Kultura Ng Mga Bangsamoro

  • Uploaded by: kaka alih
  • 0
  • 0
  • December 2019
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Kultura Ng Mga Bangsamoro as PDF for free.

More details

  • Words: 2,333
  • Pages: 6
1|Page

KULTURA NG MGA BANSAMORO Date posted in http://dxup.multiply.com/Feb 6, '09 10:35 AM (Part ng script na sinulat ni Alih Anso para sa programang Bantay Bayan Boses ng Sambayan, segment na Bantay Kultura at Kaugalian- part ng Bangsamoro -7-8 ng umaga Feb. 6, 2009)

Ang ibig sabihin ng kultura ay ang paraan ng pamumuhay ng mga tao nagpapakita ng kaugalian, tradisyon,mga sining, sistema ng edukasyon, musika at pamahalaan. Kilalanin ang Kultura ng mga Bangsamoro? Bago pa man dumating dito sa mga pulo o lupang nasa Silangan ang mga Kastila, noong 1521 ay may kultura na ang mga naunang naninirahan. Likas sa tao na ayaw pasakop sa dayuhan, kaya naman ang mga ninuno natin ay nagtanggol sa kanilang mga kaharian para hindi masakop ng dayuhan, ngunit dahil sa makabagong armas ng kanilang kalababan, sila ay natalo at nasakop ng Espania. Ngunit ang mga Kapatid na taga Mindanao na ngayon ay lalong kilala sa bansag na Bangsamoro ay hindi nasakop, at magpahanggang sa ngayon ay patuloy pa rin ipinagtatanggol ang kanilang kultura at relihiyon. Dahil ang mga mamayan sa Lupang Silangan (na tinawag ng Espania na Pilipinas, na ang ibig sabihin ay "tao ni Haring Felipe") ay nasakop ang mga Pilipino (tawag sa taong nasa Pilipinas). Ang kanilang mga kultura ay dahan-dahan nakalimutan at nangawala at di man nawala ay nadagdagan o sadyang nabago sa pagdaan ng panahon, at napapalitan ito ng kulturang banyaga. Samantala sa bandang Mindanao, Sulu at Palawan (MINSUPALA) ay nahirapan ang Espania na sakupin. Ang dahilan nito ay noon pa man bago dumating ang mananakop na Espania ay ng matatag na bansa ang mga Bangsamoro. Sila ay may sarili ng pamamahala o gioberno. Bagamat hindi gaano makabago ang armas, ng kanilang tanggulang bansa (national defense) ay organisado at may kaalaman mga tagapagtanggol o hukbong sadatahang lakas ng Sultanato. Dahil sa paglaban ng ito ng mga Bangsamoro ay hindi basta-basta nakapagtatag ng kanilang goberno dito sa MINSUPALA ang mga dayuhang mananakop na Espaniol. Ngunit gumamit ng isang stratehiya militar ang mga dayuhan, ginamit nilang "hostage" ang pamilya ng mga "Pilipino", kaya naman, napilitan o labag man sa kanilang kalooban na labanan ang kanilang kadugo ay wala silang magagawa kundi sumunod sa gusto ng nasa puwersa. At dito dahil sa tulong ng mga kapatid na ngayon ay tinawag na Pilipino (na walang magawa kundi sundin ang utos ng mananakop, kaya sila napilitang maging mandirigma na nagsisilbi para sa Espanya) ay natalo nila ang depensa ng mga Bangsamoro. Unang naitala sa history na sa Sambuwangan (Zamboanga), ay natalo ang tanggulan o depensa ng mga Bangsamoro at nakuha ito ng Espania , at tinawag nila itong "cota del pilar". Dahil sa hindi nasakop nanatili (intact) ang kultura ng mga Bangsamoro (Moro ang tawag ng Espania sa mga tao na katulad ng kanilang nakalaban sa Morocco. At Bangsa ang ibig sabihin sa Malay ay nangangahulugan ng angkan- kaya angkan ng mga Moro=Bangsamoro)

