum in Laguna, we see hope that this clean up will happen. The first step is to convince the local mayors to send their municipal engineers and environmental officers to attend the Technical Working Groups (TWGs) of the said forum. Once the rounds of TWG meetings are started, it would be easy to move on to the next two levels. *** Email
[email protected] or text me at +639293605140. Watch my TV show Ka Iking Live every Friday from 9:30 to 10:30 PM on Destiny Cable Channel 3. Form your own Inter Charity Circle and build our nation. Tune in to Kapit-Bahayan on DWIZ 882 KHZ 5:00 to 6:00 PM Mondays through Fridays.
Mabuhay
4
LINGGUHANG PILIPINO MULA PA NOONG 1980
Kakampi mo ang Batas
Buhay Pinoy MANDY CENTENO
Ang muling pagbisita sa Tanglaw Pag-asa Upang mabatid ko, kalagayan nila Buwan ng Oktubre, dinalaw ko sila Ang pinaka-chairman kinausap ko pa Si Regie o si Red, ang pangalan niya. Edad disi-otso, kanyang taong gulang Nang siya’y mapasok doon sa kulungan San Jose Del Monte kanilang tahanan At 2nd year high school kanyang pag-aaral. Ang bintang sa kanya nasangkot daw siya Sa isang patayan nung 2004 pa Nob. 27, 2005 simula ang dusa Do’n sa Provincial Jail, malungkot talaga. Taglay pa daw niya rosaryong bigay ko Ginagamit niya pamumuno rito Umaga’t sa gabi ang pagrorosaryo Ito ay “Angelus” dalangin kay Kristo. Marso trenta’y uno, 2006 taon Sa Tanglaw Pag-asa ay nalipat doon Maluwag ang kwarto, maginhawa ngayon May silid-aklatan pagdagdag sa dunong. “Nagdaang Enero bente anyos na ’ko Kung hindi nakulong nasa kolehiyo Sa aking paglaya sisikapin dito Kahit vocational, magkakatrabaho.” “Naaawa ako sa mahal kong ina Apat ang kapatid ako’y pangalawa Dalawang lalaki, babae’y dalawa At sa ibang bahay lumipat si Ama.” “Daming nakakulong walang kasalanan Ang sabi ng iba ay napagbintangan Palagi ang “reset” sa ating hukuman Mahirap ang buhay dito sa kulungan.” Nagsisikap kami dito ay kumita Paggawa ng sabon na maibebenta Hiling maturuan ng tanggapang TESDA Upang sa paglaya, tulong sa pamilya.” “Malapit na naman pagsapit ng Pasko Kung ’di pa lalaya pang-apat ko na ’to Walang kasalanan pagdurusa’y husto Sana’y mahuli na suspek na totoo.” “Sa mga samahan kami ay tulungan Paggawa ng sabon na ginagampanan Ibabalik namin ang inyong puhunan Basta’t tangkilikin ang pinaghirapan.”
mula sa pahina 1
Marami pang kwento ang kasunod nito Sa Tanglaw Pag-asa na binisita ko Mga kabataan na hangad magbago Patnubay ni Kristo dito’y sigurado. ○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
Cebu Calling
○
○
○
○
○
○
lic Act 3019. Pagbubuhat ng kamay sa bata ay ituturing na child abuse TANONG: Good morning, Atty. Mauricio. Ask ko lang kung may kaparusahan ba sa isang ama na halos patayin na sa palo ang kanyang anak. Tama ba ang ganyang pagdisiplina sa anak? Maraming salamat. More power to your program. God bless. (09286864815) SAGOT: Maraming salamat sa text question na ito. Sa ilalim ng Republic Act 7610 o ang batas na kilala bilang Anti-Child Abuse Law, pinagbabawalan ang sinuman na gumawa ng anumang pang-aabuso sa isang batang ang edad ay 17 anyos pababa. Kasama sa pang-aabusong ito sa menor-de-edad na bata ay ang pagbibigay ng parusang pagbubugbog sa bata. Hindi pinapayagan ang sinuman na magbuhat ng kamay, o mambugbog ng bata, bilang paraan ng pagdidisiplina. Ang ganitong uri ng pagkilos laban sa mga bata ay itinuturing na nakakapagdulot ng pagkatakot at matinding kaguluhan sa pag-iisip na makakagulo lamang sa bata sa kanyang paglaki. Sa katunayan, mayroong parusang pagkakabilanggo ang sinuman na mang-aabuso sa bata, kasama na ang pagbubuhat ng kamay o pambubugbog sa kanya, at ang parusang ito ay hindi bababa ng walong taong pagkakabilanggo. Sa ngayon, sinuman ang taong nakakaalam ng ganitong klase ng pambubugbog o pang-aabuso sa mga bata ay maaaring magdemanda kahit hindi nila kamag-anak ang bata o hindi nila ito kakilala. Pagpapakasal ng pangalawang beses ng taong buhay pa ang unang kasal TANONG: Good morning, Atty. May tanong lang po. Puwede po ba magpakasal kaming dalawa kahit po kasal siya sa una. Hihintayin ko po ang payo ninyo. Salamat po. (09183828807) SAGOT: Maraming salamat din sa text message na ito. Sa ilalim ng Family Code of the Philippines, ang isang taong buhay pa ang unang kasal ay hindi pupuwedeng magpakasal ng pangalawa o higit pa kahit kaninuman, dito sa Pilipinas o sa ibang
bansa. Nananatili ang bisa ng isang kasal kahit na hiwalay na ng matagal na panahon ang ikinasal na mag-asawa. Ang tanging paraan upang makapagpakasal na muli ang isang taong may nauna nang kasal ay ang kanyang pagsasampa ng kaso sa mga hukuman upang mapawalang-bisa ang kanyang unang kasal. Kung kakatigan ng hukuman ang kasong ito, at mababalewala ang kasal sa una ng isang tao, doon pa lamang siya o ang kanyang dating asawa nagkakaroon ng karapatang magpakasal na muli. Ang sinuman na magpapakasal ng pangalawa o higit pang beses gayong buhay pa ang unang kasal at hindi pa ito napapawalang-bisa ay ituturing na nakagawa ng bigamya, isang krimen na may parusang pagkakabilanggo. Ang masakit sa kasong bigamya, pati na ang taong pinakasalan ng pangalawang beses, bagamat ito ay binata o dalaga pa, ay masasama sa kasong bigamya at nagkakaroon din ng pananagutang kriminal. Dahil diyan, aking ipapayo ang puspusang pagpapabalewala ng unang kasal sa pamamagitan ng kaso sa husgado upang mapayagan ang isang taong may unang kasal na makapagpakasal na muli. *** BATAS NG DIYOS: “Ang hindi pumapansin sa daing ng mahirap, daraing din balang araw ngunit walang lilingap.” (Kawikaan 21:13) *** PAALALA: Maaari po kayong tumawag sa aming mga landline, (02) 99468-05, (02) 433-75-49 at (02) 433-7553, o di kaya ay sa aming mga cellphone, 0917-984-24-68 at 0919-60964-89. O sumulat sa aming address: 18 D Mahiyain cor Mapagkawanggawa, Teachers Village, Diliman, Quezon City. O mag-email sa website na ito: www.batasnews.com, o sa
[email protected]. *** PARTY LIST: Maaari na po kayong maging kasapi ng BATAS Party List, o ang Bagong Alyansang Tagapagtaguyod ng Adhikaing Sambayanan. Ipadala po ang inyong mga pangalan at kumpletong address sa parehong mga address at telepono sa itaas.
Open dumpsite: 6 na mayor hinabla
Nang kumustahin ko itong kaso niya Ang nagsasakdal daw walang ebidensiya Maging mga saksing humarap ayaw na Pagkat ’di totoo ang bintang sa kanya.
