Reyvell D. Rogado
03/18/19
BSed/Filipino-3C
Basahin ang artikulo ni Tolentino, Kulturang Popular at Pakiwaring Gitnang Uri. Sagutin ang sumusunod na katanungan.
Kulturang Popular at Pakiwaring Gitnang Uri Anong uri ng kaalaman ang nakukuha sa pagaaral/pagsusuri mula sa Kulturang popular? Ano ang katotohanang isinisiwalat nito?
Ang uri ng kaalaman na nakukuha sa pag-aaral o pagsusuri nito ay informal na kaalaman sapagkat ang mga impormasyon na nakukuha dito ay sa pamamagitan ng media. Tulad ng telebisyon, radio, sine, DVD, cellphone, internet at iba pang mga media na pwedeng mapagkunan ng impormasyon sa kung ano nga ba ang nauuso ngayon. Kung noon ay sa radio at telebisyon lamang maaring malaman
kung ano ang uso at sikat o kung ano ang popular. Ngayon ay napakadali na lamang malaman nito sa pamamagitan ng paggamit ng internet. Napakadali na para sa mga tao na makiuso o magpauso sa pamamagitan lamang ng paggamit nito. Ang kulturang Popular ay masasabi natin na isang paraan ng tao sa pagtanggap sa kanila ng mga tao at upang masabing “in” sila sa isang grupo o kaya naman ay kaya nilang sumabay sa kung ano ang nauuso o patok at napapanahon. Marami satin na tumatangkilik lamang ng isang produkto sapagkat ito’y sikat o popular. Sila nga ay yung mga taong sumasabay sa uso kahit hindi naman nila kailangan ito ay patuloy pa rin sila sa pagtangkilik ng mga bagay na hindi naman talaga kailangan. Dito na pumapasok yung pakiwaring gitnang uri na sila yung mga taong gumagamit ng mga bagay na popular upang matanggap ng nakakarami. Ang kulturang popular din ay nagbibigay ng depinisyon sa kung ano ang maganda at kung ano ang katanggap tanga sa mga tao.
Ipaliwanag ang pahayag na, “ang afinidad ng kulturang popular at formal na edukasyon katotohanan
ay
pareho tungkol
tayong sa
nagbabayad
pagkatao,
para
rekisito
ng
sa
inaakalang
pagiging
mabibiling
gitnang
uring
mamamayan.” Paano nasabing maituturing na bagong uri ng intelektwal na kapital ang pagkababad sa Kulturang Popular?
Ang ibig sabihin lamang ng pahayag na ito ay sinasabing may pagkakatulad ang standard ng isang formal na edukasyon sa kulturang popular dahil pareho itong may binabayarang halaga sa pagkatuto o upang magkaroon tayo ng kaalaman tungkol dito. Sa pahayag ring ito masasabi natin na sa Kulturang Popular nangangahulugan itong nabibili natin ang mga bagay o produkto na nais natin upang maiangkop ang ating sarili sa iba o makibagay sa iba kaya para mapagtakpan ang tunay nating pagkatao ay bumibili tayo ng mga bagay na hindi naman angkop
sa kung
ano
ang
meron lamang talaga tayo.
Dahil nga
nakikibagay
tayo
nagkukunwari tayong ibang tao makasunod lang sa uso. Sinasabi din na bagong uring intelektwal dahil ang kulturang popular ay nasa modernisasyon na o napapanahon tinatangkilik ito lalo sa mgayon ng mga “millenials” kung tawagin na alam naman natin na isa sila sa nangunguna sa pagtangkilik ng mga ito sa kadahilanang maraming bagay na gusto nilang maranasan na nararanasan ng nasa gitnang uri.
Pakiwari ang pangunahing afekto ng kulturang popular dahil nag-aastang lampas sa historikal na posisyong panguri—pati na rin malamang, lahi at etnisidad, kasarian at sexualidad—ang afinidad. Magbigay ng halimbawang sitwasyon na maglalarawan sa astang ito, iugnay ito sa inyong personal na karanasan.
Isang halimbawa na dito ay kapag nalalaman natin na mayroong sale sa SM biglang pupunta ka don kasi nga sale o may porsyento silang ibinaba sa ilang produkto nila na naisip mong afford mo na ito o kaya mo nang bilhin yung ilang produkto nila dahil sa inaakalang pagbaba ng presyo. Hindi natin naisip na ilang porsyento lang naman ang ibinaba nito sa mismong orihinal na presyo. Nadala o napukaw yung interes natin dahil sa mga advertisement o pakulo nila. Nasanay kasi ang tao na kapag sinabing SALE ay bagsak presyo na agad ang nasa isip pero ang totoo konting konti lamang ang ibinabawas nila sa orihinal na presyo nito, naranasan ko ito nung bibili sana ako ng t-shirt sa SM ayun nga nakalagay sale, ako naman tingin-tingin lang sa mga nakalagay na presyo tulad ng 299php yung isanng nakita ko, tapos nung tiningnan ko yung orihinal na presyo nito ay 315php mga ganon na ibig sabihin hindi naman talaga ibinaba yung presyo nito. Pinupukaw nila yung interes ng tao sa salitang “SALE.”
“Nag-aastang
gitnang
uri
dahil
hindi
ka
naman
talaga
gitnang
uri.”
Naranasan na ba ninyo ang ganitong pakiwari? Saan? Paano?
Naranasan ko na ang ganitong pakiwari noong pumunta kami ng mga katrabaho ko sa Edsa-Shangrila sa Manila para lang sana mamasyal unang beses ko noon dito. Pagpasok ko pa lang sa entrance nung mall talaga naman maiiba na kung ano ka talaga tipong kailangan dapat alam na alam mo yung gagawin o ikikilos mo dahil mga nakakasalamuha mo doon iba’t ibang uri ng tao na hindi mo malalaman kung ano ba talaga dahil halos lahat magaganda ang kasuotan. Halos pati nga paglalakad, pagsasalita biglang naiba noong pumasok kami sa isang kainan doon na alam naman namin na sobrang mamahal ng pagkain. Pero dahil nga unang beses sige lang, ‘go’ lang minsan lang naman. Tanda ko pa may natira kaming pagkain kaso hindi naming pinabalot kasi nakita namin na wala naman nag takeout na ibang customers sa mga tira nila. Kaya naisip namin na ‘wag na lang din kasi parang nakakahiya nga ibalot yung natira pa pagkain na kahit nanghihinayang dahil nga sa mahal ng presyo ay hinayaan na lang upang makibagay sa iba at upang ipakita na katulad lang din kami ng mga taong naroon na kahit hindi naman talaga totoo. Isa lang to sa karanasan ko ng pakiwaring gitnang uri.