SA BUROL NANG AKING KAIBIGAN ni mark dario Sa loob nang mamahaling kabaong ramdam ko ang komportableng mong sitwasyon mahal kong kaibigan . .. Sa rangya at ganda nang puti mong kasuotan muntik na kitang mapagkamalang hindi ikaw si grace kundi prinsesang aking natanglawan ... Wala sa bakas nang mukha ang mahabang hirap na pinagdaanan nang hubad mong katawan Na ewan ko kung pinalamapas o pinagpantasyahan din nang embalsamador bago kinatay at bihisan . Ano kaya ang pakiramdam ng kati at iritasyosyong dala nang maraming artipisyal na koloroteng pilit ikinukubli ang nangingitim mo nang laman. Sino ang mag aakalang pormalin na at kemikal sa halip na dugo ang likidong dumadaloy ngayon sa iyong mga ugat at buong katawan . Na ang ma mula-mulang pisngi at balat moy make up lang palang dinaan lang sa Husay nang hagod at timpla. Sa maayos na pagkakasuklay nang iyong buhok hindi mo rin aakalaing nilagari ang iyong bungo at pinalitan nang bulak ang dating nagiisip mong utak Gayundin ang sinapit nang iyong pusong datiy tuloy tuloy ang pagtibok , hinugot at tinapon na lang sa basurahan at pagmamahal moy nilimot Ang iyong baga, atay , pantog ,apdo bituka at iba pang menudensyay kailangan ding huwag iwanan , dahil unang nabubulok at magsasalin lang nang sakit sa nakikiramay . Sa kabila nang kalupitan mong dinanas nakuha mo pang magpasalamat., ang ngiti nang kaligayahan at tuway nababakas Siguro naman ngayon ay hindi ka na makadadama nang sakit at kalungkutan. Hindi ka na maiirita sa mga pahaging na patungkol sa iyo na kumukutya at nagmamaliit sa iyong anyo at pagkakilanlan Dapat ba akong malungkot o matuwa ?Dapat ba akong magalit , magpasalamat sa kanila o magwala ? … Silang may kagagawan nang iyong bagong anyo at katauhan ang pinaka mahuhusay na embalsamador at pasilidad sa ating bayan Ang number one , pinaka mura at hindi kayang pantayang serbisyong ibinibigay nang Mortuaryong Pamantasan .