Kalagayan Ng Pag Aaral Kay Josr Rizal

  • Uploaded by: Jonela Irish Manjares Buensuceso
  • 0
  • 0
  • August 2019
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Kalagayan Ng Pag Aaral Kay Josr Rizal as PDF for free.

More details

  • Words: 5,065
  • Pages: 11
Kalagayan ng Pag-aaral Kay Jose Rizal Rodrigo Abenes, PhD Philippine Nornal University 5

10

15

20

25

30

35

40

Ang pag-aaral sa ugnayan ni Jose Rizal at sosyalismo bilang pilosopiyang panlipunan ay hindi maaring mapasubalian at ipagsawalang-bahala na lamang. Ang mga bagay na ito ay binigyan diin ni Elmer Ordonez (2011), sa kanyang artikulong pinamagatang “Rizal and Socialism” sa pahayagang Manila Times noong ika-7 ng Agosto 2011. Ayon sa kanya “In the wake of recent conferences/lectures on Jose Rizal, one theme about Rizal is worth revisiting—his encounter with socialism in all its hues in Europe and how he used it in his novel” (Sa kalagayan ng mga kamakailang konprehensiya at aralin kay Jose Rizal, isang paksa tungkol kay Rizal ay karapat-dapat lamang muling dalawin – ito ay ang kanyang pagmumuok sa sosyalismo at kung paano niya ginamit ang mga kaisipang ito sa kanyang mga nobela). Upang ito ay muling bisitahin kanyang binigyan pansin na ang kapanahunan ni Jose Rizal ay kapanahunan ng pamamayani ng Sosyalismong pananaw sa Europa noong mga huling sangkapat ng ikalabing siyam na siglo. Dito ay mababanaag na kanyang ibinatay ang pagtatanggi ng dalawang klaseng sosyalismo noong panahon na yaon: ang Utopian na Sosyalismo at Siyentipikong Sosyalismo. Sa huli ay kanyang hinuha na ang sosyalismong pananaw ni Rizal ay mas malapit sa Utopian na Sosyalismo batay na rin sa tauhan na si Simoun na isang “anarchist and putschist” Ang mga ganitong bagay ay mariing din binigyan diin ng mga kilalang mga dalubhasa na patuloy na nag-aaral sa kasaysayang ng Pilipinas at Rizal na sina Floro Quibuyen (1999) at Epifanio San Juan (2011). Ngunit ang dalawang ito ay masyadong naging mapagtanggi na ang nararapat gawin sa pag-aaral kay Rizal ay ang ugnayan ng siyentipikong sosyalismo na binalangkas ni Karl Marx (1818–1883) at Friedrich Engels (1820 – 1895). Ayon kay Quibuyen (1999) hindi malilinang ang radikal na tradisyon na naging dahilan nang pagkakakaisa ng ating mga kababayan, mga illustrado at mga katipunero, patungo sa pagpapanday ng bansang Pilipino at “we cannot do this, however, for as long as we are under the spell of Agoncillo’s and Constantino’s vulgar Marxism.” (Hindi natin maaaring gawin ito, gayunpaman, hangga’t nasa ilalim tayo sa baybayin ng bulgar na pagkamarkista nina Agoncillo at Constantino). Ang bagay din ito ay binigyan pansin din ni San Juan (2011). Ayon sa kanya “We need a historical materialist method to grasp the concrete totality in which the individual finds her/his effective place” (Kailangan natin ng isang makasaysayang materyalista paraan upang maunawaan ang pangkalahatang konkretong pag-unawa kung saan nakita ng indibidwal sa kanyang epektibong pagkakalagyan) (149) Dagdag pa niya “We need this dialectical approach to comprehend in a more all-encompassing way Rizal’s vexed and vexing situation, together with his painstakingly calculated responses – all cunning ruses of Reason in history. Such ruses actually register the contradictions of social forces in real life, reflected in the crises of lives in each generation.” (173) Sa lahat ng ito, marahil masasabi ng mga mambabasa na ang pag-aaral tungkol pangkalahatang layuning papel na ito ay sadyang nararapat at napapanahon na bigyan linaw at pansin. Ngunit bago iyon, bakit at papa-ano nga ba nag-umpisa ang ganitong 1

