Mabuhay Issue 924

  • Uploaded by: Armando L. Malapit
  • 0
  • 0
  • May 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Mabuhay Issue 924 as PDF for free.

More details

  • Words: 14,850
  • Pages: 8
PPI Community Press Awards

•Best Edited Weekly 2003 & 2007 •Best in Photojournalism 1998, 2005 & 2008

Mabuhay LINGGUHANG PILIPINO MULA PA NOONG 1980

ISSN–1655-3853 • JUNE 12 - 18, 2009 • VOL. 30, NO. 24 • 8 PAHINA • P10.00

a rt angel

printshop

Printing is our profession Service is our passion 67 P. Burgos St., Proj. 4, QC 1109, Philippines (0632) 912-4852 (0632) 912-5706

Fil-Japanese sa Hagonoy walang Influenza A H1N1 8 may sintomas sa Bulakan ngunit hindi pa iyon ‘outbreak’ NI DINO BALABO

HAGONOY, Bulacan — Nakahinga nang maluwag ang mga residente sa bayang ito dahil sa negatibo sa Influenza A H1N1 ang isang mag-aaral na Filipino-Japanese na kinakitaan ng sintomas ng kinatatakutang sakit. Ang walong mag-aaral sa bayan ng Bulakan na kinakitaan ng sintomas ng Influenza A H1N1 virus ay hindi pa maituturing na “community outbreak” ng kinakatakutang sakit, ayon kay Dr. Joycelyn Gomez, public health officer ng lalawigan ng Bulacan. Batay sa impormasyong nakuha ng Mabuhay kina Dr. Gomez at Dr. Rommel Pajela, municipal health officer, at kay acting Mayor Elmer Santos ang 16 taong gulang Filipino-Japanese na estudyante ng St. Mary’s Academy-Hagonoy (SMAH) na kinakitaan ng sintomas noong Martes ng gabi, Hunyo 9, ay kinum-

pirma ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) na negatibo sa influenza A H1N1. Una rito ay kaagad isinugod ang estudyante sa Divine Word Hospital dahil sa lagnat at ibinalik sa nasabing ospital kinabukasan. Noon ding umagang iyon ay inilipat ang pasyente sa Lung Center of the Philippines sa Quezon City batay sa payo ni Dr. Zoraida Miguel na siyang nakakita ng sintomas ng A H1N1 sa estudyante. Sinuspinde naman ang klase sa SMAH noong Huwebes, Hunyo 10, kung kailan natuklasan ng provincial health officer na

ang estudyante ay kauuwi lang galing sa Japan kasama ang kanyang 10taong gulang na kapatid at ang kanilang lola. Mabilis na kumalat ang balita hinggil sa kalagayan ng mag-aaral sa pamamagitan ng text messages na ikinabahala ng marami sa Hagonoy. “Sana naman ay negative siya sa Influenza A, kasi nakakaawa ’yung mga bata,” ani Celia Payongayong, isang nurse sa Divine Word Hospital na nagsisilbi ring tesorera ng ospital. Gayundin ang pahayag ni Arnold Mendoza na may tatlong anak na nag-aaral.  sundan sa pahina 6

Pagkalap ng ulat hinggil sa ‘swine flu’: Paano kung mayroong mayroong mga ‘positibo’? NI DINO BALABO

TULOY ANG PAG-AARAL — Dahil laging lumulubog sa high tide ang ilang paaralan sa bayan ng Hagonoy, nasanay na rito ang mga estudyante kaya’t kahit lubog ang kanilang kuwarto ay tuloy ang pag-aaral ng estudyanteng ito ng Hagonoy East Central School (HECS) na tinaas na lamang ang paa habang nagsusulat. Ayon sa mga guro ng HECS, mas pinangangambahan nila ang high tide kaysa Influenza A H1N1. — DINO BALABO

HAGONOY, Bulacan — “Pare, may H1N1 daw sa SMAH.” Ito ang pabulong na sabi sa akin ng isang kaibigan pagkababa ko sa Baliuag Transit sa harap ng Pambansang Dambana ni Sta. Ana sa bayang ito noong Miyerkoles ng hapon, Hunyo 10. Ang tinutukoy ng aking kaibigan ay ang St. Mary’s Academy-Hagonoy (SMAH) kung saan isang estudyanteng 16 na taong gulang ang kinakitaan ng

sintomas ng Influenza A H1N1 noong Martes ng gabi at inilipat kinaumagahan sa Lung Center of the Philippines sa Quezon City. Para akong naalimpungatan sa balitang narinig ko. Ang totoo, nakatulog kasi ako sa bus mula sa Cubao kung saan ako inihatid nina Joe Pavia at Armand Arellano ng Mabuhay. Galing kami noong araw na iyon sa  sundan sa pahina 5

Freedom Day: Proper use and display of flag EDITOR’S NOTE: This Independence Day article was first published in the Mabuhay on June 10-16, 1992.

THE Philippine flag is the national emblem of our country. As such, it stands for national unity and identity. The Philippine flag expresses our sentiments for freedom, justice, equality and nobility. Thus, we must honor and respect our flag. The flag should be dis-

BY B ENNY LUZENTALES Philippines News Agency

played in all public offices, buildings, official residences, public places and institutions of learning everyday — repeat everyday! It should be raised at sunrise and lowered at sundown. Here are some rules on the proper display of the Philippine flag.

When flown from the flagpole, the flag should have its blue stripe on top

in time of peace and red on top in time of war.

When not flown from a flagpole or staff, the flag should be displayed either vertically or horizontally.

When displayed vertically, the triangle should be on top. The blue field should be to the right (left of the observer) in time of peace and the red field to the right (left of the observer) in time of war. When displayed horizontally, the blue stripe  continued on page 5

BUNTAL FOR A FLAG — The Philippine tri-color made of red, white and blue “buntal hats” is the centerpiece of the Independence Day celebration at SM City Baliwag. The town of Baliwag is noted for buntal weaving and buntal hat exports. — PR

Mabuhay

2

JUNE 12 - 18, 2009

LINGGUHANG PILIPINO MULA PA NOONG 1980

TUNGO SA KALAYAAN

Dapat na ipagmalaking kontribusyon ng Bulacan BALIKTANAW: Sa pagdiriwang ng 111 guning taon ng ating kalayaan, ating tunghayan ang editoryal sa sipi ng Mabuhay noong Hunyo 15, 1980. — Patnugot

“Dapat ipagmalaki ng bawat Bulakenyo ang malaking kontribusyon ng kanilang lalawigan tungo sa ikapagtatamo natin ng kalayaan.” Ito ang binigyang-diin ni Assemblyman Teodulo C. Natividad sa kanyang talumpati sa pagdiriwang ng ika-82 anibersaryo ng ating kalayaan sa Malolos. Si Natividad ang siyang naging panauhing pandangal sa naturang pagdiriwang na tinampukan din ng pagtataas ng bandila at isang paradang dinaluhan ng may 2,000 katao buhat sa iba’t ibang barangay sa Malolos. Sa kanyang talumpati, sinariwa ni Natividad ang mga balakid na sinalungat ng ating mga bayani upang makamit natin ang tunay na kalayaang tinatamasa ng lahat ngayon. “At sa lahat ng mga pangyayaring ito ay naging bahagi ang ating lalawigan, lalo na nang dito sa Malolos itatag ang pamahalaang rebolusyonaryo at ang pagbuo ng Malolos Constitution,” ayon kay Natividad. Bukod kay Natividad, naging panauhin din si Gob. Nacing Santiago at Bise Gob. Bernie Ople. Sa nasabi ring okasyon, muling iminungkahi ni Natividad ang pagdaraos ng isang pulong ng Batasang Pambansa sa makasaysayang simbahan ng Barasoain. Isang makulay na parada ang nagpasimula sa pagdiriwang na nilahukan ng mga barangay sa Malolos. Umabot sa walong karosa ang lumahok sa parada. Kabilang sa mga nakasakay sa karosa ang mga kalahok sa timpalak Bb. Malolos ’80. Kasama rin sa parada ang mga barangay brigade. Si Mayor Purificacion C. Reyes ang siyang tumanggap sa mga panauhin at si Obispo Cirilo Almario Jr. ang naguna sa panalangin. Nauna rito, nagkaroon din ng isang simpleng seremonya sa harap ng Kapitolyo na pinangunahan ni Gobernador Santiago. Sa kanyang maikling pananalita, hiningi ni Santiago sa mga opisyal at empleyado ng lalawigan na muling manumpa na sila ay magpapatuloy na magbibigay ng mabuting serbisyo sa mamamayan. “Walang mas mabuting pagkakataon kundi sa Araw ng Kalayaan dapat nating tiyakin sa ating mga kababayan sa Bulakan na tayo ay patuloy na maglilingkod ng malinis at taimtim,” ayon sa gobernador.

Mabuhay LINGGUHANG PILIPINO MULA PA NOONG 1980

Jose L. Pavia Publisher/Editor Perfecto V. Raymundo Associate Editor Anthony L. Pavia Managing Editor e-mail [email protected] PPI-KAF Community Press Awards

Best Edited Weekly 2003 + 2008 Best in Photojournalism 1998 + 2005 A proud member of PHILIPPINE PRESS INSTITUTE

WEBSITE

http://mabuhaynews.com

EDITORIAL Alfredo M. Roxas, Jose Romulo Q. Pavia, Jose Gerardo Q. Pavia, Joey N. Pavia , Jose Visitacion Q. Pavia, Carminia L. Pavia, Perfecto Raymundo Jr., Dino Balabo

ADVERTISING Jennifer T. Raymundo

Buntot Pagé

PERFECTO V. RAYMUNDO

Araw ng Kalayaan 2009 HINDI na masyadong napaguukulan ng pansin ang Araw ng Kalayaan sa kasalukuyan. Maging sa mga pahayagan ay wala na ang naglalakihang letra na bumabandera ang Araw ng Kalayaan. Unang ipinagdiwang ang Araw ng Kalayaan sa balkonahe ng tahanan ni Hen. Emilio Aguinaldo sa Kawit, Cavite noong Hunyo 12, 1898. Kung tutuusin ika-111 taon na simula nang ito ay ipinahayag sa Kawit, Cavite. Ngunit matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ipinagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan kasabay ang pagdiriwang ng mga Amerikano ng kanilang Independence Day tuwing ika-4 ng Hulyo. Muling naibalik sa Hunyo 12 ang Araw ng Kalayaan nang si dating Pangulong Diosdado Macapagal ang pangulo ng ating bansa sa taong 1962. Sa panahon din ni Pangulong Diosdado Macapagal nataas ang minimum wage sa P6 na dati-rati ay P4. Siya ay naging pangulo mula 1961 hanggang 1965. Iba si Pangulong Diosdado kaysa sa kanyang anak na si

Pangulong Gloria M. Arroyo. Sana naman ay hindi na mabago ang petsa ng pagdiriwang ng ating kalayaan na pinagbuwisan ng buhay ng ating mga ninuno. Mga kandidato sa pagka-pangulo MARAMING nagnanais na maging pangulo ng ating bansa sa kasalukuyan. Naririyan sina Bise Presidente Noli De Castro, MMDA Chairman Bayani Fernando at Kalihim Gilbert Teodoro ng National Defense. Sila ay pareparehong umaasa na sila ang mamanokin ng Malacañang. Sa panig naman ng oposisyon ay nariyan sina Senador Mar Roxas ng Liberal Party, Senador Manny Villar ng Nacionalista party, Senadora Loren Legarda, Makati Mayor Jejomar Binay, at maging si Senador Chiz Escudero ay may balak din kung mabibigyan ng pagkakataon. Si dating pangulong Joseph Estrada ay may balak din na pumalaot sa panguluhan kapag hindi nagkaisa ang oposisyon. May balak din na tumakbong pangulo si Bro. Eddie Villanueva ng Jesus is Lord Movement at

Kastigo

maging si Bro. Mike Velarde ng El Shadai. Sa sarili kong palagay hindi bababa sa anim ang tatakbong pangulo sa nalalapit na halalan sa taong 2010. Kayo, ano sa palagay niyo? Villarica sa Ika-4 Distrito PALASAK na palasak ang pangalan ni Linabelle Villarica sa iba’t ibang bayan sa Ika-4 Distrito ng Bulacan na binubuo ng mga bayan ng Obando, Meycauayan, Marilao at Sta. Maria. Lutang na lutang na si Villarica ang isa sa mga tatakbo sa pagka-kinatawan dito. Ang pamilya Villarica ang may-ari ng Villarica Pawnshop na may sangay sa iba’t ibang bayan sa buong Pilipinas. Bukod kay Villarica lumulutang din ang mga pangalan ng maaaring makalaban niya tulad nina ES o Ed Serapio at ang anak na abogado ni Kint. Neneng Nicolas. Marami ang nagpapalagay na medyo llamado si Villarica sa mga nagnanais na maging kinatawan ng Ika-4 Distrito ng Bulacan. Kayo, ano sa palagay ninyo?

