KASAYSAYAN NG AYABANG LEON CHAPTER I Panimula Ayon kay Fr. Jose J. Arcilla, SJ, isang propesor, ang mga estudyante ng kasaysayan ay dapat gumugugol ng ors upang masusing maunawan ang mga pangyayaring nakalipas. Dagdag pa niya na kapag nabatid na ito ng mga estudyante, maiuugnay niya sa iba pang pangyayari ahng isang pangyayari na bahagi ng pangkalahatang kasaysayan. Ayon naman kag Gat Jose Rizal, nais niyang maikintal ang pagpapahalaga sa kasaysayan bilang kasangkapan sa pagsulong ng nasyonalismo na nasasalamin sa mga kataga na, “Ano ka sa hinaharap; ang taong walang personalidad, ang bayaning walang kalayaan, ang lahat ng sayo ay hiram kahit ang iyong mga kahinaan.” Ayon kay Propesor Teodoro Agoncillo, isang historyador ang pakikinanlan sa sarili at sa bansa ang halaga ng kasaysayan. Ayon naman sa kilalang pilosopo na si George Santayana, ang pag-aaral ng kasaysayan ay nagsisilbing gabay ng mga tao sa kinabukasa. Ipinararating ng pilosopo na makatutulong sa tao ang pag-alam sa nakaraan upang maiwasan na ang kamalian noon at mqakatulong sa pagbuo sa wastonh hakbang para sa kinabukasan. Ginawa naming ang pag-aaral na ito upang malaman ng mga bagong henerasyon ngayon lang umusbong ang baryo ng Ayabang sa Leon. Upang malaman kung ano ang nakatagong kwento sa likod ng mga naninirahan dito kung tinawag na Ayabang ang kanilang lugar.
Paglalahad ng Suliranin Ang pag-aaral na ito ay layuning alamin kung ano ang kasaysayan ng Brgy. Ayabang, Leon. Upang alamin kung ano ang kasaysayan ng kanilang lugar, sasagutin ng mga taong naninirahan doon ang aming mga katanungan. 1. Sino ang mga unang tao na nakadiskubre sa baryo ng Ayabang? 2. Saan nanggaling ang pangalang Ayabang? 3. Bakit tinawag na Brgy. Ayabang ang lugar? Kahalagahan ng Pag-aaral Ang pag-aaral na ito ay nagtatalakay tungkol sa kasaysayan ng Ayabang, Leon. Ang nasabingn pananaliksik ay tungkol sa kung saan nanggaling ang Brgy. Ayabang kung bakit ito tinawag na Ayabang. Ang isinagawang pag-aaral ay maaring makapagbigay ng sapat na impormasyon sa mga tao na naninirahan sa Brgy. Ayabang upang malaman sa mga taong nagtataka kung bakit tinawag na Ayabang ang nasabing lugar. Dahil sa kasalukuyan na panahon importanteng malaman nila ang kasaysayan ng baranggay Ayabang upang hindi nila ito makakalimutan. Makikita sa pananalikliksik kung saan nanggaling ang Brgy. Ayabang, kung sino ang nakadiskubre at kung paano tinawag na Ayabang ang lugar. Makukuha nila sa pagaaral na ito ang impormasyon sa pagsasagawa ng surbey at mga tamang paraan sa
pagkakaroon ng isang pananaliksik. Makikita dito kung gaano ka importante ang kasaysayan ng Brgy. Ayabang. Sa panaliksik na nais isagwa ng aming grupo na malaman at makuha ng impormasyon tungkol sa kasaysayan ng Ayabang. Dahil ang resulta ng akademikong pag-aaral ay para makapagbigay impormasyon sa mga taong naninirahan sa lugar at pati narin sa mga taong gusting malaman ang kasaysayan ng Brgy. Ayabang. Inaasahan sa pag-aaral na ito ay makatulong upang makabigay ng impormasyon at upang hindi makalimutan ang Brgy. Ayabang at tumatak ito sa isipan ng mga tao at hanggang sa susunod na mga henerasyon. Saklaw at Hangganan Ang pag-aaral na ito ay isang kwalitatibong pananaliksik. Ang sakop ng pag-aaral na ito ay naglalayon na alamin ang kasayaan ng Ayabang at ang mga kalahok ay mga matatandang may kaalaman kung ano ang Kasaysayan ng ng nasabing lugar. Katuturan ng Katawagan Kasaysayan. Ang kasaysayan ay ang pag alaala sa petsa, pangalan ng mga tao o mga lugar at mga pangyayari sa nakalipas. Ang kasaysayan ay nanggaling sa salitang ugat nay “saysay” na ang ibig sabihin ay halaga. Sa madaling salita ang kasaysayan ay paglalahad ng mga pangyayaring may saysay o halaga.