Banghay Aralin sa Araling Panlipunan IV-Ekonomiks Inihanda nina: Jannil Cachola Nino Armenton
I.
Layunin:
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang: a. Nailalahad ang mga nagiging dahilan ng pagkakaroon ng implasyon at ang mga epektong dulot nito. b. Natutulungan ang sarili bilang bahagi ng ekonomiya sa paglutas ng suliranin ng implasyon. c. Nakabubuo ng hakbang upang malutas ang suliraning dulot ng implasyon na ilalapat sa isang awitin. II. III.
Materyales Makukulay na papel, Manila paper, marker, yeso (chalk), dominos, larawan Paksa: IMPLASYON Sanggunian Kayamanan (Ekonomiks): Binagong edisyon, pahina 185-189.
IV.
Pamamaraan A. Dril / Balik-Aral 1) Bago magsimula ng aralin, tatanungin ang mag-aaral kung sino ang maaring magpaliwanag ng batas ng suplay at demand at gumuhit ng grap nito? B. Pagganyak 1) Gagamit ang guro ng dominos. Ihahanay ito sa mesa at sasabihan ang mga mag-aaral na pagmasdan ang mga dominos na nakahanay. Itutumba ang unang hanay. Pagkatapos ay itatanong ito: i. Ano ang nangyari sa mga kasunod na dominos? 2) May ikakapit na larawan ang guro sa pisara na nagpapakita ng sitwasyong ito: Lumilipad paitaas ang presyo ng mga serbisyo at produkto na nagiging dahilan ng paghihirap ng mamamayan. 3) Base sa larawan, itatanong ang mga sumusunod: i. Anong ideya ang ipinapakita ng larawan? ii. Ihambing ngayon ang ideyang ipinapakita ng larawan sa nangyari sa mga dominos. iii. Ano naman ang implikasyong ipinapakita ng larawan? C. Paglinang ng Aralin 1) Sa ekonomiks, ang patuloy na pagtaas ng pangkalahatang presyo sa halos lahat ng pamilihan sa buong ekonomiya ay tinatawag na IMPLASYON. i. Alam ba ninyo kung ano ang dahilan ng pagkakaroon ng implasyon? 2) Para sa bagong aralin na ito, ipakikilala ng guro ang mga inaasahang makamit o magawa ng mga mag-aaral sa pagtatapos ng aralin. {sasabihin ang layunin ng aralin}
3) Tutuklasin ng klase ang mga dahilan ng pagkakaroon ng implasyon sa pamamagitan ng pagpapangkat-pangkat. Mahahati ang klase sa 6 na grupo. 4) Ang guro ay may inihandang mga papel na may nakasulat na iba’tibang sitwasyon na nagiging sanhi ng implasyon. (ang mga sitwasyon ay kalakip ng banghay-aralin na ito) 5) Ito ang panuto para sa gawain: i. Bubunot ang bawat grupo ng isang papel na naglalaman ng sitwasyon. ii. Babasahin ng mabuti ang sitwasyon. Pag-uusapan ang nilalaman ng teksto sa pangunguna ng lider ng grupo. iii. Mula sa sitwasyong binasa, bubuo ng kongklusyon o synthesis na isusulat sa Manila paper. iv. Bibigyan ang bawat grupo ng 5 minuto upang gawin ang gawain at karagdagang 1 minuto upang ipaliwanag ang nabuong konklusyon. Bago ipaliwanag ang kasagutan ay babasahin muna ng malakas ang sitwasyong napapunta sa grupo. Pagkatapos ipaliwanag ay ikakapit sa pisara ang papel na pinagsulatan ng dahilan. 6) Ipo-proseso at ibubuod ang naging gawain sa pagtatanong ng mga sumusunod: i. Ano-ano ngayon ang mga dahilan ng pagkakaroon ng implasyon base sa nabuo sitwasyong inyong nabasa? 1. Ang mga dahilan ng pagkakaroon ng implasyon ay ang mga sumusunod: (Ibubuod ng guro) a. Labis na salapi sa sirkulasyon b. Middleman sa pamilihan c. Monopolyo / Kartel d. Mataas na gastos sa produksyon e. Export orientation o ang labis na paglalabas ng produktong local. f. Import dependent o ang kahiligan sa produktong gawa sa ibang bansa. 7) Mananatili pa rin sa grupo ang mag-aaral at aalamin ang magiging epekto o bunga ng mga naibahaging dahilan o sanhi. 8) Sa makulay na papel na matatanggap ng bawat grupo ay isusulat sa itaas ang sanhi ng pagkakaroon ng implasyon na nalaman ng grupo. Ang papel na iyon ay ipapasa sa ibang grupo upang ilista ang mga posibleng epekto o bungang kalalabasan. Maaaring maglista ng kahit gaanong karaming epekto. Mayroon lamang isang minuto ang bawat grupo upang ilista ang mga epekto. Iikot ang papel ng bawat grupo sa buong klase hanggang makarating sa totoong may-ari ng papel. 9) Pagkatapos ay ibubuod ang mga epektong inilista ng ibang grupo sa Manila paper at ikakapit sa pisara sa katabing papel ng mga DAHILAN / SANHI. 10)Ano-ano ngayon ang mga epektong dulot ng implasyon? Tatalakin ng bawat grupo ang epektong dulot ng implasyon. 11) (Iuulat ng mag-aaral ang mga epekto na ibubuod naman ng guro.) Ang mga maaring bunga ng implasyon ay ang mga sumusunod: i. Pagtaas ng demand ii. Pagdaragdag ng halaga ng produkto iii. Pagkokontrol ng presyo iv. Pagbaba ng suplay v. Kakulangan ng suplay sa lokal na pamilihan vi. Pagdagsa ng imported products. 12)Masama ba ang epektong dulot ng implasyon?