BIENVENIDO A. RAMOS

‘Diversionary tactics’ ANG paggamit ng tinatawag na “diversionary tactics” ay bahagi na ng alinmang pakikilaban — sa aktwal na digmaan, sa sports at lalo na sa pulitika. Instrumento sa diversionary tactics ang pagsisinungaling, panduduro, paggamit ng itim na propaganda at iba pang ilegal o pataksil na pamamaraan. Ang layunin ay para lituhin ang kalaban, ibaling ang pansin ng publiko, libangin ang madla, at ilayo ang konsentrasyon ng tao sa kanyang ginagawang kabulastugan. Ganyan ang ginagawa ng Administrasyong Arroyo — may siyam na taon na ngayon ang nakararaan. Ngunit naging kapansinpansin lamang ang paggamit ng diversionary tactics ng Administrasyong Arroyo buhat nang pumutok ang eskandalo ng “Hello, Garci” tape. Inunahan na ng Malakanyang ang mga “kalaban” at sila ang nagbunyag ng “Hello, Garci” tape nang maramdamang may na-tape na usapan nina Gng. Macapagal-Arroyo at

ni Komisyoner Garcillano ang oposisyon hinggil sa “dayaang” naganap sa eleksiyon ng 2004 na umano’y kinasangkutan ng ilang matataas na opisyal ng Comelec, PNP, AFP at Kongreso. Matalino na ang mamamayan Ang pagkakabunyag ng “Hello, Garci” tape ay ikinataranta ni Gng. Macapagal-Arroyo — lalo na ang kasunod na malawakang kilos-protesta ng iba’t ibang sektor, kabilang ang isang bahagi ng military na nananawagang bumaba na si Aling Gloria sa Malakanyang. Natakot si GMA na tulad ng pinalitan niyang si Erap, ay patalsikin din siya ng isang people power revolt. Ngunit pinakalma at napagpayuhan si Aling Gloria ng mga beteranong dating kasama ni Marcos, tulad nina dating Pangulong Ramos, dating espiker De Venecia, at iba pang mga tusong pulitikong ang kapit sa poder ay sa kung sino ang nasa Malakanyang. Noon na gumamit ng diversionary tactics ang Adminis-

Promdi

trasyong Arroyo, gaya ng sumusunod na hakbang: Sa halip usigin ang mga opisyal ng PNP at AFP (na ginamit ni GMA sa pandaraya sa halalan), ang kinasuhan ay ang mga whistle-blower o mga hindi niya napasunod o nakumbinseng makipagsabwatan, na hindi na natin kailangan banggitin. Upang palabasing ipinatutupad ang batas at ang Konstitusyon, nagtatag ng mga komisyong mag-iimbestiga kuno sa mga katiwalian sa AFP, pero pinigil naman ang resulta ng imbestigasyon. Sa halip usigin sina Garcillano, Lintang Bedol at iba pang kasangkot sa dayaan sa eleksyon, binuhay ang matatandang kaso laban sa mga nagpoprotesta at naghahanap ng katotohanan— tulad ng mga kaso kina Crispin Beltran, Satur Ocampo at iba pa. Isa sa magagaling na taktikang dibersonaryo na ginawa ng Administrasyong Arroyo ay ang hindi pagdedeklara ng martial law o pagpapahayag ng  sundan sa pahina 6

DINO BALABO

PRODUCTION Jose Antonio Q. Pavia, Jose Ricardo Q. Pavia, Mark F. Mata, Maricel P. Dayag, Charlett C. Añasco

PHOTOGRAPHY / ART Eden Uy, Allan Peñaredondo, Joseph Ryan S. Pavia

BUSINESS / ADMINISTRATION Loreto Q. Pavia, Marilyn L. Ramirez, Peñaflor Crystal, J. Victorina P. Vergara, Cecile S. Pavia, Luis Francisco, Domingo Ungria, Harold T. Raymundo,

CIRCULATION Robert T. Raymundo, Armando M. Arellano, Rhoderick T. Raymundo The Mabuhay is published weekly by the MABUHAY COMMUNICATIONS SERVICES — DTI Permit No. 00075266, March 6, 2006 to March 6, 2011, Malolos, Bulacan. The Mabuhay is entered as Second Class Mail Matter at the San Fernando, Pampanga Post Office on April 30, 1987 under Permit No. 490; and as Third Class Mail Matter at the Manila Central Post Office under permit No. 1281-99NCR dated Nov. 15, 1999. ISSN 1655-3853 Principal Office: 626 San Pascual, Obando, Bulacan  294-8122

Subscription Rates (postage included): P520 for one year or 52 issues in Metro Manila; P750 outside Metro Manila. Advertising base rate is P100 per column centimeter for legal notices.

Kalayaan sa kamangmangan TAMA ang pahayag ni Education Secretary Jesli Lapus nang siya ay magtalumpati bilang panauhing pandangal sa ika-111 guning taon ng Araw ng Kalayaan sa bakuran ng makasaysayang simbahan ng Barasoain noong Hunyo 12, kung kailan ay binigkas niya na “ang tunay na kagalingan ay ang pagbabahagi ng talino sa bayan.” Siyempre, ang tinutukoy niya ay ang masakripisyong papel na ginagampanan sa lipunan ng mga guro. Pero pag nagkamali ang mga guro sa kanilang itinuturo, hindi na kagalingan iyon, di ba? *** Masasabing ang bawat isa sa atin ay guro sa iba’t ibang pamamaraan. Ang bawat isa ay daluyan ng impormasyon na sinasabing katumbas ay kapangyarihan dahil ito ay nagbibigay sa atin ng iba’t ibang kakayahan. Ang edukasyon ay nagsisimula sa tahanan at ang mga

magulang partikular na ang ina ay itinuturing na unang guro ng mga bata. Pero kung wala ang magulang at sa abroad nagtatrabaho maituturing pa bang tahanan ang kanilang tahanan? *** Ang simbahan ay isa sa mga institusyong naghatid ng edukasyon, hindi lamang patungkol sa espiritual na pamumuhay o pananampalataya. Ang simbahan sa Europa ang nagtayo ng mga unang pamantasan doon na humubog sa kultura at sibilisasyon ng nasabing kontinente. Ito ay bago magtayo ng mga pamantasan ang iba’t ibang gobyerno. Ang gobyerno ay isa ring institusyon na naghahatid ng edukasyon sa lipunan sa layuning palayain sa kamangmangan ang taumbayan. Ngunit paano kung ang gobyerno at mga taong bumubuo nito ay nagtatago ng mga lihim, nagsusulong ng mga batas na nagbibigay ng limitasyon sa

pamamahayag, o kaya ay mali ang impormasyong hatid sa tao? *** Kabilang sa mga naghahatid ng edukasyon sa pamamagitan ng impormasyon ay mga mamamahayag at mga historyador, kaya naman sinisikap nila na magsaliksik upang maihatid ang tamang impormasyon sa tao na nasa tamang perspektibo? Ito rin ang dahilan kung bakit walang tigil ang mga mamamahayag sa pagtatanong upang makumpirma ang balitang ihahatid, gayundin ang mga historyador na patuloy na nagsusuri sa mga lumang dokumento upang maipakita ang tamang konteksto ng kanilang susulating kasaysayan. *** Hindi biro ang trabaho ng mga historyador at mga mananaliksik. Kadalasan ay binabanggit pa nila ang dokumentong pinag sundan sa pahina 6

Mabuhay

JUNE 12 - 18, 2009

3

LINGGUHANG PILIPINO MULA PA NOONG 1980

Depthnews

JUAN L. MERCADO

Regarding Henry

Whipping boy “GOD is the most popular scapegoat for our sins,” Mark Twain once cracked. But in this country, as House Resolution 1109 shows, our “leaders” made the Constitution a “whipping boy” for even neuroses. 1109 authorizes congressmen to anoint themselves as a constituent assembly (con-ass). Rewriting the constitution, they claim, would heal our ills: from ZTE broadband and fertilizer style scams to salvaging. A new charter will usher in a “land of milk and honey”. Like Mao’s “thousand flowers”, paid ads by obscure groups bloomed. They claim 1109 offers “our country one powerful option in minimizing, if not eliminating the evil of corruption.” Like congressmen’s speeches, the ads sweep under the rug greed, lack of integrity or unbridled ambitions. They ignore surveys that report: 63 out of every 100 Filipinos buck charter change (cha-cha) now. But a good whipping boy “is almost as good as a solution.” So, keep your eye on politicians’ hands, not their

lips. The President’s congressmanuncle Ignacio, for example, rode shotgun over 1109 from start to finish. So did Ms. Arroyo’s sons: Representatives Dato and Juan Miguel. Did Mommy wink? Their clout, in the House, greased 1109 approval. It altered Malacañang’ sound bites. Congress didn’t have enough time for charter change, Palace spokesmen chorused earlier. After 1109, Cabinet Secretary Silvestre Bello III insists: “The executive can’t do anything if the constituent assembly led to charter change.” Ha-ha-ha-ha-ha. By foreign trips and selective photo ops, the President projects an above-the- fray posture. Were you born yesterday? “The voice is the voice of Jacob. But the hands are those of Esau.” What’s next? The House will send invitations to the Senate for a joint session, Nueva Ecija’s Rep. Rodolfo Antonino says. Traditionally, the Senate is invited as an institution. Not this time, Jose. Invitations will be shoved into individual pigeonholes of 23

Cebu Calling

senators. Why so? We’re leery of being rapped for “ failing to inform” the Upper House when congressmen overhaul the charter by their lonesome, adds Speaker Prospero Pichay. How nice. In fact, they’ll ram through a parliamentary system, predicts former senate president Franklin Drilon. This’d ensure President Arroyo’s grip as prime minister. Congressmen will mutate into members of parliament. “Will you walk into my parlor?/ Said the spider to the fly.” the nursery invitation read. Agreeing to vote with congressmen would swamp the Upper House ten-to-one. Thus, a unanimous Senate resolution RSVPed regrets — even before invitations came. A resolution can’t dismantle a constitutionally created bicameral legislature, much less replace it with a unicameral body. “It always takes two to dance the chacha,” admits the usually-rational Rep. John Pablo Garcia Jr. Yet, he sponsored HR1109.  continued on page 7

