Banghay Aralin sa Filipino GRADE 4
GRADE 5
A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipapamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-unawa sa napakinggan
Naipapamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-unawa sa napakinggan.
B. Pamantayan sa Pagganap
Naisasakilos ang napakinggan sa kwento o usapan.
Nakakagawa ng isang ulat o panayam.
C. Kasanayan sa Pagkatuto
Naibibigay ang sanhi at bunga ng mga pangyayari. F4PN – Iii – 18.1
Nasasabi kung ano ang simuno at panag-uri. F5WG – IIIi – j – 8
II. Nilalaman
Pagbigay ng sanhi at bunga sa mga pangyayari.
Pagsasabi kung ano ang simuno at panag-uri.
I. Layunin
III. Kagamitang Panturo A. Sanggunian K-12 CG p. 71 (FILIPINO) 1. Mga pahina sa gabay ng Guro 2. Mga pahina sa gabay ng mag-aaral 3. Mga pahina sa Teksbuk 4. Karagdagang kagamitan mula sa Hiyas sa Pagbasa 4 p. 1-14 Learning Resources 5. Internet Info Sites B, Iba pang Kagamitang Panturo
Larawan, Tsart, Box
K-12 CG p. 100 (FILIPINO)
Hiyas sa Pagbasa 5 p. 3-14
Tsart, Box
IV. Pamamaraan A. Balik aral sa nakaraang aralin/o pagsisimula ng bagong aralin.
Tatanungin ko sa kanila kung ano ang aming aralin kahapon at sagutan ito. Bilugan ang Pandiwa sa pangungusap.
Tanong: Ano ang simuno at panag-uri?
1. Inihagis ni Luis ang bola sa akin, 2. Ang bata ay tumatakbo. 3. Si Juan ay bumili sa tindahan. 4. Si nanay ay nagluluto. 5. Si Maria ay naglalaba. B. Paghahabi sa layunin ng aralin
May larawan ako at tatanungin ko sila kung ano ang kanilang napapansin sa larawan.
C. Pag-uugnay sa mga halimbawa sa bagong aralin
Itanong: Ano-ano ang napapansin niyo sa ating kalikasan?
Bibigyan ko sila ng mga pangungusap at sasabihin kung ito ba ay panag-uri o simuno.
D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagaong kasanayan #1
Maglilista sila ng mga pangungusap na may sanhi at bunga.
Sabihin kung ano ang simuno at panag-uri sa pangungusap. Isulat sa patlang ang S kung ang may salungguhit ay nagsasabi ng simuno at P kung ang may salungguhit ay nagsasabi ng panag-uri. _____ 1. Si Ginoong Mahiwaga ay nahalal bilang pangulo. _____ 2. Masayang nakilahok sa paligsahan sina Gloria at Gemma. _____ 3. Tumayo tayo ng tuwid habang inaawit ang Lupang Hinirang. _____ 4. Ang mga turista ay hinikayat na sumali sa pagsasayaw sa parada ng pista. _____ 5. Iligpit natin ang mga nakakalat na laruan sa sahig ng sala,
E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong konsepto #2
Mayroon akong (4) apat na sobre sa at sa loob ay may Gawain at sasagutan nila ito.
F. Paglinang sa Kabihasnan (Formative Assessment)
May mga nakarolyong papel at nakasulat anf mga halimbawa ng sanhi at bunga, Babasahin nila at ibibigay nila kung ito ba ay sanhi o bunga.
G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw araw na buhay
Mayroon akong (4) apat na sobre at sa loob nito ay may gawain at sasagutan nila ito.
Magbigay ng simuno at panag-uri at sabihin ito sa klase. Isulat ito sa papel.
H. Paglalahat ng aralin
Ano ang Sanhi at Bunga?
Ano ang simuno at panag-uri?
I. Pagtataya ng Aralin
Ibigay ang sanhi o bunga na nakapaloob sa [ ].
Sabihin kung simuno o panag-uri ang nakapaloob sa ( ).
1. [Hindi siya natulog ng maaga] kaya nahuli siya sa klase. 2. Hindi siya kumain ng tanghalian [kaya nagugutom siya] 3. Nahulog sa kanal si Juan [dahil hindi niya tinitingnan ang kanyang dinadaanan] 4. [Masaya si Aling Mila] dahil sa mababait ang kaniyang mga anak. 5. [Gabi na siyang umuwi] pinagalitan siya ng ina.
1. (Sina Felix at Mike) ay naglalaro ng basketbol sa parke. 2. Si nanay (ay pupunta sa palengke) 3. (Ang kotse ni Mang Tony) ay nakaparada sa harap ng tindahan. 4. Sina Lolo at Lola (ay sasamas sa atin sa Luneta) 5. (Sa Oktubre ang kaarawan) ni Binibining Lina.
J. Karagdagang gawain para sa Takdang Aralin at remediation
Kompletuhin ang pangungusap. Ibigay ang sanhi o bunga. Isulat sa patlang ang iyong sagot. 1. Dumudumi ang ilog. __________ 2. ______ hindi siya nag-aral. 3, Bumaha sa EDSA _______ 4. May sugat si Andi _____ 5. ______ dahil mataas ang lagnat. Inihanda ni: Joshua BEED -3A