○
ATTY. BATAS MAURICIO
Sahod ng mga manggagawa ng gobyerno TANONG: Atty., good noon po. May kaparusahan po ba ang isang disbursing officer na nagwi-withdraw ng pera na pansahod na hindi niya agad binibigay, kinabukasan pa siya nagpapasuweldo ng mga guro o empleyado. Tama po ba ang ginagawa niya? (09069206357) SAGOT: Salamat po sa text question na ito. Sa ilalim ng Section 3 (e) ng Republic Act 3019, o ang batas na kilala bilang Anti-Graft and Corrupt Practices Act, ang sinumang opisyal ng gobyerno na makakagawa ng hindi makatuwirang pinsala sa kanyang kapwa opisyal o kawani o sa sinumang ibang tao dahil sa pagganap niya sa kanyang mga tungkulin, ay ituturing na nakagawa ng graft and corruption. Sa sitwasyong ang disbursing officer ay nag-withdraw ng pera bilang pansahod pero hindi niya kaagad ibinigay sa mga kasama niyang dapat pasahurin, bagkus kinabukasan pa niya ito ibinigay, ay ituturing na nakagawa ng pinsala dahil sa kanyang posisyon. May alituntunin sa mga manggagawa sa gobyerno at maging sa mga manggagawa ng pribadong tanggapan, na sila ay dapat sumahod tuwing akinse at katapusan ng bawat buwan. Batay sa kautusang ito, ang mga manggagawa ng gobyerno ay nagpaplano kung papaano sila makakabayad ng pagkakautang o haharapin ang kanilang pagkakagastusan pagkatapos tanggapin ang kani-kanilang mga sahod sa araw na itinatakda ng batas. Kung hindi nila matatanggap ang kanilang sahod sa itinakdang araw, maaaring nadadagdagan ang interes na kanilang babayaran sa kanilang pagkakautang, o di kaya ay hindi nila matutugunan ang gastusin na kanilang pinaghahandaan. Sa ganitong sitwasyon, ituturing na nagkaroon ng pinsala ang mga manggagawang hindi nakatanggap ng kanilang mga sahod sa itinakdang panahon at maaaring papanagutin dito ang disbursing officer na hindi nagpasahod kaagad. Magkaganunman, kung may mabigat na dahilan ang disbursing officer sa hindi niya pagpapasahod ng tama sa araw, maaari siyang makalaya sa pananagutan na itinatakda ng Repub-
Naligaw ng landas, mga kabataan Nagdurusa ngayon doon sa piitan Sa Tanglaw Pag-asa dito sa Bulacan Sa nakatatanda, sila ay hiwalay.
OKTUBRE 17 – 23, 2008
○
○
○
○
○
○
○
from page 3
part simple and homogeneous. Not so now. With the advent in our society of multiple cultures bought about among other things by the Towerof-Babel effect, we cannot escape this battle for normality. Our intelligence and freedom can spout not only numerous but also conflicting views about what is normal and natural in us. Of course, in an attempt to appease this phenomenon, some people have resorted to a kind of détente, where everyone, no matter how diametrically opposed to each other their views are, is respected. This, of course, is a very Christian attitude. But that attitude should not be allowed to deteriorate into a tyranny of relativism, where everything is relative, nothing is absolute. What it lacks is the effort to really find out what is normal and natural. For unless we believe that there is no universal human nature, common to all, then we cannot rest in identifying those necessary, as opposed to contingent, elements that go into our nature. The battle for normality now has to be keyed properly to a clear point of reference. Is it just our personal opinions and beliefs that should be the ultimate arbiter, is it something just cultural, popular, convenient, practical? I think we have to tackle first a most basic question. And that is if whether we believe or not in a God who is eternal and who has eternal laws that govern all the universe. Do we realize that everything has to be conformed to him and his laws? Is he someone who can be known by us? Can his will be known by us? In the end, this battle for normality is a matter of faith — in God or in oneself.
Pangalagaan ang kalikasan!
nan ng Mabuhay ng pahayag ang mga alkalde sa Bulacan na kinasuhan ngunit nanatiling tikom ang kanilang bibig, maliban kay Domingo na nagsabing hindi pa nila natatanggap ang kopya ng demanda at iginiit na nagkamali ang nagsampa ng kaso sa kanila dahil aktibo ang kanilang programa sa pagsisinop ng basura. (Basahin ang kaugnay na balita hinggil sa Material Recovery Facility ng Malolos).
Ayon kay Joey Papa, pangulo ng Bangon Kalikasan Movement na nanguna sa pagsasampa ng kaso laban sa mga nabanggit na opisyal, pinadalhan muna nila noong Disyembre ng ecological notice ang mga nasabing opisyal upang tawagin ang pansin ng mga ito na dapat nang itigil ang operasyon ng kanilang mga open dumpsite. Pagkatapos nito, nagpadala ang grupo ni Papa ng “notice to sue” sa mga opisyal bilang isa sa itinakdang tuntunin sa batas. “We sent notice to sue as required by the law, but still they did not do anything about the open dumpsites operating in their localities,” ani Papa nang makapanayam ng Mabuhay sa telepono nong Oktubre 1. Bukod kay Papa, ang iba pang lumagda sa demandang isinampa sa Ombudsman na nagsilbing complainant ay sina Elpidio V. Peria ng Bangon Kalikasan Movement; Dr. Angelina P. Galang ng Miriam College; Victoria M. Segovia, ang national coordinator ng Civil Society Council on Sustainable Development; Renato D. Pineda, Jr., pangulo ng Concerned Citizens Against Pollution (COCAP); Ofelia Panganiban, ang ingat-yaman ng Zero Waste Recycling Movement
at taga-suri ng COCAP; Jennifer Corpuz, ng TEBTEBBA; Theresa Concepcion, ang regional director ng Earth Island Institute; at Laudemer P. Mejia ng Agham Youth na nakabase sa University of the PhilippinesDiliman campus. Batay sa kanilang magkakasamang affidavit na isinumite sa Ombudsman, tinukoy ng grupo ang nakasaad sa Article II, Section 16 ng 1987 Constitution, “The state shall protect and advance the right of the people to a balanced and healthful ecology in a accord with the rhythm and harmony of nature.” Sinabi nila na bilang mga kinatawan ng Estado at pamahalaang nasyunal, tungkulin ng mga pamahalaang lokal ang pagpapanatili ng kalinisan, pagpapaganda ng kapaligiran, pagkolekta at pagsisinop ng basura, at pagpapatupad ng sistema at pamamahala sa mga pasilidad na may kaugnayan sa pagpapanatili ng sanitasyon ng kanilang nasasakupan para sa kapakanan ng taong bayan. Binanggit ng grupo ni Papa sa kanilang reklamo ang Chapter III, Article 6, Section 37 ng RA 9003 na nagsasaad ng, “No open dumps shall be established and operated, nor any practice or disposal of solid waste by any person, including LGUs, which constitutes the use of open dumps for solid waste, be allowed after the effectivity of this Act: Provided, That within three (3) years after the effectivity of this Act, every LGU shall convert its open dumps into controlled dumps, in accordance with the guidelines set in Section 41 of this Act. Provided, further, That no controlled dumps shall be allowed five (5) years following the effectivity of this Act.” Ayon kay Papa, di sana nila in-
tensyon na kasuhan ang mga alkalde sa Bulacan at gobernador ng Rizal, ngunit napilitan sila dahil sa patuloy na napapabayaan ng mga ito ang tungkulin sa pagsisinop ng basura. “We are forced to file charges because they are becoming incorrigible and our environment is deteriorating,” aniya. Kaugnay nito, tinangka ng Mabuhay na kunan ng pahayag ang mga alkalde sa Bulacan ngunit nanatiling tikom ang bibig ng mga ito sa kabila ng pagtawag ng Mabuhay at pagpapadala ng katanungan sa cellular phone nina Mayor Roquero at Galvez. Tumugon naman si Mayor Domingo ng lungsod na ito noong Huwebes, Oktubre 15 at sinabing hindi pa nila natatanggap ang kopya ng reklamo. Sinabi na ni Domingo na nagkamali ang Bangon Kalikasan sa pagdedemanda sa kanila dahil mayroon silang aktibong programa sa pagsisinop ng basura. Ayon pa kay Domingo, umaasa sila na ibabasura ng Ombudsman ang kaso laban sa kanila kapag nakita at nasuri ang ipinatutupad nilang zero waste management sa Malolos kung saan ay kaakibat nila ang mga magsasaka at ang Holcim Cement Corporation na kumukuha ng mga di nabubulok na basura tulad ng plastic at ginagamit na alternatibong panggatong sa paggawa ng semento. — Dino Balabo
There is but one road which reaches God and that is Prayer. If anyone shows you another, you are being deceived. – ST. THERESA OF AVILA
Mabuhay
OKTUBRE 17 – 23, 2008
5
LINGGUHANG PILIPINO MULA PA NOONG 1980
Mayroong pag-asa sa likod ng krisis NI DINO BALABO LUNGSOD NG MALOLOS — May pag-asa sa likod ng krisis. Ito ang buod ng mensahe ni Don Pedro Cojuangco sa mga dumalo sa paglilipat ng panandang pangkasaysayan sa bahay ng kanyang amang si Jose Cojuangco Sr., sa Barangay San Agustin sa lungsod na ito noong Sabado, Oktubre 11. Sa kanyang maikling talumpati, sinabi ni Don Pedro na matapos bumagsak ang mga bangko sa Amerika noong 1929 na naging sanhi ng pandaigdigang “Great Depression” na umabot sa Pilipinas noong 1933, minabuti ng kanyang ama kasama ang ilang kaibigan na itayo ang Philippine Bank of Commerce (PBC) noong 1934.
