TAKIPSILIM SA LUPANG PANGAKO Ni Mark Dario DIGMAAN NANG PUTI AT ITIM MGA ANINONG NAGUGULUHAN BIHASA SA KARUKHAANG LUMALATAY SA MGA PALAD NA HIRAM SA INGAY NANG LANSANGANG WALANG DULONG NATATANGLAWAN PAG-ASANG LIWANAG NANG LILIMOS NANG AWA PA KANLURAN MGA PUNONG WALA NANG SILBI AT DI MO NA MASISILUNGAN DAHON AT SANGAY KULIGLIG LANG ANG NAKIKINABANG HAMPAS NANG HANGIY KARINYONG DI MO DIN MAGUSTUHAN KALADKAD NITOY BULOK NA KALAT ISINABOG SA DARAANAN MGA KASALUBONG MOY WALANG MUKHA KANG MAKIKITA KINUKUBLI NANG KADILIMAN BINABALOT NANG HIWAGA YUKONG SINAGAD NANG HAPIS AT PAGOD GAYA MONG ANG BUHAY DI NA KINALULUGOD SA ESKINITANG MAKIPOT BABAYBAY KA NA NAMAN PAIKA-IKANG LAKAD SA TULAY NA KAWAYAN ILANG ULIT MANG DAANAN HIRAP MO PA RING MATUTUHAN KAPAG NAGKAMALI KAY PUSALI ANG BABAGSAKAN SA TAHANANG KUBLI SINDIHAN NA ANG GASERA APOY NA AANDAP ANDAP HUGUTAN MO NANG PAG ASA SA LAMESAY IHATAG DANGAL NA KINUKUTYA NANG MGA HARING MAY KAPITAL KUNSENSYA AY WALA