Filipino-detailed-lesson-plan.docx

  • Uploaded by: Rayan Castro
  • 0
  • 0
  • November 2019
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Filipino-detailed-lesson-plan.docx as PDF for free.

More details

  • Words: 1,667
  • Pages: 4
MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO (PARA SA IKA-APAT NA BAITANG) I. Mga Layunin  Natutukoy ang angkop na panghalip na pakuol o paari ayon sa kailanan at panauhan nito  Nasasabi ang kahalagahan ng pagtukoy ng kailanan ng panghalip panao at paari ayon sa kalianan at panauhan nito sa paikipagtalastasan  Nagagawa ng sanaysay gamit ng mga pangalip panao at paari ayon sa kailanan at panauhan nito Pagpapahalaga: Paggamit ng wastong panghalip tungo sa maayos na pakikipagtalastasan sa kapwa. II. Paksang - Aralin Paksa: Kailanan at Panauhan ng Panghalip Panao at Paari Sanggunian: Guryon : Pagsulong sa Komunikasyon 4 (pahina 184 - 185) Mga Kagamitan: PowerPoint Presentation (Kailanan ng Panghalip Panao at Paari), Kartolina at Manila Paper, White Board Marker at Quiz Sheets Methodolohiyang Panturo: Methodolohiyang Deduktibo III. Mga Pamamaraan Gawaing Guro

A. Panimulang Gawain 1. Panalangin - “Lahat tayo ay tumayo para sa ating panalangin.” 2. Pagbati - “Magandang umaga, mga mag-aaral!” 3. Pagtukoy sa mga lumiban - “Sino ang lumiban sa araw na ito?” 4. Balik - Aral - “Bago natin simulan an gating aralin ngayong umaga, natandaan nyo ba ang natutunan niyo sa Panghalip Panao at Paari?” - “Anong panghalip na naghahalili sa ngalan ng tao?” - “Tama! Anong panghalip na tumutukoy sa anumang bagay na pagmamayari ng tao?” - “Tama! Bigyan natin ng Ang Galing, Galing! Palakpak sa mga sumagot.” 5. Pagganyak - “Mga bata, mayroon akong isang video na nais ong panoorin at ipapaanta ko sa inyo patungkol sa komunidad. Pagkatapos, mayrong mga katanungan na iyng sasagutin mamaya. Handa na ba kayo mga bata? ” - Ang guro ay ipapalabas ang video clip patungkol sa komunidad. - “Nagustuhan niyo ba ang video na iyong pinanood?” - “Anu-ano ang mga panghaip ang nabangit sa video?” - “Tama! Anong uri panghalp ang ako, ikaw at tayo na nabanggit sa video?” - “Tama! Bigyan natin ang mga sumagot ng isang Ang Galing! Gaing! na palakpak” B. Panlinang na Gawain 1. Palalahad - “Mayroon akong isang dialog na iyong babasahin. Mamaya, mayroon akong itatanong patungkol sa

Gawain ng mga Mag-Aaral

- Sasabayan nito ang kanilang guro sa panalangin. - “ Magandang umaga din po guro.” - Ang kalihim ng klase ang syang magsasabi kung sino ang lumiban sa kanlang klase. - “Opo, guro” - “Panghalip Panao po guro.” - “Panghalip Paari po guro.”

- “Ang mga bata ay gagawin ang Ang Galing, Galing! na Palakpak” - “Opo, Guro.”

- Ang mga mag-aaral ay papanoorin at ikakanta ang kanta na nasa video. - “Opo, Guro.” - “Ako, Ikaw at tayo ang mga panghali na nabangit po guro.” - “Panghaip na Panao po guro” - “Ang mga bata ay gagawin ang Ang Galing, Galing! na Palakpak”

- “Opo, Guro”

mga nasabig dialog. Naintindihan niyo ba ang ating gagawin mga bata?” - “Ang mga babae ay gagapmpanan ang pahayag ni May at ang mga lalake ay gagamanan ang pahayag ni Sam. Handa na ba kayo mga bata?” May: Sam, sa akin ba ang kwaderno na ito? Sam: Oo, May. Nakita ko lang sa upuan mo. Magkakroon ba tayo ng maikling pagsusulit sa Filipino ngayon? May: Oo naman kaya magreview ka para makakuha ka ng mataas na iskor sa Filipino. Sam: Oo, sige. Sana makakuha tayo ng mataas na iskor mamaya. - “Mula sa dialog na nasa pisara, bilugan ang mga panghalip na nabangit. Sinong makapagtukoy ng panghalip sa unang pangungusap (hanggang sa ikaapat na pangungusap)?”