FR. ROY CIMAGALA

Living the mystery of God THIS is a truth not yet wellknown, let alone, lived. In fact, a good number of people dispute this assertion. They can drive away believers with a savage barrage of scorn and ridicule. Are you nuts, they can say, to believe there’s more to our life than how our biology and sociology define it? Our life is not just physical or biological life. It’s not just economic or political life. Not even is it intellectual life, no matter how rich it is. It is a life entrenched in the life of God, our Creator and Father, who continues to intervene in our life. Our Christian faith teaches that God gratuitously wants to share what he has, including his life, with us. Our life cannot be other than a life taken up in the overwhelming truth, the mystery of God’s life. For Christian believers, this is because we are made not simply with the DNAs of our parents, but in the image and likeness of God. Even a philosophical or scientific analysis of our nature can readily reveal we are designed

and outfitted to enter into a relationship with others, and ultimately with God. That we can think and know, choose and love, means we are meant to get engaged with objects outside of ourselves. We are meant for others. We are meant to believe and love, more than to simply think and feel. We are God’s children, first and last. We are God’s children before we are our parents’ children. Our relationship with God enters a much more intimate, defining and abiding character than what our relationship with our parents can attain. Our parents can only influence us so much. God intervenes in our life always. From our parents, we inherit a lot. We also depend a lot on them. But we are quite independent of them. From God, we get everything. On him, we depend for everything. And while we have a certain autonomy, we can never be independent from him, unless we choose to in a definitive way upon our death. The task we have is how to

Forward to Basics

correspond to this tremendous reality of living our life within the whole mystery of God’s life. Many of us still think that we are quite by ourselves, and the decision to relate ourselves with God and others is purely optional. No, sir. Our relationship with God, while an option—in fact, a fundamental option—is never optional, something we can feel quite free to have or not to have. We would be incomplete without God. We need to be more aware of this marvelous truth. And from there, to start the lifelong journey of conforming our life to that of God, overcoming first our initial human awkwardness in the face of our supernatural goal, and then developing the virtues that little by little resemble us with God. It’s a process of always conquering new frontiers and defending our fronts from the enemies of God and of our soul. May it be that our thoughts are also God’s thoughts. And may our words and actions not be just  continued on page 7

FR. FRANCIS B. ONGKINGCO

The first and stone counting THE atmosphere inside the barber shop was so intense. Everyone was glued to the T.V. watching the on-going proceedings of a recent sex scandal. It took a while before the employees even noticed I had entered. The barber who attended to me was somewhat reluctant to extract himself from the “hot news item.” [BUZZ…, SNIP…, CLIP…] From time to time the electric razor and scissors would come to a halt as he turned around to catch snippets of the news. I couldn’t help glancing at the mirror, not at my haircut’s progress, but out of curiosity to get a glimpse of the news from the T.V.’s reflection. The barber sighed as he resumed with his mechanical chore. He finished quickly and brushed the strands of hair on my neck, ears, shirt and face. I felt his fingers kneading my back and

shoulders with the usual end-ofthe-run massage. Everything ended with his palms squarely clapping on my shoulders, as if sending me off to say the job was over and that he could finally watch the news. The owner, who was also watching, took some time to give me my change as he got distracted between counting the change and following the scandal. As I pocketed the bills mixed with coins, one of the young ladies sighed as she listened to the accused: “My, isn’t he handsome!” *** Unlike in our Lord’s times, scandals now easily get to the knowledge of the public through the various forms of media communication like the T.V. and especially with the global reach of the Internet. Jesus also witnessed a scandal in His days. Some Pharisees

wanted to make use of a scandal to trap Him. They asked our Lord to judge a woman caught in adultery. The crafty Pharisees said that according to the Law, she must be stoned. Jesus, instead of answering them, sat down and began to write on the ground. The Pharisees became impatient and pressed our Lord to respond. Jesus gave them a totally unexpected answer: “He who has no sin amongst you, be the first to cast a stone.” At these words, the Gospels tell us, that one by one starting with the oldest, the accusers abandoned their ploy. A moving scene follows. Christ, who became everything that we are except in sin, does not cast a stone. He doesn’t even give us a clue about the woman’s sin. He simply tells her “to go her way and to sin no more.” Every sin that we commit be continued on page 7

HENRYLITO D. TACIO

On becoming a leader WHEN God saw the misery of His people in Egypt, He asked Moses to lead them out of the clutch of Pharaoh. “I am sending you to Pharaoh to bring my people out of Egypt,” God told Moses. At first, Moses declined. “Who am I?” he asked. But God insisted, “Lead my people.” And that was what terrified Moses. To lead the people out of Egypt and he never had any experienced at all. “A leader,” says Dr. John C. Maxwell, the leading authority on leadership, “is one who knows the way, goes the way and shows the way.” Leonard Ravenhill in The Last Days Newsletter, shares the story of a group of tourists who were visiting a picturesque village. As they walked by an old man sitting beside a fence, one tourist asked in a patronizing way, “Were any great men born in this village?” The old man looked at the tourist who inquired and told him bluntly: “Nope, only babies.” In other words, leadership is developed, not discovered. The truly “born leader” will always emerge; but, to stay on top, natural leadership characteristics must be developed. So, what are some of the traits that a leader must develop? First and foremost, he must have a character. A scorpion, being a poor swimmer, asked a turtle to carry him on his back across a river. “Are you mad?” exclaimed the turtle. “You’ll sting me while I’m swimming and I’ll drown.” “My dear turtle,” laughed the scorpion, “if I were to sting you, you would drown and I would go down with you. Now, where is the logic in that?” The turtle agreed, “You’re right. Hop in.” The scorpion climbed aboard and halfway across the river the scorpion gave the turtle a mighty sting. As they both sank to the bottom, the turtle resignedly said, “Do you mind if I ask you something? You said there’d be

no logic in your stinging me. Why did you do it?” “It has nothing to do with logic,” the drowning scorpion sadly replied. “It’s just my character.” “Nearly all men can withstand adversity. If you truly want to test a man’s character, give him power,” said Abraham Lincoln. Character is what you do in the dark, D.L. Moody notes. And “there is no substitute for character,” reminds Robert A. Cook. “You can buy brains, but you cannot buy character.” Integrity is the second trait a leader must always possess. If what you say and what you do are the same, then you are a man of integrity. As Max Depree points out: “Integrity in all things precedes all else. The open demonstration of integrity is essential; followers must be wholeheartedly convinced of their leader’s integrity. For leaders who live a public life, perceptions become a fact of life.” “Whoever is careless with the truth in small matters cannot be trusted with the important matters,” said Albert Einstein. The ultimate test of leaders’ credibility is whether they do what they say. Most politicians are not good leaders because they lack this specific trait of a good leader. After all, what they say is not what they do. “No one achieves and sustains success without discipline,” Dr. John C. Maxwell once said. And that includes being a leader. As Bertrand Russell puts it, “Nothing of importance is ever achieved without discipline. I feel myself sometimes not wholly in sympathy with some modern educational theorists, because I think that they underestimate the part that discipline plays. But the discipline you have in your life should be one determined by your own desires and your own needs, not put upon you by society or  continued on page 7

Fair & Square IKE SEÑERES

Buy Pinoy products THE Federation of Philippine Industries (FPI) and the Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry Inc. (FCCCII) are set to launch a new “Buy Pinoy Campaign” on June 10, and the Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) has already joined this campaign that seeks to encourage Filipinos to favor the consumption of locally produced goods and services, over those that are “imported or smuggled” into the country, in order to stimulate the local economy and create new jobs, according to the TUCP Secretary-General, former Senator Ernesto Herrera. “Never say die,” I should say, because we have tried many times to launch several “Buy Filipino” campaigns, but to no avail. This idea was first proposed by the late President Carlos P. Garcia, but hardly did it take root and neither was it sustained. I am not about to oppose the resurrection of this noble campaign, but I say that this time around we should make it take off, and then make it last forever. According to my TV guest Dr. Ernie Gonzales who is President of the National Economic Protec-

tion Association (NEPA), the drive to buy local products is even more important now, because of the upcoming implementation of the ASEAN Free Trade Agreement (AFTA) this coming January 2010. This date is just around the corner, and the move of the government to postpone it may just be too late. NEPA is already more than 70 years old, and it is practically the oldest non-government organization in the country, established long before the acronym NGO was made popular. Come to think of it, the NEPA campaign to buy local products has actually antedated the campaign launched by President Garcia. Since we have failed before in the past in this regard, we should make every effort now to make it succeed this time. My other TV guest Dr. Dieter Benecke of the Konrad Adenauer Foundation (KAF) says that the philosophy of the social market economy (SME) is inextricably related to the preservation of the environment, because the issue of environmental preservation is always connected to the responsible production of goods and services.  continued on page 6

Mabuhay

4

JUNE 12 - 18, 2009

LINGGUHANG PILIPINO MULA PA NOONG 1980

Buhay Pinoy MANDY CENTENO

Tatlong gintong gunita (1) Ginto ang sagisag ng limampung taon Sandaa’t limampo’y tatlong ginto iyon Ito’y pagdiriwang, Sta. Isabel ngayon Nobyembre 1859, itinatag noon. Ang Sta. Isabel ay isang parokya Lungsod ng Malolos, ang sumasakop pa Hunyo bente uno ay araw na una Nobyemre disisyente, sandaa’t limampo na. Hunyo bente uno ay sa unang ginto Agosto anueve, ang ikalimampo Sa araw ng Linggo, dasal na tinuro Ito’y bibigkasin, mayro’ng mamumuno. Ikalawang Linggo, Hulyo ikalima Pormal na bubuksan, pagdiriwang nila May banal na misa sa buong parokya Na pasisimulan, ganap ikalima. Ganap ikasiyam ay parada naman At sa tatlong pook, itong pagmumulan Una’y sa Dakila, tampok na barangay Barangay San Pablo, ikalawang lugar. Barangay Mabolo ay itong pangatlo Sa mga kapilya, ang tagpuan dito Ang bawat kalahok, sa nasabing grupo Ay pamumunuan, sangguniang nito. Tagapangasiwa, sa pangkat na una Sina Kapitan Vic, Bro. Ahbet, Andy pa Barangay Dakila, doon sa Kapilya Ang mula Bungahan, dito na pupunta. Mga kasamahan, sa pangkat na ito Kasapi ng PASKA at Apostolado Ang Adoradores, ang SIPAG Boys dito BA, M.E., Lecters, Commentators nito. Pangalawang grupo’y pangangasiwaan Nina Brother Larry, Ogie, Jorge P.C.Y. Kapilya San Pablo, ang tanging tagpuan Magkikita-kita, ang limang barangay Ang mga barangay, sama-sama dito San Rafael, Tikay, Look na Segundo Ang Barangay Santor at itong San Pablo Ang tanging samahan ay CONSERJESANTO. Mga Lay Ministers, doon ay kasama At ang Charismatic, mga Honoraria J.Y.L., ,Altar Boys, kasamahan nila Ang nasabing grupo, tiyak na masaya. Tagapangasiwa, sa pangkat pangatlo Sina Brother Jessie, Ayong at si Celso Ang tagpuan nila’y Kapilya Mabolo Apat pang barangay, kasamahan dito. Sila ay tinawag dito’y MACOFABA Barangay MAbolo at itong COfradia Ang pook ng FAusta at ang BAlite pa Sa paglakad nila, sila’y sama-sama. Mga tanging grupo, dito’y kasamahan Ang C.W.L., kasamang P.C.Y. Ang Legion of Mary at SIPAG Ladies man Mga mang-aawit, kasapi nitong choir. Halal na opisyal, kasamahan nila Mga natatangi, sakop ng parokya Bokal Natividad, sa Bungahan siya Konsehal Teodoro, Dakila kasama. Si Konsehal Erjas, sa Mabolo naman Sa Barangay Santor, Konsi Manalaysay Mula sa Balite, Konsehal Gatchalian Punong ehekutibo ay mga pandangal. (May karugtong)

Murmurings ARIEL HANS C. SEBELLINO

The prey and the predator ONCE again, another scandal is on top of the heap of controversies. Its magnitude, or extent of coverage to be exact, has spawned entertainment of the highest level instead of taking it seriously. Or is it really serious stuff worth our time? Both the young and the adult couldn’t get enough of the sex videos that have become favorite conversation fodder in offices, parlors, restaurants and homes. In our very own neighborhood, kids who were most of the time with their parents this summer, were as eager as their parents to see for themselves what the fuss is all about. Good thing is our responsible parent-friends were able to block their children’s reach off the carnal videos. The opening of the school year is another story. They will have recesses to finally secure them. The YouTube is an open access. The internet shop is the ever-friendly neighbor of the school. It is another saga that will put to shame even the toprating teleseryes. It is another theatrical ride for lawmakers to shine while the public whine in disgust — over an inquiry that will again be found in the corridors of no closure. While the debates are unending, the highly continued on page 7

Kakampi mo ang Batas

ATTY. BATAS MAURICIO

Ari-ariang nabili ng mag-asawa TANONG: Good morning po Atty. Batas, nag-file po ng annulment ang misis ko laban sa akin at naghihintay na lang po kami ng desisyon mula sa korte, ang tanong ko po ay tungkol sa conjugal property, ibinebenta po kasi ng misis ko ang kanyang mga ariarian kasama na ang house and lot at sasakyan na ang lahat pong ito ay kanyang naipundar may karapatan po ba ako na pumarte sa pagbebentahan ng kanyang ari-arian? Sa ngayon po kasi ay wala po akong trabaho at lahat po ng kanyang property ay mula sa kanyang income. Marami pong salamat.