Ang PBC ang kauna-unahang pribadong bangko sa bansa na pag-aari ng mga Pilipino, aniya, at ito ay naging sanayan ng iba’t ibang mataas na opisyal ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa nagdaang panahon tulad ni Jobo Fernandez, dating BSP Governor. Ang PBC rin ang naging ama ng iba pang mga bangkong itinayo sa bansa tulad ng Security Bank ng pamilya Jacinto, ani Don Pedro. “Nag-boom ang stock market ng Pilipinas noong 1930 dahil sa pagpasok ng mga mining company, pero bumagsak din dahil sa nag-crash ang stock market ng Amerika noong 1929 na naging simula ng Great Depression,” aniya. Dahil sa pagbasak ng stock market, sinabi ni Don Pedro na halos naubos din ang salapi at ari-ariang naipon ng kanyang ama.
Ngunit hindi ito naging sagabal upang itayo ni Don Jose Cojuangco, Sr. at mga kaibigan ang PBC. “Sometimes, your tragedy is only setting you up for your finest moment,” sabi ni Don Pedro. Sa kabila ng pagbagsak ng ekonomya ng bansa noong panahong iyon, aniya, nanatiling buhay ang negosyo ng kanyang ama dahil sa mahigpit na paninindigan nito sa sariling “code of ethics” na minana din nila sa kanya. Binanggit din niya na noong panahon ni dating Pangulong Manuel L. Quezon ay inalok nito ang kanyang ama na bilhin ang isang plantasyon ng tubo sa Baler, ngunit pinayuhan ang kanyang ama ng kaibigang si Jose Sumulong ng Antipolo na huwag papatol sa mga negosyong alok ng pulitiko.
Si Don Jose Cojuangco Sr. ay isinilang sa Malolos noong Hulyo 3, 1896. Siya ay unang supling nina Melencio Cojuangco at Tecla Chichioco na anak nina Juan Chichioco at Timotea Valenzuela. Noong 1896 ang mag-asawang Melecio at Tecla ay lumipat sa Paniqui, Tarlac kung saan isinilang ang kanilang tatlo pang supling na sina Juan, Antonio at Eduardo Sr. Bukod sa pagiging isang mangangalakal, si Don Jose Cojuangco Sr., ay naging Konsehal ng bayan ng Paniqui noong 192225, naging kinatawan ng Tarlac sa lehislatura noong 1934-1947, at pinangasiwaan ang Hacienda Luisita mula 1958 hangggang 1976. Siya ay yumao noong Agosto 21, 1976.
Aktibo ang proyektong zero waste ng Malolos mula sa pahina 1
“Zero waste management is a working process. Matagal bago maipatupad lahat pero, kung tututukan tulad ng ginawa namin, magagawa,” ani Domingo. Inayunan ito ni Marilyn Depositar, ang solid waste consultant ng lungsod at siyang administrador ng MRF. Siya ay kasama nina Domingo at Kapitan Lauro Atienza ng Barangay Mambog na kinasuhan sa Ombudsman ng Bangon Kalikasan Movement. Sinabi ni Depositar sa Mabuhay na naipatupad nila ng kabuoan ng zero waste management ng lungsod noong nakaraang Mayo. Ayon kay Depositar, bago sumapit ang nasabing buwan umaabot sa mahigit 100 metriko tonelada ng basura ang naiipon mula sa 51 barangay ng Malolos bawat araw, ngunit ngayon, aniya, iyon ay bumaba sa 60 hanggang 70 metriko tonelada bawat araw. Ipinaliwanag at ipinakita niya sa Mabuhay ang proseso na kanilang ginagawa sa bawat uri ng basura sa Malolos. Una, aniya, ang nabubulok na basura na kinukulekta ay nagagawa nilang compost fertilizer at ipinagkakalooob sa mga magsasaka sa lungsod na nagsasagawa ng organic farming. Sinabi niya na noong nakaraang taon, sila ang nagsasagawa ng paggiling sa basura at composting nito sa MRF, at kapag “luto” na ang compost o umabot na sa sapat na panahon ang pagka-luto nito ay ipinamamahagi na nila iyon sa mga magsasaka. Ngunit binago ni Mayor Domingo ang pamamaraang ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng aktibong partisipasyon sa mga magsasaka at iba pang mamamayan ng Malolos. Ngayon, sa halip na sa MRF “lutuin” ang compost, mga magsasaka na ang “nag-
luluto” nito dahil matapos gilingin sa MRF ang mga nabubulok na basura ay ipinamamahagi na iyon sa mga magsasaka upang sila mismo ang magsagawa ng kabuoan ng pagko-compost sa kanilang bakuran o bukirin. Ikalawa, ang mga nonbiodegradable o hindi nabubulok na basura naman tulad ng mga plastic ay inihihiwalay sa mga nabubulok na basura sa MRF, hinuhugasan at pinatutuyo, pagkatapos ay kinukulekta ng Holcim Cement Corporation sa Norzagaray, Bulacan. Lumagda ng isang kasunduan ang Holcim sa pamahalaang lungsod ng Malolos upang makuha ang nasabing tipo ng basura. Ang mga hindi nabubulok na basura ay ginagamit namang alternatibong panggatong ng Holcim sa paggawa ng semento. Ayon kay Depositar, mula noong Mayo ay umabot na sa mahigit 40 metriko tonelada ng basura ang nakuha ng Holcim mula sa MRF ng Malolos at ginamit na alternatibong panggatong. “We can say that we are truly implementing zero waste management dahil walang natitira sa basurang pino-process namin sa MRF,” ani Depositar. Hinggil naman sa mga biomedical waste o basura ng mga ospital sa Malolos, sinabi ni Depositar na inatasan na ng City Health Office ang mga administrador ng mga ospital, pribado man o pampubliko, na magtayo ng sariling pasilidad para sa kanilang basura. Ang mga industrial waste naman ng mga pabrika sa Malolos, ayon kay Depositar, ay kinukulekta ng mga accredited hauler at dinadala sa mga accredited treatment facility sa Bulacan at Pampanga. Kaugnay nito, sinabi ni Rey Garcia, hepe ng General Services Office ng Lungsod ng Malolos, na isa sa prob-
IBINUBUHOS ng isa sa mga trak ng Lungsod ng Malolos ang mga basurang nakulekta mula sa iba’t ibang barangay habang nakaabang ang mga tagapili na ihihiwalay ang mga nabubulok sa di nabubulok na basura. — DB
lemang kanilang nakikita ngayon ay ang mga pozo negro excavator. Ito ay dahil na rin sa nakadakip sila kamakailan ng isang pozo negro excavator na nagtatapon ng mga duming kinuha sa pozo negro sa isang sapa sa lungsod na ito. Nagpahayag din si Garcia na malaki ang posibilidad na ibasura ang kasong isinampa laban sa kanila ng Bangon Kalikasan Movement dahil na rin sa patuloy na nagiging epektibo ang programa sa basura ng Malolos mula noong Mayo. Matatandan na noong Setyembre 26 ay nagsampa ng kaso ang Bangon Kalikasan laban sa mga pamahalaang lokal ng Malolos, San Jose Del Monte, Plaridel, San Rafael, San Ildefonso at San Miguel sa Bulacan, at maging sa pamahalaang panglalawigan ng Rizal, dahil sa diumano’y patuloy na operasyon ng open dumpsite sa kani-kanilang lugar. Ayon kay Joey Papa, pangulo ng Bangon Kalikasan, bago nila kinasuhan ang mga nasabing pamahalaang lokal ay pinadalhan nila ang mga ito ng “ecological notice” noong Disyembre kung saan ay tinukoy nila ang mga paglabag ng mga ito sa Republic Act 9003 o Ecological Solid Waste Act of 2000. Noong Enero at Pebrero, sinabi ni Papa na pinadalhan nila ng “notice to sue” ang mga nasabing pamahalaang lokal bilang bahagi ng pagsunod sa tinatakda ng Local Government Code of 1991 na hindi maaaring kasuhan ang pamahalaan kung hindi muna napadalhan ng notice to sue. Ayon kay Papa, sa kabila ng kanilang mga ipinadala sa mga alkalde ay nagpatuloy pa rin ang mga ito sa operasyon ng kanilang dumpsite na ipinagbabawal na sa batas. Samantala, sinabi naman ni Bise Gob. Wilhelmino “Willy” Sy-Alvarado na kailangan pa rin ang sanitary landfill sa lalawigan dahil hindi magtatagal ay maaaring mapuno rin ang mga MRF na itinayo sa lalawigan tulad ng MRF sa Malolos. Ayon kay Bise Gob. Alvarado, matutugunan ng mga MRF ang mga pangkaraniwang basura ngunit hindi magtatagal ay mapupuno din nito ang mga MRF. Binigyang diin niya na kailangan ang isang modernong sanitary landfill sa lalawigan para sa iba pang klase ng basura. Ayon sa batas, tanging ang mga sanitary land fill lamang ang maaaring tumanggap at magproseso ng mga industrial waste at maging ng mga biomedical waste.
