Gaano Kita Kamahal Poem 9-25-09

  • Uploaded by: mark dario
  • 0
  • 0
  • June 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Gaano Kita Kamahal Poem 9-25-09 as PDF for free.

More details

  • Words: 201
  • Pages: 3
Gaano kita Kamahal Katulad nang araw sa bukang liwayway unti-unting sumisikat at hindi sumisibad Init na dinadampi y hindi nakakapaso sa balat marahang pinapawi ang lamig na hatid nang magdamag At sa dapit hapon pag iyong pinagmasdan kaaya ayang hihimlay at payapang mamaalam Upang bukas muling sisikat paulit–ulit lang ...hanggang matapos ang walang hanggan. Katulad nang tubig sa malinis na batis marahan ang agos busilak ang linis Salamin nang iyong wangis hindi ikukubli ,sumasagot sa uhaw na diwang natalsikan nang dumi. At kung saan ang pinagmulan hindi mo man batid,bukal nang walang hanggang pag asa kailan may di napapatid Katulad nang malamig na hanging humahalik sa iyong pisngi ikay napapapikit habang ngumingiti Hinahaplos ang yung buhok nilalaro nang buong indayog at giliw kasabay sa pagsayaw nang mga halamat bulaklak na umaaliw sa yong tanawin . Katulad nang pagpapahalaga mo sa buhay na hinugot sa yung sinapupunan Handang ipagtanggol ,sariling buhay man ibibigay Tigib nang lungkot at luha kapag silay may karamdaman. Pinakatatanging mong kayamanan at pinaka iingatan Gaano kita kamahal ,hindi ko man sabihin laging madarama sa puso at diwa mo sanay tumanim Magandang karanasan at alal-ala sa maikling panahon na magkapiling Nakatatak na sa pagkatao mo kailanmay di ka lilisanin

Related Documents

Kita
April 2020 43
Poem
June 2020 14
Poem
October 2019 28
Poem
May 2020 12
Poem
December 2019 30

More Documents from ""