- “Batay sa dialog, sino ang kausap ni May?” - “Tama! Sino kaya ang tinutukoy ng panghalip na tayo?” - “Tama! Bigyan natin ang mga sumagot ng isang Ang Galing! Gaing! na palakpak” 2. Pagtalakay - “Mga bata, naniniwala ba kayo na may mga iba’tibang gamit ang mga panghalip batay sa kinakausap at sa dami ng iyong kinakausap?” - “Tama!” Ang guro ay tatalakayin ang kahulugan ng mga salitang Panauhan at Kailanan sa panghalip. - “Narito ang isang tsart ng mga panghalip ayon sa panauhan at kalian nito.” Tatalakayin ng guro ang mga iba’t-ibang panghalip ayon sa panauhan at kailanan nito. PANGHALIP NA PANAO PANAUHAN KAILANAN Una Ikalawa Ikatlo ako, ko ikaw, siya Isahan ka, mo kami, kayo sila Dalawahan tayo kami, kayo sila Maramihan tayo - “Magbigay ng halimbawa ng isang pangungusap sa unang panauhan kahit sa anong kalian ito kabilang.” - “Tama! Ngayon, magbigay ng halimbawa ng isang pangungusap sa ikalawang panauhan kahit sa anong kalianan ito kabilang.” - “Tama! Ngayon, magbigay ng halimbawa ng isang pangungusap sa ikatlong panauhan kahit sa anong kalian ito kabilang.” - “Tama! Bigyan natin ang mga sumagot ng isang Ang Galing! Gaing! na palakpak”

- “Opo, Guro”

- Ang mga natawag na mag-aaral ay pupunta sa pisara at tukuyin ang mga pangahalip mula sa dialog na binasa. MGA KASAGUTAN: May: Sam, sa akin ba ang kwaderno na ito? Sam: Oo, May. Nakita ko lang sa upuan mo. Magkakroon ba tayo ng maikling pagsusulit sa Filipino ngayon? May: Oo naman kaya magreview ka para makakuha ka ng mataas na iskor sa Filipino. Sam: Oo, sige. Sana makakuha tayo ng mataas na iskor mamaya. - “Si Sam po guro.” - “Sina May at Sam po guro.” - Ang mga bata ay gagawin ang Ang Galing, Galing! na Palakpak. - “Opo, Guro”

- “Kami ay pupunta sa Skyranch.” - “Kayo ay maglilinis mamaya sa klase” - “Siya ay kasali sa Mini Orchestra sa paaralan.”

- Ang mga bata ay gagawin ang Ang Galing, Galing! na Palakpak.

PANGHALIP NA PAARI PANAUHAN KAILANAN Una Ikalawa akin iyo Isahan atin inyo Dalawahan atin, amin inyo Maramihan

Ikatlo kanya kanila kanila

- “Magbigay ng halimbawa ng isang pangungusap sa unang panauhan kahit sa anong kalianan ito kabilang.” - “Tama! Ngayon, magbigay ng halimbawa ng isang pangungusap sa ikalawang panauhan kahit sa anong kalian ito kabilang.” - “Tama! Ngayon, magbigay ng halimbawa ng isang pangungusap sa ikatlong panauhan kahit sa anong kalian ito kabilang.” - “Tama! Bigyan natin ang mga sumagot ng isang Ang Galing! Gaing! na palakpak” C. Pangwakas na Gawain 1. Paglalahat - “Ano ang natutunan niyo sa ating aralin ngayong araw?” - “Tama! Anong mga kailanan ng panghalip?” - “Tama! Anong naman ang mga panauhan ng panghalip?” - “Tama! Bigyan natin ang mga sumagot ng isang Ang Galing! Gaing! na palakpak” 2. Paglalapat - “Narito ang limang pangungusap sa pisara. Ngayon, tukuyin ang kailanan at panauhan ng panghalip na naasalungguhit sa mga sumusunod na pangungusap.” 1. “Sa amin ba ang mga prutas na nakasilid sa basket?” sabi ni Rosa kasama ang kanyang mga kaibigan. 2. “Sabihin mo kung sino ang nagtapon ng kanilang mga kalat sa hindi tamang tapunan.” sabi ng G. Fernandez kay Rudy. 3. “Tayo ang nagwagi sa patimpalak ng sabayang pagbigkas.” sabi ni Bb. Amelia sa kanyang mga mag-aaral. 4. Ako ang nagsauli ng pitaka kay Alice. 5. Sumama sina George at Anna sa pagsasanay ng kanilang coach sa volleyball. - “Tama! Bigyan natin ang mga sumagot ng isang Ang Galing! Gaing! na palakpak” 3. Pagpapahalaga - “Bakit kaya natin kinakailangang alamin ang panauhan at kailanan ng panghalip?”