5

10

15

20

25

30

35

40

panawagan sa pag-aaral kay Jose Rizal? Ang mga bagay na ito ay nabuo sa napakahabang tradisyon at kamalayan na nag-umpisa matapos ang ilan lamang taon ng kamatayan ni Rizal sa Bagumbayan noong ika-30 ng Disyembre taong1896. Para mas mabigyan tayo ng linaw nais ko munang gumawa ng isang talaangkanang pagbababalangkas. Si Rizal ay itinuturing na isang dakilang ‘talinghaga’ (San Juan, 2011). Sa ganitong paglalalarawan gamit ang nabanggit na panaguri ay masasabing si Rizal ay isa rin dakilang misteryo na sadyang mahirap maarok, mahirap maintindihan at mahirap maunawaan. Ang ganitong pag-unawa ayon din kay San Juan ay matutunton sa mga puna at pintas ni Miguel de Unamuno (1868-1936), isang kilalang kastilang Pilosopo na naging kapanabayan ni Rizal bilang mag-aaral sa Pilosopiya sa Universidad Central de Madrid, sa kanyang sinulat na Epilogo sa Vida y Escritos del Dr. Rizal ni Wenceslao Retano (1862–1924). Ayon kay Unamuno, si Rizal ay hindi lamang isang Oriental na Quijote gaya ng sinabi ng huli bagkus “siya rin ay isang pinagsamang Quijote at Hamlet – isang Quijote sa pag-iisip na namuhi sa mga kalabisan ng katotohanan.” (Unamuno, 1991, 191) Nasabi niya ang mga ganitong bagay sapagkat siya ay sumang-ayon kay Retana na si Rizal ay isang Romantikong makata at idealista na nagdulot sa kanya upang maging mapangarapin at mapagduda. Dagdag pa niya: “Sa ganang akin, si Rizal na mapangaraping magiting ay isang kaloobang mahina at mabuway sa kilos at buhay. Ang kaniyang paglayo, ang kaniyang kakimian, ay makailang nagpapatunay ng kaniyang kababaang-loob na walang iba kundi isang pag-uugaling hamletiyana. Upang maging isang tunay na rebolusyonaryo ay kinulang siya ng pangkaraniwang pag-iisip ng isang Andres Bonifacio. Siya sa aking palagay, ay kimi at mapag-alinlangan.” (Unamuno,192) Ang mga puna at pintas na ito ay naka-ugat sa pag-unawa at pag-intindi tungkol sa pagtanggi, at hindi paglahok ni Rizal sa rebolusyon na pinangunahan ni Andres Bonifacio noong siya ay hiningan ng payo at binigyan ng abiso ng huli. Ang pagpaliwanag na ito ay natanto dahil sa pagtatangi ni Wenceslao Retana sa sigalot ng kaisipang repormista at kaisipang rebolusyunaryo. Ayon kay Quibuyen, si Retana ang kadahilanan kung bakit ang kaisipang si Rizal ay laban sa rebolusyon ay napalawig bilang maling kamalayan. Ang mga bagay na ito ay mauunalinagan sa Paunang salita sa El Filibusterismo ng huli sa pagsasabi na si Rizal ay walang iba kungdi si Ibarra ng Noli Me Tangere. Ito ay sinundan pa ng iba’t ibang pangunahing mga dokumento na nagpapatunay na si Rizal ay para lamang sa asimilasyong reporma. Ang mga bagay pang ito ay masidhing binigyan suporta nina John Foreman, isang Briton na manunulat, at Dr. Pardo de Tavera, isang kastilang manggamot. “These three writers shared a common view of Rizal as the multitalented, liberal and reformist intellectual who opposed Bonifacio’s uprising, but who was nonetheless, the most revered of all Filipino patriots.” (Quibuyen, 285) Ang pananaw na ito ang nagsilbing panuntunan ng mga Amerikano upang ideklara si Rizal bilang Pambansang Bayani ng Pilipinas. Kinailangan ito sapagkat noong panahon yaon namumuo at nag-aalab pa rin ang nasyonalismong pananaw na naiwan ni Rizal at Bonifacio. Upang magupo ang nasabing pananaw na hindi magiging maganda ang maidudulot sa panibagong pananakop ng mga Amerikano kanilang pinalawig ang inteprestayon ng tatlong manunulat upang ipaalam sa sambayanan Pilipino na si Jose 2

