PANITIKANG FILIPINO Session Guide Blg. 1 I.
MGA LAYUNIN 1.
Nakikilala ang mga uri ng panitikan ayon sa paghahalin at ayon sa anyo
2. Napapangkat ang panitikan ayon sa uri ng paghahalin at ayon sa anyo 3. Napaghahambing ang mga uri ng panitikan ayon sa paghahalin at ayon sa anyo 4. Napapahalagahan ang pagsasalin ng panitikang Filipino II.
PAKSA A. Aralin 1 : Ang Panitikang Filipino : Isang Panimulang Aralin, pp. 6- 10 Pangunahing Kasanayan Pakikipagtalastasan
sa
Pakikipamuhay:
B. Kagamitan: manila paper, pentel pen III.
PAMAMARAAN A. Panimulang Gawain Pagganyak Sabihin: Mahilig ba kayong manood ng mga pelikulang Pilipino? B.
Panlinang na Gawain : 1.
Paglalahad •
2.
Ipabasa sa mga mag-aaral ang “Basahin Natin” na nasa modyul pahina 6 at 8.
Pagtatalakayan •
Hatiin ang mga mag-aaral sa dalawang pangkat. Papiliin ang bawat pangkat sa dalawang (2) sobreng inihanda. Bawat sobre ay naglalaman ng mga tanong ukol sa kanilang binasa. Sasagutin nila ang mga tanong sa nabunot na sobre.
•
Ang isang pangkat ay tatalakay sa „Ang Panitikan Ayon sa Paghahalin“. 1. Anu-ano ang dalawang uri ng paghahalin? 2. Sino ang nagdala ng imprenta dito sa ating bansa? 3. Ano ang tawag sa makabagong paraan ng paghahalin?
•
Ang isang pangkat ay tatalakay sa “Ang Panitikan Ayon sa Anyo”. Sasagutin nila ang mga sumusunod na tanong: 1. Anu-ano ang uri ng panitikan sa anyo? 2. Ano ang pagkakaiba ng bawat isa?
•
3.
Pagkatapos ng pangkatang talakayan, isa sa bawat kasapi ng pangkat ay magbibigay ng ulat. Sasabihin nila at ipaliliwanag kung ano ang kanilang mga sagot sa mga tanong.
Paglalahat •
Papunan ang sumusunod na talaan sa pangkat na tumalakay sa “Ang Panitikan Ayon sa Paghahalin”:
MgaTanong 1. Ano ang tawag sa paghahalin sa pamamagitan ng dila? 2. Paano nagkakaroon ng paghahalin? 3. Anu-ano ang mga halimbawa ng paghahalin ayon sa dila? •
Ipasagawa ang sumusunod na talaan sa pangkat na tumalakay sa “Ang Panitikan Ayon sa Anyo”
Mga Tanong 1. Anu-ano ang tatlong uri ng panitikan ayon sa anyo? 2. Kailan sinasabing ang panitikan ay nasa anyong patula? 3. Ano ang patuluyan? 4. Ano ang panitikang patanghal? •
Mga Halimbawa
Sagot
Ipapasa ng pangkat na tumalakay sa “Ang Panitikan 2
Ayon sa Paghahalin” ang kanilang ginawang talaan sa kabilang pangkat upang sagutin. Tatanggapin naman nila ang talaan ng kabilang pangkat upang sagutin. •
Iwawasto ng 2 pangkat ang kanilang mga talaan sa tulong ng IM. Bibigyan ng kaukulang marka ang bawat pangkat gamit ang sumusunod na rubric na ito. Nasagot ang lahat ng tanong na kompleto at buo ang diwa. Nasagot ang lahat ng tanong subalit hindi buo ang diwa Dalawang tanong lamang ang nasagot Isang tanong lamang ang nasagot Walang tanong na nasagot
•
4.
4 3 2 I 0
Tapusin ang paglalahat sa pagbasa ng “Tandaan Natin”, pahina 9 ng modyul. Ipasulat ito sa kanilang journal.
Paglalapat Basahin sumusunod na mga pahayag. Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel. A. Pasalindila B. Pasalinsulat C. Pasalintroniko _____ 1. Paraan ng paglilipat sa pamamagitan ng dila _____ 2. Paraan ng paglilipat sa pamamagitan ng sulat _____ 3. Paraan ng paglilipat sa pamamagitan ng elektroniko _____ 4. Naipapasa sa pamamagitan ng pagkukuwentuhan _____ 5. Paggamit ng tape recorder _____ 6. Pag-uukit sa kahoy _____ 7. Paaraan ng pagsasalin sa panahon ng Kastila _____ 8. Pag-iimprinta _____ 9. Mga pelikula natin ngayon _____10. Paggamit ng diskette 5.
Pagpapahalaga •
Ipasagawa ang debate sa dalawang pangkat tungkol sa kung alin ang mas mahalagang paghahalin, pasalinsulat ba o pansalintroniko. Pabunutin ang dalawang pangkat kung aling panig ang kanilang ipagtatanggol. 3
IV.
•
Bigyan ng 5 minuto ang bawat kasapi ng pangkat na magsulat ng dalawang pangungusap na gagamitin sa kanilang debate. Isang pahayag na nagtatanggol sa kanilang panig at isang pahayag na tumutuligsa sa kabilang panig.
•
Pagkatapos ng 5 minuto ay uumpisahan ang debate. Ipagtatanggol ng bawat pangkat ang kanilang panig gamit ang kanilang naihandang pahayag.
•
Tanungin ang buong klase kung sino sa palagay nila ang nagwagi sa debate. Itanong din ang batayan ng kanilang pagpili.
PAGTATAYA Ipabasa at pasagutan ang “Alamin Natin ang Inyong Natutunan”, pahina 9-10. Ihambing ang sagot sa “Batayan sa Pagwawasto”, pahina 46.
V.
KARAGDAGANG GAWAIN 1. Pumili ng isang uri ng panitikan at isulat ito sa inyong kuwaderno. Pagaralan ito at ipalabas o isadula sa klase. tula awit alamat nobela parabola
Batayan sa Pagwawasto sa Pagtataya 1. a 2. b 3. c 4. a 5. c 6. b 7. b 8. b 9. c 10.c
4