Pamantasan ng Bikol Kolehiyo ng Edukasyon PAARALANG GRADWADO Lungsod Legaspi
PANANAW REALISMO: ni Genoveva Edroza Matute CHERRY ANN Z. BALDON
JOVERT R. BALUNSAY, LPT,PhD
Master ng Sining sa Pagtuturo ng Filipino
Propesor
Ang realismong pampanitikan ay kabílang sa realistang pagkilos ng sining na nagsimula noong kalagitnaan ng ika-19 dantaon ng panitikang Pranses (Stendhal), at panitikang Ruso (Alexander Pushkin) at umabot hanggang sa hulihan ng ika-18 dantaon at simula ng ika-20 dantaon (1)
(2) Ang realismo, na taliwas sa idealismo, ay naglalayong irepresenta ang mga pamilyar na bagay sa kung ano talaga sila. Ang mga may-akdang realista ay namiling ilarawan ang mga pang-arawaraw at mga pangkaraniwan na mga gawain at karanasan, sa halip na gumamit ng romantisadong presentasyon. (3) Ang kritikang literaryo na si Ian Watt, gayun pa man, ay nagsasabi na nagsimula ang realismo sa Nagkakaisang Kaharian sa pamamagitan ng isang ika-18 dantaong nobela. Ang mga kasunod na mga may kaugnayang pagsulong sa sining ay naturalismo, realismong sosyal, at noong 1930s, realismong sosyalista.
(4) Ito ay tumatalakay sa katotohanan sa lipunan. Karaniwan nitong pinapaksa ang kalagayan na nangyayari sa lipunan tulad ng kurapsyon, katiwalian, kahirapan at diskriminasyon. Madalas din itong naka pokus sa lipunan at gobyerno. Mahalaga din sa nagsusuri ng mga akda na sinusuri sa teoriyang ito na maiugnay ang mga pangyayari sa akda o teksto sa lipunan. (5) Layunin nito na ipakita ang mga karanasan at masaksihan ng may-akda ang kanyang lipunan. Higit na pinahahalagahan ang paraan ng pagsasalaysay kaysa sa paksa.Samakatwid ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningan at pagkaepektibo ng kanyang isinulat. Nagpapahayag ito ng pagtanggap sa katotohanan o realidad ng buhay.
(6) Ipinaglalaban ng teoryang realismo ang katotohanan kaysa kagandahan. Sinumang tao, anumang bagay at lipunan ayon sa mga realista, ay dapat maging makatotohanan ang paglalarawan o paglalahad. (7) Halimbawa ng mga akdang masusuri sa teoryang ito ay ang Iba Pa Rin Ang Aming Bayan, Ambo, Papel, Mga Ibong Mandaragit, at Maganda Pa Ang Daigdig.
Si Genoveva Edroza-Matute o Aling Bebang ay isang magiting na kuwentista sa wikang Filipino at tagapagtaguyod ng wika at panitikan ng Pilipinas. Isang guro at may-akda ng aklat sa Balarilang Tagalog, na nagturo ng mga asignaturang Filipino at mga asignaturang pang-edukasyon. Nagturo siya ng 46 na taon sa elementarya, sekundarya at kolehiyo, at nagretiro bilang Dekana ng Pagtuturo sa Dalubhasaang Normal ng Pilipinas (ngayon ay Pamantasang Normal ng Pilipinas) noong 1980.
Genoveva Edroza-Matute ( Enero 3, 1915 – Marso 21, 2009)
Pinarangalan siya ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas ng Gawad CCP Para sa Sining (Panitikan) noong Pebrero 1992
Maraming ulit siyang nagkamit ng Gawad Palanca, tulad ng kilalang Kuwento ni Mabuti, na nanalo ng kauna-unahang Gawad Palanca para sa Maikling Kuwento sa Filipino. Kasama rin sa mga kuwentong nanalo ng Gawad Palanca ay ang Paglalayag sa Puso ng Isang Bata noong 1955, at ang Parusa noong 1961.
Ilan sa mga naging aklat niya ay ang Mga Piling Maiikling Kuwento ng Ateneo University Press; ang Tinig ng Damdamin, katipunan ng kanyang mga piling sanaysay, ng De La Salle University Press; at ang Sa Anino ng EDSA, maiikling kuwentong sinulat niya bilang National Fellow for Fiction, 1991–1992, ng U.P. Press. Si Aling Bebang ay maybahay ng manunulat na si Epifanio Matute. Pumanaw si Aling Bebang noong 21 Marso 2009 sa edad na 94.