5

10

15

20

Rizal ang dapat tularan sapagkat hindi siya gumamit ng dahas para sa pakikibaka laban sa imperyalismo bagkus kanyang itinaguyod ang pagbabago sa pamamagitan ng edukasyon na sa panahon yaon ay ginagamit na bandera ng mga bagong kolonyalistang Amerikano. “Interestingly, the American authorities invoked Rizal’s name not only to convince the Filipinos of the justice and benevolence of their colonial policies but also to win approval for such policies in the U.S Congress.” Sa kadahilanang ito, mayroon pa namuong pangkatin sa akademikong pag-aaral kay Rizal. Ang pag-aaral kay Rizal bilang repormista at ang pag-aaral kay Rizal bilang isang radikal na rebolusyonaryo. Ang radikal na pagpapaliwanag ay muling binuhay ni Rafael Palma, isa sa mga mananalambuhay ni Rizal na sumulat ng “The Pride of Malay Race”, sa kanyang artikulong pinamagatang ‘Read Rizal’s Novels’ noong 1928. Ayon sa kanya (1991), mayroon dalawang bahagi ang dapat pag-unawa kay Rizal. Dagdag pa niya mali si Retana sa pagsasabi si Rizal ay hindi separista sapagkat kung ating susuriin ang kamalayan ni Rizal at ang kanyang pamukaw-siglang naidulot sa kanyang mga kababayang Pilipino ay hindi matatawaran at mapagdududahan. “We would have no hesitation in laying down the conclusion that in its plan and in its development it was entirely separatist.” (Palma, 1991, 233) Ang hinuhang ito ay kanya rin binigyan rin ng suporta base sa ilang pag-amin, pagpapaliwanag at paglilinaw ng kanyang mga malalapit na kaibigang sina Galicano Apacible at Jose Alejandrino. Ayon sa kanila: “One of the subjects which he frequently discussed with us was the means of which we could avail ourselves to promote revolution in the Philippines, and he expressed his ideas on this matter in these similar words: “I will never head a revolution that is preposterous and has no probability of success because I do not like to saddle my conscience with reckless and fruitless bloodshed; but whoever may head a revolution in the Philippines will have me at his side”.

25

30

35

40

Ang sigalot ng reporma at rebolusyon ay muling binigyan ng bagong anyo at kulay ni Claro M. Recto (1890-1960) sa pagdagdag ng sigalot ng mga kaisipan nina Rizal at Bonifacio sa kanyang klasikong talumpati noong 1958. Ang nasabing talumpating pinamagatang “Si Rizal, ang makatotohanan, (The Realist) at Bonifacio, ang mapangarapin (The Idealist) ay inilahad ng magating na senador gamit ang wikang Filipino. Ang nasabing talumpati sa pamagat pa lamang ay animo’y nag-uudyok ng talumbalikang pananaw sa kadahilanan na “…nananatili na sa paniwala ng sambayanan na si Rizal ang utak, at si Bonifacio ag naging bisig ng Himagsikan; na si Rizal ang umisip, at si Bonifacio ang nagsagawa ng napalaking kilusan iyon na nagbunga ng ating paglaya at pagsasaliri.” (Recto, 1991, 243) Ngunit binigyan diin niya na ang kaisipan yuon na sa aking palagay ay hindi niya binigyan ng linaw kung bakit gay-on. Sambit niya ang nasabing pamagat ay hindi sadyang kabaligtaran sapagkat kung ating masidhing susuriin si Rizal ay sadyang realista sapagkat nakikita niya na sadyang uusad at mangyayari ang rebolusyon inaaasam ito ay maliwanag na pinakita ni Rizal sa pamamagitan ng mga pag3

5

10

uusap at ideya ng tauhan sa kanyang dalawang nobelang Noli at Fili. At sa huli si Bonifacio ay ang mapangarapin na tapusin at wakasan ang kalapastanganan ng mga mananakop ngunit ang pangarap na iyon ay kanyang agaran binigyan ng paggawa at pagkilos na gaya ng ginawa ng mga tauhan sa Bibliya na sina David, Moises, Colon, Samson, labindalawang apostoles ni Hesus. Ayon kay San Juan bagaman walang linaw at sadyang walang matibay na katawan ng katotohan ang nasabing akda, si Recto ay walang kadududang nagnanais pukawin ang nasyonalismong nagsadlak sa nakakaramarim na makabanyang pananaw na dulot ng patutuloy na dikta ng bansang Amerika sa ekonomiya at polisiya ng Pilipinas. “Obviously Recto was setting up a model of antithetical world views or epistemes neither of which can be distilled in complex personalities like Rizal or Bonifacio.” (2011, ix) Sa huli ay inudyukan ni Recto ang kanyang mga kababayan labanan ang makabagong imperyalismo gamit ang pananaw ni Bonifacio. Ika niya: “Mangarap tayong katulad ni Bonifacio, at ipagpapatuloy natin ang pakikipaglaban sa pagtubos ng lubusan sa ating lahi sa kanyang bagong kaalipinan, huwag tayong padadala sa sindak at agam-agam sindak at agam-agam kahima’t sa ating paglalakbay ay sisasagupa tayo ng masasasal na mga daluyong. Hindi lahat ng pangarap ay nagkakatotoo, Ngunit ang mga kababalaghanng pangyayari sa mundo ay nalikha ng mga mga mapangaraping katulad ng dakilang Anak-Dukhang si Andres Bonifacio.” (Recto, 1991, 262)

