FL 115
Panunuring Pampanitikan Pagsusuri sa Maikling Kwento “uhaw ang tigang na lupa” ni liwayway b. arceo
Isinulit ni:
Kriscel A. Impreso BSEd/Filipino/3C Isinulit kay:
Bb. Melody G. Agudilla Guro Marso 25, 2019 “UHAW ANG TIGANG NA LUPA”
Uhaw ang Tigang na Lupa ni LIWAYWAY B. ARCEO I.
PANIMULA Maari tayong makaimbento ng iba’t ibang klase ng pamilya sa paksang uhaw ang tigang na
lupa. Pamilya ang ating kalakasan sa lahat ng bagay sapagkat pamilya lang ang ating malalapit kapag tayo ay nangungulila sa pagmamahal. Ang pamilya ang isa sa bumubuo ng ating pagkatao sila ang nagbibigay lakas at inspirasyon sa atin. Maaaring sa kwentong ito ay malaki talaga ang naging epekto ng pangunahing tauhan sa kanyang mga magulang na naghahanap ng pagmamahal sa kanilang pamilya. Na lahat nalang ng bagay at kinikilos ng kanyang mga magulang ay napapansin niya na walang halong pagmamahal ang kanyang mga magulang sa isa’t isa. Kasalukuyan marami na tayong naririnig na mga ganitong pangyayari tulad sa kwentong ito na nagiging repleksyon sa atin ay hindi maganda sapagkat alam natin na ang pamilya ay kailangan ng isang samahan na masaya na binubuo ng matapat na pagmamahalan na hindi pinapabayaan ang bawat kasapi ng pamilya. Ang liham din ang isa sa napakahalaga sa kwento sapagkat dito nila natuklasan ang mga importanteng bagay na lalong makakasira sa kanilang pamilya na nagkaroon ng ibang karelasyon ang kanyang ama at ito at patuloy parin niyang minamamahal kahit na sila ang kanilang pamilya nito na dito na siya lalong nasaktan pati ang kanyang ina. Alam natin na ang talaarawan ang isa sa mga maituturing natin na ating kapatid sapagkat dito ay nasasabi natin ang mga gustong nating sabihin isa ito sa nakakatulong satin upang magpagaan ng kaloob sapagkat dito natin sinusulat ang mga ating sekreto sa buhay na alam natin na tayo lang ang nakakabasa ang masama nga lang ay ang naging katulad sa kwento na natuklasan ng anak ang matagal na niyang tinatago ng kanyang ina at ng dahil sa talaarawan ay nalaman niya ang buong kwento na kung bakit ganon ang kanyang ama sa kanyang ina .
Na ang anak din ang isa sa pinakamahalaga na bububuo sa pamilya sapagkat sila ang nagpapasaya sa kanilang magulang alam natin na ang ating mga magulang ay may mga kahinaan kaya dapat alam natin sa sarili natin kung paano paliligayahin ang atin mga magulang. May mga bagay talaga na kailangan natin pag-isipan tulad nalang ng ama sa kwento na may una na siyang minahal kaya naman ang ina at ang anak ang nagsasakripisyo sa kanyang ginawa. Maging matapat tayo sa mga nakakapareho natin sapagkat sila na ang makakasama natin sa panghabangbuhay. Buong pusong kailangan nating patawarin ang mga nahingi ng kapatawaran sa atin na tulad sa kwento bago namatay ang ama ay humingi ito ng tawad sa kanyang mag-ina at ito naman ay pinatawad ng mag-ina na itunuro lang sa atin ng may akda na ang pamilya kahit anong manyari ay nagpapatawaran sabihin na natin ang ating mga kasalanan bago pa mahuli ang lahat. Na alam natin na lahat ng tao ay nagkakasala.
II.
PAGSUSURING PANGNILALAMAN
A. PAKSA Ang kwento ay pumapaksa sa isang pamilya na uhaw sa pagmamahal.
B. TAUHAN
Anak – isang dalagita na uhaw sa pagmamahal sa kanilang pamilya
Ama – may karelasyon sa iba at namatay sa sakit
Ina – tahimik, walang imik at laging malungkot
C. TAGPUAN Silid-aklatan sa bahay – dito nakita ang larawan at ang liham ng ama.
D. BANGHAY 1. Naging kapansin-pansin niya ang ilang gabi ng hindi makatulog ang kanyang ina at ilang araw na ring hindi niya nadadalaw ang aklatan na hindi niya nasasalamin ang isang larawang mahal sa kanya.
