DAHILAN NG PAGMAMADALI SA PAGAARAL NG MGA ESTUDYANTE BAGO ANG ISANG EKSAMINASYON
Isang pamanahong papel para kay: GNG. ERLINDA D. TINAZA Bilang obligasyon para sa asignaturang FILIPINO IV ni: MAUREEN M. FONTANOZ IV-10
TALAAN NG NILALAMAN Layunin Pangkalahatang Layunin
i
Ispesipik na Layunin
i
Bilang pagkilala
ii
Panimula Pagtalakay sa paksa na itinuturing na problema
1
Haypotesis
1
Layunin ng pag-aaral
2
Kahalagahan
2
Katawan
3
Metodolohiya Disenyo ng pag-aaral
4
Kagamitan ng pag-aaral
4
Proseso ng pag-aaral
4
Estadistikang tritment ng datos
4
Obserbasyon, Pagsusuri, Interpretasyon
4
Pangwakas Boud ng tinalakay na paksa
5
Solusyon sa suliranin
5
Rekomendasyon
5
Talasanggunian
7
Halimbawa ng Kwestiyuner Kwestiyuner na ginamit sa pakikipanayam Talaan ng Datos ng may-akda/awtor
8 9
Apendiks Mga sagot sa pakikipanayam Mga larawan
10
Bilang pagkilala Ang pamanahong papel na ito ay nagawa sa tulong ng ilang mga tao. Nagpapasalamat ako, una, sa Panginoon, sa pagbibigay sa pag-gabay sa akin upang matapos ko ang pamanahong papel na ito, pangalawa, sa aking mga magulang na sumusuporta sa akin sa paaralan, pangatlo, sa aking mga guro na gumagabay sa akin sa paaralan, at huli, sa mga kaklase at kaibigan kong tumulong upang magkaroon ako ng ideya sa gagawin ko sa pamanahong papel na ito. Natapos ko ito sa tulong nilang lahat, kaya lubos akong nagpapasalamat sa kanila.
Layunin o Pangkalahatang Layunin •
Alamin ang dahilan ng mga estudyante sa pagmamadali nilang pag-aaral bago ang isang eksaminasyon.
o Ispesipik na Layunin •
Alamin kung bakit hindi nakakapagbasa ang ibang estudyante sa tamang panahon.
•
Alamin ang ibang pinagkaka-abalahan ng ibang estudyante.
•
Alamin ang ibang epekto ng pagmamadali ng ibang estudyante sa pag-aaral sa kanilang grado.
•
Tukuyin ang mabuti at masamang epekto ng pagmamadali sa pag-aaral.
Pagtalakay sa paksa na itinuturing na problema Sa panahon ngayon, marami sa mga estudyante ang bumabagsak sa kanilang eksaminasyon sapagkat hindi sila nakakapag-aral ng husto, ang iba naman ay maraming ginagawa kaya hindi sila nakakapag-aral. Ang suliraning ito ng mga estudyante ay maaaring mapatunayan. Marami ang nagsasabi na ang prosesong ito ng mga mag-aaral ay patok sa marami, halos lahat ng estudyante ay may sari-sariling paraan ng pag-aaral, hindi man napapansin ng kanilang mga magulang na sila ay nag-aaral ngunit sila naman ay nakakapasa, kani-kaniyang solusyon kung paano makapasa. Ang isang suliranin ng mga estudyanteng hindi nakakapag-aral ay ang pag-budyet ng kanilang mga oras, ang iba ay nagmamadali sa ibang mga gawain kaya nawawalan ng oras ang isa pang mahalagang bagay na dapat nilang gawin. Hindi nila marahil alam kung paano mag-budyet ng kanilang oras, marahil ay para sa ibang mga estudyante, kulang na kulang ang dalawampu’t apat na oras sa isang araw upang magawa nila ang lahat ng bagay na dapat nilang gawin. Haypotesis 1. Ang mga estudyante ay tinatamad nang mag-aral o magbasa ng kanilang mga aralin. 2. Ang mga estudyante ay may ibang may bagay na pinagkaka-abalahan kaya naisasang-tabi ang kanilang pag-aaral. 3. Ang mga estudyante ay nasanay nang magbasa ng kanilang aralin isa o dalawang araw bago ang kanilang eksaminasyon.