PINAGMAMASDAN ni Don Pedro Cojuangco ang panandang pangkasaysayan na inilagay sa matandang bahay ng kanyang yumaong ama na si Don Jose Cojuangco sa Barangay San Agustin, Lungsod ng Malolos habang nakatingin si dating Kinatawan Peping Cojuangco ng Tarlac. — DINO BALABO
Pagbabago ng panahon ang sanhi ng Angat fish kill L UNGSOD NG M ALOLOS — Humupa na ang “fish kill” sa kailugan ng Angat Dam at, ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), ang pagkamatay ng isda ay sanhi ng biglang pagbabago ng panahon. Patuloy pa rin ang pagsusuri ng BFAR sa mga namatay na isda upang matukoy kung kontaminado ng heavy metals o nakakalasong kemikal ang mga isda, samantalang inoorganisa ng pamahalaang panglalawigan ng Bulacan ang mga residente sa kabundukan upang maging mapagmatyag. Ayon kay Gloria Carillo, hepe ng Provincial Agriculture Office (PAO), ang pagkamatay ng isda sa Kabayunan River sa hilagang bahagi ng Angat Dam watershed ay nagsimula noong Septembre 27. Sinabi ni Carillo na batay sa ulat ng BFAR, tumaas ang lebel ng “un-ionized ammonia” o ang nakakalasong ammonia sa tubig. “Umabot sa 0.022 miligram per liter ang un-ionized ammonia, pero ang allowable ay 0.02 mg/l lamang,” ani Carillo. Ang nakakalasong ammonia sa tubig batay sa tatlong pahinang ulat ng BFAR ay maaaring sanhi ng mga nabubulok na kahoy na matagal nang nakababad sa tubig. Matatandaan na matapos hagupitin ng malalakas na bagyo ang Sierra Madre noong Disyembre 2004 ay naanod ang mga troso sa lagusan ng Umiray Angat Transbasin Project (UATP) at bumulwak sa Sitio Macua na nasa loob ng 63,000ektaryang Angat watershed. Ang haba ng lagusan ay 13
kilometro. Ang mga trosong inanod kasama ang libo-libong piraso ng kahoy at mga naputol na sanga ng kahoy ay nagsilutang sa kailugan ng Sitio Macua, Sitio Basyo at Sitio Makina na bahagi ng kailugan ng Barangay Kabayunan sa bulubunduking bayan ng Donya Remedios Trinidad DRT na nakakasakop sa watershed. Ang mga kahoy na nagsilutang kasama ang mga itim na sisidlan na sinasabing pinaglagyan ng mga kemikal ng mga Italyanong kontraktor na bumutas sa tunnel ng UATP. Nakunan ng larawan ng Mabuhay ang mga nasabing sisidlan noong Enero 2005, kung kailan nagtungo sa Sitio Basyo ang mga mag-aaral ng Bulacan State University Graduate School at ang pamunuan ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) upang magsagawa ng pag-aaral at medical mission. Bukod naman sa nakakalasong ammonia sa tubig, sinabi pa ni provincial agriculture officer Carillo na, ayon pa sa pagsusuri ng BFAR, maaaring namatay ang mga isda sanhi ng “thermal stratification” o pagbabago sa temperatura ng tubig na hatid ng malakas na ulan matapos ang mainit na panahon. Hinggil naman sa mga tissue sample na kinuha ng BFAR sa mga isdang nangamatay, sinabi ni Carillo na iyon ay isinumite sa CRL laboratory sa Clark Field, Pampanga upang suriin kung kontaminado ng heavy metals tulad ng mercury, cadmium, lead, arsenic at chromium. Nanawagan naman si Gob. Joselito “Jon-jon” Men-
doza sa publiko na maging maingat sa pag-iipon ng impormasyon upang hindi makapagdulot ng pagkabahala na magiging sanhi ng pagkalugi ng mga mangingisda. Sa pakikipanayam ng Mabuhay kay Gob. Mendoza noong Oktubre 15, sinabi niya na inoorganisa nila ang mga katutubo upang maging mapagmatyag sa mga nangyayari sa kabundukan. Una rito, nagpahayag ang mga katutubong Dumagat kay Bise Gob. Wilhelmino “Willy” Sy-Alvarado, na bumisita sa higanteng tinggalan ng tubig noong Biyernes, Oktubre 10. Sinabi nila kay Bise Gob. Sy-Alvarado na nagugutom na sila dahil sa natatakot silang kumain ng isda mula sa Angat Dam. Kinumpirma naman ni Bro. Martin Francisco ng Sagip Sierra Madre Multisectoral Council (SSMMSC) ang pahayag ng mga Dumagat. “Takot pa rin silang kumain ng mga isdang galing sa ilog lalo na ’yung nakatira malapit sa Sitio Makina at Sitio Macua dahil baka daw may kemikal (ang isda),” ani Francisco. Sinabi rin niya na ang insidente ng fish kill ay ang kauna-unahan sa karanasan ng mga Dumagat na nakatira sa loob ng Angat watershed. Batay naman sa tala ng Panglalawigang Tanggapan ng Agrikultura, ang fish kill sa dam ay ikaapat na sa Bulacan ngayong taong ito. Ang una ay naitala sa Barangay Saluysoy, Lungsod ng Meycauayan noong unang linggo ng Abril, kasunod ay ang magkasunod na insidente sa bayan ng Balagtas noong Mayo at Hunyo. — Dino Balabo
Mabuhay
6
LINGGUHANG PILIPINO MULA PA NOONG 1980
OKTUBRE 17 – 23, 2008
PROYEKTONG BULACAN BULK
Ang pagbaliktad sa resolusyon ni Bokal Christian Natividad NI DINO BALABO
Ang pitak na ito ay isang paglilingkod pampamayanan ng pahayagang Mabuhay. Maaari kayong magpadala ng inyong mga pahayag at pagbati na may kalakip na larawan sa
[email protected]. Mangyari po lamang na ilagay ang inyong tunay na pangalan, tirahan, numero ng telepono, at maging e-mail address. — PATNUGOT
(Narito ang huling bahagi ng pagbabaliktanaw ni Dino Balabo sa kanyang mga nasaksihan sa pag-uulat niya hinggil sa proyektong Bulacan Bulk. — Patnugot)
LUNGSOD NG MALOLOS — Matapos ang mainitang pagtatalo sa committee hearing na isinagawa sa Max’s Restaurant sa lungsod na ito ng dalawang kasapi ng Sangguniang Panglalawigan, nagsimula naman ang mahahabang sesyon sa Sanggunian hinggil sa proyektong Bulacan Bulk. Ang mga sumunod na araw ng debate sa hapag ng Sangguniang Panglalawigan ay nakahikayat sa mga kasapi ng iba’t ibang sektor kabilang ang mga magsasaka na dumalo at makinig. Mahahaba ang mga naging debate na namarkahan ng mga sunod-sunod na “two minutes recess” na tumatagal kung minsan ng 30 minuto, kaya’t ang mga naging sesyon ay umabot ng hating gabi, at noong huli ay hanggang madaling araw. Nabulgar din sa mga nasabing sesyon kung sino sa mga kasapi ng Sangguniang Panglalawigan ang may ibubuga sa debate, kung sino ang may paninindigan sa katuwiran, at kung sino ang mga parang hipon na natatangay ng agos. Maging ang isyu ng panunuhol ay lumutang nang may magpadala ng text message kay Bokal Ernesto Sulit ng Ika-3 Distrito. Hindi na sana mabubulgar ang text message ngunit nainis si Sulit at hinarap ang mga tao sa gallery. Tinanong niya kung sino ang nagpadala sa kanya ng text message at binasa ang buong mensahe na magkano daw ang ibinayad sa kanya ng Ayala. Ngunit bago ang pangyayaring ito ay mainitan ang pagtatalo sa hapag hinggil sa Bulacan Bulk. Ang totoo, isang probisyon lamang sa Memorandum of Agreement (MOA) ang pinagtalunan ng mga bokal: itutuloy ba o hindi ang kasong inapela ng Metropolitan Watewrworks and Sewerage System (MWSS) sa Court of Appeals (CA). Ayon sa mga oposisyon sa Sanggunian na pinamumunuan ni Bise Gob. Wilhelmino “Willy” Sy-Alvarado, pabor din sila sa proyektong Bulacan Bulk pero ang tinututulan lamang nila aniya ay ang paguurong sa kaso na isa sa mga probisyon ng MOA. “We are all for the Bulacan Bulk project, maliban sa pag-uurong ng kaso,” ang sabi ni Sy-Alvarado noon dahil sa paniniwalang ang pag-uurong sa kaso ay ilegal at hindi intensyon ng batas. Binigyang diin naman ng mga oposisyong sina Bokal Vicente Cruz (Ika-1 Distrito), Bokal Eulogio Sarmiento III (Ika4 Distrito), at Bokal Ariel Arceo (Ika-2 Distrito) na isinasaad ng Saligang Batas na dapat ay makatanggap ng kabahaging kita ang Bulacan sa paggamit ng MWSS sa Angat Dam na nasa Bulacan. Parang walang katapusan ang pagtatalong halos ay paikot-ikot lamang, ngunit sa bandang huli nagulat ang marami sa inihaing resolusyon ni Bokal Christian Natividad, ang nagpanukala o proponent ng resolusyon sa Sanggunian. Simple lamang ang nilalaman ng resolusyon ni Natividad. Tuloy ang Bulacan Bulk, at tuloy din ang kaso ng Bulacan laban sa MWSS na noo’y naghihintay madesisyunan sa Court of Appeals. Ang nasabing resolusyon ay buong pagkakaisang pinagtibay ng lahat ng kasapi ng Sangguniang Panglalawigan. Ngunit, hindi doon natapos ang istorya. Kinabukasan, ipinatawag ni Gob. Joselito “Jon-jon” Mendoza ang mga kaalyadong bokal, dahil mali daw ang resolusyong pinagtibay. Dapat daw ay iurong ang kaso laban sa MWSS. Nasundan pa ang pulong ng sumunod na araw, ayon sa mga Bokal na nakapanayam ng Mabuhay. Sa ikatlong araw, maging mga Bokal na nasa hanay ng oposisyon ay kinausap na rin ni Mendoza, at noon ding araw na iyon ay naghain ng panibagong resolusyon si Bokal Ernesto Sulit sa Sangguniang Panglalawigan na binabaligtad ang resolusyong kanilang pinagtibay dalawang araw pa lamang ang nakalilipas. Halos pareho ang resolusyon nina Sulit at Natividad maliban sa isang probisyon: dapat iurong ang kaso laban sa MWSS. Muli, nagsimula ang mahahabang sesyon na namarkahan ng mapait na debate at mga “two minute recess” na umabot ng mahigit 30 minuto kaya’t inabot ng hating gabi ang sesyon. Sa kanyang pangangatwiran sa hapag
T SM City Baliwag magbubukas na sa Disyembre
Bise Gob. Willy Alvarado at Bokal Christian Natividad ng Sangguniang Panglalawigan, sinabi ni Sulit na kailangang pagtibayin ang bagong resolusyon upang matiyak na matutuloy ang proyektong Bulacan Bulk. Ngunit binigyang pansin ng mga oposisyon na ang pag-uurong ng kaso laban sa MWSS ay nangangahulugan ng pagsusuko ng karapatan ng mga Bulakenyo na nakasaad sa Saligang Batas na nagsasabing dapat makatanggap ang Bulakenyo ng kabahaging kita ng MWSS sa paggamit ng tubig sa Angat Dam. Bukod dito, sinabi ng oposisyon sa pamumuno ni Alvarado na ang pagpapatibay ng resolusyong inihain ni Sulit ay nangangahulugan din na isusuko ng Bulacan ang water right nito sa 230 million liters per day na tubig na ipinagkaloob ng MWSS sa lalawigan nang pagtibayin ng MWSS Board of Directors ang isang resolusyon para doon. Sa huli, namayani ang mayorya na kakampi ni Sulit at kaalyado ni Mendoza nang magbotohan sila para sa pagpapatibay ng Sulit resolution na nagnanais iurong ang kaso laban sa MWSS. Apat lamang ang tumutol sa Sulit Resolution. Sila ay ang mga bokal na sina Vicente Cruz, Eulogio Sarmiento III, Ariel Arceo, at Christian Natividad. Si Natividad ang nagsulong ng resolusyong binaligtad ni Sulit, ngunit sa debate para sa resolusyon ng kapartido niyang si Sulit ay hindi na siya masyadong nakialam. Tutol man si Sy-Alvarado sa nasabing resolusyon ni Sulit ay hindi siya nakaboto, dahil bilang tagapangulo ng Sangguniang Panglalawigan ang kanyang boto ay kailangan lamang bilang tie breaker o kapag magkasing dami ang bumoto sa dalawang magkaibang pananaw. Marami ang nagkomento na ang pagbaligtad ng mayorya sa naunang resolusyon ng kanilang kaalyadong si Natividad ay isang palatandaan ng pabago-bagong desisyon ni Gob. Mendoza na sinasabing nagbigay ng go signal sa resolusyon ni Natividad. Ngunit sa isang banda, ito ay nagpakita rin ng kanyang liderato sa mga kaalyado sa Sangguniang Panglalawigan. Napasunod ng gobernador ang mga ito kahit baligtarin ang mga sariling desisyong ipinahayag nang magsiboto ng pabor sa naunang resolusyon ni Natividad ilang araw lamang ang nakalipas. Ang sumunod na pangyayari ay ang paglagda ni Mendoza at Lorenzo Jamora, ang noo’y administrador ng MWSS, sa MOA na isinagawa sa Hiyas ng Bulacan Convention Center noong Disyembre 12. Sa kanyang pambungad na pananalita, inilarawan ng noo’y Provincial Administrator na si Gladys Sta. Rita ang paglagda sa MOA para sa P11-B proyektong Bulacan Bulk na, “this is justice to the Bulakenyos.” Maging si dating Gob. Josie Dela Cruz ay dumating upang sumaksi sa paglagda at nagsabing, “Kapag natuloy ang proyektong ito, wala nang tatalo sa amin dito sa Bulacan.” Ang nasabing MOA ay dapat sanang niratipika naman ng Board of Directors ng MWSS noong Disyembre 16, ngunit ayon kina Bokal Natividad at Ramoncito Posadas, hindi iyon nangyari. Bukod dito, inilabas noong Mayo 30 ng Court of Appeals ang kanilang desisyon hinggil sa kasong inapela ng MWSS. Batay sa desisyon ng Court of Appeals, kinatigan nila ang naunang desisyon ng Regional Trial Court sa Malolos na pagbayarin sa Bulacan ang MWSS sa paggamit nito ng tubig sa Angat Dam. Dahil sa hindi pagkaratipika ng MWSS Board of Directors sa MOA at hindi pagkakaurong nina Mendoza at ng MWSS sa kasong dinesisyunan ng Court of Appeals, sinabi nina Natividad at Posadas na ang MOA na nilagdaan ni Mendoza at ng MWSS ay “technically dead.”
BALIUAG, Bulacan — Magiging masaya ang Pasko ng mga residente ng bayang ito sa pagbubukas ng SM City Baliuag. Ang SM City Baliuag ay ang ika-33 mall ng SM Prime Holdings sa buong bansa at ikalawa naman sa lalawigan. Ang unang mall nila sa Bulacan ay matatagpuan sa bayan ng Marilao. Ayon kay Sheryl Dela Rama Baltazar, ang public relations officer ng SM City Marilao, ang SM City Baliuag ay opisyal na magbubukas sa Disyembre 12. Ito ay unang pinlanong buksan sa Nobyembre 14, ngunit kinapos sa panahon. Ayon kay Baltazar, nais nilang matiyak na handa ang lahat ng pasilidad ng SM City Baliuag bago buksan sa publiko. Ang nasabing mall ay matatagpuan sa kahabaan ng DRT Highway sa Barangay Pagala, sa bayang ito. Katulad ng ibang mall ng SM Prime Holdings, ang dalawang palapag na SM City Baliuag ay mayroon ding dining at entertainment area at Hypermart. Ang mga karaniwang tindahan o stall na matatagpuan sa ibang SM City mall ay matatagpuan din sa SM City Baliuag. Sinabi pa ni Baltazar na ang SM City Baliuag ay mayroong apat na sinehan at food court kung saan maaaring makabili ng mga paboritong pagkain.