Si Bb. de la Rosa ay nagtuturo ng animnapung estudyante ngunit may isang batang may kaitiman, sarat na ilong at makapal na labi ang nakaagaw ng kanyang pansin. Leoncio Santos ang pangalan ng batang ito. Si Leoncio ay hindi kagaya ng kanyang mga kaklase, mag-isa siya palagi at hindi siya masyadong nakikipaglaro sa kanila. Magaling siya sa klase ngunit siya’y hindi nangunguna sa kadahilanang may mga panahong ang atensyon nito ay wala sa paaralan.
Isang araw, lumiban si Leoncio dahil siya ay nahilo. Sa sumunod na araw, kinumusta siya ng kanyang guro at pinagsabihang kumain ng maraming gulay at itlog. Sa isang pagkakataong nakita ni Bb. de la Rosa na sa panahon ng pananghalian ay walang kinakain si Leoncio at tila tinitingnan lamang nito ang pagkain ng iba ay napag – alaman niyang palaging walang baon ang isa sa kanyang mga estudyante.
Pagkalipas ng ilang buwan, wala pa ring pagbabago kay Leoncio. Nang lumiban sa pagpasok ang bata ng halos limang araw ay binisita siya ng kanyang guro sa kanilang tahanan. Nakilala ni Bb. de la Rosa ang ina ni Leoncio at nakita niya rin ang tunay na kalagayan ng bata.
Ang akdang Walong Taong Gulang na isinulat ni Genoneva Edroza Matute ay isang halimbawa ng akdang lahat ng mambabasa, lalo na ang mga Pilipino ay madaling makaugnay. Mistula itong isang paglalarawan ng isang sitwasyon na hindi na bago sa atin. Ito ay tungkol sa isang bata na sa murang edad pa lamang ay mulat na sa realidad na takbo ng buhay.
Ang karakter ni Leoncio Santos. Siya isang salamin ng maraming batang Pilipino ngayon. May potensyal pero hindi maipagpatuloy ang pag-aaral dahil sa hirap na dinaranas ng pamilya. Hindi rin siya nakakakain ng mga masusustansyang pagkain na kailangan ng mga bata para maging malusog, dahil salat sila sa pambili ng mga ito. Dahil na rin sa kanyang sitwasyon, nawawalan na siya ng panahon na makipag laro. Dahil sa hirap na dinaranas, nawawalan siya ng social life. Marahil dahil na rin siguro, hindi niya kayang makipag sabayan sa kanyang mga kaedad.
LEONCIO SANTOS
PAYAT
(Mag-aaral)
SAKITIN
MALNUTRISYON (Kahirapan)
LAMPA
MALIIT HILUHIN
BB. DELA ROSA (Guro)
MAUNAWAIN
MATIYAGA
PANGALAWANG MAGULANG
MAPAGKALINGA
MAHABAGIN
MAPAGMALASAKIT
MAPAGPASENSYA
MAPAGKAWANGGAWA
MAPAGMAHAL
Ang ugnayan ng guro sa kanyang mga estudyante. Kapansinpansin na ang guro sa kwento ay talagang may pakialam at napapansin pa rin niya ang kanyang mga estudyante kahit na wala na sila sa loob ng silid aralan. Ipinapakita nito na hindi basta basta natatapos ang gawain at tungkulin ng isang guro sa loob lamang ng apat na sulok ng silid- aralan. Nagpapakita ito ng magandang ugnayan ng isang guro sa kanyang mga estudyante. Ang mga guro ay maaring magsilbing isa sa mga tagahulma ng mga kabataan na siyang tinuturing na pag-asa ng bayan.
Istilo ng pagkakasulat ng nasabing akda. Hindi lang sa mga salitang ginamit at mga pangyayaring isinalaysay naibabahagi ang mensaheng nais ipaabot ng may-akda sa kanyang mga mambabasa. Kapansinpansin sa akda ang pag-uulit na paglalarawan sa walong taong gulang na bata na si Leoncio Santos mula simula’t hanggang nagtapos ang kwento. Nakatulong itong maging mas makatotohanan pa para sa isipan ng mga mambabasa ang imahe ni Leoncio. Maaring nais ipahiwatig nito na sa pagdaan ng panhon ay tila wala pa ring pagbabagong nagaganap at sa halip na umunlad ay nanataili lamang ito sa dati.
PAGNINILAY...
.
Edukasyon ang sagot sa kahirapan. Kahirapan ay hadlang sa edukasyon.