Buod Bangkang Papel.docx

  • Uploaded by: Ebel Rogado
  • 0
  • 0
  • May 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Buod Bangkang Papel.docx as PDF for free.

More details

  • Words: 282
  • Pages: 1
Bangkang Papel Ni Genoveva Edroza-Matute

Ang Maikling Kwentong

ito ay tungkol sa pagbabalik-tanaw ng

tagapagsalaysay na sya ngang pangunahing tauhan sa kwento, dahil sa tuwing nakakakita siya ng mga batang nag papalutang ng bangkang papel. Isang batang lalake ang kanyang naalala na nagising sa malalakas na dagundong at nakasisilaw na liwanag nang araw na yon. Subalit napagtanto niyang walang pumapatak na tubig ulan sa kanilang bubungan. Agad nyang hinanap ang kanyang ama sa kanyang ina ngunit pinatulog lamang siya nito sapagkat magpapalutang pa siya ng bangkang papel bukas na kanya ngang ginawa upang mapaglaruan ito kinabukasan pag gising nya. Ngunit kinabukasan paggising nya ay nakita niya ang kanyang inang nakalugmok o nakaupo sa sahig habang hinahaplos-haplos ang buhok ng kanyang kapatid na si Miling. Napansin nyang tila wala ito sa sarili at patuloy lamang sa pag iyak. Napagtanto nya na napakaraming tao sa paligid at wala ni isa man lang sa kanila ang nagpaliwanag sa kanya tungkol sa nangyayari. Pawang mga matang naaawa ang pinupukol ng mga ito sa kanya. May narinig syang malakas na tinig at sumisigaw, dahil pinalilikas na ang mga residente sa ligtas na pook kasama si Kapitan Isidro. Dahil dito napag-alaman ng batang lalaki na ang kanyang ama ay kasama sa labinlimang patay sa sagupaan ng mga kawal at taong- bayan. Sobrang pagkabigla at lungkot ang kanyang naramdaman nang malaman nya ang sinapit ng kanyang ama. Tinanong niya ang kanyang ina kung bakit pinatay ng mga sundalo ang kanyang ama ngunit hindi rin alam ng kanyang ina ang sagot sa kanyang tanong dahil sa parehas nilang hinahanap ang kasagutan sa pangyayaring iyon. Kaya simula non hindi na nya nagawa pang palutangin sa baha ang kanyang ginawang bangkang papel.

Related Documents


More Documents from "Carlo Palmes"