Pag Aaral Ng Wika At Kultura Ng Kapangpangans.docx

  • Uploaded by: Natalie Claire Lajera
  • 0
  • 0
  • May 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Pag Aaral Ng Wika At Kultura Ng Kapangpangans.docx as PDF for free.

More details

  • Words: 631
  • Pages: 4
Pag aaral ng Wika at Kultura ng Kapangpangan

Pananaliksik na Iniharap sa Jose Rizal University

Bilang parsiyalna kahingian para sa asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino tungo sa Pananaliksik (Fil S111)

Ni: Cunanan, Denise Alyson N. Lajera, Natalie Claire Lazaro, Natalia Palomino, Gabrielle Kyle L. Pataueg, Shanlee May B. Santos, Janah Marie Sinense, Monique Trinidad, Ashley

2018

INTRODUKSYON Panimula Bawat bansa ay may kani-kanilang pinaniniwalaan at mga nakagawiang gawain na ipinamana ng kanilang mga ninuno. Ang Pilipinas ay tinaguriang mayaman sa iba’t ibang larangan sa kultura. Ang mga Kapampangan ang ikapitong pinakamalaking pangkat etnikong Pilipino. Naninirahan sila sa lalawigan ng Pampanga at Tarlac, gayundin sa mga lalawigan ng Nueva Ecija, Bataan, Bulacan, at Zambales, at may bilang sila na mahigit-kumulang 2,890,000.Ang wikang Kapampangan ay isa sa mga pangunahing wika ng Pilipinas. Ito ang pangunahing wika na ginagamit sa Pampanga. Ang tawag sa wikang sinasalita ng mga Kapampangan ay “Pampango” o“Kapampangan”. Ito ay miyembro ng Wikang MalayoPolynesia. Noong 1571,napag-alaman ng mga Español na ang palapantigan ng wikang ito ay maaring maiuat sa wikang Devangari. Ito ay may sariling ortograpiya at alpabeto.Kapansinpansin sa alpabetong ito ang kawalan ng titik “h”. Noong 1896,nailimbag ang isang aklat tungkol sa Kapampangang alpabeto sa pamagat na“Alfabeto Pampango” na isinulat ni Alvaro de Benavante. “Kapampangan” ay nagmula sa salitang-ugat na pampang na ang ibig sabihin ay tabing ilog.Mangilan-ngilan lang ang may nakakaalam sa naturang wika dahil sa pag-usbong ng wikang Filipino. Sa kasalukuyan, ang paggamit ng wikang Kapampangan, kahit na sa mga lugar na kung saan tradisyunal na ginagamit ang wika ay unti-unti nang nababawasan. Sa kasalukuyan,karamihan ng mga taong nagsasalita ng Kapampangan ay nakatira sa mgalalawigan ng Pampanga at Tarlac subalit mayroon din naman sa ilang bahaging Zambales at Bataan. Ang mga Kapampangan ay isa sa mga pinaka-maimpluwensyang pangkat etnikong Pilipino. Ang kultura ng mga Kapampangan; Ang kanilang tradisyon o kaugalian, paniniwala o pamahiin, at sining.

Sinasabing ang lutuing Kapampangan ang nangunguna at pinakadalisay sa mga lutuing Pilipino; ang Pampanga ang tinataguriang sentrong kulinari ng Pilipinas. Ngunit hindi lamang pagkain ang maaaring puntahan dito, sapagkat dinarayo din ng iba’t ibang tao, pati na sa ibang bansa ang mga pagdiriwang dito katulad ng mga piyesta at masasayang selebrasyon tulad ng Sisig Festival, Tigtigan Terakan Queng Dalan, Ligligang Parul, Philippine International Hot Air

Balloon Festival at ang pinakaenggrandeng piyesta rito na Nuestra Señora del Santisimo Rosario de La Naval de Angeles. Mayroon rin namang kakaibang pagtitipon ang ipagdiriwang tuwing Mahal na Araw sa Cutud, Pampanga. Tinatawag itong Mal a Aldo o San Pedro Cutud Lenten Rites.

Layunin ng Pag-aaral Ang Kapampangan ang ikapitong pinakamalaking pangkat etnikong Pilipino. Naninirahan sila sa lalawigan ng Pampanga at Tarlac, gayundin sa mga lalawigan ng Nueva Ecija, Bataan, Bulacan, at Zambales, at may bilang sila na mahigit-kumulang 2,890,000.Ang wikang Kapampangan ay isa sa mga pangunahing wika ng Pilipinas. Ito ang pangunahing wika na ginagamit sa Pampanga. Ang mga sumusunod ay ang layunin ng pananaliksik na "Pag-aaral ng Wika at Kultura ng Kapangpangan":

1. Malaman ang iba't ibang kultura ng kapangpangan 2. Palawakin ang kaalaman sa wikang kapangpangan 3. Matutunan ang ilan sa mga karaniwang ginagamit ng wikang kapangpangan

Paglalahad ng Suliranin Ang Kapampangan ang ikapitong pinakamalaking pangkat etnikong Pilipino. Naninirahan sila sa lalawigan ng Pampanga at Tarlac, gayundin sa mga lalawigan ng Nueva Ecija, Bataan, Bulacan, at Zambales, at may bilang sila na mahigit-kumulang 2,890,000.Ang wikang Kapampangan ay isa sa mga pangunahing wika ng Pilipinas. Ito ang pangunahing wika na ginagamit sa Pampanga. Ang mga sumusunod ay ang paglalahad ng suliranin sa pananaliksik ng "Pag-aaral ng Wika at Kultura ng Kapampangan": 1. Bakit nararapat lamang na palawakin ang atin kaalaman sa wikang kapampangan? 2. Paano makakatulong sa atin mga Tagalog ang pag-aaral ng kanilang sarili wika (kapampangan)? 3. Ano-ano sa mga kultura ng mga kapampangan ang siyang na-adapt natin mga Tagalog?

Related Documents


More Documents from "Vika Fideles"