Ang Panitikang Filipino.pptx

  • Uploaded by: Cheche Ianne Baldon
  • 0
  • 0
  • May 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Ang Panitikang Filipino.pptx as PDF for free.

More details

  • Words: 963
  • Pages: 25
Ang Panitikang Filipino: Mga Problema at Solusyon (Rustica C. Carpio) JOVERT R. BALUNSAY, LPT, PhD Propesor, Mga Teoryang Pangkritisismo

Suliranin 1 Bagama’t

malaki na ang iniunlad ng ating panitikang Filipino, kakaunti pa rin ang tumatangkilik dito, hindi tulad ng pagtangkilik nila sa panitikang banyaga lalo na sa Ingles

Solusyon  Kung

marami man ang tumatangkilik sa panitikang banyaga, lalo na sa Ingles kaysa panitikang Filipino, bakit hindi natin pagibayuhin ang ating punyagi upang mapabuti at mapaganda ang mga likhang-isip at nang mahikayat ang karamihan ng ating mga kababayan at kabansa na tumatangkilik sa panitikang Filipino.

Suliranin 2  Totoo

ngang ang panitikang Filipino ay pinag-aaralan sa mga eskuwelahan— may mga paaralan naman na ni ayaw ibilang ito sa mga asignatura dahil alam na raw ito ng mga mag-aaral at dahil totoo raw na maraming asignaturang dapat bigyan ng daan.

Solusyon  Ang

pag-aaral ng panitikang Filipino sa mga paaralan ay dapat pagsumikapang mapabuti at ang mga sumusabaybay sa panitikan ay dapat magkaroon ng ibayong lakas ng loob na igiit ang pagtuturo ng asignaturang “Panitikang Filipino”.

Suliranin 3  Mahina

ang benta ng mga aklat na pampanitikang Filipino. Maliban na lamang kung ang aklat ay pampaaralan, walang aklat na isinulat ng isang Pilipino, para basahin ng kapwa Pilipino, ang makaabot sa pagbebenta ng mahigit na 10,000 kopya, ayon sa bantog na nobelistang si Celso Al. Carunungan.

Solusyon  Kung

kulang ang tinatawag na “incentive” o pamukaw sa tao upang bumili ng aklat pampanitikang Filipino, paganahin pa natin ang ating mga isinusulat. Pagsumikapan din nating mahikayat ang mga tagalathala na Malaki ang maitutulong nila sa pag-unlad ng panitikang Filipino, kaya’t ipagpaumanhin na muna nila ang paminsan-minsang pagkalugi o kaya’y ang maliit na tubo.

Suliranin 4  Maraming

manunulat ngayong panahong ito ang hindi man lamang bumabasa ng mga sinulat ng ibang manunulat. Ang ilan sa kanila ay umaasa na lamang sa mga pamumuna at pagsusuri ng ilang kritiko o kaya’y mga “book reviews na nalalathala sa mga magasin.

Solusyon  Sana

naman ay basahin natin ang mga naisulat at nailimbag ng ating mga kamanunulat. Kung babasa tayo ng “book reviews”, sana nama’y basahin din natin ang aklat na sinuri. Malay natin, baka ang pagsusuri ay napakalayo sa sinusuri.

Suliranin 5 Ang

ilang manunulat ay sumusulat nga ngunit ang idyomang ginagamit ay malayo sa pulso ng mga mambabasa.

Solusyon  Sa

ating pagsulat, mangyari naman sanang ang idyomang gamitin natin ay yaong hindi malayo sa pulso at damdamin ng ating mga mambabasa. Lalong mabuti kung magkakaroon ng “rapport” o mabuting pakikipagtunguhan ang manunulat at ang kanyang mambabasa.

Suliranin 6  May

mga manunulat na nagsasabing napakaliit ng kita sa pagsusulat. Paano sila mabubuhay at paano nila bubuhayin ang kanilang pamilya?

Solusyon  Totoong

kadalasan ay maliit ang kita ng manunulat sa pagsusulat. Paano nga namang bubuhayin niya ang kanyang pamilya? Tama ang ginagawa ng karamihan. Habang nagsusulat at kumikita bilang mabubulat, sila’y may iba pang gawaing pinagkakakitaan.