2. Ni minsan ay di niya nakitang nagkagalit ang kanyang ama’t ina at kung minsan ay hinahanap niya ang pagkukuwento ng isang ama at pagmamasid ng isang ina sa kanya habang masayang nakikinig. 3. Nababagot siya sa kanyang pag-iisa, nanabik siya sa isang sanggol na kapatid o isang mapaghihingan ng sama ng loob at kung hindi man nagkakagalit ang kanyang ama’t ina ay hinahanap din niya ang magiliw na paglalambingan o pagbibiruan ng mga ito. 4. Ilang taon na ngayon ang nakaraan nang minsan ay may ibinalik na maliit na aklat ang tagalaba, nakakuha nito sa likuran ng kanyang ama at ibinigay sa kanyang ina yaon ay talaarawan na kinabukasan ay may bakas na luha sa mata ng kanyang ina at lalong di naging palakibo at malungkot naisip niya na ano ang nasa talaarawan. 5. Isang gabi umuwi ang ama niya na lasing at idinaing ang kanyang dibdib at ulo na noon ay ilang araw din
na nakaratay ang kanyang ama na hindi ito
hiniwalayan ng ina niya na ayaw ipagtapat sa kanya ang tunay na karamdaman ng kanyang ama. 6. Ipinaayos ng kanyang ama ang hapag sa kanya at idinikit ang kwentong kalalathala pa lamang na may nakita siyang pelus ng rosas at isang salansan ng mga liham na nakatitik ang pangalan ng kanyang ama at tanggapan sa mga sobre. 7. Ang larawan sa kalahating pelus ay hindi yaong hawas ang mukha at ilong na parang loro at nakasulat dito ang ”sapagkat ako’y hindi nakalimot,” walang lagda ang larawan at bilang napoot at naghihinakit sa kanyang ama. 8. Malimit na mawala ang diwa ng kanyang ama samantalang ang ina niya ay patuloy sa di pagkibo at patuloy sa pagluha kung walang makakakita dito at dumantay ang kamay ng kanyang ama sa noo niya at pinatakas ang tinitimping sama ng kanyang loob sa pagdadaop ng mga ngipin at labi nito. 9. Iminulat ng kanyang ama ang mabigat na talukap ng mga mata nito at nagkatinginan sila ng ng kanyang asawa at hawak ng kanyang ina ang kamay ng kanyang ama na muli itong nagsalita na “Sabihin mo, mahal ko, na maaangkin ko na ang kaligayahan ko.”
10. Kinagat ng ina niya nang mariin ang labi at sinabing…”Maaangkin mo na, mahal ko!” na hinagkan ng kanyang ina ang ama at sabay ng paglisan ng isang kaluluwa at wala nang dumaloy sa mga iyon. E. PAHIWATIG
“Nasa kalamigan ng lupa ang kaluwalhatian ko!”anang ama. Ang pahayag na ito ay nangangahulugan na makakamit niya ang kanyang kapayapaan at kaluwalhatian sa kanyang kamatayan.
Ang moog na kinabibilangan ko’y aking wawakasan. Ang pahayag na ito ay nangangahulugan na wawakasan na ang paghihirap at handa na niyang ibigay ang kanyang buong pag-ibig.
F. SIMBOLISMO
Talaarawan – sumasalamin sa katotohanan
Ama, Anak, Ina – sumisimbolo sa isang pamilya
G. TEORYANG PAMPANITIKAN
Teoryang Realismo Ito ang teorya na ay hango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang ang kasiningan at pagkaepektibo. Na nakita natin sa kwentong uhaw ang tigang na lupa sapagkat alam natin sa ngayon na marami na ang nangyayari sa atin na ganito na ang pinagdadaanan o dinaranas ng ibang pamilya dito sa ating lipunan.
Teoryang Simbolismo Ito ang teoryang ginagamitan ng simbolismo na dito sa kwentong uhaw ang tigang na lupa ay madaming ginamit na simbolismo tulad na lang ng larawan na kung saan hindi dito lantaran sinabi sa liham pati na rin anak, ama, ina na sumisimbolo sa isang pamilya at marami pang iba.