[email protected]

Sagot: Maraming salamat din po sa tanong na ito. Sa ilalim po ng Family Code, kung ang mag-asawa ay ikinasal matapos magkabisa ang Family Code noong 1988, at wala naman silang nakasulat na kasunduan kung papaano nila tatratuhin ang kanilang mga ari-ariang pundar noong sila ay mga binata’t dalaga pa, ang lahat ng ari-ariang ito ay magiging parehong pag-aari nila, kahit isa lamang ang nagpundar sa kanila. Sa kabilang dako, kung ikinasal sila noong bago magkabisa ang Family Code, ang mga ari-ariang ito ay ituturing na hiwalay na ari-arian ng bawat isa sa kanila, o pag-aari lamang ng asawang nakapagpundar ng mga ito noong binata o dalaga pa siya. Ngayon naman, kung ang mga ariariang ito ay naipundar ng isa sa magasawa noong mag-asawa na sila, ituturing ang mga itong pag-aari nilang mag-asawa, sa ilalim ng bahagi ng Family Code na nagsasabing “absolute community property” ng magasawa ang lahat ng ari-ariang naipundar nila noong sila ay makasal na. Lolo, lola, tiyahin at tiyuhin, puwede ring hingan ng suporta sa ilalim ng Art. 195 ng Family Code TANONG: Magandang gabi po. Masugid po akong taga-subaybay ng inyong programa. Nais ko pong idulog sa inyo ang aking problema tungkol sa ama ng aking mga anak. 4 na taon na po na hindi nagbibigay ng sustento ang tatay ng aking 2 anak na lalaki. Pinahinto ko po sa pagaaral ang mga anak ko dahil hindi ko na po kayang tustusan ang kanilang pag-aaral lalo po ngayon na akoy

nagkasakit. 2nd year na po sila ng aking pahintuin sa pag-aaral. May ilang ulit ko na po siyang idinemanda ngunit sa tuwing may hearing po kami, dumarating siya na walang abogado dahil hindi daw po niya kayang kumuha ng abogado. Wala daw po siyang trabaho ngunit may negosyo ang kanyang ama at suportado naman siya ng kapatid niyang nasa America. Ano po ang dapat kong gawin para maibigay niya ang suporta ng mga anak namin? Kami po ay hiwalay na noon pang 1993, ako po ay nagpetisyon ng suporta noong 1997 at siya naman ay sumunod sa inutos ng korte. Ngunit hininto na nga niya apat na taon na ang nakakaraan. Nais ko po sana humingi ng tulong sa inyo. Kung ano po ang nararapat kong gawing hakbang para po mag sustento siya muli. Maraming salamat po sa panahon na iyo pong ginugol sa pagbasa nito. God bless you po, at more power sa inyong mga programa. — [email protected]

Sagot: Maraming salamat din po sa e-mail na ito, at may God bless you, too. Ayon sa Family Code, ang isang magulang ay may tungkuling magbigay ng suporta sa kanyang mga anak, lalo na yung mga menor de edad pa lamang (o mababa pa ang edad sa labingwalong taon) o di kaya ay yung mga nag-aaral pa bagamat nasa wastong edad na. Kung hindi magagampanan ng magulang ang tungkuling magbigay ng suporta, maaari siyang makasuhan ng paglabag ng Republic Act 7610, o ang Anti Child Abuse Law, na maaaring maging daan upang siya ay makulong ng hindi bababa ng walong taon. Sa kabilang dako, kung hindi kaya ng magulang ang magbigay ng suporta sa kaniyang sariling anak, ang tungkuling magbigay ng suporta ay tutungo sa magulang ng magulang, o sa lolo at sa lola ng batang dapat bigyan ng suporta. Ito ay batay sa Art. 195 ng Family Code, na nagsasabi ng ganito: Subject to the provisions of the succeeding articles, the following are obliged to support each other to the whole extent set forth in the preceding article: x x x parents and their legitimate children and the legitimate and illegitimate children of the latter; parents and their illegiti-

Napapanahon

mate children and the legitimate and illegitimate children of the latter x x x” Sa katunayan, batay din dito sa Art. 195 na ito ng Family Code, ang obligasyong magbigay ng suporta ay maaari ding ibigay sa mga kapatid ng tatay o nanay na hindi makapagbigay ng suporta. Kaya lamang, kailangang hilingin mula sa mga kamag-anak na ito ang pagbibigay ng suporta sa bata, batay sa Art. 203 ng Family Code, na nagsasabi ng ganito: The obligation to give support shall be demandable from the time the person who has a right to receive the same needs it for maintenance, but it shall not be paid except from the date of judicial or extrajudicial demand. Ang paghiling na ito ng suporta ay kadalasang isinasagawa sa pamamagitan ng pagpapadala ng demand letter sa nasabing mga kamag-anak. Right of way, puwedeng hingin basta’t masusunod ang kondisyon sa Civil Code TANONG: Magandang gabi po sa inyo ako po si Rosanna Javier de Leon, 27 yrs old, nakatira sa b2 l 16 Ferlins Subd., San Vicente, Binan, Laguna. Akin pong isasalaysay ang pinagmulan ng lupang buong pusong ipinagkaloob ng aking kapatid na si Julie Javier. Taong 1993 nang biglaang magkaroon ng malaking problema sa droga ang kapatid ng aking tatay na si Romeo Serrano. Na naging dahilan upang maglabas ng malaking halaga ang aking kapatid na si Julie Javier dahil sa kahilingan ng aking ama upang tubusin ang kanyang kapatid sa kulungan at tubusin ang lupang pag-aari ni Romeo Serrano. Matapos tubusin ang may-ari at ang kanyang lupa inilipat sa pangalan ng aking nanay at tatay ang lupa dahil nasa ibang bansa ang aking kapatid na si Julie. Mula po nang mapunta ito sa pangalan ng aking nanay at tatay sa loob ng mahabang panahon ay hindi namin pinakinabangan. Tanging ang mga kapatid at pamangkin ng aking tatay ang nakinabang sa nasabing lupa. Taong 2005 nang magdesisyon ang aking kapatid na ipalipat ito sa aking pangalan (Rosanna Javier de Leon). Iniutos ng aking kapatid na ito ay aking ibenta upang aming mapakinabangan dahil dumating po ang  sundan sa pahina 7

LINDA PACIS

No. 2 ang Tiaong sa REVIVE Baliuag ANG Barangay Tiaong na pinangungunahan ni Punong Barangay Ricky R. Romulo ang pamangalawa sa REVIVE Baliwag na proyekto naman nina Myor Romy Estrella at ng kanyang butihing maybahay Mayora Sonia kung saan nagpaligsahan ang 27 barangay ng Baliwag. Si Kapitan Romulo ay ang dating first kagawad ng Barangay Tiaong. Narito ang kanyang kuwento: “Noong nakaraang eleksiyon ay nanalo ako bilang kagawad sa unang puwesto dito sa barangay. Sa hindi inaasahang pangyayari ay binawian ng buhay ang aming kapitan. At ako ang naupo bilang bagong kapitan mula Mayo 15 ng nakaraang taon. Ang mga unang araw ko sa barangay ay hindi naging madali para sa akin subalit pinilit kong matugunan ang lahat para sa aking barangay sa mga panahon ding iyon ay nasabay ang paglulunsad ni Mayor Romy Estrella at Mayora Sonia Estrella ng proyekto na tinawag na REVIVE Baliwag. Isa itong paligsahan ng 27 barangay dito sa aming bayan. Maraming criteria ang REVIVE subalit kung iyong makikita, pinagtutulong-tulungan naming matugunan ang mga ito. Ang resulta ay isang maganda, malinis, tahimik at kaaya-ayang barangay. Magkakatulong kami ng mga barangay tanod, mother leader, at mga concerned citizen ng barangay. Linis dito, linis doon ang una naming naging hakbang kasunod ang pagtatanim ng kawayan, mahogany at iba pang mga halaman; paglalagay ng herbal gar-

den sa barangay; paglalagay ng mga basurahan; pagbibigay ng liwanag sa madidlim na lugar; paglilinis at pagsasaayos ng mga kalye; muling pagpapaalala sa mga ordinansa ng barangay gaya ng sa videoke, sa aso at iba pa; pagpapaliwanag sa kabarangay kung ano ang REVIVE Baliwag; paglagay ng ornamental plants sa bawat poste upang maging kaayaaya sa paningin; paglalagay ng direktoryo ng mga nanunungkulan sa information board sa bukana ng barangay upang malaman nila ang bagong pangyayari sa labas at loob ng barangay at gayundin ang pakikiramay sa lahat ng namatayan dito sa pangunguna ng buong sanggunian. Nakatutuwang marinig na marami ang namangha sa pagbabago sa aming barangay taga-rito man o tagaibang lugar kaya’t noong Mayo 8 sa gabi ng parangal ay napili ang aming barangay bilang 2nd Place Winner. Kaya’t tunay nga na kapag samasama kayang-kaya.” Sta. Barbara FINALIST ang Barangay Sta. Barbara sa REVIVE Baliwag. Ayon kay Punong Barangay Rommel Tadeo, noong Abril 26 ay benendisyunan ang garbage truck ng barangay at nagsimula nang gamitin sa pagkolekta ng basura noong ika-1 ng Mayo. Nagdaos ng operation tule noong Mayo 13,14 at 15 kung kailan 130 kabataan ang naserbisyuhan. Sumali rin ang barangay sa Lakan at Lakambini ng Baliwag at sina Daryl

Salvador (lakan) at Keith Rivera (lakambini) ang kumatwan. Ayon pa rin kay Kapitan Tadeo, nagkaroon sila ng livelihood projects mula Abril hanggang Mayo 15 kung saan may 15 ang nagsanay sa meat processing at 20 sa celfone repair. Nagkaroon din sila ng Medical Mission noong Abril 24 kung kailan 300 pasyente ang ginamot at iniksamen sa ECG, urinalysis, blood typing, dental extraction, blood sugar at blood pressure monitoring. Nagbigay din ng mga libreng gamot at pedia consultation. Barangay Sto. Cristo KAHIT hindi sumali sa documentation ng REVIVE Baliwag ang barangay Sto. Cristo ay may mga proyekto rin sila na itinaguyod. Ayon kay Punong Barangay Felix Calanoc Jr., ang mga ito ay ang clean ang green, karagdagag outpost sa mga kalye ng Lopez Jaina, Daang Bakal at Balagtas.; paglilinis ng kanal, peace and order, curfew sa ika-10 ng gabi hanggang ika-4 ng madaling araw para sa kabataan at feeding program. “Ipinagawa rin namin ang mga butas at lamat sa mga nitso sa Catholic Cemetery ng Sto. Cristo,” dagdag pa ni Kapitan Calanoc. Sino sa kanila? Sino kaya sa mga kinatawan ng Bulacan ang nadagdagan ang pork barrel ng P20 milyones dahil sa pagsali sa CON ASS? Mga bagong Bulakenyo, kung talagang mga bago kayo, Iboboto pa ninyon sila?

