Kahalagahan Ng Elektronikong Komunikasyon

  • June 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Kahalagahan Ng Elektronikong Komunikasyon as PDF for free.

More details

  • Words: 465
  • Pages: 2
Kahalagahan Komunikasyon

ng

Elektronikong

Ang elektronikong komunikasyon ay dinesenyo at ginawa upang mapagaan at mapabilis ang paghahanap at paghahatid ng mga mahahalagang informasyon. Maging ang kalkulasyon ay kompyutasyon ay nakasalalay sa kompyuter at kalkyuleytor. Malaking bagay ang “computer-aided instructional materials” sa larangan ng edukasyon. Ang mga “coursewires” na madedevelop sa susunod na panahon ay lilikha ng mabilis, masinop at kapaki-pakinabang na sistema ng pagaaral. Magtataglay ito ng mga pantulong viswal na may kumpletong datos at karunungan na magpapagaan at magpapadali sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Mapahuhusay rin nito ang mga “teaching-learning” aktiviti kasabay ng “excitement” at paghanga sa paggamit ng mga bagong instrumento/makinaryang ito. Sa lipunan, totoong napakahalaga nito dahil sa tinatawag na globalisasyon. Ito ay dahil sa nakatutulong ang elektronikong komunikasyon upang mabigyangkatugunan ang mga pangunahing suliranin ng bayan tulad ng kung papaano pabababain ang halaga at gastusin ng isang produksyon. Nakapagpapabilis at nakapagpapagaan din ito ng gawain, at nakapagpaparami ng produksyon. Sadyang napakahalaga ng elektronikong komunikasyon, lalo na’t ang kasalukuyang panahon ay dito na nakabatay ang pamumuhay ng mga tao.

Ang Elektronikong Komunikasyon Ang Pag-unlad ng Elektronikong Komunikasyon Ang “wireless communication” ay nagsimula sa mga gawa ni Heinrich Hertz, isang German physicist. Siya ang unang nagpamalas ng proseso ng electromagnetic radiation sa kawalan (space) sa pamamagitan ng eksperimento. Dito nagsimula ang pagkakadiskubre ng heat, cosmic rays, at iba pang nagdadala ng enerhiya sa kawalan nang walang ginagamit na kable. Sinundan ito ng eksperimento ni H.C. Oersted, isang Danish physicist, kung saan ipinakita niyang ang kuryente ay nakakapagprodyus ng magnetic effects (1820). Noong 1831, nadiskubre ni Michael Faraday, isang British physicist, ang paggalaw ng isang magnet na nakakapagprodyus ng elektrisidad. Noong 1895, si Guglielmo Marconi ay gumamit ng isang mahabang wire antenna kung saan nadevelop ang isang praktikal na sistema ng radyo para sa “long distance communication”. Nagsimula naman ang magbrodkast ng mga programa sa AM radio band noong 1902 sa istasyong KDKA. Samantala, ang komersyal na FM brodkast para sa “sound programs” ay nagsimula noong 1939 at ang stereo brodkasting ng FM radio ay noong 1961.

Ang broadkasting sa television ay unang ginamit noong July 1941 at nagging popular noong 1945; ang “color television system” naman ay unang ginamit noong 1953. Pagdating ng 1969, ditto na ngasimula ang henerasyong ng Internet. Nabuo ang unang Microprocessor noong 1971, na nagging kapaki-pakinabang sa tao. Nadiskubre naman ang Mobile telephones noong 1986. Sa pamamagitan ng patuloy na pagdikubre at pagbuo ng mga bagong makinarya, nabuo ang Worldwide Web at dito na nagsimula ang mahabang henerasyon ng kompyuter.

Mga Negatibong Dulot ng Elektronikong Komunikasyon • • • •

Nagiging tama dang tao dahil sa pag-asa sa elektronikong komunikasyon. Nagkakaroon ito ng masamang epekto sa kalusugan. Maraming tao ang nawawalan ng trabaho sapagkat ang ibang kumpanya ay umaasa na lamang sa elektroniks. Nagagamit ito sa mga masasamang gawain.

Related Documents