FATHER SATURNINO URIOS COLLEGE OF BAYUGAN INC. LAWAAN ST. POBLACION BAYUGAN CITY _____________________________________________________________________________________
BANGHAY ARALIN SA PAGTUTURO NG ARALING PANLIPUNAN 7
I.
Pamantayang Pangnilalaman (Content Standard) Naipapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga kaisipang Asyano,pilosopiya at rehiyon na nagbibigay-daan sa paghubog ng sinaunang kabihasnan sa Asya at sa pagbuo ng pagkakakilanlang Asyano.
II.
Pamantayan sa Pagganap (Performance Standard) Ang mga mag-aaral ay kritikal na nakapagsusuri sa mga kaisipang Asyano pilosopiya at relihiyon na nagbigay-daan sa paghubog ng sinaunang kabihasnan sa Asya at sa pagbuo ng pagkakilanlang Asyano.
III.
Pamantayan sa Pagkatuto (Learning Competencies) a. Nasusuri ang mga katangiang heograpikal at ang papel ng heograpiya sa pag-usbong ng sibilisasyon sa Kanlurang Asya. b. Nasusui ang mga mahalagang pangyayari sa Kanlurang Asya mula sa sinaunang kabihasnan sa larangan ng pamahalaan, kabuhayan, teknlohiya, lipunan, edukasyon, paniniwala, pagpapahalaga, sining at kultura. c. Napaghahambing-hambing ang mga sinaunang kabihasnan sa Kanlurang Asya.
IV.
Learning Resources Araling Panlipunan sa Makabagong Siglo: MGA KONTEMPORARYONG ISYU 10 pg. 5563 Kagamitan: Powerpoint Presentation, pictures, projector Pamamaraan a. Panimulang Gawain
V.
Concept Map – Magbigay ng mga konsepto o salitang nauugnay sa Kanlurang Asya. Hayaang magbigay ng mga impormasyon (salita, pahayag at iba pa) ang klase.
Kanlurang Asya
b. Pagganyak Talakayin ang mga naibigay na impormasyon ng klase. c. Presentasyon Ipakita ang mapa ng Asya at ipahanap ang Kanlurang Asya. Tumawag ng mga mag-aaral upang ilarawan ang kabuuang lokasyon at topograpiya ng Kanlurang Asya.
Ipatukoy ang lokasyon ng mga sumusunod na bansa: a. Iran
b. Iraq
c. Israel
d. Syria
e. Lebanon
Tanong: a. Anu-ano ang mga anyong tubig at anyong lupa na matatagpuan dito? Pangkatang Gawain Pangkatin ang klase sa 5 pangkat batay sa mga sumusunod: a. Sumer Tanong: Kailan umusbong ang Sumer? Ano ang bumubuo sa Sumer? Ano ang dalawang ilog ang nag-uugnay sa kalakalan nila? b. Pamahalaan at Lipunan Tanong: Anong pamamahala ang mayrooon ang Sumer? Ilagay sa pyramid ang wastong pagkakasunod-sunod ng antas ng mga tao sa lipunan sa Sumer
c. Teknolohiya Tanong: Anu-ano ang mga halimbawa na ginagamit ng mga Sumer na ikina-uunlad ng kanilang Lipunan? d. Sistema ng Pagsulat Tanong: Ano ang sistema ng pagsulat ang ginagamit ng mga Sumer? Saan nila ito sinusulat? Ilang simbolo mayroon ang cuneiform? Ano ang tawag sa mga manunulat nila? e. Edukasyon Ang pangkat ay magkakaroon Sabayang pagbigkas sa larangan ng edukasyon ng mga taga Sumer.
d. Paglalahat Ipatalakay sa klase ang nabuong mga sagot sa bawat pangkat. At gawing gabay ang mga katanungan sa pag-unawa sa binasa. Mga Importanteng konsepto ng Kabihasnang Sumer Cuneiform
Ziggurat
Potter’s Wheel
Chariot
e. Aplikasyon Kung ikaw ay babalik sa nakaraan, at napunta sa panahon n Kabihasnang Sumer, ano ang nais mong iambag? Ano ang gusto mong antas sa lipunan(Hari, Pari, Manunulat, Artisan, Magsasaka, Alipin) f.
Ebalwasyon
Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay wasto. Isulat naman ang MALI kung ang pangungusap ay hindi wasto. 1. Politeismo ang tawag sa mga relihiyon ng Sumer 2. May dalawang ilog ang Sumer, Ilog Tigris Euphrates at Tigris 3. Mesopotamia ay kasalukuyang Iran ngayon. 4. Ang Fertile Crescent “Mataba na Lupa” 5, Ang ziggurat ay templo o dasalan ng mga tao sa Sumer. VI.
Kasunduan Gamit ang parehong pangkat, pumili ng (1) isang Kontribusyon na nagawa ng mga Sumerian ang italakay bukas sa klase kung bakit gusto mong makita ang bagay na yan ngayon. Criteria: Pagkamalikhain……………….30% Nilalaman ………………..35% Presentasyon………………35% Kabuuan
100%