A's na Banghay Aralin Sa Aralin Panlipunan 7 February 22, 2017 4A's na Banghay Aralin Sa AP 7
I. ·
Pamantayan Natataya ang bahaging ginampanan ng relihiyon sa iba’t-ibang aspekto ng pamumuhay.
II.
Layunin:
Sa loob ng tatllong araw ang mga mag-aaral sa grade 7 ay inaasahang: o Nalalaman at naipapaliwanag ang kahulugan ng relihiyon o Nasusuri ang pagkakaiba at pagkakatulad ng bawat relihiyon sa timog at kanlurang Asya o Napapahalagahan ang mga aral at doktrina ng iba’t-ibang relihiyon sa timog at kanlurang Asya o Nakakagawa ng isang poster tungkol sa mga mahahalagang bagay na kabilang sa iba’t-ibang relihiyon sa timog at kanlurang Asya III.
Paksang Aralin
A.
Sanggunian: Asya Pag-usbong ng kabihasnan
B.
Paksa: Mga Relihiyon sa Asya
C.
Materyales: Mga Biswal, Mga larawan
IV.
Pamamaraan
A.
Panimulang Gawain
A1. Pagdarasal A2. Pagbati A3. Pag-aayos ng silid A4. Pagtatala ng lumiban B.
Pagbabalik Aral
o Class Hindi ba ang tinalakay natin noong nakaraan ay tunkol sa sibilisasyong Sumer? o Ang Cunieform ay isa sa mga mahahalagang bagay na naimbento ng mga taga sumer hindi ba? o At nalaman rin natin noong nakaraan na sila ay matatagpuan sa pagitan nang dalawang ilog, ito ay ang mga ilog ng Tigris at Euphrates.
C.
Activity
C1. Ang guro ay magbibigay sa mga mag-aaral ng mga ginupit na larawan
Ex:
C2. Bubuuin ng mga mag-aaral ang nasabing larawan C3. Ilalahad ng mga mag-aaral ang kanilang sariling intrepretasiyon tungkol sa larawan. D.
Analysis
D1. Ano ang inyong naiisip o nahihinuha ninyo kapag narinig ang salitang RELIHIYON? D2. Sino nga ba sa inyo ang napabilang o miyembro ng isang relihiyon? D3. Maari mo bang ilahad sa klase kung sino at ano ang tawag sa pinuno nang inyong relihiyon? D4. Bakit nga ba mayroong Relihiyon?
E.
Abstraction
E1. Ano ang Relihiyon? o Ito ay ang organisadong sistema ng paniniwala, seremonya, at mga palatuntunan para sambahin ang Diyos at mga diyos. Hinduism o Ang mga Aryan ang nagtatag ng pundasiyon ng Hinduism o Naitatag ang Hinduism noong unang milenyo B.C.E o Tatlo ang pangunahing diyos nito – si Brahma na tagapaglikha; si Vishnu na tagapangalaga; at si Shiva na ang tagawasak o Brahman ang pandaig-digang kaluluwa at ang wakas at tunay na realidad o Bahagi ng Hinduism ang sistemang caste
o Caste- Brahmin (pari at iskolar); Kshatriya ( namumuno at mandirigma); Vaishya (magsasaka, artisan, mangangalakal); Sudra (mangagawa at mga alipin) o Reinkarnasiyon ang siklo ng kapanganakan at kamatayan o Karma ang kabuuang pagkilos ng tao o Moksha ang paglaya sa siklo ng kapanganakan at kamatayan o Nirvana ang tunay na kaligayahan at katahimikan Buddhism o Bagong relihiyon na nabuo sa India ng dahil sa pagtutol nito sa caste system o Siddharta Gautama Buddha siya ang nagtatag ng Buddhism o Si Siddharta ay hinulaan na magiging dakilang manunubos o Iniwan niya ang kanyang marangyang buhay para hanapin ang kaliwanagan at nais rin niyang makawala sa pauli-ulit na reinkarnasiyon o 49 na araw sa pamamagitan nang meditasiyon natamo niya ang enlightenment habang naka upo sa ilalim ng bodhi tree. o Naniniwala rin ang Buddhism sa karma at reinkarnasiyon o Four noble truths § Ang buhay at paghihirap ay hindi mapaghiwalay § Ang sanhi ng paghihirap ay pagnanasa sa kapangyarihan, kasiyahan at patuloy na pamumuhay § Maalis ang paghihirap kung aalisin ang pagnanasa § Maaalis ang pagnanasa kung susunod saw along wastong landas (Tamang Pag-iisip, Tamang Pananaw, Tamang Intensiyon, Tamang Pagsasalita, Tamang Pagkilos, Tamang hanapbuhay, Tamang Pagkaunawa at Tamang Konsentrasiyon.)