JUNE 12 - 18, 2009

Mabuhay

5

LINGGUHANG PILIPINO MULA PA NOONG 1980

Pagkalap ng ulat hinggil sa ‘swine flu’: Paano kung mayroong mga ‘positibo’?  mula sa pahina 1

Manila Hotel para sa isang kumperensiya ng Christians in MediaPhilippines. Nagsalimbayan sa aking isipan ang iba’t ibang alalahanin habang nililinaw ko sa aking kaibigan ang kanyang ibinalita hinggil sa kinatatakutang sakit. Pupunta ba ako sa SMAH para kumpirmahin ang balita? Paano kung mayroon nang estudyanteng positibo sa nasabing sakit, sapat ba ang aking proteksyon sa sarili? Pero bilang isang mamamahayag, kailangan kumpirmahin ko ang balita upang maihabol sa susunod na edisyon ng mga pahayagang aking sinusulatan tulad ng Mabuhay at Philippine Star. Totoo, may alinlangan ako dahil sa pangamba sa posibilidad na mahawa. Ilang beses ko nang nadama ang pangamba sa pagsasaliksik ng balita hinggil sa mga nakakahawang sakit mula noong 2003 kung kailan pumutok ang balita hinggil sa Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS) at noong 2005 kung kailan may natukoy na insidente ng hindi nakakahawang kaso ng bird flu sa Barangay Pungo, Calumpit, Bulacan. “Hinding-hindi ako magko-cover doon.” Ito ang itinanim ko sa aking sarili noong 2003 at 2005. Naalala ko rin ang mensahe sa mga seminar na aking dinaluhan: “Safety first.” Sa nasabi ring mga seminar ay natutunan ko ang dumiskarte sa pagsasaliksik ng balita katulad ng mga nakakahawang sakit. Isa sa pamamaraan ay ang paggamit ng makabagong teknolohiya tulad ng telepono. Binigyan ako ng aking kaibigan ng numero ng dalawang guro sa SMAH. Naisip ko, tamang-tama, makakakuha ako ng kumpirmasyon at iba pang detalye hinggil sa balita. Siyempre, bago ako tuluyang umuwi ay bumili muna ako ng load para makatawag ako sa mga source ng balita. Ngunit bitin ang inisyal na impormasyong aking naipon dahil ayaw ipabanggit ng mga gurong aking tinawagan ang kanilang pangalan. Naisip ko, hindi pa titindig ang balita. Mahina pa. Kailangan pa ng dagdag na kumpirmasyon. Tinawagan ko si Dr. Joycelyn Gomez, provincial health officer ng Bulacan, kaso biglang namatay ang kanyang cellular phone bago pa man sagutin. Naisip ko, pinatay ba ni doktora ang kanyang cellular phone? Pero makaraan ang halos isang oras ay tumawag siya sa akin at sinabing low bat o naubos na ang karga ng baterya ng kanyang cellphone. Tinawagan ko rin si Dr. Irmingardo Antonio, medical officer ng Department of Education (DepEd) sa Bulacan, kaso wala pa daw siyang balita hinggil sa A H1N1 virus sa SMAH at ako daw ang unang nagpahatid sa kanya ng balita sa nakakahawang sakit. Dahil wala akong makuhang dagdag na impormasyon, nagpahatid ako ng mga text message sa mga

opisyal ng Kapitolyo. Ngunit wala rin daw silang impormasyon. Papadilim na nang makatanggap ako ng isang text message mula sa kaibigan kong unang nagbalita sa akin ng kaso ng “swine flu” sa SMAH. Sabi niya, “Si Mrs. Payongayong ang treasurer ng Divine Word Hospital. Siya ang may impormasyon.” Laking tuwa ko nang mabasa ko ang kanyang text message dahil ang taong tinutukoy niya ay nakatira malapit lamang sa aming bahay. Siya ay walang iba kungdi si Celia Payongayong, isang nurse sa Divine Word Hospital na nagsisilbi ring tesorera ng ospital. Muli kong isinuot ang aking hinubad na damit pagdating ko ng bahay, kinuha ang ballpen, notebook at cellular phone, at nagtungo na ako kina Mrs. Payongayong. Sa kuwento ni Celia sa akin, nilinaw niya na hindi pa kumpirmado kung positibo ang estudyante sa Influenza A H1N1. Ito ang dahilan kung kaya inilipat sa Lung Center of the Philippines sa Lungsod Quezon ang bata dahil sintomas pa lamang ang natukoy ni Dr. Zoraida Miguel ng Divine Word Hospital. “Sana, mag-negative siya kasi kawawa ang mga estudyante,” ani Celia at ikinuwento pa na siya ang tumawag kay Dr. Rommel Pajela, municipal health officer ng Hagonoy, noong Miyerkoles ng umaga upang iparating ang kaso ng batang kinakitaan ng sintomas ng sakit na Influenza A H1N1. Bukod kay Dr. Pajela, tinawagan din ni Celia ang tanggapan ng alkalde ng Hagonoy at punong guro ng Saint Mary’s Academy. “Kailangang nilang malaman iyon dahil hindi biro ’yung sakit lalo na kung maging positibo,” dagdag pa niya. Medyo napahaba ang aming kuwentuhan, kaya’t madilim na nang ako ay magpaalalam sa kanya. ’Di pa ako nakakalayo sa bahay nila nang bumuhos ang malakas na ulan na may kasamang kulog at kidlat. Naisip ko, baka ako ang magkasakit o kaya ay tamaan ng kidlat. Ako ang mababalita, at hindi magbabalita pag nagkataon. Kinabukasan, Huwebes, nagpunta ako sa munisipyo kasama si Rommel Ramos, ang stringer ng GMA 7 sa Bulacan upang kapanayamin ang alkalde ng Hagonoy. Kaso, on-leave si Mayor Angel Cruz kaya si Vice Mayor Elmer Santos ang nanunuparang alkalde. Wala sa kanyang tanggapan si Santos ng oras na iyon. Nasa SMAH siya at nakikipagpulong sa mga opisyal ng kalusugan at ng paaralan. Natuwa ako nang makita si Acting Mayor Santos paglabas ng SMAH dahil kasama niya si Dr. Gomez. Naisip ko, titindig na ang istorya. Matapos ang pakikipanayam sa dalawa, nagpunta pa kami ni Rommel sa Barangay Abulalas dito rin sa Hagonoy upang kapanayamin ang mga magbababoy na namumuroblema sa pagkalat ng misteryosong

sakit na naging sanhi ng pagkamatay ng kanilang mga alagang baboy. Ayon sa nanunuparang beterinaryo, hindi misteryoso ang sakit ng mga baboy. Sa halip, iyon ay ang porcine respiratory and reproductive syndrome (PRRS). Halos ika-2:00 na ng hapon nang matapos kami sa interview. Naghiwalay na kami ni Rommel. Bumalik na ako sa kabayanan ng Hagonoy upang gumawa ng istorya, at siya naman ay nagbalik na sa Malolos. Pagkagawa ko ng istorya, tuluyan na akong umuwi para mananghalian, bandang ika-3:30 ng hapon. Pagkakain, magpapahinga na sana ako nang matanggap ko ang sunod-sunod na text message na mayroon din daw estudyante sa bayan ng Bulakan na kinakitaan ng sintomas ng Influenza A H1N1, kaya nagtatawag na naman ako sa mga opisyal upang magkumpirma at pagkatapos ay muling nagpadala ng istorya. Madali lang sana ang update sa balita, kaso mabagal ang internet access ko sa bahay, kaya nakigamit pa ako sa pinsan ko. Kasama ko na noon ang aking supling. Sa edad ni Bethany Eirene na dalawang taon at kalahati nasa kalikutan at kadaldalan siya, kaya bago ko maipadala ang update sa balitang aking sinulat ay katakot-takot na saway ang ginawa ko sa kanya upang hindi pagpipindutin ang keyboard ng computer ng pinsan ko. Pagkatapos kong maipadala ang update sa istorya ko ay umuwi na kaming mag-ama. Naisip ko, makakapagpahinga na rin ako sa wakas. Pero hindi pa rin pala. Muli, sunod-sunod na text message ang aking natangggap kabilang ang mga nangangambang mensahe ng aking mga kababayan sa Hagonoy hinggil sa kaso ng Influenza A H1N1 sa SMAH. Sabi sa text ng aking kaibigang si Arnold Mendoza, “Kakatakot pare, dalawa anak ko sa Central (Hagonoy East Central School ) at isa sa SACHS (St. Anne’s Catholic High School).” Ang dalawang nabangggit na paaralan ay katabi ng SMAH. Sa totoo lang, hindi masisisi na mangamba sa Influenza A H1N1 ang mga taga-Hagonoy dahil noong Abril lang nagsimulang kumalat ang kinatatakutang sakit sa Mexico City. Nitong Mayo nakapagtala na sa Pilipinas at sa unang bahagi ng Hunyo sa De La Salle University sa Maynila ay may nakumpirmang kaso ng Mexican swine flu. Sa mga naunang kasong nabanggit masasabing naging kampante ang mga kababayan ko dahil inisip nila, “Malayo pa naman, nasa Maynila pa.” Pero nang kumalat ang balita sa Hagonoy noong Huwebes sa pamamagitan ng mga text message, nagbago ang pananaw nila. Bigla silang nag-alala at nangamba na tulad ko. Bakit hindi? Nasa tabi na lamang namin ngayon ang mga taong kinakitaan ng sintomas ng Flu A H1N1.

Proper use and display of the flag  from page 1 should be on top and the triangle at the left of the observer. In time of war, the red stripe should be on top.

When the flag is flown at half mast to symbolize mourning, it must be raised to full mast, allowing it to fly there for a moment before bringing it down to half mast. To lower the flag at sunset or at any other time when ordered, it must again be raised to full mast before it is brought down.

The flag should be displayed only at sunrise to sunset, or at such times as may be designated by the proper authorities.

When the national flag is borne in a parade with those of foreign nations, it should always be in front of the center of the line of the other flags.

When the flag is displayed on a small staff as in a parade, mourning is indicated by attaching two

small streamers of black crepe to the spearhead, allowing the streamers to fall naturally.

When a number of flags are grouped and displayed from staffs, the Philippine flag should be in the center at the highest point.

When used to cover a casket, the triangle should be over the head and the blue stripe over the right side of the body. The flag should not touch the ground. The casket should be carried foot first.

When flown with flags or pennants of organizations on the same ballyard, the Philippine flag should always be the peak.

When mounted on a platform, the flag should be placed on the presiding officer’s right and a bit in front, as he faces the congregation. Other flags should be on his left.

When displayed with another flag against a wall from crossed staffs, the Philippine flag should be on its

own right, and its staff should be in front of the staff of the other flag.

When used on a speaker’s platform without the staff, the flag should be displayed horizontally and placed above and behind the speaker. It should never be used to cover the speaker’s desk or to drape over the platform.

The flag should be flown from a staff when displayed on a float.

The flag should not be embroidered on clothes, or on any piece of cloth. It should not be used as part of a costume.

The flag should not be used as unveiling material in unveiling ceremonies.

The flag should not be displayed in cockpits, dance halls and centers of vice. It should not be used for decorations.