H. MAHALAGANG PAHAYAG
Ang ngiti niya ay parang patak ng ulan kung tag-araw. Ang batang puso ng anak ay tigang na lupang uhaw na uhaw.
Na sila’y pinaglapit ng tadhana na isang pagkakataong mayroon nang sagwil o hadlang sa kanilang kaligayahan.
“Huwag padala sa simbuyo ng iyong kalooban, ang unang tibok ng puso ay hindi pag-ibig tuwina.’’
III.
“sabihin mo, mahal ko, na maangkin ko na ang kaligayahan ko,”
REAKSYON
Pagkatapos kong mabasa ang kwento naisip ko na kailangan talaga ng anak ang pagmamahal ng mga magulang sapagkat isa ito sa mga hinahanap nila upang maging masaya. Napakahalaga ng isang buong pamilya kung ito ay binubuo lagi ng mga masasayang ala-ala na kasama na natin sa panghabang-buhay. Naisip ko na hindi masama ang pagsasabi ng mga sama ng loob sa ating pamilya sapagkat ito ang paraan upang maayos ang samahan ng bawat pamilya. Naisip ko rin na malaki pala talaga ang nagiging epekto sa isang anak kapag ang isang pamilya ay binubuo na lang ng kumpleto na wala ng kahalong pagmamahal sa isa’t isa na sa bawat kilos rin ng mga magulang ay nakikita at nararamdam ng isang anak ang sakit na sa palagay ko ay dadalahin na ito ng isang anak hanggang sa paglaki. Naisip ko rin na pag-isipan muna natin kung siya na ba talaga ang ating makakapareha sa habang buhay sapagkat isa rin pala ito sa mga dahilan upang hindi gumanda ang samahan ng isang pamilya lalo na kapag may mga anak na naghahanap nang mga kalingan ng pagmamahal ng isang magulang na hindi ninyo kayang ibigay sa mga anak. Nagandahan ako sa kwento pagkatapos kong basahin sapagkat madami itong kapupulutan ng aral lalo na sa mga pamilyang uhaw sa pagmamahal. Maganda ang naging takbo ng kwento may mga maayos na pagkakasunod-sunod na mga pangyayari at angkop ang mga ginamit na salita sa kwento. Nakita rin dito ang nais iparating ng akda sa mga mambabasa kakikitaan ng husay ang may akda sapagkat nakuha niya ang damdamin ng mga mambabasa. Ang una kong aral na nakuha sa kwento ay maging maayos tayo sa pagpili ng makakapareho sa habang buhay dahil ito ang iyo nang pakikisamahan habang buhay pag-isipan ng mabuti kung siya na ba talaga upang hindi ka magsisi hanggang sa huli sapagkat hindi mo na maiibalik ang
dati maging mapili tayo sa ating mga kapareha na alam natin na makakasundo natin sa lahat at higit sa lahat mahal natin ito At ang pangalawa ko na natutunan sa kwento ay magsabi tayo ng mga nararamdaman natin sa ating pamilya sapagkat sila lang ang makakatulong sa atin; sila lang ang nakakaintindi sa mga pinagdadaanan natin kailangan natin sabihin sa bawat isa ang mga sama ng loob sa pamilya sapagkat ito ang paraan upang magkaroon tayo ng pagmamahalan ng lubos at maging masaya ang ating pamilya na binuo. Higit sa lahat natutunan ko na pahalagahan natin ang ating mga magulang kahit ito ay hindi nagparamdam sa atin ng pagmamahal dahil sa bandang huli pamilya pa rin ang ating kailangan, maging mapagkumbaba lang tayo at maging matibay sa anumang pagsubok na pinagdadaanan ng pamilya bigyang natin ng pagmamahal ang bawat isa. Nais ko rin na maging malawak ang pang-unawa ng mga anak sa mga magulang lalo na kung alam natin na sila ay may pinagdadaanan. Ipakita na natin ang buong pagmamahal sa ating mga magulang sapagkat hindi na natin ito maibibigay kapag wala na sila sa mundo. Mahalin natin ang ating mga pamilya upang wala tayong pagsisihan sa huli. Ako bilang anak natutunan ko na pahalagahan ang bawat ginagawa sa akin ng aking mga magulang.