T 8th Atspar III Regional Press Congress STA. MARIA, Bulacan — Ang nagtatangol na pangkalahatang kampeon na Bulacan State University (BulSU) ang muling magsisilbing host sa ika-8 Association of Tertiary School Paper Advisers Region III (Atspar III) Press Congress na gaganapin sa Sitio Lucia Resort sa Barangay Pulong Buhangin sa bayang ito. Ang Atspar III Press Congress ay gaganapin sa Nobyembre 12-14. Ito ang ikalawang sunod na taon ng pagiging host ng BulSU sa taunang kumpetisyon ng mga kabataang mamamahayag mula sa iba’t ibang pamantasan sa Gitnang Luzon. Noong nakaraang taon, ang BulSU ang tinanghal na pangkalahatang kampeon sa ika-7 Atspar III Press Congress na isinagawa sa Paradise Resort sa lungsod ng Malolos. Ayon kay Romulo Mercado, ang pangulo ng Atspar III na siya ring director ng student publications sa BulSU, inaasahang magiging mahigpit ang kumpetisyon sa pagitan ng mga kabataang mamamahayag sa taong ito dahil sa pagnanais na maagaw sa BulSU ang korona. Ito ay dahil na rin sa mas agresibong paghahanda na ginawa ng bawat paaralang kalahok sa pamamagitan ng pagsasagawa o pagdalo sa iba’t ibang pagsasanay. “Dapat ay sa Zambales gaganapin ang kumpetisyon sa taong ito, ngunit hiniling ng bumubuo ng Atspar III na BulSu ang muling magsilbing host,” ani Mercado. Ayon kay Mercado, ang mga pangunahing kategorya na pagtutunggalian ng mga kalahok ay ang feature writing, news writing, copy reading and headline writing, editorial cartooning, opinion writing, comic strip drawing, sports writing, editorial writing, poetry writing, at literary graphic illustration. Bukod dito, sinabi ni Mercado na bago matapos ang Press Congress ay magkakaroon din ng lecture hinggil sa media ethics at press freedom. Ang mga napiling hurado sa iba’t ibang kategorya ng kumpetisyon ay sina NeneBundoc Ocampo ng pahayagang Punla, Propesor Ben Domingo ng Central Luzon State University, Reggie Gaboy at Dino Balabo ng pahayagang Mabuhay at Philippine Star.
T CMFR Citizens Press Councils reunion MAGSASAMA-SAMA sa kauna-unahang pagkakataon ang mga bumubuo ng citizen press council sa bansa na tinulungang maitatag ng Center for Media Freedom and
Responsibility (CMFR), kabilang ang Central Luzon Press Council (CLPC). Ito ay isasagawa sa Oktubre 25-27 sa AIM Conference Center na matatagpuan sa kanto ng Benavidez at Trasierra Streets sa Legaspi Village sa Lungsod ng Makati. Ayon kay Propesor Luis Teodoro, ang deputy director ng CMFR, ang reunion ay magsisilbi ring isang konsultasyon ng mga citizens press council kung saan ang bawat isa ay inaasahang magbabahagi ng kanilang mga karanasan. Ang mga inasahang dadalo ay ang mga bumubuo sa mga citizens press council sa Lungsod ng Cebu, Lungsod ng Baguio, Palawan at Gitnang Luzon na sinimulang itatag noong Setyembre at itinuturing na “bunso.” Ang Cebu Citizens Press Council ay ang itinuturing na pinakamatatag at aktibo sa lahat. Ang citizens’ press council ay isang mekanismo upang maging sumbungan ng mga mga mamamayang inabuso ng mga mamamahayag. Ito ay karaniwang binubuo ng mga mamamayan mula sa iba’t ibang sektor at mga mamamahayag at naglalayong itaas ang antas ng pamamahayag sa bansa.
T Joyce Ann De Leon, pambato ng Hagonoy HAGONOY, Bulacan — Nagbunga ang dalawang taong pagtitiyaga ng isang 11anyos na mag-aaral ng Iba Poblacion Elementary School sa bayang ito dahil siya ang magiging kinatawan ng lalawigan sa Regional Press Conference na gaganapin sa Disyembre sa Lungsod ng Olongapo. Ayon kay Fe Faundo, ang gurong tagapagsanay ni Joyce Ann De Leon, ikinagulat nila nang mapili ang kanyang estudyante na maging isa sa kinatawan ng lalawigan sa regional press conference sa larangan ng photo journalism. “Pumangatlo lang siya sa cluster level na isinagawa sa Calumpit Elementary School, kaya nagulat kami nang pumasok siya sa top three sa division level na ginanap sa Sabang Elementary School sa Baliuag,” ani Faundo. Ang pagwawagi ni Joyce Ann sa nakaraang kumpetisyon ay maghahatid sa kanya sa mas malaking kumpetisyon sa Disyembre. Ayon kay Faundo, si Joyce Ann ang kauna-unahang mag-aaral ng Iba Poblacion Elementary School na may 220 mag-aaral sa bayang ito na nakarating sa regional competition. Noong nakaraang taon, nanguna si Joyce Ann sa photojournalism category sa cluster level ngunit hindi pinalad na makapasok sa unang tatlong puwesto sa division level.
T Libreng pagkumpuni ng sirang cellular phone sa Q.C. LUNGSOD NG QUEZON — Magsasagawa ang Barangay Escopa III ng libreng pagkumpuni ng mga sirang cellular phone sa pakikipagtulungan ng Asian College of Science and Technology (ACSAT) sa Martes, Oktubre 28. Ang nasabing proyekto ay inisyatiba nina Barangay Chairwoman Delia Bongbonga, Kagawad Ronald “Jon-jon” Flores, chairman on livelihood programs ng Barangay Escopa III, at ng ACSAT. Ayon kay Flores, ang proyektong ito ay bahagi ng kanyang livelihood program na ang layunin ay ang ipakita sa mga kabataan na out school ng barangay kung paano kumita sa pamamagitan ng pagkukumpuni ng sirang cellular phone at mahikayat ang mga ito na mag-aral ng short course kagaya ng Cellular Phone Technician. Ayon pa kay Flores, ang mga magkukumpuni ng mga sirang cellular phone ay pawang mga estudyante ng ACSAT na kasalukuyang sumasailalim sa on-the-job training. — Charlett Añasco
T Happy Birthday Maligayang kaarawan kina Patrick Henry Calub, Okt. 14; Valdemar Anthony Mata, Okt. 23; Eduardo Salaysay, Okt. 25. Pagbati mula sa pamunuan ng Mabuhay at Art Angel Printshop.