Suliranin 7  May

mga manunulat na kulang sa lakas at tiyaga upang magsigasig sa pagsusulat—kahima’t maraming malakid na nagkalat sa kanyang landas.

Solusyon  Totoong

may mga manunulat na kapos sa lakas at tiyaga upang magsigasig sa pagsusulat. Kaunting tiyaga pa marahil ang kailangan. Kung minsan nama;y may mga timpalak na nagbibigay ng malalaking premyo bukod pa sa prestihiyo gaya halimbawa ng Palanca Memorial Awards for Literature.

Suliranin 8  May

mga manunulat na pabaya sa kanilang sining, hindi binibigyanghalaga ang pag-asa ng publiko na dapat ang manunulat ay maalam sa kanyang “craft”; nais ng mambabasa ay makatuklas ng mga bagay-bagay na tumpak at may kaugnayan sa kanilang mga ugali at saloobin.

Solusyon  Sa

ating pagsusulat, huwag naman sanang kalimutan na ang ating mambabasa ay umaasa na pagbubutihin natin ang ating “craft” o sining sa ating pagsulat, at dapat nating ipagbadya ang mga ugaling may kahalagahan sa tao at ang mga bagay na dapat isalin at pangalagaan para sa kapakanan ng mga mambabasa sa kasalukuyan at sa darating na panahon.

Suliranin 9  May

mga kritiko na hindi lubos na nagbibigay ng kahalagahan sa kanilang tungkuling maglahad ng mabuting hatol ukol sa bahagi ng sinulat—kung ito ay ay ganda o may sala.

Solusyon  Sana

nama’y ang mga kritiko—sa kanilang pagbibigay-puna—ay maglahad ng mabuting hatol—kung ang katha ay maganda man o hindi—at hari nawang patnubayan sila ng talino, dunong, pagkasensitibo, mabuting paaghatol na pinukaw ng isang di pangkaraniwang pagmamahal at pagmamalasakit sa panitikan.

Suliranin 10  Ang

mga “diction” o paraan ng pamamahayag o pili ng salita ay isang bagay na nagiging simula ng hindi pagkakaunawaan ng manunulat at ng mga mambabasa. Hindi na uso ngayon ang paniwala noog dating panahon na basta maipahayag ng manunulat ang nilalaman ng kanyang isip at ang isinisigaw ng kanyang damdamin, hindi na bakeng hindi siya maunawaan ng mambabasang publiko.

Solusyon  Ang

paraan ng pamamahayag sana’y kakitaan ng liwanag upang magkaroon ng pagkakaunawaan ang manunulat at mambabasa. Sana’y isipin ng manunulat na ang kanyang mambabasa ay mahalaga para sa kanya.

Suliranin 11  Mayroon

pa ring mga gusot at hidwaan ang mga namumuno sa wika. Ang mga tinatawag na purist ay napapaismid kapag naririnig ang mga hindi purist na naghahalo ng mga salitang banyaga sa kanilang mga salaysaying Filipino. Ang ibang mga haligi at sandigan ng wikang Filipino ay nagkakaroon ng hindi pagkakasundo. Sila’y nagsisiraan. Ang akala ng isang pangkat ay higit silang mahuhusay kaysa mga kasapi ng ibang pangkat naman.

Solusyon Sana

nama’y magkasundo ang mga manunulat, kahima’t sila’y purist o hindi—sapagkat ang kanilang layunin ay iisa—ang pagpapaunlad ng panitikang Filipino.

Suliranin 12 Kulang

ang mga naisulat na kalipunan ng pamumuna at panunuri at kulang din ang mga manunuring mapagkakatiwalaan at kagalang-galang.

Solusyon Magkaroon

sana ng mga artikulo mga aklat na nagpapakita nagpapatibay ng maunlad makabuluhang panunuri pamumuna at may pag-ino maganda at pangit.

at at at at sa

Related Documents

Ang
May 2020 30
Panitikang Filipino Sg 1
November 2019 15
Panitikang Filipino Sg 4
November 2019 6
Panitikang Filipino Sg 2
November 2019 6
Panitikang Filipino Sg 3
November 2019 7

More Documents from ""