Teorya Ng Wika

  • Uploaded by: Vika Fideles
  • 0
  • 0
  • May 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Teorya Ng Wika as PDF for free.

More details

  • Words: 947
  • Pages: 3
Nikolia Vika Fideles HI12 10967974 Ang Pinagmulán ng mga Wikà ng Filipinas Sinu-sino ang mga dayuhang nagdalá ng ibá’t ibáng wikà sa Filipinas? Iyán ang katanungan ng isáng panauhin dito sa Sarisari etc. Maraming lahì ang nagdalá ng kaní-kaniláng salitâ sa Filipinas noóng unang panahón, ngunit ang mga wikang dinatnán nilá sa Filipinas ay taál na Filipino. Dati'y may teoryang ang tawag ay wave theory. Ayon sa wave theory, ang mga ninunò ng lahing Filipino ay dumayo sa Filipinas nang iláng ulit o waves ng pandarayuhan sa pamamagitan ng mga tuláy na lupà na nalantád dahil mas mababaw ang mga dagat noong panahón ng kalamigang pandaigdíg (Ice Age). Nanggaling daw silá sa Indonesia, Malaysia at ibá pang lugár. Libu-libong taón daw ang pagitan ng bawat panahón ng pandarayuhan. Diumanó’y itó raw ang sanhî kung bakit may mga Ita, Ifugáw at modernong Filipino sa Filipinas. Subalit ngayón ay hindî na tinátanggáp ang teoryang itó. Ayon sa mga bagong pananaliksík sa larangan ng wikà (comparative linguistics, lexicostatistics), ang mga wikà ng ibá't ibáng grupo sa Filipinas ay masyadong magkakahawig kayâ hindî máaaring may iláng libong taón ang pagitan ng kaní-kaniláng pagdatíng. Makikita rin sa mga bagong ebidensyá sa larangan ng arkeolohiya na tulúytulóy at hindî paulit-ulit ang nagíng pandarayuhan sa Filipinas. May relasyón sa bawat isá ang mga wikà sa Filipinas. Ang pangalan ng pamilya ng mga wikang itó ay Austronesian o Malayo-Polynesian. Ang mga wikang Austronesian ay mga wikà mula sa mga pulô ng Southeast Asia hanggáng sa Easter Island na malapit sa South America. Malamáng na ang unang mga taong nagsasalitâ ng íisáng wikang Austronesian ay dumatíng sa Filipinas mula sa hilagà (north) limáng libong taón na ang nakalipas. Nagkahiwá-hiwaláy silá at nagsikalat sa buóng kapuluán. Dahil sa habà ng panahón na nagkahiwaláy silá, untí-untíng nagbago ang kanilang pagsasalitâ. Dumatíng ang panahón na ang mga grupong itó ay hindî na nagkaintindihan. Ang ibig sabihin ay nagíng bago na ang mga wikà at pagsasalitâ ng ibá’t ibáng grupo. Ito ang mga wikang kilala natin sa Filipinas ngayón tulad ng Ilokano, Tagalog, Cebuano at marami pang ibá. Ganitó rin ang nangyari sa ibáng mga bahagi ng Timog-Silangan tulad ng Malaysia at Indonesia. Nang simulán nilá ang pangangalakal sa mga pulô, nadalá rin nilá ang kaniláng mga bagong salitâ sa Filipinas - patí yaóng mga salitáng natutuhan nilá sa ibá pang mas malalayong bansá tulad ng India. Mula noon hanggáng ngayón, ang mga Filipino, tulad ng lahát ng lahì sa daigdíg, ay nanghíhirám ng mga salitâ mulâ sa maraming dayuhang lahì. Masasabi nating patuloy na nagbabago ang mga wikà sa mundó dahil lahát tayo ay patuloy ang panghíhirám at paggamit ng mga bagong salitâ sa ating pangungusap.

