ISLAM Individual Salvation and Life of an Autonomous Muslim Strategic Intervention Material for Araling Panlipunan
TALAAN NG NILALAMAN MAY AKDA: Cachola, Jannil Cantela, Farah Mae Dumling, Norianne Blare L.
Copyright ©2019 by Cachola, Cantela, Dumling Alright reserved. Walang bahagi sa materyales na ito ay maaaring kopyahin o ire-copy sa mga aklat, proyekto, balangkas o sulatin o kaya ay sa ibang uri panlimbag, mimyograp, at kopyang panlarawan para ipamahagi at ipagbili nang walang pahintulot ng May-akda. Ang lalabag ay maaaring ipasasakdal ayon sa batas sa karapatang-ari, tatak pangkalakal, patente, at iba pang kaugnay na batas sa konstitusyun.
IIIIIIIVVVIVII-
Layunin Panimula Mga Gawain Alamin natin Pagpapalalim Mga Sagot Sanggunian
Learning Competencies: Natataya ang bahaging ginagampanan ng relihiyon sa iba’t-ibang aspekto ng pamumuhay Nabibigyang kahulugan ang mga konsepto ng tradisyon, pilosopiya at relihiyon. (AP7KSA-IIe-1.6)
Layunin Ang mga mag-aaral ay: 1. makalalarawan ang pananampalatayang Islam 2. mapapahalagahan ang pagkakaiba ng mga relihiyon sa buhay ng tao 3. maihahambing ang pagkakaiba ng Shia at Sunni Muslim.
PANIMULA Ang salitang Islam ay galing sa salitang Arabe na ang ibig sabihin ay “pagsuko”. Ito ay pagsuko o pagtanngap sa mga nais ng Dios nila na si Allah. Ang Islam ay itinatag ni Muhammad. Ayon sa tradisyon, ang propetang si Muhammad ay ipinanganak sa Mecca noong 570 AD. Ang kanyang pamilya ay kabilang sa Quraysh. Maagang naulila s Mohammad sa kanyang mga magulang at siya ay inalagaan ng kanyang lolo na si Abd al-Muttalib. Nabuhay siya sa Mecca bilang isang pastol at sumasama siya sa pangangalakal kasama ng pamilya ng kanyang tiyo na si Abu Talib. Siya ay tumulong sa caravan ng isang biyuda na si Khadja na pinakasalan niya. Nang maging apat napong taong gulang na si Muhammad, madalas siyang pumunta sa kabundukan upang magmuni-muni sa mga yungib. Nang isang arw habang isya ay nagmuni-muni sa Bundok ng Hira, narinig ni Muhammd ang tinig ng
isang Anghel na si Gabriel. Sinabi sa kanya na siya ay pili ng diyos na si Allah bilang tagahatid ng kanyang mensahe. Ipinakilala ng anghel kay Muhammad ang Qur’an, ang banal na aklat ng mga Muslim. Nagsimulang magturo si Muhammad at sa kalaunay dumami ang kanyang mga tagasunod. Labag sa paniniwala ng Islam ang pagkilala ng iba pang diyos. Nagkataon na maraming malalaking dambana ang pinagkikitaan kung kaya nagalit ang mga nag-aalaga sa dambana na nagging dahilan sa kanyang paglikas patungo sa Yathrib (Medina). Ang paglikas na ito ay kinikilala na Hegira at ang taong ito ay ang unang taon sa Kalendaryong Muslim. Sa lungsod ng Yathrib, itinatag ni Muhammad ang kanyang unang pamayanang Muslim. Nang magbalik si Muhammad sa Mecca, ipinatanggal niya ang lahat ng mga idolo roon at itinira lamang ang isang napakalaking bato sa nasa loob ng Ka’aba. Sinansabing ang batong ito ay mula pa sa pnahon ni Eba at Adan. Sa simula, ito daw ay
puti ngunit nagging itim dahil sa kasalanan ng sangkatauhan. Samakatuwid, ang paniniwala ng Islam ay, si Muhammad ay angf pinakadakila at pinakahuling propeta sa isinugo ng diyos. Kinikilala rin ng Islam ang iba pang propeta tulad nina Abrahan, Moses, at Hesu Kristo ngunit hindi sila kasingdakila ni Muhammad. Ang mga paniniwala ng mga muslima y nakapaloob sa Limang Haligi nito. 1. Shahada- ang paniniwalang iisa lamang ang diyos na si Allah at si Muhammad ay ang kanyang propeta. 2. Salah- Ang pagdasal ng limang beses bawat araw na nakaharap sa direksyo ng Mecca. Isinasagawa ang pagdadasal sa pagsikat ng araw, sa tanghali, sa gitnang hapon, sa paglubog ng araw at sa gabi.Kung maaari, pumunta sa simbahan upang magdasal.
3. Zakat- ang pagbibigay ng limos na gagamitin sa pagtulong sa mga mahihirap o nagangailangan at para sa pagpapalaganap ng pananampalataya. 4. Sawm- ang pag-aayuno sa buwan ng Ramadan. Nung nag-aayuno, hindi dapat kumain mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog nito.Hindi rin dapat manigarilyo o uminom habang nagaayuno. 5. Hajj- ang pagtungo sa Mecca na isinisagawa tuwing buwan ng Dhu al-Hijah. Dapat nakasuot ng Ihram, na ginagamit na pangbalot sa bangkay. Nakasulat ang mga turo ng Islam sa aklat ng Qur’an. Ang iba pang pinagkukunan ng kaalamang Islamiko ay ang Sunnah o tradisyon, gayundin ang Hadith o mga ulat tungkol sa salita, gawa, at mga katangian ng Islam. Ang batas na batay sa turo ng Islam ay ang Sharia.. Ito ay umiiral sa mga muslim na bansa tulad ng Saudi Arabia, Iran, Kuwait, at Pakistan.
