ANG SINING NG KOMUNIKASYON I.
Katuturan at Kahalagahan
Sining
II.
ng
Komunikasyon
Iba’t ibang Kahulugan ng Komunikasyon
a. “communication” (Ingles)
“communis” (Laitn) - karaniwan tulad ng nasa isip ng nagpapdala ng mensahe.
b. Proseso ng paghahatid ng isang mensahe o pagpapalitan ng ideya,
impormasyon, karanasan at mga saloobin. c. Isang prosesong dinamiko, tuloy-tuloy, at nagbabago.
III.
Ang Komunikasyon Bilang Isang Proseso
1. Ang mananalita ay kailangang magkaroon ng sasabihin; dapat muna siyang
dumaan sa proseso ng pag-iisip o “ideation” (pagbuo ng mensaheng nais na ihatid) 2. Isipin kung ano ang gagamitin niya sa paghahatid- senyas o wika. * Wika ang pinakagamitin sa paghahatid ng ano mang uri ng mensahe; maaaring gamitin sa paraang pasulat at pasalita. *Ang komunikasyon pasalita ay lalong napapabisa sa tulong ng kilos o galaw. *Ang layunin ng isang mananalita ay maihatid nang malinaw ang mensaheng gusto niyang ihatid. *Ang limitadong talasalitaan ay nagbibigay rin ng limitadong pagkakataon na makagamit ng tama at angkop na salita ang mananalita upang maipahatid ang tamang mensahe.
IV.
Ang Mga Layunin ng Komunikasyon
1. Magbigay ng daan tungo sa pag-uunawaan ng mga tao. 2. Makapagkalat ng tamang impormasyon at kapaki-pakinabang na mga
kaalaman.
3. Magbigay diin o halaga samga paksa o isyung dapat mabigyang-pansin,
talakayin, at dapat suriin ngmga mamamayan. 4. Magbukas ng daan sa pagpapahayag ng iba’t ibang kaisipan, damdamin, at
saloobin ng mga tao.
V.
Mga Uri ng Komunikasyon
1. Komunikasyong Verbal – maaaring pasulat o pasalita; pinakagamiting uri ng
komunikasyon. a. Pasulat – nababasa b. Pasalita – binibigkas at naririnig 2. Komunikasyong Extra-Verbal – gumagamit ng tamang tono o timbre ng
boses sa pagsasalita o pagpapahayag ng damdamin. a. Mababa at malumanay na tinig – paggalang sa matatanda b. Malakas na boses, mataas na tono at mabilis na ritmo – pagbibigay ng babala o paghingi ng tulong. 3. Komunikasyong Di-Verbal – hindi gumagamit ng wika, sa halip, kilos at
galaw ng katawan. Hal. Ekspresyon ng mukha, galaw ng mata, kamay at paa, pag ngiti. 4. Komunikasyong Simbolik – binubuo ng mga mensaheng naibibigay ng mga
bagay na ginagamit na nakapaglalarawan ng mga nakatagong katangian at personalidad ng isang tao. Hal. Kasuotan o damit, alahas/palamuti sa katawan, make-up, kulay na napili VI.
Mahalagang Salik ng Komunikasyon
Dalawang kakayahan ng mabisang komunikasyon: 1. Kakayahang Linggwistika – kakayahang makabuo ng pangungusap na may
wastong kayariang pambalarila.
2. Kakayahang Komunikatibo – kakayahang maunawaan at magamit ang mga
pangungusap na may wastong pambalarilang kayarian sa angkop na panlipunang kapaligiran ayon sa hinihingi ng sitwasyon.
•
Dell Hymes – binuo niya nag akronim na SPEAKING na nagpapakita ng kakayahang komunikatibo at ang mahahalagang salik na sosyo-kultural na dapat isaalang-alang. S P E A K I N G
•
ettings articipants nds ct sequence eys nstrumentalities orms enre
Saan nag-uusap? Sino ang nag-uusap? Ano ang layunin ng pag-uusap? Paano ang takbo ng usapan? Pormal ba o di pormal? Pasalita ba o pasulat? Ano ang paksa ng usapan? Nagsasalaysay ba o nakikipagtalo?
Gordon Wells – bumuo ng tsart na nagpapakita ng ugnayan ng tungkulin ng komunikasyon sa gawi ng pagsasalita. Tungkulin ng Komunikasyon
A. Pagkontrol sa kilos o gawi
B. Pagbabahagi ng damdamin C. Pagbibigay o pagkuha ng impormasyon D. Pagpapanatili sa pakikipagkapwa
Gamit ng Pagsasalita Pakikiusap, pag-uutos, pagmumungkahi, pagpupunyagi, pag-tanggi, pagbibigay-babala Pakikiramay, pagpapahayag, paglibak, paninisi, pagsalungat Pag-uulat, pagpapaliwanag, pagtukoy, pagtatanong, pag-sagot Pagbati, pagpapakilala, pagbibiro,
at pagkakaroon ng interaksyon sa kapwa E. Pangangarap at paglikha
pagpapasalamat, paghingi ng paumanhin Pagkukuwento, pagsasadula, pagsasatao, paghihinuha