Bagamá’t may mga wikang dayuhan na nagkaroón ng impluwensiyá sa paglagô ng mga wikang Filipino, ang Filipinas ay may sariling mga taál na wikà bago pa man itó nápuntahán ng mga dayuhan. Teorya ng Wika - Pinagmulan ng wika Ding Dong - bagay. Ipinalagay sa teoryang ito na ang lahat ng bagay sa kapaliran ay may sariling tunog na siyang kumakatawan sa nasabing bagay. Mga tunog ang nagpapakahulugan sa mga bagay tulad ng kampana, relo, tren, at iba pa. Halimbawa: tunog ng eroplano; tunog ng doorbell; tunog ng basong nag uumpugan Bow Wow – kalikasan. Dito ang tunog ng nalikha ng kalikasan, anuman ang pinagmulan ay ginagad ng tao. Halimbawa, ang tunog-kulog, ihip ng hanging, at iba pa. Halimbawa: tunog ng ahas; tunog ng tubig na dumadaloy Pooh Pooh – tao. Ipinalalagay na ang tao ang siyang lumikha ng tunog at siya ring nagbibigay ng kahulugan. Dito ang tunog mula sa mga tao. Hlimbawa: lahat ng tunog na sa tao nanggaling Kahariang Ehipto – Ayon sa haring si Psammatichos, ang wika ay sadyang natutuhan kahit walang nagtuturo o naririnig. Natutunan kahit walang nagtuturo. Unconsciously learning the language. Halimbawa: Wika ng mga aeta - wlang nagturo sa kanila; ngunit may sistema sila ng pagsasalita. Charles Darwin – Ito ay nakasaad sa aklat na Lioberman (1975) na may pamagat na “On the Origin of Language”, sinasaad niya ang pakikipagsapalaran ng tao para mabuhay ang nagtuturo sa kanya upang malikha ng iba’t ibang wika. Wika natutunan tungkol sa mga pakikipagsapalaran. Halimbawa: tsaa – nakuha sa pakikipagsalimuot sa mga tsina. Kobyertos – nakuha sa pakikipagsapalaran sa mga Espanyol. Genesis 11: 1-9 –Tore ng Babel. Story of Tower of Babel. Based on the Bible. Wikang Aramean – Believes that all languages originated from their language, Aramean or Aramaic. Syria. May paniniwalang ang kauna-unahang wikang ginagamit sa daigdig ay ang lenggwahe ng mga Aramean. Sila ang mga sinaunang taong nanirahan sa Syria (Aram) at Mesopotamia. Tinatawag na Aramaic ang kanilang wika. TEORYANG YO-HE-HO. pinaniniwalaan na ang wika ay galing sa ingay na nililikha ng taong magkatuwang o nagtutulungan sa kanilang gawain. Ito ay ay unang nasapantaha ni NOIRE, isang iskolar noong ika-19 na dantaon. Halimbawa: Haha o tawa ; Pag galit ng isang tao

TEORYANG MUSIKA. kilala sa teoryang ito ang DANISH na si OTTO JERPERSON. sinasaad dito na ang wika ay may melodya at tono at walang kakayahan sa komunikasyon o hindi nakakakomunika sapagkat taglay nito ang kakulangan sa mga detalye at impormasyon. TEORYA NG PAKIKISALAMUHA. ayon kay G. Revesz, isang propesor sa Amsterdam Germany, ang tao mismo ang gumagawa ng kaniyang wika upang may magamit sa kaniyang pakikisalamuha. Naniniwala ito na ang wika sa likas na pangangailangan ng tao upang makipagsalamuha sa kaniyang kapwa. Halimbawa: ang dialektong illonggo at bisaya TEORYANG MUESTRA. pinaniniwalaan sa teoryang iyo na nuuna ang pagsasalita sa pamumuestra. Magkaugnay ang pagsasalita at pagmumuestra at ang sentro sa utak na kumokontrol sa paggalaw at pagsasalita ay magkalapit at magkaugnay. Halimbawa: ang pagtuto ng “Braille” at “sign language” ng mga bulag o bingi o pipe.

Related Documents


More Documents from "Kc Canonizado Pabellosa"