Pangalan: Cristy Bagongon BSE-III
07/25/2018
Banghay Aralin sa Araling Panlipunan Layunin: Sa katapusan ng aralin ang mga mag aaral ay inaasahan na makakatamo ng kasanayan na a. Maikakategorya kung anung dinastiya ang nauukol sa bawat kontribusyon sa kabihasnan, pag-unlad o pagbagsak. b. Maihahalimbawa ang dinastiya ng Tsina sa pampulitikang dinastiya na nangyayari sa Pilipinas. c. Makakagawa ng “graphic organizer” na nagpapakita ng mga naging kontribusyon/ambag sa kabihasnan ng bawat dinastiya. Nilalaman PAMAMARAAN Banghay Aralin sa Araling Panlipunan II a. Paksa: Dinastiya sa China b. Konsepto ng aralin : i. Mga konribusyon ng bawat dinastiya ii. Ang pag-unlad at pagbagsak ng bawat dinastiya iii. Ang mga kadahilanan ng pag-unlad at pagbagsak ng bawat dinastiya c. Kagamitan: i. LCD Projector ii. Presentasyon tunkol sa Dinastiya ng Tsina gamit ang Prezi iii. Tsart iv. Mga larawan d. Sanggunian : 1. Kasaysayan ng Asya ni Emmanuel S. Gonzales M.A p. 101-102, 215-223, 243-, 253. 2. History of Asia ni Rogelio Maguigad p.1-18 e. Pagpapahalaga : i. Napapahalagahan ang mga naging ambag ng mga dinastiya at natutukoy kung paano umulad at bumagsak ang bawat dinastiya. a. Panimulang Gawain I. Panalangin II. Pagbati sa Klase III. Balitaan IV. Pagtatala ng Liban b. Pagbabalik-aral Pagbabalik aral sa Kabihasnang India c. Lunsaran/ Pagganyak a. Ang mga bata ay papakantahin ng “london bridge”
b. Papalitan ng guro ang mga liriko ng kanta ng mga pangalan ng dinastiya ng Tsina. c. Magbibigay ang guro ng mga larawan na may kinalaman sa dinastiya at tungkol sa Tsina na siyang magiging simula ng paglilinang sa aralin. d. Paglinang sa Aralin I. Gawain: a. Ang mga mag-aaral ay bibigyan ng tsart na siyang gagamitin upang ikategorya ang mga naging kontribusyon ng bawat dinastiya ng Tsina. b. Lektyur sa Dinastiya ng Tsina Dinastiya Nakilalalang Pinuno Ambag sa kasaysayan II. Pagsusuri: a. Pagbibigay suhestiyon sa katanungan i. May pagkakapareho ba ang mga dinastiya ng Tsina sa ating lipunan na ginagalawan? III. Paghahalaw a. Pagbubuod sa aralin i. Ang mga mag- aaral ay inaasahang ipakita sa klase kung ano ang mga naging ambag ng dinastiya sa Tsina. IV. Paglalapat a. Paano kung ikaw ay nasa panahon ng isa sa mga dinastiya sa Tsina. Anong dinastiya ang gusto mong mapili?Bakit? b.Takdang Aralin Maghanap ng mga datos na magpapakita ng maiksing kasaysayan ng bansang Hapon. f. Pagbibigay halaga A. Kwis Panuto: Suriin ang bawat tanong. Isulat kung anong dinastiya at ibigay kung ang mga ito ba ay pagunlad, pagbagsak o kotribusyon. 1) Ang paggawa ng Great wall of China. (_______) (___________) 2) Ginintuang panahon ng Literatura at sining sa Tsina (_____) (_______) 3) Naitatag ang saligan ng imperyo ng Tsina. (_____) (_____) 4) Pax Sinica. (______) (_____) 5) Pagkakaimbento ng “gunpowder”.. (_______) (_______) 6) Napatanyag ang Silk Road. (_______) (_______) 7) Panahon ng rebolusyon at pagkawatak watak. (_____) (_____) 8) Pakikipagkalakalan sa mga bansa sa ASEAN. (____) (_____) 9) Pagkakaroon ng maraming manlalakbay tulad ni Marco Polo (______) (_____) 10) Pagkakagawa ng Grand Canal. (______) (_____).