Mabuhay
OKTUBRE 17 – 23, 2008 ○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
Regarding Henry
○
○
○
○
○
○
○
○
from page 3
feated for Speaker in 1838. In 1843, he was defeated for Congress but was elected to Congress in 1846. He was defeated for Senate in 1855, for Vice-President in 1856, and for Senate again in 1858. But in 1860, he was elected President of the United States. His name: Abraham Lincoln. Donald Phillips commented, “Everything — failures as well as successes — became stepping stones to the presidency. In this sense, Lincoln’s entire life prepared him for his future executive leadership role.” Being handicapped is not a hindrance to become successful in life. Winston Churchill, famous for his eloquence, had a speech impediment as a boy. Theodore Roosevelt spoke with difficulty. Mahatma Gandhi was so fearful of public speaking that in his first attempt to represent a client as her lawyer he became tongue-tied when it was time for him to speak in court. Clarence Chamberlain, the aviator who flew the Atlantic, could never pass the standard test for depth perception, but they closed an eye and gave him a license anyway, and he became one of the safest of fliers. Glenn Cunningham, who hung up new records for the mile in running, had both legs so badly burned that he was expected never to be able to walk again. Now, you’re rich and famous. You can have everything you want in life. But I hope the story of a genie in the bottle will remind you of something. A little boy found a corked bottle at the foot of a tree. There was a curious buzzing sound inside and so he pulled out the cork to see what it was. Out came a cloud which formed into genie and then expanded as big as a house. The genie then threatened to kill the boy. With great presence of mind, the boy wondered out loud how such a big object could fit into such a small bottle. So he asked the big genie to show how. Foolishly, it did. Then he capped down the cork again. The genie kept cursing and threatening and shouting. But the corked stayed on. Then the captive took a new tack and promised not to hurt the boy if he left him out again. The boy thought about this for a long time and was skeptical and did not want to get tricked. Finally, he agreed that he would let the genie out only if he became his servant. He agreed. Success is like a genie. It will become bigger and bigger and before you know it, it will rule over your life — and even destroy you. But like the little boy, you have to make your success your servant instead of your master. Charles Reade reminds: “Sow a thought, and you reap an act; sow an act, and you reap a habit; sow a habit, and you reap a character; sow a character, and you reap a destiny.” — For comments, write me at
[email protected]
○
○
○
○
○
○
○
○
○
Kastigo
○
○
○
○
○
7
LINGGUHANG PILIPINO MULA PA NOONG 1980
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
mula pahina 2
maw na kompanyang ito sa mga nagpatibay ng pesteng batas na hangga ngayong mababa na ang presyo ng langis sa pamilihang pandaigdig ay ayaw pa rin ibaba ng tatlong kompanyang ganid. Sa kabilang dako, ang lubos na pagpapatawad na ipinagkaloob ni GMA kay dating Pangulong Estrada ay hindi lamang lalong nagsadlak sa bansa sa maruming pulitika, iwinala pa ni Gng. Arroyo ang isang magandang pagkakataon at karangalang mag-uukit sana sa kasaysayan sa kanyang pangalan—bilang unang Pangulo na nakapagpabilanggo o nakapagpabitay (kung di pinatay ng Kongreso ang parusang bitay) ng isang Pangulong napatunayan ng hukuman na nagkasala sa pandarambong. Magsisilbi sana itong malakas na babala sa lahat ng mga tiwaling public servant na “crime does not pay.”
EXTRAJUDICIAL SETTLEMENT OF ESTATE WITH WAIVER OF RIGHTS NOTICE is hereby given that the estate of the late Salvadora Ramos Mercado who died on January 11, 2008 in Guagua, Pampanga leaving personal property consisting of a sum of money deposited at Development Bank of the Philippines (San Fernando, Pampanga Branch) under Savings Account Number 5-04002-580-5 in the sum of P404,000.00 was extrajudicially settled by her heirs before Notary Public Nepomuceno Z. Caylao as per Doc. No. 380; Page No. 77; Book No. II; Series of 2008. Mabuhay: Oktubre 3, 10 and 17, 2008
○
○
○
○
○
○
○
○
○
Promdi
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
Sa Bulacan, pakiramdam daw ni Sy-Alvarado ay nasa Kongreso pa rin siya dahil sa panay ang deliver ng privileged speech. Si Jon-jon naman na dating kapitan ay madalas magpalabas ng “official statement” at parang may phobia sa media. *** Ang privileged speech ay alam nating protektado ng tinatawag na parliamentary immunity. Ang kopya ng privileged speech ni SyAlvarado ay nakakahalintulad ng “official statement” ni Jon-jon na ipinamimigay sa media. Pero ang kopya ng speech ni Alvarado ay ipinamamahagi sa mga barangay tulad noong siya ay Kongresista pa. Kung umiiwas si Jonjon sa media, umiiwas ba si Alvarado sa kasong libelo kaya ang gusto niya ay privileged speech? Hmmmm. ○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
from page 3
Inquirer’s “Manual of Editorial Policies” devotes a whole section (1.6) to privacy. Sun•Star’s Code of Standards & Ethics bans masquerading to gain access to private information. But media here hasn’t developed seminal guidelines more fully than, say Australia or the UK. Supreme Court Chief Justice Louis Brandeiz first raised the privacy issue in Harvard Law Review (December 1890). This is now 2008. Internet meanwhile has evolved “citizen journalism” and Kapisanan Ng Mga Brodkasters struggles with mayhem inflicted by non-journalists: block-time commentators who never read KBP’s code of ethics. Media ought to revisit
a right to information about those entrusted with official duties. Corazon Aquino has stepped down from office. But she remains a respected public figure. She broke the news about her colon cancer. Her family requested that privacy be respected in her illness. The press respected that request scrupulously. Ordinary citizens can be dragged willy-nilly into headlines by tragedy, crime or some other event. Journalists must balance competing demands: for critical information on one hand and personal privacy on the other. Reporting must be full yet sensitive. This separates the men from the boys. ○
○
○
○
○
○
○
○
○
Forward to Basics rally desire, out of veneration, to have sacred objects and items associated with a particular saint. This is only to foster in us a constant piety and devotion to God through His “chosen ones”. But what the saints have genuinely left are not houses, things or books but a life identified with Christ that becomes a path for many towards Heaven. In other words, they have allowed themselves — their entire life and ambitions — to become God’s “remembrances” for men here on earth. They are God’s tokens, witnesses that remind us constantly not only about heaven, but
Among Ed sa isang recall petition na isinampa na noong Miyerkoles, Oktubre 15. Sabi ni Jon-jon, “Susuportahan ko si Among … sa panalangin.” *** Mayroon pang pagkakatulad ang mga gobernador ng Bulacan at Pampanga. Pareho sila na hindi makasundo ang kanilang Bise Gobernador. Ang bentahe ni Jon-jon, kakampi niya ang mayorya sa Sanggguniang Panglalawigan ng Bulacan, na ang tatlong minorya ay kakampi ni dating kinatawan na ngayon ay Bise Gob. Willy Sy-Alvarado; samantalang si Among Ed ay kalaban ang “basketball team” ni Coach Vice Governor Yeng Guiao. *** Hindi naman magkasundo ang mga nasabing gobernador at kanilang mga bise-gobernador, mayroon din silang pagkakatulad.
*** Sabi ni Among Ed, maraming humanga sa kanilang dalawa ni Jon-jon nang aminin nilang tumanggap sila ng kalahating milyong pisong regalo, at ang sabi raw ng pumuri sa kanila ay hindi pala lahat ng pulitiko at nababayaran. Sinabi pa ng dalawa na kapwa sila lalong tumibay matapos ang nasabing iskandalo. Pero hindi pa tapos ang nasabing iskandalo, dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nila matukoy kung saan galing ang nasabing pera. *** Kapwa baguhan sa pulitika ang dalawang gobernador, kapwa rin sila nahaharap sa election protest na isinampa laban sa kanila ng kanilang mga katunggali matapos ang 2007 elections. Bukod dito, nahaharap si
This lesson explains the deep unease roiling American voters today over a vicepresidential candidate: the patently unqualified Alaska governor Sarah Palin. Sure, she’s good at shooting moose. But would you entrust to her the “football” — the presidential briefcase containing nuclear war codes?. Someone please put Sarah Palin out of her agony,”asked Newsweek’s Fareed Zakaria, adding: “Is it too much ask that she come to realize what she wants …‘to spend more time with my family.’” Mayor Osmeña and wife handled his latest illness with relative candor. He is a public official. And the settled rule is people have ○
○
2007.
Depthnews
○
○
mula sa pahina 2
Eh, sa mga pulitiko, magkarooon kaya ito ng kahulugan? *** Hindi rin maiwasan ng Promdi na bigyan pansin ang kaugnayan sa isa’t isa ng mga Gobernador na sina Eddie “Among Ed” Panlilio ng Pampanga at Joselito “Jonjon” Mendoza ng Bulacan. Isang dating pari ng parokya at isang dating kapitan ng barangay ang dalawa. Kapwa baguhan sa pulitika batay na rin sa kanilang pahayag. *** Itinuturing na “giant killer” ang dating sa pulitika ng dalawa nang talunin nila ang mga katunggaling “bigtime” noong 2007 elections. Pero kapwa sila nasabit sa “bigtime” na iskandalo na may kinalaman sa P500,000 “regalo” na tinanggap nila sa Malakanyang noong Oktubre 11, ○
○
○
○
○
○
○
○
that we too are called to become saints, we too are called to become God’s remembrances here on earth. It is in this light, confessing our nothingness, that I wish to recall to the reader a wonderful prayer that precisely asks God, through our Lady’s intercession, to “remember” us. It is called the Memorare, Latin for Remember, a brief prayer that seems to have been part of a longer 15th century prayer, “Ad sanctitatis tuae pedes, dulcissima Virgo Maria”. The extracted part was popularized by Father Claude Bernard in the 17th century, which is the apparent reason for misattributSHOWING ON OCTOBER 8, 2008 ONWARDS
subject to change without prior notice
MAX PAYNE
MIRRORS
KULAM
EAGLE EYE
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
the rule book — before mortality or tragedy stoke invasion of privacy controversies. Practical checklists must cover: need to know, vulnerability of persons reported on like children, means of intrusion, public records, etc. “News organizations should be encouraged to explain their ethical decision-making to their (audiences), Poynter Institute recommends. “The cemetery is full of indispensable men,” Charles de Gaulle once said. Sadly the more powerful the official, the less they see this truth. And journalists are often saddled with the unsought and thankless job of stripping away those blinders. —
[email protected]
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
○
from page 3
ing it to Saint Bernard of Clairvaux who lived the 12th century. Whatever the true origins are, the prayer contains a valuable message that could help us not only ask our Lord through our Lady to “remember us”, but that they may constantly “remind us” that in our nothingness. It is our sincere awareness of being nothing that we tell God through our Mother, “I fly unto Thee, O Virgin of Virgins, my Mother; to Thee do I come, before thee I kneel, sinful and sorrowful.” God has deigned to call us to be holy in His presence, so we can be His “remembrances” for men here on earth.
