Mga-epekto-ng-pambubulalas.docx

  • Uploaded by: John Paul
  • 0
  • 0
  • November 2019
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Mga-epekto-ng-pambubulalas.docx as PDF for free.

More details

  • Words: 288
  • Pages: 1
Mga Epekto ng Pambubulalas

Ito ay mga palatandaan na hindi nabibigyan ng tuon dahil sa pag-aakala ng marami na an pambubulalas ay bahagi ng yugto ng pagdadalaga/pagbibinata. Sabi nga ng ilan, “That’s part of growing up”Mahalaga na maunawaan ng kabataan na hindi normal na kasama ang pagiging biktima ng pananakit ng kapwa.

Maging ang pambubulalas ay mayroon ding epekto sa taong gumagawa nito. Mayroong panandalian at pangmatagalang epekto ang kanilang gawing pambubulalas. Ang taong nambubulalas ay mas malamang na masangkot sa mga panganib na gawain bilang bata at maging sa kanilang pagtanda. Sa kanilang kabataan, mas mataas ang posibilidad na sila ay masangkot sa pagnanakaw, pakikipag-away, masaktan sa pakikipag-away,lumiban sa klase, magdala ng mga armas na maaaring magdulot sa mga ibang mag-aaral, gumamit ng acohol at droga at marami pang iba.

Maari itong magdulot ng di kanais-nais na asal sa pakikipagugnayan sa kapwa, di katanggaptangap na kakayahan sa pakikipagkapwa, at maaaring masangkot sa maraming gulo sa hinaharap. Kung kayat ang ganitong katangian ng isang nambubulalas ay kinakailangang mabago dahil maaari itong magdulot ng maraming suiranin sa hinaharap. Ang hindi magandang imahe na nabuo ng isang nambubulalas ay maaaring maging dahlan upang hindi siya makatagpo ng tunay na kaibigan at hindi makatanggap ng tunay na paggalang mula sa kaniyang kapwa kabataan.

Halimbawa nito ay ang pangyayari sa isang mag-aaral na nambubulalas ng kapwa mag-aaral sa Colegio de San Agustin sa Maynila. Umabot ito sa punto na kinampihan ito ng kaniyang ama atnanutok ito ng baril sa kaniyang biktima. Nagging magulo ang buhay ng kanilang pamilya ng dahil sa pangyayaring ito.

Hindi ito normal sa yugto ng pagdadalaga/pagbibinata. Hidi kailanman maaaring hayaan ang patuloy na ganitong pangyayari dahi lamang inaakala ng marami na bahagi ito ng kanilang pagbabago at paglago.

More Documents from "John Paul"

Virus ( Ethics)
July 2020 4
Basic Statistics
July 2020 6
The Will Of A River
July 2020 14
Pau-rep.pptx
November 2019 16