15

20

25

30

Ang mga bagay na ito ay sinundan at binigyan din ng panibagong mukha ni Teodoro Agoncillo (1912–1985) sa kanyang mga akda na The Revolt of the Masses (1956), at Prelude to 1896 (1974). Sinabi ni Agoncillo na ang mayroon mas malalim na kadahilanan sa sigalot ng reporma at rebolusyon sapagkat nakapapaloob dito ang sigalot ng labanan ng mga klase, - ang sigalot ng ilustrado at masang Pilipino. Magugunita natin na hindi siya sumang-ayon kay Claro M. Recto na ang kilusan ng reporma ay humantong sa kaisipan rebolusyon ng 1896 kagaya ng kanyang sinabi sa kanyang talumpati sapagkat ayon sa kaya ito ay hindi nakabatay sa makasaysayang katotohan. Ang katotohan ay: “First the reformists were not for independence but for making the Philippines a province of Spain. Second, the reformists were not anti-spaniard or anti-Spain but only anti-friar and, consequently, for the repatriation of the friars to Spain. Third, the reformists did not believe in armed revolution. This was dramatized by Rizal in his El Filibusterismo and in his “Manifesto to the Filipino People” which he issued while he was a prisoner in Fort Santiago prior to his execution. Finally, the revolution, when it exploded, was denounced by the intellectuals and the wealthy. This was dramatized by Antonio Luna who denounced

35

40

4

the Katipunan and the revolution that the Society initiated. Against these facts, I do not see any validity in the traditional interpretation that Reform Movement led to the Revolution. If at all, it delayed the coming of the Revolution.” 5

10

15

20

25

30

35

40

Dagdag pa niya, ang hindi pagsang-ayon ni Rizal ay bunga ng kanyang burgis na interes dahil kung matatanto ang rebolusyon, ang kanyang klase ay maapektuhan ng ganitong mga pangyayari. Samakatuwid, binigyan diin dito ni Agoncillo ang pangunahin labanan at sigalot sa pagitan ng mga gitnang uring mga repormista at ang tunay na rebolusyonaryo na alingsunod na kinakatawan ni Jose Rizal sa kanyang pagsali sa La Solidaridad at pagtatag ng La Liga Filipina at Andres Bonifacio sa kanyang Katipunan. Upang masagot ang sigalot na iniwan ni Teodoro Agoncillo, minarapat naman ni Ricardo Pascual (1912-1985) at ni Cesar Adid Majul (1923-2003) na balangkasin at buuin ang mga akda ni Jose Rizal sa pamamagitan ng paglalahad ng pilosopiya nito. Sa puntong ito natanto nila ang ganitong mga bagay sapagkat batid nila na noon kanilang panahon ay napakarami na mga akdang patuloy na nagpapatungkol sa talambuhay sa ating dakilang bayani ngunit “…few have attempted to delve into the depth of Rizal’s intellectual contributions even in the face of a long felt need for a firm and a definite basis to serve as anchorage of the nationalist movement…. But of the analysis of his philosophy… we there has herefore no complete study of the philosophy of Dr. Jose Rizal” (1962, x - Preface) Sa kanyang Paunang Salita sa kanyang akdang pinamagatang The Philosophy of Rizal (1962) pinuna ni Pascual ang mga pintas ng ilan sa pag-unawa kay Rizal bilang Ibarra. Batid niya na sadyang napakahirap pag-aralan ni Rizal sapagkat napakaraming tauhan ang kanyang ginamit upang ilahad ang kanya kaisipan sa kanyang dalawang nobela. Sabi, niya, ang mahirap dito ay papaano natin malalaman ang kay Rizal mismo. Upang bigyan ng kalutasan ang nabanggit kanyang pinasimulan ito, sa mismo mga sulat ni Rizal kay Barrantes na inilimbag sa La Solidaridad noon Pebrero 1890, ayon sa kanya sinabi mismo ni Rizal na ang ideya ni Ibarra ay hindi palaging tumutugma sa kanyang ideya. Dagdag pa niya na dapat maging gabay ng mambabasa na ang mga salita ng mga tauhan ay kung ito ay suportado ng pahayag ng katotohan ng may akda. Kung gayon, binigyan pansin ni Pascual na sa pag-aaral kay Rizal nararapat lamang na tingnan din mabuti ang kanyang ibang mga sinulat kagaya ng kanyang personal na sulat, artikulo, sanaysay at ilang mga libro. Para mas maging mainam ang pagsasaliksik kanya ito minarapat na siyasatin sa orihinal na akda na ang karamihan ay nakasulat sa wikang Espanol. Ang malawakang saklaw ng kanya mga puna ay makikita sa kanyang artikulong Rizal’s Philosophy of History na kanyang inilahad noong 1961. Ayon kay Pascual (1991), ang pag-aaral sa mga nobela ni Rizal gamit mismo ang kanyang pilosopiya ng kasaysayan ay magandang pamamaraan upang ito ay maging aralin-panlipunan na tumitingin sa pagyabong ng Pambasang komunidad ng Pilipino. Upang ito ay makuha kanyang binigyan pansin ang mga pag-aaral ni Rizal sa kasaysayan tulad ng kanyang edisyon sa Morga’s Sucesos de Las Filipinas, Filipinas Dentro de Cien Anos, La 5