This wonderful Marian prayer is as follows: Remember, O Most Gracious Virgin Mary, that never was it known that anyone who fled to Thy protection, implored Thy help or sought Thy intercession, was left unaided. Inspired by this confidence, I fly unto Thee, O Virgin of Virgins, my Mother; to Thee do I come, before thee I kneel, sinful and sorrowful. O Mother of the Word Incarnate, despise not my petitions, but in Thy clemency, hear and answer me. Amen.
http://mabuhaynews.com
Mabuhay
8
OKTUBRE 17 – 23, 2008
LINGGUHANG PILIPINO MULA PA NOONG 1980
Krisis sa tubig ang bunga ng kalbong watershed NI DINO BALABO
NORZAGARAY, Bulacan — Nahaharap sa krisis sa tubig ang Kalakhang Maynila na umaasa sa tubig mula sa Angat Dam sa bayang ito dahil sa patuloy na pagkakalbo ng mga watershed ng Angat Dam at Ipo Dam. Itinanggi naman ni Gob. Joselito “Jon-jon” Mendoza ang patuloy na pagkasira ng kabundukan sa Bulacan nang sabihin niyang ang nakakalbong bahagi ng Sierra Madre ay nasa panig ng Nueva Ecija. Ngunit binigyang diin ni Bro. Martin Francisco ng Sagip Sierra Madre Multisectoral Council (SSMMSC) na noon pang 2004 ay kabilang na ang Angat at Ipo watershed sa Bulacan sa “17 highly critical priority conservation areas” sa bansa. Ayon kay Brother Martin, ang patuloy na pagkakalbo ng Sierra Madre sa bahagi ng Bulacan, partikular na sa nasasakop ng Angat at Ipo watershed, ay sanhi ng hindi mapigil na “timber poaching” o pamumutol ng kahoy, paggawa ng uling at pagkakaingin. Ito ay bunsod na rin ng patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin
sanhi ng pagtaas ng presyo ng langis, sabi ni Martin. Idinagdag niya na umaabot na sa 70 porsiyento ng 6,600-ektaryang Ipo Watershed ang nakakalbo at 20 porsiyento ng 63,000-ektaryang Angat watershed ang nasira. “Tubig ng Metro Manila ang pangunahing apektado dito dahil ang dalawang watershed ang sumusuporta sa Angat at Ipo Dam,” ani ng lider ng SSMMSC . Ipinaliwanag niya na dahil sa pagkakalbo ng Sierra Madre, hihina ang kakayahan ng kabundundukan na hawakan ang tubig ulan na iniipon doon . “Kapag tag-ulan, tiyak na aapaw ang tubig, at kapag tagaraw ay tiyak na matutuyuan ng tubig ang dam at iyan ay naranasan na natin sa mga nagdaang taon,” ani Brother Martin. Ihinahalimbawa niya ang pagkatuyo ng Angat Dam noong 2007 na naging sanhi upang tipirin ang alokasyon ng tubig sa Kalakhang Maynila at mga magsasaka ng Bulacan. Nasundan naman ang nasabing pagkatuyo ng biglang pagbaha sa lalawigan nang umulan ilang araw matapos pangunahan ng mga pari ang pagdarasal para
umulan. Ayon kay Martin, malaki rin ang pagkukulang ng mga ahensya ng gobyerno sa pangangalaga sa kabundukan. “Hindi ganoon kalaki ang sira ng mga watershed na iyan 10 years ago,” aniya at binigyang diin na dapat bigyang pansin iyon ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), National Power Corporation (Napocor) at ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS). Sinabi niya na sa kabila ng mga tree planting program ng pamahalaan tulad ng isinagawang pagtatanim ng punong kahoy sa Ipo Dam noong Agosto 2007, na pinangunahan ni Environment Secretary Lito Atienza, dapat ding paigtingin ang pagpapatupad ng batas. “Magkaiba ang tree planting sa law enforcement,” aniya at idinagdag na walang halaga ang pagtatanim ng punong kahoy kung hindi pipigilan ang nagpuputol ng mga ito. Itinanggi naman ni Gob. Mendoza na ang bahagi ng Sierra Madre sa Bulacan ang nakakalbo.
“Batay sa report ng Regional Peace and Order Council, ang nakalbong bahagi ay nasa panig ng Nueva Ecija,”ani Mendoza. Ayon kay Brother Martin, nagpalabas ng magkasanib na ulat ng United Nations Educational, Scientific, Cultural Organization (UNESCO) Commission on Science and Technology at DENR noong 2004 hinggil sa kalagayan ng kapaligiran sa bansa. Ayon sa nasabing ulat na nakabatay sa isinagawang pag-aaral ng UNESCO at DENR noong 2003, mayroong 2006 na “hotspots conservation priority areas sa bansa.” Ngunit ang nangangailangan ng higit na pansin ay ang 17 extremely critical priority conservation areas kung saan ang nanguna ay ang Sierra Madre sa bahagi ng Angat at Ipo Watershed sa Bulacan. Nanguna sa nasabing listahan ang Angat at Ipo watershed dahil ang dalawang watershed ang sumusuporta sa Angat at Ipo Dam na pinagkukunan ng tubig ng Kalakhang Maynila. Batay sa nasabing ulat, hindi mapigil ang malawakang timber poaching sa Angat at Ipo watershed.
Binanggit din sa nasabing ulat na “increasing population, overconsumption and dubious technology, and greed for money are driving human impact on environment.” Ang iba pang extremely critical conservation priority areas sa bansa ay ang Taal Lake sa Batangas at kalapit na Pansipit River; Mt. Isarog sa Camarines Sur; San Vicente-Taytay-Roxas forest sa Palawan; ang hilagang-silangang peninsula ng Panay sa Aklan at Antique; ang Central Panay mountains ng Madjaas-Baloi complex. Ang hilagang-kanluran ng Panay o Gigantes; ang Olangui River sa Lanao del Norte; ang Mt. Apo Range sa Lanao del Sur, North Cotabato; ang Davao del Sur; Mt. Busa sa Kiamba, Sarangani at South Cotabato; Mt. Kitanglad sa Bukidnon; Mt. Matutum sa North Cotabato, Davao del Sur, Sarangani, South Cotabato, at Sultan Kudarat; Lake Duminagat sa Misamis Occidental; Mt. Malindang sa Misamis Occiental at Zamboanga Del Norte; at Basilan sa Mindanao. —
Dino Balabo
PROSESO NG KALINISAN — Unti-unting itinataas ng driver ng dumptruck (itaas) ang likod na bahagi ng kanyang sasakyan upang ang mga kargadang basura na kinulekta sa mga barangay ng Lungsod ng Malolos ay dahan-dahang mahulog sa malaking trash bin sa likod ng trak habang ang driver ay sinisenyasan ng kanyang pahinante na nakatayo sa gilid ng trak. Binubugahan naman ng deodorizer ng isang manggagawa (kaliwa) sa Material Recovery Facility (MRF) ng Malolos ang mga basurang nasa thrash bin upang hindi iyon mangamoy, samantalang nakahilera sa conveyor ang iba pang manggagawa na naghihiwalay sa mga mga basurang nabubulok at di nabubulok. — DINO BALABO
Treated unfairly by newspapers that refuse to publish your response? Write us. Philippine Press Council
c/o PHILIPPINE PRESS INSTITUTE Rm. 312 B.F. Condominium Bldg. A. Soriano Ave., Intramuros, Manila