Discard old and tattered flags. Worn out flags should be destroyed privately, preferably by burning.

Bagong Inhinyera

Engr. Andrea Mathea F. San Pedro

Si Andrea Mathea F. San Pedro ay pumasa sa exam para sa mga civil engineer na isinagawa ng Professional Regulation Commission kamakailan. Si Andrea ay produkto ng Bulacan State University sa Lungsod ng Malolos, Bulacan. Siya ay anak nina Balagtas at Letty San Pedro ng Tabing Bakod, Sta. Maria, Bulacan.

PAGMANA SA LABAS NG HUKUMAN NG MGA ARI-ARIANG NAIWAN NI RAQUEL BERNARDO NA MAY PARTIHAN Dapat malaman ng lahat na ang ari-arian ng namayapang si Raquel Bernardo na namatay noong ika-21 ng Pebrero, 1998 sa Camias, San Miguel, Bulacan ay walang naiwang huling habilin o testamento. Na siya ay nakaiwan ng walong (8) parsela ng lupa na matatagpuan sa Camias, San Miguel, Bulacan kasama ang kagalingang natatayo doon na mas makikilala sa paglalarawang 1) Transfer Certificate of Title No. T-188890; 2) Transfer Certificate of Title No. T-188891; 3) Transfer Certificate of Title No. T-188892; 4) Transfer Certificate of Title No. T188893; 5) Transfer Certificate of Title No. RT-59413 (T-245572); 6) Tax Declaration No. 2006-22018-00820 ; 7) Tax Declaration No. 200622018-00821 ay napagpasiyahang manahin sa labas ng hukuman na may partihan ng mga lehitimong tagapagmana na mas makikilala sa Kasulatan Blg. 440; Pahina Blg. 88; Aklat Blg. 106; Serye ng 2009 ni Notaryo Publiko Atty. Jose M. Cruz. Mabuhay: May 29, June 5 & 12, 2009

http://mabuhaynews.com e-mail: [email protected]

Mabuhay

6

Fil-Japanese sa Hagonoy walang Influenza A H1N1 na community outbreak ang walong kaso ng Influenza A H1N1 sa DCMDMHS sa Barangay Bambang ng bayang ito. Ipinaliwanag ni Dr. Gomez na ang pagkakaroon ng community outbreak o biglang pagkalat ng sakit katulad sa Jaen, Nueva Ecija ay batay sa kung may iba pang mga taong nahawa sa mga positibo sa sakit. “We still have to check the level of transmission, but for the moment there is nothing to fear kasi mild lang yung cases. Wala pang naospital dahil puro nasa home confinement ’yung mga students,” ani Gomez nang siya ay makapanayam ng Mabuhay sa telepono noong Hunyo 15.

 mula sa pahina 1

“Dalawa ’yung anak kong nag-aral sa Central at isa sa SACHS kaya medyo kinabahan ako,” ani Mendoza patungkol sa Hagonoy East Central School at St. Anne’s Catholic High School na di kalayuan sa Saint Mary’s Academy– Hagonoy. Hindi pa outbreak BULAKAN, Bulacan — Hindi pa maituturing na “community outbreak” ang pagiging positibo sa Influenza A H1N1 o “Mexican swine flu” ng walo sa 49 na mag-aaral na kinakitaan ng sintomas sa isang pampublikong paaralan sa bayang ito ngunit mananatiling suspendido ang klase sa Donya Candelaria Meneses Duque Memorial High School (DCMDMHS) hanggang Hunyo 21. Idineklara noong Hunyo 15 ng Department of Health (DOH) ang kaunaunahang community outbreak ng “swine flu” sa bansa matapos makumpirmang positibo ang 11 mag-aaral ng Hilera Elementary School sa Jaen, Nueva Ecija. Ang pagkalat ng kinatatakutang sakit sa Jaen ay ipinahayag tatlong araw matapos ideklara ng World Health Organization (WHO) ang “pandemic alert stage six” o ang pinakamataas na alert level o babala hinggil sa kumakalat na sakit. Ayon kay Dr. Joycelyn Gomez, provincial health officer, na siya ring tagapagsalita ng lalawigan hinggil sa Influenza A H1N1, hindi maituturing ○



JUNE 12 - 18, 2009

LINGGUHANG PILIPINO MULA PA NOONG 1980























Pagsuspinde sa klase Unang napansin ang pagkakasakit ng 11 estudyante sa bayan ng Bulakan noong Hunyo 10, kaya’t agad na nag-utos ang DOH na suspendihin ang klase kinabukasan sa kanilang paaralan, ayon kay Dr. Irmingardo Antonio, medical officer ng Departmernt of EducationBulacan (DepEd-Bulacan). Ito ay kasabay ng pagsuspinde sa klase sa SMAH sa Hagonoy. Mananatiling suspendido ang klase sa dalawang paaralan bilang bahagi ng 10-araw na quarantine period na itinakda ng DOH. Hinggil naman sa pinagmulan ng sakit, sinabi ni Dr. Gomez na hindi matiyak kung saan o kanino nahawa ang mga kabataang mag-aaral sa Bulakan. ○







Fair & Square























 from page 3

Ms. Margo Mercado, my contact at the Asian Institute of Management (AIM) who arranged the interview of Dr. Benecke was quick to point out that his SME subject was not the same as the commonly known meaning of small and medium enterprises. As it turned out, his definition of the social market economy actually favors the promotion of small and medium enterprises. To some extent, it could be said that the big companies are partly responsible for our failure to make globally competitive products, with a few exceptions. It is the government that has practically spoiled them with too many incentives that were just used to increase their profits, but not improve their global competitiveness. This time around, it may be best to spread these incentives to the small and medium enterprises as a way of growing the social market economy, a “set of thinking” that is being promoted by Christian social democrats worldwide. Small is still beautiful, and I fully agree with that. How are we going to make the “Buy Pinoy” campaign succeed this time? The best way to start I think is to strictly enforce the markings of all products that are sold in the local market, both local and imported. After that, it would make a lot of sense to come up with a database of all products that are truly locally made, based on their approved markings. As we revive the campaign to buy local, we should be wary of the fact that because of globalization many Filipino companies are now sourcing their products from abroad, while at the same time using or keeping their local brands. This would often confuse Filipino buyers into thinking that their products are locally made, but are actually imported. For example, Shoemart is using the SM brand in selling shoes in their stores, a brand that is known to be local. Sad to say however, most if not all of their shoes are now made in China, a move that has happily brought life to their bottom lines, but has sadly caused the death of the local shoe industry. This is apparently true in the case of “Kamiseta” and “Bench” also. Watch my TV show “Bears & Bulls”, a daily coverage of the Philippine Stock Exchange, 9:00 AM to 1:00 PM in Global News Network. Email [email protected] or text +63929-3605140 for local cable listings.

Tangkilikin ang gawang Pinoy!

Ano ang A H1N1 pandemic alert 6? NI DINO BALABO HAGONOY, Bulacan — Idineklara ng World Health Organization (WHO) ang Influenza A H1N1 pandemic alert stage 6 noong Hunyo 12, o eksaktong 60 nang araw mula nang unang maitala ang pagkamatay ng isang pasyente sa Mexico City noong Abril 13. Ngunit ano nga ba ang pandemic alert stage 6? Ayon sa WHO, ang pandemic alert stage six o ang huling bahagdan ng babala ay ang pagkakaroon ng patuloy na pagkahawa ng tao mula sa kapwa tao at lumalawak ang nasasakupang lugar kung saan ay may mga nahawang tao. Sinabi ni Dr. Margaret Chan, director general ng WHO, ang pandemic alert stage 6 ay hindi nangangahulugan na naging mabalasik ang Influenza A H1N1 virus, sa halip ang babala ay tumutukoy sa pagkalat ng virus sa isang lugar. “We want to make the clarity that the higher alert level of the pandemic does not necessarily mean that we are going to see a more dangerous virus, or many more people falling severely ill or dying,” ani Chan sa isang press briefing sa Geneva, Switzerland noong Hunyo 12. Ang naganap sa nasabing press briefing ay inilathala sa iba’t ibang pahayagan at maging sa mga mga website sa internet. ○

















Promdi

















































































































 mula sa pahina 2

kunan ng mga impormasyong kanilang tinipon bilang patunay na totoo ang kanilang sinasabi. Katulad ng mga mamamahayag, bahagi ito ng kanilang pananagutan sa kanilang mambabasa. Ang paglalagay ng mga footnote ng mga historyador at ibang manunulat sa kanilang sinaliksik ay nangangahulugan na handa sila sa pagsusuri ng ibang mananaliksik at ituwid ang anumang pagkakamali. *** Narito, ang problema. Handa ba ang gobyerno at mga taong bumubuo nito na ituwid ang kanilang pagkakamali, kungdi man ay aminin ang kanilang pagkakamali? Isang halimbawa ay ang Kapasiyahan Bilang 091-T’09 na pinagtibay ng Sangguniang Panglalawigan nitong Mayo 11, sa pagtataguyod ni Bokal Ernesto Sulit ng Ika-3 Distrito ng Bulacan. *** Ang nasabing Panglalawigang Kapasiyahan ay tumutukoy sa mahigit isang buwang pagdiriwang ng National Flag Day sa Bulacan mula Mayo 15 hanggang Hunyo 30 ng bawat taon. Batay sa ikatlong saknong ng nasabing kapasiyahan na itinaguyod ni Sulit at pinagtibay ng Sangguniang Panglalawigan, ang pambasang watawat ay unang iwinagayway noong Mayo 28, 1898 sa Alapan, Imus, Cavite. Subalit ayon sa isang kasapi ng Cavite Historical Society (CHS), mali ang nasabing impormasyon. *** Batay sa artikulong sinulat ni Willy Pangilinan ng CHS, na lumabas sa pahayagang Operation Expose noong Mayo 24-30, 2009, ang pambansang watawat ay unang iwinagayway sa harap ng Teatro Cavitenyo sa Cavite Nuevo at hindi sa Alapan, Imus, Cavite. Ang Teatro Cavitenyo sa Cavite Nuevo ay ginamit na Military Headquarters ni Hen. Emilio Aguinaldo mula noong Mayo 25, 1898. Binanggit din ni Pangilinan ang nakasaad sa panandang pangkasaysayan na ikinabit ng National Historical Institute sa Alapan, Imus, Cavite noong 1998. Narito ang bahagi ng nakasaad sa panandang pangkasaysayan: “Battle of Alapan. On this site, on 28 May, 1898, between 10:00 AM to 3:00 PM a bloody encounter ensued between Filipino Revolutionary Forces and approximately 270 Spanish Marines. This battle, which resulted in the triumph of Filipino forces, was taken as a glorious occa-

Kastigo



Ang totoo, ang mga pandemic alert level ay batay sa inihandang preparedness plan laban sa bird flu noong 2006. Ito ay kinumpirma ni Dr. Romeo Manalili ng Department of Agriculture sa Gitnang Luzon sa isang panayam ng Mabuhay noong Mayo 1. Ayon kay Dr. Manalili, “Iisa ang protocol na sinusunod sa pandemic.” Batay sa bird flu preparedness plan, ang stage 1 alert ay nangangahulugan na wala pang bagong influenza virus na nadidiskubre, at maliit pa ang posibilidad na mahawa ang tao mula sa hayop na pinagmumulan nito. Ang stage 2 ay mayroong bagong influenza virus na na-detect sa hayop at posibleng makahawa sa tao; samantalang ang stage 3 ay mayroon nang tao na nahawa mula sa hayop ngunit wala pang tao na nahawaan ng virus mula sa kapwa tao. Ang stage 4 ay mayroon nang insidente na nahawa ang tao sa virus mula sa kapwa tao, ngunit kakaunti pa rin ang bilang. Katulad nito, ang stage 5 ay mayroon nang tao na nahawa mula sa kapwa tao, at higit na mas marami ang kanilang bilang ngunit nananatili pa ring “localized” ang impeksyon o hindi pa kumakalat ang sakit sa mga pamayanan.



