DALAWANG SANGAY NG ISLAM Mayroong dalawang malaking sangay ng Islam; ang Sunni at Shi’a. Karamihan sa mga Muslim ay kasali sa sangay ng Sunni. Sila ang mga sumusunod sa mga pinunong Muslim at Sunnah o mga tradisyong Muslim. Samantala, naniniwala naman ang Shi’a na ang pinuno ng Islam ay ang mga kamag-anak ni Muhammad. Matatagpuan ang mga Shi’a sa Iran at Iraq at ang Sunni ay kadalasang matatagpuan sa Saudi, Pakistan, Egypt at hilagang Africa. Bukod sa Sunni at Shi’a mayroon pang ibang sekta ang Islam. Ilan na ditto ang Sufi sa Iran at Morocco at Ahmandi sa India at Pakistan. Ang Islam ngayon ay ang pinakamabilis na lumaking relihiyon na may mahigit isang bilyong kapanalig.
SURIIN MO!!! Ilagay sa kahon ang inyong sagot batay sa inyong naintindihan sa larawan. Ano ang kahalagahan ng ipinakitang larawan. LARAWAN
IPINAPAHIWATIG KAHALAGAHAN
_______________________________________________________________ _______________________________________________________________
SINO SA DALAWA? Lagyan ng SH kapag Shia ang inilalarawan at SU kapag Sunni ang inilalarawan. Ilagay ang sagot sa patlang _______1. Naniniwalang ang dapat mamuno ay ang kamag-anak ni Muhammad _______2. Sila ay may pinakamaraming bilang ng Muslim. _______3. Naniniwalang ang mga namumuno ay hindi kadugo ni Muhammad. _______4. Naniniwalang si Muhammad ay nagtalaga ng susunod na mamumuno. _______5. Naniniwalang ang Al Mahdi ay dadating sa hinaharap.
Ano ang nais ipahiwatig ng mga larawang ito sa pananmpalatay ng Islam?
_______6. Naniniwalang ang Al Madhi ay nandito na sa mundong ibabaw na kumakakatawan ng ibatibang porma.
_______7. Ang namumuno sa kanila ay mutjahids. _______8. Nagdidiwang ng Ashura _______9. Sumusunod sa libro ng Sunnah. _______10.
Naniniwalang sumusunod na namumuno
si
Abu
Bak’r
ang
3. ____________
4. ______________
FLAG ANALYSIS Suriin ang mga watawat ng bansa. Lagyan ng SHIA kung ang bansa ay may maraming bilang ng Shia at SUNNI naman kung Sunni ang may maraming bilang. Ilagay sa patlang ang pangalan ng bansa at sangay ng ISLAM.
1. ______________
2. _____________
5. _____________
6.___________
IHAMBING MO Ihambing ang pagkakaiba ng Sunni at Shi’a Muslim. Ilagay sa Venn Diagram
ALAMIN NATIN
PAGPAPALALIM
Ilagay sa kahon ang tamang sagot. Bans a
Taong namun o
Relihiyo n (Sunni o Shia)
Paniniwala o Pananampalatay a
Pagdiriwan g
Ano nga ba ang ibig sabihin ng buwan at bituin na kadalasan ay makikita natin sa watawat ng mga Muslim? Ang bituin at buwan (gasuklay na porma) ay ginagamit sa ibat-ibang kasaysaysayang pangnilalaman ngunit mas kilala ngayon na isang simbolo ng Ottoman Empire sa madaling salita, kasali na ang mundo ng mga muslim. Ang buwan ay nagsasaad na “ sa linguahe ng simbolo na nagpapakita ng paniniwalang Islam kagaya ng sa cross na simbolo ng mga kristiyano. Ang buwan or morning star ay nagpapakita sa kanilang banal na pagkatao. Samakatuwid, ang simbolong ito ay nagpapakita sa kapangyarihan at kalwakan ng nasakop ng Ottoman Empire. Maging sa Byzantine, narrating ng emperyo ang bansa.
MGA KASAGUTAN
KABUUAN
20 pts
SURIIN MO Nilalaman Kaayusan ng mensahe
15 5
KABUUAN SINO SA DALAWA 1. SH 2. SU 3. SU 4. SH 5. SU FLAG ANALYSIS 1. Kazahkstan2. Kyrgyzstan 3. Turkmenistan
20 pts
Aliarente, Guillermo, Ang Kabihasnan ng Asya pp. 103-116
Kasaysayan
at
Teresita Valencia, Kasaysayan ng Mundo pp. 152-181 Donesa, de Viana Pagtanaw at Pag-unawa: Asya Batayang Aklat pp.262-264
6. SH 7. SH 8. SH 9. SU 10. SU
https://en.m.wikipedia.org/wiki/Star_and_crescent https://www.mymasjid.ca/beginners-guide-learnpray-salah/chapter-4/
4. Georgia 5. Armenia 6. Azerbaijan IHAMBING MO
Nilalaman Kaayusan ng mensahe
SANGGUNIAN
10 10
https://www.amazon.com/Hygienic-Ahram-IhramHajj-cotton/dp/B072PZ72Z4