Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan VII November 5-8, 2018
Pamantayang Pangnilalaman: Napapahalagahan ang pagtugon ng mga Asyano sa mga hamon ng pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy ng Silangan at Timog Silangang Asya sa Transisyonal at Makabagong Panahon 16-20 siglo) Pamantayang Pangkasanayan: Malalim nakapag-uugnay-ugnay sa bahaging ginampanan ng kapaligiran at tao sa paghubog ng sinaunang kabihasnang Asyano. Layunin: Nababatid na ang Pilipinas ay isa rin sa mga bansa sa Timog Silangang Asya na nasakop ng mga bansang kanluranin. Nailalapat sa mapa ang mga flaglets ng mga bansa sa Timog Silangang Asya na nasakop ng mga kanluranin. Napahahalagahan ang mabubuting epekto ng pananakop sa Pilipinas, sa larangan ng edukasyon, kultura, pangkabuhayan at pampulitika I. Nilalaman: II. Sanggunian: Araling Panlipunan sa Makabagong Siglo: Araling Asyano, pg. 15-24 Kagamitan: Charts, mga larawan III. Pamamaraan: 1. Balik-Aral Ipamahagi ang mga kagamitan sa bawat pangkat tulad ng mapa at papel na naglalaman ng kuwento ng turista. Pakikinig sa Kwento ng turistana pumunta sa Pilipinas at tukuyin sa mapa ang mga lugar nabanggit.
2. Pagganyak Ipasagot ang Pamprosesong Tanong sa LM p.315 ng mga bata.( Maaaring gamitin ang mga lansangan o lugar na malapit sa tirahan ng mga mag-aaral na ipinangalan sa mga dayuhan na naging bahagi ng pananakop sa ating bansa tulad ng pagdating sa Masao, Butuan) 3. Paglalahad Gamit ang mapa sa asya ipatukoy ang mga bansang nasakop ng kanluranin Ipaliwanag ang Panuto Gumupit ng iba’t ibang hugis na siyang magiging batayan (legend) ng mga mananakop na bansa. Upang maiwasan ang kalituhan, gamitin ang mga naunang legend sa unang mapa (square – Portugal, triangle – France at cross – Spain) mag-isip ng iba hugis para sa bang Kanluraning bansa. Ipatukoy sa mga mag-aaral ang lugar o bansa na nasakop ng mga Kanluranin sa pamamagitan ng pagdikit ng flaglets (o ginupit na papel na may iba’t ibang hugis) sa mapa.
a. Malayang Talakayan ipaskil ang mga “output” ng bawat pangkat mag “Gallery walk “ at bigyan ng puna kung tama ba ang pagkalagay ng mga flaglets. Ibigay ang napapansing puna at ipaliwanag.
b. Paglinang ng Gawain
Prosesong Tanong:
Anu-ano ang mga bansang Asyano na nasakop ng mga kanluranin? Bakit sinakop nila ang karamihan sa mga bansa sa Asya particular sa Silangan at Timog Silangang Asya?
.Paano kaya nakaimpluwensya sa pamumuhay ng mga Asyano ang pananakop ng mga Kanluranin? (Bigyang pansin ang tanong sa itaas dahil ito ang magsisilbing batayan kung talagang naunawaan ng mag-aaral ang kabuang konsepto). ( Ang guro kailangang magdagdag ng kailangang mga kaalamang magpalalim depende sa pangangailangan)
III. Pangwakas na Gawain 1. Pagpapahalaga
Magbigay ng mga patunay ng mabubuting epekto sa pananakop na maaring makita o madama sa inyong lugar o pamayanan.
2. Paglalahat
Mag-mungkahi kung paano ito mapanatili o mabigyang halaga bilang isang estudyante at mabubuting mamayan.
IV. Ebalwasyon (Matching Type) Panuto: Kumuha ng ¼ at sagutin at tukuyin a ng mga bansa at ang kanilang mananakop 1. Pencil - Paper Test (Matching Type) Tukuyin a ng mga bansa at ang kanilang mananakop A. ___1. Indonesia ___2. Pilipinas ___3. Malaysia ___4. Singapore ___5. Vietnam
B. a. Spain b. Portugal c. England d. France e. Netherlands
Answer Key 1. E 2. A 3. C 4. C 5. D V. Takdang Aralin Magsaliksik : Magbigay na isang layunin ng ASEAN Integration. Tugon ba ito sa hamon ng imperyalismo ? Patunayan ang sagot at isulat sa inyong journal.