Mga antas ng komunikasyon
Naiimpluwensyahan ito ng ginagamit na daluyan o channel ng tagapaghatid ng mensahe, malay man o hindi.
Gaya ng kilalang pangungusap na “medium is the message’ ni McLuhan (1967), maaaring baguhin - pagbutihin o hulawin - ng daluyan ang mensaheng nais iparating.
Mahalagang isa-isahin ang mga uri ng komunikasyon at himayin ang mga kalakasan at kahinaan nito sa pamamagitan din ng pagbibigay ng mga halimbawa, upang mapahusay ang pakikipag-ugnay sa kapuwa.
Intrapersonal ng komunikasyon
Intrapersonal ng komunikasyon, o pakikipag-ugnayan sa sarili sa pamamagitan ng replektibong pag-iisip o internal vocaization.
Uri ng komunikasyon na nagaganap sa loob lamang ng isipan ng isang tao, na nagdidikta ng kaniyang magiging tugon sa mga pangyayari sa paligid.
Sa mas personal na antas, ginagamit din ang intrapersonal na komunikasyon upang kumbinsihin ang sarili na mas pagtuunan ng pansin ang mas magagandang pangyayari sa buhay nang sa gayo’y lalong ganahan na magpatuloy.