Basura Basura ang tawag sa mga bagay na walang silbi at pa kalat kalat na marumi Walang pakinabang na paggagamitan, walang saysay kung iingatan Demonyong niluwal nang impyernong paligsahan Tinampok na kagalang galang nang lipunang hangal
Paboritong Ulam Sinang kapan nang rekadong palamuti, kahit araw araw di ka mangingimi Sa maghapong kayod na sagad man ang pagod paboritong ulam hinahanap ikinalulugod Nuong unay patikim tikim lang ….nang kalaunan sapak na kung sunggaban Bundat na ayaw pang tigilan …paboritong ulam kaban pala nang bayan. Si bertong Duling Si bertong duling ayan na naman at pailing iling , mapa sa liwanag o sa madilim palso pa rin kung tumingin. Wag mo syang tititigan ,wag mo ring kakantyawan Syay banal na tao daw dati nung hindi pa na- aabitohan Kwentong lamesa Nilabasan nang pangil nang pusa ang takot at naginginig na daga ,…….wag mong pakialaman tinik kong ulam na itinira nang bisitang banyaga Sino ang may sala ang sabi nang daga …ang bisitang sugapa ?ang taksil na pusa ? Sumabat si Baldo….ang asong barumbado ……magsitigil kayong dalawa Nalimutan nyo na yata kung sinong tunay na siga Larong Taguan Sisimulan sa Pagbilang ,ang tayay kunwariy magtatakip nang mata Bibilang nang malakas at mahaba ……nagbibigay lang daw nang babala Huwag kang papahuli huwag kang magpapakita….sa tusong taya Bung Karen at Sherlyn huli kayong dalawa …kayoy lider estudyante nang U.P. di na kayo makikita