o Nahahati ang Buddhism sa Mahayana at Theravada Buddhism o Mahayana Buddhism itinataas bilang isang diyos si Buddha na tagapagligtas mula sa pagiging guro. o Theravada Buddhism nananatiling isang guro si Buddha Jainism o Itinatag ni Vardhamana o mas kilalang Mahavira
o Sa ika 13 taon natamo niya ang kevala o katumbas ng nirvana o Tulad ng Hinduism at Buddhism naniniwala ang Jainism sa reinkarnasiyon at karma o Bawal sa Jainism ang paggamit ng dahas tinatawag itong ahimsa o kawalan ng karahasan o Bawal ang pagkain nang karne Sikhism o Sa panahon nang sigalot ng Hinduism at Islam nabuo ang Sikhism, layunin nitong bumuo ng relihiyon na may pagkakapatiran o Itinatag ni Baba Nanak o mas kilalang Guru Nanak o Guru Granth sahib ang kanilang banal na aklat o Nirankar ang tawag sa diyos ng Sikhism o Nais nilang sirain ang siklo ng kapanganakan at kamatayan at makiisa sa diyos o Five cardinal vices ( Pagnanasang pansekswal, galit, kasakiman, pagkamakamundo at kahambugan.) o Sa India makikita ang Sikhism
Mga Relihiyon sa kanlurang Asya ( Ikalawang araw ng talakayan)
Judaism o Ito ay monoteistikong relihiyon na ang ibig sabihin ay ang paniniwala sa iisang diyos. o Ito ay relihiyon ng mga Jew o Torah ang kanilang banal na aklat o nangangahulugang “ Batas at aral” na naglalaman ng limang aklat ni Moses: Genesis, Exodus, Leviticus, Numbers at Deuteronomy o Si Moses ang pinakadakilang pinuno ng mga Jew
Kristiyanismo o Ito ay itinatag ni Hesukristo noong unang siglo o Ito ay hango sa relihiyong Judaism o Bibliya ang banal na aklat
o Si Arius ang nagtatag ng arianism na ang ibig sabihin ay may iisang makapangyarihang diyos ( Ama) at dalawang mababang diyos ( Anak at Espirito Santo) at ito ay kinondena ng simbahang katoliko Islam o Ang ibig sabihin ng Islam ay Kapayapaan at Pagsuko o Sa kabuuan ito ay kapayapaang nadarama ng isang tao kapag isinuko niya ang lahat sa poong maykapal o Si Allah ang diyos ng Islam o Muslim o Moslem ang tagasunod ng Islam o Si Muhammad ang natatag ng Islam o Isinilang siya noong 571 C.E o Ikinasal siya kay Khadija isang mangangalakal o Hindi tinangap ng mecca ang relihiyon na nais ipahiwatig ni muhhamad kaya pumunta siya sa medina at doon ay tinangap ito. o Madalas mag-away ang medina at mecca ngunit sa bandang huli nanaig sang medina o Kaaba ang gusali na kung saan napaloob ang Black Stone o Naniniwala sila na si Hesukristo ay hindi diyos kundi propeta lamang o Naniniwala rin sila sa huling paghuhukom o Kumalat ang Islam sa Timog, Silangan at Timog- Silangang Asya o Five Pillars o Shahada- walang panginoon kundi si Allah at si Muhammad ang kanyang propeta o Salat- pagdarasal nang limang beses sa isang araw o Zakat- ang pagiging bukas palad, dapat tumulong sa mga nangangailangan o Sawm- ang Ramadan, paggunita sa banal na buwan. Isang buwang pag- aayuno araw-araw, mula madaling araw hanggang sa paglubog ng araw. o Hajj- paglalakbay sa mecca minsan sa buong buhay ng isang Muslim Zoroastrianism o Ito ay isang matandang relihiyon sa daig-dig o Itinatag ni Zarathustra sa Greece o Zrathosht sa India at Persia
o Ahura Mazda ang kinikilalang diyos ni Zoroaster o Zend Avesta ang banal na aklat na naglalaman ng mga awit ni Zoroaster o Angra Mainyu masamang diyos sa Zoroastrianism o Sa Iran at India matatagpuan ang mga tagasunod nito
F.
Application ( Ikalawang Araw pagkatapos nang Talakayan)
o Magkakaroon nang isang mala “game kana ba” na laro ang apat na grupo ng mag-aaral at pupunain nlia ang mga hinihingi ng tsart. o At ang grupong makakapuna nang marami ang siyang tatanghaling panalo. o 1st Group = 10 Puntos o 2nd Group = 8 Puntos o 3rd Group = 6 Puntos o 4th Group = 5 Puntos Banal Aklat
Relihiyon
na
Diyos
Nagtatag
Uri
Hinduism Buddhism Judaism Islam Kristiyanismo
o Hahatiin ang klase sa 4 na grupo at ang bawat grupo ay inaasahang makaga nang poster tungkol sa sa mga mahahalagang aral at doktrina ng mga relihiyon sa timog at kanlurang Asya. (Ikatlong Araw pagkatapos nang talakayan)
Rubrics: Creativity
50 %
Message
50 %
Total
G.
100 %
Paglalahat
o Ang guro ay magpapatug-tog ng isang awit habang ang mga mag-aaral ay ipinagpapasa-pasa ang isang kahon na nag lalaman nang katanungan: 1.
Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba nang Islam, Judaism at Kristiyanismo?
2.
Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba nang Hinduism at Buddhism?
3.
Bilang mag-aaral paano mo maipapaliwanag ang kahalagahan ng reilihiyon sa lipunan?
V.
Ebalwasiyon ( Ikatlong Araw pagkatpos nang Application)
Ibigay ang hiningi ng pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa sang kapat ¼ na papel. 1.
Siya ang nagtatag nang relihiyong Zoroastrianism.
2.
Ang tawag sa mga tagasunod ng Islam.
3.
Si Yahwe ang Diyos nang
4.
Si HesuKristo ang Diyos nang
5.
. .
Ang tagapagwasak na diyos nang Hinduism.
VI.
Takdang Aralin (Ikatlong Araw pagkatpos nang Ebalwasiyon)
1. Bilang isang mag-aaral paano mo maipapakita ang iyong pagpapahalaga sa ibat-ibang relihiyon dito sa mundo? 2. Ano ang maaari mong gawin para magkaroon nang kapayaan sa atin ating mundo sa kabila nang ibat-ibang paniniwala ng tao. Rubrics: Creativity
50 %
Message
50 %
Total
Inihanda ni: Mr. Jay Cris Diaz
BSED- SOCIAL STUDIES
100 %