D. Pangwawakas na Gawain 1) Pagbubuod i. Ano-ano ang mga dahilan ng pagkakaroon ng implayon? ii. Ano-ano naman ang mga maaring epekto o bunga ng implasyon? E. Pagpapahalaga 1) Bilang bahagi ng pagkakaroon ng implasyon. Ano-anong mga kaasalan ang dapat taglayin ng mga Pilipino upang makatulong sa pagsugpo o mabawasan ang implasyon? 2) Mula sa mga asal na dapat taglayin ng mga Pilipino upang makatulong sa pagsugpo o mabawasan ang implasyon, iranggo ang mga kaasalang binahagi sa pamamagitan ng paglalagay ng: 1 ang pinakamataas at 10 ang pinakamababa. F. Paglalapat 1) Nalaman na natin ang mga dahilan at epekto ng implasyon. Ngunit wala pa tayong konkretong solusyon sa implasyon. Ipapangkat muli ang klase sa 3 malaking grupo. Magsasaliksik o magtatanong sa ibang tao ng mga soslusyon upang malutas ang suliranin ng implasyon. Ilalapat ang mga nakalap na impormasyon sa isang awitin at aawitin harap ng klase. Mamarkahan ang jingle/ awit na ginawa base sa pamantayang ito: i. Pagkamalikhain………………………25% ii. Substansya ng nilalaman……………25% iii. Kaayusan ng presentasyon…………25% iv. Kaangkupan ng awiting inilapat…….25% v. Kabuuan……………………………...100% G. Pagtataya / Ebalwasyon Pagsusuri: Suriin ang sitwasyon at isulat ang B kung ito ay bunga ng implasyon, S kung sanhi ng implasyon. 1) Dumarami ang mga middleman S 2) Ang presyo ng bigas ay kontrolado ng mga negosyante B 3) Mahigpit na ipinatutupad ng pamahalaan ang price control- B 4) Tumataas ang gastusin sa produksyon S 5) Nababawasan ang supply ng produkto sa pamilihan S H. Takdang-Aralin 1) Mangalap ng balita na nagtatalakay sa tungkulin at gawain ng pamahalaan sa ekonomiya. [gagamitin ang mga balitang ito para sa sunod na aralin
BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 10 KONTEMPORARYONG ISYU Ikatlong Markahan Inihanda nina: Jannil Cachola Nino Armenton
A. Pamantayang Pangnilalaman Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa: mga epekto ng mga isyu at hamon na may kaugnayan sa kasarian at lipunan upang maging aktibong tagapagtaguyod ng pagkakapantaypantay at paggalang sa kapwa bilang kasapi ng pamayanan.
B. Pamantayan sa Pagganap Ang mga mag- aaral ay: nakagagawa ng mga malikhaing hakbang na nagsusulong ng pagtanggap at paggalang sa iba’t ibang kasarian upang maitayugod ang pagkakapantay– pantay ng tao bilang kasapi ng pamayanan C. Kasanayan sa Pagkatuto Nasusuri ang mga uri ng kasarian (gender) at sex. D. Layunin Natutukoy ang iba’t ibang uri ng kasarian. AP10KIL-IIIa-2 NILALAMAN Paksa: Konsepto ng Kasarian Pinakapaksa: Uri ng Kasarian
I.
II.
III.