Layunin ng Pag-aaral Aking napili ang suliraning ito sapagkat nais kong alamin ang mga dahilan ng mga estudyante kung bakit sila nagbabasa ng kanilang aralin isa o dalawang araw lamang bago ang naitakdang araw ng kanilang eksaminasyon. Kahalagahan ng Pag-aaral Ang pag-aaral na ito ay mahalaga upang malaman ng mambabasa kung ano ang iba’tibang dahilan sa madaliang pagbabasa ng mga estudyante at makatutulong rin ito sa mga estudyanteng apektado o nasa nasabing sitwasyon. Katawan Edukasyon, isang mahalagang aspeto sa buhay ng mga kabataan, maraming nabiyayaan ng prebilihiyong makapag-aral, ngunit kanila ba itong pinahahalagahan? Isa sa mga suliranin ng mga estudyante sa loob ng paaralan ay ang pagpapataas ng kanilang mga grado, ang isang dagdag sa kanilang grado ay ang bahagdan ng kanilang eksaminasyon. Ang ibang estudyante ay naghahanda ng husto para dito, nag-aaral ng mabuti at isinasa-isip ang kanilang mga nabasa. Mayroon ding mga estudyanteng nagbabasa lamang isa o dalawang araw bago ang naitakdang araw ng kanilang eksaminasyon, mas tumatatak sa kanilang mga isipan ang mga nabasa nila kung ito ay sariwa, ang ibang estudyanteng nag-aaral ng isa o dalawang araw bago ang eksaminasyon ay may iba ring mga dahilan, ang iba ay nagtatrabaho upang sila ay may pang-aral kaya nababawasan ang kanilang oras para sa paaralan, ang iba rin naman ay may ibang bagay na pinagkaka-abalahan at mas natututukan nila ang ibang mga bagay na iyon kaysa sa kanilang mga
pag-aaral. Mayroon ding mga estudyanteng nakakalimot kaya naman, makakapagbasa na lamang sila ng ilang araw o marahil ay ilang oras bago ang eksaminasyon upang may pumasok sa kanilang isipan, maaaring sila ay may problema sa ibang bagay tulad ng pamilya at mga kaibigan, ang iba naman ay pansariling problema na lamang, kaya sila ay nakakalimot. Ang nibang klase ng estudyante ay may tapang sa kanilang sariling kakayahan na kanila pang naaalala ang mga itinuro ng kanilang guro kaya hindi na sila nagbabasa ng kanilang mga aralin, itinuturing nilang proyekto ang kanilang mga kwaderno na hindi nagagamit, maaaring hindi rin sila nakakapagbasa dahil sa sobrang pagod sa ibang gawain at ang iba ay ayaw lang talagang magbasa, sila ay ang mga estudyanteng tinatamad. Marahil ang iba ay kuntento na sa mga pahula-hula nila sapagkat alam nilang makakapasa sila dahil rito. Metodolohiya Ang pag-aaral na ito ay nangangailangan ng malalim na pagsusuri sa mga nakuhang impormasyon sa pakikipanayam ng may-akda sa iba’t-ibang estudyante mula sa iba’t-ibang paaralan, ang may-akda ay nakapag-isip ng maraming mga tanong upang masagot ang kanyang mga layunin at upang makarating sa kanyang solusyon. Ang pangalan ng mga estudyanteng nakapanayam ng may-akda ay hindi maipapalabas sa pamanahong papel na ito at ang kanilang mga kasagutan ay magagamit sa proseso ng pagsusuri ng may-akda. Obserbasyon, Pagsusuri, Interpretasyon Sa mga nakapanayam ng may-akda, iba’t-iba ang kanilang mga kasagutan, may sari-sarili silang pananaw sa pag-aaral para sa eksaminasyon, sabi ng ilan, nakakapagbasa sila ng maayos ayon sa kanilang mga oras, ang iba rin ay kulang ang kanilang oras para magkaroon pa ng oras sa pagbabasa ng kanilang mga aralin sa paaralan, ang iba naman ay sadya ang pagbabasa nila ng
isa o dalawang araw bago ang eksaminasyon sapagkat mas tumatatak ang mga babasahin sa kanilang utak kapag ito ay sariwa. Marami ang nagsabing nakatutulong ang madaliang pagbabasa nila sa kanilang eksaminasyon sapagkat mataas naman ang kanilang mga nakukuhang grado. Ang mga estudyanteng nagbahagi ng kanilang mga panayam ay mula sa iba’t-ibang paaralan at may iba’t-ibang estilo ng pag-aaral. Natutunan ng may-akda na ang mga estudyante ay may sariling estilo sa pag-aaral at hindi lahat ng nagbabasa ng isa o dalawang araw ay tinatawag ng madaliang pag-aaral ng mga estudyante. Pangwakas Napatunayan ng may-akda na ang mga estudyanteng nagbabasa isa o dalawang araw bago ang kanilang eksaminasyon ay may iba’t-ibang dahilan. Maaaring sila ay tinatamad, ang iba ay may ibang mga gawaing pinagkaka-abalahan kaya nauubusan ng oras para magbasa ng kanilang mga aralin at may mga estudyante rin namang estilo na nila ang magbasa ng isa o dalawang araw bago ang eksaminasyon upang mas sariwa ang kanilang utak ukol sa mga aralin. At ang panghuli ay ang mga estudyanteng hindi nag-aaral sapagkat sila ay tinatamad o ayaw lang talaga nila. Isang solusyon na maaaring makatulong sa mga estudyanteng ayaw mag-aral ay ang pagbibigay ng mga guro ng pangunang mga eksaminasyon upang may maisaulo ang mga estudyante bago ang mismong araw ng kanilang eksaminasyon. Maaari rin silang magbigay ng mga nakaka-ingganyong sabi upang magkaroon ng motibo ang mga estudyante para magbasa ng kanilang mga aralin. Maraming dahilan ang mga estudyante, maaaring isa na ang kanilang mga emosyon tungo sa mga eksaminasyong binibigay ng mga guro at sa mga gawaing pinapagawa ng kanilang
guro na nakakapagwala ng motibo nila upang mag-aral, ang iba pa ay ang mga pinagdadaanan nilang mga sitwasyon sa kani-kanilang mga bahay na nakakapagpapababa ng kanilang mga sariling kakayahan. Maaaring gugulin ang mga dahilang ito upang malaman ang malalim na mga kadahilanan ng mga estudyanteng apektado ng sitwasyong ito.
