Ang “Bullying o Pangungutya” ay isa sa mga problema na hinahrap ng mga kabataan sa panahong ito. Mapa Asya man o Europa ay hindi maiiwasan ang ganitong pangyayari. Walang pinipiling kasarian ang bullying, mapa babae man o mapa lalaki. Kadalsan sa kinukutya ay ang mga matataba, mapapayat, bakla, tomboy, at iba pa. Hnding hindi natin masisisi ang mga taong nangungutya pero pwede natin itong maiwasan. Bakit nga ba may mg bully? Ano nga ba ang pwedeng gawin para hindi maapektuhan? Sa mga pelikula sa telebisyon, madalas nating nakikita ang pangaapi ng karakter ng kontrabida sa kawawang bida upang mas lalong mahikayat ang mga manonood ngunit sa bandang huli, magtatagumpay ang biktima ng pang-aapi at malalagay sa kaawa-awang sitwasyon ang nang-api. Ngunit hindi isang pelikula lamang ang nangyayaring ito ngayon sa loob at labas ng paaralan at nakalulungkot isipin na hindi rin pala ligtas ang mga bata kahit pa nasa loob ng paaralan dahil maaring maging biktima sila ng bullying. Nag kakaroon ng bully sa isang lugar particular ang paaralan dahil may nakikita sila sa isang tao na hindi kaaya-aya. Halimbawa, matabang babae, payat na lalake, malaking ngipin, maliit ang tenga, at iba pa. Pwede ring may nalaman ang bully tungkol sa problema ng kanilang pamilya. Halimbawa walang tatay, walang nanay, ampon ang bata, at iba pa. Nang bu-bully ang isang tao dahil sa wala silang magawa sa kanilang buhay. Ang gusto lamang nila ay gawing miserable ang buhay ng isang tao o ng isang mag-aaral. Para sa akin, ang pinakamagandang paraan para hindi ka nila maapektuhan ay huwag pansinin. Pero may mga oras na kahit anong iwas mo sa kanila ay hindi ka nila tatantanan. Ang pinakamagandang gawin ay isumbong ito sa iyong mga magulang, teacher, guidance counsellor, at sa ibang nkakatanda sayo. Huwag magpaapekto o gumanti sa mga taong ito. Ang pag kitil ng iyong buhay ay isang paraan na pinakita mo sa kanila na nanalo sila. Mahalaga ang buhay na ibinigay sa atin ng Diyos kaya mag pursige tayo sa ating pag-aaral at ipakita natin sa kanila na kaya nating bumangon sa madilim na kahapon.