Dear ARMAN at Prof Cezar, Recently ay na overwhelmed ako nang sinseridad ninyong lahat para sa layuning kamtin at isakatuparan ang kapayapaan,kaunlaran at kinabukasan nang Inang Bayan kung kayat hindi ko rin napigilang ibahagi ang aking saloobin hinggil dito kahit saling unggoy lang ako( mabait kasi ang pusa ang unggoy may kapilyuhan ). Honestly napakataas nang aking ekspektasyon saWFA sa inyong lahat lalu na kay Prof Cezar ,sa iyo Arman,kay Gen. Comendador ,kay atty Cita maging kay Andy nuong hindi ko pa siya nabubuko na faker. This expectation triggered me to realize na napakalaking responsibilidad at potensyal at hindi pwedeng isantabi ang ating mga kababayang nasa labas nang bansa maging ang kanilang mga pamilya upang maisakatuparan ang pagbabagong minimithi nang sambayanan ..Bagamat alam natin na suntok sa buwan ang pangarap na buhay pa tayo pag dumating ang araw na iyon.Tayo ay binigyan nang tadhana nang pagkakataong itanim ang binhi at araruhin ang lupang tigang sa pagmamahal at pagpapakasakit sa inang bayan . I do understand na ang karamihan sa atin ay di na sing tikas nung araw ,sing talim at sing karismatiko o karismatika gaya nuong nakaraang panahon.Ngunit sa kasalukuyang sitwasyon sa ating bayan , kahangahanga ang ating kapasyahang kumilos at gamitin ang natitirang oras sa mundo ,sa sariling kapasidad at kakayahan na natitira sa ating katawan na maglingkod sa kapwa at bayan sa abot nang ating nalalaman . Napakasaklap nang katotohanan…..sing saklap nang pagtanggap na tayong lahat sampu nang ating pamilya , kaibigan at kababayan at halal na mga pinuno ay tinatawanan nang halos lahat nang lahi sa buong mundo.Gaano man kagara ang ating kasuotan , kataas nang ating pinag aralan,kadami nang naipundar na pera at ariarian …may malaking kulang pa rin tayong hinahanap na alam nating kapos sa ating katauhan. Paano nga ba itatago ang nagdudumilat na katotohanang lahat tayoy wala naman talagang pwedeng ipagmalaki at ikarangal sa sarili kumpara sa ibang lahing kahit hindi kumakayod ay kumakain at nabubuhay at ginagarantiyahan ang karapatang pantao para hindi malabag . Samantalang dito sa ating bayan na ubod nang yaman sa likas na yaman , hinahayaan nating manatili na hari ang dayuhang nanglilimas sa ating yaman .Mga korup na pulitiko at iilang pamilya lang ang sagana at nasisiyahan .…Habang sila ay sagana at masaya , milyong pilipino ang nagugutom, milyon ang namamatay sa malnutrisyon at kawalan nang pambili nang makakain at gamot. Milyon ang walang matirhang bahay Milyon ang nagpapa -alila sa ibang bansa para may makain ang pamilya ,mabigyan nang edukasyon ang anak at mabuhay nang hindi nagnanakaw o gumawa nang labag sa batas. Milyong kabataan ang hindi nakakapag aral .Milyon ang empleyadong kayod kalabaw pero mas maswerte pa ang kalabaw dahil pag nagkasakit pinapagamot nang magsasaka. Halos lahat sa atin ay dilat na tina -tanggap na ang korupsyon at pagnanakaw sa kabang bayan o pribado man ay normal na business sa pang araw araw at isang financially rewarding na career para sa mga sing tigas nang asero ang sikmura na walang pakialam
kung pakainin ang pamilya nang nakaw . Mayroon pa bang delicadeza,uso pa ba ang moralidad kung saan mismong simbahan ay umaming tumatanggap nang limos mula sa sugal at iligal na mga aktibidad. Ano ang tampok na pangarap nang ating mga kabataan na syang pag asa sana nang bayan ?….ang makatapos nang kursong in demand sa abroad at malaki ang sahod para sa labas nang bayan na magtrabaho at kung maari ay dun na pirmihang manirahan. Hindi bat katawa- tawa talaga tayo? Simula sa Matanda hanggang bata, simula sa mga Pinuno hanggang sa mga Taga sunod, simula sa mga nakatira sa Pilipinas hanggang sa mga nag migrate sa ibang bansa.Hindi lang Katawa –tawa .. kahiya-hiya pa. . Gaano pa natin gustong ibaba pa ang ating lahi at mga sarili ? …..Gaano kalakas na halakhak pa at pang hahamak ang gusto nating marinig mula sa mga amo nating banyaga? Madali yan ….Tayong mga patriyotikong Pilipino na nagmamahal sa bayan at kapwa ay dapat .magsikap at iasa natin na lumaki pa ang Limos mula sa Grants and Aids nang mga International Institution na ang pondo ay galing sa mga tax breaks at credits nang mga Trans national at Multi national Companies na kasamang lumilimas nang ating yaman . Humingi tayo nang tulong sa mga Matatalino at sikat na Milyonaryong Pilipinong matapos gastusan nang buwis nang taumbayan ang kanilang pag aaral ay lumayas at piniling paunlarin ang ekonomiya at kabuhayan nang hindi naman nila kababayan . Ipunin natin ang mga second hand na Hospital Equipment,Appliances , libro,wheel chairs ,diapers at lahat nang patapon nang gamit ngunit pwede pang gamitin at iuwi natin dito sa Pilipinas dahil ang pondong dapat pambili nang gamit sa pampublikong ospital eskuwelahan o