Kagamitang Panturo Laptop, DLP, Manila paper, Strips of Cartolina A. Sanggunian 1. TG - pahina 220 hanggang 225 2. LM-pahina 262 hanggang 266 PAMAMARAAN
Gawain ng Guro A. Pagbabalik Aral: Isang napakagandang umaga sa inyong lahat mga minamahal kong mga mag-aaral. Bago natin simulan ang lahat ay nais ko munang tumayo ang lahat para sa isang panalangin.
Gawain ng mag-aaral
Maraming salamat! Maaari ng maupo ang lahat. Ngayon bago natin simulan ang ating panibagong aralin sa araw na ito ay nais ko munang magbalik tanaw tayo sa nakaraan. Balikan muna natin ang ating tinalakay kahapon. Batay sa natalakay natin sa nakaraang leksyon ano ang pagkakaiba ng gender at sex?
B. Paghahabi sa Layunin: Maari nyo bang basahin ang ating layunin sa araw na ito ng sabaysabay? (Powerpoint slide) Gawain 1: Buuin ang mga pinaghalohalong letra upang makabuo ng salita. 1.KASARIAN
ANKASARI 1. OTA2. 3. GERDNE 4. EXS
2.TAO 3.GENDER 4.SEX
5.LGBT
BGLT 5.
C.Pag-uugnay ng halimbawa Pagpapakita ng larawan. Gawain 2. Ipakita Ko, Tukuyin Mo! (Four Pics one word) Handa na ba kayong umpisahan ang ating panibagong aralin sa araw na ito? Kung kayo’y handa na, itaas ang inyong kanang kamay.Ngunit bago ang lahat ay magkakaroon muna tayo ng isang laro, ang larong ito ay tatawagin nating “Ipakita Ko, Tukuyin Mo!”. Magkakaroon tayo ng tatlong pangkat. Meron akong ipapakitang mga larawan, ang inyong gagawin ay huhulaan ninyo kung sino ang pangalan at ano ang uri ng kasarian ng nasabing larawan sa pamamagitan ng paunahan ng pagsagot gamit ang metacards. Handa na ba kayo? Isa, dalawa, tatlo… 1.Rodrigo Duterte - Lalaki 2. Marian Rivera - Babae 1. 2. 3. Vice Ganda - Gay 4. Aiza Seguera - Lesbian 3.
4.
1. Madali mo bang natukoy ang kahulugan o ipinahihiwatig ng bawat larawan? 2. Ano-ano ang iyong naging basehan sa pagtukoy ng kasarian ng bawat larawan?
-
Opo/hindi Ma’am!
-
Ang naging basehan po namin ay kilala sila sa industriya ng telebisyon.
Ang larong ating ginawa ay may kinalaman sa ating panibagong aralin sa araw na ito. Mayroon na ba kayong ideya kung ano ang ating pag-aaralan sa araw na ito? D. Pagtalakay sa konsepto Ang ating panibagong aralin sa araw na ito ay tungkol sa Uri ng Kasarian.
Gawain 3: Ulat Mo, Aksyon Mo! Sa pagsisimula,magkakaroon tayo ng Pangkatang Gawain. Hahatiin ko kayo ulit sa limang pangkat. Ang bawat pangkat ay bubunot ng kani-kanilang numero. Bibigyan ng tag-iisang colored envelop ang bawat pangkat na may lamang paksa o kasarian. Kailangang ipakita ng bawat pangkat ang angkop na kilos ng kasariang kanilang nabunot.Bawat pangkat ay bibigyan lamang ng tatlong minuto sa
1. Babae2. Lalaki3. Lesbian (tomboy) - Sang babae na may emosyonal at pisikal na atraksyon sa kapwa babae at kinikilala ang sarili bilang lesbian; Jane Lynch, Amerikanang artista sa Glee, isang palabas sa telebisyon (tinatawag sa ibang bahagi ng Pilipinas na tibo at tomboy) 4. Gay (bakla) - Isang lalaki na
paghahanda at dalawang minuto naman para sa presentasyon. 1.Lesbian 2.Transgender 3.Bisexual 4.Gay 5. Transexual
may emosyonal at pisikal na atraksyon para sa kapwa lalaki at kinikilala ang sarili bilang gay. Ginagamit din ang salitang ito para sa mga lesbyana sa labas ng Pilipinas. may iilang bakla ang nagdadamit at kumikilos na parang babae (tinatawag sa ibang bahagi ng Pilipinas na; bakla, beki, at bayot). John Amaechi, retiradong manlalaro ng NBA ; 5. Bisexual – isang tao na may pisikal at emosyunal na atraksyon para sa dalawang kasarian babae at lalaki. 