national state of emergency, pero sa halip, nagpalabas ng kung anu-anong Executive Order, at iba pang kautusan at patakarang labag sa Konstitusyon, ayon sa pasiya ng Korte Suprema. Nililito ang sambayanan Ngayon patuloy na nililito ng Administrasyong ito hindi lamang

ang Bulacan ay isa nang lalawigan mula pa noong Agosto 15, 1578 o pitong taon matapos maitatag ang Pampanga bilang isang lalawigan. Nakapagtataka rin bakit nasabi ni Mendoza na, “nahiwalay ang Bulacan sa piling ng kanyang inang Pampanga noong 1755” samantalang kinikilala na ng pamahalaang panglalawigan ng Bulacan mula pa noong 2006 na ang Bulacan ay isa nang lalawigan mula pa noong Agosto 15, 1578. *** Bilang isang provincial administrator, si Mendoza ang isa sa mga opisyal ng pamahalaang panglalawigan na dapat ay nakakaunawa sa kasaysayan, hindi ba? At bilang isang mataas na opisyal ng Kapitolyo, kayang-kaya ni Mendoza na sumangguni sa Bahay Saliksikan ng Bulacan para matiyak ang kawastuhan ng kanyang inihanda o ipinahandang talumpati, hindi ba? *** Kung mali ang mga impormasyong pinagtibay ng Sangguniang Panglalawigan at binigkas ni Mendoza, nararapat lamang itong ituwid upang lumaya sa kamangmangan ang mga taong hindi sapat ang pangunawa sa kasaysayan. Kung mali rin naman ang aking pagsusuri at pagtawag pansin sa kanila, nakahanda akong humingi ng paumanhin sa publiko bilang isang mamamahayag na Bulakenyo upang ituwid ang aking pagkakamali, ngunit dapat muna nilang patunayan ang kamalian sa aking pagsusuri. *** Para naman sa Bahay Saliksikan ng Bulacan, panahon na upang linawin ang impormasyong ipinalabas ng kanilang mananaliksik na si Ian Alfonso hinggil sa sinasabing Expediente ng Pampanga na diumano’y nagsasabing nahiwalay ang Bulacan sa Pampanga nong 1755 o halos 200 taon matapos matatag ang Bulacan bilang lalawigan. Ano ba ang Expediente? Ano ang kahalagahan nito? Sino ang nakatuklas ng sinasabing Expediente ng Pampanga? Naniniwala ang Promdi na bilang isang sentro ng pananaliksik, dapat patunayan ng Bahay Saliksikan ng Bulacan ang kanilang kakayahan sa pananaliksik upang maituwid ang mga pagkakamali sa pagtatala ng kasaysayan. Ang maipapayo ko ay dapat pangunahan ng Bahay Saliksikan ng Bulacan ang isang kumperensiya sa pananaliksik upang magkaroon ng kahulugan ang kanilang pananagutan sa sambayanang Bulakenyo.

sion for General Emilio Aguinaldo y Famy to display the Philippine Flag for the first time at Cavite Nuevo …” *** Kung tutuusin ay simple lamang ang pagkakamali ng Panglalawigang Kapasiyahang isinulong ni Sulit, ngunit dapat tandaan na ang mga dokumentong katulad nito ay magsisilbing batayan ng mga kabataan, mag-aaral at mga mananaliksik. Kung hindi itutuwid, maling impormasyon ang makokopya nila. Maliit na pagkakamali lamang ito, subalit malinaw na makikita ang kapabayaan ng umakda ng Kapasiyahan at ng mga bumubuo sa Sangguniang Panglalawigan na dapat sana ay nagsagawa ng pananaliksik at pagsusuri. *** Tandaan natin na ang mga halal na lingkod bayang katulad nila ay sumumpa na maglilingkod sa bayan at ipaglalaban ang kapakanan ng sambayan. Ngunit kung sila ay nagpapabaya sa tungkulin, katulad ng hindi pagsusuri at pananaliksik, lumalabas na tumatalikod sila sa tungkuling sinumpaan, at nakahandang malulong ang mga Bulakenyo sa tanikala ng kamangmangan. *** Hindi lang iyan. Minsan ay binangggit ko na sa pitak na ito ang talumpati ni Provincial Administrator Pearly Mendoza sa nakaraang kumperensiya hinggil sa kasaysayan, kalinangan at sining ng Bulacan at Pampanga na ginanap sa Holy Angel University sa Lungsod ng Angeles, Pampanga noong Mayo 12. Sa nasabing talumpati, sinabi ni Mendoza na anak ng Pampanga ang Bulacan nang bigkasin niya sa mga dumalo sa kumperensiya ang mga salitang “Nang maisilang ang lalawigan ng Pampanga noong Disyembre 11, 1571, naging isang teritoryo nito ang Bulacan. At doon sa aming matandang kabisera sa bayan ng Bulakan, natuklasan rin na minsan na rin itong naging kabisera ng matandang Pampanga. Di nagtagal, nahiwalay ang Bulacan sa piling ng kanyang inang Pampanga noong 1755 at gumuhit ito ng sariling kasaysayan na hiwalay sa kanyang ina. Tila isang anak na nasa hustong gulang na at naisipang bumukod sa kanyang mahal na ina. *** Narito ang tanong. Bakit nasabi ni Mendoza na anak ng Pampanga ang Bulacan samantalang batay sa pananaliksik na inilabas ng Bahay Saliksikan ng Bulacan noong 2006, ○













































































 mula sa pahina 2

ang oposisyon, kundi ang buong sambayanang Pilipino. Hangga ngayon, marami pa rin ang nangangamba kung matutuloy o hindi ang halalan sa 2010. Patuloy pa ring isinusulong ng mga mersenaryong nakararaming buwaya sa camara de respresentantes ang Cha-cha, at si GMA sa kabilang dako ay nagbubuhos ng panahon at

mejora sa Pampanga — palatandaang totoo ang hinala ng marami na nagbabalak si Aling Gloria na kumandidatong “delegado” sa Pampanga at manatili sa poder bilang Unang Ministro sa sistemang parliyamentaryong niluluto ng Malakanyang at ng Tonggreso sa sapilitan at binabrasong pagsusulong ng Chacha!

Mabuhay

JUNE 12 - 18, 2009 ○





























































































Forward to Basics  from page 3 Regarding Henry comes a scandal to us. Even if sin (i.e. any voluntary thought, deed and word against God and our neighbor) is not made public it is an obstacle to our loving God. By sinning we already cast the first mortal stone upon ourselves separating us from God. If our sin is unfortunately made known to others, – whether because of us or others have unjustly divulged it– then a second stone is cast upon others who are hindered because they are “scandalized” by what we have done. Then we can continue counting the stones cast as many others continue to spread the scandal, that is, take up more stones to throw at us. Our Lord sticks to the essential issues and not to the superficial accents of the scandal (i.e. looks, position, and the type of scandal). God’s main concern: He loves all men, wants all of them to be saved and therefore forgives them. Unlike our Lord, media like the Pharisees then, may appear to be campaigning for truth and justice. Instead, they have in fact given the public more stones to cast with. Some of these are: • a couple had sex and this was filmed without the consent of the other; • the video, now a hot pornographic clip, is available in the Internet and bootleg DVD stands; • the accused begs the public to understand that it was meant only for “private viewing”; • the victim is at a lost on how to go one living a decent life; • blah, blah, blah… From these barrage of stones, the viewer –like the lady in the barber shop– is led to rashly conclude: • it’s normal for people who aren’t married to have sex; • you can video sexual affairs as long as it’s for private viewing; • media “teases” the public by showing “blurry scenes” of the video, people then resort to “clearer versions over the net, With these confused and sad state of affairs the real issues are obscured: • fornication and adultery are always grave sins offending God and the very persons involved; • filming sexual acts, even among married couples, converts them into objects and their pro-creational act of love into something bestial; • viewing pornographic clips out of sheer curiosity is morally harmful and willful indulging in it is morally evil; • the media has the obligation to express the truth and uphold justice, but not at the expense of the involved parties and of society’s treasured values of intimacy, decency and modesty. Jesus forgives the woman and tells her to go and sin no more. He does not cast a single stone. Are we also determined to stick to the real issues without aggravating it more than it already is? Are we determined to uphold truth and justice in a way that our society and communities may become havens of true human love and selfgiving? *** I left the barber shop realizing that the scandal had also left a mark in me: a badly done haircut. ○



























Murmurings





























 from page 4

charged public is anticipating a host of other sex videos that will surely land in the open markets of Divisoria and Sta. Cruz. Some small-time perpetrators will again make money. The senate inquiries will go on and on. I saw a portion of the sex video from a lady friend’s cellular phone. I am afraid there are lots of Katrinas and Haydens (and the in-betweens) who are not celebrities but are wallowing in despair and silence over a personal tragedy that has not dawned on the consciousness of the public or caught the fancy of the esteemed halls of the Senate and House of Representatives. We are the sum of our actions. The act of taking delight in watching the sex videos is a form of perpetration. I liked the way Senator Miriam Defensor-Santiago said it, “guilty as charged”. We all are participants in this brouhaha and in every issue or controversy that we are fed with. If we see things in a different light, and if orators raise the level of discussion from banal to enlightening, we will be better off as thinking public who deserves more from our legislators. Boy Abunda and Kris Aquino in their Sunday gossip-entertainment program The Buzz were even more impressive who truly shed light on the convoluted subject that truly belongs to an entertainment show. Did I say celebrities grandstand too? Lights, camera, action! ○





















7

LINGGUHANG PILIPINO MULA PA NOONG 1980









Cebu Calling





























 from page 3

our words and actions, but also God’s. That’s how we are meant to be! On God’s part, everything has been provided for us to reach the goal. He always gives us his grace. He sends us the Holy Spirit, our sanctifier with his gifts and fruits, so that we can concur with God’s actions and designs. We’ve been given God’s word, a living and definite revelation so we can enter into the mind of God. We have been given the sacraments and the Church itself, so that God continues to be with us and in us in a very direct and abiding way while still journeying in this earthly life. We have to do our part to reciprocate God’s providence over us. We need to develop a theological mind, thinking always in terms of our faith, and not just with our reason and senses. We have to aim at nothing less than being contemplatives, able to see God in everything and everything through the eyes of God. I’m afraid we are still light years away from this ideal. But if we put our mind together, we can achieve what is really meant for us. We just have to be aware of what is involved and consistent in putting into action what we know and realize about our life, thanks to our faith, regardless of the difficulties and mistakes. Let’s live the life of God!

authority.” You may be talented, wealthy and famous, but without discipline, you are nothing. As author H. Jackson Brown Jr. reiterated, “Talent without discipline is like an octopus on roller skates. There’s plenty of movement, but you never know if it’s going to be forward, backwards, or sideways.” A good leader should also have the ability to influence others. “The key to successful leadership today is influence, not authority,” Kenneth Blanchard said. John Maxwell himself agrees: “Leadership is influence.” John D. Rockefeller was known for his amazing business success, but he had a greater reputation among those who knew him as being a man who motivated his people. He had a sincere appreciation for others and was willing to accept failure if an honest attempt had been made at success. When one of his partners, Edward ○

