- “Tama! Bigyan natin ang mga sumagot ng isang Ang Galing! Gaing! na palakpak”

- “Sa atin ang pagkaing binigay ni Bb. Daisy.” - “Ang inyong mga aklat ay ibigay kina John at Peter pagkatapos ng klase.” - “Sa kanya ang cell phone na hawak mo kaninang umaga.” - Ang mga bata ay gagawin ang Ang Galing, Galing! na Palakpak.

- “Ang mga Kailanan at Panauhan ng mga Panghalip na Panao at Paari po.” - “Isahan, Dalawahan at Maramihan po.” - “Una, Ikalawa at Ikatlong panauhan po.” - Ang mga bata ay gagawin ang Ang Galing, Galing! na Palakpak.

MGA KASAGUTAN: 1. Unang panauhan, Maramihan 2. Ikalawang panauhan, Isahan 3. Ikatlong panauhan, Dalawahan/Maramihan 4. Unang panauhan, Isahan 5. Ikatlong panauhan, Dalawahan/Maramihan

- Ang mga bata ay gagawin ang Ang Galing, Galing! na Palakpak. - “Dahil po magiging tama at mainaw ang ating sinasabi kapag may kausap o tayo.” - “Dahil po mas maganda kung alam natin gamitin ang mga angkop na panghalip depende sa panauhan at kailanan nito para mas malinaw ang nais natin iparating na mensahe o kapag may kausap po tayo.” - Ang mga bata ay gagawin ang Ang Galing, Galing! na Palakpak.

IV. Pagtataya Panuto: Ikahon ang panghalip sa mga sumusunod na pangungusap. Isulat sa unang patlang ang kailanan ng panghalip at isulat sa ikalawang patlang ang panauhan ng panghalip na nakakahon. KAILANAN

PANAUHAN 1. Siya ang pangulo sa klase. 2. “Sa inyo ba ang mga gamit pantahi?” sabi ni Clarissa 3. “Ako lang ang nagaos ng mga upuan kanina.” sabi ni Jed. 4. “Sana ikaw ang Top 1 sa ating klase.” sabi ni Liza kay Gina. 5. Tayong lahat ay nagtutulungan para sa ikakabuti ng lahat 6. Kayo lamang ang bukod tanging may kusang loob na gawin ang lahat ng gawain sa klase. 7. “Sila lang ba ang sasama ng Field Trip sa Maynila?” tanong ng guro. 8. Sa kanila an lahat ng mga papel na ating ginamit sa pagsulat ng sanaysay. 9. “Ako lang ba ang hindi tapos sa gawain?” tanong ni Ford sa klase. 10. “Sabihin mo sa magulang mo na kailangan nilang pumunta sa ating pagpupulong sa darating na Lunes.” bilin ni Gng. Lara kay Jun.

V. Takdang-Aralin Sa isang buong papel, sumulat ng isang maikling sanaysay tungkol sa pagsasama ng inyong pamilya. Sundin ang mga panuntunan na dapat sundin sa paggawa ng maikling sanaysay:     

Ang sanaysay ay may tatlong talata lamang at sundin ang mga panuntunan sa paggawa ng maikling sanaysay. Hindi lalampas sa 100 na salita at hindi kukulang sa 50 na salita ang kabuuang sanaysay. Ang kabuuang sulat kamay ng sanaysay ay cursive. Gamitin ang mga panghalip na panao at paari batay sa kailanan at panauhan nito. Ipasa ang nagawang sanaysay bukas, sa oras ng ating klase.

BATAYAN SA PAGBIGAY NG ISKOR: MGA BATAYAN     

Organisasyon ng mga ideya Pagkagawa sa Kabuuang Sanaysay Kalinisan at Kaayusan sa Pagsulat Tamang Paggamit ng mga Panghalip Pagsumite ng Sanaysay sa Itinakdang Araw at Oras KABUUANG PUNTOS

PUNTOS 15 10 10 10 5 ________________ 50

More Documents from "Rayan Castro"