5

10

15

20

Indolencia de los Filipinos at ang sikat na sulat niya sa mga kababaihan sa Malolos. Sa ganitong pagpapanaya kanya binanggit na “Rizal would belong more to the tradition of philosophers of history rather than that of historians” (1991, 301). Gamit ang mga nabangit na akda kanyang hinuha na ang pilosopiya ng kasaysayan ni Rizal ay kanyang tinawag na “cultural interpretation of history”. Dito ay nakapaloob na mas mataas na antas ng pang panlipunan paggalaw at pwersa kaysa sa mga indidwal na pananaw. Upang mas malinaw na maipaliwag ang nasabing pagtingin sa kasaysayan, minarapat ni Pascual na ikumpara ito sa pilosopiya ng kasaysayan ni Karl Marx. Sa kabilang banda, upang mabigyan ng kalutasan ang iniwan na sigalot ni Agoncillo pinilit balangkasin ni Cesar Adid Majul ang pilosopiya ni Rizal gamit ang kaisipang ng Enlightenment na ang isa sa kinatawan ay si Jacques Rousseau. Ayon kay Majul, ang hindi pagsang-ayon ni Rizal sa rebolusyon ay sapagkat ang pilosopiyang pampulitika ng huli ay kagaya ng una. Nakikinita ng una na ang isa sa mga pangunahing kailangan bago ang rebolusyon ay ang magkaroon muna ng tinatawag national sentiment o pambansang malasakit. Upang ito ay mas maunawaan, inilahad ni Majul ang ilan sa mga tauhan sa Noli at Fili gaya nina Donya Victorina, Basilio, Senor Pasta at Simoun. Ayon sa kanya ang mga tauhan na ito ay ang mga tao na tanging sariling ikakabuti lamang ang iniisip gaya ng mga tao noon panahon ni Rizal. Kaya upang maimulat ang makabansang kamalayan sinulat ni Rizal ang kanyang edisyon kay De Morga upang ipakita na mayroon na na sariling pagkakakilanlang ang mga katutubo o indio bago pa man dumating ang mga mananakop. At sinundan pa ito ng pagkakatatag ng La Liga Filipina na ang pangunahing layunin ay ang mapag-isa ang buong kapuluan para maging isang bansa. Kaya ganun na lamang ang paniniwala ni Majul na:

25

“Rizal’s concept of national sentiment brings to mind Rousseau’s notion and theory of the general will…. Like Rousseau, Rizal presented a deliberate attempt to bring about social situation where justice and utility would ultimately coincide. In the case of Rizal, there was national sentiment in objecting to any form of injustice even if it did not directly concern the objector.” (1991, 271-273).

30

35

40

Matapos ang pag-aaral na ginawa nina Pascual at Majul gamit ang pamimilosopiyang pamamaraan bilang disiplina sa pag-unawa sa kay Rizal, sinundan ito ay iba’t iba pamamaraan gamit ang panitikang pagpipintas. Ang mga ito ay pinanguhan nina Nick Joaquin at Renato Constantino. Ang mga manunulat na ito ay gumamit ng iba’tibang lente sa pagbasa tungkol sa ating Pambansang Bayani. Sa akda ni Nick Joaquin (1917–2004) noong 1965 na pinamagatang Why Was the Rizal Hero A Creole? (1965), kanyang pinasiyahan ang pagtatanong kung bakit ang pinili ni Rizal ang Creole na si Ibarra bilang kanyang bayani at pangunahing tauhan sa kanyang mga nobela na Noli at Fili? Aniya ang ganitong hakbangin ni Rizal ay nagpapatunay lamang na ang ninanais ni Rizal ay ang hindi rebolusyon na pinangunahan ni Andres Bonifacio, “he was not looking forward to 1896; he was looking back to 1872 and all its subsequent repercussions.He 6

