Panitikang Filipino Sg 3

  • November 2019
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Panitikang Filipino Sg 3 as PDF for free.

More details

  • Words: 575
  • Pages: 4
PANITIKANG PILIPINO Session Guide Blg. 3 I.

MGA LAYUNIN 1. 2. 3. 4.

II.

Nakikilala ang iba’t ibang uri ng anyong patuluyang nakasulat sa Filipino Natutukoy ang mga katangian ng anyong patuluyan Nasasabi ang mga katangian ng anyong patuluyan Napapahalagahan ang paggamit ng anyong patuluyan

PAKSA A. Aralin 3 : Mga Anyong Patuluyan, pp. 23-34 Pangunahing Kasanayan sa Pakikipamuhay: Wastong komunikasyon, tamang pakikisalamuha, malikhaing kaisipan B. Kagamitan: Tape at cassette player tsart, pentel pen, gunting, cartolina

III.

PAMAMARAAN A. Panimulang Gawain 1. Balik-aral •

Itanong: Anu-ano ang mga uri ng panitikang may anyong patula?



Sa anu-anong mga sitwasyon naaangkop ang mga panitikang may anyong patula?

2. Pagganyak a. Anu-ano ang mga alam ninyong kuwentong bayan? Alamat? Pabula? Parabola? Maikling kuwento? b. Ano sa palagay ninyo ang pagkakaiba ng tula at tuluyan?

10

B. Panlinang na Gawain 1. Paglalahad Sabihin: •

Bukod sa anyong patula, ang panitikang Filipino ay may anyong patuluyan?



Hatiin sa pitong (7) pangkat ang mga mag-aaral. Ipabunot sa kanila mula sa isang maliit na sobre o kahon ang mga pirapirasong papel na kinasusulatan ng iba-ibang halimbawa ng anyong patuluyan.



Ganito ang nakasulat sa mga papel : Mga kuwentong bayan - Alamat - Pabula - Parabola Mga kuwentong kababalaghan Mga kuwentong katatawanan o mga palaisipan Mga maiikling kuwento



Bigyan ang bawat pangkat ng 3 minuto upang hanapin sa modyul at basahin ang mga impormasyong kaugnay ng panitikang nasa anyong patuluyan na kanilang nabunot.



Pagkatapos ng 3 minuto ay ipapasa ng bawat pangkat sa ibang pangkat ang kanilang binasa. Ulitin ang ganitong proseso hanggang makabasa ang lahat ng impormasyon ukol sa ibaibang anyong patuluyan.

2. Pagtatalakayan •

Papaglistahin ang bawat pangkat ng tig-5 tanong tungkol sa binasa. Isusulat nila ito sa papel nang magkakahiwalay. Ilalagay ang lahat ng mga tanong sa loob ng kahon.



Pahanayin nang pabilog ang mga mag-aaral. Patugtugin ang Leron Leron Sinta o kung anumang awitin na inihanda habang sumasabay sa pagkanta at pagsayaw ang mga mag-aaral. Ipaikot ang kahon na may lamang tanong.

11



Ititigil ang tugtog. Pagtigil ng tugtog, ang mag-aaral na may hawak ng kahon ay bubunot ng isang tanong upang sagutin. Ang mga tanong na hindi masagot ay ididikit sa pisara o sa dingding.



Ulit-ulitin ang ganitong proseso hanggang sa maubos ang lahat ng mga tanong.



Balikan ang mga tanong na hindi nasagot. Ang mga ito ay pagtutulungang sagutin ng buong klase.

3. Paglalahat •

Ipakita sa mga mag-aaral ang talaan. Ito ay isasabit sa pisara. Papunan ito ng tamang impormasyon. Mga uri ng Patuluyan

Mga Halimbawa ng Patuluyan

Kahulugan o Katangian

4. Paglalapat •

Papiliin ng tig-iisang anyo ng patuluyan ang bawat pangkat. Bigyan sila ng pagkakataon na maghanda ng kanilang napili.



Isa sa mga kasapi ng bawat pangkat ay magsisilbing tagapagsalaysay (Narrator) ng napili nilang anyong patuluyan at ang ibang kasapi ay magsasadula nito.

5. Pagpapahalaga •

Ipabasa sa mga mag-aaral ang “Basahin at Pakinggan Natin” na nasa pahina 28- 29.



Itanong sa mga mag-aaral ang mga sumusunod: 1. 2 3. 4. 5.

Sino ang natalo sa pag-aararo? Saan natalo si Pastor? Nagustuhan ba ninyo ang buod ng maikling kuwento? Bakit mahalaga ang anyong patuluyan? Anong aral ang napupulot sa patuluyan?

12

IV.

PAGTATAYA Basahin at gawin ang pagsasanay sa “Alamin Natin ang Inyong Natutunan” na nasa pahina 30-33.

V.

KARAGDAGANG GAWAIN Alamin kung ano ang ibig sabihin ng nobela at sanaysay. Magbigay ng tigiisang halimbawa nito. Humanda sa pagpapaliwanag nito sa kamag-aral.

13

Related Documents

Panitikang Filipino Sg 3
November 2019 7
Panitikang Filipino Sg 1
November 2019 15
Panitikang Filipino Sg 4
November 2019 6
Panitikang Filipino Sg 2
November 2019 6
Filipino 3
November 2019 16
Sg 3 Kong Pangkalakal
November 2019 5