6. Transgender Salitang naglalarawan sa mga taong ang gender identity o gender expression ay hindi tradisyunal na kaugnay ng kanilang sex assignment noong sila ay pinanganak at kinikilala ang sarili bilang transgender; Sila ay maaaring transsexual, cross-dresser, o genderqueer . Justine Ferrer, ang unang babaeng transgender sa palabas na Survivor * Transexual-mga taong binago ang kanilang katawan o bahaging kanilang katawan sa pamamagitan ng pagpapaopera. * Cross Dressers o CD— mga taong nagbibihis gamit ang damit ng kabilang kasarian. Hindi nila binabago ang kanilang katawan. Hal.Victoria Prince, isang aktibistang CD sa Amerika. * Genderqueers—mga taong itinatakwil ang gender binary o ang konsepto na dalawa lang ang kasarian. Minsathoseere are only two genders. Naniniwala ang ibang genderqueer na sila ay walang kasarian (agender) o kombinasyon ng kasarin (intergender). Hal. Riki Wilchins, isang manunulat
Krayterya sa paggawa ng Gawain: 1. Nagawang mabuti ang
25
kilos 2. Wastong datos Kabuuang puntos:
25 50
E. Paglinang sa Kabihasaan Pagbigay ng mga pamprosesong tanong ukol sa isinadula ng bawat pangkat. 1. Ano ang naging saloobin ninyo habang ginagawa ang pag-uulat at kilos? 2. Batay sa isinagawang gawain ng bawat pangkat,paano nagkakaiba ang katangian ng bawat kasarian? a. Emosyon b. Kilos F. Paglalapat ng Aralin Pagtanong sa mga mag-aaral. Sino-sino ang mga kilala ninyong personalidad o celebrity na masasabing: 1. Lesbian o Tomboy 2. Gay o Bakla 3. Transgender 4. Bisexual 5. Transexual
1. 2. 3. 4. 5.
Aiza Seguerra Vice Ganda Charise Pempengco Ellen de Generez Rustom Padilla
G. Paglalahat ng Aralin Sa inyong kumunidad may makikita ba kayong iba’t ibang uri ng kasarian?
-
Opo ma’am, meron pong lalaki, babae, tomboy at bakla
Kung meron, ano ang inyong mabubuong kunklusyon dito?
-
Ang konklusyon ko po ay tanggap na sa bansang Pilipinas ang mga tinatawag na LGBT.
Paano mo ipapakita ang pagpapahalaga sa bawat kasarian?
-
Maipapakita ko po ito sa pagbibigay ng respeto kung ano mang uri ng kasarian ang kanilang gusto, dapat tanggapin at walang pagdidiskrimina sa kanila
H. Pagtataya ng Aralin Gawain: Tukuyin ang bawat pahayag kung anong uri ng kasarian ito at piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon at isulat ang sagot sa sagutang papel. Bisexual Transexual Transgender
Lesbian Gay Babae
_______1. Mga taong binago ang kanilang katawan sa pamamagitan ng pagpapaopera. _______2. Mga lalaking nakararamdam ng atraksyon sa kanilang kapwa lalaki; may iilang bakla ang nagdadamit at kumikilos na parang babae (tinatawag sa ibang bahagi ng Pilipinas na; bakla, beki, at bayot). _______3. Kung ang isang tao ay nakararamdam na siya ay nabubuhay sa maling katawan, ang kaniyang pag-iisip at ang pangangatawan ay hindi magkatugma. _______4. Mga taong nakararamdam ng atraksyon sa dalawang kasarian babae at lalaki. _______5. Sila ang mga babae na ang kilos at damdamin ay panlalaki; mga babaeng may pusong lalaki at umiibig sa kapwa babae.
-
Transexual
-
Gay
-
Transgender
-
Bisexual
-
Lesbian
I. Takdang Aralin: Sa pagkakataong ito, maaari mo nang ibigay at isulat sa ibaba ang pagkakaiba ng gender at sex mula sa mga natutunan mo sa aralin sa pamamagitan ng pagkumpleto sa mga pangungusap sa ibaba. Isulat sa ibaba ang pagkakaiba ng mga uri ng kasarian. Mula sa araling ito, natutunan ko na merong iba’t ibang uri ng kasarian ito ay________________________________ _________________,transgender naman ay________________________________ _______________________________sa mantalang ang lesbian naman ay tumutukoy sa________________________________ ___.
IV.
MGA TALA/PAGNINILAY A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya. B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang Gawain para sa remediation. C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin. D. Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy sa remediation. E. Alin sa mga estratehiyang pagtuturo ang nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong? F. Anong suliranin ang aking na solusyunan sa tulong ang aking punung guro at superbisor? G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi sa kapwa ko guro