5

10

15

20

25

30

35

was chronicling the Creole revolution in the Philippines.” (Joaquin, 1991, 366) Ano nga ba ang ibig sabihin ng ganitong mga bagay? Para mas maunawaan ang kanyang artikulo, nais ko muna ilahad ang pagkakapangkat-pangkat ng tao noon panahon ng pananakop ng mga kastila. Matatandaan na ito ay ang mga sumusunod: peninsulares – ‘,mga kastilang pinanganak sa Espanya’, Insulares – ‘Mga kastilang pinanganak sa Las Islas Filipinas, Creole - ‘Mga tao na dulot ng asawahan ng mga kastila at katutubo’ at Indio – ‘katutubo’. Sa kanyang pagbasa makikita kung gayon na si Ibarra ay isang Creole na na nangunang upang ipaglaban ang reporma ngunit matapos ang pagkadismaya sa sistema ay lumaban sa katauhan ni Simoun upang pangunahan ang rebolusyon pakikibaka. Ngunit hindi ito hinayaan ni Rizal magtagumpay sapagkat ayon kay Joaquin bilang Creole na mayroon sariling interes ukol sa kanyang estado sa lipunan, ito ay nasa binggit ng pag-aalinlangan kung paano sasayaw sa dalawang nag-uubugan bato – ang labanan ang peninsulares at indio. Ang nasabing pintas ay sinundan pa ang panibagong pagpuna gamit ang Markistang pagbasa na pinangunahan ni Renato Constantino (1919-1999) sa kanyang akdang Veneration without Understanding (1970). Ang kanyang Markistang pagpipintas ay nakaugat sa pagtingin sa tunggalian ng mga klase sa lipunan o class struggle. Ang nasabing akda ang itinuturing na pinakatuktok na pintas tungkol kay Rizal sapagkat ito ay nag-iwan, ayon sa ilang mga komentador, ng pangmatagalan suliranin o ‘perennial dilemma’ na: “Either the revolution was wrong, yet we cannot disown it; or Rizal was wrong, yet we cannot disown him either.” (Constantino, 1991, 406). Ang nasabing suliranin ay natanto sapagkat ipinakita ni Constantino na ang pagiging pambansang bayani ni Rizal dulot lamang pagtataguyod ng mga Amerikano noong panahon ng kanilang pananakop. Kaya ganun na lamang ang kayang matinding paglalahad sa panimula ng kanyang akda, ayon sa kanya sa mga nasyon at mga bansa, ang mga pambansang bayani ay lider ng rebolusyon subalit sa atin ngunit bakit ang “our national hero was not a leader of revolution. In fact, he repudiated that Revolution. In no uncertain terms he placed himself against Bonifacio and those Filipinos who were fighting for the country’s liberty.” (Constantino, 1991, 405). Dagdag pa niya, wala pa halos na malawak na pagtatasa ang nagagawa sa nasabing katanungan bagkus ito pa ay naging sanhi ng kahihiyan sa pagtatangi na si Rizal ay pinakadakila at dalisay na sagisag ng rebolusyong pakikibaka. Sa paglalahad ng kanyang mga pintas binigkas ni Constantino na ang kadahilanan ng pagtatangi ni Rizal sa rebolusyon pakikibaka na pinangunahan ni Bonifacio ay dahil sa kanyang ilustrado interes lamang. Bilang ilustrado, bilang gitnang uri ng klase sa lipunan si Rizal ay nagnanais lamang ng reporma na hindi naman ulirang nagtataguyod ng nasyonalismong adhikain sapagkat ang kanyang hinihingi pagbabago ay Espanisasyon. “Hispanization became the conscious manifestation of economic struggle, of the desire to realize the potentialities offered by the period of expansion and progress. Hispanization and assimilation constituted the ideological expression of economic

