Panitikang Filipino Sg 2

  • November 2019
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Panitikang Filipino Sg 2 as PDF for free.

More details

  • Words: 770
  • Pages: 5
PANITIKANG FILIPINO Session Guide Blg. 2 I.

MGA LAYUNIN 1. Nakikilala ang iba’t ibang uri ng anyong patula na nakasulat sa Filipino 2. Natutukoy ang anyong patula sa pamamagitan ng wastong pagbasa nito 3. Nababasa nang wasto at madamdamin ang patula

II.

PAKSA A. Aralin 2 : Ang Anyong Patula , pp. 11-21 Wastong Paraan ng Pagbigkas sa Tula Pangunahing Kasanayan sa Pakikipamuhay : Kakayahan sa Pakikinig at Pakikipagtalastasan B. Kagamitan : Tape, Cassette Tape Player, Tsart

III.

PAMAMARAAN A. Panimulang Gawain 1. Balik-aral Sabihin: “Nasa talaan ang mga uri ng panitikang Filipino. Lagyan ng tsek ang hanay kung aling uri ang paghahalin”. Panitikang Filipino Kuwentong bayan Tula Awit Tugma Pabula Epiko Noli Me Tangere Ibong Adarna Alamat

Pasalindila

Pasalinsulat

Pasalintroniko

5

2.

Pagganyak •

Iparinig sa mga mag-aaral ang tape ng dayalogo na nasa pahina 11-16. Sabihin: Habang nakikinig ka sa tape, sundan ito sa pagbasa ng modyul. Itanong :

• •

Sinu-sino ang mga pangunahing tauhan sa dayalogo? Anu-ano ang kanilang pinag-usapan? Nasiyahan ka ba sa iyong napakinggan? Bakit? B.

Panlinang na Gawain 1. Paglalahad •

Sabihin: Sa araling ito ay ating matututunan ang iba’t ibang anyo ng panitikang patula.

2. Pagtatalakayan •

Hatiin sa tatlong pangkat ang klase. Bawat pangkat ay muling babalikan ang modyul ( pahina 11- 16). Ipasusuri ang dayalogo at pasasagutan ang mga sumusunod na tanong. Ipasusulat sa tsart ang kanilang mga sagot. - Sinu-sino ang mga pangunahing tauhan sa kuwento? - Anu-ano ang kanilang pinag-usapan? - Anu-ano ang mga panitikang nasa anyong patula na nasa dayalogo?



3.

Pagkatapos masagutan ng bawat pangkat ang mga tanong, ipapaskil ang mga tsart ng kanilang mga sagot upang makita kung magkakatulad ang kanilang mga sagot.

Paglalahat •

Papipiliin ang bawat pangkat ng anyong patula na nasa dayalogo. Bigyan sila ng pagkakataon na suriin ito. Pagkatapos nito ay ipabigkas sa bawat pangkat ang kanilang napiling anyong patula. Gawing paligsahan ang pagbigkas ng patula.



Bigyan ng iskor ang bawat pangkat ayon sa tamang pagbigkas gamit ang rubric na ito. Ang may pinakamaraming puntos ay panalo. 6

Pamantayan sa Pagbigkas ng Patula 1. Nabibigkas nang wasto at madamdamin ang tula 2. Nabibigkas nang wasto ang tula subalit kulang sa damdamin 3. Hindi gaanong wasto ang pagbigkas ng tula 4. Hindi wasto ang pagbigkas ng tula

3 2 1



Ipabasa ang “Alamin Natin” na nasa pahina 17-20. Ipasuri sa bawat pangkat ang nilalaman ng babasahin.



Ipatala sa bawat pangkat ang mga uri ng panitikang may anyong patula at paghambingin ang gamit nila sa talaang ito. Mga Uri ng Panitikang may Anyong Patula

4.

Puntos 4

Mga Katangian



Paghambingin ang talaan ng tatlong pangkat. talaan ay kumpleto.



Ipabasa sa mga mag-aaral ang “Tandaan Natin” na nasa pahina 20.

Alamin kung ang

Paglalapat •

Sabihin: Alin sa mga sumusunod na anyong patula ang angkop sa mga sumusunod na sitwasyon? Punan ng wastong titik ang mga kahon. Sitwasyon 1. Nagmula ito sa isang alamat ng isang prinsesang naghulog ng singsing sa karagatan

Uri ng Patulang Gagamitin

K

R

A

T

N

7

2. May debate sa paaralan

3. Madalas laruin kung may lamay sa patay

A

L

G

U

P

O

4. Mga tulang tungkol sa buhay sa bukid

P

S

T

5. Ginagamit ito sa mga dulang musikal

M

L

O

A

A

A

R

N

L

A

R

5. Pagpapahalaga a. Sa palagay mo, paano mo mapahahalagahan ang mga panitikang may anyong patula? b. Bilang bahagi ng panitikang Filipino, dapat pa bang panatilihin ang mga uri ng panitikang may anyong patula? Bakit? IV.

PAGTATAYA A. Pagtambalin ang mga uri ng anyong patula na nasa Hanay A sa kanilang kahulugan na nasa Hanay B. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Hanay A 1. Elehiya 2. Balagtasan 3. Dalit 4. Trahedya 5. Komedya 6. Epiko

Hanay B a. debateng isinadula b. binibigkas tungkol sa mga kababalaghan c. tulang dula na nakatutuwa ang mga pangyayari d. tulang dula na malungkot ang wakas e. tulang patungkol sa relihiyon f. larong batay sa singsing na inihulog ng prinsesa sa dagat

8

C. Sagutin ang palaisipan na nasa modyul pahina 21. Lagyan ng sagot ang bawat bilang. Pababa: 1. tulang tungkol sa bukid 2. awit tungkol sa relihiyon 3. papuri o panaghoy

Pahalang: 3. tulang 14 ang taludtod 5. tulang tungkol sa isang yumao 6 awit tungkol sa pag-ibig, pangamba, pag-asa, at kalungkutan

1 2

3

5 6 Ipahambing ang sagot ayon sa “Batayan sa Pagwawasto” na nasa pahina 47 ng modyul. V.

KARAGDAGANG GAWAIN Sumulat ng isang halimbawa ng anyong patula. Kung hindi mo kayang gumawang mag-isa, mag-interbyo ng isang makata sa barangay at magpaturo ng pagsulat ng anyong patula.

9

Related Documents

Panitikang Filipino Sg 2
November 2019 6
Panitikang Filipino Sg 1
November 2019 15
Panitikang Filipino Sg 4
November 2019 6
Panitikang Filipino Sg 3
November 2019 7
Sg
May 2020 17
Filipino
November 2019 31