2|Page

Ang relihiyon ng mga Bangsamoro noon pa man ay Islam. Ang ibig sabihin ng Islam ay pagtalima at pagsuko sa nag-iisang Diyos. Ang tagasunod ng Islam ay tinatawag naman na Muslim na ang ibig sabihin ay naniniwala, mga taong tumalima sa kautusan ng Allah (ang tawag sa Poong Lumikha o Diyos). At dahil sa paniniwala sa Islam ang kanilang mga kultura ay nilimbag sa katuruan ng nasabing relihiyon. Napaalis o sadyang umalis ang mga Espaniol, dumating ang Amerikano (tawag sa taga Amerika), naglaban ang dalawang malalakas na bansa noon, natalo naman nila ang Espania at sila ay napaalis dito sa Pilipinas, (ngunit ang totoo ay "mack war" o kunwaring giyera lamang dahil ang totoo ay ipinagbili ang mga mga Pilipino, hindi kasama ang mga Bangsamoro, sa halagang dalawampung libong piso lamang, ). Umalis na ang Espania ngunit ang kanilang kamandag ay nanatili nanalaytay pa rin sa dugo ng mga Pilipino. Nasakop na naman ng Amerika ang mga Pilipino ngunit hindi ito nagtagal, bakit ? dahil marahil wala na silang makakatas, dahil nasaid na marahil ng Espania ang tamis nito, kaya iyon marahil ang dahilan na ibinigay na nila ang "pagsasarili" (independence) sa mga Pilipino noong 1945. Ang masakit lang nito ay isinama nila ang mga kapatid na nasa Mindanao na hindi man lang nila kinunsulta, ong papayag ba sila o hindi. Sa kabila ng katotohanan na sila ay nagsisigaw na ibalik sa kanila ang kanilang dating pagsasarili. Nagplano ng mga programa ang bagong nagsasariling bansa (ang Pilipinas) kong papaano magkaisa (integration program) sa paniniwala at kultura ang Pilipino at ang ayaw na matawag na Pilipino. Sila ay nakipagsalamuha, naging kapit bahay at ang iba ay naging kabiyak, at dito sa prosesong ito ay dahandahan, nabuo ang mga kultura at kaugalian na hindi ginagawa ng mga ninuno ng mga Bangsamoro at taliwas sa katuruan ng Islam. Ang tanong ano ang mga ito, na mga kultura at kaugalian na wala sa mga ninuno at hindi itinuturo ng relihiyong Islam? Narito ang ilan na makikita mo sa mga Bangsamoro : 1. Pagdiriwang sa araw ng kapanganakan (Birthday) 2. Pagpapaputok sa araw ng Id 3. Kalilang (ceremonial of marriage) 4. Pagdadamit 5. pag-inom ng alak na makalasing (kamer) 1. Pagdiriwang sa araw ng kapanganakan (Birthday) Ang mga "assimilated" na Bangsamoro sa ngayon ay nagdiriwang na rin ng kaarawan ng kanilang mga anak katulad ng mga Pilipino o yaong ngayon ay tinatawag na "settlers".

3|Page

(Cultural assimilation the process whereby a minority group gradually adopts the customs and attitudes of the prevailing culture ) Assimilation Sociology - The blending or fusing of minority groups into the dominant society. It is the process by which individuals or groups are absorbed into and adopt the dominant culture and society of another group. The term assimilation is generally used with regard to immigrants to a new land, such as the various ethnic groups who have settled in the United States. New customs and attitudes are acquired through contact and communication. The transfer of customs is not simply a one-way process. Each group of immigrants contributes some of its own cultural traits to its new society. Assimilation usually involves a gradual change and takes place in varying degrees; full assimilation occurs when new members of a society become indistinguishable from older members.

Ang mga ninuno ng mga Bangsamoro ay may sarili silang pagdiriwang sa mga anak na bagong panganak, pagkapanganak ay tatawag sila ng Azan o bang sa tabi ng kanilang anak. Ilang araw o linggo ay magtatakda sila ng kaduli na tinatawag na "gunting" dito bibibigyan ng pormal ng pangalan ang bata. Sa ibang tribung Bangsamoro (Maguindanaon, Iranon) mayroon din silang tinatawag na "likat sa lantay" isa din itong uri ng kanduli (thanksgiving). Papaano nagdiriwang ang mga ibang Pilipino ng kaarawan? Kanilang hinalaw marahil sa kanluraning kultura. Ang pagdiriwang ng kaarawan ay bantog na bantog noon pa sa mga paganong Greko at Romano. Ito ay ipinagdiriwang sa pamamagitan ng pagdarasal, pag-aalay, masaganang kainan, at ang pagbibigay ng regalo sa may kaarawan. Diyan marahil nahango ang pagdiriwang sa kaarawan ng kapangakan ni Jesus o Iesa (kapayapaan ay sasakanaya). Tanong: "…bakit kayong mga Bangsamoro ay ipinag diriwang ang Kaarawan ni Propeta Muhammad kong tawagin ninyo ay Maulidin Nabi" Ito ay sadyang napakalungkot na nangyayari. Bagama’t ang mga Muslim ay may maliwanag na patnubay na nananatiling nasa orihinal na anyo hanggang sa ngayon, hindi pa rin maiwasan ng iba ang pagsagawa ng mga bagay na salungat sa itinuturo ng Islam. Ito ay dulot ng kamangmangan sa pananampalataya at sa pagnanais na tularan ang ginagawa ng iba. Si Propeta Muhammad ay nagsabi: "Anumang bagong bagay na isinasama sa ating pananampalatayang ito (Islam), ay hayaan itong itakwil."