40

7

motivation of affluent indios and mestizos.” (Constantino, 1991, 414) 5

10

15

20

25

Kung gayon makikita natin na ang hinahangad ni Rizal ay maiangat ang estado ng mga indio sa libel ng Espanisasyon ng mga peninsulares at para makimit ang inaasamasam na mithiin at layunin ang Las Islas Filipinas ay dapat maging probinsya ng Espanya. Sa madaling salita, ang kanyang inaadhika ay maka-Creole na pananaw gaya ni Ibarra na nabanggit ni Joaquin sa kanyang pintas kay Rizal. Kaya ayon kay Constantino ay pananaw at ginugusto ni Rizal na pagbabago ay limitado lamang sapagkat mas ninanais niya maging bahagi ang Pilipinas ng inang Espanya at hindi magkaroon ng sariling pagkakasarinlan. Magugunita natin ang mga bagay na ito ayon sa kanya sa kanyang mga akda sa La Solidaridad at sa huli sa kanyang Manifesto na sinulat noon siya ay nililitis sa kasong sedisyon at rebelyon. Kaya ganun na lamang ang kanyang pintas at pagpuna sapagkat sinabi niya na ang hindi pagsang-ayon at pagsali ni Rizal sa rebolusyong pinasimulan ni Bonifacio para magbuo ng nasyon Pilipino ay dahil sa kanyang pagiging burgis na ilustrado. Kaya ganun na lamang ang hinuha ni Constantino na ang karamihan sa mga Pilipino ay may sala sa pagpipitaganan kay Rizal na walang pagkakaunawa. Sa ganitong punto na pinasimulan ni Constantino gamit ang Markistang pagpipintas ay nag-umpisa sa pagsasaalang-alang ng relasyon ng relasyon o ugnayan ng Markismo at Rizal. Ang ganitong klaseng pag-iisip o kaisipan ay sinundan ng ibang Pilipino mananalaysay na mayroon Markistang pananaw para pag-aralan at muling pahalagahan si Rizal sa pagpapalagay sa kanya sa ika-19 siglo sa Europa. Ang mga pangkat na ito ay nahahati sa mga sang-ayon at sa mga hindi sang-ayon tungkol kay Rizal. Sa pagkakagusto nilang pag-ampatin ang Markismo at Nasyonalismong Pilipino, ang ilan sa mga Markistang manunulat ay humanap ng panibagong bayani na alinsunod sa Markismong pananaw. Ang mga hindi sang-ayon ay naghinuha na iniwaksi ni Rizal ang Markismo na noon panahon na na ito ay laganap sa Europa noong siya ay nandoon pa.

30

“…Rizal missed completely the most advanced; the most scientific thought which at that time had already started to ‘haunt Europe’. Classes and the class relations which were already known in the most advanced countries of Europe… did not seem to have touched the inquiring mind of sensitive an intellect as Rizal.” (Lansang, 1971, 10)

35

40

Ito ay sinuputahan ng kilalang kolumnista at mananalaysay na si Ambeth Ocampo bagaman ang hindi pagpapalit ng pambansang bayani. Ayon sa kanya, “Some scholars wonder why Karl Marx does not figure in Rizal’s writings. Since there are no references to Marx even in his letters and diaries, some scholars criticize Rizal for not reading Marx. I have always maintained that Rizal shouldn’t be blamed for what he did and did not read. At the time Luna sent his recommended reading, Rizal was already working on “El Filibusterimo” where he continues where “Noli me tangere” left off. Here Rizal also 8

comments on the social condition in his own way.” (Ocampo, 2008, 1) Dagdag pa niya kung nabasa ni Rizal si Marx, mayroon tayo panibagong pag-uusapan. 5

10

15

20

Tangi pa riyan, ang iba naman ay nagsabi na hindi lamang tinanggihan ang Markismo kung hindi rin ang rebolusyon ng masang Pilipino dahil siya ay nasa itaas na klase ng lipunan. Sa ganitong bagay, itinuring si Dr. Jose Rizal ng Partidong Komunista ng Pilipinas bilang taksil sa Pilipinong sambayanan dahil panawagan ni Rizal na ilapag ang kanilang mga armas ilang araw bago siya barilin sa Bagumbayan (Saulo, 1990). Ang mga pananaw na ito ay isinaalang-alang ng mga mananalaysay na mayroong Markistang pamimihasa na inilarawan si Rizal bilang isang burgis na palaisip na nagtatwa ng proletaryong rebolusyon. Sa kabilang banda, ang mga sumasang-ayon ay nagsabi na hindi na natin kailangan humanap pa ng panibagong bayani na aakma sa Markismo dahil hindi niya ito tinanggahan at iwinaksi sapagkat kung tayo ay “…look closely at the Noli and Fili; the class struggle is very much their theme though not as proletariat versus capitalist class. What were the Spanish Friars and hierarchs if not the exploiters and the Indios the exploited?” (Jose, 1999, 78) Ito ay sinuportuhan ng kilalang iskolar na si E. San Juan, Jr. Ayon sa kanya, si Rizal ay naimpluwensyahan ng Markismo sapagkat siya ay nagpakita ng matalas na diyalektong materyalistang pakiramdam. Dagdag pa niya na ang posibilidad na pagkakaroon ng impluwensiya ng Markismo ay dahil sa: “Europe was the arena of battle, but more specifically Spain. During Rizal’s first sojourn in Europe (1882-1887), social ferment was quietly taking place between the dissolution of the First International Working Men’s Association in 1881 and the founding of the Second International in Paris in July 1889 with Marxism as its dominant philosophy. Marx died in 1883. Meanwhile two volumes of Capital have been published and were being discussed in Europe during Rizal’s first visit to Paris. Engels was still alive then, living in London when Rizal was annotating Morga’s Sucesos at the British Museum in 18881889. During his second sojourn (1888-1891), Rizal completed El Filibusterismo published in Ghent, Belgium, in 1891. Engels’ writings, in particular Anti-Duhring (1877-1878), have been widely disseminated in German periodicals and argued over. Given his numerous visits to Germany, Austria, France, Belgium, England, and Spain, and his contacts with intellectuals (Blumentritt, Rost, Jagor, Virchow, Ratzel, Meyer, aside from the Spaniards Morayta, Pi y Margall, Becerra, Zorilla, and others), it was impossible for Rizal to escape the influence of the socialist movement and its Spanish anarchist counterpoint. Indeed, a letter (dated 13 May 1891) by his close friend, the painter Juan Luna, conveyed Luna’s enthusiasm over Le socialisme