Talasanggunian Ang mga sangguniang nagamit ko sa aking pag-aaral ay ang mga sumusunod: •
http://www.peyups.com/posts.khtml?mode=viewtopic&topic=22850&forum=10&start=0
•
http://www.mindtools.com/pages/main/newMN_HTE.htm
•
http://books.google.com.ph/books?id=nZcsOR6rEjEC&pg=PA352&lpg=PA352&dq=stu dent+factor&source=bl&ots=Nq-_70YjnD&sig=92jY0aKk8sIgvCK6Rgdc2PLxMo&hl=en&ei=hRuzScPUI8nUkAW7ovXJBA&sa=X&oi=book_result&re snum=2&ct=result
•
http://www.marketing-ideas.org/personal-biography-example.php?I=12345&T=&PC=RSS
Halimbawa ng Kwestiyuner Kwestiyuner na ginamit sa pakikipanayam Mga katanungan: 1. Tuwing eksaminasyon, ikaw ba ay nagbabasa ng iyng mga aralin? Kung oo 2. Ilang araw bago ang araw ng eksaminasyon ka nagbabasa ng iyong mga aralin? Kung higit sa dalawang araw 3. Ano ang nagiging resulta ng iyong mga grado pagkatapos ng eksaminasyon? Kung isa o dalawang araw 3. Bakit isa o dalawang araw ka lang nagbabasa? 4. May mga ginagawa ka ba na nagiging hadlang para makapag-aral ka para sa darating mong eksaminasyon? 5. Ano naman ang mga resulta ng eksaminasyon mo? Kung hindi 2. Bakit naman hindi ka nagbabasa ng iyong mga aralin?
3. Anu-ano ang mga ginagawa mo kung hindi ka nag-aaral para sa eksaminasyon? 4. Ano ang resulta ng iyong grado pagkatapos ng eksaminasyon? Kung mataas 5. Nakasanayan mo na ba ang hindi magbasa para sa isang eksaminasyon? Kung mababa 5. Ayos na ba ang gradong ganoon sa iyo?
Talaan ng mga Datos ng may-akda/awtor
Pangalan: Maureen Malinagn Fontanoz Araw ng kapanganakan: Enero 15, 1993
Lugar ng kapanganakan: Lungsod ng Baguio
Pangalan ng mga Magulang: Ina: Dina Malingan Fontanoz Ama: Rogelio Campos Fontanoz Pangalan ng mga Kapatid (mula panganay hanggang bunso, maliban ang sarili): Ariel Malingan Fontanoz Roxanne Malingan Fontanoz
Zylene Malingan Fontanoz
Edukasyon: Mababang Paaralan: Saint Louis University Laboratory Elementary School Mataas na Paaralan: Pines City National High School
Affiliations: Chiro Youth Movement ABBA (Alumni of Baguio for Baguio)
Mga sagot sa pakikipanayam “Mga 2 days before exam, minsan di rin ako nakakapag-review kasi maraming mga ibang activities sa school, mahirap rin kasi mag-habol ng rquirements” –isang estudyante ng PCNHS
“Bahala na system, wala lang, inaantok ganun, pero oo, mataas naman grades ko, nangongopya, he he” –Cesar Angara ng PCNHS “2 days before exam ako mag-review para fresh pa yung isip ko, student-factor naman yan eh, oo, mataas ang grades ko, siyempre ganun talaga ako mag-review eh, minsan di rin ako nakakapagbasa kasi masyadong maraming i-rereview, nakakatamad na, tsaka kasama ko rin kasi family, barkada ko, stress din kasi, sobrang maraming ginagawa, tapos kulang rin sa motivation, isa pa, hindi ko lang feel mag-review” –Drena Laxamana ng UC “Uhm, depende sa subject, ‘pag about math mag-sosolve ako, ‘pag ung mga kailangan magmemorize, scan lang, alam ko naman na e, nakatatak na sa utak. Generally nag-rereview ako 1 week before, tapos scan na lang bago matulog before exam. Kapag yung talagang ni-rereview ko, oo mataas, pero kapag ‘yung mahirap at unexpected na kasama sa exam, ‘yun ang mababa. Kapag kailangan, i-rereview ko talaga. Kapag tinatamad ako or ayaw ko talaga ‘yung subject or walang natututunan or ayaw ko lang talaga. Ang mahirap para sa akin e kapag may dumating na problema, kaya hindi ako nakaka-review, lalo na pag family-related or financial.” –RJ Cayabyab ng AMA