Depthnews















































































































 from page 3

T. Bedford, failed in a business venture, which cost Rockefeller’s company a million dollars, Rockefeller responded with a statement that has become classic in business lore. He didn’t criticize Bedford because he knew he had done his best. He did, however, call Bedford to his office. “I think it is honorable that you were able to salvage 60 percent of the money you invested in the South American venture,” Rockefeller told Bedford. “That’s not bad; in fact, it’s splendid. We don’t always do as well as that upstairs.” A good leader is also good in motivating others rather than manipulating them. In his book, ‘Something to Smile About,’ Zig Ziglar gives us a thought-provoking comparison on both words: “Motivation occurs when you persuade others to take an action in their own best interests. Things such as people preparing their homework, accepting responsibility for ○

































their performance, and finishing their education are the results of motivation.” On the other hand, “manipulation is persuading others to take an action that is primarily for your benefit,” Ziglar explains. “Things such as selling an inferior product at an inflated price and working people overtime with no extra pay are examples of manipulation.” Walter Stevenson once pointed out: “If leadership is an art, then leaders are the artists, organizations are the easel, people are the canvas, ideas are the pigment, values are the frame, and vision is the thing that’s hung up at the gallery—the final outcome that’s so magical it tempts the audience to forget the messy process by which the result is fashioned, and lures them into a state of awe.” For comments, write me at [email protected]









































 from page 3

A bill changing the name of a barangay requires both Senate and House to vote separately. But for constitutional change,1190 punches an exception. This is constitutional gang-rape. “Attempted gang rape perhaps,” Ateneo’s constitutional scholar Joaquin Bernas wrote. “At best, 1109 was a solemn proclamation that the House of Representatives was ready to defy the Constitution. (It’d) push for revision of the Constitution without cooperation of the Senate.” Did 1109 cross a line in the sand? The “Hyatt Ten” mutiny and Cory Aquino’s demand that President Arroyo quit rocked Malacanang. The Catholic Bishops Conference refused to back calls for people to hit the streets. Not this time. Those “who wish to publicly protest against 1109 should ○













go on with their plan of mobilization,” CBCP president Angel Lagdameo said in a pastoral statement. “(This would) protect the common good and national interest … Express it in a peaceful nonviolent way. (Otherwise) we fall into the trap that will necessitate martial law again.” “We appeal to the House of Representatives not to pursue 1109,” the statement added “Let the 2010 election push through … If there should be Charter change, let it be after 2010, via a constitutional convention whose delegates are democratically elected by the people.” The stakes, however, are high. If 1109 succeeds, cha-cha will give congressmen a crack at extending their terms. It’d prolong President Arroyo’s lease on Malacañang, as well as her armor of immunity. The First Gentleman’s conjugal impunity will, ○

















Kakampi mo ang Batas mahigpit na pangangailangan. Ngunit di po mabenta ang lupa dahil pinag-iinteresan po ito ng aking tatay, mga kapatid niya na si Buena Javier Valle na nagmamay-ari ng lupa sa unahan, si Romeo Serrano dating may-ari ng lupa sa likuran na pagmamay-ari ko na po ngayon at ang mga pamangkin na nagtayo ng bahay sa lupa namin. Sabi po nina Eduardo Serrano Javier (tatay), Buena Javier Valle at Romeo Serrano na di namin maaaring ibenta ang lupa ng walang pahintulot nilang tatlo. Sa kundisyong kailangan magbigay ako ng ilang metro na daraanan ng nakatigil sa likuran. Gumawa po ng skecth ang tatay ko dahil wala pong titulo ang lupa at di rin po napa-approved ang tunay na sketch dahil sa itinakbo ang pera ng taong dapat na mag-sasaayos ng lupa. Ang di ko po nagustuhan ay 70 sq. m. lang po ang matitira sa 90 sq. m. na lupang nasa pangalan ko. Kahapon po nakasabay ko po ang kumare ko sa sakayan ng fx papuntang Taytay kung saan naroon ang lupang pinag-iinteresan. Sabi niya po na sinabi ni Buena Javier Valle na di sila papayag na mabenta ang lupa kung di po kami magbibigay ng ilang metrong space. Ang kabuuan po ng lupa ay 180 sq. m. 90 sq. m po kay Buena Javier Valle at 90 sq. m. po para sa akin (Rosanna Javier de Leon). Ano po at paano pong hakbang ang dapat kong gawin upang maisaayos ang lahat sa maayos at legal na pamamaraan. Dahil isa ko pa pong problema ang mga pirma ng mga testigo at matatandang dapat na pumirma ay matagal na pong patay sabi po ng isa sa mga pinsan ko. Tulungan niyo po ako na mabigyan ng hustisya upang panagutin at pagbayarin ang magkakapatid na nanloko sa aming magkakapatid at sa aming nanay. Lubos na gumagalang at nagpapasalamat Rosanna Javier de Leon. — [email protected]

Sagot: Maraming salamat din, Rosana Javier De Leon, sa e-mail na ito. Naririto ang aming mga sagot: Una, sinasabi ng Civil Code of the Philippines na ang isang may-ari ng lupa ay may karapatang gawin ang kanyang anumang nais gawin sa lupang kanyang pag-aari. Ito ay batay sa prinsipyo ng batas na nagsasabing ang isang may-ari ng anumang ariarian ay may absoluto at buongbuong karapatang magdesisyon kung ano ang kanyang gagawin sa kanyang





















pag-aari, basta’t hindi ito nakakapinsala naman sa karapatan at ariarian ng ibang tao. Dahil diyan, ipapayo ko sa iyo, Rosana, na ibenta mo kung nais mong ibenta ang iyong lupa (o lupang pag-aaari ng iyong kapatid na nagpapabenta sa iyo). Pangalawa, hindi totoong kailangang magbigay ng isang may-ari ng lupa ng bahagi ng kanyang pag-aaari upang gamitin itong right of way o daanan ng ibang tao. Sinasabi ng Civil Code of the Philippines na hindi pupuwedeng pilitin ang sinumang may-ari ng lupa na magbigay ng right of way, kung ang mga kondisyong nakasaad sa batas ay hindi maipapakita ng nagnanais kumuha ng right of way. Ang ilan sa mga kondisyong ito ay ito: kailangang wala nang iba pang dadaanan ang mga taong nagnanais gumamit ng right of way; kailangan ding magbayad ng upa o ng tuwirang halaga ng lupang gagamitin bilang right of way ang mga nagnanais

ipso facto, be stretched. “Happy days are here again.” Cha-cha, through 1109, offers a good “whipping boy”. But it guarantees more of the same oppression by the same oppressors. It won’t usher in radical social change, so glibly promised. Hidden hunger, skewed income, joblessness, population pressure, migration military unrest, insurgency to shoddy public services will fester. Will 1109 reach the Supreme Court, sooner rather than later? It’d be a court where majority of justices are Arroyo appointees. Will “utang ng loob” carry the day? Or will the justices share the vision of a Justice Hugo Black who wrote: “The constitution was not written in the sands to be washed away by each wave of (congressmen) blown in by each successive political wind.” ○







































 mula sa pahina 4

gumamit ng lupa. Pangatlo, walang pagbabawal sa isang may-ari ng lupa na magbenta ng kanyang lupa kung hindi pa siya nakakapagbigay ng right of way sa kanyang mga katabing may-ari ng lupa. *** PAALALA: Panoorin po si Atty. Batas Mauricio sa worldwide TV sa Internet, sa YouTube, metacafe at iGoogle, at pakinggan siya sa kanyang mga programa sa radyo: DZRB RADYO NG BAYAN 738 khz. Sa Luzon, Lunes hanggang Biyernes, ika-5:30 ng umaga (at sa www.pbs.gov.ph); DZRM RADYO MAGASIN, 1278 Khz. sa Luzon, Lunes hanggang Biyernes, ika-6:45 ng umaga (at sa www.pbs.gov.ph); DYKA 801 khz. sa San Jose, Antique (at sa www.wowantique.com, o www.kiniraya.com), Lunes hanggang Biyenes, ika10:00 ng umaga; at DYMS Aksiyon Radyo sa Catbalogan City, Samar (at sa www.samarnews.com), Lunes hanggang Biyernes, ika-11:00 ng umaga.

Mabuhay

8

JUNE 12 - 18, 2009

LINGGUHANG PILIPINO LINGGUHANG PILIPINOMULA MULAPA PANOONG NOONG1980 1980

Misteryosong sakit sa baboy nananalasa sa Bulacan NI DINO BALABO HAGONOY, Bulacan — Nangangamba ang mga “backyard hog raisers” sa bayang ito dahil sa pagkalat ng isang “misteryosong sakit” na naging sanhi ng pagkamatay ng kanilang alagang baboy sa mga nagdaang lingo. Para naman sa mga beterinaryo, ang naturang sakit ay ang porcine reproductive and respiratory syndrome (PRRS), at namigay na sila ng bakuna laban dito. Ayon kay Alberto Reyes ng Barangay Abulalas dito sa Hagonoy, tatlong inahing baboy niya ang agad na namatay matapos siponin at lagnatin, samantalang ang ibang baboy niya ay nanghihina. Sinabi ni Reyes na matapos magkasakit ang kanyang mga alaga ay hindi na kumain ang mga ito at namatay agad. Gayundin ang karanasan ng

iba pang backyard hog raisers sa bayang ito tulad ni Marciano Eugenio na ang bagong panganak na baboy at mga biik ay nangamatay din matapos magkasipon. “Hindi namin alam kung anong sakit ang tumama sa baboy namin,” ani ni Reyes at iginiit na maging ang ibang mas malalaking babuyan sa Hagonoy ay nangamatay din ang mga baboy. Ayon kay Reyes, inilibing ng ilan sa kanila ang mga namatay nilang baboy, samantalang ang iba ay ipinakain ang baboy sa mga sugpong pinalalaki sa palaisdaan. Sinabi nina Reyes at Eugenio na walang ipinagkaloob na bakuna sa kanila ang gobyerno kaya’t nanawagan sila upang tuluyang masugpo ang anila’y misteryosong sakit. Kinumpirma ni Dr. Manuel Francisco, ang nanunungkulang provincial veterinarian ng Bulacan, na nakatanggap sila ng ulat

na may mga kaso ng porcine respiratory and reproductive syndrome (PRRS) sa Hagonoy at maging sa Calumpit at Lungsod ng Malolos. “Ang Hagonoy ay may positive PRRS case at sa Calumpit may ilang ginagamot pero di pa alam kung PRRS nga,” ani Dr. Francisco. Ipinagmalaki niya na namahagi sila ng mga disinfectant sa mga backyard hog raisers at sinabi na ang mga bakuna ay ibinigay nila sa mga municipal veterinarian. Matatandaan na noong nakaraang taon ay daan-daang backyard hog farm sa Bulacan ang nasalanta ng PRRS na naging dahilan ng pagkakadiskubre ng ebola reston virus sa Pandi, Bulacan nang magpadala ang mga malalaking hog farm ng tissue sample ng mga nagkasakit na baboy sa mga laboratoryo sa

ALBERTO REYES MARCIANO EUGENIO Hindi namin alam kung anong sakit ang tumama sa baboy namin... ibayong dagat para suriin. Nitong Mayo, nasalanta rin ng PRRS ang mga babuyan sa 14 na barangay ng San Simon, Pampanga at ang sakit ay kumalat sa mga katabing bayan nito.

Agad namang namahagi ng bakuna ang mga beterinaryo sa Pampanga, ngunit kumalat na rin ang PRRS sa Bulacan dahil sa diumano’y “airborne” o natatangay ng hangin ang virus.

Related Documents

Mabuhay Issue 924
May 2020 15
924
October 2019 17
Mabuhay Issue No. 912
April 2020 10
Mabuhay Issue No. 913
April 2020 9
Mabuhay Issue No. 43
November 2019 16
Mabuhay Issue No. 909
December 2019 16

More Documents from "Armando L. Malapit"

Mabuhay Issue No. 920
May 2020 11
Mabuhay Issue No 30
October 2019 24
Mabuhay Issue No. 931
May 2020 14
Mabuhay Issue No. 35
November 2019 25
Mabuhay Issue No. 36
November 2019 16
Mabuhay Issue No. 41
November 2019 35