25

30

35

40

9

contemporaine by E. de Laveleye, “which is a conflation of the theories of Karl Marx, La Salle, etc; Catholic socialism, the conservative, evangelical…which stresses the miseries of contemporary society.” 5

10

15

20

25

30

35

40

Ang ganun kapaligiran ay pinatunayan ni Bonoan sa kanyang akda na pinamagatang The Rizal-Pastells Correspondence: The Hitherto Unpublished Letters of Jose Rizal and Portions of Fr. Pablo Pastell’s Fourth Letter and Translation of the Correspondence, together with a Historical Background and Theological Critique (1994). Bagaman hindi niya binanggit ang tungkol sa impluwesiya ng Markismo at sosyalismo kay Rizal, binanggit niya na “the truth is that Rizal’s European experience brought about a profound and radical change in his approach to his country’s problems as well as in his general outlook in life.” (Bonoan, 1994, 17) Ngunit ang mga bagay na ito ay matinding kinalatis ni Ramon Guillermo sa kanyang artikulong Moral Forces, Philosophy of History and War in Jose Rizal (2011). Hindi siya sumang-ayon sa mga sinabi ni E. San Juan, Jr sapagkat ayon sa kanya ang mga bagay na ito ay walang tekstong basehan at batayan ngunit kaya pa rin pinasubalian na “it was impossible for any intellectual worthy of the name in the late-nineteenth-century Europe to have escaped either a positive or negative ‘influence’ from the socialist and anarchist movements of the time, but this notion of ‘influence’ is surely too broad to give any genuinely productive insight into specific questions of intellectual history.” (Guillermo, 2011, 3) Upang pabulaanan ang mga palagay ni San Juan nagsagawa siya ng pag-aaral sa posibleng “… source for Rizal’s historical categories may ultimately be traced to the tradition of German historicism and, in particular, to the military theorist Carl von Clausewitz.” (Guillermo , 1) Kanya itong pinatunayan sa pag-imbestiga sa pamamagitan ng paghahanap sa akda ni Rizal noong 1890 na pinamagatang “The Philippines A Century Hence”. Ngunit sa huli ay lumabas sa kanyang hinuha na “The argument for a Clausewitzian influence in Rizal’s conception of the historical process based on a conceptual concordance may be too striking to be a simple matter of chance. The commonality in terminology and their specific deployment in argument is sufficiently close to say that, from the point of textual statistics, this kind of con cordance could almost be considered an improbable coincidence.” (Guillermo, 14) Ang ganitong mga bagay at hinuha ay masidhing pinabulaanan ni San Juan sa kanyang personal na email sa manaliksik sapagkat ayon sa kanya ang ganitong konklusyon ay nakakalinlang sapagkat ayon sa kanya “confining oneself to Clausewitz in understanding Rizal is a dead-end since Clausewitz is just a symptom of the whole technocratic, narrow rationalist view of his society and period. Somewhere I also said that Rizal is lilmited precisely by his education, social environment, circle of fiends, and the intellectual milieu of that time.” (San Juan, 2012, 1) Kaya sa ngayon, ganun na lamang ang naging paanyaya ni Ordonez na muling bisitahin ang ugnayan ng sosyalismo at pampulitikang-panlipunan pilosopiya ni Rizal. Ayon sa kanya: “In the wake of recent conferences/lectures on Jose Rizal, one theme 10

about Rizal is worth revisiting – his encounter with socialism in all its hues in Europe and how he used it in his novels” (2012, 1) 5



11

Related Documents


More Documents from "Jun Tabac"