Mayo 13 Winangis sa ulan na tinitigan magdamag Ang lakas ng tinatahan ng luhang nakalagmak Tumangis sa liblib ng kawalan ng posporo Nagmukmuk at nabulag sa lungkot ng yugto Bangis na ang dating ng nawalan ng sigaw Ang iyak sa likod ng mata natatanaw Kamit ko ang panahon ngunit nasayang sa bilis Nakalas na ang kandadong saksakan sa tulis Sa bawat taon na ika’y di nasuklian Ng kaayusan sa kaputikang aking dinapaan Labis ang pagkaulila sa sangdaang karagatan Sa paglisan ng isang napakatalik na kaibigan