4|Page

Si Propeta Muhammad ay nagsabi: "Wala nang iba pang gawain na makapaglalapit sa inyo sa Allah maliban lamang sa mga naituro ko sa inyo." Bilang pangwakas, tayong mga Muslim ay may dalawang batayan sa ating panuntunan ng buhay: ang Qur’an at ang Sunnah ni Propeta Muhammad. Ang ating pamumuhay at pagsamba ay nararapat lamang ayon sa Kanyang ipinahayag at sa pamamaraang itinuro ng Kanyang Propeta upang ito ay tanggapin ng Allah. Si Propeta Muhammad ay nagsabi: "May dalawang bagay akong iiwanan sa inyo na kung inyo itong panghahawakan ng mahigpit ay hindi kayo maliligaw: ang purong Salita ng Allah at ang aking Sunnah." Mga karagdagang mga talata sa Qur’an at mga Hadith: "Katotohanan, nasa Sugo ng Allah ang pinakamahusay na halimbawa upang pamarisan - sa sinuman na may pag-asam sa (pagharap sa) Allah, sa Huling Araw at laging alaala ang Allah.” [Surah Al Ahzab, 33:21] "…At anuman ang ibigay sa inyo ng Sugo ay kunin ito, at anumang kanyang ipagbawal sa inyo ay iwasan ito…" [Surah Hashr, 59:7] "… At hayaan ang mga sumasalungat sa mga ipinag-uutos ng Sugo na mag-ingat, kung hindi’y magkakaroon sila ng Fitnah (pagsubok, kahirapan, lindol, patayan, pang-aapi, etc) o isang napakasakit na parusa ang mapapasakanila." [Surah An-Nur, 24:63] "O kayong nananampalataya! Sundin ang Allah at sundin ang Sugo), at yaong may otoridad. Kung kayo’y di-magkaunawaan sa anumang bagay sa isa’t isa, isangguni sa Allah at sa Kanyang Sugo (saws), kung kayo ay naniniwala sa Allah at sa Huling Araw. Iyon ay higit na mahusay at higit na karapat-dapat sa huling pagpapasiya." [Surah An-Nisa, 4:59] "At kung inyong susundin ang karamihan dito sa daigdig, kanilang ililigaw kayo nang malayo sa landas ng Allah. Wala silang sinusunod maliban sa haka-haka, at wala silang ginawa kundi magsinungaling." [Surah Al An-am, 6:116] Si Propeta Muhammad ay nagsabi: "Mag-ingat sa kalabisan tungkol sa relihiyon. Napahamak ang mga nauna sa inyo dahil sa kanilang pagmamalabis tungkol sa relihiyon." Si Propeta Muhammad ay nagsabi:

5|Page

"Huwag magmalabis sa pagpuri sa akin kagaya ng ginawa ng mga Kristiyano sa anak ni Maria. Ako ay isang alipin, kaya’t inyo lamang sabihin: "Alipin ng Allah at Kanyang Sugo". 2. Pagpapaputok sa araw ng Id Pagsapit ng Id (Hariya Puwasa at haj) ay nagpapaputok ang mga Bangsamoro, bilang pagsasaya, katulad ng pagdiriwang mga Intsik. Ang mga Intsik na kilalang mangangalakal sa mundo at dumating na sila ditto sa MINSUPA, at marahil ito ang impluwensa nila sa mga Talainged (native inahabitants). Noon ang pinapuputok ay rebentador at kanyon na gawang Tsino, di nagtagal ay ginaya ng mga mga Pilipinong taga Bulacan. Sa ngayon ay nawala ang mga iyon, at napalitan ng mga makabagong armas na pumuputok at ito na ang ginagamit. 3-Kalilang (ceremonial of marriage) Ang kasal ay sa mga restaurant o hotel ay isinasaayos ng mga "third generation" at kanila nila ito kinopya sa sa kultura ng settlers at dinagdagan ng kulturang Bangsamoro, lalo na yaong hindi pa tanggap ng mga katutubong Bangsamoro. Halimbawa ang Biblia ay pinalitan ng Qur’an. Nagsasabay ang babae at lalaki, at nagpaparada na ang babae kahit hindi pa sila kasal. Naglalagay din sila ng decoration na tinatawag na pandala. Ang mga Bangsamoro noon kong may ikakasal ay hiwalay ang lalaki at babae, pagkatapos ng Kutba Nikah (wedding sermon) ay sasamahan ang lalaki ng biyanan sa babaeng pinakakasalan. Ang kalilang ay ginagawa sa bahay ng babae, isa araw o higit pa bago ang kawing l o kasalan. 4- Pagdadamit Sa ngayon ay nakapantalon ang mga babae katulad ng mga lalake, at ang mga damit ay hakab na hakab ang porma ng katawan. Ang damit ng babae ay tinatawag na minoro ang pangitaas at malong ang pang-ibaba, ito ay kahantulad sa damit ng T’duray noon. Nagtetendong (bandana) ang mga babae. Naglalagay ng mga decoration ang babae sa kanyang damit ng mga ginto o pilak. Ang lalake naman ay gumagamit ng tubaw. At may nakasukbit na gurok sa tagiliran (maliit na punyal) at nakasabit na sundang o kampilan sa biwang at kong minsan may dala-dalang bangkaw (spears). 5-pag-inom ng alak na makalasing (kamer) Sa ngayon ay umiinom ng alak na makalasing ang mga Bangsamoro, katulad na rin mga Settlers na Pilipino, kahit ito ay patago sa mga kamag-anak o angkan, dahil sa isinusumpa o itinuturing noon ng mga ninuno na "kafir" (hindi naniniwala) ang uminom ng arak (alak na makalasing) ayon sa paniniwala ng ninuno o matatanda ay 40 na araw na walang matatanggap na amal (pagsamba sa Allah o Gawain para sa Allah ang matatanggap).

6|Page

Ang basehan ng mga Bangsamoro kong bakit hindi dapat inumin ng isang Naniniwala ang alak na makalasing ay base na rin sa Quran. "O kayong naniniwala o Nanampalataya! Ang mga nakalalasing na alak (lahat ng uri ng inuming may alkohol at i iba pa na nakapagbibigay ng lambong sa kaisipan tulad ng ipinagbabawal na gamot, droga, ), pagsusugal, Al Ansab at Al Aslam (mga gamit sa paghahanap ng suwerte at pasiya) ay kasuklam-suklam at mga paglalalang (pakana) ni Satanas. Kung kaya’t iwasan ito upang kayo ay mangagsipagtagumpay." *Qur’an, Surah Al Maida: 90+ Mga sakit na idinudulot ang alak, Binubuhay nito ang seksuwal na pagnanasa, na siyang nagtutulak sa tao na gumawa ng kasumpa-sumpa at karumal-dumal na tawag ng laman: na tulad ng panggagahasa, karahasan at kalaswaan. At ang pinatutungahan nito kung minsan ay pagpapatiwakal! Nagdudulot ito ng pinsala sa utak: Isa sa sanhi nito ay ang pagkawala ng memorya ng isang tao, sanhi rin ito ng pagkakaroon ng impeksiyon sa utak, pagkabulok ng ‘cortex cells’ (nagpapagalaw sa ating kalamnan) sa utak ng isang tao na nauuwi sa pagkasira ng ulo. Nagiging sanhi rin ito ng unti-unting pagkabaog o pagkainutil ng isang tao at pagkaparalitiko ng buong katawan. (kayo sigoro marami kayong alam na naparalitiko na palainum ng alak,) Pinipinsala rin nito ang atay ng isang tao, na kung kaya mabibigo nitong alisin ang mga lason sa loob ng katawan, lalung-lalo na ang ‘amonia.’ At dahil sa ganitong pangyayari ay tataas ang antas ng lason sa dugo. At ang lason na ito ang makaka-apekto sa pagkilos ng kaisipan at makakagambala sa emosyon: Na kung kaya, hindi na magiging normal ang kanyang pagkilos at pag-uugali. Magiging makasarili na siya, magalitin, mapaghinila at magiging malungkutin. Pagkakaroon ng depekto sa kidney, sa albumin sa ihi, at nakakamatay na pangangasim ng dugo (o fatal blood acidity), na magwawakas sa ‘heart failure.’ Nagdudulot ng impeksiyon sa ‘Nerve’ ng mga mata na humahantong sa pagkabulag ng tao. Nagtutulak sa isang tao na gumawa ng mga kakaibang krimen at iba pang mga kasamaan.

Related Documents


More Documents from "Cj Dizon"