pasilidad sa mamayan ay ninanakaw nang ating mga pulitiko at opisyal nang gobyerno. Mamalimos tayo nang pondo pagpagawa nang kubeta sa mga pampublikong eskuwelahan dahil baka magkasakit sa pantog ang ating mga kabataang mag-aaral dahil ang ating mga mayor na hinalal nang ating mga kababayan ay manhid sa pangangailangan nang mga magaaral dahil hindi pa naman sila bumoboto. . Magbenta na lang tayo nang walistingting para tulungan ang mga may kapansanan nating kababayan dahil hindi naman natin kayang walisin ang mga magnanakaw sa kabang bayan. Habang paiyak iyak at tumutulo ang ating luha nang mapanuod ang mga kababayan nating kumakain na nang pagpag . …mga matanda at batang walang muwang na biktima nang malalagim na krimen at walang katapusang digmaan nag Pilipino sa kapwa Pilipino , mga minamaltratong kababayan sa ibang bansa na nirereyp at hinahagis sa building …mga doktor at propesyunal nating pumapasok bilang tsulaloy at tsulalay o
kung ano lang pwedeng mapasukan kahit mag pastol pa nang camelyo sa arabia …mga batang sumisinghot nang kamatayan at namamalimos sa lansangan … ito ang sagot sa Publema nang Pilipinas …ito ang buhay at kamatayang pag lalaanan natin nang huling tibok nang ating puso . Tayong mga Patriyotikong Pilipino nang ating panahon.Magparami tayo sa labas nang bansa …. mamalimos at humingi nang awa sa mga may kagagawan nang ating miserableng buhay.. Anong klaseng tulong pagmamalasakit at pagdamay nang ating mga kababayan sa loob at labas nang bansa ang marapat nating puspusang matipon at ialay para ang tama ay umiral bilang tama at ang mali ay kondenahin at itakwil bilang mali sa ating bansa ? Anong magandang values at kultura ang gusto nating ipamana sa susunod na henerasyon nang mga Pilipino upang tunay na magmamahal sa kanilang sarili ,kapwa at bayan Ano ang Core Programs nang WFA… Ang pagbabalangkas nang mga aktibidad at programang naglalayung pagbubukludin ang lahat nang mga organisasyon, grupo at samahan nang mamamayang Pilipino sa loob at labas nang bansa sa iisang layuning lagutin ang korupsyon at pagnanakaw sa kabang bayan , isalba sa kahihiyan at pangungutya ang mga Pilipino ,ibangon sa kahirapan ang bayan sa pagsisikap nang mga Pilipino upang hindi na magpa api sa ibang lahi , solusyunan ang kamangmangan at kawalan nang pagmamahal sa bayan ang lahat nang mga Pilipino. Dito ko sana ninanais makilala at makapag lingkod sa bayan ang WFA.....hindi sa pagpapalimos dahil hindi naman tayo pulubi……hindi sa pagmamaka awa dahil hindi naman tayo disabled……hindi sa pagtuturo nang kasanayan sa governance dahil hindi naman tayo mga bobong walang kakayanan paunlarin at pamunuan ang ating barangay, munisipyo at bansa …. hindi tayo uto-utong sunudsunuran sa lahat nang nais nilang ipagawa sa atin at lalung hindi dapat nating bigyan nang katuwiran ang pagkain nang basura nang ibang bansa dahil wala na tayong makain dito dahil sa kasakiman at katusuan nang ilan nating kababayan at pinuno. Sa aking pagnanais na maisakatuparan sana ito……alam kong nakakasakit ako nang damdamin nang marami sa inyo.Alam kong may ilan sa inyo na gustong busalan na ang aking bibig at ni pangalan ko ay ayaw nang maalala pa o marinig . Ngunit ano ang magagawa ko ? Ito ang tanging katotohanang nakita ko at sinserong nais ipaunawa at ipa alala sana sa inyong lahat na tunay na nagmamahal sa bayan at nagmamalasakit sa susunod na henerasyon.Mga kasama, Kaya nating bumangon nang hindi isinusuko ang ating dignidad sa pamamagitan nang pagpapalimos nang tulong at awa sa mga International Institutions na apologist nang mga banyagang lumilimas nang yaman nang ating bayan. Sa ilang matatalino at magagaling nating kababayan na pakiramdam nila ay hugas na ang kanilang pagtataksil at pag abandona sa bayan kapag nag limos sila sa ating proyekto nang $50 dollars o bumili nang walis tingting , panahon nang ipaunawa natin sa kanila na ang kanilang disisyon na maglingkod para sa pan sariling pagpapaunlad nang career at eksperyensya ay kailangang kailangan nang ibuhos at gamitin sa kapakanan nang Pilipino at Pilipinas. Kung gusto pa nilang kilalanin natin
sila bilang mga Pilipinong may Dangal at natitirang puhunang itinatangi nang bansang Pilipinas para maka ahon sa karukhaan at pagka -atrasado ang bayan …gawin na nila ang tingin nilang nararapat. Ibuhos na nila ang lahat nang kanilang natutunang karanasan at galing . Making a personal vow to continue the struggle of our forefathers for the realization of the dreams and aspirations of future Filipinos leaves us no other choice but to endure the pain of the burning flame. Masakit sa akin sabihin ito sa inyong lahat ..….but I really don’t know how to deliver my message in a subtle way without compromising the content. Lubos na gumagalang at nagmamahal sa inyong lahat. Mark dario