ANG SUMPA NG HUNYORETE Simulan mo na ang simulain sa pikit na mata. Darating ang susunod na mamumuno sa korona. Kami ang kampi, kami ang nagtatag. Kami ang magsisigaw ng pambansang bansag. Kami ang may layuning, maging pinakamaginoo. Iminarka na sa puso ang ipinasang lobo. Nangangako at naninindigan sa bulyaw ng katamaran, hindi magpapaakit sa tukso ng kapalaran. Kahit bigkis nami’y sunugin ng gulo, Ibubuhos ang lahat, kahit maging abo. Kami ang hunyorete. Kami ang susunod. Kami ang mamumuno sa munti nating lungsod. Ang masdan ang labis na pagkamit. Ang pagtirik ng mata. Sa sobra ng subsob ngunit hanep sa saya. Kami ang nakikinabang. Kami ang may dating. Ang Third Year ang sunod na lalangoy sa wagayway ng bituin. Nakamarka na sa talampakan ng buhay eskewela ang pudpod na kuko at pagbigay ng dugo pero pag ihinambing ang kapit ng ngiti, mawawalang ng saysay ang pag-irit ng hikbi. Ano nga ba ang pinakanakakainis sa buhay ng isang salapi? (interviews) Dugo’t pawis ay naisabaw sa lagkit ng kapuyatan. Pero di pa rin naiiwasang kumukulo ang tiyan. Tambayan sa pagsigaw ng kampanang kumakanta ng “Ano bang trip nyo na naman paglabas ng eskewela?” (interviews) Sapulin na ng tako ang pagshoot ng waring bola. Pero di pa rin nasusungkit ang iniintay na mangga. Masaya na rin sa kalagayan ng wagas na pagkakaibigan ng sayang nararamdaman sa buhay sa paaralan. (interviews) Kami ang susunod, nakapila sa daan. Sa damong inulanan ng iyak ng nakaraan. Hapis namin ang sandali ngunit mas matindi ang higanti dahil ang ang aming isusukli ay ang halik ng tagumpay sa mga matututunan namin sa susunod na hakbang ng aming masayang buhay. Kami ang Hunyorete. Ang inyong titingalain. Nangangakong ang susunod na taon ay magiging pinakamagaling. Sa iyak ng kasiyahan o damdam ng pagkabigat, kami ang mga THIRD YEAR, ang magtatag ng alamat!