Lesson Plan in FILIPINO 5 Teaching Date: November 20, 2018 Time: 3:00-3:50
I. LAYUNIN A. Pamantayang Pangnilalaman
B. Pamantayan sa Pagganap
II. NILALAMAN III. KAGAMITANG PANTURO A. Sanggunian 1. Mga pahina sa Gabay ng Guro 2. Mga pahina sa kagamitang pang mag-aaral 3. Mga pahina sa teksbuk 4. Karagdagang kagamitan mula sa portal ng Learning Resource 5. Iba pang kagamitan panturo IV. PAMAMARAAN A. Balik-aral sa nakaraang aralin o Pagsisimula sa bagong aralin
B. Paghahabi sa layunin ng aralin
Day: _Tuesday______ Observed by: __________________
Naipapamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita sa pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin Nakagagawa ng isang ulat o panayam Nagagamit ang pang-abay at pang-uri sa paglalarawan Paggamit ng Pang-abay at Pang-uri sa Paglalarawan FSWG-IIId-e-9
Curriculum Guide Filipino 5 p. 73
Hiyas sa Wika 5 p. 159-161
Tsart, larawan, manila paper, kuwento 1. Pagbaybay ng mga salita (dokumento, sertipiko, pagsusulit, kalihim, panauhin) 2. Balik-aral Alin sa mga sumusunod na salitang may salungguhit sa mga pangungusap ay pang-uri o pangabay. 1. Ang bata ay mabait. 2. Malakas na sumigaw ang bata ng makita ang ahas. 3. Dumating ang mga panauhin nang maaga. 4. Malakas ang bagyo na sumalanta sa China. Panuto: Iugnay ang kahulugan ng salita sa Hanay A na nasa Hanay B Hanay A Hanay B 1. Ginugunita A. nag-abala
2. Paglulundagan 3. Dumadalaw 4. Pinaghandaan 5. Sari-sari
B. dumarayo C. Iba-iba D. Ipinagdiriwang E. nagluksuhan F. nagkasundo
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin
1. Pagganyak Pagpapakita ng larawan ng isang bahay Ano ang masasami mo tungkol dito? Ilarawan ito. 2. Pagbasa ng isang kuwento Anu-ano ang mga pamantayan sa pagbasa nang tahimik? (Tingnan ang kalakip na kuwento) Ang AtiAtihan sa Kalibo, Aklan D. Pagtalakay sa bagong konsepto Pagsagot sa mga tanong tungkol sa kuwento. at paglalahad ng bagong 1. Kailan ginugunita ng mga naninirahan sa Aklan kasanayan # 1 ang pagkakasundo ng mga Ati o Ita ang mga Malayo? 2. Paano nila ipinagdiriwang ang kanilang pagkakasundo? 3. Paano sumayaw ang mga Ati? 4. Ano ang masasabi mo sa kanilang kasuotan? Basahin ang mga pangungusap. a. Sadyang mahuhusay sumayaw ang mga Ati. b. Masayang naglulundagan ang mga Ati. c. Nagpapahid sila ng makakapal na uling. d. Nagsusuot sila ng makukulay na damit. Anu-ano ang mga salitang may salungguhit? Paano ginamit ang mga salita?
E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2
F. Paglinang sa kabihasnan
Gawin Natin Pagpangkat sa mga bata. a. Magtala ng angkop na pang-uri at pang-abay sa sumusunod na larawan b. Gamitin ito sa pangungusap at ipaliwanag kung ang gamit nito ay pang-uri o pang-abay Basahin ang mga pangungusap, isulat kung ang gamit ng mga salitang may salungguhit ay pang-uri o pang-abay. 1. Mainit ang kapeng ininom ni Tatay. 2. Talagang matalinong bata si David. 3. Naglagay ako ng sariwang bulaklak sa plorera.
4. Masayang ikinuwento ni Liza ang kanyang karanasan. 5. Totoong mabagal maglakad ang pagong. G. Paglalapat ng aralin sa pangaraw-araw na buhay
H. Paglalahat ng aralin
I. Pagtataya ng aralin
J. Karagdagang Gawain para sa takdang-aralin at remediation
Nais mong maging isang matagumpay na mag-aaral, ilarawan mo nga ang dapat taglayin ng ganitong bata. Ano ang pang-uri? Ano ang pang-abay? Ano ang pagkakaiba ng gamit nito sa paglalarawan? Ang pang-uri ay salitang naglalarawan sa mga ngalan ng tao, bagay, pook, hayop, at pangyayari. Ito ay naglalarawan din ng mga panghalip. Ang pang-abay ay sumasagot sa mga tanong na saan, kalian at paano. Ito ay naglalarawan ng pandiwa, pang-uri o kapwa pang-abay. Panuto: Isulat kung pang-uri o pang-abay ang gamit ng mga salitang may salungguhit. 1. Matibay ang lubid na ginamit ni Mang Ambo sa pagtali ng kanilang bubong ng bahay. 2. Mahusay sumalo ng bola ang batang si Lito. 3. Masayang maglaro ang mga bata lalo na kung bakasyon. 4. Malakas ang ulan kagabi kaya naman kami ay binaha. 5. Mapapalad ang mga batang walang kapansanan. Sumulat ng gamit ang mga salitang naglalarawan at isulat kung ito ay ginamit na pang-uri o pang-abay. 1. taimtim 2. matipid 3. mabait 4. maliwanag 5. maaalalahanin
V. MGA TALA VI. PAGNINILAY
Inihanda at Ipinasa: DOLLY T. GARCIA Master Teacher 1
Ang Ati-Atihan ng Kalibo, Aklan
Taun-taon ay ginugunita ng mga naninirahan sa Aklan ang pagkakasundo ng mga Ati o Ita at mga Malayo. Ang mga Ita ang unang nanirahan sa Panay bago dumating ang mga Malayo. Nang dumating ang mga Malayo, binili nila ang baybay-dagat. Tumira naman sa kabundukan ang mga Ati. Naghirap ang mga Ati sa kabundukan. Samantala, umunlad naman ang buhay ng mga Malayo. Kaya nagalit sa kanila ang mga Ati. Nilusob nila ang mga Malayo. Matalino ang mga Malayo. Naglagay sila ng uling sa buong katawan. Katulad na rin sila ng mga Ati kaitim. Nakipag-usap sila nang maayos. Nagkasundo uli sila. Nagdiwang ang lahat. Masayang silang naglundagan at nagsayawan sa tuwa. Iyan ang ginugunita taun-taon kung pista ng Ati-Atihan. Simula noon, ipinakikita ng mga taga Aklan ang kanilang kasiyahan sa pamamagitan ng pagsayaw at paglulundagan sa daan sa saliw ng iba’t ibang tugtog. Sadyang mahuhusay sumayaw ang mga tao ng Ati-Atihan. Nagpapahid sila ng makakapal na uling sa katawan at nagsusuot sila ng makukulay na damit at naglalagay ng sari-saring palamuti. Masiglang pinagdarayo ng mga taong nagmula saan mang lugar ang pista sa Kalibo, Aklan. At sadyang pinaghahandaan ng mga taga-Kalibo ang kapistahan tuwing unang Linggo ng Enero at sila ay nagsasaya bilang pasasalamat sa Patrong Santo Nino. Kaya taun-taon ay umuuwi ako sa Pilipinas at sama-sama kaming mag-anak na dumadalaw sa Kalibo, Aklan sa mga lola ko at tuloy makipagsaya sa kapistahan.